KARGA-KARGA ni Calyx si Seth habang naglalakad sila papasok sa bahay. Mula nang lumabas sila sa ospital, hindi na nagpababa si Seth kay Calyx. Si Etheyl na ang nagmaneho ng kotse ng binata dahil panay ang lambing ni Seth dito.
Hanggang sa makapasok sila sa kanilang bahay ay hindi pa rin maalis ni Etheyl ang mga mata kina Calyx at Seth.
There was joy in her heart, but there’s also sadness.
Ngayon lang naisip ni Etheyl na gusto talaga ni Seth na magkaroon ng ama. She could see how Seth clung to Calyx’s neck. Panay ang paglalambing ng anak niya sa binata. Si Calyx naman ay halatang natutuwa.
Nag-request ang binata na huwag sabihin kay Seth ang totoo pero umayaw siya. But seeing her son happy, she didn’t have the heart to snatch away the happiness from Seth. Hindi niya kayang saktan ang anak. Ngayon lang niya nakitang ganito kasaya si Seth. Gustong sabihin ni Etheyl ang totoo sa anak, pero tuwing nakikita niya ang masayang ngiti sa mga labi nito, hindi niya magawang sabihin dito ang katotohanan.
Naduduwag siya na baka masaktan ang anak na siyang iniiwasan niyang mangyari.
“Tapos? Nakailang star ka naman sa school?” Narinig niyang tanong ni Calyx sa anak niya habang nakaupo ang dalawa sa sofa at nakakandong sa hita ng binata ang bata.
Ipinakita ni Seth ang kamay at itinuro ang pulsohan. “Daddy, dito nilalagay ni teacher ang stars ko. Kaya lang binura na ni Mommy noong naligo po ako.”
Calyx faked a gasp of horror. “Binura ni Mommy?! Bakit niya binura? That’s a star at pruweba `yon ng katalinuhan mo!”
Humagikgik si Seth. “Oo nga, Daddy, eh. Sabi kasi ni Mommy, dirty `yon sa skin. `Tapos alam mo po, Daddy, alam ko na kung paano isulat ang pangalan ko.” May pagmamalaki sa boses ng bata. “`Tapos alam ko na kung paano magbilang mula one to twenty,” excited na kuwento nito.
Nakangiting ginulo ni Calyx ang buhok ni Seth. “Talaga? Wow naman. Ang galing. Gustong makita ni Daddy kung talagang marunong ka na ngang magsulat ng pangalan mo. Puwede ba, kiddo?”
“Yes po!” Biglang umalis sa pagkakaupo si Seth kay Calyx. “Kukunin ko po ang bag ko,” excited na sabi nito sa matinis na boses at patakbong pumasok sa kuwarto nito.
Nangingiting bumaling sa kanya si Calyx at natigilan nang magtama ang mga mata nila.
“What?” Calyx inquired innocently. “Bakit ganyan ang tingin mo sa `kin?”
Umiling si Etheyl. “Nothing.” Pinapangarap ko lang na ikaw na lang sana ang nakabuntis sa `kin, saloob-loob niya.
Nakikinita na niyang magiging isang mabuting ama si Calyx. Pilit niyang iniisip na napipilitan lang ang binata na pakisamahan si Seth, pero hindi iyon ang nakikita niya. Nakikita niya ang masayang kislap sa mga mata nito tuwing tinatawag itong daddy ng kanyang anak.
Would she dare hope?
“Earth to my beautiful Etheyl.”
Napakurap-kurap siya nang maramdamang may humaplos sa pisngi niya.
Nagtama ang mga mata nila ni Calyx. Bahagya siyang nagulat dahil hindi man lang niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kanya.
“Nasaan ka na naman at bakit palagi kang nawawala?” usisa nito na magkasalubong ang mga kilay.
Nag-iwas siya ng tingin. “Wala. May iniisip lang ako.”
“Mind telling me what you are thinking?”
Umiling siya. “Too personal.”
Magsasalita pa sana ang binata nang marinig nila ang matinis na boses ni Seth.
“Daddy! Daddy! Here po, oh. Sinulat ko na ang pangalan ko,” sabi ng bata sa matinis na boses.
“Mamaya tayo mag-uusap,” sabi ni Calyx, saka siya ginawaran ng halik sa mga labi at nakangiting humarap sa anak niya.
Bumuga ng hangin si Etheyl habang nakatingin kina Seth at Calyx na parehong nakadapa sa sahig at nagsusulat gamit ang lapis.
Binalot ng kasiyahan ang kanyang puso. Pagkalipas ng ilang segundong pagtitig sa dalawa, nagtungo siya sa kusina para maghanda ng meryenda.
INIHIGA ni Calyx si Seth sa kama nito at pinakatitigan ang bata. Isang araw pa lang niya itong nakakasama pero magaan kaagad ang loob niya rito.
In just one day, this kid managed to enter his heart. Kapag nakikita niya ang masaya nitong mukha, pakiramdam niya ay maayos na ang lahat. Kung sino man ang mga lalaki na tumakbo kapag nalalaman na may anak si Etheyl, mga gago sila.
Those imbeciles missed the chance to be a father to this wonderful kid.
Inayos niya ang unan ni Seth nang maihiga niya ang bata. Natigilan siya nang makita ang isang magazine centerfold sa ilalim ng unan. Nang kuhanin niya iyon at tingnan parang may sumuntok sa dibdib niya sa nakita.
Napatitig siya kay Seth na mahimbing nang natutulog pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa hawak niya. It’s a picture of him in a magazine centerfold at may nakadikit doon na ginupit na picture ni Seth at may nakasukat na ‘my daddy’ gamit ang krayola.
Marahas siyang bumuga ng hangin nang maramdamang parang naninikip ang dibdib niya. Ibinulsa niya ang centerfold.
Lumabas siya sa kuwarto ni Seth at bumalik sa sala kung saan naroon si Etheyl at nanonood ng TV.
“Hey.” Hinalikan niya ito sa pisngi at umupo sa tabi nito. Hinugot niya mula sa bulsa ang nakita niyang centerfold sa ilalim ng unan ni Seth at ipinakita rito. “I saw this under Seth’s pillow.”
Kinuha ni Etheyl ang centerfold na hawak niya at malutong itong napamura.
“Mapapatay ko talaga si Beth!” galit na sabi nito. “How dare she do this to my son?” Nanggagalaiti ito at namumula sa galit ang mukha.
“That’s okay, Etheyl,” sabi niya, saka humarap dito. “I’m sure Beth means well.”
Hindi maipinta ang mukha ng dalaga sa pinaghalong galit at lungkot. “Pero wala naman siyang karapatan na gawin sa anak ko `to. Seth doesn’t need a father—”
“I disagree,” Calyx cut Etheyl off. “Nakikita mo ba kung gaano kasaya `yong bata?”
Matalim ang mga matang tiningnan siya ni Etheyl. “Masaya siya ngayon, pero paano kung magsawa ka na at dumating ang araw na ayaw mo na sa `min? Sobra-sobrang sakit ang maibibigay niyon sa anak ko. I don’t want that day to come! Ayokong masaktan ang anak ko, Calyx!”
Tumiim ang mga bagang niya. Nag-uumpisa na siyang mainis kay Etheyl. “Ilang ulit ko bang dapat sabihin sa `yo na hindi nga ako aalis at wala akong balak na iwan ka o si Seth.” Pinipigilan niya na humulagpos ang inis na nararamdaman.
Hindi naman siya aalis, bakit hindi ito naniniwala sa kanya? Kung sex lang ang habol niya rito, kaya naman niya iyong makuha sa iba. Napakadali para sa kanya na humanap ng babae na ibubuka ang mga hita para sa kanya. Pero iba si Etheyl sa lahat ng babaeng nakilala niya. She captured something in him and it seemed to him that she didn’t even know that.
Nagdadalawang-isip naman siya na sabihin dito dahil alam niyang hindi rin naman ito maniniwala.
Calyx was dragged away from his thoughts when his phone rang.
“Give me a minute,” sabi niya kay Etheyl at sinagot ang tawag ng hindi tinitingnan ang Caller I.D. “Hey, who’s this?”
“Lander is in the hospital.” Boses iyon ni Shun. “Nabaril yata ang loko.”
Napamulagat siya. “Ayos lang ba siya?” Nag-alala siya bigla sa kaibigan. “Saan siya nabaril? What the fuck happened, Shun?!”
“Chill, Vargaz. Lander is fine,” sabi ni Shun na pinapakalma siya. “Nasa Romero’s Hospital siya ngayon. Kung gusto mo siyang bisitahin, feel free. Pero kailangan ko ng katulong sa pag-aayos ng bahay niyang mukhang dinaanan ng bagyo.”
He rolled his tongue over his lips. “Kailan natin aayusin?”
“Bukas. May gagawin ka ba?”
Nilingon niya si Etheyl at nahuli niyang nakatingin ito sa kanya. “Hold on a sec,” sabi niya sa nasa kabilang linya at lumapit sa babae. “Etheyl, puwede ba akong sumama sa mga kaibigan ko bukas? May aayusin lang kami.”
Sa halip na sagutin siya, tumitig lang sa kanya si Etheyl na para bang gulat na gulat at hindi makapaniwala na nagtanong siya.
“Etheyl?” Bahagya niyang niyugyog ang babae.
Napakurap-kurap ito. “Ha?”
Kumunot ang noo niya. “Papayagan mo ba ako?”
“Ahm…” Bumadha ang pagtataka at pagkailang sa mukha nito. “Kailangan ba ang permiso ko?”
Tumango siya. “Oo. Baka hanapin ako ni Seth bukas, eh. Ayoko namang bigla na lang hindi magpakita, baka ano na naman ang isipin mo.”
“Ahm…” Nagbaba ito ng tingin. “Oo naman. P-puwede kang s-sumama.”
Kahit nakatungo ito, nakikita niyang namumula ang mga pisngi nito. Why was she blushing? I wonder.
“Salamat, ganda.” Hinalikan niya ito sa mga labi at ibinalik ang atensiyon sa kausap sa cell phone. “Sure, Shun. Free ako bukas.”
Tumawa ang nasa kabilang linya. “Really, Calyx? Nagpaalam ka talaga sa kanya? Ano mo siya, asawa mo?”
He stiffened at what Shun said and then a smile crept into his lips. Hmm . “That’s actually a good idea, my friend. Maybe I should ask her—”
“Whatever, lover boy, save me the cheesiness,” putol ni Shun sa iba pa niyang sasabihin at pinatayan siya ng tawag.
Napailing-iling na lang siya at bumaling kay Etheyl. “I have to go, beautiful,” paalam niya. “Gabi na rin at hindi pa ako nagpapalit ng damit mula kaninang umaga. I feel greasy.”
Napakagat-labi si Etheyl at parang nahihiyang nagsalita. “Y-you could stay. M-medyo malapad naman ang kama ko.”
Natigilan siya, saka napabaling dito. “Sigurado ka?”
Tumango ito. “Oo.”
“Pero wala akong damit dito.” Bumagsak ang balikat niya. “I have to take a bath and all that shit.”
“Ahm, bakit hindi ka umuwi ngayon, maligo ka at kunin mo lahat ng kakailanganin mo hanggang bukas `tapos balik ka rito,” suhestiyon ni Etheyl habang kagat ang pang-ibabang labi na parang nahihiya.
At sino siya para tumanggi?
“Sigurado ka?” paninigurado niya. Baka napipilitan lang ito.
Tumango si Etheyl at tipid na ngumiti. “Oo. Sigurado ako.” Lumamlam ang mga mata nito. “Gusto kitang makasama ngayong gabi at may tiwala naman akong wala kang gagawin sa aming masama ni Seth.”
Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Calyx. “Salamat sa tiwala, ganda.”
Tumango si Etheyl, saka siya itinulak patungo sa pinto. “Sige na. Umalis ka na para makabalik ka kaagad.”
“Okay. I’ll be back as fast as I could,” sabi niya at nagmamadaling lumabas ng bahay.
And for the first time in his life, Calyx moved with a speed of lightning. Nae-excite na siya sa isiping makakasama niya si Etheyl sa isang kama sa buong magdamag.
He had a problem though. Makakatulog kaya siya habang nasa tabi ang dalaga at nagkalapit ang mga katawan nila? Good God!
NANLALAMIG ang mga kamay ni Etheyl habang hinihintay na bumalik si Calyx. Nakapaligo na siya at naayos na niya ang kuwarto. Pinalitan niya ang bed cover, pillow cover at pati ang kumot ay pinalitan din niya. Kinakabahan siya habang patingin-tingin sa pinto ng bahay.
Bakit naman kasi naisip ko pang patulugin dito si Calyx—
Napatigil siya sa pag-iisip nang makarinig ng katok mula sa pinto. Huminga muna siya nang malalim bago naglakad patungo sa pinto at binuksan iyon.
“Hi,” sabi niya na may kiming ngiti nang makita si Calyx.
Calyx smiled back. “Hey.”
Nilakihan niya ang pagkakabukas ng pinto. “Pasok ka.”
Nakangiting pumasok ito. Napapikit si Etheyl nang lampasan siya ng binata at nanuot sa ilong niya ang panlalaki nitong amoy. Naramdaman niyang nanubig ang mga bagang niya. Shit! Bakit ba ang bango ng lalaking `to? Was he seducing her? Because it’s freaking working.
Ini-lock niya ang pinto at humarap kay Calyx na nakapamulsa. Para itong naiilang na hindi makatingin sa kanya. Kahit siya ay naiilang pero nilabanan niya iyon at hinawakan ang binata sa kamay at hinila papunta sa kuwarto niya.
Hinayaan niyang hindi naka-lock ang pinto, may mga pagkatataon kasi na nagigising si Seth at natatakot na itong matulog uli sa kuwarto nito kaya pumupunta sa kuwarto niya.
“Mahiga ka na,” sabi niya habang tinatanggal ang pagkakatali ng buhok. Naka-pajama na siya at spaghetti strap na damit kaya naman hindi na niya kailangan pang magbihis. Iyon ang palagi niyang suot kapag natutulog. “Sa kanan ka, sa kaliwa ako.”
Etheyl heard a chuckle. Nilingon niya ang binata at nakita niyang nakatingin ito sa kama.
“So,” Calyx trailed and pointed the right side of the bed. “Matutulog tayo kaagad?”
Tinaasan niya ito ng isang kilay. “Anong gusto mo, mag-jack ‘n poy tayo?”
“We could talk,” suhestiyon nito.
Itinuro ni Etheyl ang wall clock na naroon. “Talk? Tingnan mo nga ang oras. Alas-onse na. Matulog na tayo.”
“My life actually starts at 11 PM,” sagot ni Calyx na ikinataas ng dalawa niyang kilay.
Naglakad siya palapit sa kama at umupo sa kanang bahagi ng higaan. “So, you mean to say, natutulog ka madaling-araw na?”
Tumango ang binata. “Yep. Kapag ganitong oras, I’m usually getting laid or I’m bar hopping.”
Nahiga si Etheyl at matalim ang mga mata na tumingin dito. “Sige, kung ayaw mong matulog, lumabas ka at maghanap ka ng babaeng makikipag-sex sa `yo.” Pagkasabi niyon ay tumagilid siya ng higa, patalikod kay Calyx.
Etheyl heard a light chuckle followed by a rustling sound of clothes. And then seconds later, may tumabi ng higa sa kanya sa kama at yumakap sa baywang niya.
What the fudge? Nakahubad ba si Calyx? Pasimple niya pinatama ang siko sa katawan nito at ganoon na lang ang panunuyo ng lalamunan niya nang maramdamang wala ngang suot na pang-itaas ang binata.
Temptation!
Napakagat-labi si Etheyl nang maramdaman ang matitipunong dibdib ng binata na nakadikit sa likod niya. Ramdam niya ang init na nanggagaling sa katawan nito. And not to mention that his arms were draped over her waist. Damn it!
Pinangapusan siya ng hininga nang maramdamang pumasok ang kamay ng binata sa likod niya at ini-unhook ang suot niyang bra, pagkatapos ay dahan-dahan iyong hinubad.
“Calyx...” She was breathing heavily now.
Hinalikan siya nito sa batok. “Sabi sa nabasa kong article, masama raw sa babae na matulog na may suot na bra.” Nang maalis nito ang kanyang bra, sinapo nito ang mayayaman niyang dibdib, saka iyon minasahe.
Nakagat ni Etheyl ang labi nang maramdamang nag-iinit ang katawan niya sa ginagawa ni Calyx. Nang gumapang ang kamay nito pababa sa kanyang tiyan, papasok sa pang-ibaba niyang suot na pajama, malalim na ang paghinga niya.
Napakapit siya sa gilid ng unan nang hawakan ng binata ang waistband ng suot niyang pajama, saka ibinaba iyon hanggang tuhod, pagkatapos ay hinaplos nito ang hita niya, niyapos ang katawan niya at bumaba ang kamay sa kanyang pagkababae na nag-uumpisa nang mabasa.
“Hmm… wet,” bulong nito, saka inumpisahang halikan ang batok niya habang ang kamay ay abala sa pagpapaligaya sa kanyang pagkababae.
“Oh… Calyx…” Pinipigil niya ang ungol na gustong kumawala sa mga labi niya dahil sa ginagawa ng binata sa kanyang katawan.
Pakiramdam ni Etheyl ay naubusan siya ng hininga nang maramdamang naglalabas-masok na ang daliri ng binata sa loob ng pagbabae niya. Mayamaya, namalayan na lang niya na ang kahabaan na nito ang unti-unting pumapasok sa pagkakababae niya mula sa likuran.
They’re in a spooning position and Calyx’s length inside her felt like heaven. So good. It felt so amazing inside her.
“Calyx…” Ang isang kamay niya ay napahawak nang mahigpit sa bed sheet habang ang isa ay nakahawak sa balakang ng binata at iginigiya ito sa bilis na gusto niya.
Kagat ni Etheyl ang labi, impit ang daing at pigil ang ungol na gustong kumawala sa mga labi niya habang pabilis nang pabilis ang paglalabas-masok ng kahabaan ng binata sa loob niya.
“Oh!” Mariin niyang pinikit ang mata habang nakaawang ang mga labi dahil sa sarap. “Oh, Calyx, Uhm!” Iginagalaw niya ang balakang para salubungin ang bawat ulos nito. “Oh, Calyx…”
Nagdidiliryo sa sarap si Etheyl, nanunuyo na ang lalamunan niya sa kakaungol at para siyang nahihibang sa sarap.
“Oh, fuck…” Humigpit ang hawak ni Calyx sa baywang niya, saka mas binilisan pa ang paglalabas-masok sa loob ng basang-basa niyang pagkababae.
“Oh! Oh, Calyx! Oh!” Hindi niya mapigilan ang mapaungol lalo na nang mas naging mapusok ang pag-angkin sa kanya ni Calyx.
Calyx moved in and out with so much speed the she was internally screaming with pleasure. Habol niya ang hininga habang inaangkin siya ng binata at sa bawat pagbaon ng kahabaan nito sa loob niya ay sagad na sagad at impit siyang napapasigaw sa sarap.
“Calyx, Calyx, Calyx… I’m cumming,” mahina niyang sabi habang panay pa rin ang daing dahil sa walang tigil na pagbayo ni Calyx sa pagkababae niya. “Calyx, oh! Oh! Calyx! Bilisan mo pa—Oh! Oh!” Bumaon ang kuko niya na nakahawak sa balakang ni Calyx nang sumabog ang masarap na orgasmo sa kanyang kaibuturan.
At nasundan iyon ng mahabang ungol nang maramdaman niyang ipinutok ni Calyx ang katas nito sa loob niya.
Habang unti-unting humuhupa ang init ng katawan nila, pareho silang hinihingal ni Calyx. At hindi mapigilan ni Etheyl na mapahalinghing nang dahan-dahang hugutin ng binata ang kahabaan sa loob niya.
“Uhm…” mahina niyang daing.
Hinalikan siya sa batok ni Calyx habang hinihila nito pataas ang waistband ng pajama niya na ibinaba nito kanina. At nang maayos na nito ang damit niya, bumulong ito sa kanyang tainga.
“Goodnight, ganda.”
Hindi niya napigilan ang mapailing. “Ganoon ka ba mag-goodnight sa lahat ng babae mo?”
“Nope.” Mahigpit siya nitong niyakap sa baywang. “Sa `yo lang.”
Lihim na napangiti si Etheyl, saka hinawakan ang kamay ng binata na nasa tiyan niya at pinisil iyon. “Goodnight din sa `yo,” sabi niya at pumikit, hinintay na dalawin siya ng antok.