noveltoon logo noveltoon
Calyx Vargaz (Possessive Series 5)

Chapter 18

Ch. 18 / 29 Feb 05, 2022

LARAWAN ng isang masayang pamilya sina Etheyl, Calyx at Seth habang nagsa-shopping. Pumayag si Etheyl na ipasyal sila ni Calyx sa Hong Kong. Paano naman siyang makaka-hindi nang pumalahaw ng iyak si Seth nang sabihin niyang busy siya at hindi sila makakasama?

Her son looked happy as they talked about what they would do in their trip to Hong Kong aside from visiting Disneyland. At iyon din ang dahilan kung bakit magsa-shopping sila ngayon.

Ang totoo niyan, ayaw ni Etheyl na mag-shopping sila dahil nga sa kakulangan sa pera, pero wala siyang nagawa dahil pinagtulungan siya ni Calyx at ng anak niya. Kaya naman heto sila ngayon sa mall, namimili para sa pag-alis nila mamayang hapon.

“I told you to change.” Hindi maipinta ang mukha ni Calyx habang tinitingnan nang masama ang lahat ng lalaking napapabaling sa kanya kapag dumaraan sila.

Napailing na lang siya. “Ano naman ang gusto mong isuot ko?”

“A dress that can cover up your whole body, from neck to toe.”

Hindi makapaniwalang inirapan niya ang binata. “Calyx, parte ng trabaho ko ang palaging magmukha akong kaaya-aya, hindi puwedeng ganoon ang damit ko.”

Hindi maipinta ang mukha ng binata. “I just don’t like it when men look at you with lust. Akin ka lang, ganda.”

Natunaw na naman ang puso niya. “Huwag mo na lang silang pansinin.”

“I can’t.” Dumilim ang mukha nito. “I’m jealous as fuck—” Napatigil ito sa pagsasalita, saka tiningnan nang masama ang binatilyong nakasalubong nila na titig na titig talaga sa kanya. “What are you looking at?”

Kaagad na nag-iwas ng tingin ang binatilyo. “Wala ho, Sir.” Kaagad itong tumalilis ng alis.

Napailing na lang si Etheyl sa ginawa ni Calyx. Hindi talaga niya maintindihan ang takbo ng utak nito.

“Mommy, gusto ko po ang shoes na `yon,” kuha ni Seth sa atensiyon niya, saka itinuro ang pambatang sapatos na naka-display.

Nasa loob sila ng isang mamahaling shoe boutique at ni ayaw niyang tumingin sa mga paninda na naroon kasi alam niyang libo-libo ang presyo ng bawat isa. Noon, bumibili siya palagi ng mamahaling gamit, pero mula nang mawala ang mga magulang at naghirap sila, pinagkasya na lang niya ang sarili sa mga mumurahing gamit.

“Anak, hindi naman tayo narito para bumili ng shoes mo,” sabi niya kay Seth na nakatingin pa rin sa sapatos na itinuro nito. “Narito tayo kasi sinamahan natin si Tito Calyx mo na bumili ng bagong shoes.”

Sumimangot ito at hindi na umimik. Alam niyang nagtatampo ito.

Huminga nang malalim si Etheyl at kinuha ang sapatos na itinuro ng anak pagkatapos ay tiningnan ang presyo. Muntik nang malaglag ang panga niya nang makitang halos sampung libo ang halaga ng sapatos. Mabilis niyang ibinalik iyon sa lalagyan at hihilahin na sana paalis si Seth nang may pamilyar na boses na tumawag sa kanyang pangalan.

“Etheyl?”

Nilingon niya ang tumawag sa kanya at ganoon na lang ang pagkabigla na naramdaman niya nang makita si Vincent na nakatayo sa di-kalayuan.

“Vincent?” hindi pa rin makapaniwalang sambit niya sa pangalan ng ex-boyfriend.

Tumango ang lalaki. “Ako nga.” Lumapit ito at natigilan nang makita si Seth na nasa tabi niya at nakatingin pa rin sa sapatos na itinuro nito. “Siya ba ang anak mo?”

Tumango siya. “Oo. Seth ang pangalan niya.”

Matamang tiningnan ni Vincent ang anak niya. “Matagal na rin pala mula noong maghiwalay tayo,” sabi nito na may panghihinayang sa boses. “Kung inintindi ko lang sana ang kalagayan mo noon, sana masaya tayo ngayon kasama si Seth.”

Hindi naramdaman ni Etheyl ang palaging nararamdaman niya kay Calyx tuwing sinasabi ng binata na tanggap nito si Seth.

Tipid lang siyang ngumiti. “Matagal na `yon. Dapat nang kalimutan.”

Marahang tumawa si Vincent. “`Yon na nga, eh. Ang tagal na n’on pero hindi ko pa rin makalimutan ang pinagsamahan natin. We’ve been together for more than six years, Etheyl, `tapos magpapabuntis ka lang pala sa iba.”

Napansin ni Etheyl na napapatingin na sa gawi niya ang mga taong nakakarinig sa mga pinagsasasabi ni Vincent. Puno ng panghuhusga ang mga mata ng mga ito.

Judgmental people and their small brains! Pfft! Fuck shit!

Nagtagis ang mga bagang niya at matalim ang mga matang sinalubong ang tingin ni Vincent. “Hindi ako nagpabuntis, Vincent. Alam mong aksidente ang nangyari.”

Vincent rolled his eyes. “Aksidente? Ano `yon, nasagasaan ka `tapos nabuntis ka?” Puno ng sarkasmo ang boses nito. “Kung nakinig ka sa `kin noon na ipalaglag mo ang batang `yan, eh, di sana masaya tayo ngayon.”

Etheyl was gritting her teeth and controlling herself so she would not slap the man in front of her. How dare he?!

Hindi pumasok noon sa isip niya na ipalaglag ang bata sa sinapupunan. Kahit wala iyong ama at kamamatay pa lang ng mga magulang niya at kasagsagan noon ng kahirapan nila, hindi niya naisip na patayin si Seth. At hindi niya pinagsisisihang binuhay niya ang anak.

Tama si Calyx. Seth was the best thing that ever happened to her.

“Mahal na mahal kita no’n, Etheyl. Tatanggapin naman sana kita kung ipinalaglag mo ang batang dinadala mo noon.” Dagdag pa ni Vincent. “Look at you now. Maganda ka nga pero nasisiguro kong walang tatanggap sa `yo kasi may anak ka na. Sino ba namang lalaki ang may gusto ng ready-made family? Wala.” Binuntutan pa nito iyon ng nakakairitang tawa.

Handa na siyang sampalin ang lalaking kaharap ng biglang may yumakap sa kanya mula sa likuran at hinalikan siya sa leeg.

“Hello there, beautiful,” sabi ng boses ni Calyx at binitiwan siya, pagkatapos ay kinarga nito si Seth. “Hey, kiddo, may nagustuhan ka bang sapatos? Ituro mo lang at bibilhin `yon ni Daddy para sa `yo.”

Gumuhit ang walang kapantay na kaligayahan sa mukha ng anak niya. “Talaga po, Daddy? Ibibili mo ako ng shoes?” malalaki ang matang tanong ni Seth kay Calyx.

Tumango naman si Calyx. “Oo naman. Ikaw pa. Pili ka na.”

Mabilis na itinuro ni Seth ang sapatos na itinuro nito kanina. “`Yon ang gusto ko, Daddy.”

Binalingan ni Calyx si Vincent na nakamaang habang nakatingin dito at kay Seth. Hindi nakatakas sa paningin ni Etheyl ang pagtalim ng mga mata ni Calyx nang tumingin ito kay Vincent. May hinala si Etheyl na narinig ni Calyx ang mga pinagsasasabi ng lalaki kanina.

Bumaba ang tingin ni Calyx sa I.D. na suot ni Vincent. “Manager, right?”

Parang wala sa sariling tumango si Vincent.

“May size five ba kayo ng sapatos na `yan?” tanong ni Calyx habang nakaturo sa sapatos na pinili ni Seth. “Pakikuha nga. Isusukat ng anak ko. ” Binigyang diin ni Calyx ang dalawang huling salita.

Hindi lang si Vincent ang nagulat sa sinabi ni Calyx. Pati rin siya. Anak ko? Really? Nababaliw na ba ang lalaking ito? Inangkin talaga ang anak niyang si Seth? Halos nakaawang lang ang mga labi niya sa sobrang gulat habang nakatingin kay Calyx.

Sa halip na kumuha ng sapatos na size ni Seth, mapait na tumawa si Vincent habang nang-uuyam na nakatingin sa kanya.

“Siya ba ang pinagpalit mo sa `kin?” tanong nito na matalim ang mga mata habang nakatingin kay Calyx. “Siya ang ipinagmamalaki mo? I deserve you more than him!”

Pinagtitinginan na sila ng mga tao na naroon sa loob ng boutique.

“Ano ba, Vincent?” Etheyl spoke quietly. “Huwag ka ngang gumawa ng eskandalo rito.”

“Anong eskandalo? Totoo naman, eh! Siguro nagpanggap ka lang na aksidente ang pagkakabuntis sa `yo. Minahal pa naman kita. Isa ka talagang walang kuwentang babae—”

Malakas na napasinghap si Etheyl nang biglang bigwasan ni Calyx sa mukha si Vincent dahilan para mawalan ito ng balanse at mapahiga sa sahig.

“Ikaw ang walang kuwenta.” Calyx’s voice was so cold, it could freeze someone. “Kasi kung mahal mo siya tulad ng pinagsasasabi mo ngayon, hindi mo siya iiwan dahil lang sa isang pangyayari na hindi naman niya ginusto. Kaya hindi umaasenso ang bansang `to, eh. Kasi sa mga katulad mong makikitid ang utak at walang ginawa kundi ang manghusga ng kapwa. Wala kang karapatang tawaging walang kuwenta ang babaeng gusto ko. Gago.” Binitiwan nito ang sapatos na hawak at tumama iyon sa mukha ni Vincent.

Binuhat uli ni Calyx si Seth na ibinaba pala nito bago suntukin si Vincent, pagkatapos ay pinagsalikop ang mga kamay nila at hinila siya palabas ng boutique.

Nag-iisip si Etheyl kung paano ipapaliwanag kay Seth ang nasaksihan nito nang marinig niya ang boses ni Calyx.

“Sorry, kiddo, ha?” sabi nito habang sinusuklay ang buhok ni Seth. “Sorry at nakita mong may sinuntok si Daddy. Nagalit lang ako kasi pinagsalitaan niya ng hindi maganda ang mommy mo, eh. Huwag mong gagayahin ang ginawa ko, ha? Hindi lang kasi nakapagpigil si Daddy kaya nabigwasan ko ang gagong `yon. At sorry dahil hindi natin nabili ang sapatos na gusto mo.”

Ngumiti ang anak niya at niyakap si Calyx. “Okay lang `yon, Daddy. Ang cool mo nga, eh. At dapat lang `yon kasi bad siya kay Mommy ko.”

Calyx smiled and hugged Seth back.

Hindi maalis ni Etheyl ang tingin kina Calyx at Seth na parang may sariling mundo habang nag-uusap. From another person’s point of view, anak ni Calyx si Seth at nakikita niya ang pagmamahal ni Calyx sa anak nito. Etheyl could see in the depths of Calyx’s pitch-black eyes that somehow, he cared for Seth and that touched her heart as a mother.

Calyx was really something.

Ipinalibot niya ang mga braso sa leeg ni Calyx at hinalikan ang binata sa likod ng tainga nito. “Salamat sa pagtatanggol sa `kin, Calyx. It means so much to me.”

Binalingan siya nito at kinindatan. “No one insults the woman I like.”

Etheyl bit her lower lip as her heart erratically hammered inside her chest at what Calyx said.

The woman he likes? God! Parang sasabog ang dibdib niya sa sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso.

“Halika na. Nawalan na ako ng ganang mamili,” sabi ni Calyx na pumutol sa pag-iisip niya. “Kain muna tayo `tapos dadaan tayo sa bahay mo, then sa penthouse ko, and then we’re off to the airport and hello Disneyland.”

Masayang bumungisngis si Seth. “Yehey! Makikita ko na si Mickey Mouse!”

Mahinang natawa si Etheyl at magkasabay silang naglakad ni Calyx patungo sa pinakamalapit na kainan.

HONG KONG was only one hour and forty-one minutes away from the Philippines. Nang makita ni Etheyl ang pribadong eroplano ni Calyx, nakanganga lang siya at hindi makapaniwalang sasakay siya sa isang private plane na pag-aari ng binata.

Holy shit! Gaano ba talaga kayaman ang isang Calyx Vargaz? To think that he owned a freaking plane?! Damn! Calyx was really too good to be true.

Nang makalapag ang pag-aaring eroplano ni Calyx sa Hong Kong, kinausap muna nito ang piloto bago sila lumabas ng eroplano. Hindi na nagulat si Etheyl nang may sumundo sa kanilang kotse na BMW at inihatid sila sa Zapanta’s Hotel. Isa sa magagarang hotel sa Hong Kong. Nalula si Etheyl sa sobrang ganda niyon. At lalo pa siyang nalula nang makapasok sa napiling kuwarto ni Calyx.

“This is the De luxe Room,” sabi ng lalaki na magsisilbing butler nila twenty-four-seven.

Having a butler was part of the hotel features.

“In this part of the room,” iminuwestra ng butler ang kamay sa glass wall. “You will see the stunning view of Victoria Harbour and beyond to the popular Tsim Sha Tsui District on the Kowloon Peninsula.” Mayamaya ay bahagyang yumukod ang butler sa kanila. “In behalf of the Zapanta Hotel, I wish you to have a very relaxing vacation. Just call me when you need anything.” Then the butler exited.

Napatitig sila ni Calyx sa pintong nilabasan ng lalaki, mayamaya ay pareho silang natawa.

“Ang gara naman ng kuwarto na `to,” komento ni Etheyl habang pinapalibot ang paningin sa kabuuan ng hotel suite.

“Yeah,” pagsang-ayon ni Calyx at niyakap siya mula sa likuran. “I once stayed here just for fun and it was fun. Ang dami nilang restaurants dito. Hindi mo na kailangan pang lumabas para kumain. And then they have this terrace restaurant. Very beautiful. If you enjoy Japanese cuisines, that’s the restaurant for you.”

“Hmmm.” Humarap siya sa binata at ipinalibot ang mga braso sa leeg nito. “I want to go to this terrace restaurant but first,” she pressed her lips on his and quickly pulled away. “I want to say thank you. Sobrang maraming salamat dahil sa `yo, nakapunta uli ako sa ibang bansa.”

Napatitig ito sa kanya. “What do you mean?”

“Well,” tipid siyang ngumiti habang nagkukuwento, “maykaya noon ang pamilya ko kaya kahit papaano ay nakakapunta kami sa ibang bansa. Si Daddy ay manager sa isang car export and import company. Si Mommy, tulad ko rin, isang Etiquette and Personality Development Teacher pero ang tinuturuan niya ay `yong mga sasali sa pageant and such. Kilala siya noon at dahil din sa kanya kaya kahit papaano ay nakilala ako bilang isang Etiquette and Personality Development Teacher, `tapos plus na rin siguro na sumali ako noon sa Binibining Pilipinas, pero,” nahihiyang tumawa siya, “hindi ako nanalo.”

Calyx looked stunned. “Sumali ka sa Binibining Pilipinas?”

Tumango siya. “I was nineteen.” Natatawang nailing siya. “Nakasali ako sa Top 10, pero hanggang doon lang. It was a fun experience. Actually, doon kita unang nakilala.”

Namilog ang mata nito. “Really?”

“Oo.” Ang ngiti ni Etheyl ay nawala nang maalala kung sino ang kasama nito nang unang beses niya itong makita. “Ikaw ang escort ni Glaiza Jimenea, ang nanalong Binibining Pilipinas, sa after party.”

“Oh.” Mahinang tumawa si Calyx, saka hinalikan siya sa mga labi. “Nakalimutan ko na `yon, pero sigurado ako, kung nakilala kita ng party na `yon, hindi na kita pakakawalan pa.”

Inirapan niya ito. “Sige, mambola ka pa. Saka may boyfriend ako no’n—”

“Aagawin kita sa kanya.”

“Ewan ko talaga sa `yo.” Naiiling na pinakawalan niya ang binata at hinanap si Seth.

Nakita niya ang anak niya na panay ang talon sa ibabaw ng kama. Mahina siyang natawa nang parang bata na ginaya rin ni Calyx ang ginagawa ni Seth. Napailing-iling na lang siya sa pinaggagagawa ng dalawa.

Childish!

Lumapit si Etheyl sa luggage na naglalaman ng damit niya at kumuha roon ng tuwalya, pajama at spaghetti strap na pang-itaas.

Iniwan niya sa kuwarto sina Calyx at Seth at pumasok sa banyo. Umawang ang bibig niya nang makitang may LCD TV sa loob ng banyo at mayroon ding Jacuzzi. Nakahiwalay ang shower room at marble ang sahig at dingding ng banyo.

Huminga siya nang malalim at nag-umpisang hubarin ang damit na suot.

Pagkatapos mag-shower, pagkalabas ng banyo ay natigilan si Etheyl nang makitang tulog na sina Calyx at Seth. Magkatabi ang dalawa sa kama at nakayakap ang binata sa bata habang ang anak niya naman ay nakaunan sa braso nito.

Parang may kamay na humaplos sa puso niya sa nakita. She prayed to God na sana si Calyx na talaga ang lalaki na bubura sa lahat ng mapapait niyang karanasan sa pag-ibig. She wished that Calyx was the one.

The one she would end up with and the one she would grow old with. Just a wishful thinking.