APAT na araw na ang nakakaraan mula nang makita ni Calyx si Seth. Hindi na nagparamdam kay Etheyl ang binata. Hindi na ito pumunta sa bahay niya tulad ng kanyang inaasahan. Palagi namang ganoon ang nangyayari. Hindi na iyon nakakagulat pa.
Naputol ang pag-iisip niya nang may yumakap sa binti niya. Nang tingnan niya kung sino iyon ay napangiti siya. Si Seth, naglalambing.
“Mommy? Babalik pa ba si Tito Cole?” tanong nito.
“Hindi na, anak.” Umiling siya at binuhat ito. Pinaupo niya ang anak sa kanyang hita. “You see, masama ang ugali ng Tito Cole mo. Ayaw ni Mommy na pumunta pa siya rito sa bahay natin.”
Bumakas ang lungkot sa mukha ni Seth pero wala itong sinabi. Alam ni Etheyl, tama ang ginawa niya. Nang maabutan ni Calyx si Cole sa bahay niya, nandoon si Cole para kausapin siya. Gusto nitong bumalik sa buhay nilang mag-ina at aaktong ama kay Seth basta ibibigay niya ang gusto nito—that includes sex.
No way!
Hindi naman siya desperada para pumayag sa gusto nito. Kaya niyang mabuhay ng walang lalaki at kayang mabuhay ni Seth na walang ama. Narito naman siya para mahalin ito at higit pa sa pagmamahal na kayang ibigay ng ama nito.
“Mommy, nasaan po ang tunay kong daddy?” mayamaya ay tanong ni Seth.
Gustong maiyak ni Etheyl dahil sa tanong ng anak. Seth had been asking her that question ever since Seth enrolled in pre-school. Palagi nitong hinahanap ang tunay na ama. Walang araw na hindi ito nagtanong sa kanya. Siguro naiinggit ito sa mga kaklase nito na ang ama ang sumusundo pagkatapos ng eskuwela. Wala siyang maisagot kasi hindi naman niya alam. Nahihiya siya sa anak niya kasi hindi niya kilala ang ama nito.
“Seth, `di ba, sinabi ko sa `yo, wala si Daddy kasi busy siya?” pagsisinungaling niya.
Etheyl hated lying to Seth. Pero hindi pa nito maiintindihan ang totoo sa mura nitong edad. It pained her heart but what choice did she have?
“Ayaw niya sa `tin?” nagtatampong tanong ni Seth.
“Hindi naman sa ganoon. Magulo lang ang sitwasyon, anak.” Mahigpit niyang niyakap ang anak. “Kapag malaki ka na, maiintindihan mo rin ang lahat.”
“Big na po ako pero hindi ko pa rin maiintindihan?” nakasimangot na tanong ni Seth.
“Baby ka pa.” Pinanggigilan niya ang tungki ng ilong nito.
Seth giggled and then hugged her. Napuno ng kasiyahan ang puso ni Etheyl dahil sa pagyakap ng anak sa kanya. Kahit nasaktan siya dahil hindi na nagpakita pa si Calyx, narito naman ang anak niya na nagpapasaya sa kanya.
“Mommy may trabaho ka po ngayon?” tanong ng anak niya habang nakalambitin pa rin sa kanyang leeg.
“Yes, baby. Pero mamayang hapon pa naman.” Hinalikan niya si Seth sa noo.
Seth gave her a puppy dog face. “Puwede akong sumama, Mommy? Wala naman po akong pasok kasi sabi ni teacher absent siya ngayon.”
Nginitian niya ang bata at matunog na hinalikan sa pisngi. “Seth, `di ba, usapan natin, iiwan kita kay Tita Edna kapag nagwo-work si Mommy? Hindi ka puwedeng sumama sa akin kasi busy si Mommy do’n.”
Alam niyang maglalambing pa ito sa kanya para isama niya pero hindi na iyon nagawa pa ng anak dahil may kumatok sa pinto.
“Baba ka muna, anak. Bubuksan ko lang ang pinto.”
“Okay po.” Bumaba si Seth mula sa pagkakaupo sa hita niya at hinarap uli ang mga laruan nito na nagkalat sa sahig.
Tumayo si Etheyl at naglakad papunta sa pinto. Napako siya sa kinatatayuan at halos lumuwa ang mga mata nang makita kung sino ang kumatok.
“C-Calyx?”
He looked like shit. Gusot ang suot nitong polo at naka-short lang at tsinelas. He had a stubble and he looked so haggard and stressed out.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa binata na walang imik.
Huminga ito nang malalim, saka namulsa. “Hey. Puwede ba kitang makausap?”
Napatitig siya sa binata. “A-ano?” Hindi siya nakapaniwala sa salitang lumabas sa bibig nito.
Hindi inaasahan ni Etheyl na makikita pa niya si Calyx kahit kailan. Lalo namang hindi niya ini-expect na pupunta ito sa bahay niya pagkatapos malaman na may anak siya at gusto pang makipag-usap.
“Gusto kitang makausap.” Sumilip ito sa loob ng bahay. “Your husband wouldn’t mind, right?”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “My husband?”
“Yes.” Calyx keeps on peaking inside her house. “`Yong lalaking kasama mo noong pumunta ako rito few days ago.”
Umawang ang labi niya. Si Cole ang tinutukoy ng binata na asawa niya. Gusto niyang matawa. Kung alam lang ni Calyx ang totoo…
“We can talk,” sabi niya saka lumabas ng bahay at isinara ang pinto. “Pero dito na lang tayo mag-uusap sa labas. Naglalaro ang anak ko sa sala, eh.”
Huminga si Calyx nang malalim. “Why did you lie to me, Etheyl?”
Ilang segundong nakatitig lang si Etheyl sa binata. Hindi niya alam ang sasabihin, alam man niya, hindi niya alam kung saan mag-uumpisa.
“Etheyl,” tawag nito sa kanya. “Sagutin mo naman ako.”
Ikinuyom niya ang mga kamay, huminga nang malalim, saka nagsalita. “Calyx, una sa lahat, wala akong asawa—”
Napamulagat ito. “Talaga? Wala kang asawa? Totoo?”
“At oo, may anak ako,” pagpapatuloy niya sa pagsasalita. “Ang pangalan niya ay Seth. He’s five years old and he is now in pre-school.”
Napatango-tango ito. Biglang kumunot ang noo nito. “Sino `yong lalaking nakita kong katabi mo?”
“An asshole.” Nagbaba si Etheyl ng tingin at nahihiyang nagpaliwanag. “Cole is an asshole. And I regret every single day that I spent with him. Hindi siya ang ama ng anak ko, kung iyan ang sunod mong itatanong.”
Ilang segundo itong natahimik bago nagsalita uli. “Sino ang ama niya?”
Napabuntong-hininga siya, saka tumingin sa binata. “Sa tingin ko, sapat na ang nasabi ko sa `yo. Masyado nang personal ang tanong mo. Makakaalis ka na, nasagot ko na naman na ang tanong mo.”
Gumuhit ang iritasyon sa mukha ni Calyx. “Really? Paaalisin mo ako na para bang hindi ka nagsinungaling sa `kin?”
Nagpakawala si Etheyl ng isang buntong-hininga at naguguluhan na tumingin sa binata. “Bakit ka ba bumalik? Calyx, kung ano man ang namagitan sa `tin, kalimutan mo na `yon. I know you are not here to stay, so please, just leave already. Kung ano man ang nangyari sa `tin, hanggang doon na lang `yon at hindi na dapat madugtungan pa.”
“And why is that?” Calyx asked, his voice irritated.
Humugot siya ng malalim na hininga, saka ito sinagot. “Sige, sabihin nating nadugtungan pa ang namagitan sa atin, sabihin na nating nag-date tayo uli. Sabihin na nating pinakilala kita sa anak ko. Ang tanong, hanggang kailan, Calyx? Iiwan mo rin naman ako kapag nagsawa ka na sa akin tulad ng ginagawa mo sa mga babae mo. Aalis ka rin kapag inayawan mo na ako. Ayokong dumating tayo sa puntong `yon, Calyx. Ayokong umasa sa wala. At ayoko ring masaktan. At hindi lang ako ang aasa at masasaktan, pati rin ang anak ko na umaasa palagi na may daddy na siya. For a mother, that feels awful. And I don’t want to crush my son’s hope every time I let him meet a man. I don’t want to do that to my son anymore. So please, Calyx, just leave me alone. That’s the best for both of us.”
Mataman siyang tiningnan ng binata. “Someone screwed you.” Naging matiim ang tingin nito sa kanya. “Someone hurt you.”
Nagbaba si Etheyl ng tingin. “Umalis ka na, Calyx. Please lang.”
“Ayoko.”
Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa binata. “Ano?”
“Ayokong umalis.” Sinalubong nito ang tingin niya, puno ng determinasyon ang mga mata nito. “I don’t know why I’m doing this and I don’t know why I’m saying this, but heck, I want this.” Huminga ito nang malalim, saka marahas iyong pinakawalan. “One chance, Etheyl. And if I screwed up, I’m gone… poof! Kapag pumalpak ako, hindi na kita guguluhin pa. Pangako `yan.”
Hindi mapaniwalang napatitig si Etheyl sa binata. Calyx wanted to stay? He wanted one chance with her? Ano ito, lokohan? One chance para saktan siya? One chance para paasahin siya? Pero may magagawa ba siya? Nakikita niya sa mga mata ng binata na hindi talaga siya nito titigilan hangga’t hindi niya ibinibigay ang one chance na hinihingi nito.
She didn’t want to give him a chance… but did she have a choice? Ayaw niyang kulitin siya nito nang kulitin. Ang magagawa na lang niya ay ang hintaying pumalpak ito para mawala na ito sa buhay niya. For good.
“Bahala ka sa buhay mo.” Iyon na lang ang sinabi niya, saka pumasok sa loob ng bahay pagkatapos ay sinara niya ang pinto at napasandal doon.
She could feel her heart beating so darn fast.
Ano ba ang nangyayari sa `kin ? Calyx asked for one chance. Mali ba na hinayaan niya ito?
Napatitig si Etheyl sa anak na abala sa paglalaro. Wala itong pakialam sa nakapaligid rito, ang importante lang ay ang mga laruan nito.
One chance… Ano ang mangyayari sa hinihingi ni Calyx na one chance?
And why in the world did he ask for one chance?