KUMUNOT ang noo ni Calyx nang makita ang reaksiyon ni Etheyl nang makapasok ito sa kuwarto niya. Mabilis niyang ipinalibot ang paningin sa dati niyang kuwarto para alamin kung may kalat ba o madumi para sumama nang ganoon ang mukha nito pero wala naman siyang nakita.
Ibinalik niya ang tingin kay Etheyl at matiim itong nakatitig sa kama niya.
“Hey,” tawag niya kay Etheyl sabay yugyog sa balikat nito. “Okay ka lang?”
Dahan-dahang dumako ang mga mata nito sa kanya. “K-kuwarto mo `t-to?” Parang hindi makapaniwalang tanong nito.
Naguguluhang napatango siya. “Oo. Bakit, anong problema?”
Hindi makapaniwalang tumawa ito nang walang emosyon. `Yong uri ng tawa na walang laman pero makapanindig balahibo naman.
“Etheyl, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya.
Tumango ito. “Y-yeah.”
Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kama niya at umupo sa gilid niyon. Dahan-dahan din nitong ipinalibot ang tingin sa kabuuan ng kuwarto niya. Etheyl looked at every inch of his room. From the furniture to the windows and to the floor.
Nababahala na siya sa reaksiyon nito kaya naman nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito.
“You really look pale and bothered,” sabi niya. “Ayos ka lang ba? Is there something wrong with my room?”
Tumuon ang mga mata nito sa kanya. May galit at kaguluhan do’n. “Ilang babae na ang dinala mo rito?”
Napakunot-noo siya sa tanong nito. “Etheyl, hindi issue sa atin ang pagiging playboy ko noon—”
“Nagtatanong ako, Calyx. Ilang babae na ang dinala mo rito?”
Naiinis na inihilamos niya ang kamay sa mukha bago sumagot. “Isa lang. Sa maniwala ka o sa hindi, isa lang. Pinangako ko sa sarili ko noon na hindi ako magdadala ng babae rito sa bahay ng mga magulang ko. I respect this house, I respect my room. I don’t know what happened to me that night, but I brought a woman here in my room. I was drunk, so was she; we rode a taxi from the club. Sa tingin ko may nangyari sa amin. Lasing ako no’n, eh, kaya hindi ko masyadong maalala. Kinaumagahan ko na nalaman mula sa may-ari ng bar na may inihalo pala silang droga doon sa alak ng i-si-ni-serve nila. It’s special liquor he said. Bumalik ako roon para magtanong kung kilala nila ang babaeng inuwi ko nang nakaraang gabi, pero walang nakakita sa aming umalis, kahit ang mga kaibigan ko.
“At nang magising ako nang umagang `yon, hindi lang ang babaeng `yon ang nawala, pati na rin ang memorya ko nang gabing `yon. That drug did something to me. I don’t know what kind of drug that was but I don’t remember anything. Ang naalala ko lang may dinala akong babae rito. Ni mukha niya hindi ko masyadong maalala. And hell! That was six fucking years ago!”
“At hindi mo man lang siya hinanap?”
Napasabunot siya sa sariling buhok. Alam na niya kung saan hahantong ang usapan nilang ito.
“Sino naman ang pagtatanungan ko? Bumalik na nga ako sa bar, `di ba, para sana hanapin ang babaeng `yon. Pero wala ngang nakakita sa amin. Ni mga kaibigan ko nga hindi alam na umuwi ako, eh. I was so drunk that night, Etheyl. Give me a break.”
“Ang sabihin mo iresponsable ka lang talaga!” sabi nito na puno ng hinanakit ang boses. “Hindi mo man lang ba inisip ang babaeng `yon? Paano kung nabuntis mo siya—”
“Kung nabuntis ko siya kasalanan na niya iyon dahil hindi siya bumalik dito sa bahay. She was the one who left, okay? Hindi ko siya pinagtabuyan, basta nang magising ako wala na siya. Only the blood on the sheet was left.”
Marahas itong umiling-iling. “No! Babaero ka kasi talaga! Paano kung tumakbo `yong babae dahil sa takot at pag-aalala? At bakit ka pa nakikipag-sex sa taong hindi mo nga kilala at lasing ka pa—”
“I was just twenty-five years old hormonal male, Etheyl!” Hindi niya mapigilang pagtaasan ng boses ang dalaga. “Normal lang sa aming mga lalaki na makipag-sex! At `di ba sinabi ko na sa `yo na wala nga akong maalala dahil lasing ako at may droga pala ang ininom kong alak? Ano pa ba ang gusto mong paliwanag mula sa `kin?”
“Sabihin mo, gago ka talaga.”
Bumuga siya ng marahas na hangin at sinapo ang mukha ni Etheyl na puno ng halo-halong emosyon. “Where is this coming from, huh? Etheyl naman, eh. Mula nang makilala kita, wala nang ibang laman ang isip ko kundi ikaw, ikaw, ikaw! And then this! What are you trying to say? Na lolokohin din kita? Na tatakbuhan?” Parang sasabog ang dibdib niya sa pinaghalong galit at frustration na nararamdaman. “Etheyl, paano kita lolokohin at tatakbuhan? My day is not even complete without seeing you and Seth. Sa tingin mo ba araw-araw akong pupunta sa bahay ninyo kung pinaglalaruan lang kita? Please! Use your freaking brain! Paano ko iiwan ang babaeng mahal ko, ha? How could I fool and hurt the woman that I’m in love with?”
Nanlaki ang mga mata nito sa gulat habang hindi makapaniwalang nakatingin dahil sa huli niyang sinabi.
“Yes, Etheyl.” Inilapat niya ang noo sa noo nito at ipinikit ang mga mata. “I love you. And I love Seth. Hindi ko alam kung paano at bakit minahal kita nang ganito pero `yon ang nararamdaman ko. `Yon ang sinabi nito.” Dinuro niya ang puso niya. “So please, stop this. Oo, babaero ako noon. Oo, marami akong nasaktang babae. Oo, gago ako. Pero mula nang makilala kita, I tried so hard to become a better man for you and for Seth so I could deserve you both. Kaya please naman, give me a fucking break. Huwag mo namang isampal sa akin ang mga pagkakamali ko noon kasi inaako ko naman ang mga `yon at pinagsisisihan ko. I regret every single mistake I did.
“God know how much I love you, Etheyl. Hindi ko lang inamin sa `yo `yon kasi ayokong ipagtabuyan mo na naman ako. I know someone hurt you and I’m really trying my best to heal your heart. And I think I did. Right? Don’t deny it. I know was that I already healed your bitter and broken heart. I know that asking for something in return for what I did is an ass move, but all I’m asking is for you to not break my heart and for you to love me too.” Hinalikan niya ang noo nito at niyakap ito nang mahigpit. “Is that too much to ask, Etheyl?”
Hinintay niyang magsalita si Etheyl pero nanatili itong tahimik. Kaya naman pinakawalan niya ito sa pagkakayakap at sinapo ang mukha nito. She’s crying but her eyes had no emotion as she looked back at him.
Ayaw niyang mag-away silang dalawa dahil lang sa pagtatapat niya ng kanyang damdamin. Kaya siya na lang ang iiwas. Hindi niya kakayanin kung iiwan siya nito. Dahil hindi lang ito ang mawawala sa kanya. Pati na rin si Seth na natutuhan na niyang mahalin nang sobra-sobra.
“Iwan muna kita rito sa kuwarto,” sabi ni Calyx. “Please, pag-isipan mo ang mga sinabi ko. I really love you, Etheyl. Wala `yong halong biro o panloloko. Mahal kita. Mahal na mahal. Sana maniwala ka.”
Tumayo siya at hinalikan ang noo nito pagkatapos ay naglakad siya palabas ng kuwarto.
Nang maisara niya ang pinto ng kuwarto niya, napadausdos siya ng upo sa sahig at sinapo niya ang ulo. Pinipilit niya ang utak niya na mag-isip kong ano pa ang puwede niyang gawin para mahalin din siya ni Etheyl. Pero wala na siyang maisip. Naibigay na niya lahat ng puwedeng ibigay. Ano pa?
“Daddy?”
Mabilis na nagtaas ng tingin si Calyx nang marinig ang boses ni Seth. “Yes, kiddo?”
Sinapo ng maliliit nitong kamay ang pisngi niya. “Ayos ka lang po ba? Okay lang ba kayo ni Mommy? Narinig kasi namin ni Lolo sa terrace na nagsisigawan kayo ni Mommy, eh. Nag-aaway po ba kayo?”
Umiling-iling siya. “Hindi, kiddo. May hindi pagkakaintindihan lang kami ng mommy mo pero hindi kami nag-aaway.” Hinawakan niya ang kamay nito na nakahawak sa pisngi niya. “Promise me one thing, kiddo.”
“Ano po `yon?”
“Huwag mo akong iiwan, ha?” Ginulo niya ang buhok ni Seth na nakakunot ang noong nakatingin sa kanya. “Huwag mong iiwan si Daddy kasi kapag iniwan mo ako, masasaktan dito si Daddy, o.” Sabi niya sabay turo sa parte ng dibdib kung nasaan ang puso niya. “Kaya mangako ka na hindi mo iiwan si Daddy kasi hindi ko kakayanin na malayo ka sa `kin.” Niyakap niya si Seth nang mahigpit. “Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo.”
Kumawala sa pagkakayakap niya si Seth at nginitian siya ng pagkatamis-tamis. “Daddy, hindi po kita iiwan kasi mahal din po kita. Gusto ninyo po ng cookies dipped in barvarian chocolate?”
Natatawang tumango siya. “Gusto ko, anak.”
Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya. “Halika na po, Daddy. Susubuan kita ng cookies tulad ni Lolo.”
Medyo gumaan ang pakiramdam ni Calyx habang hila-hila siya ni Seth patungo sa terrace. This kid already owned half of his heart and the other half was owned by Etheyl. Wala nang natira para sa sarili niya. Kaya hindi talaga niya alam ang gagawin kapag iniwan siya ng mga ito. Sana naman hindi.
NANG marinig ni Etheyl na sumara ang pinto ng kuwarto, saka pa lang siya nakahinga nang maluwag. Hindi siya makapaniwala, gusto niyang hindi paniwalaan pero hindi niya makakalimutan ang kuwarto na minulatan niya anim na taon na ang nakakaraan.
Ito ang kuwartong hinding-hindi niya makakalimutan. Ito ang kuwarto ng lalaking nakakuha sa pagkababae niya. Ito ang kuwarto ng nakabuntis sa kanya. At ito ang kuwarto ni Calyx, ang lalaking mahal niya.
Anong klaseng biro ito? Kung kailan tanggap na niya na walang ama ang anak niya at kung kailan nandiyan na si Calyx para tumayong ama ni Seth, saka naman mangyayari `to.
Etheyl hated the man who impregnated her. Kasi ang lalaking `yon ang nagparanas sa kanya ng pangungutya at panghuhusga ng kapwa. Pero paano siya magagalit sa lalaking iyon kung mahal niya ito ngayon?
At ngayon lang niya lubos na naintindihan kung bakit wala siyang maalala nang gabing `yon kahit anong pilit niya. A drug, huh? So iyon pala ang rason kung bakit wala siyang maalala? Akala niya ay lasing na lasing lang siya nang gabing iyon. But no. She was doped.
At paano niya ngayon sasabihin kay Calyx na ito ang lalaking nakatalik niya nang gabing iyon, eh hindi rin nga nito maalala ang nangyari. Paano niya ipapaalam dito na ito ang tunay na ama ni Seth?
Napatitig sa pintuan si Etheyl nang marinig niya ang boses ng anak niya. And when she heard Calyx’s voice, she felt like her heart was being choked. Palagi niyang pinapangarap na sana si Calyx na lang ang ama ni Seth. At ngayon na ito pala talaga ang ama ng anak niya, hindi na niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano haharapin si Calyx.
Lumapit siya sa pinto kaya naman dinig na dinig niya ang usapan ni Calyx at Seth.
“Huwag mo akong iiwan, ha?” sabi ng boses ni Calyx. “Huwag mong iiwan si Daddy kasi kapag iniwan mo ako, masasaktan dito si Daddy, oh. Kaya mangako ka na hindi mo iiwan si Daddy kasi hindi ko kakayanin na malayo ka sa `kin. Mahal na mahal kita, anak. Mahal na mahal ko kayo ng mommy mo.”
Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang luha na gusto na namang kumawala sa mga mata niya.
Anong gagawin ko ngayon? Should I tell him or not?
Napailing-iling siya at naglakad pabalik sa kama.
Parang nanghihinang nahiga siya sa kama. Nakahiga siya sa kama na minsan na nilang pinagsaluhan ng init ng katawan ni Calyx pero pareho nilang hindi maalala `yon.
Hinaplos niya ang kanang bahagi ng kama kung saan doon nakahiga si Calyx nang magising siya nang umagang iyon. Nakadapa ito sa kama kaya hindi niya nakita ang mukha nito.
Kung nanatili siya sa kuwarto at hinintay na magising si Calyx, mai-in love kaya sila sa isa’t isa katulad ng nangyari ngayon sa kanila? At ano ang ibig sabihin ng lahat ng `to?
Tinakbuhan niya noon si Calyx kaya hindi natuloy ang love story nila, ito ba ang continuation niyon? Ito ba ang paraan ng Diyos para sabihing ‘para kayo sa isa’t isa o isa lang itong napakalaking biro ng tadhana sa kanila’?
Bumangon siya sa kama at lumabas ng kuwarto ni Calyx pagkatapos ay hinanap ang terrace ng bahay. Nang mahanap niya iyon, nakita niyang nakasakay sa duyan si Calyx at Seth. Nagsusubuan ang dalawa ng cookies at masayang nagkukuwentuhan.
Nang makita siya ni Seth, inilapat niya ang daliri sa ibabaw ng labi niya para hindi ito magsalita. Pagkatapos ay sinenyasan niya itong umalis sa duyan. Sumunod naman ang anak niya at lumapit sa kanya. At dahil medyo tago ang kinaruruonan niya, hindi sila nakita ni Calyx.
“Seth? Come back here, kiddo,” sabi ni Calyx sa malakas na boses.
“Wait lang po, Daddy,” matinis ang boses na sabi ni Seth.
Patingin-tingin ang anak niya sa direksiyon ni Calyx. “Ano po `yon, Mommy?”
Nginitian niya ito. “Kailangan naming mag-usap ni Daddy. Puwede bang ihatid muna kita sa baba, kasama si Lola mo?”
Tumango naman kaagad si Seth. “Okay lang po sa `kin, Mommy. Basta po magbabati na kayo ni Daddy.”
Tumango siya. “Mag-uusap kami at magkakabati.”
“Okay po.”
“Salamat, baby.” Binuhat niya ito at napangiwi siya ng maramdamang medyo mabigat na ito. “Mabigat ka na, baby.”
“Kasi po big na ako,” sagot naman nito.
Nangingiting naglakad siya patungo sa may hagdanan.
Akala ni Etheyl ay isang hakbang pa bago ang hagdan at dahil karga niya si Seth, hindi niya nakita ang nilalakaran.
It happened so fast. Namalayan na lang ni Etheyl na nahuhulog na sila ni Seth sa hagdanan. Walang ibang nasa isip niya kundi ang mailigtas ang anak niya kaya naman niyakap niya ito nang mahigpit.
Etheyl felt her body dropping with so much speed and then her butt and back hit the floor twice! And then they’re falling again. Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya ang tumama sa sahig. Nilabanan niya ang sakit ng katawan at iminulat niya ang mga mata.
“Seth…” bulong ni Etheyl sa pangalan ng anak niya.
Ang unang natitigan niya ay ang dugo sa sahig, ang pangalawa ay ang walang malay niyang anak na kinukubabawan niya.
“No! Seth!” Sigaw niya pero wala siyang lakas para bumangon. “Seth! Seth!”
Umiiyak na sinubukan ni Etheyl na bumangon para lapitan ang anak at dalhin ito sa hospital, nilalabanan niya ang sakit sa katawan pero hindi niya kaya, unti-unting nagdidilim ang paningin niya. Ang huli niyang namalayan ay ang papalapit na yabag at ang nagpa-panic na boses ni Calyx.