noveltoon logo noveltoon
Calyx Vargaz (Possessive Series 5)

Chapter 17

Ch. 17 / 29 Feb 05, 2022

PAGOD na sumalampak ng upo si Calyx sa sahig ng sala ng bahay ng kaibigang si Lander. Katatapos pa lang nilang ayusin ang buong bahay ni Lander, kasama na roon ang linisin ang madumi nitong bahay. At ang baliw na si Shun Kim, talagang ibinigay sa kanya ang buong first floor ng bahay para linisin dahil ito naman daw ang naglilinis ng mga banyo at labas ng bahay. Si Cali naman ang nakatoka sa paglilinis ng second floor.

Inilabas niya ang cell phone sa bulsa ng pantalon na suot at tinawagan si Eliza, ang sekretarya niya.

“Hey, boss,” sabi ni Zha sa kabilang linya.

“Hey,” sabi niya at iniunat ang likod na medyo nananakit. “Can you prepare my private plane for my flight to Hong Kong tomorrow?”

Alam niyang nagulat si Zha sa narinig dahil hindi ito kaagad nakasagot.

“Ahm, boss, may nakain ka bang nakakapagpaiba ng ugali? Since when did you use your private plane? `Di ba, display mo lang `yon? Parang palamuti lang ang peg n’on, `di ba?” Puno ng sarkasmo ang boses nito.

Umikot ang mga mata niya. “I’m going to use my plane, Zha. Period. Pakitawagan mo na rin ang company pilot natin. Bukas na hapon ang alis ko. Don’t worry, babalik din naman ako as soon as I can.”

“Himala yata, boss, na okay lang sa `yo na gumastos para sa fuel ng eroplano mo. You always ride in a public plane kasi kuripot ka,” natatawang sabi ni Zha.

Kahit man siya ay nagugulat na wala siyang pakialam kung gumastos man siya nang malaki basta matupad lang ang pangako kay Seth. “Gawin mo na lang ang sinasabi ko, Zha. And can you call Tito Steve for me? Pakisabi sa kanya na may pagagawan ako ng passport. That would be easy since nasa DFA naman siya.”

“Sure,” kaagad na sagot ni Eliza. “I need the name. Address. Birthday. And age.”

Kaagad niyang sinabi kay Zha ang mga impormasyong kailangan nito. Mabuti na lang nagtanong siya kanina kay Seth kaya alam niya ang mga iyon. “Okay na ba `yon?”

“Yeah. Tatawag na lang ako mamaya kung may kailangan pa si Tito Steve. Bye, boss.”

Tinapos na ni Calyx ang tawag at ibinalik sa bulsa ang cell phone.

“Kakapagod,” sabi ni Cali na bumababa sa hagdan habang minamasahe ang balikat gamit ang isang kamay. “I can pay thousands of people to clean this fucking house, pero bakit ako ang naglilinis ng bahay na `to?” naiiritang tanong nito sa kawalan.

Calyx just chuckled at Cali.

“Answer me, my friend,” sabi ni Cali na pasalampak ding umupo sa sahig, kaharap niya. “Hindi pa ako nag-aagahan at nanananghalian. `Tapos ngayon, maghahapunan na, wala pang laman ang tiyan ko! Teka nga muna, sino ba ang nag-suggest na ayusin natin itong bahay ni Lander?”

Sino nga ba?

“Me,” sagot ni Shun na kapapasok pa lang sa loob ng bahay. “We are cleaning this house and not paying someone to do it for us because it’s our way of saying; ‘we got your back, Lander.’ May problema ba do’n?”

“Oo. May problema ako,” singhal ni Cali kay Shun. “Alam mo ba kung gaanong nakakapagod linisin ang buong second floor?!” Inisa-isa ni Cali ang ginawa nito na lihim niyang ikinatawa. “I vacuumed the floor, changed the bed sheet. I even changed the curtains. Oh, and not to mention the broken window glass. Did you even pay me when I changed the window—”

“Reigo did,” putol niya sa iba pang reklamo ni Cali. “Si Reigo ang nag-sponsor sa ipinalit na window glass.”

Reigo Vasquez was one of their inactive friends who they met in Stanford while studying. Pero kahit minsan lang ito magpakita, suportado pa rin nito ang mga kalokohan nila. Naiintindihan naman nila kung bakit palagi itong MIA. Ito ang namamahala sa Vasquez International Construction Company at halos lahat ng itinatayong gusali sa Pilipinas, Dubai, Hongkong at Singapore ay ang kompanya nito ang may hawak.

Pinaikot na lang ni Shun ang mga mata. “Nilinis ko ang lahat ng banyo at pati ang swimming pool.” Tinaasan sila nito ng dalawang kilay. “May aangal pa?”

Itinaas niya ang kanang kamay.

“What?” Shun snapped at him.

“Puwede na ba tayong kumain? Nanghihina na ako, eh,” sabi niya at ibinaba ang nakataas na kamay.

Napabuntong-hininga si Shun. Naglakad ito palapit sa kanila at sumalampak din ng upo sa sahig. The three of them were now forming a circle.

“Sinong may cell phone riyan?” tanong ni Shun. “Iniwan ko ang cell phone ko sa kotse ko.”

Kinuha ni Calyx ang cell phone sa bulsa. Then he threw his phone at Shun. “Catch.”

Mabilis na sinalo iyon ni Shun at napatitig sa screen ng cell phone niya. “Your kid?” tanong nito.

Napangiti siya nang naintindihan ang tinutukoy nito. Lock screen wallpaper kasi ng cell phone niya ang picture nila ni Seth kaninang umaga.

Nakita niyang nakitsismis si Cali dahil sinilip nito ang lock screen ng cell phone niya.

“Kailan ka pa nagkaroon ng anak?” natatawang tanong ni Cali.

“Simula nang ma-in love siya,” sagot ni Shun habang nakangisi sa kanya at iniinis siya.

Tinawanan lang ni Calyx ang dalawa at inihilig ang likod sa paanan ng sofa. Pumikit siya. When he saw Seth and Etheyl in his mind, the tiredness he was feeling magically disappeared. Just like that. Nice.

Habang nakapikit, naririnig niyang nag-uusap sina Cali at Shun.

“Tawagan mo si Wolkzbin,” sabi ni Cali. “Magpaluto tayo.”

“Chill, Cali. Ang takaw mo talaga,” sabi ni Shun. “Hello, Wolkzbin? Nasaan ka ngayon? Magpapaluto kami kasi nagugutom daw si Cali pagkatapos namin linisin ang bahay ni Lander.”

Mukhang inilagay sa loudspeaker ni Shun ang tawag dahil narinig niya ang boses ni Wolkzbin.

“Fuck off, Shun!” galit na sigaw ni Train. “Huwag kang istorbo!”

“Nasa honeymoon ka?” malakas na tumawa si Shun. “So, nakakaistorbo ba kami?”

Napatawa nang mahina si Calyx nang putulin ni Train ang tawag. He opened his eyes, saw Cali, and Shun snickering.

“Call Tyron or Iuhence or anyone,” sabi ni Cali na hinihimas ang tiyan.

“Ano naman ang magagawa ng dalawang `yon?” napapantastikuhang tanong ni Shun. “Ayokong marinig ang mga love advices ni Tyron. Lalo naman ang love confession at cheesiness ni Iuhence.”

Inagaw ni Cali ang cell phone niya na hawak ni Shun at may tinawagan.

“Hey, Thorn?” sabi ni Cali sa nasa kabilang linya. “Pahingi naman ng pagkain, o.” Nakita niyang umaliwalas ang mukha ni Cali. “Talaga? Great!” Binigay nito sa kausap ang address ni Lander. “Sige. Hintayin ka namin.”

Ibinalik ni Cali ang cell phone sa kanya.

“Sino naman `yong tinawagan mo?” nagtatakang tanong ni Shun. “A friend?”

“Hindi. Kaaway ko na dadalhan tayo ng pagkain,” sarkastikong tugon ni Cali kay Shun pagkatapos ay maayos na sinagot ang tanong ni Shun. “Thorn is my cousin who owns the Délicieux Cuisines.”

“Délicieux Cuisines?” manghang tanong niya. “Isn’t that the very famous restaurant that has hundreds of branches all over the world? Na-feature ang restaurant na `yon sa Guinness World of Record for having ten different cuisines in just one restaurant.”

Tumango si Shun. “`Yon na nga `yon. Ang alam ko sikat ang Délicieux Cuisines dahil kakaiba ang restaurant na `yon. The restaurant consists of ten floors and in every floor, they have different cuisines.”

“Yeah. It is awesome! Halos doon na ako nagkakampo kapag weekend at wala akong ginagawa,” nakangiting sabi ni Cali. Napaghahalata na matakaw ito. “They have Filipino, French, Italian, Greek, Japanese, American, Caribbean, Thai, Spanish and Mexican Cuisine. Different cuisine in every floor! Ang sarap talaga ng mga pagkain doon.”

“Napaghahalata ang matakaw,” sabi ni Shun na may nakakairitang ngisi sa mga labi.

Umigkas ang kamao ni Cali pero mabilis iyong nasalag ni Shun bago pa tumama ang kamao nito sa pisngi ng lalaki.

“Not good, Sudalga,” Shun said, his face was stoic. “I am a retired FBI agent. Baka balian kita ng buto.”

“Mababalian mo ako ng buto pero sisiguruhin ko ring hindi lang buto ko ang mababali. Pati rin ang sa `yo,” seryosong sabi rin ni Cali. Matalim din ang mga mata nito katulad ni Shun.

Sa halip na kabahan si Calyx, napailing-iling na lang siya. Oo nga at matataas ang pride nila at iyong mga ego nila ay lampas pa sa puno ng niyog, pero pagdating sa mga away na iyan, wala pang nangyaring ganoon sa kanilang magkakaibigan. They all valued their friendship too much.

Kaya hindi na siya nagtaka nang biglang ngumiti si Shun at tinapik ang balikat ni Cali.

“Bati na tayo, kaibigan.”

Ngumiti rin si Cali at pabirong sinuntok ang braso ni Shun. “Hindi naman tayo nag-away, ah.”

Nailing na lang siya sa pinaggagagawa ng dalawa. Mga baliw na talaga. Tama nga yata si Iuhence at Tyron, their set of friends were full of lunatics.

THIRTY minutes later, may dumating na lalaki. May dala itong karton na hindi naman masyadong kalakihan pero sapat na para malagyan ng pagkain na bubusog sa tatlong kalalakihan na hindi pa kumakain.

The man had tawny hair and had these bluish-gray eyes. Hindi alam ni Calyx kung ano ba ang totoong kulay ng mga mata nito. Matangkad ang lalaki, mga lampas six foot ang height. And the way he walked, he oozed with confidence.

“Thorn Calderon, everyone,” pagpapakilala ni Cali at tinapik ang balikat ng bagong dating na lalaki. “That’s Calyx Vargaz,” Cali’s hand pointed at him, “owner of CureMed Pharmaceutical and that is Shun Kim, owner of Royal Real Estate Company slash mandurugas. He is also a retired FBI agent. Kung hindi ka naniniwala na retired na siya sa murang edad, isipin mo na lang na kinick-out siya ng FBI. Huwag kang makikipag-deal sa lalaking `to kasi kokotongan ka lang nito.”

Natawa si Calyx sa pagpapakilala ni Cali kay Shun. Kilala talagang mandurugas si Shun. Lahat yata sila na magkakaibigan ay nakotongan na nito. At siya lang ang nakakaalam ng tunay na dahilan ng pangongotong ni Shun.

Nakipagkamay sa kanila si Thorn. “Nice to meet you,” sabi nito na nakangiti.

“Same here,” sabi nila ni Shun habang nakikipagkamay kay Thorn.

Natigilan silang tatlo nang agawin ni Cali ang dalang karton ni Thorn at binuksan iyon.

“Ang takaw mo talaga, `insan,” komento ni Thorn na ikinatawa nila ni Shun.

Matakaw naman talaga si Cali. Simple lang ang pagiging matakaw nito. Mabuti nga at hindi ito tumataba, siguro dahil may gym naman si Cali sa penthouse nito at kumakain yata ang kaibigan ng barbell at treadmill.

Inilabas ni Cali ang lahat ng pagkaing dala ni Thorn at inilapag sa round table na nasa sala, pagkatapos ay nauna itong kumain na hindi man lang sila inaaya.

Napailing-iling na lang sila ni Shun at bumuga ng hangin.

“So, you’re a chef?” mayamaya ay tanong ni Shun kay Thorn habang kumakain silang tatlo samantalang si Thorn naman ay abala sa paghahanap ng magandang channel sa TV.

Sa sala sila kumain at nagkamay lang sila. Silang magkaibigan ay naniniwala na ‘the food is best eaten with your hand as a spoon.’ Kung sila-sila lang naman ang kumakain, hindi ka makakakita ng kutsara at tinidor.

Umiling si Thorn. “Nope. I’m a patissier.”

Namangha siya sa nalamang impormasyon. “But you own a restaurant,” sabi niya.

“Yeah.” Thorn shrugged. “I love food.”

Napatingin si Calyx kay Cali na abala sa pagkain. “Pareho pala kayo ni Cali.”

Tumawa nang mahina si Thorn. “I love cooking and making delicious food and cakes. While Cali loves eating them. May pinagkaiba `yon. You should have seen Cali when he was in elementary. Ang taba—”

Kinuha ni Cali ang throw pillow na nasa malapit lang at ibinato kay Thorn na sinalag na lang ng binata habang tumatawa.

“Shut up, Thorny,” napipikang saway ni Cali sa pinsan at ibinalik ang atensiyon sa kinakain.

Calyx then chuckled lightly when Thorn stopped torturing the remote and settled on Animal Planet which showed a program is about animals mating. Napailing-iling na lang siya nang makakita ang hippopotamus na nagsi-sex.

Mukhang may saltik din sa ulo si Thorn. Magpinsan nga ito at si Cali. Parehong miyembro ng Lunatic Club.

NAG-AALMUSAL sina Etheyl at Seth nang may kumatok sa pinto. Nauna nang tumakbo si Seth patungo sa pinto at excited na binuksan iyon, siya naman ay nakasunod lang dito.

“Daddy!” matinis at masayang sigaw ni Seth na ikinabilis ng tibok ng puso ni Etheyl.

Etheyl had already made peace with the fact that she was really falling for Calyx. And seeing him again after a day that he was gone, hindi mapakali ang puso niya na mabilis na tumitibok para sa binata.

“Hello, kiddo!” Pumasok si Calyx sa loob ng bahay at nang magtama ang mga mata nila, nginitian siya nito dahilan para lumabas ang biloy nito sa magkabilang pisngi.

Damn. So hot!

“`Morning, ganda,” bati nito sa kanya.

Kinagat niya ang labi para itago ang kinikilig na ngiti. “`Morning.”

“I’m back,” sabi ng binata habang matiim na nakatingin sa mga mata niya.

Yeah. He’s back. Tulad ng pangako nito na babalik ito. Maybe, just maybe, Calyx was really different from those men. I hope so.

Hindi niya napigilan ang nararamdaman, sinugod niya ng mahigpit na yakap ang binata.

“Thank you for coming back,” sabi niya at ginawaran ito ng halik sa leeg. “I missed you,” pag-amin niya.

“I missed you more, beautiful,” sabi ni Calyx at hinalikan siya sa pisngi.

Their eyes met and they couldn’t look away. Hindi niya alam kung bakit na-miss niya talaga ito kahit isang araw niya lang itong hindi nakita.

“Daddy, ano `yang dala mo?” tanong ni Seth na pumutol sa pagtititigan nila ng binata.

Ibinaba niya ang tingin sa tinutukoy ni Seth. It’s a box wrapped in a red cover.

Ibinigay ni Calyx ang box kay Seth. “Buksan mo. Para `yan sa `yo.”

Excited na tinanggap at binuksan ni Seth ang box. Sobrang lapad ng ngiti nito nang makakita ng stuff toy na Mickey, Goofy, Donald Duck at Pluto sa loob ng box.

Lumuhod si Calyx para magpantay ang mukha nito at ni Seth. “Alam mo ba kung ano’ng ibig sabihin niyan?”

Naguguluhang tumingin si Seth kay Calyx. “Ano po, Daddy?”

Malapad na ngumiti si Calyx, saka sumigaw ng, “Pupunta tayo sa Disneyland!”

Biglang naghihiyaw si Seth at tumalon-talon. Hindi maipinta ang kasiyahan sa mukha ng anak niya. Seth kept on screaming and screaming with so much excitement.

“Calyx, hindi mo naman kailangang gawin `to,” sabi ni Etheyl kay Calyx habang tumatalon pa rin sa tuwa si Seth. “At paano mo maisasakay sa eroplano si Seth, eh, wala naman siyang passport—”

“Problem solved,” pigil nito sa sasabihin niya at mariin siyang hinalikan sa mga labi. “At saka, gusto kong maging masaya si Seth. And if Disneyland can make him happy, then we’re going to Disneyland.”

Napatanga na lang si Etheyl sa binata. Calyx never ceased to surprise and amaze her. He was too good to be true. And if it was too good to be true, then it probably was.

I hope not.