noveltoon logo noveltoon
A House With Heartthrobs

Chapter 70

Ch. 71 / 78 May 03, 2022

Sulat

Dinala niya ko sa tabing-dagat. Malamig ang simoy ng hangin kaya kumuha siya ng jacket sa kanyang sasakyan. Umupo siya sa tabi ko at pinatong aking ulo sa kanyang balikat.

Para bang nag-uusap ang puso namin at nakikisabay ang bawat hampas ng kalmadong tubig. Kung kanina ay hindi ako dinalaw ng antok ay iba ngayong oras. Si T.H ang iniintay kong pahinga sa nakakapagod na araw.

Siguro ay napagod din siya kanina pero ang malaking tanong ay kung bakit niya ako pinuntahan ng ganitong oras. Ramdam ko ang pag-ahon at sulong paghinga nito. Mainit ang bawat paghinga niya. Mas lalong pinainit nito ang aking pakiramdam kaya hindi ko gaanong ramdam ang lamig.

"Bakit hindi ka pa natulog kanina? Mukhang inaantok ka ngayon." Pambasag niya sa katahimikan.

"Wala naman. Sadyang hindi lang ako dinalaw ng antok." Pagsisinungaling ko. Bukod sa hindi ako matulog dahil sa hindi ako dinalaw ng antok ay dahil iyon sa dalawa niyang kaibigan.

"Ikaw? Bakit hindi ka pa inaantok?" Tumingala ako upang tignan ang perpekto nitong mukha. Para siyang kumikinang sa mga mata ko. Napakaperfect ang hugis ng kanyang ilong pababa ng kanyang panga.

"Wala naman. Sadyang hindi lang ako makatulog saka gusto kitang makasama." Gusto ko sanang itanong kung uuwi ba siya sa bahay kasama ang mga kaibigan, o du'n siya uuwi sa mansyon ng kanilang pamilya. Gusto ko rin sanang itanong kung magkasama ba sila ni Rosella sa iisang bahay ngayon. Baka nasa iisang kwarto sila.

Ano ba naman itong iniisip ko. Masyado ng malalim. Pero, paano nga kung gano'n? Kung magkasama sila? Paano kung uuwi siya sa mansyon nila tapos doon ay magkasama rin sila ni Rosella.

"Anong nasa isip mo?" Kinurot niya ng bahagya ang aking kamay na halos manliit ng pinatong niya iyon sa sariling palad.

"Iniisip mo ba kung kasama ko si Rosella sa iisang bahay? Hindi ba?" Umawang ang kaunting ngiti sa kanyang labi. Mabagal akong tumango.

"Magkasama kami dito. Pero hindi ibig sabihin ay magkasama kami sa iisang kwarto. Malaki ang bahay Kaoree huwag kang mag-alala." Ngumiti ako. Sapat na ang mga sinabi niya upang mapayapa ang isip ko. Tinitigan ko siyang muli.

"Sasama ka ba sa amin pauwi?" Namimiss na kitang kasama sa iisang bahay.

Lumungkot ang mga mata niya. Naramdaman ko ang nararamdaman niya. Dumampi ang labi niya sa aking noo. Bumaba ang tingin niya, at hinalikan ako ng marahan. Hindi niya sinagot ang aking tanong. Siguro ay ayaw niya akong madismaya.

Kalhating-oras kaming magkasama na wala kaming ginawa kung hindi pagmasdan ang alon at pag-usapan ang mga nangyari sa bahay nu'ng panahon na wala siya. May pagkakataon na tumatawa siya. Minsan naman ay tumatango lamang siya o kaya kumukunot ang noo kapag nababanggit ko si Latrelle.

Mas lumuwag ang paghinga ko at para bang nabunot ang tinik sa aking dibdib ng nagkwento si T.H tungkol sa buhay niya sa kanilang bahay. Sinabi niyang hindi masayang i-kwento ang buong detalye kaya nirespeto ang desisyon niya.

"Malungkot. Palagi kong kailangan patunayan ang sarili ko." Paliwanag niya. Gusto ko sanang magtanong pero hinayaan ko siya.

"Hindi lahat ng may mayaman na pamilya ay masaya. Ang gusto ko sana ay katulad ng pamilya na mayroon si Latrelle." Hinawakan ko ang kamay niya.

"Nandito lang ako. I-kwento mo lang ang gusto mong sabihin. Gagaan ang loob mo kapag nilabas mo ang mabigat dyan." Tinuro ko ang puso niya.

"Kung mayroon man akong bagay na gustong hilingin bukod sa makasama ka hanggang sa pagtanda ay makita rin ako ng magulang ko bilang anak." Hindi ko siya maintindihan pero niyakap ko siya. Kinilig ako sa sinabi niya pero mas nanaig ang awa sa puso ko.

Hinawi ko ang buhok niya at hinalikan ang kanyang noo. "Nandito ako. Kami ng mga kaibigan mo. Matatawag mo rin kaming pamilya." Saka soon bu-buo rin tayo ng sarili nating pamilya.

"Salamat kaya kita mas minamahal kasi ganyan kang klaseng tao." Totoo ba ang sinabi niya? Ano nga 'yon? Mahal niya raw ako?!

Pwedeng sumigaw kahit tatlong segundo lang? Seryoso ba siya!? Huminahon ka lang Kaoree. Ang petchay mo!

Tumayo siya at nilahad ang kamay niya. "Tara na. Mas lalong lumalalim ang gabi baka hanapin ka nila." Tama nga siya. Malakas pa naman ang pakiramdam ni Jez kapag nawawala ako. Pwera na lamang du'n sa kabilang bahay dahil alam niyang safe ako roon.

Sumakay kami ng kotse niya at hinatid niya ako. Bago pa man siya tuluyang umalis ay hinalikan niya ko sa pisngi. Huhubarin ko na sana ang jacket niya pero hindi niya iyon kinuha. "Malamig ngayong gabi. Kailangan mo 'yan."

Pinagmasdan ko siyang umalis hanggang sa pumasok ako sa loob ng bahay. Salamat naman at tulog ang lahat. Bumalik ako sa aking higaan at inayos ang higa ni Melissa. Ano ba naman klaseng tao ito? Kamay ba siya ng orasan at kung makaikot sa higaan ay three hundred sixty degree?

Inayos ko ang pagkakahiga niya at binalik siya sa kanyang pwesto. Napakabigat naman ng isang ito. Nakareceive ng text mula sa unknown number kanina.

Sweet dreams, Kaoree. Matulog ka na ha.

Wala akong load na panreply kaya tiis muna. Tiis ganda. Pinagmasdan ko ang message niya hanggang sa tuluyan akong dalawin ng antok.

"Huy!"

"Huy!" Naramdaman ko ang paglundo ng aking kama.

"Babae!" This time ay mahinang paghampas sa aking braso.

Ngunit imbis na magising ako at bumangon ay minabuti kong mas ipikit ang mga mata ko.

"Ay. Si bakla o? Feeling sleeping beauty?" Limang segundo ay naramdaman kong lumabas siya. Rinig ko ang langitngit ng lumang pinto. Salamat naman makakatulog na ako ulit.

Tinakluban ko ng unan ang aking mukha at bumalik sa himbing ng aking tulog ng maramdaman ko ang yelo na dumampi sa aking hita. Tumayo ako at tila natauhan.

"Tatanghaliin tayo! Remember, aalis na tayo ngayon." Nakapamewang na sambit ni Jez.

Oo nga pala! Kaya nagmadali akong kumuha ng towel at shampoo. Kumaripas ako ng takbo at inunahan si Vanna na magbanyo. Rinig ko ang pagpaparinig niya dahil sa pagkainis nito.

Ngumiti ng kusa ang aking mga labi ng maalala ko ang moment namin kagabi ni T.H. Sana maulit! Naligo ng mabuti at matapos nito ay dumiretso muna ako sa kwarto upang magblower. Inayos ko ang aking mga gamit matapos nito at kinuha ang jacket ni T.H na nakapatong sa side table ng kama.

May nahulog na sulat mula sa bulsa nito. Kumunot ang noo ng binuklat ko ang puting papel. Ano ba ito, listahan ng utang?

Makipagkita ka sa akin matapos ng limang araw.

Ang sabi sa unang bahagi ng sulat. Ngunit ang mas kinagulat ko ay ang susunod.

Sumama ka sa akin, Kaoree. Kung talagang mahal mo ako ay makikinig ka sa akin. Ilagay mo ang gamit mo sa iyong maleta at sumama ka sa akin.

-T.H.

Anong ibig niyang sabihin?