Ulan
Ilang araw pa ang nakalipas ay walang paramdam si T.H. Nabalitaan ko na lang na umuwi siya kasama si Rosella sa kanilang bahay. Nakahalumbaba na lamang ako habang nakikinig sa turo ng aming guro.
"Kaoree, ayos ka lang ba?" Aniya Melissa.
Ilang araw na rin ang nakalipas at si Wanwan ay hindi pa nagpapakita sa amin. Ang sabi ni Bruno ay may sakit daw ang isang iyon. Pero hindi naniwala si Melissa dahil alam niyang dahil sa kahihiyan kaya hindi siya pumasok.
Mabilis lumipas ang mga oras ng hindi ko namamalayan. Si Marcus ay kasama namin maglunch pati si Jez na ngayon ay successful ang defense. "Girl! Ang galing ko! Havey na havey ang pagdefense namin!"
Ngumiti ako. "Congrats ha! Sana all na lang!"
"Anong sana all! Syempre ikaw rin pagdinaanan niyo ito ni Melissa makakaya niyo rin to." Pampalubag-loob nito.
Masayang-masaya kaming apat habang kumakain. Libre kasi ni Jez ang lunch namin. Hindi lang 'yon pati ang snacks namin para mamayang hapon ay bumili rin siya.
Nang nakaramdam ako ng pagbanyo ay nagpaalam ako sa kanila. Hindi sila nagtanong kaya mabilis akong lumabas ng canteen. Pero may pamilyar na tindig ng lalaki ang siyang palapit mula sa kinatatayuan ko.
Na-estatwa ako ng makilala ko kung sino siya. Ang singkit niyang mga mata, na nakatingin ng diretso sa akin. Ang labi niyang manipis na nakaawang na para bang inaakit ako. Agad niya akong nilayo roon at dinala sa kakaunti ang tao.
"T.H, bakit mo sinasagot ang mga tawag ko? Gusto kong maliwanagan!"
"Tignan mo ko sa mga mata ko, Kaoree!"
"Oo, alam kong gwapo ka. Pogi ka. Pero wag mo akong tunawin sa pamamagitan ng mga mata mo. Enebe!" Lumabi ako at inayos ang aking buhok.
"Tigilan mo ang pagbibiro mo. Seryoso ako, Kaoree. Mamayang gabi makipagkita ka sa akin kung talagang mahal mo ako."
Nalulungkot ako sa mga mata niya habang tinitigan ko iyon. Pumikit ako ng mariin. Hinawakan ko ang magkabila niyang kamay.
"Oo, T.H. Sasama ako sayo." Mahinahon kong sagot.
"Alas nueve ng gabi maghihintay ako sa bench malapit sa playground kagaya ng sinabi ko sa sulat. Siguraduhin mong hindi ka makikita ng kahit na sino." Tumango-tango ako.
Hinalikan niya ko ng mariin sa noo at saka mabilis siyang naglakad. Pinagmasdan ko siyang umalis ng hindi ko manlang siya nayakap. Bumaba ang tingin ko sa lupa saka nagpatuloy na naglakad papuntang banyo. Hindi ko inisip kung may mababangga ba ako o wala. Ang mahalaga ay hindi ko maipakita ang mukha ko.
Dapat ay masaya ako pero hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. "Tumingin ka nga sa dinadaanan mo." Matinis ang pamilyar na boses.
Umangat ang tingin ko. "O, anong tinitingin-tingin mo?"
Hinayaan ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Naramdaman kong sumunod siya sa akin kaya tumigil ako. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
"Gusto ko lang sana ipahatid sa kaibigan mo, kay Jez. Pakisabi congratulations!" Talandi talaga ang Jaztine na ito. Tumango lang ako.
Nagmuni-muni ako sa dulong cubicle ng banyo habang nakaupo sa hindi bukas na inidoro. Tumagal ako ng halos sampung minuto kaya sari-saring usapan ng mga estudyante ang narinig ko. May pamilyar na sapatos ang napansin ko sa tapat ng aking cubicle.
"Wanwan, tandaan mo ito. Pumasok ka just to show na hindi ka nahihiya sa ginawa mo and besides what are friendship for right?" Maarte ang boses na iyon.
Hindi ko man narinig ang boses ni Wanwan alam ko ay pabor siya sa sinabi ng babae. Bigla naman nagring ang cellphone ko at mabilis kong pinatay iyon. Chineck ko kung sino.
1 missed call from Melissa.
Bad timing ka! Kainis.
Narinig ko ang isa-isang pagbukas ng cubicle at…
Lumabas ako ng buong tapang. "Basura?" Agad na bungad sa akin ni Rosella. Kung sabihan niya akong basura ay para bang hindi ko siya kamukha.
"Tandaan mo Rosella magkamukha tayo. Estado lang sa buhay ang magkaiba sa atin."
Humalakhak siya. Suot niya ang golden ear rings na masarap hilahin. Nakadress din siya at stiletto. Pulang-pula ang mga labi nitong parang kinagat ng bubuyog.
"Don't you dare to say that."Lumapit siya sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Gano'n din ang ginawa ko sa kanya." Oo nga pala. Natatandaan mo ba yung engagement party namin ni T.H?"
Mas pinili ko na lang manahimik. Ayokong makinig sa mga nonsense niyang gustong sabihin. Kaya naman lumabas ako ng comfort room. Muntik pa niyang hawakan ang braso ko at mabuti na lang ay mabilis akong nakailag sa hawak niya.
"Hey! Don't you dare na talikuran ako habang kinakausap kita. Bastos kang babae!"
Ngumisi ako. Naglakad ako at hindi pinansin ang sinabi niya sa isa pang pagkakataon. Narinig ako ang sigaw niya sa pangalan ko. Engagement party ha. Hindi siya sisiputin ni T.H kung sakali. Hindi siya mahal ni T.H. Ako ang gusto niya at wala siyang magagawa.
Ako ang pinakamaganda sa balat ng mga Dyosa. Nagflip ako ng buhok at nag-ayos ng pusod habang naglalakad. I am beautifully confident.
Nagtaka sina Jez ng bumalik ako matapos ang ilang minuto. Nagkwento ako ng tungkol sa pagpapakita sa akin ni Rosella sa banyo. Nagulat din si Melissa sa sinabi ko. Si Marcus ay nanatiling kalmado at sinabihan akong huwag na lang pansinin ang babaeng iyon kaysa magkagulo.
Maagang natapos ang klase kaya maagang akong umuwi. Naglinis muna ako ng katawan matapos mamahinga. Nagwalis ng harapan at likuran ng bahay. Matapos nito ay dumiretso ako sa kusina at naabutan kong naghihiwa si Wyn ng pangrekado sa ulam.
Nakahanda ang bellpepper, sibuyas, bawang, ketchup at tomato sauce. Tinatadtad niya hitang parte ng manok ng maabutan ko siya sa kanyang ginagawa. Kumuha ako ng sarili kong sangkalan at kutsilyo.
Ano na kayang ginagawa ni T.H? Pinaghahanda na rin kaya siya ng mga kasambahay nila ng hapunan? O, baka naman kakain siya sa labas kasama si Rosella?
"Malalim ang iniisip mo?" Tanong ni Wyn.
"Si T.H ba?" Dugtong niya.
"Huwag kang mag-alala. Maayos ang lagay ng kaibigan ko. Mabait sina Tito at Tita." Ngumiti siya na para bang isang anghel.
"Kung inaalala mo ang hapunan niya. Mas masarap ang pagkain nila." Pagmamalaki nito. Oo nga, Wyn. Tama.
Nang mailuto ang hapunan ay sabay-sabay kaming kumain. Naunang matulog si Jez dahil sa ginawa niyang pagdefense. Kwento niya ay parang nanuyo ang utak niya. Sina Marcus at Latrelle naman ay sumunod at ang panghuli ay si Wyn.
Nang masigurado kong tulog na ang lahat ay sinimulan ko ang pag aayos ng gamit ko. Nilagay ko sa maliit na maleta. Dahan-dahan kong inakay pababa ng hagdan. Nagbutil ang pawis ko sa ginagawa ko hanggang sa lumuwag ang paghinga ko ng makababa ako nito.
Dahan-dahan ang paghakbang ko palabas ng bahay. Maingat na pinihit ko ang seradura ng pinto hanggang sa makalabas ako. Yes! Magaling ka talaga, Kaoree.
Sinigurado kong hindi ko nilock ang gate kaya naman mabilis akong nakalabas. Pumara agad ako ng tricycle at pinaharurot iyon. Inayos ko ang suot kong jacket at saklob.
Bumaba akong patakbo sa tricycle ng makarating ako sa tagpuan namin ni T.H. Halos kulay asul ang buwan. Maganda ang kutitap ng bituin sa langit. Umupo ako sa mga benches roon.
Tinignan ko ang cellphone ko. Late lang siguro si T.H. Naghintay ako ng kalhati pang minuto. Darating siya. Hindi pwedeng hindi. Siya ang nagplano kaya kahit walang pangako alam ko darating siya.
Sa bawat minutong lumipas ay pinanghihinaan ako ng loob. Yumuko ako at naramdaman ko ang namumuong luha sa mga mata ko.
"Darating siya." Pabulong kong sambit sa sarili ko.
Tumingila ako at sinalo ng palad ko ang unti-unting pagpatak ng ulan hanggang sa lumakas ito. Umagos ang mainit kong luha kasabay ng pag-agos ng tubig ng ulan sa aking pisngi. Ramdam ko ang pinaghalong init at lamig sa aking mukha.
"Darating siya." Nanghihina kong sambit habang yakap ang aking maleta.
Mas lalong bumuhos ang ulan. Yumuko ako na lamang ako. Hindi ako aalis dito dahil alam ko darating siya. May anino sa tapat ko at hindi ko naramdaman ang ulan kaya gumuhit ang ngiti sa mga labi ko.
Pero naglaho iyon na sa isang iglap. Nanlambot ang buo kong katawan. Higit pa sa lamig ng ulan ang naramdaman ko ngayong gabi."Hindi siya darating, Kaoree." Humagulgol ako at niyakap ko siya. Hinagod niya ang likod ko habang nakayakap din siya sa akin.