Kaoree
Sunod-sunod ang pag-inom ko ng wine matapos ng pangyayari kagabi. Nakatulugan ko na rin ang pag-inom dahil sa sakit ng nararamdaman ko. Muli ko na namamg naramdaman ang sakit ng sinabi ko kanina. Hindi ko intensyon na sabihin iyon. Pero 'yun ang nararapat.
Lumapit sa akin ang isang babaeng nakabestidang kulay rosas. Kitang-kita ang balat niyang para bang kahit kailan ay hindi naarawan. Inayos niya ang kanyang takas na buhok at nilagay iyon sa kanyang tenga na tila ba nang aakit. Hinaplos niya ang aking braso papunta sa aking hita. "Maaga ka yatang gumising ngayong umaga."
"Rosella." Awat ko sa kanya. Lumayo siya ng bahagya saka ngumiti ng makahulugan. Umupo siya sa katabi ko. Pinagmamasdan niya ang mga magandang kalangitan sa labas ng bintana.
"Tita is proud of you. Hindi ba't iyon naman ang gusto mo? Matagal na." Hinawakan niya ang aking baba saka ngumiti ang mapulang niyang labi dahil sa makapal niyang pulang lipstick.
Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang wine glass. Wala pa rin mas papait sa nararamdaman ko ngayon. Halos lumabas ang ugat sa aking kamay dahil sa gigil kong paghawak sa baso.
Nagring ang cellphone ko na nakapatong sa mesa pero hindi ko iyon pinansin. Kinuha iyon ni Rosella at winagayway. "Hindi mo ba sasagutin ang tawag?"
Umiling ako kaya naman binalik niya iyon sa mesa.Tumayo siya at tinawag ang isa sa serbidor ng aming bahay. Mabilis lang ang pag-uusap nila kaya naman bumalik ang atensyon ni Rosella sa akin.
"Nagpaluto ako ng breakfast for us. Hindi okay ang wine sa umaga." Kahit ilang beses siyang magpaluto para sa akin o siya pa mismo ang magluto. Walang papantay kay Kaoree. Mahal na mahal ko siya.
Sa tagiliran ng mga mata ko ay kita ko ang pagbaba Thylene. Binaba ko ang wine glass na aking hawak. Nang tuluyan siyang lumapit sa aming pwesto ay pinagmasdan niya si Rosella mula ulo hanggang paa.
"Congratulations on your victory. I mean to your soonest Wedding Mr. and Mrs. Manzriel." Kumuha siya ng sariling wine glass. "Cheers ulit!" Ngumiti siya saka ininom ang wine na nilagay niya roon.
Tumayo si Rosella. Nakapamewang siya sa harapan ni Thylene. Nagtitigan silang dalawa at ramdam ko ang tensyon sa pagitan nilang dalawa. Hinawakan ko ang braso ni Rosella.
"Feeling matapang ka na? As far as I know, ikaw 'yung nang agaw ng eksena." Pinilantik niya ang mahaba at itim niyang buhok. Mas lalong nag-apoy ang mata ni Rosella at nanginig ang mga kamay nito.
"Don't you even dare to say that to me. Masyado kang pabida." Aniya Rosella ng mas lalong siyang lumapit dito.
Muling nagring ang phone ko. Kung hindi si Kaoree ang tatawag. Hindi ko iyon sasagutin. Tinitigan ko iyon ng ilang minuto bago mamatay at wala pang limang segundo ay umilaw ulit iyon.
Bago pa man ako makapagsalita na huwag galawin ni Thylene ay sinagot niya ang tawag. Kumunot ang noo niya matapos na isalpak iyon sa kanyang tenga. "If you love her. Piliin mo siya." Sabi ni Thylene.
Kumunot ang noo ko. "Paalis na si Kaoree sabi ni Wyn. Hahayaan mo na lang ba 'yun?" Dugtong niya.
Agad kong kinuha ang susi sa kwarto ko. Walang pagdadalawang-isip akong bumalik sa bahay kung saan nando'n si Kaoree. Patuloy ang pagbusina ko sa mga sasakyan na humarang sa akin daan.
Habang nagmamaneho ay sinubukan kong tawagan siya pero cannot be reach. Sinapo ko ang aking noo dahil sa ginawa ko sa kanya. Nasaktan ko na siya ng sobra kaya siguro ito ang huli niyang desisyon.
Sumikip ang dibdib ko at para bang tinusok ang puso ko ng paulit-ulit. Hindi pwede ito. Kailangan kong masabi sa kanya ang totoo. Kung bakit kailangan kong gawin ang mga ginawa ko noon.
Hindi ko na nagawang magpark sa garahe dahil dumiretso agad ako ng loob ng bahay. Halos lumuwa ang mga mata nila ng makita ako. "Nasaan si Kaoree!" Paghawak ko sa kwelyo ni Wyn.
"Wala na siya, T.H." Mahina nitong sambit.
"Bakit hindi mo ko sinabihan agad! Tangina! Ano to'? Bakit ganito!" Ginulo ko ang sarili kong buhok. Namuo ang luha sa tagiliran ng mga mata ko.
Sinubukan akong aluhin ni Jez pero tinulak ko siya. Lumapit sa akin si Latrelle. Nag-aalab ang mga mata niya. "Dapat hindi mo na sinabi sa kanya, Wyn."
Umangat ang tingin ko kay Latrelle. Nagtagis ang panga ko. Tila tumaas ang dugo ko dahil sa sinabi nito at sa tono niya.
"Umalis si Kaoree dahil sa'yo!" Dinuro niya ang dibdib ko at kinuwelyuhan. "Alam mo ba ang sabi niya? Huwag mo na siyang guluhin kahit KAILAN." Tinulak ko siya at malakas siyang sinuntok. Pumagitna ang tatlo, sa aming dalawa. Nakahawak si Wyn sa magkabilang braso habang si Marcus ay gano'n din ang ginawa kay Latrelle. Si Jez ay pinakakalma si Latrelle pero hindi nito magawa.
"Umalis ka na sa buhay niya T.H kagaya ng pag-alis niya sa buhay mo. Pagbigyan mong sumaya si Kaoree ng wala ka." Aniya Latrelle matapos na tignan ang kaunting dugo ng kanyang labi.
Kumirot ang puso ko sa sinabi niya para bang hindi ako makahinga. Ayokong maniwala dahil alam ko at ramdam ko mahal ako ni Kaoree. Naniniwala ako nakatadhana kami noon pa man lalo na nang ilang beses ko siyang nakasama ng hindi inaasahan.