HINDI gusto ni Train ang sumakay sa kanyang private jet, pero para kay Krisz ay ginawa niya iyon patungong Russia. Matapos nilang mapagdesisyunang magpakasal isang linggo mula ngayon, pinag-usapan din nila kung saan sila ikakasal at kung sino-sino ang mga imbitado.
Tinawagan ni Train ang ina kagabi para magpatulong sa wedding invitation at masayang-masaya ito na isasama niya si Krisz sa Russia. At ang sabi ng mommy niya, naging maayos daw ang kalagayan ng kanyang ama nang malamang ikakasal na siya sa babae.
Lahat ng nangyayari ay hindi naaayon sa planong binuo ni Train sa kanyang isip. Dahil sa kanyang ama, napilitan siyang pakasalan si Krisz. Ngayon, hindi niya maiwasang tanungin ang sarili, ano ba ang magiging buhay niya kapag ikinasal na sila ng babae?
Would it be heaven or hell?
Malalaman din niya ang kasagutan sa kanyang tanong. Soon…
Binalingan ni Train ang katabing babae na mahimbing na natutulog. She fell asleep right after the plane took off. Alam niyang kaya ito natulog ay dahil gusto siyang iwasan.
Dumako ang kanyang tingin sa nakabukas na purse ng dalaga at sumisilip mula roon ang cell phone nito. Alam ni Train na kapangahasan ang gagawin pero hindi niya mapigilan ang sarili. Dahan-dahan niyang kinuha ang cell phone ng dalaga at agad nagsalubong ang kanyang mga kilay nang makitang may new message ito.
Mukhang nag-text ang sender bago pa sila umalis sa Pilipinas at nawalan ng pagkakataon si Krisz na basahin iyon nang makatulog.
It was wrong. Very wrong indeed. Pero binuksan pa rin ni Train ang cell phone. It came from a person named “Mr. Flirt.” Agad niyang pinukol ng masamang tingin ang dalaga.
“Sino naman itong Mr. Flirt na `to?” magkasalubong ang mga kilay na tanong ni Train sa hangin.
Walang pag-aalinlangan na binuksan niya ang nasabing mensahe at umakyat sa ulo ang kanyang dugo sa nabasa.
Krizzy baby, hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo na magpakasal kay Wolkzbin. Magsabi ka lang, tutulungan kita. I will lend you my money, my name and hell, I can even lend you my body! That’s how much I love you, my Krizzy baby. Just say the word and this handsome sender will be your knight in shining armor.
Galit na binura ni Train ang mensahe pero paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip ang nabasa. That’s how much I love you. Ganoon na ba kalalim ang relasyon ng dalawa?
Ibinalik niya ang cell phone sa purse ni Krisz, saka inilapit ang kanyang mukha sa mukha ng dalaga para halikan ang mga labi nito. Pero mabilis na inilayo ni Train ang mga labi bago pa nito maramdamang hinalikan niya ito.
“ Ty moya , Krisz,” bulong niya sa babae.
He kissed her lips one last time and then he closed his eyes and forced himself to sleep.
DAHAN-DAHANG iminulat ni Krisz ang mga mata at tiningnan ang katabi. Mahimbing na natutulog si Train kaya naman malaya siyang pagmasdan ang mala-Adonis nitong kaguwapuhan. Gusto niyang hawakan at haplusin ang mukha ng lalaki pero pinigilan niya ang sarili.
This man will be her husband a week from now. Ano kaya ang pakiramdam na maging asawa ito? Ano kaya ang pakiramdam na alagaan ni Train bilang isang asawa?
Malapit na niya iyong malaman.
Ikakasal na sila sa susunod na linggo at kinakabahan siya. She was already twenty-eight but she didn’t know a single thing about married life. Sana maging maayos ang pagsasama nila ng lalaki, dahil sa oras na mambabae ito, makikita nito kung gaano siya kademonyita.
Dumukwang si Krisz palapit kay Train at inilapat ang mga labi sa pisngi nito. She could smell his aftershave and its intoxicating her. Mabilis siyang bumalik sa dating posisyon nang maramdamang gumalaw ang binata.
Umakto siyang walang nangyari nang magmulat si Train ng mga mata at tumingin sa kanya.
“Gising ka na pala,” anito at naghikab. “Masakit ba ang likod mo? It’s uncomfortable to sleep in the plane.”
“Ano namang pakialam mo?” walang-buhay ang boses na aniya.
“Hindi ba ako puwedeng mag-alala sa soon-to-be-wife ko?”
“Bakit ka naman mag-aalala sa `kin?”
“Kasi nga magiging asawa na kita. You will be my wife and I always take good care of what’s mine.”
May munting ngiti na gumihit sa mga labi ni Krisz. “I take good care of what’s mine, too. From my parents to my family’s company to my friends.” Bumaling siya sa binata na nahuli niyang titig na titig sa kanyang mukha. “Would you like me to take care of you?”
Hindi alam ni Krisz kung bakit niya naitanong iyon kay Train pero nanggaling iyon sa puso niyang may kakaibang pagtibok para sa binata.
May gumuhit na munting ngiti sa mga labi nito. “How about you? Would you want me to take care of you?”
Mahina siyang natawa. “Magiging mag-asawa na tayo, Train. Kailangan nating alagaan ang isa’t isa.”
Umawang ang kanyang mga labi nang tumagilid ng upo ang lalaki at ihinilig sa balikat niya ang ulo nito, pagkatapos ay hinawakan ang kanyang kamay at hinalikan ang likod niyon.
“Alagaan ang isa’t isa,” ani Train habang patuloy pa rin sa paghalik sa likod ng kanyang kamay. “I like the sound of that. Take care of me then. Take good care of me now.”
Krisz’ heart nearly leaped out from her ribcage. Parang tinatambol ang puso niya sa ginawa nito. Gusto niyang agawin ang kamay na hawak ng binata dahil nanlalamig iyon pero mahigpit ang pagkakahawak ni Train at hindi siya hinayaang makawala.
“Just this once, iyubov moya . Ngayon lang. Hayaan mo akong mapalapit sa `yo. Paglapag ng eroplanong `to na sinasakyan natin, saka mo na ako itulak palayo.”
Gumalaw ang kamay ni Krisz para haplusin ang pisngi ng binata, pagkatapos ay dumako ang kanyang daliri sa tungki ng ilong ni Train at bumaba sa mga labi nito.
“Ano’ng gagawin mo kapag itinulak kita palayo?” tanong niya pagkalipas ng ilang sandali.
Nag-angat ng tingin si Train. Ilang dangkal lang ang layo ng kanilang mga labi at parang kinapos siya ng hininga.
“Ano’ng gagawin ko?” ulit nito sa tanong niya, saka ngumiti. Parang nalaglag ang puso ni Krisz sa ngiting iyon. “That’s for me to know and for you to find out.”
Inirapan niya ito. “Gasgas na ang linyang `yan.”
Mahinang tumawa ang lalaki. “Okay, let me rephrase what I said. Kung anuman ang gagawin ko, sa `kin na lang `yon. Okay?”
Muli niya itong inirapan. “Okay. Sabi mo, eh.”
Umayos sa pagkakahilig sa balikat ni Krisz si Train at ilang segundo ang lumipas, naging pantay na ang paghinga nito. Mukhang nakatulog na naman ang binata.
Hinaplos niya ang buhok nito at ipinikit niya ang mga mata. Habang unti-unting kinakain ng antok, nasa isip ni Krisz kung ano ba ang pakiramdam kapag minahal siya ng isang Train Wolkzbin. Marunong nga ba itong magmahal?
NAGISING si Krisz nang maramdaman ang marahang pagtapik ni Train sa kanyang balikat. Akala niya ay lumapag na ang sinasakyan nilang eroplano pero nang tumingin siya sa labas ng bintana ay nakita niyang nasa himpapawid pa sila.
Kinusot ni Krisz ang mga mata at tumingin kay Train na nasa tabi niya. “Bakit mo ako ginising?”
“Kain ka,” anito at may iniabot sa kanyang peach. “Baka nagugutom ka na.”
Tinanggap niya ang peach na inabot ng lalaki at kumagat nang kaunti. “Nasaan na tayo?”
“Wala akong makitang karatula kung nasaan na tayo, kaya hindi ko masasagot ang tanong mo,” sagot nito na puno ng sarkasmo.
Inirapan ni Krisz si Train. “I’m asking a serious question.”
“And I answered you as serious as I can be,” he said with a smirk.
“Ewan ko sa `yo.” Kumagat siyang muli. “Wala ka na bang ibang prutas maliban dito?” aniya at ibinalik ang prutas na ibinigay nito.
Kumagat si Train sa peach na kinagatan na niya. “Bago ko sagutin `yan, may tanong ako.”
“Ano?”
“Ano ang paborito mong prutas?” tanong nito na ikinakunot ng kanyang noo.
Kahit naguguluhan, sinagot ni Krisz ang tanong ng lalaki. “Grapes. I like grapes. They’re juicy, tasty, delicious, and just freaking edible.”
Tumango-tango ito at may ipinakita mula sa likuran. Napangiti siya nang makitang may hawak itong grapes.
“May dala kang grapes?” mangha niyang tanong. “And you were hiding those behind your back?”
“Nakatago ito sa likod ng upuan natin. I brought peach, my favorite fruit, and grapes, your favorite,” ani Train at pumitas ng isang ubas. “Noong hinintay kita sa bahay n’yo kagabi, nakausap ko ang daddy mo. We talked about a lot of things and we came across your favorite food.”
“Bakit naman pati paborito kong pagkain ay gusto mong malaman?” kunot-noong tanong niya.
Ngumiti nang matamis si Train. “Krisz, I’m a chef. I think that explains everything.”
Lalong kumunot ang kanyang noo. “You’re a businessman, Train. Paano ka naging chef?”
Krisz was dumbfounded. This handsome man was a chef? This ruthless and smart businessman was a freaking chef? Hindi halata. Wala man lang nabanggit na chef si Train Wolkszbin sa lahat ng magazine na nabasa niya tungkol dito.
“I’m a chef by profession. Businessman by choice.”
“Oh.” Impressive.
“Yeah.” Ngumiti ang lalaki. “Anyway, eat up,” he said then brought the one piece of grape over her mouth.
Nag-init ang mga pisngi ni Krisz sa kaalamang sinusubuan siya ni Train. Wala pang lalaking nagsubo sa kanya ng pagkain. Ayaw kasi niyang magpasubo sa kadahilanang kaya naman niya. Pero ngayong si Train ang nagsusubo sa kanya ng prutas, parang may sariling isip ang bibig ni Krisz na bumuka para tanggapin ang ubas.
Napapikit siya nang malasahan ang prutas sa kanyang bibig. Oh, God! Napaungol si Krisz sa sarap nang kagatin ang ubas at yumakap sa panlasa niya ang tamis niyon.
Nang magmulat siya ng mga mata, nagtama ang kanilang tingin ni Train. She saw desire and raw hunger in the depths of his pale charcoal eyes. Parang inaakit siya ng mga matang iyon na lumapit sa binata.
Nang mapansin ni Train na dahan-dahang lumalapit ang kanyang mukha sa mukha nito, naglagay ito ng ilang piraso ng ubas sa bibig, saka maalab na hinalikan ang kanyang mga labi.
Napaungol si Krisz nang kagatin ng binata ang prutas at umagos ang matamis na katas niyon sa loob ng kanyang bibig, habang ang iba ay dumaloy patungo sa baba hanggang sa kanyang leeg at hinabol iyon ng mga labi nito.
“Train...” ungol ni Krisz nang bumaba ang mga labi ng lalaki sa mayayaman niyang dibdib, pagkatapos ay muling bumalik sa kanyang mga labi at mariin siyang hinalikan.
Wala na siya sa tamang pagiisip. Tinangay na ng hangin ang mga rason kung bakit hindi niya dapat tugunin ang halik ng binata. Krisz was lost in his kisses and she couldn’t do anything but to kiss him back with equal ferocity.
Nang pakawalan ni Train ang kanyang mga labi, habol nilang pareho ang paghinga.
“Pasalamat ka nasa eroplano tayo,” anito habang puno ng pagnanasa ang mga mata.
Napalunok si Krisz sa uri ng pagkakatingin ng lalaki sa kanya. He looked at her like a hungry wolf ready to devour the last piece of meat in the market.
“A-ano’ng gagawin mo kung wala tayo sa eroplano?”
He grinned like a devil Cheshire cat. “Oh, iyubov moya . The things I will do to you are inexplicable even to me.” Inilapit ni Train ang mukha sa kanya at ipinagdikit ang kanilang mga labi. Naamoy niya ang mabango nitong hininga. “Pero huwag kang mag-alala. You have a week to prepare for me, my sweet. Babawi ako sa honeymoon natin.”
Mabilis na kumalat ang dugo sa mga pisngi ni Krisz sa sinabi nito. Oh, my Jesus!
“H-honeymoon?” Napalunok siya. “S-saan ang honeymoon?” Shit! Bakit ba nawala sa isip niya na pagkatapos ng kasal ay honeymoon na? Bakit nawala sa isip niya na pagkatapos ng kasal, may karapatan na si Train na angkinin siya?
Holy mother of God!
“O, bakit parang gulat na gulat ka?” Kumislap ang kapilyuhan sa mga mata ng lalaki. “ Iyubov moya , after our wedding, I will own you. Body. Heart. Mind. And soul.”
Umiling si Krisz. “No. You will only own my body and maybe my mind. But not my heart and my soul. Hindi naman kita mahal para mapasa `yo ang puso at kaluluwa ko.”
“Oh? Well, dorogoy , I will creep into your heart like a phantom in the night. Tingnan natin kung hindi ko pa makuha ang puso mo. Sisiguruhin kong mapapasaakin ang puso mo at mamamalayan mo na lang na nakasalalay na sa akin ang kaligayahan mo.”
Mapait siyang ngumiti. “Train, ano ba ang makukuha mo kung mapapasa`yo ako nang buong-buo? Hindi pa ba sapat na nasa `yo na ang katawan ko at matatali na ako sa `yo?”
“Ano’ng makukuha ko?” Tumingin ang lalaki sa kanyang mga mata na parang binabasa ang emosyong nakatago roon. “Hmm… Ano nga ba sa tingin mo ang makukuha ko?”
“Hindi ko alam,” ani Krisz na umiiling-iling pa. “Wala namang interesante sa puso ko para pag-interesan mo.”
“Oh, my love, I beg to disagree. Your heart is a very interesting organ in your body and I want it to be mine. And when a Wolkzbin says you’re mine, then you are mine. Whether you agree or disagree.”
Napamulagat siya. Oh, God. Was she marrying a very possessive Russian man? That was not good. Not good at all.