HUMAHANGOS na kumatok si Train sa penthouse ni Iuhence. Nagpunta siya sa bahay ni Tyron at nalaman niya mula sa mga magulang nito na wala doon ang mag-asawa at nasa penthouse ni Iuhence.
Kailangan niyang makausap si Tyron.
Tulad ng sabi ni Lander, si Tyron lang ang may love life sa kanila. Kung may tao mang nakakaalam sa salitang pag-ibig, si Tyron Zapanta iyon. At kailangan niya ang tulong nito.
Nang bumukas ang pinto, mabilis siyang lumapit kay Tyron. “You have to help me!” aniya habang hinahabol ang hininga. “I think I’m falling for my wife. Ty, ano’ng gagawin ko?” Naguguluhan siya. “Ty, ano’ng gagawin ko?” ulit na tanong niya sa kaibigan na parang gulat na gulat na nakatingin sa kanya.
Ilang minutong nakatitig lang sa kanya si Tyron, kapagkuwan ay nakipagpalitan ito ng tingin kay Iuhence. They shared the kind of look as he was in big trouble.
“Hey! Ano’ng gagawin ko?” pukaw niya kay Tyron.
Malalim itong napabuntong-hininga, saka matiim na tumingin sa kanya. “Falling? Sa mukha mo ngayon, parang nahulog ka na yata, eh. And you fell hard, man. So hard.”
Nagpakawala si Train ng isang malalim na buntong-hininga. “How would you know if you already love her and you’re not just falling for her anymore?”
“Imagine Krisz leaving you. Does that hurt?” anang kaibigan.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Gusto mong sapakin kita? Hindi ako iiwan ni Krisz! Kasal kami, kasal!”
Ngumisi si Tyron. “Imagine Krisz kissing another guy. Does it make your blood boil, Wolkzbin?”
Napatiim-bagang siya. “Shut up, Zapanta! Masasapak na talaga kita.”
Lalong lumapad ang pagkakangisi ni Tyron. “Imagine Krisz filing for a divorce because she doesn’t love you. Imagine Krisz making love to another guy. Imagine Krisz saying ‘I love you’ to another guy. Imagine Krisz romancing another guy.”
Hindi napigilan ni Train ang sarili. Nagdilim ang kanyang paningin. Ikinuyom niya ang kamay at malakas na sinuntok sa mukha si Tyron.
“Fuck!” malakas na mura ni Iuhence at mabilis na tiningnan ang pisngi ni Tyron na sinuntok niya. “What is wrong with you, Wolkzbin?!”
Habol niya ang hininga habang matalim ang mga mata na nakatingin kay Tyron. Naroon pa rin ang galit niya sa mga pinagsasasabi nito. He didn’t want to, but he imagined Krisz kissing another guy, saying ‘I love you’ to another guy, and romancing another guy. Sa sobrang galit na naramdaman niya, kay Tyron niya naibunton iyon lahat.
Nanghihinang napaupo si Train sa sofa at napatingin sa kaibigan. He must be really mad at him now. Pero salungat sa iniisip niya, ang lapad ng ngiti ni Tyron na para bang nanalo ito sa lotto.
“Masakit ba, Wolkzbin?” nang-uuyam na tanong ng kaibigan habang nakangisi. “Imagination pa lang iyan, ano pa kaya kapag totoo na?”
Napabuntong-hininga siya, saka nagbaba ng tingin habang ang mga kamay ay nasa kanyang batok. “Masakit,” pag-amin ni Train. “At gusto kong patayin ang lalaki na nasa imahinasyon ko,” aniya na nakatiim-bagang. “If a man touches my wife in any way, I will kill him.” Tumalim ang kanyang mga mata at dumilim ang mukha.
“Well, then.” Mas lumapad pa ang ngiti ni Tyron. “Sa tingin ko, hindi ko na kailangan pang sabihin sa `yo ang tawag diyan sa nararamdaman mo. Ganoon din ako noon sa mahal kong asawa. Raine is the very air I breathe. She is my life and I become an animal every time a man looks at her direction with lust or adoration in his eyes. If I could just murder the whole male species, I would.”
“Hey!” reklamo ni Iuhence. “Kasama ako sa male species na iyan at wala akong gusto ni katiting sa asawa mo. And anyway, I have Mhelanie in my life.” Then Iuhence eyes darkened. “And if a man touched her, too, I swear to God, I will become a murderer.”
“So possessive,” anang boses mula sa pintuan.
Sabay-sabay silang tatlo na binalingan ang nagsalita. Nakatayo roon si Valerian Volkzki at nakasandal sa hamba ng pinto. Kilala ni Train si Valerian dahil pinsan ito ni Tyron at ito ang may-ari ng AirJem Airlines. Bukod doon, wala na siyang alam tungkol sa lalaki.
“Hindi naka-lock ang pinto,” ani Valerian at naglakad palapit sa kanila. “Anyway, I overheard your conversation and you are all fucking possessive. That’s not healthy, guys.” May iniabot itong folder kay Iuhence. “By the way, ito ang report ng airlines natin sa Singapore.”
Tinanggap ni Iuhence ang folder. “Thanks.”
“No problem, man.” Tumalikod na si Valerian at naglakad palabas ng penthouse. “Bye, guys. A piece of advice, huwag masyadong possessive, nakakabaliw `yon.” At binuntutan pa nito iyon ng mahinang tawa.
“Love is possessive,” wika ni Iuhence.
“Yeah,” sang-ayon ni Train.
Tumawa lang si Tyron, saka tumingin sa kanila ni Iuhence. “Welcome to the club, guys.” Idinipa nito ang kamay habang malapad na nakangisi. “Welcome to Possessive Men Club. Hope you enjoy your stay.”
Napailing-iling si Iuhence. “Ikaw lang ang member ng club na iyan, huwag mo kaming isali.”
Tyron snorted. “Yeah, right. Handa nga kayong pumatay para sa mga babaeng mahal n’yo, eh. Isa iyon sa qualification para maging miyembro ng Possessive Men Club. Kaya naman, welcome, mga pare.”
Isinandal ni Train ang likod sa kinauupuang sofa at tumingin sa kisame. Mariin niyang ipinikit ang mga mata. “Ano’ng gagawin ko ngayon?” mayamaya ay tanong niya sa hangin.
“Alam mo na ang gagawin mo, naduduwag ka lang,” sabay sa sabi nina Tyron at Iuhence.
Tumingin siya sa dalawa na magkatabing nakaupo sa mahabang sofa. “Paano kung hindi pala kami pareho ng nararamdaman?”
“Love is a risk, Wolkzbin,” ani Tyron. “Trust me, pinagdaanan ko na ang pinagdadaanan mo ngayon. When I realized that I was falling madly in love with Raine, I came across doubt, fear and what ifs. Ngayon inisip mo na mag-iipon ka muna ng lakas ng loob at maghahanap ng magandang panahon kung kailan ka magtatapat, but trust me, there’s no right time to tell her that you love her. Dinadaga ka lang kaya humahanap ka ng magandang timing. Pero ang totoo, walang gano’n. So man up and tell her.”
“Yeah, tell her,” sulsol ni Iuhence. “So you can sulk in the corner if she doesn’t love you back and then you’ll be happy if she loves you, too.”
Iningusan ito ni Tyron. “Nagsalita ang duwag magsabi ng totoo kay Mhel.”
Humalukipkip si Iuhence. “For your information, I’m preparing for a grand confession.”
Napailing-iling si Train. Mukhang hindi lang siya ang may problema sa pag-ibig.
Nasa sala si Krisz at hinihintay si Train nang dumating ito. Nakaupo siya sa mahabang sofa at nakahalukipkip.
Kaagad na lumapit si Train sa kanya. “Hey, wifey.”
“Saan ka ba nanggaling?” tanong niya, walang emosyon ang boses.
“Galing ako kina Tyron,” sagot nito at pinagsiklop ang kanilang mga kamay. “Galit ka ba?”
“Bakit naman ako magagalit?” Walang emosyon ang kanyang mukha. “Tumawag ako kay Boggy kasi hindi mo sinagot ang tawag ko. Nag-taxi na naman ako pauwi dahil `yong nangakong susundo sa akin, wala na naman. `Tapos nang makauwi ako, hindi ka pa rin pala nakauwi tulad ng akala ko, kaya bakit naman ako magagalit sa `yo, aber?”
“Nag-aalala ka ba sa `kin?” tanong nito, may sinusupil na ngiti sa mga labi.
Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Malamang!”
“Galit ka ba dahil hindi ko nasagot ang tawag mo?”
“Oo!”
“Nag-aalala ka ba na baka kasama ko si Trina?”
“Oo.”
“Na-miss mo ba ako?”
“Oo.”
“Mahal mo ba ako?”
“Oo— Wait, what?!” Namilog ang kanyang mga mata sa gulat sa tanong ng asawa. “T-teka, b-bakit iyan ang t-tanong mo?” Napalitan ng samu’t saring emoyson ang kanyang walang emosyong mukha.
“What? May mali ba sa tanong ko? I was just asking.”
“Puwes, hindi nakakatuwa ang tanong mo!” Nagdadabog na tumayo si Krisz at iniwan sa sala ang asawa.
Napakalakas ng tibok ng kanyang puso dahil sa tanong nito. Nag-iinit din ang buo niyang mukha pati ang kanyang mga tainga.
Nang makapasok sa kuwarto, sinundan siya ni Train.
“Krisz!”
Galit na humarap siya dito para itago ang tunay niyang nararamdaman. “What?!”
“Bakit ka ba nagagalit? It was a harmless question… maliban na lang kung…” sadyang binitin ng asawa ang sasabihin at hinaplos ang kanyang pisngi. “…mahal mo nga ako.”
Nawalan ng buhay ang mga mata ni Krisz. “Train, pinaglalaruan mo ba ako?” mayamaya ay tanong niya. “I can see delight in your eyes. Sa tingin mo ba, biro-biro lang ang salitang pagmamahal?” Tinabig niya ang kamay nito na nasa kanyang pisngi. “It’s not a joke and I am not a joke. Kung magbibiro ka, please, ilugar mo naman.”
Napakunot ang noo ni Train na para bang hindi nito alam ang ibig niyang sabihin. “Krisz, I didn’t mean it that way.”
“Oh, really?” puno ng sarkasmo ang boses niya. “It doesn’t sound that way to me.” Tinalikuran niya ang lalaki. “Nawalan na ako ng ganang kumain kasama ka. Kumain ka mag-isa mo!”
Nagdadabog na nahiga si Krisz sa kama at nagtalukbong.
Nang marinig na lumabas ng silid si Train, tinanggal niya ang pagkakatalukbong ng kumot.
Naiinis siya sa asawa. Lalo na nang magtanong kung mahal niya ito at parang masaya pa ang loko na nagulat siya at nautal. When he asked that question, there was delight and amusement in his pale charcoal eyes. Iyong amusement ang kinainisan niya. Hindi siya clown para pagtawanan nito.
Nahahalata na ba ni Train ang nararamdaman niya para dito kaya ganoon ang kislap ng mga mata nito?
Nagtalukbong muli si Krisz at pinilit ang sarili na makatulog. Pero hanggang sa lumipas ang kalahating oras ay dilat na dilat pa rin siya.
And then the door opened and heavy footsteps entered the room. Alam niyang si Train iyon. Naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Shit!
Pinapakiramdaman niya ang sunod nitong gagawin nang maramdaman ni Krisz na may nahiga sa kanyang tabi. Her heart hammered inside her chest. Lalo na nang yumakap ang braso ng lalaki sa baywang niya at hinapit siya palapit dito. Halos mabingi siya sa lakas ng tibok ng kanyang puso.
Hinintay niyang magsalita si Train pero hindi ito umimik. Instead, he kissed the back of her ear and then licked her earlobe.
Hindi na napigilan ni Krisz ang mapadaing sa kiliti na hatid niyon. Hindi niya magawang pigilan ang asawa nang ipasok nito ang kamay sa pajama na suot niya at sinapo ang kanyang pagkababae.
Krisz moaned again when she felt Train’s fingers opening her labia. Napakagat-labi siya nang bigla nitong himasin ang kanyang pagkababae dahilan para mapaliyad siya sa sarap.
“Oh, Train…” hindi na niya napigilan nang himasin ng daliri ng asawa ang pagkababae niya.
Train kissed her nape, then his lips trailed to her ear then he whispered. “ Iyobuv moya , please, make love to me, my wife.”
“Ayoko,” aniya pero nag-e-enjoy naman sa ginagawa ng daliri nito sa pagkababae niya. “G-galit ako sa `yo,” ungol niya.
Train bit her earlobe and then kissed her nape again. Tumigil ang kamay nito sa paghimas sa ngayon ay basa na niyang pagkababae, pagkatapos ay mabilis na hinila pababa ang kanyang pajama at panty, at sunod na ibinaba ng asawa ang suot nitong pantalon. His thick hard cock sprung out and it was poking her back.
“T-Train, a-ano ba ang g-ginagawa mo?” tanong niya kahit alam na niya ang pakay nito.
Pakiramdam ni Krisz ay naglalagablab na ang kanyang katawan nang maramdamang bumaba sa pagkakahiga ang asawa, and then his long hard erect manhood slowly filled her from the back.
She bit her lower lip and squeezed the corner of her pillow as she savored the pleasurable feeling of Train’s cock inside her. Napakasarap niyon at para siyang nahihibang sa sarap na dulot ng kahabaan nito na nasa loob niya.
“Train…” she moaned. “Oh…” Halos nakadapa na siya sa kama habang si Train naman ay nasa kanyang likuran at dahan-dahang umuulos sa loob niya. “Train, ah…”
“That’s right, my love.” Pabilis na pabilis ang paglabas-pasok ng kahabaan nito sa loob niya. “Moan my name, my love. Nakakabaliw ang ungol mo.” He trailed his tongue from her shoulder blade up to her ears. “Nababaliw ako sa ungol mo.”
Train thrust long and deep inside her and it was making her moan like crazy. Habang pabilis nang pabilis ang pagbayo ng asawa sa pagkababae niya mula sa likuran, palakas naman nang palakas ang kanyang mga ungol.
Mahigpit ang hawak ni Krisz sa gilid ng unan. “Train… Oh—my God, oh.”
Ipinasok ni Train ang isang kamay sa loob ng suot niyang pang-itaas na pajama at minasahe ang mayayaman niyang dibdib. Ang mga labi nito ay abala sa paghalik sa kanyang leeg, patungo sa balikat at babalik naman sa leeg niya. Wala pa ring patid ang paglabas-pasok ng lalaki sa pagkababae niya.
“Oh, Krisz…” Parang nanggigigil na tinampal ni Train ang pisngi ng kanyang pang-upo at mas bumilis pa ang pagbayo nito sa kanya. “Fuck! Oh!”
Lalong humigpit ang pagkakakapit ni Krisz sa gilid ng unan nang maramdamang malapit na siyang labasan.
“Train! Bilisan mo pa! Lalabasan na ako. Oh— Train, shit! Oh, God! Hayan na ako!”
Train thrust long, hard and fast. And she kept on moaning and moaning like crazy. And then she felt it, her orgasm was reaching its peak.
“I’m coming, Train— Ah!” she moaned so loud as her orgasm ripped through her.
“Krisz— I’m cuming!” Train’s thrust became rough and desperate and when he came, he bit and sucked her neck. “Oh… I love you.”
Natigilan si Kriszz. The lust clouding her mind disappeared at what she heard. Mabilis siyang humarap kay Train na nakapikit ang mga mata habang nakaguhit pa rin sa mukha ang sarap ng kanilang pinagsaluhan.
“Ano’ng sinabi mo?” tanong niya habang abo’t abo’t ang kabang nararamdaman.
Umaasa ang puso niya na hindi niya lang halusinasyon ang narinig.
Nagmulat ng mga mata si Train at sinalubong ang kanyang tingin. “Anong ano’ng sinabi ko?”
Napatitig si Krisz sa asawa at nabalot ng paghihinayang ang kanyang puso. Guniguni niya lang ang narinig. Bakit naman nito sasabihin ang tatlong kataga na iyon?
“Nothing.” Tumagilid uli siya ng higa, ang likod ay nakaharap kay Train. “Imahinasyon ko lang siguro `yon.”
Niyakap siya nito nang mahigpit. “Imahinasyon?”
“Wala.”
Hinalikan ng asawa ang kanyang batok. “Galit ka pa ba sa `kin?”
“Matulog na tayo, Train. Good night.”
Lalong humigpit ang pagyakap ni Train sa kanya. “ Ya vlyublen v tebya , Krisz.”
Nanatili siyang tahimik kahit gustong-gusto niyang tanungin kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito.
“Hindi mo ba itatanong kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ko?” tanong ni Train nang hindi siya nagsalita. May lungkot sa boses nito.
Hindi siya umimik. Gusto niyang isipin nito na tulog na siya.
Nagpakawala ang lalaki ng malalim na hininga, saka mas humigpit pa ang yakap sa kanya. “Please, lyubi menya. Ya vlyublen v tebya .”
Halos mabingi na si Krisz sa lakas ng tibok ng kanyang puso. Ano’ng ibig sabihin ni Train? Ano iyong mga salita na sinabi nito na hindi niya naintindihan? Sheyt naman, eh! Bakit naman kasi nagpanggap siyang tulog? `Yan tuloy!