NARARAMDAMAN ni Train na nag-uumpisa na siyang malasing. Umiikot na ang kanyang paningin kaya ipinikit niya ang mga mata para hindi mahilo at isinandal ang ulo sa kinauupuan. Pero kahit lasing na, inabot pa rin niya ang baso na may lamang Scotch.
“Damn all the women in the world!” biglang sigaw ni Calyx na ikinamulat ng kanyang mga mata.
Napatingin si Train sa kaibigan na nilulunod ang sarili sa pag-inom ng paborito nitong alak na Martini. Calyx looked like shit. He was a freaking mess. Magulo ang buhok nito at hindi na siya magtataka kung habulin ito ng plantsa sa sobrang gusot ng suot na polo.
“Tumahimik ka nga d’yan,” mariin ang boses na sabi ni Lander at pinandilatan si Calyx. “Ayokong maging sikat ngayong gabi kaya huwag kang sumigaw. Pinagtitinginan tayo ng mga tao. Wala akong balak magkaroon ng fans. And anyway, you owe me. Ihahatid kita mamaya sa penthouse mo kapag lasing na lasing ka na at hindi ka na makalakad.”
“Whatever, Lander. Bibigyan na lang kita ng dalawang kahon ng Advil bilang kabayaran sa paghatid mo sa `kin,” lasing na tugon ni Calyx kay Lander, saka humarap sa kanya. “May tanong ako, kaibigan.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Train at humarap sa kaibigan. Parang umikot ang mundo niya dahil sa simpleng paggalaw na iyon. “Ano `yon?”
Sinubukan ni Calyx na tumitig sa kanya sa inaantok nitong mga mata. “Pare, what does it feel like to love a woman who doesn’t love you back?”
Nagulat siya sa tanong ng kaibigan. “Bakit mo naman natanong? Nabasted ka, `no?” tudyo niya kahit gusto niyang ibahin ang topic ng pinag-uusapan nila.
Umiling-iling si Calyx at inubos ang Martini na laman ng basong hawak. “Yes. Binasted ako ng babaeng `yon. Imagine, ako, si Calyx Vargaz na habulin ng mga babae ay binasted ni Etheyl Vallega, isang babaeng walang ginawa kundi pahirapan ako. Fuck you, love! You should rot in hell!” sigaw nito dahilan para mapatingin na naman sa kanila ang mga tao sa kalapit mesa. “I will sue love in the higher court. Love murdered my heart and Etheyl Vallega was love’s accomplice.” Dumausdos ito ng upo sa pang-isahang sofa na kinauupuan. “Sana hindi ko na lang siya nakilala, eh, di sana, masaya akong nambababae ngayon.”
Napailing-iling si Lander. “Umuwi na tayo. Lasing na kayong dalawa, eh. Baka mamaya bigla na lang kayong magwala dahil sa kamiserablehan ng love life n’yo.”
“Nagsalita ang mas miserable pa ang love life kaysa sa `kin.” Calyx snorted.
Natawa si Train. “How about you, Lander? Kumusta na kayo ni Vienna?”
Umingos ang kaibigan. “Ayoko siyang pag-usapan. That woman makes me crazy, like crazy, crazy. Pang-mental na crazy.”
Natawa siya uli. “`Yan ang napapala n’yo. Karma na `yan kasi mga babaero kayo.”
Nalukot ang mukha ni Calyx. “Hindi ako babaero,” depensa nito sa sarili. “Friendly lang talaga ako.”
“Anong hindi?” Lander shot a disapproving look at Calyx’s direction. “Sige nga, Vargaz, sabihin mo nga sa `kin, ilan na ba ang naging babae mo?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Calyx at umaktong nag-iisip. “Ahm…” Nagbilang ito gamit ang mga daliri sa kamay, mayamaya ay lalo pang kumunot ang noo nito. “Hindi ko na mabilang, eh.”
Mahina siyang natawa at tumingin kay Lander. “How about you, Storm? Ilang babae na ba ang dumaan sa mga kamay mo?”
Nagkibit-balikat si Lander, saka inubos ang Martini sa baso nito. “Hindi ko na rin mabilang.”
Napangiti si Train. “See? Mga babaero kasi kayo kaya karma na `yan sa inyo.”
Humalukipkip si Lander at nang-uuyam na tinitigan siya. “Talaga lang, ha? So, iyon din ba ang karma mo?” Nginisihan siya nito. “Kaya ba hindi ka mahal ni Krisz, dahil kinakarma ka?”
Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. “Ano’ng ibig mong sabihin?”
Nalukot ang mukha ng kaibigan. “Akala ko `yong asawa mo lang ang manhid, pati pala ikaw.”
Nawalan ng imik si Train.
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at tinawag ang waiter. Um-order siya nang makalapit ito sa kanya. “One bottle of scotch, please?”
“Right away, Sir,” anang waiter at agad umalis.
Lander gave him a dry stare. “Lasing ka na, bud. Tigil na. Umuwi na tayo. Malapit nang maghatinggabi.”
Mahina siyang tumawa. “Minsan lang naman `to, saka si Calyx naman ang magbabayad. Sulitin na natin. Pupulubihin natin ngayon si Vargaz.”
Nakangiting napailing-iling na lang si Lander sa kanyang sinabi. “Para namang mamumulubi si Calyx. Kahit pa yata laklakin natin ang lahat ng alak sa bar na `to, hindi pa sapat iyon para malugi ang isang branch ng libo-libong branch ng CureMed Drugstore na pag-aari ng love-sick fool na `to.”
Nagkibit-balikat siya. “Nevertheless, mababawasan pa rin ang pera ng kuripot na `to.”
“Yeah,” anang kaibigan at ipinikit ang mga mata. “Sige, magpakalasing ka na. `Tapos kapag lasing ka na, gisingin mo ako.”
Napailing-iling si Train at nagpasalamat sa waiter na naghatid ng kanyang order.
Habang nagsasalin ng scotch sa baso, gumawi ang tingin niya kay Calyx. Parang nawala ang kanyang kalasingan nang makitang may isang butil ng luha na nahulog mula sa mata ng kaibigan.
“Napuwing ka yata, Vargaz,” aniya pero alam niyang hindi ito napuwing.
Damn, hell! Ano ba ang nangyayari kay Calyx Vargaz, ang kaibigan niyang babaero?
Pinahid ni Calyx ang luha na nahulog sa pisngi nito. “Sana nga napuwing na lang ako, `no? Para madali lang tanggalin, para hindi na ako masaktan.” Mapait itong tumawa. “Ngayon, alam ko na ang naramdaman ng mga babaeng nasaktan ko. And I want to say sorry to all the women I hurt. Siguro, iyon lang ang tanging paraan para hindi na ako makarma at para mahalin din niya ako.”
Walang panahon si Train para maawa sa kaibigan dahil may sarili din siyang problema. Kaya nga nilulunod niya ngayon ang sarili sa alak. He wanted to go home and see Krisz, but he knew better than to hope that Krisz will welcome him. At baka masumbatan lang niya ang asawa dahil may sariling isip ang kanyang bibig kapag nalalasing siya.
“Love sucks,” ani Calyx at ininom ang natitirang Martini na nasa bote. “Fuck you, love.”
“Yeah. Love sucks,” sang-ayon niya at hindi na nagsalin ng Scotch sa baso. Sa mismong bote na siya uminom. “Fuck love.”
MAGHAHATINGGABI na pero hindi pa rin umuuwi si Train. Nag-aalala na si Krisz. Hindi sinabi ng asawa kung saan pupunta. Hinihintay niyang tumawag ito pero mukhang maghihintay lang siya sa wala dahil hanggang sumapit ang ala-una nang madaling-araw ay wala pa rin ni anino nito.
Then the door bell rang.
Mas mabilis pa sa kidlat na kumilos si Krisz. Halos liparin niya ang distansiya patungo sa pinto.
Pagbukas ng pinto, tumambad sa kanyang harap ang lasing na asawa at inaalalayan ito ni Lander Storm. Nakilala niya ang lalaki dahil isa ito sa mga kaibigan ni Train na dumalo sa kasal nila.
“Ano’ng nangyari?” maang niyang tanong nang igiya papasok ni Lander ang kanyang asawa. “Bakit ba siya naglasing?”
Hindi siya sinagot ng lalaki, sa halip ay nagtanong ito. “Nasaan ang kuwarto n’yo ni Wolkzbin?”
Naunang maglakad si Krisz patungo sa kanilang kuwarto. Pagkarating sa kuwarto, kaagad na idineposito ni Lander si Train sa kama.
Bumuntong-hininga si Lander, saka tumingin sa kanya. “Para sa akin, sakit ang pagiging manhid. At malala na kayong dalawa.” Pagkasabi niyon ay lumabas na ito.
Inihatid niya ang lalaki sa pinto at nang makalabas ay agad ini-lock ni Krisz ang pinto at bumalik sa kuwarto.
Umupo si Krisz sa gilid ng kama at hinaplos ang pisngi ng asawa. “Galit ka pa ba sa `kin? Ang OA mo naman kasi. Nairapan tuloy kita kanina. Patay kaagad? I’m a doctor. Alam ko kung hanggang saan ang hangganan ng gamot na inilagay ko sa pagkain mo.” Huminga si Krisz nang malalim. “I’m sorry. Nagselos lang naman ako, eh.” Hinaplos niya ang mga labi ni Train. “The memory of that woman kissing you was burned in my mind. Hindi ko makalimutan. Masakit sa puso. Kaya sorry na, please, patawarin mo na ako.”
Siyempre, walang tugon mula sa kanyang asawa.
Bumuntong-hininga siya at kumuha ng face towel at binasa iyon. Bumalik siya sa tabi ni Train at pinunasan ang mukha at mga braso nito. Pagkatapos ay nag-umpisa na siyang buksan ang butones ng polo na suot ng asawa.
Napasinghap siya sa gulat nang bigla na lang nitong tabigin ang kanyang kamay. Nasasaktang tumitig siya sa mukha ni Train. Ganoon ba ito kagalit na kahit lasing ay ayaw nitong magpahawak sa kanya?
Krisz set aside the pain she was feeling. Tinanggal niya uli ang butones ng polo nito, pero tulad kanina, tinabig na naman ng asawa ang kanyang kamay.
Malalim siyang huminga. “Please, Train, let me undress you,” nagmamakaawang pakiusap niya. “Kailangan kitang mapunasan kasi lasing ka. Para mahimbing ang tulog mo at ang baho mo.”
Train grumbled in response. Akmang tatanggalin niya uli ang damit nito nang tabigin na naman ng asawa ang kanyang kamay. Sisigawan na sana ni Krisz si Train dahil sa pinaghalong inis at sakit na kanyang nararamdaman nang magsalita ito. Pero hindi niya marinig ang sinasabi ng asawa. He was mumbling something. Then his mumbles turned into words.
“Don’t… undress me.” Tinabig na naman nito ang kamay niya. “I’m married. Don’t… M-magagalit ang a-asawa k-ko.”
Napatitig si Krisz sa mukha ni Train. Hindi makapaniwalang umawang ang kanyang bibig habang ang puso ay binabalot ng saya.
Parang may humaplos sa puso niya sa sinabi ng asawa.
Napakagaga talaga niya. Selos siya nang selos pero wala naman pala siyang dapat ipagselos. Kahit lasing ang asawa, nananatili itong tapat sa kanya. At iyon ang mas minahal niya rito nang sobra dahil sa narinig.
Tumayo si Krisz at lumapit sa paanan ni Train. Hinubad niya ang sapatos at medyas na suot nito, pagkatapos ay ang suot nitong faded dark jeans. Iniwan niya ang boxers ng asawa at hinubad naman ang polo. Panay ang tabig ni Train sa kamay niya pero hindi siya nagpapigil.
He kept on mumbling the same words over and over again as she undressed him.
“S-stop. I-I’m married,” iyon ang paulit-ulit na sinasabi ng lalaki habang hinuhubaran niya.
Nang tuluyan nang matanggal ni Krisz ang damit ng asawa, inayos niya ang pagkakahiga nito at kinumutan.
Pinatay niya ang ilaw sa kuwarto at ang tanging iniwang bukas na ilaw ay ang sa banyo. The light from the bathroom was enough to fill a dim light in their room.
Tumabi si Krisz ng higa kay Train at iniyakap dito ang isang braso. Natigilan siya nang maramdamang parang itinutulak siya ng asawa.
“L-let go...” Train groaned. “I-I’m m-married.”
Hindi niya napigilan ang mapangiti. “Silly, I’m your wife.”
Siguro narinig ng lalaki ang sinabi niya dahil tumigil ito sa pagtulak sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.
His embraced made her feel safe and loved.
Krisz’ heart jumped when Train’s lips touched her forehead, and then his lips trailed down to her nose, and then he suddenly claimed her lips, making her sigh in contentment and pleasure. Buong-puso naman niyang tinugon ang halik ng asawa habang ang kanyang puso ay walang tigil sa mabilis na pagtibok niyon para dito.
Nang pakawalan ni Train ang kanyang mga labi, gumapang naman ang mga labi nito sa pisngi niya patungo sa kanyang tainga.
Napadaing si Krisz nang halik-halikan iyon ng asawa. At dahil sa ginagawa nito, naramdaman niyang nababasa na ang kanyang pagkababae.
“Train...”
Kinagat-kagat nito ang gilid ng kanyang tainga habang bumubulong. “My wife, my very beautiful wife…”
Napakagat-labi siya nang lumapat ang kamay ng asawa sa kanyang hita at napalunok nang makarating iyon sa pagkababae niya na nababalot ng underwear.
“Train...” Napaliyad si Kriz nang ipasok nito ang isang daliri sa loob ng kanyang panty. “L-lasing ka.”
Train’s lips traveled down to her neck and he bit and sucked it. Napa-“aray” siya sa sakit na dulot niyon. “T-Train... lasing ka...”
Train just groaned and then he finally stopped. Isinubsob nito ang ulo sa pagitan ng kanyang leeg at balikat, pagkatapos ay inalis ang kamay sa loob ng kanyang panty, saka siya niyakap nang mahigpit.
“Wifey?” Train’s voice was slurred.
Yumakap si Krisz sa baywang nito. “Hmm?”
Bahagyang lumapat ang mga labi ng asawa sa kanyang leeg. “If I give you my heart, will you promise to not tear it apart?”
Namilog ang kanyang mga mata sa gulat. Napatitig siya sa kisame sa narinig na tanong. Kasimbilis ng one hundred fifty kilometers-per-hour na sasakyan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.
His question took her breath away.
“Krisz,” pabulong na tawag ni Train sa pangalan niya habang humihigpit ang yakap nito sa kanya. “Please, don’t tear my heart apart.”
Hanggang sa makatulog ang asawa ay walang lumabas sa salita sa bibig ni Krisz. Hindi mawala sa isip niya ang tanong na iyon ni Train. Naniniwala siyang may dahilan kung bakit nito iyon natanong.
Hinaplos niya ang braso ng asaw na nakayakap sa kanyang baywang at pinagsalikop ang kanilang mga kamay. “Could it be that you asked that question because you are falling for me? Could it be that my love for you isn’t unrequited after all?”