noveltoon logo noveltoon
Train Wolkzbin (Possessive Series 3)

Chapter 16

Ch. 17 / 24 Feb 09, 2022

TAMA nga ang hinala ni Krisz. Train wasn’t just planning in cleaning her up, ilang beses siyang inangkin nito sa ilalim ng dutsa. Pagkatapos nilang maligo, pagod na pagod si Krisz kaya naman nakatulog siya nang hindi naghahapunan.

Nang magising kinaumagahan, nakahiga sa tabi niya ang asawa at malamlam ang mga mata na nakatitig sa kanyang mukha. Biglang tumibok nang mabilis ang puso niya. Oh, God. Iba talaga ang epekto ni Train sa kanyang puso.

Nang magtama ang kanilang mga mata, nginitian siya ng lalaki. “Good morning, my love. How was your sleep?”

Sumikdo ang puso ni Krisz sa itinawag nito sa kanya. My love. “Okay lang,” sagot niya habang pinapakalma ang puso. “Ikaw? Kanina ka pa ba gising?”

Tumango ito. “Yeah. Mga madaling-araw. Nagluto ako, eh.”

Tumaas ang kanyang kilay. “Hindi ka ba napagod sa ginawa natin kagabi? Sana natulog ka uli noong nagising ka.”

Ngumiti lang si Train. “Napagod. Pero mas nare-relax ako sa pagluluto kaysa kung matutulog ako uli.”

“Ikaw na ang Mr. Chef,” nangingiting aniya.

Train smiled and then he sat up. Saka lang napansin ni Krisz na may tray pala na may lamang sa soup sa bedside table. Inabot at kinuha nito ang soup, saka siya sinubuan.

“Say ‘ ah.’”

Pilya siyang napangiti. “Ah,” ungol niya.

Umikot ang mga mata ng asawa. “Inaakit mo ako.”

“Hindi kaya,” nakangiting sabi niya, kapaguwan ay natigilan nang may pumasok sa kanyang isip. “Gusto mong ipagluto kita ng agahan? Palagi na lang kasing ikaw ang nagluluto. Ako naman.”

Lumiwanag ang mukha nito. “Really? Ipagluluto mo ako? For real?”

Tumango siya. “Oo. For real.”

Bakas ang saya sa mukha ni Train sa kanyang sinabi. She smiled inwardly at that. Hmm… Time to get even, my darling.

Bumangon si Krisz sa kama at ginawaran ng halik sa mga labi ang asawa. “Hintayin mo ako dito, hubby. Dito ka lang. Ipagluluto kita ng masarap na breakfast.”

“Thanks,” Train said with a smile on his lips.

Magaan ang loob na lumabas siya sa kanilang silid at nagtungo sa kusina para ipagluto ang asawa.

Less than an hour later, natapos nang magluto si Krisz. A simple omelet and fried rice. Inamoy niya ang niluto at napangiti. Minsan talaga, ang maldita ko. Minsan lang naman.

Nagmamadali siyang bumalik sa silid at naabutan niya si Train na nakahiga sa kama habang nanonood ng TV.

“I’m back!” excited na sigaw ni Krisz at lumapit sa asawa.

Kaagad namang bumangon si Train at excited na tinanggap ang kanyang niluto.

“Hmmm.” Inamoy nito ang pagkain. “Ang bango naman.”

“Siyempre,” may pagmamalaki na wika niya. “Ako yata ang nagluto niyan.”

“Salamat, wifey,” puno ng galak na sabi ng lalaki at inumpisahan nang kainin ang mga iniluto niya.

Train was enjoying the food when he suddenly stopped. Tumaas ang isang kilay ni Krisz. Oh, hell! Umeepekto na ba ang inilagay niyang pampa-LBM? Pinigilan niya ang matawa nang malakas nang makitang namimilipit sa sakit ng tiyan ang asawa.

“What the— Fuck!” Halos liparin nito ang distansiya patungo sa banyo.

Mabilis na naglakad si Krisz palapit sa pintuan ng banyo at narinig niya ang malutong na pagmumura ni Train.

Napabungisngis siya. “Sorry, iyobuv moya . Mahal kita pero sinaktan mo pa rin ako. So, now, we’re even.” Natatawang bumalik siya sa kama at nahiga.

HALOS tawagin ni Train ang lahat ng santo na kilala para lang patigilan ang pagsakit ng kanyang tiyan at ang pagbalik-balik niya sa banyo. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang nagpabalik-balik doon mula nang kumain ng agahan na luto ni Krisz.

Speaking of Krisz, kagat nito ang labi habang awang-awa na nakatingin sa kanya. He was lying on the bed, weak, and drained.

“Okay ka lang?” kagat-labing tanong ng asawa.

“I’m fine,” walang buhay na sagot niya. “Uminom naman ako ng gamot para matigil na itong LBM, mayamaya lang eepekto na iyon. I’ll be okay—” Suddenly, his stomach grumbled again. “Fuck!” Mabilis pa sa alas-kuwatro na nilipad ni Train ang distansiya patungo sa C.R.

“Holy fucking hell!” sigaw niya nang maramdamang parang tubig na ang kanyang inilalabas. “I’m going to die, fuck it!”

It was silly, pero takot siya sa LBM. Noong bata kasi siya, dinala siya sa ospital dahil sa diarrhea. Na-dehydrate siya kahit ilang oras lang iyon. Nagka-phobia siya dahil sa dami ng karayom na itinurok sa kanya. Because of that, he learned to cook for himself. Gusto niyang siguruhing malinis ang kanyang kinakain. Krisz was the first person he permitted to cook him food because he trusted her… and here he was, suffering from fucking LMB.

Nanghihinang napasandal si Train sa tiles ng banyo at mariing ipinikit ang mga mata. Fuck! Ano ba ang nagawa niya ngayong araw na ito para mangyari iyon sa kanya? Nag-umpisa lang naman ito nang kainin ang iniluto ni Krisz— No.

Ipinilig niya ang ulo nang maisip na baka nilagyan ng asawa ng pampa-LBM ang pagkaing iniluto nito para sa kanya. Hindi niya gagawin iyon sa akin. Krisz was too innocent to put laxative in his food. Baka sira lang ang itlog na nailuto nito. Tama, baka iyon nga ang nangyari.

Pagkatapos maglinis, lumabas na si Train ng banyo. Nakita niya ang asawa na nakaupo sa gilid ng kama at nakatingin sa kanya.

Lumapit siya rito at umupo sa tabi nito.

“Sira ba ang itlog na ginamit mo para sa omelet?” tanong niya sa asawa, saka ihinilig ang ulo sa balikat nito.

“Ahm…” Tumikhim ito. “Hindi.” Humarap si Krisz sa kanya dahilan para mapalis ang ulo niya sa balikat nito. “Train, may sasabihin ako sa `yo. Kasi` yong—”

That sudden feeling you get when you were about to poo, naramdaman iyon bigla ni Train, kaya naman mabilis siyang tumakbo pabalik sa banyo. Hindi na niya narinig kung ano ang sasabihin ng asawa.

Pagkalipas ng halos sampung minutong pakikibaka, lumabas na siya at nagulat nang makita si Krisz na nakatayo sa labas ng pinto ng banyo. Puno ng pag-aalala ang mukha at may kislap ng guilt sa mga mata. Mukhang sinisisi ng asawa ang sarili sa nangyari sa kanya.

Nginitian ni Train si Krisz at niyakap. “Don’t worry, wifey. I’m okay.”

“Train…” Kumawala ito sa pagkakayakap sa kanya at tumingin sa kanyang mga mata. “`Yong niluto ko para sa `yo—” Kinagat nito ang ibabang labi. “—nilagyan ko ng pampa-LBM,” mahinang sabi nito habang nakayuko pero sapat na para marinig niya ang lumabas sa bibig ng asawa. “Ginawa ko `yon kasi naman, eh! Bayad mo `yon dahil nagpahalik ka sa babaeng `yon!”

Mariing ipinikit ni Train ang mga mata.

No! Ang taong pinagkatiwalaan niyang hindi lalagyan ng kahit na ano ang kanyang kakainin ay siya pang naglagay ng pampa-LBM sa pagkain niya.

Nagmulat siya ng mga mata. “Bayad sa paghalik sa akin ni Trina?” Pinukol niya ng masamang tingin si Krisz. “Hindi ba puwedeng kausapin mo na lang ako?”

Guilt was written all over her face. “I just want to get even.”

Anger was filling his every nerve. He trusted her. He fucking trusted her! And then she did something like this. Gustong-gusto niyang sakalin ang asawa pero pinigilan niya ang sarili. Calm down, Train. Calm fucking down!

Pero galit siya. Galit na galit siya kay Krisz. “Akala ko ba, maayos na tayo?!” Fuck!

“Sorry na.” Nakanguso ang asawa habang nakatingin sa kanya. She had those puppy dog eyes but they were not going to work on him. Hindi niyon mawawala ang galit na kanyang nararamdaman. “Hindi ko naman alam na manghihina ka, `tapos—”

Tinabig niya ang kamay nito na akmang hahawakan siya sa pisngi. “Don’t. Touch. Me. I trusted you, Krisz!” Hindi na napigilan ni Train ang sarili na sigawan ito. “Nagtiwala ako sa `yo. Alam mo ba kung gaano ako kasaya na ipinagluto mo ako? `Tapos malalaman kong ipinagluto mo lang ako para malagyan ng laxative ang kakainin ko at ikaw pa ang dahilan ng pagbalik-balik ko sa CR?” Naihilamos niya ang kamay sa pisngi. “Hindi mo ba alam na puwede akong mamatay sa LBM? I know I lied to you and if this is your way of getting even, sana masaya ka na.”

“Mamatay kaagad? Hindi pa puwedeng maghihina ka muna?”

Pinanlisikan niya ng mga mata si Krisz. “Doktor ka kaya dapat alam mong may posibilidad na mamatay ako kapag na-dehydrate ako!”

Nagbaba ito ng tingin. Nakonsiyensiya naman siya sa pagsigaw sa asawa pero nang maalala niya ang ginawa nito, nawala ang konsiyensiyang nararamdaman niya.

Sapo-sapo ang tiyan, kinuha ni Train ang cell phone sa bedside table at lumabas ng kanilang silid. Baka masakal niya si Krisz sa sobrang galit at tampo na kanyang nararamdaman. Fuck! Fuck! Argh!

Akmang tatawagan niya si Boggy para kumustahin ang ipinapagawa niya rito nang tumawag sa kanya si Iuhence. Oh, well. This lunatic man will do. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili bago harapin ang asawa niyang matigas ang ulo at talagang naghigante pa sa isang bagay na hindi naman niya ginustong mangyari!

Nagpupuyos pa rin ang kalooban na sinagot ni Train ang tawag. “Thanks, man. You saved me from throttling that stubborn vixen! Bakit ko ba pinakasalan ang baliw na ito?!” He was really mad! He felt cheated.

“Ano’ng nangyari?” anang boses ni Iuhence sa kabilang linya.

Huminga siya nang malalim. “That stubborn woman put something in my food this morning,” nanggigigil na kuwento niya. “And then I’d been visiting the comfort room since breakfast! `Tapos ngayon-ngayon lang, umamin siya na nilagyan niya ng pampa-LBM ang pagkain na niluto niya. That bitch!”

Krisz may be a bitch but that bitch was special to him. Kaya nagagalit si Train dahil pakiramdam niya ay niloko siya ng asawa. At niloko naman talaga siya nito.

Iuhence sighed. “Tapos ka na?” he inquired. “Ako naman, puwede?”

Kumunot ang kanyang noo. “Bakit, pare? Mag-e-emote ka rin?”

“No, Mr. Chef. Gusto ko lang malaman kung ano ang ingredients ng fried chicken at kung paano `yon lutuin.”

Umawang ang kanyang bibig sa narinig. Bigla niyang nakalimutan ang sariling problema. Holy hell! What happened to his friend? Had he been replaced by aliens? Ilang minuto ang lumipas bago nakapagsalita si Train sa gulat.

“What happened to my friend, Iuhence? Pinatay mo ba? Teka, saan mo inilibing ang katawan? Goodness! This is disastrous!” he exclaimed in disbelief.

“Fuck you, Train,” Iuhence sneered.

He chuckled. Pansamantala niyang nakalimutan ang ginawa ng napakagaling niyang asawa. “Kidding aside, man. What the fucking hell happened to my good friend, Mr. Iuhence-I-don’t-know-how-to-cook? Bakit bigla kang nagtanong, ha?”

Iuhence puffed a breath and sighed. “May babae kasi—”

“Woah, woah! What the fuck?! Ulitin mo nga uli ang sinabi mo?” Now, he was shocked. Talagang alien na Iuhence ang kausap niya ngayon.

“Gusto ko siyang ipagluto,” anito.

“Okay.” He was still in shock. “Ano’ng gusto mong lutuin para sa kanya?” Whoa! Parang hindi si Iuhence ang kausap niya.

“Fried chicken,” sagot nito.

“At hindi mo alam kong paano lutuin `yon?” hindi makapaniwalang tanong ni Train. “Vergara, iyan na yata ang pinakamadaling lutuin sa lahat.”

“I’m not you.”

Napabuntong-hininga siya. “Fine. May Wi-Fi ka ba d’yan?” Hindi matututo ang kaibigan kung sa cell phone lang sila mag-uusap.

“Yeah...” nag-aalangang sagot ni Iuhence.

Great. “Good. Skype tayo. I’ll show you. Just promise me one thing.”

“What?”

“Please, don’t burn down your kitchen,” aniya sa nagmamakaawang boses. He could still remember what happened the last time Iuhence tried to cook.

Tinapos ni Train ang tawag at kinuha ang laptop sa kuwarto nila ni Krisz. Nagpapasalamat siya at mukhang gumagana na ang gamot na ininom niya para matigil ang kanyang pag-e-LBM.

Naabutan niya ang asawa na nakikinig ng music sa iPod nito. Nang makita siya ni Krisz ay inirapan siya.

Napaawang ang mga labi ni Train. At ito pa talaga ang may ganang mang-irap. Mamaya ka sa `kin. Paparusahan kita hanggang hindi ka na nakakalakad.

Pagkatapos niyang kunin ang laptop, lumabas uli siya ng silid at nagtungo sa sala. Nag-log in siya sa Skype, saka hinintay na mag-online si Iuhence.

Napangisi si Train nang mag-online na ang loko.

“This better be good, Wolkzbin,” wika ni Iuhence sa kanya. “Kapag hindi nasarapan dito sa Mhelanie, pupuntahan kita d’yan sa Budapest at ikaw ang piprituhin ko.”

Natawa siya sa sinabi ng kaibigan. Ang akala pala nito ay nasa Budapest siya para sa honeymoon nila ni Krisz. Nasaan ba ang loko-loko na ito at mukhang nahuhuli sa balita?

Hindi na niya itinama ang maling akala ni Iuhence.

“Masarap akong magluto, Vergara,” aniya sa nang-uuyam na boses. “Ewan ko lang sa `yo. Naalala mo ba noong ipinagluto mo ang mama mo? Muntik mo nang sunugin ang buong mansiyon n’yo.”

Iuhence grimaced. “Don’t remind me.”

He chuckled and started instructing his good friend. “Okay. Step one,” ani Train at nakinig naman nang mabuti ang kaibigan. “Heat the pan and put oil. Damihan mo ang oil, masarap ang deep fried.”

Iuhence nodded and then did what he said.

Humagalpak siya ng tawa nang ilagay ng kaibigan ang manok sa kawali at tumilamsik ang mantika sa katawan nito.

“Fuck! Shit! Fuck!” hiyaw ni Iuhence at mabilis na hinugasan ang napasong kamay. “Fuck! This fucking hurt.”

Lalong tumawa nang malakas si Train. “Vergara, if you want to cook for your woman, you have to be hurt in order to do so.”

Nakasimangot ang kaibigan habang ipinagpapatuloy ang pagpiprito ng manok.

Napakunot-noo si Train nang bigla na lang nag-offline si Iuhence. “Huh?” Tinapik niya ang screen ng laptop. “Iuhence? Nand’yan ka pa?” Napalatak siya. “Baka nalunod na ang loko sa mantika,” aniya habang natatawang napapailing.

Akmang isasara na ni Train ang laptop nang tumunog ang cell phone niya. It was Lander.

Sinagot niya ang tawag. “Yes? Train speaking.”

“Bud, sama ka sa `min?” tanong ng kaibigan na nasa kabilang linya.

“Saan?”

“Bar hopping tayo,” anito. “Sagot daw ni Calyx.”

Tumaas ang ang kanyang isang kilay. “Si Calyx? Manlilibre? Ano’ng mayroon?”

Tumawa si Lander. “Nagtapat siya ng kanyang pagsintang pururot kay Etheyl, hayun, nabasted yata ang loko. Maglalasing daw siya.”

Mas doble ang gulat na naramdaman ni Train kaysa sa malamang manlilibre si Calyx. Sa kanilang magkakaibigan, first runner up si Calyx Vargaz sa pagiging kuripot. Siyempre, ang champion ay si Iuhence.

“Saang bar?” tanong niya habang isinasara ang laptop.

“Sa Bachelor’s Bar. Pero kung hindi ka papayagan ni Misis—”

“Sama ako. Meet you all there.” Tinapos niya ang tawag at nagtungo sa kanilang silid.

NAGSALUBONG ang mga kilay ni Krisz nang pumasok si Train sa kanilang kuwarto at walang imik na nagbihis. Hindi siya nakapagpigil kaya tinanong niya ang asawa.

“Saan ka pupunta?”

Natigilan ito. “Ano’ng pakialam mo?”

Parang may kumurot sa puso niya sa talas ng boses ni Train.

“Nagtatanong lang naman.”

Humarap ang asawa sa kanya habang inaayos ang pagkakatupi ng polo na suot nito. “Huwag kang mag-alala, walang babae sa pupuntahan ko. At kung mayroon man, makakaasa ka na hindi ako makikipaghalikan. Baka sa sunod hindi lang pampa-LMB ang ilagay mo sa pagkain ko,” walang emosyon na sabi ni Train at umalis.

Krisz sighed and forced herself not to cry. Ang gaga kasi niya. Bakit ba kasi nilagyan pa niya iyon ng laxative? Eh, di sana maayos na sila ngayon ni Train. Nagpadala kasi siya sa selos na nararamdaman tuwing maaalala niya ang paghalik ni Trina dito.

Mabigat ang dibdib na humiga si Krisz at nagsisi sa ginawa. Pesteng selos naman kasi `to, eh.