NAG-IMBITA ng tatlong libong guest ang ina ni Train at hindi niya alam kung paano haharapin ang mga iyon sa isang gabi lang. Kahit sa mga charity ball na siya ang host ay hindi pa umabot sa ganoong bilang ang guest niya. Isang pagkakamali na ang ina ang kanyang pinahawak sa wedding invitation.
And of course, his mother, being a religious and traditional woman, itinago nito si Krisz sa lugar na hindi raw niya matatagpuan. At makikita lang niya ang bride kapag nasa simbahan na sila.
What the hell?! He hadn’t seen Krisz for five days now! Fuck it! Kaya naman, masamang-masama ang mood niya habang naglalakad sa loob ng bahay at hinahanap ang ina para kausapin ito.
Bigla siyang napatigil sa paglalakad nang makarinig ng isang malakas na tili at killing-kilala niya iyon.
Mabilis siyang tumakbo palabas ng bahay. “Mother! What happened? Bakit ka sumigaw?” nag-aalalang tanong niya nang makalabas ng bahay at kaagad na hinagilap ng mga mata ang ina.
Halos liparin ni Train ang daan palabas ng bahay sa sobrang pag-aalala, sa pag-aakalang kung ano na ang nangyari sa kanyang ina, pero tumili lang pala ito dahil sa magagandang bulaklak na in-order para sa kanyang kasal sa makalawa.
“Oh, son,” nakangiting sabi ng ina. “Tingnan mo ang mga bulaklak. Aren’t they beautiful, Train? Magugustuhan ito ng bride mo.”
Umasim ang mukha niya nang marinig ang huling salitang sinabi ng ina. “Mother, leave the flowers alone. At malay ko ba kung magugustuhan `yan ng mapapangasawa ko. Ni hindi ko nga kilala ang babaeng `yon, eh.”
“Kasi naman hindi mo binigyan ng pagkakataon ang sarili mo na kilalanin siya. You have eluded your destiny to marry her, Train,” anito. “Bakit hindi mo kilalaning mabuti si Krisz? Mabuti siyang babae, Train. Magiging mabuti rin siyang asawa sa `yo.”
Umingos siya. “Paano ko naman po siya kikilalanin gayong magpapakasal na kami sa makalawa?” aniya, saka humalukipkip. “And I don’t want to get to know her. Pakakasalan ko lang siya kasi nakaratay ngayon si Papa sa ospital at ang tanging magagawa ko lang para mapabuti ang kalagayan niya ay ang pakasalanan ang babaeng `yon.” Train knew that deep inside, he was marrying Krisz for a completely different reason.
“Excuse me po,” wika ng isang boses-babae. “Ilalabas ko na po ba ang mga bulaklak at saan ko po ilalagay?”
Gulat na gulat na napatingin si Train sa babae. “You speak Tagalog?”
Tumango ito at magiliw na ngumiti. “Oo. My mother is a Filipina,” imporma ng babae sa kanila.
Bigla na namang tumili ang kanyang ina. “Oh, my God!” anito, sabay yakap sa babae. “Ang saya naman ng araw na ito. A Filipina! Matagal-tagal na rin mula nang makauwi ako sa Pilipinas. Since my parent’s death, hindi na ako umuwi. Amazing!” Pagkatapos ay natigilan ito na parang may ideya na pumasok sa isip. Alam na alam ni Train ang ibig sabihin ng kislap ng mga mata ng ina. “Wait here. May kukunin lang ako sa loob.”
Nagmamadaling umalis ang ina at parang alam na ni Train kung ano ang kukunin nito. Napailing-iling na lang siya. Ibinaling niya ang atensiyon sa babae at mataman itong tinitigan nang ma-realize na pamilyar ito sa kanya. Parang nakita na niya ang babae, pero hindi lang matukoy kung saan.
Kaya naman hindi niya napigilan ang sarili na magtanong na sinagot naman nito. Akmang sasagot sana si Train sa isa sa mga tanong ng babae nang bumalik ang kanyang ina.
“I’m back.” Napakalapad ng ngiti ng ina habang iniaabot sa babae ang imbitasyon para sa kasal nila ni Krisz. “Para ito sa `yo, hija.”
Train groaned in irritation. “Mom, you already invited three thousand guests to my wedding. At ngayon magdadagdag ka pa?”
Inirapan siya ng ina. “Silly, boy. Normal lang na marami ang bisita kasi nga kilala ang pamilya natin. Marami ang magtatampo sa atin kapag hindi natin sila inimbitahan.” Pagkatapos ay tumingin uli ito sa babae. “Here, hija, an invitation to Train and Krisz’ wedding.”
“Mom! We already have three thousand guests—”
“It’s okay,” anang babae na halatang ayaw namang dumalo sa kanyang kasal. Ibinalik nito ang imbitasyon sa kanyang ina. “I don’t want to attend—”
Pinutol ng ina ang iba pa nitong sasabihin. “Then we’ll make it three thousand and one and, oh, shut up, please.” Pinandilatan siya nito at nakangiting bumaling uli sa babae. “You will attend, yeah? Magtatampo ako kapag hindi.”
Naiinis na tinalikuran ni Train ang dalawa at pumasok sa loob ng kanilang bahay.
Naiirita pa ring umakyat siya sa third floor kung saan naroon ang mga kaibigan niya na kararating lang kahapon para sa kanyang kasal. Si Lander nga lang yata ang hindi nagulat sa balitang iyon. Ang iba niya kasing kaibigan, kung puwede lang na itali siya at i-interrogate ay gagawin ng mga ito.
“Bud, what’s with the irritated face?” tanong ni Iuhence nang makarating siya sa sala kung saan nakaupo ang mga ito at nagpapahinga. “Dumating na ba ang asawa mo?”
Mas excited pa yata ang kaibigan kaysa sa kanya.
“Hindi ko siya asawa,” naiinis na sagot ni Train. “I’m just so annoyed!” Pasalampak na naupo siya sa sahig. “Argh! My mom is being a pain in my ass! She already invited three thousand guests and now she’s adding one! Can’t this get any worse?” He sighed in defeat.
Tinawanan lang siya ni Iuhence. “You could leave,” he offered nonchalantly. “Then your father will die.”
Train glared at him. “My father will not die!”
Itinaas ng kaibigan ang dalawang kamay na parang suko na ito. “Okay. Okay. Mabubuhay siya. Pero huwag masyadong umasa. Medyo matanda na rin ang daddy mo, eh. Mamatay din `yon—” Hindi natapos ni Iuhence ang sasabihin nang takpan ni Lander ang bibig nito.
“Shut up, Iuhence,” ani Lander.
Umiling-iling si Calyx. “Damn, man. I am blunt but I am not like you. Your mouth doesn’t have a filter. Dapat sa `yo busalan ang bibig. You are so insensitive. Alam mo naman kung gaano nag-aalala si Train sa father niya.”
Itinulak ni Iuhence ang kamay ni Lander na nakatakip pa rin sa bibig nito.
“Totoo naman ang sinasabi ko,” anito, tumayo at naglakad patungo sa teresa.
Huminga si Train nang malalim at sinapo ang ulo na gulong-gulo. Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman. Hindi niya alam kung magpapakasal ba siya kay Krisz dahil sa kagustuhan ng ama o dahil gusto niyang isakatuparan ang sariling plano?
May punto si Iuhence. He could leave. Pero kapalit niyon ang buhay ng kanyang ama. At hindi niya kayang gawin iyon. Hindi niya kayang abandonahin ang sariling pamilya.
“Women are the worst problem a man could ever have,” wika ni Lander.
Nag-angat si Train ng tingin sa kaibigan. “Hindi babae ang problema ko,” pagkakaila niya.
“Ows?” Ngumisi si Calyx. “Kahit pa mamatay ang daddy mo, hindi talaga babae ang problema mo?”
“Oo nga, Wolkzbin,” segunda ni Lander. “Promise? Mamatay man ang daddy mo?”
Pinukol niya ang dalawa ng masamang tingin. “Kayo na lang kaya ang mamatay? Bibigyan ko pa kayo ng kadena para magbigti kayong dalawa.”
Tumawa si Lander. “Mababawasan ang guwapo sa mundo kapag namatay ako.”
“Oo nga,” sang-ayon ni Calyx. “Mababawasan din ang macho.” Calyx flexed his arm muscle. “Marami ang babaeng magluluksa kapag namatay ako.”
Umingos si Lander. “Yeah, marami ang iiyak, pero si Etheyl Vallega, hindi iiyak para sa `yo. Baka nga magpamisa pa `yon kapag namatay ka, eh.”
Dumilim ang mukha ni Calyx. “Papasaan ba at magkakagusto rin ang babaeng `yon sa `kin.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Train at tumingin sa gawi ni Calyx. “Who’s Etheyl Vallega? Your woman?”
“He wished,” nang-uuyam na nakangising sabi ni Lander. “That woman abhor— No, that’s not the right word, Etheyl Vallega loathes Calyx Vargaz to the core.”
“Bakit?” puno ng kuryosidad na tanong ni Train sa kaibigan. Si Lander kasi ang first runner up sa pagiging tsismoso. Si Iuhence ang champion. “In love ka na ba, Vargaz?” baling niya kay Calyx.
Tumalim ang mga mata ni Calyx. “Never! Wala akong gusto sa babaeng `yon!”
“Denial king.” Tumawa si Lander. “So `yong sinabi mo sa akin noon ay puro kasinungalingan? `Yong sa penthouse mo—”
“Shut up, Storm! Or I’ll tell them about Vienna.”
Natigilan si Lander at tumalim ang mga mata.
Napailing-iling na lang si Train at tumayo. Mukhang may kanya-kanya ring sekreto ang mga kaibigan niya.
“Aalis muna ako, guys,” paalam niya sa mga ito. “Itse-check ko lang `yong simbahan kung maayos na.”
“Okay, bud,” ani Calyx.
“Ingat,” sabi naman ni Lander na tango lang ang tugon niya.
Nagmamadaling lumabas ng bahay si Train at nagtungo sa simbahan para ayusin ang dapat na ayusin.
PARANG kinakapos ng hininga si Krisz habang nasa loob ng sasakyan patungo sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nila ni Train. Parang sasabog sa samu’t saring emosyon ang puso niya habang mahigpit na nakahawak sa kanyang wedding gown.
Kinakabahan siya. Nanginginig ang mga kamay at nanlalamig. Hindi alam ni Krisz ang gagawin kapag nagkita sila ng binata sa altar. Isang linggo niya itong hindi nakita. Hindi rin sila nag-practice kung ano ang gagawin sa simbahan. Tanging ang mga ina nila ni Train ang nagsasabi sa kanya ng mga dapat gawin habang ikinakasal sila.
Napalunok si Krisz at binasa ang nanunuyong labi na may kulay-rosas na lipstick. Nalasahan pa niya sa dila niya ang flavor niyon, cherry.
“Ayos ka lang, anak?” pukaw sa kanya ng ina na hinawakan ang kanyang braso.
Pilit siyang tumango. “Opo.” Lumunok siya uli. “Ayos lang ho ako,” kinakabahan pa rin niyang tugon.
“Sigurado ka, anak?” tanong naman ng kanyang ama.
Mas humigpit pa ang hawak ni Krisz sa kanyang wedding gown. “Oho.”
“Mabuti naman kasi malapit na tayo,” anang ina.
Tumingin siya sa labas ng bintana ng limousine at parang tinambol nang malakas at mabilis ang kanyang puso nang makitang papalapit na sila sa simbahan.
Pinangapusan si Krisz ng hininga nang tumigil ang sasakyan at inalalayan siya palabas ng kanyang ama.
Humugot siya ng malalim na hininga nang makarating sila sa labas ng pinto ng simbahan. Nakasara iyon at bubukas lang kapag nag-umpisa na ang kasal.
“Everything is ready inside,” sabi ng matangkad na babaeng lumapit sa kanya at iginiya ang braso niya na umangkla sa magkabilang braso ng kanyang mga magulang, saka may kinausap sa cell phone na hawak nito. “The bride is here. When the door opens, cue music, okay?” Napatango-tango ang babae at ibinaba ang tawag, saka siya nginitian. “Good luck, Mrs. Wolkzbin.”
Sumikdo ang puso ni Krisz. “T-thank you.”
Pakiramdam niya ay nanuyo ang kanyang lalamunan nang bumukas ang pinto ng simbahan at nakarinig siya ng malamyos na musika.
This is it, Krisz, aniya sa sarili, saka huminga nang malalim. At kahit natatakot at kinakabahan, buong tapang siyang naglakad papasok ng simbahan kasama ang mga magulang na nasa kanyang tabi.
Habang naglalakad, hindi maalis ang tingin ni Krisz kay Train na nasa harap ng altar at naghihintay sa kanya. Hindi siya makahinga nang maayos habang nagkakabuhol-buhol ang mabilis at malakas na pagtibok ng kanyang puso.
Parang nanghina ang mga tuhod niya nang ngumiti ang lalaki at makita ang paghanga sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. At hindi niya maiwasang pamulahan ng mga pisngi nang mabasa ang pagnanasa sa kislap ng mga mata ni Train.
Nang makalapit, ibinigay ng kanyang ama ang kamay niya sa lalaki. “Alagaan mo ang anak ko, Train.”
“I will, Sir,” puno ng senseridad na sagot nito at muntik na siyang maniwala.
Kung wala lang silang usapan, baka nga naniwala na si Krisz na aalagaan nga siya nang mabuti ng lalaki. Pero alam niya ang totoo.
“It’s ‘daddy’ now,” nakangiti sabi ng kanyang ama kay Train bago ito umalis sa tabi niya kasama ang kanyang ina.
Nagtagpo ang kanilang mga mata ng lalaki at nakita niyang walang-buhay ang mga mata nito. Wala na roon ang paghanga at pagnanasa na nakita ni Krisz kanina. O baka naman namamalikmata lang siya?
Mahigpit na hinawakan ni Train ang kanyang kamay habang iginigiya siya patungo sa harap ng altar. Mayamaya ay kaagad nang nag-umpisa ang seremonya. At nang ihayag na ng pari ang pagiging mag-asawa nila, dahan-dahang inalis ng lalaki ang belo na nakatakip sa kanyang mukha at pinakatitigan siya.
Napakabalis ng tibok ng puso ni Krisz.
“ Ty moy teper’ moya Iyubov’ , Mrs. Krisz Wolkzbin,” bulong ni Train bago siniil ng mainit na halik ang kanyang mga labi.