PARANG nanghina ang mga tuhod ni Krisz nang makita ang isang hindi inaasahang bisita sa labas ng pinto ng kanilang bahay. Pale charcoal eyes. Straight and regal-looking nose. Wet kissable red lips. Stubborn jaw line. Neatly brushed hair that made him look like a handsome prince.
“Train Wolkzbin...” mahinang aniya.
Lalo pa itong gumuwapo at hindi niya maiiwas ang tingin sa mukha nito. God. It should be a crime to be this achingly gorgeous. Pero sa kaso ng lalaki, it was not a crime but God’s grace from heaven.
Bahagyang umawang ang mga labi ni Train at doon natuon ang kanyang tingin. “Krisz Romero...”
“Ano’ng ginagawa mo rito?” parang wala sa sariling tanong ng lalaki habang titig na titig pa rin sa kanyang mukha.
Doon natauhan si Krisz sa pagtitig dito at kaagad na nag-iwas ng tingin. “Joke `yon? Dito ako nakatira, malamang.”
Napakurap-kurap si Train at kaagad naglaho ang nakita niyang emosyon sa mga mata nito. “Wala ka pa bang sariling bahay?”
Nainsulto siya sa tanong ng lalaki. Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Ipinapamukha mo ba sa `kin na wala akong pera para bumili ng sarili kong bahay?”
“Hindi `yan ang sinasabi ko, pero kung `yan ang pagkakaintindi mo, so be it. Hindi naman lumalayo sa katotohanan ang sinabi mo. Wala ka naman talagang sapat na pera para bumili o magpagawa ng bahay. Nalulugi na ang kompanya n’yo. I’m pretty sure babagsak na `yan sa pamamahala mo—”
Tumaas ang kamay niya at malakas na dumapo iyon sa pisngi ng lalaki.
“Don’t you dare insult me!” nanggagalaiti niyang sabi.
Tumalim ang mga mata ni Train. Hinawakan siya nito sa braso at isinandal sa pinto.
“B-bitawan mo ako.” Nautal si Krisz nang maamoy ang mabangong hininga ng lalaki na tumatama sa kanyang mukha dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. “L-let go o-of me.”
“Ang lakas ng loob mong sampalin ako,” anito na bakas ang galit sa mga mata. “Ang dapat sa mga katulad mo, pinaparusahan para hindi na umulit.”
“A-ano’ng—” Natangay ng hangin ang iba pa niyang sasabihin nang dumukwang si Train at inilapat ang mga labi sa kanyang leeg, pagkatapos ay sinipsip nito iyon at bahagyang kinagat. “Uhm!”
Bahagyang inilayo ng lalaki ang mukha at pinakatitigan ang leeg niya habang may kislap ng kasiyahan sa mga mata. “There.” Parang demonyo itong ngumisi. “Subukan mong lumabas na may hickey sa leeg mo.”
Napasinghap si Krisz at mabilis na dumapo ang kamay sa parte ng leeg na kinagat at sinipsip ni Train.
Nanlilisik ang mga matang pinukol niya ng nakamamatay na tingin ang lalaki. “You brute! Sino ka sa tingin mo para—”
“Krisz, sino’ng kausap mo?” anang boses ng ama mula sa loob ng bahay.
Mabilis niyang kinalma ang sarili at umaktong walang nangyari. “May kausap lang ako, Daddy,” sabi niya, sabay takip ng kiss mark sa leeg.
Tumaas naman ang sulok ng mga labi ni Train. “Kaya huwag mo na akong sasampalin uli, dahil hindi ako mangingiming parusahan ka uli.”
Inirapan niya ito. “Screw you!”
“Sino ang kausap mo, anak?” muling tanong ng kanyang ama.
Napabuntong-hininga si Krisz. “Si Mr. Wolkzbin ho.”
Mabilis na binuksan ng ama ang pinto ng bahay at mabilis na hinanap ng mga mata nito ang tinutukoy niya. Ngumiti ang ama nang makita ang lalaki sa kanyang tabi.
“Good morning, hijo,” wika nito sa magalang na boses.
Namulsa si Train at tumango. “Good morning din ho.” Tumikhim ito at tumingin sa kanya. “Nandito ho ako para pag-usapan ang Romero’s chain of hospitals.”
Lumiwanag ang mukha ng ama ni Krisz samantalang namilog naman ang kanyang mga mata.
“Sana pinatawag mo na lang ako,” anito. “Pupunta naman ako, eh.”
“Minabuti kong ako na lang ang pumunta,” sagot ni Train na ikinataas ng kilay niya. “I have a proposal to make.”
Tumingin sa kanya ang ama na parang humihingi ng permiso. Sasabihin sana niya rito na dapat kasama siya sa business meeting nang magsalita ang lalaki.
“Kung puwede lang sana, tayong dalawa lang ang mag-usap,” anito na ikinaawang ng kanyang bibig.
Ang hinayupak!
Hinawakan ng ama ni Krisz ang kanyang kamay at pinisil. Ibig sabihin niyon ay hayaan na lang niya ang nangyayari at huwag nang umangal.
“Sige.” Hinalikan siya ng ama sa noo, saka humarap kay Train. “Tayong dalawa ang mag-uusap.” Mayamaya ay bumalik ang atensiyon nito sa kanya. “Pumasok ka na sa trabaho, anak,” anang ama, saka siya niyakap. “Ingat ka sa daan.”
Inirapan ni Krisz si Train nang dumako ang tingin nito sa kanya bago tuluyang lumabas ng bahay at sumakay sa kanyang sasakyan at pinaharurot iyon paalis, patungo sa isa sa kanilang mga ospital.
May bumagabag sa isip niya habang nagmamaneho. Paano ko maitatago ang kiss mark sa leeg ko?
SUMUNOD ang tingin ni Train sa papalayong dalaga na hindi maipinta ang mukha. Sa hindi malamang kadahilanan, gustong-gusto niyang makitang nagagalit ito.
Hmm. Pretty. Train can still remember Krisz’s scent when he leaned in to suck and nip her skin to give her a hickey. Damn boy! Nararamdaman niyang nabubuhay ang pagkalalaki niya sa naiisip.
Tumikhim siya para maibalik ang isip sa kasaluluyan. “Mr. Romero, puwede na ho ba tayong mag-usap?”
“Of course,” mabilis na sagot nito at pinapasok siya sa loob ng bahay.
Iginiya si Train ni Mr. Romero sa hagdan patungong second floor. Habang naglalakad patungo sa kung saan siya dadalhin ng matanda ay may nadaanan sila na dahilan para tumigil siya sa paglalakad.
Train looked at the wall in front of him. Lihim siyang napangiti sa nakita.
Krisz Romero’s achievements were hanging on the wall.
Ang daming medals, certificates at trophies. Mayroon din itong apat na nakasabit na diploma. Elementary, secondary and college diplomas. Ang pang-apat na diploma ay sa pagtatapos ng dalaga sa kursong Medicine.
He was amazed. Nice. Maganda na, matalino pa.
“Masipag talagang mag-aral si Krisz,” wika ni Mr. Romero na tumigil din pala sa paglalakad.
Humarap si Train sa matanda. “Halata nga.” Iminuwestra niya ang kamay sa harap. “Shall we?”
Tumango si Mr. Romero at iginiya siya patungo sa opisina nito. Nang makaupo si Train sa visitor’s chair, napatingin siya sa larawan ni Krisz na nasa frame at nakalagay sa mesa. She was really pretty. At mukhang mahal na mahal ito ni Mr. Romero dahil may larawan ang dalaga sa mismong opisina ng ama katabi ng picture frame ng ina.
“So, ano ang proposal na sinasabi mo kanina?” tanong ni Mr. Romero sa kanya pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.
Umayos si Train sa pagkakaupo at tumingin nang deretso sa kausap. “Mr. Romero, alam ko ang usapan n’yo ng daddy ko. Alam ko rin na sinabi ni Mommy sa `yo ang nangyari kay Daddy. Nandito ako ngayon para i-propose na ako na lang ang mag-i-invest para makabawi ang kompanya ninyo.”
“Mag-i-invest ka lang?”
“Yes. Hindi ako makikialam sa pagma-manage ng kompanya n’yo,” he said flatly. “Mag-i-invest ako ng fifty million. Bahala na kayo kung ano’ng gagawin n’yo sa investment ko.”
Mapaklang natawa ang matanda. “Nagsasayang ka lang ng pera, Mr. Wolkzbin. Pasensiya na. Malulugi rin ang kompanya namin dahil hindi sapat ang fifty million. We need something more than money. Alam kong nalulugi na ang kompanya namin pero hindi ako tumatanggap ng limos, iyon ang tingin ko sa proposal mo. Alam kong ginagawa mo ito para sa daddy mo pero pasensiya, hindi ko matatanggap ang fifty million investment mo.”
“Pero, Sir, makakatulong ito sa kompanya n’yo,” pamimilit niya rito.
Umiling si Mr. Romero. “Inuulit ko, Mr. Wolkzbin, hindi ako tumatanggap ng limos.” Nginitian siya nito. “Pasensiya ka na, pero kaya pa naman ng kompanya naming tumayo sa sarili nitong mga paa na wala ang limos mo. My daughter is doing everything she can to save our chain of hospitals and she’s doing good.”
Nagsalubong ang mga kilay ni Train. Doing good? Ayon sa datus na nakalap niya mula sa pinagkakatiwalaang tao sa kanyang kompanya, nagsara na ang dalawang branch ng Romero’s chain of hospitals. Hindi ba iyon alam ni Mr. Romero?
Hindi ba sinabi ni Krisz sa ama?
Akmang magsasalita siya at itatanong ang status ng mga ospital sa probinsiya nang maunahan siyang magsalita ng matanda.
“Makakaalis ka na, Mr. Wolkzbin.”
Sa sinabi ng kausap ay biglang tumayo si Train. Tulad ng kanyang ama, halata sa mukha ni Mr. Romero na matigas ang ulo nito kaya hindi na niya ito pinilit. He can see his father in him.
“Kung ganoon, aalis na ho ako. Paalam, Mr. Romero.” Lumabas siya sa opisina nito at tinahak ang parehong daan palabas.
Napatigil si Train sa paglalakad nang makita ang mga larawan ni Krisz na naka-frame sa sala. Iginala niya ang tingin para tingnan kung may tao. Nang makitang wala, ginawa niya ang isang bagay na hindi pa niya nagagawa sa tanang buhay niya.
Fuck! What the heck am I doing? Oh, well...
NANG makauwi si Krisz sa kanilang bahay ay hinihintay siya ng ama sa sala. Halata kaagad niya na malalim ang iniisip nito at sigurado siyang ang kompanya na naman iyon.
“Hello, Dad. Good morning,” bati niya sa ama, sabay halik sa pisngi nito.
“Pagod ka ba, anak?” tanong ni Mr. Romero na puno ng pag-aalala ang mukha. “Kulang ka ba sa tulog?”
“Ayos lang po ako, Daddy.” Nginitian niya ang ama. “Ang aga n’yo naman pong magising.” Alas-singko lang ng umaga.
“Maaga talaga akong nagising para maabutan kang gising. Alam kong matutulog ka hanggang mamayang hapon,” anito. “Gusto kitang kausapin tungkol sa proposal ni Mr. Train Wolkzbin.”
Huminga siya nang malalim. “Oh. Okay po.” Umupo si Krisz sa pang-isahang sofa. “Dito na lang po tayo sa sala mag-usap.”
Umupo ang ama sa sofa na kaharap niya. “Anak, mag-i-invest daw ng fifty million si Mr. Wolkzbin sa kompanya natin para makaahon tayo.”
Tumaas ang kanyang kilay. “Pumayag ka ba?”
“Hindi.”
“Mabuti naman at hindi ka pumayag,” aniya. “Mas malaki pa sa fifty million ang kailangan natin para umangat uli ang kompanya. Kailangan natin ang mga Wolkzbin. Apelyido pa lang nila, makakahatak na tayo ng maraming investors at makakakuha pa tayo ng magagandang deals pagdating sa medical equipment.”
Bumadha ang pag-aalala sa mukha ni Mr. Romero. “Alam ko iyang kislap ng mga mata mo, anak. May binabalak ka.”
Matamis niyang nginitian ang ama. “Kung anuman po ang binabalak ko, para ito lahat at sa kompanya. Hindi ko hahayaan na malugi ang kompanyang pinaghirapan n’yong itayo.”
“Kung anuman iyang binabalak mo, mag-ingat ka. Ipangako mo sa `kin na hinding-hindi ka masasaktan sa gagawin mo.” Puno ng pag-aalala ang mukha nito. “When you take over, lahat ng responsibilidad ay nakaatang sa mga balikat mo. Kaya pinapaubaya ko na sa `yo ang lahat, anak. Kaya mo `to.”
Hindi makatingin nang deretso si Krisz sa kanyang ama. Nakokonsiyensiya siya dahil hindi niya masabi rito na nagsara na ang dalawang hospital branch na pag-aari nila.
“Hindi po ako masasaktan,” wika niya. “Pangako.”
“Sige, kung iyan ang sabi mo.” Tumayo na si Mr. Romero. “Mag-agahan ka na at magpahinga.” Iniwan siya ng ama sa sala at bumalik na ito sa second floor kung saan naroon ang silid nito at ng kanyang ina.
Huminga si Krisz nang malalim at wala sa sariling napatingin sa mga larawan niya na naka-frame at nakalagay sa maliit na table na nasa gilid ng sofa. Napakunot-noo siya nang makitang walang laman ang isang picture frame.
She was pretty sure na may nakalagay na larawan doon.
Nang makitang papalapit ang kasambahay nilang si Aning ay tinawag niya ito.
“Aning, halika rito.”
Madali namang lumapit sa kanya ang dalaga. “Ano po `yon, Ma’am Krisz?”
“Kinuha mo ba ang litrato ko d’yan?” tanong niya, sabay turo sa picture frame na walang laman.
Kumunot ang noo ng kawaksi. “Naku, Ma’am, hindi ho. Kahapon pong umaga no’ng naglinis ako dito sa sala ay may laman pa `yan.”
Napabuntong-hininga siya. “Ano’ng nangyari kung gano’n? Bakit nawala ang picture ko? Saan napunta `yon?”
Nagkibit-balikat si Aning. “Hindi ko po alam, Ma’am.”
Napailing-iling si Krisz. “Hala, sige. Bumalik ka na sa ginagawa mo.”
“Opo, Ma’am,” anito at iniwan na siya sa sala.
Pinulot ni Krisz ang walang laman na picture frame at dinala iyon sa kanyang silid. Saan naman kaya namasyal ang larawan niyang iyon?
TINATANONG ni Train ang sarili kung bakit kaibigan niya ang may ugaling pang-mental na mga kainuman niya ngayon. Nasa minibar sila ngayon sa cruise ship na pag-aari ni Cali Sudalga. Sa susunod na linggo pa ang alis niyon para libutin ang Asya kaya solo nila ang cruise ship.
“Pare, sa tingin ko, malapit nang sapian itong si Vergara ng virus na kumapit kay Tyron,” nakangising sabi ni Lander. “Alam mo bang sabi niya sa akin kahapon na magse-settle down na raw siya?” Natatawang binalingan nito si Iuhence na umiinom ng beer sa bote. “Pare, umamin ka, alien ka, ano?”
Pinukol si Lander ni Iuhence ng masamang tingin. “Ikaw, Lander, kapag ikaw ang pinana ni Kupido, siguradong mababaliw ka.”
Umikot lang ang mga mata ni Lander. “Yeah, right. Bago ako mapana ni Kupido, ikaw muna.”
“Hindi ka pa nga ba napapana?” makahulugang tanong ni Cali kay Lander. “Hindi pa ba, pare?”
Pinukol lang ito ng masamang tingin ni Lander. “Tigilan mo ako, Cali. Baka maibato ko itong beer sa mukha mo.”
Natawa si Cali na hindi alintana ang pagdilim ng mukha ni Lander. “Chill, wala naman akong sinasabi.”
Bago pa makapagsalita ang isa sa kanila, may pumasok na magandang babae at lumapit sa kanila.
“Hello, everybody,” bati ng babae at tinanggal ang suot na sunglasses, pagkatapos ay nakangiting tumingin kay Cali. “Hello, dear stepbrother.” Inilahad nito ang palad kay Cali. “Give it to me.”
May kinuhang susi si Cali sa bulsa nito at inilagay sa palad ng babae. “Vienna, I’m telling you, huwag mong babaguhin ang pintura ng bahay ko. I can still remember what you did to my penthouse. Ipinapahiram ko lang iyon sa `yo kasi kailangan mo ng malaking space para sa fashion line na ginagawa mo. After that, lalayas ka na sa bahay ko. Nagkakaintindihan ba tayo?”
Maarteng umikot ang mga mata ng babae. “Dear stepbrother, hindi ko kasalanan kung napinturahan ko ng pink ang penthouse mo noon. Ang boring kasi ng kulay, eh. Kasing-boring mo.” Lumapit si Vienna kay Lander na tumutungga ng alak na kaagad din namang natigilan nang mapansin ang babae.
“What do you fucking want, Vienna?” matigas ang boses na tanong ni Lander sa babae na hindi man lang ito tinitingnan.
Bumungisgis si Vienna. “Oh, my Lander. Aren’t you excited? Magiging kapitbahay mo na ako.” Bigla nitong hinalikan si Lander sa pisngi at tatawa-tawang naglakad palayo.
Sa halip na magkomento, inubos ni Lander ang beer na iniinom at tumayo. “May pupuntahan lang ako.” Nang makalabas ang lalaki ay narinig nilang tinawag nito si Vienna.
Mahinang natawa si Cali. “Lander is in huge trouble.”
Tumango si Train bilang pagsang-ayon. He saw the desire in Lander’s eyes when Vienna kissed him.
Inubos niya ang natitirang beer at tumayo. “Gabi na, guys, mauuna na ako sa inyo.”
Sabay na itinaas nina Iuhence at Cali ang hawak na beer.
“Ingat, pare,” sabi ni Iuhence.
Si Cali naman ay tinanguan lang siya.
Nang makalabas, pinaharurot ni Train ang Cadillac patungo sa kanyang penthouse. Nang makarating doon, natigilan siya nang paglabas niya sa elevator ay nakita niya si Krisz Romero na nakahilig sa pintuan ng kanyang penthouse.
Krisz was wearing a midnight-colored sexy dress that showed her bare small waistline and bare sexy shoulders. Napakaikli ng damit na suot nito at nararamdaman niyang naglalaway ang kanyang mga bagang sa mahahaba at mapuputi nitong hita.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” Sa wakas ay nakaya na niyang magsalita at tanungin ang dalaga.
Namumungay ang mga matang nginitian siya nito. “I have a proposal for you.”