noveltoon logo noveltoon
Train Wolkzbin (Possessive Series 3)

Chapter 14

Ch. 15 / 24 Feb 09, 2022

ISANG linggo. Isang linggo na ang lumipas na hindi kinikibo at kinakausap si Train ni Krisz. Tuwing nag-a-attempt siya na magkasarilinan sila ng asawa para makapag-usap, palagi itong may dahilan para hindi siya kausapin. Tulad na lang ngayon. Magkaharap nga silang kumakain pero wala silang imik pareho.

Sagad na sa buto ang pagkainis ni Train, pero wala naman siyang nagagawa. Naiirita siya at si Krisz pa ang may ganang hindi siya pansinin samantalang ginagawa naman niya ang lahat para walang makapanakit dito. Ginagawa niya ang lahat, pero hindi man lang iyon ma-appreciate ng magaling niyang asawa.

He tried talking to Krisz. He tried pleasing his wife in every way but to no avail. He tried to corner her in the bathroom and kiss her senseless but she didn’t complain and just stood there like a statue. At ito ang pinakamalupit na nangyari sa nagdaang linggo—sinubukan niyang akitin ang asawa. Missed na missed na niya si Krisz kaya naman inumpisahan niya itong halikan sa mga labi pababa sa leeg nito. Akala ni Train pipigilan siya ng asawa pero hinayaan siya nitong gawin ang gusto niya. Siya ang kusang tumigil dahil parang estatwa si Krisz na ang lamig at walang pakiramdam.

Gusto niyang magwala! Nawawala na sa tamang huwisyo ang isip niya tuwing magkasama sila at hindi siya nito kinikibo.

At ngayon, tulad ng mga nagdaang araw, hindi makatiis si Train na hindi naririnig ang boses ng asawa.

“Krisz, kausapin mo naman ako.” Malapit na siyang mabaliw.

Ni hindi man lang ito kumurap. Patuloy lang ang asawa sa ginagawa na para bang wala itong narinig.

“Krisz, please,” pagmamakaawa ni Train. “Kausapin mo naman ako. Mababaliw na ako, eh.”

Bumaling sa kanya si Krisz at para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. Sa wakas! Tumingin din ito sa kanyang mga mata.

Hinintay niyang magsalita ang asawa pero naghihintay lang pala siya sa wala dahil bumalik din ang atensiyon nito sa pagkain at nang matapos, inilagay ng asawa ang hugasan sa lababo at iniwan siyang mag-isa sa hapagkainan.

Inihilamos niya ang dalawang kamay sa kanyang mukha sa sobrang frustration na nararamdaman.

“Argh!” Biglang tumayo si Train dahilan para bumagsak sa sahig ang kanyang upuan. “Mababaliw na ako!”

Nagmamadaling hinanap niya si Krisz. Nang hindi niya ito nakita sa sala, nagpunta siya sa kanilang silid.

Nandoon nga ito at nakahiga.

“Krisz, we need to talk.”

NAPATITIG si Krisz kay Train, walang emosyon ang kanyang mukha. Ang totoo, gusto na niya itong yakapin at halikan pero tinitikis niya ang sarili. Hindi! Hangga’t hindi nagsasabi ng totoo ang asawa, hindi niya ito papansinin.

Kaya pa naman niya. Hangga’t nakikita niya si Train, ayos na siya. Simula noong Lunes, hindi na ito kinibo ni Krisz. At tulad ng sabi ni Lath, nakita niyang apektadong-apektado ang asawa. Was she evil to admit that she was actually enjoying her husband’s misery?

Natutuwa siya na naapektuhan si Train sa silent treatment na kanyang ginagawa.

`Buti nga sa `yo! Sinungaling!

Bumangon si Krisz sa pagkakahiga at hinarap ang asawa na nakaupo sa gilid ng kama.

“Ano naman ang pag-uusapan natin? Ang pagsisinungaling mo?” There. She said it.

Tumaas ang sulok ng kanyang mga labi nang makita ang gulat sa mukha ni Train. Akala siguro ng asawa ay hindi niya alam ang kasinungalingan nito.

“Akala mo hindi ko alam?” Mapait siyang ngumiti. “Train naman, ano’ng tingin mo sa `kin? Madaling maloko?” Hinuli niya ang mailap nitong mga mata. Halatang guilty ang loko. “Bakit ka nagsinungaling sa `kin, Train? May usapan tayo, `di ba? Walang lokohan. Bakit hindi mo sinabi? Okay lang naman sa `kin.”

Sa wakas ay tumingin din ito sa kanya. “Ayoko lang na problemahin mo pa `yon. Trina is not worth your time. Hayaan mo na lang ako ang umayos n’on.”

Now that made her curious. “Ano’ng problema ang sinasabi mo? Okay naman ang lahat, ah.”

Bumuntong-hininga si Train. Halata ang emosyon sa mukha na ayaw nitong sabihin ang problema na sinasabi pero hindi niya hahayaang mangyari iyon.

“Train, isang kasinungalingan pa,” matalim ang mga matang babala ni Krisz. “Binabalaan kita. Isang taon talaga kitang hindi papansinin. I already did it for a week, kaya ko `yong gawin ng isang taon.”

Hinawakan ng asawa ang kanyang kamay at hinalikan iyon. Lumukso ang puso niya sa ginawa nito. It had been a week since his sinful lips touched a part of her body and it took her breath away and made her heart beat fast.

“ Moya zhena , do you trust me?”

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ano?”

“May tiwala ka ba sa `kin?” ulit nito.

Umiling si Krisz at mapait na ngumiti. “Train, binigyan mo ako ng rason para hindi ka pagkatiwalaan. `Tapos magtatanong ka kung may tiwala ako sa `yo?”

Hinalikan uli ni Train ang kanyang kamay. “I’m sorry I lied to you,” anito na puno ng pagsisisi ang mga mata. “Pero ako dapat ang rumesolba sa problemang ito. Ako ang asawa mo, at gagawin ko ang lahat para hindi ka masaktan—”

“You already hurt me, Train. Nang magsinungaling ka, nasaktan mo na ako.”

Nagbaba ng tingin ang asawa. “I’m a jerk for hurting you. Sorry.” Binitiwan nito ang kanyang kamay. “I deserve the silent treatment. I deserve it. Hindi ko gustong saktan ka. Hindi ko gustong magsinungaling sa `yo. Ang gusto ko lang naman ay wala ka nang problemahin. Alam kong marami ka nang iniisip. Ayoko nang dagdagan pa iyon ni Trina.”

Tumalim ang mga mata ni Krisz nang banggitin na naman ni Train ang pangalan ng higad na iyon. “Bakit pa palagi mong binabanggit ang pangalan ng haliparot na `yon? Teka nga muna, may nangyari ba sa inyo ng letseng babae na `yon noong pumunta ka sa penthouse niya—”

Pinutol ng asawa ang iba pa niyang sasabihin sa pamamagitan ng paghalik sa kanyang mga labi. Dahan-dahang pumikit ang mga mata niya para namnamin ang mga labi nito na nakalapat sa kanyang mga labi.

God! She missed Train’s lips. Those sinful lips that can give her an inexplicable pleasure.

Pinakawalan ng lalaki ang mga labi ni Krisz at matiim siyang tinitigan sa mga mata. “Krisz, itataya ko ang buhay ng ama ko. Walang nangyari sa amin ni Trina. Yes, she tried to kiss me, but before her lips could touch mine, I turned around and left her penthouse. I rejected her because I don’t want any lips to touch mine, other than yours. Ang mga labi mo lang ang gusto kong halikan.”

Lumambot ang matigas niyang puso. All the defenses she built around her heart melted. Bakit ba ganito ang epekto ng lalaking ito sa kanya? Simpleng halik lang pero tumagos iyon sa kanyang puso. Siguro ganoon talaga ang pagmamahal, kahit anong pigil ang gawin niya, lumalabas pa rin ang kanyang pagmamahal para kay Train. At ang pag-ibig ay palaging nagpapatawad pero hindi siya makakalimot.

Oo nga at naiintindihan ni Krisz kung bakit nagsinungaling sa kanya ang asawa, pero naiinis siya sa isiping nagsinungaling pa rin ito sa kanya. She needed time and space.

“Naiintindihan ko kung bakit ka nagsinungaling,” aniya. “Pero galit pa rin ako sa `yo kasi nagsinungaling ka.” Inagaw niya ang kamay na hawak nito. “I need space, Train. Kahit ngayong araw lang. I hope you don’t mind. Promise, bukas okay na ako. Kailangan kong mapag-isa.”

Mataman siyang tinitigan ng lalaki, saka nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

“Okay,” ani Train. “I understand.” Tumayo ito habang nakatingin pa rin sa kanya. “Pupunta ako sa LaCars RT.” Kumuha ang asawa ng papel at isinulat doon ang address ng nasabing lugar. “Kung nagdududa ka sa `kin, puwede mo akong puntahan diyan. Pag-aari `yon ng kaibigan ko. Uuwi rin ako mamaya. Ibibigay ko sa `yo `yong space na kailangan mo.” Hinalikan siya nito sa pisngi. “I’ll see you tonight, iyobuv moya .”

Tango lang ang tugon ni Krisz.

Nang lumabas sa silid si Train, napatingin siya sa hawak niyang papel. Nakasulat doon ang address ng LaCars RT na pupuntahan ng asawa. Napabuntong-hininga siya at kinuha ang cell phone para tawagan si Lath.

“Krizzy baby!” bungad ng kaibigan nang sagutin ang tawag. “I was just about to call you. May nakuha na akong laxative, pampa-LBM `yon. Ymar made sure that it is very effective. Anyway, kunin mo na lang sa akin ang Laxative. Teka, nandiyan ba si Wolkzbin?”

Puno ng kalungkutan na napabuntong-hininga si Krisz nang maalala na wala si Train sa tabi niya. Baliw talaga siya. She needed space, pagkatapos ngayong binigyan, nalulungkot naman siya. She was such a freaking girl.

“Wala siya rito.” Walang buhay ang boses niya. “Nandoon sa kaibigan niya.”

“Oh. Is that so?”

Krisz can hear a roaring sound from the background.

“Nasaan ka ba?” kunot-noong tanong niya. “Bakit parang maingay diyan?”

“I’m racing, Krizzy baby— Hell fucking yeah, morons! Eat the dirt, fuckers!” sigaw ni Lath sa kabilang linya.

Inilayo niya ang cell phone sa tainga dahil sa lakas ng boses ng lalaki. “Ang ingay mo.”

“Sorry, Krizzy baby. Hyper lang ako ngayon. I just freaking won!” ani Lath sa kabilang linya habang tumatawa.

Napailing-iling na lang siya. “Ihatid mo na lang dito ang laxative na sinasabi mo. Mukhang busy ka, eh.”

Krisz can hear distant shouts in the other line.

“Yes, I’m kinda busy. Anyway, Krizzy baby, bakit hindi na lang ako ang puntahan mo, wala naman diyan ang asawa mo. Kunin mo na lang ang Laxative sa `kin.”

“Ayoko. Wala ako sa mood. Ihatid mo na lang kasi,” nakasimangot na wika niya.

Napapalatak si Lath. “Krizzy baby, tamang-tama. Papunta dito si Lash ngayon. Ipapasundo kita sa kanya. Hindi talaga ako makakapunta d’yan.”

Bagsak ang mga balikat na nagpakawala si Krisz ng malalim na buntong-hininga. “Fine.”

Wala na sa plano niya ang maghiganti kay Train. Pero kukunin pa rin niya ang laxative at baka kailanganin niya in the future.

PAGKARATING sa LaCars Race Track, kaagad nakita ni Train ang limang sasakyan na nagkakarera. Lumabas siya ng kotse at lumapit kay Lander na nakatingin sa kawalan at halatang wala sa sarili.

Tinapik niya ang balikat ng kaibigan. Napaigtad ito at mabilis na lumingon sa kanyang direksiyon.

“Oh, hey, Wolkzbin,” ani Lander na wala pa rin sa sarili.

Nanunudyo ang kislap ng mga mata ni Train na tumingin dito. “Woman problem?”

Nalukot ang madilim nitong mukha. “Bakit ba naimbento pa ang salitang pag-ibig?”

Humalukipkip siya at tumabi kay Lander. Tumingin siya sa mga kotseng nagkakarera.

“Tell me about it,” aniya.

Mapaklang tumawa ang kaibigan. “Nakakainis `yong akala mo wala ka nang nararamdaman sa isang babae, `tapos nang biglang bumalik, nalaman mong siya pa rin pala ang itinitibok ng puso mo.”

Napatingin siya kay Lander. Mukhang ang bigat ng dinadala nito.

Napatigil si Train sa pag-iisip nang makarinig ng sigaw.

“Yeah! I won! Eat the dirt, fuckers!”

Nang tingnan kung sino ang sumisigaw, nagdilim agad ang kanyang paningin sa selos na naramdaman nang makita si Lath Coleman na nagbubunyi dahil sa pagkapanalo. May suot na sunglasses ang lalaki kaya alam niyang si Lath iyon.

Napapalibutan si Lath ng iba pa nilang kaibigan at business partner na sina Dark, Ymar, Calyx, at Shun. Mukhang ang apat ang kalaban ni Lath dahil hindi maipinta ang mukha ng mga ito habang nagbibigay ng pera sa lalaki.

“Hanep din ang mga loko-loko na `yon. Ang yayaman pero sampung piso lang pala ang pustahan,” ani Lander na natatawa habang nakatingin sa lima.

“Pakiramdam ko lang, ha, iyang mga loko-loko na iyan, eh, may mga alkansiya,” sabad naman ni Tyron na kanina lang ay abala sa pagtipa sa cell phone. “Hindi tumatanggap ang mga `yan ng lumang sampung piso. Ang gusto ng mga `yan, eh, bago at makintab pa.”

Mahinang natawa si Lander. “At ang mga baliw, hindi pa maipinta ang mukha dahil sa ten pesos na talo.”

Kahit si Train ay napangiti. Pero hindi iyon sapat para mawala ang inis na nararamdaman niya para kay Coleman.

Naglakad siya palapit kay Lath. Nang magtama kanilang mga ang mata, nawalan ng emosyon ang mukha nito, saka ngumiti.

“Wolkzbin!” Lumapit ang kaibigan at tinapik ang kanyang braso. “Kumusta?”

“Ayos lang.” Wala ring emosyon sa kanyang mukha. “Pero mas magiging maayos ako kapag hindi mo na ite-text o tatawagan ang asawa ko. Back off.”

The asshole just laughed heartily. “Aww, Wolkzbin is jealous.” Lath laughed again. “Alam ba ni Krizzy baby na nagseselos ka?” Nginisihan siya nito. “Brace yourself, Wolkzbin, rendahan si Green Monster. Baka mapatay mo ako ngayong araw.”

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ano?”

Hindi sumagot si Lath at tumingin sa paparating na Dodge Viper. Magkasalubong ang mga kilay ni Train habang nakatingin sa kararating lang na sasakyan.

Napakurap-kurap siya nang bumukas ang pinto ng Dodge Viper at lumabas doon si Lash, mayamaya ay umikot ito para buksan ang pinto ng passenger seat at lumabas naman doon ang kanyang… asawa.

Krisz...

BUMADHA ang gulat sa mukha ni Krisz nang magtama ang kanilang mga mata ni Train. Mabilis niyang iniiwas ang tingin at lihim na kinutusan ang sarili. Hindi man lang siya nagtanong kay Lash kanina sa sasakyan kung saan sila pupunta. Kung alam lang niya na sa LaCars RT, eh, di sana hindi siya sumama rito.

Nahigit ni Krisz ang hininga nang makitang naglalakad palapit sa kanya si Train, madilim ang mukha.

“Ano’ng ginagawa mo rito?” nakatiim-bagang na tanong ng lalaki sa kanya. “Answer me, Krisz.”

Napatingin muna siya sa gawi ni Lath bago sinagot ang asawa. “May kailangan lang ako kay Lath. Kukunin ko lang kaya ako nandito.”

“Ano `yon? Ano’ng kailangan mo sa kanya na hindi mo makuha sa `kin?”

Nag-isang linya ang kanyang mga kilay. “Train, naririnig mo ba ang sarili mo?” Krisz exhaled a loud breath. “Puwede ba, mamaya na `to? Nakakahiya sa mga kasama mo.”

Napakagat-labi siya para itago ang hiyang nararamdaman habang nakatingin sa kanila ang mga kaibigan ni Train na ngayon ay mga wala nang imik.

Nagtagis ang mga bagang ng asawa. “Kunin mo kung anuman ang kukunin mo. Pagkatapos uuwi na tayo.”

Hindi niya alam kung ano ang ikinakagalit ni Train pero ayaw niyang mas galitin pa ito.

“Sige,” aniya.

Naglakad si Krisz palapit kay Lath na nakangisi at puno ng kapilyuhan ang kislap ng mga mata.

“Heto, o,” ani Lath, saka inabot sa kanya ang isang paper bag. “Use it well, baby.”

Pabirong inirapan niya ang lalaki, kapagkuwan ay napabaling sa direksiyon na pinanggagalingan ng paparating na sasakyan.

Bahagyang napaawang ang mga labi ni Krisz nang makitang lumabas si Trina sa bagong dating na sasakyan, saka tumakbo palapit kay Train at hinalikan ang kanyang asawa sa mga labi.

Napakurap-kurap siya kasabay ng parang milyong-milyong punyal na tumarak sa kanyang puso sa nakita. Naramdaman niya ang pagkabiyak at ang pagdurugo niyon.

Pero hindi umiyak si Krisz. Hindi niya hahayaang makita ng dalawa ang mga luhang gustong dumaloy sa kanyang mga pisngi. She won’t give them the satisfaction of seeing her hurt.

Tinanggal niya ang lahat ng emosyon sa kanyang mga mata nang makitang mabilis na itinulak ni Train si Trina, saka mabilis na bumaling sa kanya.

“Krisz…”

Nag-umpisa nang manginig ang kanyang mga labi.

Nagpaubaya na lang si Krisz nang maramdamang hinawakan ni Lath ang kanyang braso at hinila patungo sa sasakyan nitong nakaparada hindi kalayuan sa kanila.

Nang makasakay sa kotse ng lalaki, hindi niya mapigilan na tumingin kay Train. Nakatayo lang ang asawa habang nakatingin sa kanya, puno ng pagsusumamo ang mga mata.

Nang mag-umpisa nang umusad ang sasakyan ni Lath, tumakbo palapit sa kanila si Train at pilit nitong binuksan ang naka-lock na pinto ng passenger seat.

“Open the door, Krisz, please! Fuck it! Open up! Please! Open up!” sigaw nito habang pilit na binubuksan ang pinto.

Umiling si Krisz, saka bumaling kay Lath. “Get me out of here, Lath.”

Kaagad namang pinaharurot ng kaibigan ang sasakyan palayo sa LaCars RT habang sapo-sapo niya ang dibdib kung nasaan ang kanyang puso na pakiramdam niya ay nadurog sa nakitang paghalik ng ibang babae sa kanyang asawa.