SA RECEPTION, walang kibuan sina Krisz at Train. Para silang magkatabing estatwa. Nagsasalita lang sila kapag may kumakausap sa kanila.
Hindi pa rin makapaniwala si Krisz na kasal na talaga sila ni Train. Isa na siyang Wolkzbin.
At ngayon, habang nasa eroplano sila patungo sa kanilang honeymoon, pareho silang walang imik ng lalaki. They were lost in their own thoughts and she knew that they were thinking the same thing. What now?
Tumikhim siya para kunin ang atensiyon nito. “Saan tayo pupunta?”
“Philippines,” maikling sagot ni Train.
Hinarap ni Krisz ang asawa. Holy mother of Jesus! Parang may kung anong emosyon na lumukob sa kanyang puso nang tawagin niyang asawa si Train.
Tumikhim siya bago nagsalita. “Sa Pilipinas? Puwede bang magtanong kung bakit?”
Sumagot ang lalaki nang hindi tumitingin sa kanya. “Because you have a company to manage and I have some matters to take care of.”
“How about the Wolkzbin Enterprise?”
“It can survive even if I’m not there,” walang emosyong sagot nito.
“Okay.” Huminga si Krisz nang malalim at bumalik sa dating posisyon. “To the Philippines then.”
Nawalan na naman sila ng imik ni Train. Napansin niyang napakalalim ng iniisip nito. Para itong nasa ibang dimensiyon habang nakaupo sa kanyang tabi.
Napatingin si Krisz sa labas ng bintana ng eroplano. Napakadilim ng kalangitan. Bumuntong-hininga siya at sumandal sa upuan.
Napapitlag siya nang maramdamang may humawak sa kanyang kamay na nasa armrest ng upuan. Hindi siya umangal o nagkomento nang pagsalikupin ni Train ang kanilang mga kamay.
Her heart was beating so damn fast, it felt like she just finished a one thousand-kilometer marathon.
“Galit ka ba sa akin, Krisz?” mayamaya ay biglang tanong ng lalaki sa kanya.
“Bakit naman ako magagalit sa `yo?” balik-tanong niya na nakakunot ang noo.
“Kasi pinilit kitang pakasalan ako.”
“No, you didn’t.” Binalingan ni Krisz si Train at nahuli itong malamlam ang mga mata habang nakatingin sa kanya. “Pumayag naman ako, `di ba? At tulad ng sinabi mo, pareho tayong may makukuha sa kasalang ito. Ngayon, hindi na ako magsisinungaling na ikaw ang may-ari sa kalahati ng Romero’s chain of hospitals, kasi talagang kahati na kita ngayon sa mga bagay na pag-aari ko.”
“Is that so?”
Tumango siya. “Yes.”
Ngumiti ang lalaki at parang natunaw ang puso niya at kinilig. “Kung gano’n, sa `yo na rin ang kalahati ng lahat ng bagay na pag-aari ko. But there’s one thing that I own which I want to give you whole.”
Muli siyang napakunot-noo. “Ano naman `yon?”
Naging misteryoso ang ngiti ni Train. “Sikreto. Malalaman mo rin kung ano `yon sa tamang panahon.”
Hindi na lang umimik si Krisz sa sinabi ng asawa. Matigas din kasi ang ulo ni Train. Kapag sinabi nitong sikreto, sikreto talaga iyon.
Umayos siya ng upo, saka humilig sa upuan. “Good night, hubby.”
Napangiti si Krisz at parang biglang tumigil ang kanyang paghinga nang maramdaman ang malambot na mga labi na humalik sa kanyang mga labi.
“ Good night, moya zhena ,” bulong ni Train malapit sa kanyang tainga.
Bumaling siya sa direksiyon nito at nagmulat ng mga mata. Her hazel eyes met his pale charcoal ones. Halos ilang dangkal na lang ang layo ng mga labi nila sa isa’t isa.
Pinisil ni Krisz ang kamay niyang hawak pa rin ng asawa. “Sabihin mo nga sa akin ang ibig sabihin ng sinabi mo ngayon-ngayon lang. I don’t understand Russian language, Train. Kaya kung gusto mong hindi kita sapakin—”
Mahina itong tumawa na nagpatigil sa kanyang pagsasalita.
“ Moya zhena means ‘my wife,’” a nito.
Kumunot ang kanyang noo nang maalala ang mga salitang Russian na sinabi ni Train sa kanya noon. “Paano ang tungkol sa mga Russian word na mga nabanggit mo sa `kin noon?”
Hinaplos ng asawa ang kanyang pisngi. Nang dumako ang daliri nito sa gilid ng mga labi niya ay nagsalita ito. “ Ty takaya krasivaya, moya zhena. ”
Nagsalubong ang mga kilay ni Krisz. “Ano `yon?” Ang moya zhena lang ang naintindihan niya na ang ibig sabihin ay “my wife. ”
“Ang sabi—” Napakalapit ng mukha ni Train sa kanyang mukha. “—you are beautiful, my wife.”
Tumalon ang kanyang puso sa sinabi nito. Halos marinig na niya ang malakas na pagtibok niyon at hindi na siya magtataka kung naririnig iyon ng lalaki.
“Am I... beautiful?”
Tumango si Train. “Oo. Hindi mo ba alam? Ty takaya krasivaya in anything you wear.”
Nanlaki ang mga mata ni Krisz. “S-sinabi mo na sa akin `yan, sa labas ng penthouse mo. Naalala mo? Noong unang beses na... may nangyari sa atin.” Nag-init ang mukha ni Krisz sa huling sinabi. “Maganda ako kahit na ano’ng suotin ko? `Yon ang ibig sabihin n’on, `di ba? Tama ba ako, Train?”
Tumaas ang sulok ng mga labi ng lalaki. “Very beautiful, moya zhena . Ty moya , Krisz. Ty moya .”
“What is ty moya ?”
“Sa tingin ko, marami na akong naituro sa `yong Russian word. Sa akin na muna `yon,” anito habang nakangisi.
Inirapan niya ang asawa. “Sige, isaksak mo sa baga mo ang ty moya na `yon.”
Biglang sumeryoso si Train at matiim na tumingin sa kanyang mga mata. “Hindi ko lang siya isasaksak sa baga ko, pati sa puso ko, ibabaon ko.”
Humalukipkip si Krisz at ipinikit muli ang mga mata. “Ewan ko sa `yo. Hindi tayo bati.”
Mahina itong tumawa, saka inihilig ang ulo sa kanyang balikat. “Sana maging masaya ang pagsasama natin.”
“Sana nga,” dasal niya kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyang puso. “Ito lang ang tatandaan mo, Train. Kapag may ginawa kang hindi ko nagustuhan, pamilyar ka naman yata sa kasabihang ‘hell hath no fury against a woman scorned.’”
“Hindi ako mambababae, promise,” mabilis nitong sabi.
“Hindi naman kita pinipigilang mambabae.” Sana nga hindi mambabae ang asawa. “Ang sa akin lang, kung may napupusuan ka nang babae, magsabi ka lang at pakakawalan kita. Kaya please lang, huwag mo akong lokohin kasi maiintindihan ko naman kapag nagsabi ka.”
Ilang minutong natahamik si Train, saka nagsalita. “Okay. Sasabihan kita kapag may nagpatibok na sa puso ko.”
May kumudlit na sakit sa puso ni Krisz dahil sa sinabi ng lalaki. Bakit ba siya nasasaktan sa isiping may mamahalin itong ibang babae at hindi siya iyon?
“Okay,” aniya at pinilit ang sarili na makatulog.
NANG makalapag ang private plane na pag-aari ni Train, sabay silang naglakad ng lalaki patungo sa exit ng airport. Pagkatapos ay sumakay sila sa Cadillac nito na nasa parking lot at naghihintay sa kanila. Thanks to Boggy.
Habang nagmamaneho ang asawa patungo sa kung saan siya nito balak dalhin, nakatingin lang si Krisz sa kanilang dinaraanan.
“Sa penthouse ko tayo tutuloy,” wika ni Train na bumasag sa katahimikan na nakapalibot sa kanila. “Ngayong asawa na kita, lahat ng gamit mo na nasa bahay n’yo ay ipapakuha ko. At dahil pareho naman ang oras ng pasok natin sa trabaho, hindi mo na gagamitin ang sasakyan mo, isa lang ang kotse na gagamitin natin. Ihahatid at susunduin kita. Araw-araw.”
Napaawang ang kanyang mga labi sa sinabi nito. “Ano?” Nanlalaki ang mga matang binalingan niya ang asawa. “Bakit mo naman ako ihahatid at susunduin? For your information, Train, kaya ko ang sarili ko, hindi ako imbalido—”
“Hindi `yan ang punto ko, moya zhena .” Puno ng paglalambing ang boses nito nang banggitin ang salitang “ moya zhena. ” “Remember our deal? You will not associate with any male species other than me. Baka nakakalimutan mo na, ipinapaalala ko lang.”
Napamaang si Krisz. “Ano? Train, may I remind you na may mga lalaki akong empleyado. Hindi por que mag-asawa na tayo ay hindi ko na sila papansinin.”
“Ano naman ang gamit ng sekretarya mo?”
“Train, my secretary is a part of the male species.”
“Fire him then,” mabilis nitong sagot na parang walang maaapektuhan sa sinabi. “Maghanap ka ng babaeng sekretarya.”
“My secretary is gay, Train.”
“Lalaki pa rin siya.”
Nagngingitngit ang kalooban na pinukol niya ito ng masamang tingin. “Anong hangin ba ang pumasok diyan sa ulo mo at ganito ka? Okay naman tayo kanina, ah!”
“I’m a very possessive man, Krisz. Hanggang asawa kita, ayokong may lumalapit na lalaki sa `yo!” madilim ang mukha na sabi ni Train. “Bakla man `yon o hindi, wala akong pakialam. We have a deal, damn it!”
“Huwag mo akong pagtaasan ng boses!”
Natigilan ang lalaki at biglang lumambot ang mukha. “I’m sorry. Sometimes I can’t control my emotion.”
“Huwag mo akong idamay sa kaabnormalan mo,” sabi niya sa matigas na boses. “Oo nga at may usapan tayo na walang ibang lalaki pero, Train naman, empleyado ko `yon. Be rational!”
Humigpit ang hawak nito sa manibela. He was gritting his teeth as he spoke. “I am a rational man, Krisz. Pero pagdating sa `yo, nagiging irrational ako. Nawawala sa tamang huwisyo ang utak ko. Kaya kung may sisisihin ka dahil ganito ako, sisihin mo ang sarili mo kasi nababaliw ako kapag malapit ka.”
Umawang ang kanyang mga labi at hindi makapaniwalang nakatingin sa asawa. Ano ang ibig nitong sabihin? Na nawawala ito sa tamang pag-iisip kapag malapit siya? Her heart was thumping so hard and fast.
Nagpasalamat si Krisz nang tumigil ang sasakyan sa isang mataas na gusali kung saan nasa pinakatuktok ang penthouse ni Train. Mabilis siyang lumabas ng sasakyan dahil pakiramdam niya ay kinakapos siya ng hininga sa mga sinabi nito.
Walang imik ang asawa na lumabas ng sasakyan at habang naglalakad patungo sa elevator, pero bago sila makarating doon, hinawakan siya nito sa braso at hinila patungo sa information desk.
“Hello, Mr. Wolkzbin. Good evening,” anang magandang babae na receptionist. Halata sa kislap ng mga mata na may gusto ito kay Train. “It’s nice to see you here again.”
“Good evening,” anang lalaki na hawak pa rin ang kanyang braso.
Inayos ng babae ang pagkakasilip ng cleavage sa V-neck na uniform. “What can I do for you, Mr. Wolkzbin?” Nang-aakit ang boses nito at naiinis siya.
Pinakawalan ni Train ang siko niya, saka umakbay sa kanya. “This is my wife, Krisz Romero Wolkzbin. Sa penthouse ko na siya titira simula ngayon. By the way, tell your manager that I want to request another key card for my wife. Thank you.”
Hindi na hinintay ng lalaki na makasagot ang receptionist na nakatingin sa kanya na puno ng selos ang mga mata. Iginiya siya ni Train patungo sa elevator.
When they entered the empty elevator and the door closed, Train hugged her from behind and then he kissed her nape.
“Train... ” bahagya siyang napadaing.
Pinaharap si Krisz ng asawa at isinandal sa pinto ng elevator, pagkatapos ay siniil ng mainit na halik ang kanyang mga labi.
Napaungol siya nang pumasok ang dila ni Train sa kanyang bibig. He explored her mouth like it was his. He kissed her like he was thirsty and her mouth was the only way to sate his thirst.
Nang pakawalan ng asawa ang mga labi niya ay matiim siya nitong tiningnan, puno ng pagnanasa ang mga mata.
“I want you, moya zhena .” Inilapit ni Train ang mga labi sa kanyang tainga at hinalikan ang likod niyon. Mas dumadagdag sa init na nararamdaman niya ang nakakakiliti nitong hininga na tumatama sa kanyang tainga at leeg.
Napalunok si Krisz. “Train...”
“Please, Krisz, I want you.”
Bago pa siya makasagot, tumigil ang elevator at bumukas ang pinto. Mabuti na lang at nakakapit siya sa braso ni Train kaya hindi siya natumba dahil sa biglang pagbukas ng elevator.
Hinawakan siya nito sa kamay at hinila papasok sa penthouse.
In the blink of an eye, Krisz was pinned on the wall. Akmang hahalikan siya ng lalaki nang mag-ingay ang kanyang cell phone.
Naunahan siya ni Train na kunin ang cell phone sa kanyang purse. Tumalim ang mga mata nito at nagdilim ang ekspresyon ng mukha nang makita kung sino ang tumatawag.
“Sino ba ang lalaking ito?” nakatiim-bagang na tanong ng asawa at ihinarap sa kanya ang screen ng kanyang cell phone.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Krisz nang makita kung sino ang tumatawag. It was Lath! And he was named “Mr. Flirt” on her contact.
“Answer me, Krisz. Who is Mr. Flirt? Is he your lover or something?” Train’s voice was filled with... jealousy? It couldn’t be... he couldn’t be jealous.
Was he?
“K-kaibigan ko lang siya,” kinakabahang sagot niya. Sobrang dilim ng mukha nito at halatang galit.
Gumalaw ang mga panga ng asawa tanda na galit ito. “May usapan tayo, Krisz. We have a fucking deal—”
“Mangungumusta lang naman siya.” Sinubukan niyang agawin ang cell phone na hawak ni Train pero mabilis nitong itinaas ang kamay.
“Ano’ng pangalan niya?” tanong nito na may bahid pa ring galit ang boses. “Ano ang pangalan ng kaibigan mo?”
Matapang na sinalubong ni Krisz ang mga mata ng asawa. Walang rason para matakot siya rito. Wala naman siyang ginagawang masama. There was no point in hiding. She would just be delaying the inevitable.
“His name is Lath Coleman,” aniya. “And he is my best friend. Thanks to you.”
Halos lumuwa ang mga mata ni Train. “Ano?”
“Dahil sa `yo naging kaibigan ko siya.” Humugot siya ng isang malalim na buntong-hininga. “Lath is always there for me every time you hide from me. Sa walong taon, si Lath ang palaging nakikinig sa problema ko at sa mga hinaing ko sa buhay. Kaya please, ibigay mo sa `kin ang cell phone ko. Kailangan ko siyang makausap.”
Parang nanghihinang bumaba ang nakataas na kamay ni Train kung saan hawak niyon ang cell phone niya. “Gano’n na kayo katagal na magkaibigan?”
Tumango siya. “Oo,” aniya, saka inilahad ang kanyang palad. “Give me my phone. Baka nag-aalala na `yon sa akin.”
Nang hindi ibinigay ng asawa ang kanyang cell phone, si Krisz na ang kusang kumuha niyon. “Salamat,” wika niya at lumayo rito para kausapin si Lath.
HALOS hindi makagalaw si Train sa kanyang kinatatayuan habang paulit-ulit sa kanyang isip ang sinabi ni Krisz na walong taon na nitong kaibigan si Lath. Hindi niya akalain na magkaibigan ang dalawa. Hindi iyon nabanggit ni Lath noong huli silang nag-usap. Kaya naman pala nang imbitahan niya ito sa kasal nila ni Krisz ay hindi dumalo ang kaibigan dahil may importante raw itong gagawin.
Was Lath in love with his wife? Naalala pa niya ang text nito na nabasa niya.
Napabuntong-hininga si Train, saka hinanap si Krisz. Nakita niya ito na nasa kusina at nakikipag-usap pa rin kay Lath. He couldn’t help but to eavesdrop.
“Hindi ko alam, Lath. Naguguluhan pa rin ako, eh,” w ika ng asawa. “Hindi ko alam kung ano’ng nararamdaman ko sa mga sandaling ito.” Mayamaya ay ngumiti si Krisz. “Thanks, Lath. I’ll call you if I can. Baka magalit na naman si Train.” Kinagat nito ang ibabang labi. “Ayokong nagagalit siya, eh. Hindi maganda sa pakiramdam ko kapag galit siya. Parang may mali. Parang may kulang.”
Napakurap-kurap si Train. They felt the same way. Kapag pakiramdam niya ay galit si Krisz sa kanya ay hindi maganda ang kanyang pakiramdam.
“Yeah,” anang boses ng asawa. Kausap pa rin nito si Lath. “I’ll do that.” She giggled, making him frown.
Ano kaya ang sinabi ni Lath para tumawa ng ganoon ang asawa niya?
“Thanks, Lath. I don’t appreciate your advice but I’ll do it. Malay mo naman.” Tumawa uli ito. “Okay. Thanks again. Bye.”
Nang tapusin ni Krisz ang tawag ay mabilis siyang bumalik sa sala at umaktong parang hindi narinig ang pakikipag-usap nito kay Lath.
NANG bumalik si Krisz sa sala, natagpuan niyang nakaupo si Train sa mahabang sofa, at nakapikit ang mga mata.
Umupo siya sa tabi nito.
“Train?” tawag niya sa pangalan ng asawa nang hindi ito magmulat.
Bahagyang dumilat ang mga mata nito. “Yeah?”
Humilig si Krisz sa balikat ni Train. “Puwede bang bukas na lang ang honeymoon natin?” Alam niyang isa ang honeymoon sa mga karapatan ng asawa sa kanya pero ayaw niyang mangyari iyon ngayon gabi. Bukod sa kinakabahan si Krisz ay pagod din siya. “Pagod ako, eh,” dagdag niya.
Inakbayan siya ng lalaki, saka inihilig sa dibdib nito. “Sige. Bukas na ako maniningil.”
Ipinikit niya ang mga mata at pagkalipas ng mahabang katahimikan ay nagsalita, “Train?”
“Yes?”
“Marunong ka bang kumanta?” Naghikab siya.
“Pangit ang boses ko. Wala ako sa tono.”
Umayos si Krisz ng pagkakahilig sa dibdib ng asawa. “Kahit na. Puwede bang kantahan mo ako?” Hindi na niya kayang labanan ang kagustuhan ng talukap ng kanyang mga mata na pumikit. “It has been a long time since someone sang me to sleep. Nakaka-miss din `yon.”
“Sige na nga,” parang napipilitang sabi ni Train, saka mahina ang boses na kumanta, sapat na para marinig niya. “If I give you my heart, please don’t tear it apart, `cause this heart is for you. And If I say how I feel and you know that it’s real, all I am is for you. But if I give you my heart, if I give you my heart, please be good to me—”
Napatigil sa pagkanta ang asawa nang imulat ni Krisz ang inaantok niyang mga mata, saka hinaplos ang pisngi at mga labi nito.
“I won’t tear it apart, Train. I won’t,” bulong niya, saka tuluyan nang pumikit.
Pero bago siya tuluyang lamunin ng antok ay narinig niyang magsalita si Train.
“If I give you my heart, please, Krisz, don’t tear it apart, because this heart is for you.”