NANG lumapag ang helicopter na sinasakyan ni Krisz sa helipad ng Black Pearl cruise ship, kaagad siyang lumabas at napangiti nang makita si Lath na naghihintay sa kanya.
Lumapit siya sa binata at niyakap ito. “Nandito na ako.”
Mahinang tumawa si Lath. “Yeah. Yakap mo na nga ako, `di ba?”
Natawa si Krisz at pinakawalan ito, pagkatapos ay tumingin siya sa kulay-lila nitong mga mata. “Naistorbo ba kita?”
“Ipapasundo ba kita kung naiistorbo mo ako?” Inakbayan siya ng lalaki at iginiya papasok sa first deck kung saan matatagpuan ang Luxury Restaurant, Black Pearl Bar—a very huge hall for ballrooms and parties—and the Black Pearl Casino.
Nasa lower deck naman ng cruise ship ang mga kuwarto. From expensive to very expensive rooms. Tanging mayayaman lang ang sumasakay sa naturang cruise ship.
Tinahak nila ni Lath ang daan patungo sa second upper deck ng Black Pearl cruise ship. Naroon naman ang iba’t ibang uri ng recreation. Nahahati sa dalawa ang second upper deck—ang sport and luxury recreation.
Sa sport recreation, kahit na anong laro ang hanapin mo, naroon. It had a gym for basketball and volleyball. It had lawn tennis and table tennis. It had a space for golf at mayroon ding bowling at billiards. Mayroon ding video games para sa mga bata.
Ang spa, beauty and hair salon, nail art at lahat ng kaartehan ng kababaihan ay nasa luxury recreation naman.
And then Lath led her to the third upper deck. The wall was made of glass and it let the passengers see the dark-blue ocean. Nandoon din ang tea shop, boutique, coffee shop and of course a department and grocery store.
Hawak ang kanyang kamay, umakyat sila ng lalaki sa hagdanan na maghahatid sa kanila sa top deck kung saan naroon ang napakalaking swimming pool at man-made falls. Maraming nagkalat na upuan, beach umbrella at kung ano-ano pang bagay na makikita sa isang beach resort na nakapaligid sa pool.
Umupo sila ni Lath sa isang malapad na recliner at humilig si Krisz sa balikat nito. She was comfortable sitting beside him. Alam niyang kapag ang lalaki ang kasama ay safe siya. Alam kasi ni Krisz na hindi ito nagte-take advantage sa kahinaan niya.
Nakilala niya si Lath Coleman sa Baguio. Iyon ang mga panahong hinahabol-habol niya si Train. Hanggang sa makita niya si Tyron Zapanta, isa sa mga kilala niyang kaibigan ni Train. Pagkatapos sabihin kay Tyron ang gusto niyang iparating kay Train ay kaagad siyang umalis. Ang hindi alam ni Krisz ay sinundan siya ni Lath.
Nagpakilala itong kaibigan ni Train. And then Lath started flirting with her at wala namang epekto iyon sa kanya.
Hindi alam ni Krisz ang nangyari basta namalayan na lang niyang sinasabi na niya sa lalaki ang kanyang mga problema. Si Lath naman ay walang pagod na nakikinig sa mga hinaing niya, hanggang sa namalayan nilang matalik na silang magkaibigan.
Naalala pa ni Krisz nang makapasa siya sa licensure exam ng mga doktor, kasama niya ang lalaki na mag-celebrate. Bukod sa party sa kanilang bahay ay nag-bar-hopping pa sila nito. At nang malasing ay sa penthouse siya ni Lath natulog.
Krisz was drunk but Lath took good care of her like she was his sister. And that was amazing. Wala siyang kapatid kaya naman para na niyang kuya ang lalaki—malanding kuya.
“So, kumusta ang proposal ni Wolkzbin?” tanong ni Lath pagkalipas ng mahabang katahimikan. “Sinabihan na kita noon na magsabi ka lang kung kailangan mo ang tulong ko, pero ayaw mo namang tulungan kita.”
“Kasi problema ko `yon.” Napabuntong-hininga siya. “Nag-propose sa akin si Train sa kadahilanang nasa ospital ang daddy niya at siya ang may kasalanan. Actually, pareho naman kaming may makukuha kung magpapakasal kami. Pero tama ba na isakripisyo ko ang kinabukasan ko para sa kompanya namin? Am I ready to enter a loveless marriage?”
Humarap sa kanya ang lalaki. “Hindi ba, ikaw pa ang naghahabol dati kay Wolkzbin? Dapat handa ka na para sa isang loveless marriage. Bakit ngayon parang nag-aalangan ka na? Siya na ang nag-aalok sa `yo ng kasal, Krizzy baby, si Wolkzbin na. Bakit ayaw mo? `Yon naman talaga ang gusto mo, `di ba? Ang makasal kayo para mas lumago pa ang kompanya n’yo?”
Tumingin si Krisz sa karagatan. “Natatakot ako, eh.”
Sinapo ni Lath ang kanyang mukha at pilit na ihinarap sa mukha nito. “Krizzy baby, bakit ka natatakot? Care to tell me?” He smiled sweetly. “I am your best friend after all.”
Humugot siya ng isang malalim na hininga at malakas na pinakawalan iyon. “I dreamed to have a husband like my dad. Hindi nambababae at mahal na mahal si Mommy. At natatakot ako na kapag mag-asawa na kami ni Train, saka niya matagpuan ang babaeng mamahalin niya. Ano’ng mangyayari sa `kin? Hindi uso ang divorce dito sa Pilipinas.”
“Then marry him in Russia or in other countries na may divorce. Doon, kapag gusto mong maghiwalay kayo, you can file for a divorce anytime. Better yet, makipag-deal ka sa kanya. Like, you will only stay married to each other hangga’t hindi n’yo pa nakikita ang taong mamahalin n’yo. At kapag dumating na ang ‘true love’ n’yo—” Lath rolled his eyes at the word. “—maghiwalay na kayo.”
Umaliwalas ang mukha ni Krisz sa narinig. “That’s brilliant, Lath! Gano’n nga ang dapat naming gawin!”
Umawang ang mga labi ng lalaki. “Sineryoso mo talaga ang sinabi ko? Krizzy baby, I’m just kidding. Mag-isip ka na lang ng ibang—”
“No. Your idea is brilliant!” Napasigaw siya habang may malapad na ngiti. “Kakausapin ko si Train ngayon din!”
Napatitig kay Krisz si Lath na parang napugutan siya ng ulo. “Brilliant ang idea ko? Wow. Feeling ko ang talino ko.”
“Aalis na ako, kailangan kong makausap si Train. At saka, matalino ka naman, eh, baliw nga lang minsan.”
Tumawa ito. “Gusto mong ipasyal kita dito sa Cebu? Sayang naman kung uuwi ka na ngayon. Mamaya ka na umuwi. Maaga pa naman.”
“Yeah. Sure,” mabilis niyang tugon. Oo nga. Maaga pa naman.
Hindi pa siya nakakapasyal sa Cebu, and what would be the better way to tour around Cebu with Lath Coleman as her tour guide?
“WHAT do you want, Wolkzbin?” madilim ang mukha na tanong ni Lander kay Train nang pumasok siya sa opisina ng kaibigan.
Lander Storm office was in the sixtieth floor of LaCars Import and Export Building. He ruled the cars like he was the one who invented them. Simple lang itong manamit at hindi mahahalatang kumikita ito ng milyones taon-taon.
Umupo siya sa visitor’s chair at humarap sa kaibigan. “May tanong ako?”
Lander gave him a ‘really’ look. “Wolkzbin, kung nagpunta ka rito para magtanong tungkol sa amin ni Vienna, wala kang makukuhang sagot sa `kin.”
Napangisi si Train. “Well, I’m not here to ask you about Cali’s stepsister but if you want to talk about her, I’m all ears.”
Lalong sumama ang mood ni Lander. Akala niya pa ay palalayasin na siya nito.
“I hate that woman to the core!” nanggagalaiting wika ng lalaki. “Akala naman niya kung sino siyang magbabalik sa buhay ko nang gano’n-gano’n lang. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, sa tingin naman niya hahayaan ko siyang guluhin uli ang tahimik kong buhay? No fucking way!”
Mukhang galit nga si Lander kay Vienna dahil napakadilim ng mukha nito habang binibitawan ang mga salitang iyon.
Kung anuman ang nangyari sa dalawa, sigurado si Train na isang hindi magandang memorya iyon para sa kaibigan.
Malakas itong bumuntong-hininga. “Pasensiya ka na. Si Cali kasi nakakairita, eh. Tanong nang tanong. Akala ko `yon din ang ipinunta mo rito. Anyway, enough about me.” Humugot si Lnader ng isang malalim na hininga. “Honestly speaking, Wolkzbin, ano’ng ginagawa mo rito sa opisina ko?”
Should I tell him? Oh well… “I need— No, a friend of mine needs an advice. Caveman-style advice.”
Pinukol siya nito ng masamang tingin. “Ano naman ang tingin mo sa `kin, kalahi ni Tarzan?”
Mahina siyang natawa. “Hindi ko naman sinabing ikaw si Tarzan. I’m just saying na kailangan ko—I mean, ng kaibigan ko ang advice na a la-caveman ang dating.”
Umikot ang mga mata ni Lander. “Kung a la-caveman ang kailangan mong advice, kay Iuhence ka humingi, caveman `yon, eh.”
Natawa si Train sa sinabi ng kaibigan. “Lugi pa ni Iuhence si Tarzan kaya ayokong humingi ng advice sa kanya. Simple lang naman ang problema ko—I mean, ng kaibigan ko.”
“Ano?”
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. Here goes nothing. Kailangan niyang mag-ingat sa pagsasalita. Baka mabuko siya.
“Ito ang problema ng kaibigan ko,” panimula ni Train. “May babae siyang gusto pakasalan, pero ayaw sa kanya n’ong babae dahil may ibang lalaki na itong nagugustuhan. Ano ang dapat kong gawin—I mean, ano ang dapat gawin ng kaibigan ko?”
May sinusupil na ngiti si Lander habang nakatingin sa kanya. “Bud, wala akong maipapayo sa `yo. Loveless din ako, eh. Kay Tyron ka manghingi ng advice. Si Zapanta lang ang may love life sa ating magkakaibigan.”
Muling humugot ng malalim na hininga si Train. “Nagsayang lang pala ako ng oras.” Tumayo siya. “Bahala na. I’ll woo her using Wolkzbin style.”
“Akala ko ba ang kaibigan mo ang may problema?” nakangising usisa ng kaibigan.
Naningkit ang mga mata na tiningnan niya ito. “Kapag may pinagsabihan ka nito, ipagsasabi ko rin ang problema mo kay Vienna.”
Kaagad na nawala ang ngisi sa mukha ni Lander, pagkatapos ay nagdilim ang mukha nito. “Subukan mong ipagkalat at kakatayin kita. I’m not kidding, my friend.”
That made him smirk. “And I’m not kidding either.”
Naglakad na si Train palabas ng opisina. Akmang lalabas na siya ng pinto nang muling magsalita ang kaibigan.
“Kailan ang kasal?” tanong nito.
Napangiti siya. “Soon, my friend. Soon.”
Tuluyan nang lumabas si Train na may planong naiisip. Kailangan lang niyang kausapin ang babaeng iyon na matigas ang ulo. Hindi niya ito hahayaang makatakas.
You’re very wrong, Miss Romero. Very wrong…
GABI na nang makauwi si Krisz sa bahay nila. Nang makapasok sa kabahayan, kaagad niyang nakita si Train na patingin-tingin sa kanyang mga larawan na nasa sala.
Napakunot-noo siya. Ano’ng ginagawa nito rito? Tumikhim siya para kunin ang atensiyon ng lalaki. Mabilis naman itong lumingin sa kanyang direksiyon.
“Oh, you’re here,” ani Train, saka naglakad palapit sa kanya. “Kanina pa kita hinihintay. Gusto kitang makausap.”
“Good. Gusto rin kasi kitang makausap.” Matapang na sinalubong ni Krisz ang mga mata nito. “I have a proposition to make,” wika niya bago pa siya atakihin ng kaduwagan.
Tumaaas ang isang kilay ng binata. “What is it? Kung hindi `yon maganda sa pandinig ko, ‘no’ ang answer ko.”
“Tungkol ito sa kasal natin.”
Kaagad itong ngumiti. “I’m all ears.”
Itinirik ni Krisz ang mga mata. “Payag na akong magpakasal sa `yo.”
Nanlaki ang mga mata ni Train sa gulat. “What’s the catch?”
Pinilit niya ang sariling ngumiti. “Papayag akong magpakasal sa `yo basta hindi dito sa Pilipinas. Sa ibang bansa na lang o kaya naman sa Russia. Wala akong pakialam kahit saan, basta hindi dito.”
Nagsalubong ang mga kilay nito. “Bakit?”
Nagbaba siya ng tingin. “Kasi walang divorce dito.”
Hindi makapaniwalang tumawa ang lalaki. “Hindi pa nga tayo ikinakasal, divorce na kaagad ang nasa isip mo? Iba ka rin, Krisz Romero. Ibang-iba.” Hinawakan ni Train ang baba niya at iniangat ang kanyang mukha, saka nito inilapat ang mga labi sa mga labi niya.
Parang nauupos na kandila si Krisz dahil sa nakakapanghinang halik ng lalaki. Napayakap siya sa leeg nito para doon kumuha ng lakas.
Pinakawalan ni Train ang mga labi niya at matiim na tumingin sa kanyang mga mata. His charcoal eyes glimmered with an inexplicable emotion in their depths.
“Sige, payag ako sa proposition mo. But I have a proposition of my own. At susundin mo `yon sa ayaw at sa gusto mo.”
Napalunok si Krisz sa sobrang tiim ng pagkakatingin nito sa kanya. Tumatagos ang mga mata ng binata sa kaluluwa niya patungo sa kanyang puso na nag-iiba ang tibok tuwing kaharap ito.
“A-ano `yon?” nanginginig ang boses na tanong niya.
“You are not allowed to talk to any male species other than me.” He smiled innocently. “Deal?”
“Deal,” mabilis na sagot ni Krisz kahit pakiramdam niya ay nakipag-deal siya sa demonyo. Marahan niyang ipinilig ang ulo. “May isa pa akong hiling.”
Hindi na naman maipinta ang mukha ni Train. “Ano na naman?”
“I will file for a divorce, if, and only if I meet the man whom I will love for eternity.”
Nakita niya kung paano napatiim-bagang ang binata sa kanyang sinabi. Alam niyang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya, kaya naman laking gulat ni Krisz nang pumayag ito.
“Fine.” Nagtagis ang mga bagang ni Train. “Basta `yong deal natin, huwag mong kalilimutan. If you break our deal, you will be severely punished.”
Krisz gulped at the intensity of his eyes as he stared at her. “A-ano namang punishment `yon?”
Tumaas ang sulok ng mga labi ng lalaki. “Akin na lang `yon.”
“O-okay,” aniya at nagbaba ng tingin.