NAPAIGTAD sa kinauupuang swivel chair si Krisz nang biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok si Train na madilim ang mukha. Parang may nakapatong na maitim na ulap sa ulo nito at nagbabadha ng masamang panahon.
Matalim ang mga mata ng lalaki habang mabilis na naglalakad palapit sa mesa niya at buong galit na hinampas ng dalawang palad ang ibabaw niyon.
Napaigtad siya sa ginawa nito.
“B-bakit?” gulat niyang tanong sa asawa na madilim na madilim ang mukha at nagtatagis ang mga bagang habang matiim na nakatingin sa kanya.
Krisz could feel fear as she looked at her husband pale charcoal eyes that held fury in their depths.
Nagtatagis ang mga bagang na nagsalita si Train. “Bakit mo ba sa `kin ginagawa `to? Bakit mo ba ako sinasaktan nang ganito? Hindi pa ba sapat ang ginagawa ko para sa `yo para iwan mo ako, para gawin mo `to sa `kin?”
Nawala ang takot na nararamdaman ni Krisz at napalitan iyon ng pagkalito.
Nagsalubong ang kanyang mga kilay sa pinagsasasabi nito. “Ano ba ang pinagsasasabi mo?” naguguluhang tanong niya. “Hindi kita maintindihan, Train.”
Mapait itong tumawa. “Hindi mo alam? Wow naman, Krisz, nagmamaang-maangan ka pa ba? Mom already told me everything I need to know.”
His mom? Oh, God. Ano’ng sinabi ng mama nito rito?
“A-ano’ng sinabi ng m-mommy mo?” kinakabahang usisa niya.
Ikinuyom ni Train ang kamay na nakapatong pa rin sa mesa at matalim ang mga mata na sinalubong ang kanyang tingin. “Hindi mo talaga alam? You filed for a divorce, Krisz! Sa tingin mo hindi ko malalaman?! Am I not enough for you?! May nahanap ka na bang iba? May mahal ka na bang iba?” sigaw nito, kapagkuwan ay lumamlam ang mga mata. He looked so vulnerable. “Sana sinabi mo sa akin na nakahanap ka na ng lalaking mamahalin mo, eh, di sana napigilan ko ang puso ko na tumibok para sa `yo. Eh, di sana nirendahan ko ang puso ko. Ngayon ka makikipagkiwalay sa akin kung kailan hulog na hulog na ako sa `yo, kung kailan baliw na baliw na ako sa `yo.” Umiwas ito ng tingin. “Hindi pa ba sapat na mahal kita para iwan mo ako? Ano ba ang dapat kong gawin para mahalin mo ako at hindi iwan?”
Umawang ang mga labi ni Krisz at napatanga. Hindi siya nakagalaw sa kinauupuan habang nagsi-sink in sa utak niya ang mga salitang binitawan ng asawa.
She was incapable of speaking. Naumid na yata ang dila niya. Hindi niya alam ang sasabihin. Train’s confession rendered her capability to think clearly. Parang huminto sa pag-inog ang kanyang mundo.
“Krisz, ano ba ang dapat kong gawin para hindi mo ako iwan?” malumanay na ang boses ng asawa. “Mahal naman kita. Kung hindi mo ako mahal ngayon, puwede naman `yan gawan ng paraan, `di ba? Mamahalin mo rin ako. I’ll do anything for you to love me.” Umikot ito sa mesa palapit sa kanya at lumuhod sa kanyang harap. “Krisz, if you don’t love me, just please, stay with me. Huwag mo naman akong iwan. I cannot live without my heart and you are my heart. I love you, Krisz.
“Hindi ko kakayanin na mawala ka sa akin. When I saw you again after eight years, hindi ko akalain na titibok ang puso ko para sa `yo. I have always been the kind of man who wants to plan everything. Pero kung may isang bagay man na hindi ko plinano, iyon ay ang umibig sa `yo. Ayaw kitang pakasalan noon kasi ayokong pumasok sa isang loveless marriage, lalo na kung ikaw ang magiging asawa ko.
“My parents love each other and I want that for myself, too. Papayag naman sana ako sa gusto ni Daddy noon, but first, I planned to reach my goals and dreams. And eight years later, ikaw pa rin ang gusto ng mga magulang ko na pakasalan ko. I said no, I won’t. I already had plans for you. After that proposal you made in my penthouse, I started planning in my head on how to make you mine. I planned to know you better. I planned to date you. And I planned to make you fall for me, because unconsciously, my heart was already falling for you. But of course, my plan changed.
“I was forced to marry you. Sa tingin ng iba, napilitan ako na pakasalan ka, iyan din ang tingin mo, `di ba? But no, I wasn’t forced to marry you. I just acted that I was, dahil natatakot ako na hindi tayo pareho ng nararamdaman. I didn’t plan it, but I fell for you like a shooting star falling from the sky. Fast and hard.”
Hinawakan ni Train ang kanyang kamay at hinayaang makita niya sa mga mata ng asawa ang pagmamahal nito sa kanya.
“I know I am not the perfect husband for you. I’m not perfect and I never will be. Hindi ako ang tipo ng lalaki na bibigyan ka ng bulaklak para iparamdam sa `yo na mahal kita. Hindi ako `yong lalaki na maghahanda ng isang engrandeng dinner date para lang ipaalam sa `yo ang nararamdaman ko. I’m the kind of man who will cook for you, from breakfast to dinner, because I don’t want you to get hungry. Kasi kapag nagutom ka at nagkasakit, hindi `yon kakayanin ng puso ko na nag-aalala para sa `yo.
“I’m the kind of man who’ll sing you to sleep even when my voice sounds like breaking glass. Gusto ko kasing maging mahimbing ang tulog mo. At kakantahan kita kahit pa boses palaka ako para iparamdam sa `yo na espesyal ka sa `kin. I’m the kind of man who gets possessive when a man looks at you in any way, because that’s me loving you. I’m the kind of man who will love you not just `till we die but `till eternity.”
Pinisil ng asawa ang kamay niyang hawak nito. “Ganoon din ba ang lalaking ipapalit mo sa akin kaya hihiwalayan mo na ako? Kaya ba niyang lampasan ang pagmamahal ko para sa `yo?”
Nang hindi siya nagsalita, niyugyog siya ni Train.
“Answer me, Krisz! Can he?” Desperation and pain were coating his voice. “Can he surpass my love for you?”
Nag-iwas si Krisz ng tingin para hindi makita ng asawa ang kislap ng pagmamahal sa kanyang mga mata. “Kung kaya niyang lampasan, hahayaan mo ba ako na makapiling siya?”
“Hindi.” Nagtagis ang mga bagang ni Train. “Hindi kita ibibigay sa kanya.” Gumagalaw ang panga nito tanda ng galit na tinitimpi. “Akin ka lang. Asawa kita kaya akin ka lang. Nang pakasalan mo ako, akin ka na. At wala akong planong ipamigay ka sa iba kasi akin ka.”
Napatitig si Krisz sa mukha ng asawa. His eyes were full of hurt and hopelessness. His face was painted with pain and desperation. Parang hindi ito ang Train na pinakasalan niya na puno ng confidence sa sarili. Iyong Train na minsan, walang emosyon ang mukha. Iyong Train na simple lang pero sweet naman. Ang Train na nasa harap niya ngayon ay ang lalaking nawasak ang puso.
God! Bakit ba iyon pa ang ginawang paraan ng ina nito para magtapat sa kanya ng nararamdamn si Train? Kung alam lang ni Krisz na makikita niya ang sakit sa mga mata ng asawa, mas pipiliin pa niyang hintayin na kusa nitong sabihin na mahal din siya nito.
Not like this... Oh, heavens... The man she loved was on his knees and asking her to love him. Her heart was being torn apart as she looked at the mans he loved with lifeless eyes and hopeless expression on his handsome face.
Oh, God!
Hindi ba nito alam kung gaano niya ito kamahal?
“Krisz,” pukaw ni Train sa kanya. “Sagutin mo naman ako. I deserve a fucking answer! I deserve to know.”
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga at hinaplos ang pisngi ng asawa.
“I’m sorry,” aniya at agad na bumalatay ang sakit sa mukha nito. “I’m sorry but the man I love can surpass your love for me. He is the reason why my heart beats as loud as thunder in a stormy sky. He is the reason why I smile every day. He is the reason why I’m always happy.”
Binitawan ng lalaki ang kamay niya at napasalampak ng upo habang nakatingin sa sahig. Kitang-kita ni Krisz sa hitsura ni Train na nasasaktan ito. At hindi niya kayang makita itong nasasaktan.
Umuklo siya at sinapo ang mukha ng asawa. Tumingin ito sa kanya, walang buhay ang mga mata. Her heart wanted to see his eyes sparkling in happiness. Kaya naman ibinuka niya ang bibig para magsalita.
“Train,” matiim niyang tinitigan ang mga mata ng asawa. “Kilala mo ang lalaki na tinutukoy ko. Kilala mo ang lalaking mahal ko,” madamdamin niya sabi.
He forced a smile. It looked so bitter and fake. “Si Lath ba? Bakit hindi mo sa `kin sinabi? Puwede bang iba na lang ang mahalin mo, huwag si Lath please. Hindi ko—”
She cut him off. “His name—”
“—kakayanin na makita—”
She interjected. “Is—”
“—na may kasama kang iba—”
“Train Wolkzbin.” Buong pagmamahal na nginitian niya ito. “`Yan ang pangalan ng lalaking mahal na mahal ko. Kilala mo siya, Train, kasi ikaw `yon. Ikaw ang lalaking mahal ko.”
Umawang ang mga labi ni Train sa sobrang gulat. Disbelief was shown in his pale charcoal eyes.
“A-ano?” Bakas sa mukha ng asawa ang gulat at halatang hindi ito naniniwala sa salitang lumabas sa kanyang bibig. “I-I don’t believe you.”
Mahinang natawa si Krisz. “Kanina, gusto mong mahalin kita. Ngayon naman na sinabi ko na mahal kita, ayaw mo namang maniwala. Okay. Ikaw ang bahala.”
Tumayo siya at naglakad palayo rito. Hindi pa siya nakakatatlong hakbang nang may yumakap mula sa kanyang likuran. She felt the heat coming from Train’s body pressed against her back.
“Mahal mo ba talaga ako?” tanong nito na may pagdududa sa boses. “O baka sinasabi mo lang iyon kasi ayaw mo akong saktan?”
“Bakit hindi ka naniniwala?”
“Because you are divorcing me!” Humigpit ang pagkakayakap ng lalaki sa kanya. “You can’t divorce me, Krisz.”
“And I’m not planning to. Ni wala nga iyan sa isip ko,” aniya at humarap dito. “Nagsinungaling sa `yo ang mommy mo. Kausap ko siya kanina. She was here. Sabi niya may pinuntahan siyang charity ball sa Singapore kaya dumaan na rin siya dito bago bumalik sa Russia. Tinanong niya ako kung umamin ka na mahal mo ako, sabi ko hindi. `Yon, sabi niya tutulungan niya ako. I never knew that telling you a lie was her way of helping you to confess your love for me.”
Ang madilim na mukha ni Train ay biglang umaliwalas. “Nagsisinungaling lang si Mommy?” Nagliwanag ang mukha nito. “Hindi mo ako idi-divorce?”
“Hindi.” Inihilig ni Krisz ang ulo sa matitipunong dibdib ng asawa. “ I was hoping that you’ll love me, too. Kaya, bakit ko naman gagawin `yon? Binabakuran nga kita at hindi na pakakawalan pa. So why would I divorce the man I love? Why would I divorce you?”
Sinapo ng asawa ang kanyang mukha at inilapat ang mga labi nito sa mga labi niya. She sighed in contentment and when he let go of her lips, Train was smiling from ear to ear.
“Oh, God. Akala ko mawawala ka na sa `kin.” Mahigpit siya nitong niyakap. “I love you, wifey.”
Ang lapad at ang saya ng ngiti ni Krisz. Kinikilig siya. “I love you, too, hubby.”
Niyakap siya nang mahigpit ni Train at hinalikan ang kanyang noo. Habang yakap siya nito, may bigla siyang naalala. “May tanong ako, hubby.”
“Ano `yon?”
“May sinabi ka kagabi.” Ipinalibot niya ang mga braso sa baywang ng asawa at tumingala rito. “Ano ang ibig sabihin ng mga sinabi mo kagabi sa `kin matapos tayong you know?”
May kapilyuhang kumislap sa mga mata ni Train. “Anong ‘you know?’ I don’t know.”
Pinukol niya ito ng masamang tingin. “Train naman, eh! Sagutin mo na lang kasi,” nakasimangot na sabi niya.
Malakas itong tumawa saka hinalikan na naman siya sa mga labi. “Please, lyubi menya. Ya vlyublen v tebya. I was saying ‘please, love me. I’m in love with you’.”
Her heart jumped. “Iyon ang sinabi mo kagabi? Bakit hindi mo na lang Tinagalog o ini-English? Eh, di sana, naintindihan ko. Eh, di sana, hindi tayo umabot sa ganito.”
“Kagabi, I was hoping na haharap ka sa akin at itatanong mo kung ano ang ibig sabihin ng sinabi ko. But you didn’t. I even asked you kung hindi mo itatanong, at hindi ka na nagsalita. Alam kong gising ka pa kagabi. Kaya naman hindi na ako nangulit. Naisip ko kagabi na hindi iyon ang tamang oras para sabihin ko sa `yo ang nararamdaman ko. Ngayon, sa wakas, masasabi ko na sa `yo na mahal kita kahit kailan ko gusto. I don’t need to use a foreign language so I can tell you I love you without you knowing it. Ngayon, malaya na akong ipagsigawan sa mundo na mahal na mahal ko ang asawa ko.” Ngumiti si Train at napakapit siya sa leeg nito nang maramdaman niyang parang nanghina ang kanyang mga tuhod dahil sa ngiting iyon. “How about you, my love? Kailan mo nalaman na mahal mo ako?”
Ginawaran ni Krisz ng halik ang mga labi ng asawa bago sumagot. “The day you accompanied me to the conference room, that was the day when I realized that I wanted to keep you in my heart because I had fallen for you. Akala ko noon, trip mo lang akong ihatid, and then I overheard you and Boggy talking outside the elevator. At kung kailan naman kita minahal? Hindi ko alam. Basta nagising na lang ako isang araw na mahal na kita.
“In denial lang talaga ako kasi ayokong mahalin ka. Noon, ang nasa isip ko, hindi mo ako mamahalin kasi napilitan ka lang naman na pakasalan ako. Pero hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko para sa `yo. Mas lalo pa yatang lumalim ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa `yo sa mga araw na nakakasama kita. You’re so sweet and just so lovable. May heart can’t help loving you.”
Hinaplos ni Train ang kanyang pisngi. “Mabuti naman at hindi mo pinigilan ang nararamdaman mo. Masaya ako na mahal mo rin ako. At hindi ako nagsisisi na pinakasalan kita, kasi ikaw ang pinakamagandang nangyari sa akin na hindi ko pinlano.”
Nilukob ng sobrang kasiyahan ang puso ni Krisz. “Hindi rin ako nagsisisi na pinakasalan kita. Kasi ikaw rin ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko.”
Puno ng pagmamahal siyang hinalikan ni Train, pagkatapos ay matiim itong tumitig sa kanyang mga mata. “I love you, Krisz. Ty moya , my wife. That means ‘ you’re mine’ by the way.”
Puno ng kasiyahan siyang ngumiti. “ Ty moya , too, Train. And I love you, too, hubby.”