NAKANGITI si Krisz habang tintanggap ang parangal na Best Hospital Services in Asia Award. She couldn’t express how happy she was at the moment. Romero’s chain of hospitals exceeded her plans and expectations. Ang gusto lang naman niya noon ay maisalba ang nalulugi nilang kompaya. But now, Romero Hospitals were one of the most trusted hospitals in Asia. At ang award na iyon ang patunay sa mga pagsisikap niya at ng kanyang mga empleyado.
“Congratulation, Mrs. Wolkzbin,” sabi ni Mr. Ricaford, ito ang kinatawan ng Asia’s Hospitals Association kung saan nanggaling ang award na hawak niya ngayon.
She smiled and shook hands with him. “Thank you.”
Naglakad si Krisz patungo sa microphone para magbigay ng maikling pasasalamat.
“Good evening, everyone,” panimula niya. “First, I want to thank God for always being there for us. My employees, doctors, and all the people who give life to Romero’s chain of hospitals, thank you for your efficient services and hard work. Without you, the Romero’s chain of hospitals will not stand as one of the best hospitals in Asia. Please accept my heartfelt thank you to each and every one of you.”
Dumako ang kanyang tingin kay Trina Lopez. Maasim ang mukha nito habang nakatingin sa kanya. Katabi ng babae ang sekretarya niyang traidor. At the age of thirty-five, wala pa ring asawa si Trina. At nagpapasalamat siya sa Panginoon na hindi na nito ginulo pang muli ang pagsasama nila ni Train.
“To Miss Trina Lopez,” matapang na sinalubong ni Krisz ang tingin ng babae. “Thank you. You’re one of the people behind the success of Romero’s chain of hospitals. You taught me how to find good doctors and effective, efficient, and loyal employees.” Kung puwede lang niya itong irapan, ginawa na niya pero dahil nasa harap siya ng camera at nakikita siya sa buong Asya, pinigilan niya ang sarili.
And then her eyes hopped to her son. Her six years old son, Trek, smiled at her when their eyes met. “To my son, thank you for always giving mommy the courage and inspiration to work really hard.”
“You’re welcome,” Trek mouthed and it made her smile.
And then her hazel eyes searched for the love of her life. Her heartbeat quickened when she met those pale charcoal eyes that never ceased to make her heart beat fast.
“My husband, Train Wolkzbin, I think thank you is not enough for all the things you did for me. So, instead of saying thank you, I’m just gonna say I love you. So much.”
Train smiled at her, the kind of smile that always took her breath away. “I love you, too,” he said while staring at her lovingly.
Krisz smiled and looked around. “And to all of you who are here tonight, thank you. Have a good night.”
She bowed a little then left the platform. Naglakad siya palapit sa mesa kung nasaan ang kanyang asawa at anak pati na rin sina Tyron at Raine na naging kaibigan niya, kasama ang anak nitong si Timber. At ang mag-asawang Iuhence at Mhel na naging ka-close na rin niya, kasama ang kambal nitong anak na sina Kisses at Hersheys.
Nang umupo si Krisz sa tabi ni Train, kaagad na pinagsalikop ng asawa ang kanilang mga kamay at ginawaran ng halik ang kanyang mga labi.
“You are beautiful, tonight, my love,” bulong nito sa kanyang tainga.
Napangiti siya. “Yeah?”
“Hmm-mm.” Train kissed her cheek. “But I don’t like it when you shake hands with Mr. Ricaford. Nag-init ang ulo ko nang makita ko `yon.”
Itinirik ni Krisz ang mga mata. “Being possessive again, I see.”
Train possessively snaked his arms around her waist. “Hindi mo nakita ang nakita ko. That man has the hots for you. I saw it.” Hinapit siya nito palapit. “
Ty moya, Krisz. Akin ka—”
“And I’m all yours, hubby.” She faced her ever possessive husband. “Train, kahit may pagnanasa ang tingin nila sa `kin, wala akong pakialam. Ikaw ang asawa ko, ikaw ang mahal ko, iyong-iyo lang ako.”
Lumambot ang mga mata ng asawa. “Sorry. Naiinis ako kapag may nakikita akong lalaki na may gusto sa `yo, eh. Nagseselos ako.”
She rolled her eyes. “Wala ka namang dapat na ipagselos. Ikaw ang mahal ko kaya please, Train, stop being so darn possessive.”
He looked at her intimately. “I’m not Train Wolkzbin if I’m not possessive and crazy for you.”
Hindi na nagtaka si Krisz nang bumilis ang tibok ng puso niya. Train never ceased to make her heart beat so fast. After seven years of being married, Train could still make her heart jump and sommersault. Iyan yata ang epekto ng asawa na hinding-hindi na mawawala sa kanya.
TRAIN’S heart was tightening in happiness as he stared at Krisz’s eyes with full of love for him. This woman can still make his heart flip and swoon. After seven years of being married, he was still crazy for her beautiful and lovely wife.
Train came out from his reverie when someone pulled the hem of his polo. Nang tingnan niya kung sino iyon, tumaas ang dalawa niyang kilay.
“Yes, Trek?”
“Daddy, can I go and play?” tanong ng anak habang nakatingin sa naglalarong mga anak nina Iuhence at Tyron.
“Sure, baby.” Ginulo niya ang buhok nito. “Ingat ka, okay?”
Bumakas ang kasiyahan sa mukha ni Trek. “Yes po, Daddy. I’ll be very careful.”
“Dahan-dahan lang, Trek,” pahabol na sabi ni Krisz habang tumatakbo ang anak nila patungo sa kumpol ng mga bata sa gilid ng hall na pinagdadausan ng awarding ceremony.
Napabuntong-hininga ang asawa. “Ang batang `yon talaga, ang hilig maglaro. Why can’t he be like me when I was a kid? I read books and kid magazines, played puzzle with myself—”
“Wifey, hayaan mo na si Trek. I think he took those traits from me. I hated books and I played a lot when I was a kid. Intindihin na lang natin. Bata, eh.”
Humilig si Krizz sa kanyang balikat. “Okay. Sabi mo, eh.”
Train smiled and looked around. Mukhang iniwan sila ng mag-asawang Tyron at Raine, Iuhence at Mhel. Nasa dance floor na ang mga ito at nagsasayaw, kaya naman tumayo siya at hinila patayo ang asawa.
“Let’s dance,” aniya at iginiya si Krisz patungo sa dance floor.
Nang makarating sa dance floor, agad na niyapos ni Train ang baywang ng asawa at hinapit ito palapit sa kanya. Napapikit siya nang maramdaman ang init na nanggagaling sa katawan nito. God! After all these years, his wife could still make his body burn.
“Train, I can feel your erection,” Krisz hissed at him, making him grin naughtily.
Ibinaba niya ang bibig malapit sa tainga nito at bumulong. “This erection of mine will fill you up later. I promise you that, my love.”
Train grinned when he saw his wife’s cheeks redden. Ahh ! Krisz can still manage to blush after all these years. So beautiful. So lovely. And she was his.
Damn! That sounds good!
“Ikaw talagang lalaki ka.” Inirapan siya nito. “`Pag `yang bagay na `yan talaga ang pinag-uusapan, you’re always active.”
Natawa siya. “My love, malaki na si Trek. Kailangan nang sundan. Gusto ko babae naman.”
“Heh! Ang galing mong mag-request, ikaw kaya ang magbuntis at mag-ire ng bata, tingnan ko lang kung maka-request ka pa.”
Hinalikan niya sa noo ang asawa. “I know how hard it is to give birth, kaya nga mahal na mahal kita. Kasi kahit mahirap, kinaya mo, para sa anak natin.”
Lumamlam ang mga mata ni Krisz na kanina lang ay matalim ang tingin sa kanya. “What’s with you and your sweet words? Kaunting salita mo lang, nalulusaw kaagad ang inis ko at bumibilis ang tibok ng puso ko.”
He smiled lovingly at her. “That, my love, is Train Wolkzbin’s trademark. Ako lang ang makakagawa niyan sa `yo. Kaya kung may balak kang iwan ako, tanggalin mo na iyan sa isip mo.”
Inirapan na naman siya ng asawa. “Puwede ba, Train, walang divorce sa Pilipinas, kaya nga nagpakasal tayo uli, `di ba?”
That made him happy. “Oo nga pala. Good thing—”
“Wolkzbin!” anang boses ni Iuhence na parang galit.
Sabay silang napatingin ni Krisz kay Iuhence na madilim ang mukha.
“What?” Train inquired.
Iuhence’s face was so dark. Train knew that he was mad.
“Ano ba ang nangyari?” nagtatakang tanong niya sa kaibigan.
“Your son.” Napatiim-bagang si Iuhence. “Your son happened—”
Nabalot ng pag-aalala ang buo niyang pagkatao. “Fuck! Nasaan ang anak ko?”
Naramdaman ni Train na kumawala si Krisz sa pagkakayakap sa kanya at humarap kay Iuhence. “Ano’ng nangyari kay Trek?” Her wife’s voice sounded so worried.
“Follow me,” Iuhence replied grimly.
Sinundan nila ang kaibigan hanggang sa tumigil ito sa mesa na inookupa nila. Naroon si Trek, nakaupo habang katabi si Kisses. Si Hersheys naman ay katabi ni Timber.
“Trek, what happened?” nag-aalalang tanong ni Krisz sa kanilang anak, siya naman ay abala ang mga mata sa pagsuri kung may sugat ito.
Nakahinga si Train nang maluwag nang makitang mukhang wala naman itong sugat. Trek was okay. He was fine. Thanks God!
“Mommy, I’m fine,” sagot ng anak.
Humarap siya kay Iuhence. “Ano ba ang nangyari, Vergara?” nalilitong tanong niya. “Bakit parang galit ka?” Tumingin siya kay Mhel na nakangiti habang hinahaplos ang buhok ni Kisses. “What happened?”
Tyron suddenly started chuckling.
Bumaling siya sa kaibigan. “Ano’ng nangyari?”
Tyron was still chuckling as he spoke. “Wolkzbin, ano’ng gagawin mo kapag may anak kang babae at nakita mong hinalikan ang anak mong babae ng kaedad niyang lalaki?”
Kahit naguguluhan, sumagot siya. “Magagalit ako.”
“Precisely!” Iuhence gritted his teeth as he looked at him accusingly. “Your son kissed my daughter! In the cheeks! Damn it!”
Nanlalaki ang mga mata na tumingin si Train sa anak na nagsusumamo ang mukha.
Lumuhod siya sa harap ni Trek para magpantay ang kanilang mga mukha. “Trek, why did you kiss Kisses?”
Ngumuso ito. “Remember our talk, Daddy? You said that if I meet the girl that I like, I should kiss her, so I did.”
Nagpakawala si Train ng buntong-hininga nang marinig na nagmura si Iuhence.
“Shhh!” saway ni Mhel kay Iuhence. “No cursing. Maraming bata.”
Lumuhod si Iuhence sa tabi niya at tiningnan nang matiim ang kanyang anak.
Trek had these begging eyes as he looked back at Iuhence. “Galit ka po ba sa `kin, Tito Iuhence? Ang pretty po kasi ni Kisses, eh. Kaya I kissed her. Kasalanan niya iyon kasi pretty siya.”
Mhel laughed at that. “`Yan! Remember that line, Iuhence? Sinabi mo na sa akin iyan. Sinisi mo ako dahil muntik na tayong mabunggo dahil sa kagandahan ko. At talagang ako pa ang sinisi mo.”
Umingos si Iuhence at hinawakan ang magkabilang balikat ng kanyang anak. “Trek, I want you to promise me one thing.”
“Ano po `yon, Tito Iuhence?” inosenteng tanong nito.
“I want you to promise me that before Kisses reach age of thirty, pakakasalan mo ang anak ko. Okay? Promise me.”
Tumingin si Trek sa kanya. “Like you and mommy po, Daddy?”
Hinawakan ni Train ang kamay ng anak. “You don’t have to promise—”
“Anong hindi? He kissed my daughter! Pakakasalan niya ang anak ko sa ayaw at sa gusto niya—”
“Okay po. Promise po,” ani Trek.
Nagkatinginan sila ng asawa at tumingin siya kay Iuhence na may matagumpay na ngiti sa mga labi habang nakatingin sa kanya.
“Magbalae na tayo ngayon,” anito na nakangisi.
Napailing-iling si Train at tumingin sa anak. “Don’t do that again, okay? Hindi ka basta-basta puwedeng manghalik ng babae, lalo na at bata ka pa. Your mom and I kiss because we are married and it’s legal. `Yong halik, ginagawa lang `yan ng mga mag-asawa tulad namin ng mommy mo. Naiintindihan mo ba, anak?”
Tumango ito. “I understand po, Daddy.” Pagkatapos ay humarap ang anak kay Kisses. “Sorry, Kisses. Hindi ko na uulitin.”
Tinarayan lang ito ni Kisses. “Don’t talk to me. Talk to the air.”
Natawa sila sa sagot nito.
“Sige na, maglaro na kayo,” ani Mhel. “Ingat sa paglalaro.”
When their kids left to play in the corner with Raine as their supervisor, Iuhence grinned at him. “Balae.”
Train rolled his eyes. “Tigilan mo ako, Vergara. Ayokong magkaroon ng apo na walang preno ang bibig.”
Iningusan siya ng kaibigan. “Ayoko rin naman magkaroon ng apo na Russian pero tatangapin ko na lang.”
Natatawa na bumulong si Krisz sa kanyang tainga. “Mukhang history repeat itself ang mangyayari sa anak natin,” anito at humilig sa balikat niya.
“No,” ani Train. “Hindi ko pipilitin ang anak ko na gawin ang isang bagay na labag sa kalooban niya. Hindi ako nagsisisi na pinakasalan kita kasi mahal na mahal kita. Hindi naman natin masasabi na ganoon ang mangyayari kina Trek at Kisses. Kaya naman hahayaan ko lang si Trek na gawin ang sa tingin niya ay tama para sa kanya. Susuportahan lang natin siya.”
“Hmm…” Krisz smiled. “Yes. We will support him in whatever decision he would make in the future. Pero mapipigilan mo kaya si Iuhence kung ipagpipilitan niyang ikasal ang dalawa paglaki nila? He made our son promise.”
Train smiled then drank a wine from his glass. “That, my love, will be Iuhence’s problem in the future. Kung may nakuha man na ugali ko si Trek, iyon ay ang pagiging matigas ang ulo.”
Natawa ang asawa. “Kaya naman pala hinayaan mo.”
“Baka kay Trek tumanda si Iuhence,” aniya na natatawa.
Krisz chuckled. “You are sly, hubby.”
Train looked deep into her hazel eyes. “But you love this sly, my love.”
She grinned happily. “Yes, I do. I love you.”
His heart soared at those three words. “I love you more, my love.”