noveltoon logo noveltoon
Train Wolkzbin (Possessive Series 3)

Chapter 5

Ch. 6 / 24 Feb 09, 2022

NAGISING si Krisz dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kanyang mukha. Napabalikwas siya nang maalala ang nangyari nang nagdaang gabi. She could still feel the soreness down there. Masakit ang pagkababae niya dahil tatlong beses siyang inangkin ni Train. Hindi biro ang sinabi ng iba na masakit talaga kapag una.

Bumangon siya at napapaigik kapag nasasagi ang bahaging iyon ng kanyang pagkababae. Dahan-dahan ang paglalakad na ginawa niya patungo sa banyo. Pagkatapos maghilamos at magmumog ay hinanap na niya ang lalaki. Pero bago lumabas ng silid ay ipinulupot muna niya ang kumot sa hubad na katawan.

Natagpuan ni Krisz si Train sa kusina ng penthouse nito at nagluluto. Napakabango ng aroma ng niluluto ng lalaki—simpleng omelet at fried rice. Nang mapansing nakatayo siya sa pintuan ng kusina, humarap si Train sa kanya at ngumiti.

Parang nalaglag ang puso ni Krisz sa ngiting ibinigay nito sa kanya. It was a heart-thundering kind of smile. Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa ngiting iyon.

“Good morning,” bati ni Train at tumalikod uli sa kanya. “Upo ka.”

Walang ingay na umupo siya sa silya na nasa harap ng mesa at walang imik na tumingin sa binata na nagluluto pa rin.

“Cat got your tongue?” anang baritonong boses ni Train na ikinaigtad niya. “Ang tahimik mo naman yata.”

Tumikhim si Krisz bago nagsalita. “Iniisip ko lang kung ano na ang mangyayari ngayon.”

Tinapos ni Train ang pagluluto at humarap sa kanya habang nakasandal sa gilid ng gas range. “What will happen now? You have it all planned out, right?” Naglakad ito palapit sa kanya at umupo sa silya na kaharap niya. “What happened last night was—”

“Was sex for convenience. Nakipagtalik ako sa `yo kagabi para mahiram ang pangalan mo, hindi ba?” Napakagat-labi siya. “Kung anuman ang nangyari kagabi, nangyari `yon dahil sa kagustuhan kong maisalba ang kompanya namin.”

Nawalan ng kislap ang mga mata ng lalaki. “Oh, yeah. Pasensiya na, nakalimutan kong `yon pala ang rason mo.”

Napakunot-noo siya. “Bakit mo naman nakalimutan? We talked about it before we had sex. At saka imposibleng makalimutan ang mga impormasyong tulad n’on.”

“Makakalimutin ako,” ani Train at tumayo, saka inilagay sa mesa ang inilutong pagkain. “Kumain ka na. Pagkatapos ay umuwi ka na sa inyo. Bukas na lang tayo mag-usap. May kailangan lang akong asikasuhin ngayon.” Pagkasabi niyon ay iniwan na siya nito sa kusina.

Napatingin si Krisz sa pintong nilabasan ni Train. Saan napunta ang lalaking nakaniig niya kagabi? Train was now cold and unfeeling. Pero nginitian siya nito kanina. Teka, may nasabi ba siyang mali? That passionate man who made love to her last night was the reason why her heart was beating at a fast rate.

Ano’ng nangyari sa lalaking `yon? May mood swing?

Nawalan na si Krisz ng ganang kumain kaya bumalik siya sa kuwarto. Naabutan niya si Train na inaayos ang necktie ng suit na suot nito. Nang mapansin ng lalaki na nasa loob siya ng silid ay tumuro ito sa direksiyon ng kama.

“Hayan ang damit mo,” anito at humarap sa kanya. “Makakaalis ka na.” Malamig ang boses nito. “Makakaasa ka na ipapahiram ko sa `yo ang apelyido ko but I will not be working with you. I will send an employee of mine, a very trusted one, to do what I’m supposed to do. At `yong kapalit para sa paggamit mo sa apelyido ko, hahayaan ko muna. Focus on your company. Make it grow again. At kapag nasa mood na ako na pagbayarin ka, tatawagan kita.” Akmang lalabas na si Train nang muli itong magsalita, “Lock the door when you leave.” Pagkasabi niyon ay tuluyan na itong lumabas.

Nanghihinang napaupo si Krisz sa gilid ng kama at napatingin sa pintuan na nilabasan ng lalaki.

This was what she wanted, right? His surname. His help. Binayaran na niya ang kapalit niyon kagabi. At pansamantalang mawawala si Train sa buhay niya. Tulad ng sinabi ng lalaki, ang isa sa mga tauhan lang nito ang magpapakita bilang kahalili nito.

That would work out well. Pero bakit nakakaramdam si Krisz ng disappointment?

Marahas niyang ipinilig ang ulo at mabilis na nagdamit, pagkatapos ay umalis na ng penthouse ng lalaki.

Wala siyang panahon para isipin ang mga walang kuwentang bagay na iyon. She had patients to care for and a company to manage. Nandoon dapat ang kanyang atensiyon, hindi sa kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya.

“BOSS! Kumusta?” Bogart Cruz or simply “Boggy” said with so much enthusiasm. Ito ang pinagkakatiwalaang tao ni Train na namamahala sa Wolkzbin Technologies na itinayo niya sa Pilipinas.

Boggy was twice his age and a very chubby man.

“Okay lang ako, Boggy,” sagot niya at umupo sa swivel chair. “Kumusta naman ang kompanya?”

“Okay naman, boss.” Umupo ito sa visitor’s chair. “Nagkaroon na tayo ng dalawang branches. Sa Cebu at Davao. At under construction na ang branches natin sa Hong Kong, Singapore at Dubai.”

“That’s good.” Napatango-tango si Train. “Very good.” Huminga siya nang malalim. “Anyway, I will be here for a week maybe, and then I’ll be back to Russia. Nasa ospital pa rin ang daddy ko. And I want to ask you a favor, a very big one.”

Tumango naman kaagad si Boggy. “Ano `yon, boss? Alam mo naman na gagawin ko ang lahat para sa inyo. Kung hindi dahil sa kabutihan n’yo, baka nasa kalsada na kami ngayon ng pamilya ko. Utang-na-loob ko sa inyo kung bakit nandito po ako ngayon sa kinalalagyan ko. Sobrang salamat sa pagtitiwala—”

“Hindi ba, sinabi ko na noon na wala kang utang-na-loob sa akin? Tama na `yan. It’s all in the past. At kung anuman ang nagawa ko sa `yo noon, sobra-sobra na ang naibalik mo sa akin. Isa na sa sobra-sobra ang loyalty mo,” natatawa at naiiling na aniya.

Ngumiti ito. “Salamat po, boss. Anyway, ano `yong pabor na hihingin n’yo sa akin?”

“Oh, that.” Umayos si Train ng upo. “I want you to make an advertisement. Ipakalat mo iyon sa lahat ng business magazine o sa kahit na anong diyaryo na may business columns.”

“Ano ho ang ilalagay ko sa ad, boss?”

“‘Wolkzbin is taking over half of Romero’s chain of hospitals.’ I want it big and bold. Gusto kong mabasa iyon ng lahat.”

Nanlaki ang mga mata ni Boggy sa kanyang sinabi. “Hindi ba palugi na ang kompanyang `yon?”

“Yeah, at tutulungan ko silang makabawi.” Tumingin siya sa kausap. “Boggy, kailangan nila— No, kailangan niya ang tulong ko. At tutulungan ko siya. Ikaw na ang bahala sa lahat. Kapag may nagtanong na business magazine, gawin mo ang lahat para lumabas na isa na ako sa namamahala o may-ari ng Romero’s chain of hospitals.”

“Hindi ba, ikaw na ang isa sa may-ari? Bakit palalabasin ko pa kung isa ka naman na talaga sa may-ari?”

“It’s complicated, Boggy. Basta gawin mo na lang ang ipinapagawa ko.”

“Yes, boss.” Tumayo ang lalaki. “Sisimulan ko nang gawin ang ipinag-uutos n’yo.”

“Thanks.”

“No problem, boss,” anito at pabiro pang sumaludo. “Ako ang bahala sa lahat. Lalagong muli ang Romero’s chain of hospitals. Apelyido n’yo pa lang, makakahatak na iyon ng sandamakmak na investors.”

Napangiti si Train. Pareho itong mag-isip ni Krisz. Speaking of which… “By the way, you’ll be working with Krisz Romero.”

“The heiress… yes, I know her. She’s a beauty.”

Nakaramdam siya ng iritasyon. “Yeah, well, I have another job for you.”

“Another one?”

“Yes.” Tumalim ang kanyang mga mata. “Habang nagtatrabaho ka kasama siya, gusto kong bantayan mo rin siya. Alamin mo kung may lalaking umaaligid sa kanya o kung may manliligaw ba o boyfriend.”

Nanunuksong ngumiti si Boggy. “Wow, boss, may gusto ka kay—”

“No. Wala akong gusto sa kanya,” mabilis niyang tanggi. “May usapan lang kami.”

“Okay, boss.” May nanunuksong ngiti pa rin sa mga labi si Boggy habang naglalakad palabas ng kanyang opisina.

Nang makalabas ito, tinawagan ni Train si Dark Montero. Ito ang may-ari ng State Trend Magazine . Kilala ang magazine na iyon sa buong Amerika at Asya. At kailangan niya ang serbisyo nito.

“Hello, Dark Montero speaking.”

Napangiti siya. “Train Wolkzbin, bud.”

“Well, hello there, Wolkzbin. Ano’ng maipaglilingkod ko sa `yo? The last time I talked to you was on Tyron’s wedding. Kumusta ka na? Nabuhay ka yata.”

“Naging busy lang ako sa family business namin. Anyway, may nagmamay-ari na ba ng business advertisement column ng magazine mo ngayong buwan?”

“Yeah. Ipini-print na—”

“Stop the printing,” mabilis na sabi ni Train. “Babayaran ko ang expenses. Kailangan ko ang business advertisement column na `yon. I need the whole page actually.”

“Ooo-kay,” nag-aalangang sabi ni Dark. “May problema ka ba, Wolkzbin?”

“Put this on your business advertisement column, ‘The Wolkzbin now owns half of Romero’s chain of hospitals.’”

“What the fuck, man?” gulat na sabi ng kausap. “Sigurado ka ba? Alam ba ito ng tagapagmana ng mga Romero?”

“Ano naman ang mamanahin niya kung bumagsak na ang kompanya nila? And, yeah. Alam ito ni Krisz Romero at ng pamilya niya.” Napabuntong-hininga siya. “Basta gawin mo na lang ang ipinapagawa ko. I want the world to know that I’m taking over half of the Romero’s chain of hospitals. Puwede mo bang gawin `yon?”

“I’ll stop the printing now.”

Napangiti si Train. “Thanks, man.”

“No problem, pare. What are friends for?”

Natawa siya nang mahina, saka tinapos na ang tawag.

Huminga si Train nang malalim at tumingin sa labas ng glass wall ng kanyang opisina. Just wait, Krisz. Aahon din ang kompanya n’yo. And when that happens, mas malaki ang babayaran mo sa `kin.

PAGOD na pagod na umupo si Krisz sa kanyang swivel chair. Katatapos lang ng meeting niya sa lahat ng directors ng Romero’s chain of hospitals. Sobrang saya ang lumulukob sa kanyang puso kapag naiisip niya ang laki ng ipinagbago ng kanilang kompanya. From a sinking ship to a flying ship.

Dalawang buwan na rin ang nakararaan mula nang ipagamit ni Train ang apelyido nito sa kanya. At tama nga ang nasa isip ni Krisz, apelyido pa lang ng lalaki, marami na iyong nahatak na investor.

“Miss Krisz, I have the report from different Romero’s chain of hospitals in the Philippines,” nakangiting wika ni Mr. Bogart Cruz or simply “Boggy.” “At masaya ako na ibalita sa `yo na lahat ng ospital na pag-aari n’yo sa Pilipinas ay puring-puri ng lahat. Mula sa mga empleyado hanggang sa mga pasyente. New building. New equipment. New employees. Talagang pinag-uusapan ang biglang pagbabalik ng kompanya n’yo sa himapapawid ng tagumpay.”

Nginitian niya ang lalaki at napatingin sa isang page ng magazine na kanyang ginupit. Wolkzbin is taking over half of Romero’s chain of hospitals. That phrase alone attracted too many investors to count. Sa loob ng dalawang buwan, nakabangon silang muli at dahil iyon kay Train.

“Salamat, Boggy. Salamat at kahit nakabangon na kami, tinutulungan mo pa rin ako sa pamamahala.”

Nginitian lang si Krisz ng lalaki. “Walang anuman.” Inilapag nito ang report sa ibabaw ng mesa at lumabas na ng kanyang opisina.

Muli siyang napatingin sa ginunting na pahina ng isang magazine at inilagay iyon sa ilalim ng salamin ng kanyang mesa. Naroon ang larawan ni Train Wolkzbin na nakangiti sa camera.

It had been two months since Krisz last saw him. Hindi ito nagpakita o tumawag man lang. Parang hindi nag-e-exist ang lalaki at ipinagpasalamat niya iyon dahil nakapag-focus siya sa kanilang kompanya. At dahil sa pagbangon muli ng kompanya, ang kanyang ama ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa.

Masaya si Krisz na sa wakas ay nakabangon silang muli, pero parang may kulang. At hindi niya alam kung ano iyon.

MAGKAKAHARAP sina Train at ang mga magulang sa hapagkainan habang nag-aagahan. Nakalabas na rin ang ama ng ospital pagkalipas ng dalawang buwan na ipinagpasalamat niya. Kahit papaano ay napanatag siya na maayos na ang lagay nito ngayon.

“Kalem Romero called me to say thank you,” anang ama na ikinakunot ng kanyang noo. Masama kasi ang tingin nito sa kanya.

“What does it have to do with me?”

Tumingin muna ang daddy niya sa kanyang ina bago nagsalita. “What you did was wrong.”

Nagpanting ang mga tainga ni Train sa narinig. “Dad, I helped your friend. You’re very much welcome.”

“No. I’m not thankful,” anito na mas dumagdag sa inis na kanyang nararamdaman. “You didn’t think it through. You think letting them use your surname can help them rise again?”

“Their company is on top again, isn’t it?” Puno ng iritasyon ang boses niya. “I helped them—”

“Anak, hindi mo sila tinulungan.”

Napatingin si Train sa ina. “Ano naman ang ibig mong sabihin, `Ma?”

Huminga ito nang malalim. “Oo nga at nakabangon na silang muli dahil sa pagpapagamit mo sa apelyido natin, pero pansamantala lang `yon. Kapag nalaman ng mga inverstors na wala ka naman talagang shares sa Romero’s chain of hospitals, ano’ng mangyayari? Babagsak uli ang mga Romero at baka sa pagkakataong iyon ay lugmok na talaga sila—”

“I won’t let that happen.” Tumingin siya sa kanyang ama. “Dad, their growth will continue—”

“Marry her, son,” wika nito na ikinatigil niya sa pagsasalita. “Marry Krisz Romero. Through that, their company will never stop growing. Anak, gawin mo ito para sa akin. Ngayong alam mo na kung ano ang magagawa ng apelyido mo para sa kompanya nila, mas makakatulong kung magpapakasal kayo ni Krisz. The investors will continue to invest if you marry her. You will finally own half of Romero’s chain of hospitals.”

Napasandal si Train silyang inuupuan at hindi makapaniwalang tumingin sa kanyang ama. “Dad, I thought we’re already over this.”

“No, son. We’re not.” Tumingin ito sa kanyang mga mata. “I am forcing you to marry her because his father once saved my life. And marrying Kalem’s daughter is not even enough for what Kalem did for me. You see, son, Kalem save me from drowning after those ruthless men beat me up and threw me in the lake unconscious.”

Napatiim-bagang siya. “No. Utang-na-loob mo `yon, labas na ako do’n.” Galit na binitawan niya ang kubyertyos na hawak, saka tumayo. “I’m done eating.”

Akmang aalis na si Train sa hapagkainan nang galit na tumayo ang ama at pinigilan siya sa braso.

“No!” anito na namumula sa galit. “You are going to do what I told you to, Train!”

Mabilis na lumapit ang kanyang ina sa ama. “Relax, iyobuv moya .” Masamang tingin ang ipinukol ng ina sa kanya. “Marry her, Train. Kasalanan mo kung babagsak silang muli—”

“No!” galit niyang sigaw. “I have plans, okay? You can’t force me to marry Krisz Romero!”

“I told you to marry her! That’s the only way to help them, you moron!” galit na sigaw ng kanyang ama.

“Why don’t you marry her instead of forcing me?!” galit na sigaw niya rito. Hindi na niya kayang pigilan ang galit na nararamdaman. “I have a plan for myself and you can force me to do your bidding—” Tinangay ng hangin ang iba pang sasabihin ni Train nang makitang sinapo ng ama ang puso nito at biglang bumagsak sa sahig.

“Dad!” Mabilis niyang dinaluhan ang ama. “Fuck! Shit! Damn it!” Tumingala siya sa kanyang ina na puno ng luha ang mga mata. “Call an ambulance, Mother.”

Mabilis naman itong tumalima. Hinawakan ni Train ang kamay ng ama at pinisil iyon.

“I’m sorry, Dad. I’m really sorry. Please, forgive me for shouting at you,” puno ng pagsisising sabi niya. “Dad, please, I’ll do anything. Just forgive. Please, don’t leave me and mom. Please?”

Bahagyang bumukas ang mga mata ng ama at mahina ang boses na nagsalita. “M-ma-r-rry h-her.” Sinubukan nitong pisilin ang kanyang kamay pero wala na iyong lakas. “T-then, I-I’ll f-f-forg-give y-you.” Then his father lost his consciousness.

“Dad! Dad! Wake up!” No! This is not happening! Kasalanan ko `tong lahat!