noveltoon logo noveltoon
Train Wolkzbin (Possessive Series 3)

Chapter 20

Ch. 21 / 24 Feb 09, 2022

MABILIS na bumangon si Krisz mula sa pagkakahiga at parang nilipad ang distansiya patungo sa banyo nang maramdamang parang hinahalukay ang kanyang tiyan. Nang makarating sa harap ng lababo, doon siya dumuwal nang dumuwal hanggang sa laway na lang ang lumalabas sa kanyang bibig.

A warm hand rubbed her back.

“Ayos ka lang ba?” anang boses ni Train mula sa kanyang likuran.

Nagmumog siya pagkatapos ay humarap dito. “Okay lang ako.” She felt like hugging her husband, so she did. “Medyo masakit lang ang ulo ko.”

“Huwag ka munang pumasok ngayon sa opisina,” wika ni Train habang hinahaplos ang buhok niya. “Dito ka na muna. Magpahinga ka. Baka may nakain kang hindi maganda.”

Kumawala siya sa pagkakayakap nito. “No. Papasok ako. Okay naman ako, eh.”

“Krisz, huwag matigas ang ulo.”

Sinimangutan niya ang asawa. “Okay lang ako. Swear.”

Nagpakawala ng buntong-hininga si Train. “Fine. Papayagan kitang pumasok, pero kapag naduwal ka na naman, tawagan mo ako. Iuuwi kita.”

Napangiti si Krisz sa pag-aalala nito. “Okay.” Ipinalibot niya ang mga braso sa baywang ng asawa at naglalambing na binati ito. “Hmm. Good morning, hubby.”

“Hindi ka na galit sa akin?” May bahid na gulat sa boses ni Train.

Nag-angat siya ng tingin at umiling. “Hindi na.”

Napakunot ang noo nito. “Wow. Your mood changes fast.”

“Bakit? Gusto mong magalit ako sa `yo?”

“Of course not. By the way—” Train kissed the tip of her nose. “—good morning, wifey.”

Malapad siyang napangiti kasabay nang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. “Puwede mo ba akong ipagluto ng agahan? Oh! I know!” Excited siyang ngumiti. “Can you make me coffee with milk?”

Napapantastikuhang tumingin si Train sa kanya. “I thought you’re a black coffee kind of girl. Sigurado ka ba? Coffee with milk?”

Tumango siya. “Oo. Natatakam ako sa coffee with milk. `Tapos ikaw ang magtitimpla. Hmm. Yummy!”

“Ooo-kay.” May pagtataka pa rin sa mga mata ng asawa. “Sige, magtitimpla na ako.”

“Thank you!” masayang sabi ni Krisz, saka ginawaran ng halik sa mga labi si Train. “Excited na ako.”

Napapantastikuhan pa ring lumabas ng silid nila ang asawa. Kahit siya man ay naguguluhan sa pagbabago ng kanyang gusto. Oh, well, masarap naman ang coffee with milk.

AS USUAL, inihatid si Krisz ni Train sa Romero’s chain of hospital main branch. Nang makarating siya sa kanyang opisina, nandoon na si Boggy at mukhang hinihintay siya.

“Boggy? Ano’ng ginagawa mo rito?” tanong niya nang makaupo siya sa kanyang swivel chair.

Nginitian siya ng lalaki at may inilapag na folder sa ibabaw ng mesa. “Isang linggo na ang nakararaan, tumawag si Boss. Pinapaimbestigahan niya ang sekretarya n’yo. At ito ang resulta ng imbestigasyon. Sabi ni Boss, ibigay ko raw sa `yo.”

Napatitig si Krisz sa folder. “Bakit naman paiimbestigahan ni Train ang sekretarya ko?”

Itinuro ni Boggy ang folder. “Mukhang malalaman n’yo po ang dahilan kapag binasa n’yo ang laman ng folder. Sige po, Madam Krisz. Aalis na ako.”

Nang makaalis ang lalaki, inabot niya ang folder at binuksan iyon, pagkatapos ay nag-umpisang basahin ang resulta na sinasabi nito.

HINDI pa rin makapaniwala si Krisz habang paulit-ulit na binabasa ang report na ibinigay sa kanya ni Boggy. Mula nang i-take over niya ang Romero’s chain of hospitals, si Marky na ang naging sekretarya niya. Marky was efficient and good at what he did. Kaya naman bawat taon, tinataasan niya ang sahod nito dahil ayaw niyang mag-resign ito, pagkatapos malalaman niya na ang sekretarya pala ang espiya ni Trina sa kanyang kompanya ?

Akala niya loyal si Marky sa kanya, pero nagkamali siya.

Nang mabasa ni Krisz ang report na iyon, kinausap niya si Marky at umamin ito. Kahit ilang sorry pa ang sabihin ng sekretarya, hindi pa rin niya magawang patawarin ito. Sinesante niya si Marky kaya naman bakante ngayon ang posisyon na iniwan nito.

Humugot siya ng isang malalim na hininga at ipinikit ang ulo nang maramdamang umiikot ang kanyang paningin. Mariin niyang ipinikit ang mga mata nang maramdamamg parang may humahalukay na naman sa tiyan niya. Kaninang umaga pa iyon nararamdaman ni Krisz. Pinipigilan lang niya ang maduwal.

Tumayo siya at agad na nagtungo sa banyo. Napahawak siya sa gilid ng lababo nang maramdamang nanunubig ang kanyang mga bagang kasabay niyon ay ang bigla niyang pagsuka.

Mabilis siyang nagmumog at inayos ang sarili. Hindi pa nga siya nakakakahakbang palayo sa lababo, hayan na naman ang pakiramdam na iyon.

Mabilis na humarap sa lababo si Krisz at sumuka. Pero wala naman siyang isinusuka kundi tubig at laway lang. Nagmumog uli siya at bumalik sa kanyang swivel chair.

She was pulling herself together when the door to her office opened, then Mrs. Wolkzbin, Train’s mother, entered her office.

Napamulagat siya nang makita ang biyenan at mabilis na tumayo. “Mommy, ano’ng ginagawa n’yo rito?” Naasiwa pa rin siyang tawagin itong mommy, but the woman insisted.

Bago pa sila ikasal ni Train, gusto na ni Mrs. Wolkzbin na tawagin niya itong mommy. Halos one week siyang nanatili sa isang penthouse ng ginang sa Moscow bago sila ikinasal ni Train. Doon, naka-bonding niya ang biyenan at masasabi niyang napakabait nito.

“Oh, hello, Krisz,” nakangiting wika ng ina ni Train. “Akala ko nawawala na ako at mali ang napasukan kong ospital.”

“Bakit hindi kayo nagpasabi na darating kayo? Sana nasundo namin kayo,” aniya at niyakap ang ginang bilang pagbati.

Agad naman nitong sinuklian ng isang mahigpit na yakap ang yakap niya. “Oh, hija. It’s fine. May pinuntahan kasi akong charity ball sa Singapore, naisipan kong dumaan dito bago ako bumalik sa Russia. I’m just visiting.” Nginitian siya ni Mrs. Wolkzbin. “Kumusta na kayo ng anak ko? May apo na ba kami?”

Namula si Krisz sa tanong ng biyenan. She and Train’s lovemaking flashed through her mind and that made her cheeks redden even more.

“Okay naman po kami,” sagot niya na may munting ngiti sa mga labi.

Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng ginang. “Aha, I know that red cheeks and that happy glint in your eyes.” The woman giggled. “Oh, God! I’m so happy! Alam kong bagay na bagay kayo ng anak ko noong makita ko ang picture mo na ipinadala ng daddy mo noon.” Panay ang tili ng ina ng asawa at napakasaya ng bukas ng mukha nito. “Bagay na bagay talaga kayo ni Train.”

“Salamat po,” kiming wika ni Krisz.

Hinawakan siya nito sa kamay at hinila patungo sa sofa. Magkatabi silang naupo sa mahabang sofa.

Mrs. Wolkzbin looked so excited. “Okay! Spill the beans!”

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ha? Ano pong ‘spill the beans?’”

“Spill the beans. Sabihin mo sa `kin lahat!” Puno ng kislap ng kasiyahan ang mga mata ng biyenan. “Oh, my God! Kinikilig ako! When did you two confess your love for each other? Si Train ba ang naunang magsabi sa `yo na mahal ka niya? Saan nangyari at kailan?”

Nawala ang ngiti ni Krisz sa tanong nito. “Ahm, wala pong confession na nangyari. Hindi naman po ako mahal ng anak n’yo.”

Nawala rin ang ngiti sa mga labi ni Mrs. Wolkzbin at tumitig sa mga mata niyang pilit na itinatago ang pagmamahal sa asawa. Pero hindi pa sapat ang pagtatago niya dahil nakita iyon ng ginang.

“Krisz…” Hinaplos nito ang kanyang pisngi. “Napakasaya ko noong ikinasal kayo ng anak ko. You are perfect for him. Kaya lang hindi `yon makita ni Train. Palagi namin siyang pinagdudul-dulan na umuwi o bumisita dito sa Pilipinas sa kadahilanang umaasa kami na magkakamabutihan kayo. And when you two got married, we and your parents were the happiest. Mas naging masaya ako nang makita ko ang kislap ng pagmamahal sa mga mata ng anak ko habang sinasabi ang salitang ‘I do.’”

Mapait siyang ngumiti. “Mommy, hindi po ako mahal ni Train. Maybe he is attracted to me. Pero iba naman po ang attraction sa love.”

Matamis na ngumiti ang ginang at hinaplos ang kanyang buhok. “Krisz, it all starts in attraction. Lahat nag-uumpisa roon. And if you nurture it well and take good care of it, like a flower, it will bloom. And that’s love.”

Mapait pa rin ang ngiti na nakaguhit sa mga labi ni Krisz. “Mommy, pinakasalan lang naman ako ni Train dahil sa daddy niya. Maliban doon, wala nang ibang rason.”

Makahulugang ngumiti ang biyenan. “Gusto mo bang malaman kung mahal ka niya o hindi?”

Natatakot siyang sagutin ang tanong na iyon. Natatakot siya na mapatunayan na unrequited nga talaga ang nararamdaman niya para kay Train. Natatakot siya na malaman na kahit kasal sila, hinding-hindi siya nito matututunang mahalin.

“Krisz, magtiwala ka sa akin,” ani Mrs. Wolkzbin habang hinahaplos ang kanyang buhok. “I’m Train’s mother. Alam kong mahal ka ng anak ko. Mother knows everything. Maniwala ka sa akin. Matigas ang ulo ni Train at walang lakas ng loob kaya hindi iyan magtatapat sa `yo. Just like his freaking father. Kaya dapat tayo ang gumawa ng paraan para mapilitang magtapat ang loko-loko kong anak. Nandito lang naman ako. Why the hell not mess with my son a little? Tutulungan kita. Ayokong nakikitang malungkot ang daughter-in-law ko.”

Napatitig si Krisz sa ginang.

Tama ito. Ayaw na niyang maghintay pa na si Train ang magtapat. Nahihirapan na siyang itago ang nararamdaman para sa asawa. She wanted to know, once and for all, if he loved her or not. Gusto niyang malaman kung may nararamdaman ba ito para sa kanya. Walang mangyayari kung maghihintay lang siya sa gagawin ni Train. Oo nga at ang lalaki dapat ang nagtatapat, pero minsan, kailangan ding gumawa ng paraan ng babae para makapagtapat ang isang lalaki.

Men needed assurance if the woman they loved loved them back before they confessed, and women needed confirmation if the man they loved loved them back. That was how it worked. Dahil ang pagkaduwag, hindi iyan nawawala kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan. Nasa tao na iyon kung hahayaan mong kainin ng kaduwagan ang puso mo. At hindi hahayaan ni Krisz na maduwag na naman.

She loved Train. And she will fight to get his love and she will not stop until he said those three magic words to her.

Krisz looked into her mother-in-law’s eyes. “Ano po ang gagawin ko?”

Malapad itong ngumiti. “Ang kailangan mo lang gawin ay manatili rito sa opisina mo.” She grinned deviously. “Ako na ang bahala sa lahat. Sit pretty and wait for your husband.” Kinindatan siya nito. “I’ll be leaving now.”

Napatitig siya sa pintuang nilabasan ng biyenan. Ano kaya ang gagawin nito?

NAPAKUNOT ang noo ni Train nang tumunog ang cell phone niya at nakitang ang ina ang tumatawag. Hmm… Maybe she was checking on what was going on in his married life.

Sinagot niya ang tawag. “Hello, mother. What can I do for you?”

“Hello, son.” Her mother’s voice was calm. “Tumawag ako para ipaalam sa `yo na matutupad na ang gusto mo.”

Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “Ha? Anong gusto?”

“Hindi ba, ayaw mo namang makasal kay Krisz? Napilitan ka lang dahil sa daddy mo. So I called to tell you that finally, mawawala na ng bisa ang kasal n’yo ni Krisz.”

Nagdilim ang kanyang paningin. “What?!”

“Oh, you didn’t know?” her mother inquired innocently. Hindi nito pinansin ang pagtaas ng boses niya. “Oh, my! Hindi ba sinabi sa `yo si Krisz?”

Naikuyom ni Train ang kamay. “Ano’ng hindi sinabi?”

“Krisz filed for a divorce. Hindi mo ba alam?”

His eyes widen in disbelief. Nangyayari na ang kanyang kinatatakutan.

“No!” galit niyang sigaw. “She can’t divorce me!”

“Sure, she can,” anang ina na parang wala lang ang ibinalita nito sa kanya. “Kaya niyang gawin `yon. Kinasal kayo sa Russia. And divorce is legal in Russia.” Nagpakawala ito ng buntong-hininga. “Sayang naman. I really like Krisz for you. Oh, well, paalam na, anak.”

Nawala na ang ina sa kabilang linya.

Nanghihinang napasandal si Train sa kinauupuan at napatitig sa kawalan. No… it couldn’t be! Maayos silang naghiwalay kanina ni Krisz. They even had a good breakfast together. They even made love last night!

Galit na itinapon niya ang cell phone at tumama iyon sa dingding at nagkawasak-wasak.

“Fuck!”

Kumukulo ang dugo sa galit na tumayo si Train at nagtungo sa parking lot ng Wolkzbin Technologies kung saan nakaparada ang kanyang Cadillac.

Pagkasakay sa sasakyan, agad na pinaharurot niya iyon patungo sa Romero’s chain of hospitals main branch.

“Hindi kita hahayaang i-divorce ako, Krisz!” madilim ang mukha na sabi niya. “Hindi mo ako puwedeng iwan! Akin ka lang.” Napatiim-bagang siya. “Akin lang.”