noveltoon logo noveltoon
Train Wolkzbin (Possessive Series 3)

Chapter 13

Ch. 14 / 24 Feb 09, 2022

SINUNOD ni Krisz ang sinabi ni Train, tinawagan niya ang asawa nang gusto na niyang umuwi. Pero hindi ito sumagot. Ring lang nang ring ang cell phone ng lalaki kaya naman si Boggy ang kanyang sunod na tinawagan. Malapit nang mag-alas-sais ng gabi at wala nang tao sa building na iyon kaya kailangan na talaga niyang umuwi.

Nakahinga si Krisz nang maluwag nang sagutin ni Boggy ang tawag niya.

“Hello, Boggy?” aniya sa kabilang linya.

“Magandang gabi, Miss Krisz. Ano’ng maipaglilingkod ko sa inyo?”

“Ahm…” Nagdalawang-isip siya kung magtatanong ba, pero sa bandang huli ay nagtanong pa rin. “Alam mo ba kung nasaan si Train? Kanina ko pa kasi siya tinatawagan, hindi niya sinasagot ang tawag ko.”

“Nakipag-dinner po siya kay Miss Trina Lopez. Hindi niya po ba ipinaalam sa inyo?”

Parang may tumarak na punyal sa puso ni Krisz sa narinig. “S-sinabi niya. N-nakalimutan ko lang.” Tumikhim siya para mawala ang bara sa kanyang lalamunan. “Alam mo ba kung saang restaurant sila pumunta? Hindi nasabi sa akin ni Train, eh,” pagsisinungaling niya.

“Naku, hindi po `yon sa restaurant. Inimbitahan siya ni Miss Trina sa penthouse niya.”

Nanginig ang mga labi ni Krisz at nanubig ang kanyang mga mata. “Sige, salamat.” Mabilis niyang tinapos ang tawag at sinapo ang bibig nang may hikbing lumabas mula roon.

Ayaw niyang umiyak kaya pinigilan niya ang luha na gustong kumawala sa kanyang mga mata. Hindi ako iiyak! Fuck it!

Nanlisik ang mga mata ni Krisz nang pumasok sa kanyang isip ang posibleng ginagawa ng dalawa ngayon. Humanda ka sa akin, Train. Sinabihan na kitang huwag mo akong lolokohin!

Peste talaga ang babaeng `yon! Haliparot! Ang lalaking `yon naman! May asawa na nga pero naghahanap pa ng iba! Letse!

Nagdadabog na lumabas siya ng kanyang opisina at umuwi sa penthouse ni Train. Nag-commute lang siya dahil hindi naman niya dala ang kanyang kotse. Mabuti na lang at ibinigay sa kanya sa information desk ang in-order ni Train na spare key card para sa penthouse nito kaya nakapasok siya.

Panay ang pagtatagis ng mga bagang ni Krisz habang nasa kusina. Dahil wala siyang ganang kumain, cup noodles ang napagdiskitahan niyang lutuin. Kung pagluluto nga ang tawag sa paglalagay ng mainit na tubig sa cup noodles.

Habang kinakain ang noodles, hindi niya mapigilang mapaluha nang kaunti. Nakakainis! Inamin pa nga lang niya sa sarili na mahal niya ang asawa, saka naman may haliparot na gustong umeksena. At ang asawa naman niya, hindi man lang inisip ang kanyang mararamdaman.

Trina was probably laughing right now. Pinagtatawanan siya ng babae dahil madali nitong naakit at napaniwala si Train. They were now probably in bed, enjoying each other’s body—

“Argh!” sigaw ni Krisz para ilabas ang panggigigil at galit na nararamdaman sa mga sandaling iyon.

Kailangan niyang mailabas iyon kundi sasabog siya kapag nakaharap na niya si Train.

Mabilis niyang tinungo ang kanilang silid at kinuha ang cell phone sa kanyang handbag. Nagmamadaling tinawagan niya si Lath. Nang sagutin nito ang tawag ay bigla na lang siyang pumalahaw ng iyak.

“What the fuck happened, Krizzy baby?” Puno ng pag-aalala ang boses ng lalaki.

Humihikbi na sumagot siya. “I’m in love with him, Lath. I’m in love with Train.”

“O, eh, bakit ka umiiyak? Tears of joy na finally na-realize mo na in love ka?”

Napahikbi uli si Krisz. “Pero hindi naman niya ako mahal.”

Bumuntong-hininga ang kausap. “Paano mo naman nalaman na hindi ka niya mahal, not that I’m saying na mahal ka niya. Kasi honestly speaking, hindi ko rin alam kung mahal ka niya.”

“Paano ko nalaman?” Tinuyo niya ang basang pisngi. “Kasi nandoon siya ngayon kasama ang haliparot na Trina na `yon. Nandoon silang dalawa sa penthouse ng mahadera na `yon at siguradong nagse-sex na sila—”

Lath cut her off. “Wait, wait, wait. Rewind please?”

Umupo si Krisz sa ibabaw ng kama at hinamig ang sarili. “Sabi niya kanina sa akin na tawagan ko siya kapag uuwi na ako. `Tapos no’ng tumawag ako, wala na. Hindi sumagot. Kaya tinawagan ko si Boggy, `yong kanang-kamay ni Train. `Tapos ang sabi, nandoon kasama si Trina Lopez at nasa penthouse ng babaeng higad na `yon. Nakakainis lang, Lath. Nare-realize ko pa lang na mahal ko na si Train, may kontrabida kaagad.”

Nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga ang kaibigan. “Krizzy baby, don’t assume, okay? Malay mo, may ibang pakay si Wolkzbin kaya magkasama sila ngayon ni Tri—”

“Don’t you dare say her name!”

“—ni babaeng higad.”

Good.

“Ewan ko.” Humaba ang nguso niya. “Assuming na kung assuming, pero ano naman ang dapat kong isipin? Na naglalaro lang sila ng snake and ladder doon sa penthouse ng haliparot na `yon?”

“Hay, Krizzy baby. Don’t cry. Hindi `yan ang Krisz Romero na kilala ko,” ani Lath sa kabilang linya. “Hindi por que naging asawa ka na ni Wolkzbin ay magiging iyakin ka na. Always remember, ikaw ang legal na asawa. Ipaglaban mo ang karapatan mo. Ipaglaban mo ang sa `yo. And if you want to hurt your husband for being a jerk and an asshole, then please, do it. Pero sa paraang hindi ka mapapahamak. Get even by doing something that he wouldn’t think you’ll do.”

Kumunot ang kanyang noo. “Like what?”

“Ahm…” Natahimik ang lalaki sa kabilang linya. Hinuha ni Krisz ay nag-iisip ito. “Oh, I know!” biglang sigaw ni Lath na ikinagulat niya. “I remember the time when Lash, my stupid twin brother, used my car without telling me. Alam mo naman kung gaano ko kamahal ang sasakyan kong `yon. Kaya nang bumalik siya, nagpanggap akong hindi ako inis sa kanya. Pagkatapos noong kakain na siya, nilagyan ko ng pampa-LBM ang pagkain niya.” Lath laughed so hard. “I’m telling you, Krizzy baby, that was epic.”

Kahit na mabigat ang dibdib ay napatawa siya sa kuwento ng kaibigan. “Gayahin ko kaya ang ginawa mo ? Lagyan ko rin kaya ng pampa-LBM ang kakainin niya?”

“Gawin mo para sa pagpapaasa niya sa `yong susunduin ka pero hindi naman pala.”

Tumalim ang kanyang mga mata. “Yeah. I’ll do it. Kaya lang wala naman akong pampa-LBM. Mayroon ka pa ba niyon?”

“Wala na.” Humugot si Lath ng isang malalim na hininga. “Pero sa tingin ko, mayroon si Ymar. Tawagan ko siya para sa `yo.”

“Ymar?” Nagsalubong ang mga kilay ni Krisz. “Sino naman siya?”

“Isang kaibigan na nagmamay-ari ng isang pharmaceutical.” She can sense an evil grin on Lath’s voice. “Kapag nakakuha ako, ihahatid ko d’yan sa penthouse ni Wolkzbin. Okay?”

“Okay. Thanks.”

“Don’t mention it.” Lath paused. “Ngumiti ka na. Ang pangit mo pa naman kapag umiiyak ka.”

Mahina siyang natawa. “Gago. Nakangiti na po.”

“That’s better,” anito. “I have to hang up now. Tawagan na lang kita kapag may nakuha ako.”

“Okay. Thanks again.”

Sabay nilang ibinaba ang tawag.

Nahiga si Krisz sa kama at napatitig sa kisame. Nag-iisip siya ng paraan kung paano mailalagay ang gamot na iyon sa kakainin ni Train kung ito naman ang nagluluto ng pagkain nila.

There was only one way. Dapat bukas, siya ang magluto.

Pagkalipas ng ilang minuto, tumunog uli ang kanyang cell phone. Nang tingnan niya kung sino iyon, mabilis siyang sumagot nang makitang si Lath ang tumatawag.

“Hello? Ano, may nakuha ka?” kaagad na tanong niya.

“Yeah. Mayroon daw siya, kaya lang this coming weekend pa darating.”

Bumagsak ang kanyang mga balikat. “Ganoon ba?”

“Oo. Mukhang postponed muna ang paghihiganti mo. Anyway, huwag mo na lang muna siyang pansinin.”

Itinirik niya ang mga mata. “As if Train will get affected by that.”

Lath chuckled deeply. “Krizzy baby, if there’s one thing you need to know about men, that is we hate silent treatment to the core. And Train is not an exemption to that.”

Napangiti siya. “Sige. Kaya kong gawin `yon,” aniya na tumatango-tango pa. “Ayoko naman talaga siyang pansinin. Hindi ko pa siya kayang kausapin. Baka isaksak ko sa kanya lahat ng kutsilyo sa kusina.”

Tumawa nang malakas si Lath. “`Buti na lang pala at hindi kita naging girlfriend.”

Umikot ang kanyang mga mata. “Lath, alam natin pareho kung bakit hindi mo ako naging girlfriend. Bukod sa hindi ako attracted sa `yo, may hinihintay kang babae na alam naman natin pareho na hindi babalik sa `yo.”

“I’m still waiting, Krizzy baby. I’m still waiting for Haze to return to me.”

“Anong return to you, eh, hindi ba, kaya siya umalis para iwasan ka kasi niloko at pinaiyak mo siya?”

Natawa ito. “I believe in fate, Krizzy baby. There’s always that thing called destiny.”

Napailing-iling siya at tinudyo ang kaibigan. “Wow. The self-proclaimed playboy believes in destiny. Oh, my God. Nagyelo na ba ang impiyerno?”

“Makatulog na nga,” pikon nitong pinatayan siya ng tawag.

Natatawang napatingin si Krisz sa screen ng cell phone niya. Hmm… Pikon talaga ang kaibigan niya kapag ang pinag-uusapan nila ay ang love life nito, kung matatawag ngang love life iyon.

Inilapag niya ang cell phone sa bedside table at tumagilid ng higa. Kahit papaano ay gumaan ang kanyang pakiramdam dahil kay Lath.

Akmang ipipikit ni Krisz ang mga mata para matulog nang marinig niyang bumukas at sumara ang pinto ng penthouse.

He’s home!

Sa halip na matulog, bumangon siya at umupo sa gilid ng kama. Nang makapasok si Train sa kuwarto nila, hinuli niya ang mga mata nito at nagtanong.

“Saan ka galing?” kaagad na tanong niya.

Nakita niyang natigilan ang lalaki, pagkatapos ay hinubad nito ang coat na suot at akmang hahalikan siya sa pisngi pero iniiwas niya ang mukha.

“Saan ka nanggaling, Train?” tanong niya uli.

“I was with my business partner. Sorry, hindi ko nasagot ang tawag mo.”

Parang tinarak ng ilang milyong karayom ang puso ni Krisz sa pagsisinungaling ng asawa.

“Safe ka bang nakauwi?” tanong nito nang hindi siya umimik.

“Buhay ako, `di ba?” mataray na sagot niya at nahiga sa kama.

“Krisz, I’m really sorry—”

“Are you?” Matalim ang mga matang bumaling si Krisz kay Train. “Sabi mo, susunduin mo ako. Tinawagan kita kasi `yon ang sabi mo sa `kin. Alam mo ba `yong feeling na maiwang mag-isa sa opisina dahil `yong nangakong susundo sa kanya ay hindi naman tumupad sa pangako?”

“Hindi ko naman sinasadya—”

“Oh, just shut up, Train.” Bumalik siya sa pagkakahiga, saka ipinikit ang mga mata. “Pakisara ang ilaw kapag matutulog ka na.”

Nagtalukbong si Krisz ng kumot at hindi na niya kinausap si Train kahit pa ilang beses nitong tinawag ang pangalan niya.

Pilit niyang pinatulog ang sarili dahil ayaw niyang kausapin ang asawa. Bahala ito sa buhay nito.