noveltoon logo noveltoon
Train Wolkzbin (Possessive Series 3)

Chapter 1

Ch. 2 / 24 Feb 09, 2022

SAPO ang ulo na umupo si Train sa visitor’s chair sa labas ng ICU. Sinugod ang kanyang ama sa hospital dahil inatake sa puso. Pinagsabihan na niya itong huwag nang magtrabaho dahil medyo matanda na pero hindi nakinig sa kanya ang ama. As usual.

His father wanted to widen the coverage of Wolkzbin Enterprise. Iyon ang ginagawa niya mula nang mag-take over siya sa kompanya. Naglagay siya ng branch sa kilalang mga bansa. So far, so good naman ang feedback sa bawat branch.

Itinatag ang Wolkzbin Enterprise ng great-great grandfather ni Train. Nagsimula ang lahat nang madiskubre ang vodka. Isa ang kompanya sa mga unang manufacturer ng vodka. Noong una, tanging sa Russia lang inilalabas ang vodka pero hindi nagtagal, inilabas na rin iyon sa iba’t ibang bansa. Doon nag-umpisa ang Wolkzbin Enterprise. Lumago iyon nang lumago kasabay ng pagsikat ng inumin.

The Wolkzbin Enterprise was passed on to every first male in the family. At sa henerasyon ni Train, nag-iisa lang siyang anak at lalaki pa. Kaya nakaatang sa kanyang mga balikat ang responsibilidad na mas palaguin pa iyon.

“Magiging maayos din ang daddy mo,” anang ina na nakaupo sa kanyang tabi.

Palaging nagsasalita ng Tagalog ang kanyang ina kapag silang dalawa lang. Gusto nitong hindi siya maging banyaga sa salitang Filipino.

“He suffered a heart attack, Mom,” sabi ni Train sa mahinang boses. “Ano’ng mangyayari sa kanya ngayon? Hindi puwedeng mawala si Daddy. Marami pa akong kailangang matutunan sa kanya. Hindi pa siya puwedeng mawala. Hindi kasi nakikinig, eh,” naiinis na aniya.

“Anak, magiging maayos din ang daddy mo,” wika ng ina na parang mas kinukumbinsi ang sarili kaysa sa kanya.

Nang tingnan ni Train ang ina na nakatingin sa nakaratay na asawa, nakikita niya ang pag-ibig sa mga mata nito. Hanggang ngayon, in love na in love pa rin ang dalawa sa isa’t isa. A love like that was so hard to find. Not that he was planning to find the same. Wala sa isip niya ngayon ang pag-aasawa o pagpapakasal.

Speaking of which, kumusta na kaya ngayon si Krisz Romero? She was the last woman who offered him marriage. Walong taon na rin pala ang nagdaan mula nang makatanggap siya ng mensahe sa kanyang ina na hindi na tuloy ang kasal dahil umatras ang mga Romero.

Mula noon, umiwas na si Train sa mga babae. He was not the “happy-ever-after kind of guy,” he was just “once upon a time.” He didn’t do relationships. He was very busy to bother with women. They were just nuisance.

“Magiging maayos ang daddy mo, anak,” wika ng ina na pumukaw sa pag-iisip niya. “Makikita mo, bukas, magigising na siya.”

“Hindi kasi siya nakikinig sa akin, eh,” naiinis pa ring aniya. “Sinabi nang huwag nang magtrabaho—”

“Alam mo naman kung bakit nagtatrabaho ang daddy mo, `di ba? Gusto niyang makakuha ng ospital na may naitayo nang pangalan, at `yon ang dahilan kung bakit gusto niyang makuha mula pa noon ang Romero’s chain of hospital.

Napatiim-bagang si Train. “Hindi pa ba sapat ang Wolkzbin Enterprise?”

Napabuntong-hininga ang kanyang ina. “Anak, isang doktor ang daddy mo. You know what happens when he gets obsessed with something. He wanted to manage a hospital ever since pero dahil siya ang tagapagmana ng Wolkzbin, wala siyang nagawa. Ngayong ikaw na ang namamahala sa negosyo ng pamilya, gusto naman niyang ang pangarap niya ang matupad.

“He is friends with Kalem Romero at ayon sa daddy mo, nag-uumpisa nang malugi ang kompanya. Kaya nagtatrabaho ang daddy mo para kumita ng pera para maisalba ang kompanya ng kaibigan niya. Ayaw niyang gumamit ng pera na galing sa Wolkzbin Enterprise. Gusto niya `yong pinaghirapan niya. Kapag nagawa niya iyon, kalahati ng chain of hospitals ng mga Romero ay magiging pag-aari ng daddy mo. Iyon ang kasunduan nila ni Kalem.” Nagpakawala ang ina ng malalim na buntong-hininga. “Hindi mangyayari ito kung nagpakasal ka kay Krisz Romero noon.”

Not this again!

Tumayo si Train. “Sa cafeteria lang ako, Mommy.” Ayaw niyang makipagtalo sa ina.

Nang makarating sa cafeteria ng ospital, um-order siya ng dalawang basong brewed coffee. He was planning to drink two cups of brewed coffee to wake him up. Kailangan pa niyang pumasok sa opisina dahil may board meeting siya.

Habang sumisimsim ng kape, napatingin si Train sa relong pambisig. Alas-kuwatro na nang umaga. Ibig sabihin, hapon ngayon sa Pilipinas.

Kinuha niya ang cell phone at tinawagan si Zapanta. Out of coverage ang loko. Sunod niyang tinawagan si Lander. Voice mail message ang sumagot sa kanya.

This is the most handsome man on Earth, Lander Storm. If you hear this, it means I’m busy having sex.

Ciao. In English, bye.

The line died.

Napailing-iling siya at tinawagan si Vergara. Thankfully, he answered at the first ring.

“I’m bored, Wolkzbin,” anito nang sagutin ang tawag.

Pinaikot ni Train ang mga mata. “Ano naman ang gusto mo, kantahan kita?”

“Puwede? Ako ang magtotono, sa `yo ang lyrics. Go! Tanananananan—”

“Gago.” Medyo nabawasan na ang pagkairita na nararamdaman niya. “May problema ako.”

Mahinang tumawa ang kausap. “Sa katulad mo, dalawa lang ang problema. Either it’s a woman or family. Which of the two?”

Isinandal ni Train ang likod sa upuan. “Both.”

“You are in dire danger, my friend,” sabi ni Iuhence na tumatawa. “Ano’ng gagawin mo ngayon?”

“Magpapakamatay,” walang-buhay niyang tugon.

“Gusto mo, bigyan kita ng kadena? Bigti ba? Para dramatic at may thrill ang pagkamatay mo.”

Naiikot niyang muli ang mga mata. “Wala kang kuwentang kausap.”

“Mr. Wolkzbin, I beg to disagree. Hindi mo ba alam na according sa Business Magazine , I am worth a billion?”

Train rolled his eyes again. “And I am worth a trillion,” aniya sa bored na boses. “Dahil sa magazine na iyon, makikidnap tayo nito.”

Natawa si Iuhence. “Dahil sa magazine na iyon, mas dumami ang mga babaeng naghahabol sa akin.”

Napailing-iling siya. “At sinamantala mo naman?”

Naging walang-buhay ang boses ng kaibigan. “Nah. Nabo-bore na rin akong mambabae, eh. I just want to find that woman and settle down.”

Napasipol si Train sa sinabi ng kaibigan. “What did you do to the real Iuhence Vergara?”

Natawa ang nasa kabilang linya. “Gago. Teka, ano ngayon ang gagawin mo sa problema mo?”

“Kailangan ko munang makausap ang daddy ko. And then—”

“Train! Your father!” nagpa-panic na tawag ng kanyang ina.

“I got to go.” Hindi na hinintay ni Train na makasagot si Iuhence. Kaagad niyang tinapos ang tawag at mabilis na tumakbo patungo sa ICU.

Naningkit sa galit ang kanyang mga mata nang makitang nagpupumilit tumayo ang ama. Hindi lang iyon, pinagtatanggal nito ang mga tubo at ang iba pang nakakabit sa katawan nito.

“Dad! To chto ad vy delayete ?!” sigaw niya na ikinatigil ng ama.

Nagpakawala ito ng malalim na hininga. “I n-need to g-get out. I n-need to w-work,” nahihirapang sabi nito.

Naihilamos ni Train ang palad sa mukha. “Dad! Ostanovit !” He shouted “stop” in Russian. “You don’t need to work, damn it! We are already well off!”

“N-no.” Umiling ito. “I h-have t-to—”

“No.” Pinilit niyang ihiga ang ama at umupo sa gilid ng kama. “Dad, stop it okay?”

Muli itong umiling. “Hospital—need it. Help—Romero. Marry her—daughter...”

Mariing ipinikit ni Train ang nga mata. “No. I will invest in their company so it will rise again, but I’m not gonna marry her.”

“M-marry her!”

“No!”

Ipinikit ng ama ang mga mata at umaktong natutulog. Alam niyang ayaw siya nitong kausapin. Naiinis na naihilamos muli ni Train ang palad sa mukha. Ano ba ang mayroon sa babaeng iyon para pilitin siya ng ama? Argh!

“Fix him up!” sigaw niya sa mga nurse, saka lumabas ng ICU.

PAGOD na pagod si Krisz nang pumasok sa kanilang bahay. Kagagaling lang niya sa isa sa mga ospital na pag-aari nila. Habang nagmamaneho pauwi, tumawag ang matalik niyang kaibigan na kinulit-kulit siya sa telepono. Palibhasa nagmamaneho ay madali itong ma-bore. Walang pakialam sa babala na bawal gumamit ng cell phone kapag nagmamaneho.

Pagkapasok ni Krisz sa kanilang bahay ay naabutan niya ang ama sa sala na may kausap sa telepono. Ang kanyang ina naman ay nasa tabi nito. Nang pumasok siya, kasabay naman niyon ang pagbaba ng telepono.

“Hey, Mom.” Hinalikan niya ang ina sa pisngi. “Hey, Dad.” Nilapitan niya ang ama at hinalikan din ito sa pisngi. “Good evening po.”

“Ginabi ka na naman,” anang ama.

“Maraming pasyente, eh.”

“Ganoon ba. Magpahinga ka na,” sabi ng kanyang ina.

“Okay po.”

Papaakyat na si Krisz nang marinig niyang magsalita ang kanyang ama.

“Mr. Wolkzbin is in the hospital. Na-heart attack siya,” anito sa malungkot na boses.

“Sana maging okay siya,” ang kanyang ina. “Ipagdarasal ko ang mabilis niyang paggaling.”

Hindi siya nagsalita, nagtuloy-tuloy lang sa pag-akyat sa hagdan at nagtungo sa kanyang kuwarto.

Nang makapasok sa kanyang silid, napatingala si Krisz sa kisame at malakas na napabuntong-hininga.

Ang daming problema sa ospital pati na rin ang iba nilang branch. Hindi lang kakulangan sa pondo ang kanyang problema kundi pati na rin sa mga namamahala ng bawat branch.

Ipinagkatiwala sa kanya ng ama ang Romero’s chain of hospitals pero sa paglipas ng panahon, unti-unting nalulugi ang mga iyon. Hindi niya kayang sabihin sa ama na nagsara na ang dalawang branch ng ospital nila sa probinsiya. Ang alam lang nito ay nalulugi sila. Natatakot si Krisz sa magiging reaksiyon ng ama, lalo na ngayong may-sakit ito sa puso. Ayaw niyang mapahamak ito dahil sa kanyang kapalpakan.

Kasalanan niya kung bakit nalulugi ang Romero’s chain of hospitals. Hindi naging maayos ang kanyang pamamahala. Pero paano magiging maayos kung kulang sila sa pondo at mga kagamitan? Gustuhin man niya ay kulang din ang kanilang pera para makabili ng mga high-tech na gamit sa panggagamot.

Kung mas nakumbinsi pa sana ni Krisz noon si Train Wolkzbin na pakasalan siya ay baka nasagip niya ang mga ospital.

Sa paglipas ng mga taon, nakabuo siya ng plano sa kanyang isip. At iyon ay ang kausapin si Train Wolkzbin. Kailangan niya ang tulong nito. Naniniwala siya na maisasalba ang kanilang mga ospital kung tutulungan siya ng lalaki.

Pero paano?

Ang tagal naman kasi nitong bumalik sa Pilipinas. Balita niya ay dalawang taon nang hindi bumabalik sa Pilipinas si Train. Pero sisiguruhin ni Krisz na sa oras na makaapak ang mga paa ng lalaki sa bansa ay hahanapin niya itong muli. Hindi siya magpapaapekto sa pang-iinsulto nito noon.

Ngayon niya kailangan na kailangan ang tulong ng mga Wolkzbin. Kakapalan na niya ang mukha. Para ito sa mga taong nagtatrabaho sa Romero’s chain of hospitals at para sa amang nagsikap noon na palaguin ang bawat branch ng kanilang kompanya.

Kailangan niya si Train para mailigtas ang kompanyang pag-aari ng pamilya. Kailangan niyang makita ang binata. Kailangan niya itong makausap. Gagawin niya ang lahat maisalba lang ang naluluging kompanya.

IT WAS a cold day in Russia when Train decided to return to the Philippines after two years. Na-miss niya ang bansang iyon. Hindi na rin niya nabibisita ang Wolkzbin Technologies na itinayo niya sa Pilipinas. Pero may pinagkakatiwalaan naman siyang tao na namamahala roon habang wala siya.

Unlike some billionaire, he didn’t like riding in his private jet. Mas gusto niyang sumakay sa public plane dahil marami siyang nakikilalang mga tao. Sixteen hours ang biyahe mula Russia, pagkatapos ay mag-i-stopover sa Hong Kong, pagkatapos sa Pilipinas na.

Nasa ICU pa rin ang kanyang ama. Gising na ito at medyo maayos na ang lagay pero binilinan pa rin niya ang ina na huwag muna itong palalabasin ng ospital. Alam niyang magtatrabaho na naman ang ama habang wala siya. At isa sa mga dahilan ng pag-uwi niya sa Pilipinas ay dahil kailangan niyang makausap si Mr. Kalem Romero.

INIUNAT ni Train ang mga braso nang lumapag ang sinasakyang eroplano sa Ninoy Aquino International Airport. Nang makalabas, kaagad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa LaCars Garage and Race Track na pag-aari ni Lander Storm. This man owned lots of businesses that had something to do with cars. LaCars Garage and Race Track, LaCars Import and Export and LaCars auto shop.

“Yow, how’s it going?” sigaw niya nang makapasok sa garahe.

“Train!” Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Lander nang makita siya. Tinapik nito ang kanyang braso. “Damn, man! Two years kang hindi umuwi dito sa Pilipinas. Kumusta?”

“Heto, guwapo pa rin?” Ngumisi siya. “Ikaw, kumusta?”

“Ayos lang din, heto mas guwapo pa sa `yo.”

Napailing-iling si Train. “Anyway, where’s my baby?”

Nakangiting umiling-iling ang kaibigan at itinuro ang isang sasakyan na may takip. “There’s your baby. As promised, inalagaan ko siyang mabuti.”

Mas lumapad ang kanyang ngiti. “Thanks, man.”

Naglakad si Train palapit sa sasakyan at tinanggal ang takip. Napasipol siya nang makita ang pinakamamahal na Cadillac. It looked good as new.

“Nice. Parang hindi dalawang taon na nakaburo.”

Tumabi sa kanya si Lander at tumingin sa kanyang sasakyan. “Car wash once a week and drive it sometimes, just around the race track.”

“Thanks, bud,” aniya.

Pareho silang napalingon ni Lander nang may tumigil na sasakyan sa kanilang likuran. Bumukas ang pinto ng isang Porsche at lumabas mula sa kotse si Lath Coleman. Nasabi niyang si Lath iyon at hindi ang kakambal nitong si Lash dahil fan na fan ang binata ng sunglasses at nakasuot ito niyon paglabas ng kotse.

May tumigil na Dodge Viper sa likuran lang ng sasakyan ni Lath at lumabas doon ang kakambal nitong si Lash. Or was it Lath? Naka-sunglasses din kasi ang lalaki.

Ngumisi ang dalawa nang makita siya.

“Who’s who?” tanong kaagad ni Train nang lumapit ang kambal sa kanya.

“Holy hell, bud.”

He and Lath—at least he thought it was Lath—shook hands.

“Kumusta ka na, pare? By the way, I’m Lath, the handsome.”

Thank God, nagpakilala ito.

Nang maghiwalay ang kamay nila ni Lath, si Lash naman ang nakipagkamay sa kanya.

“Hi. Kumusta? I’m Lash, the gorgeous,” anito na walang emosyon ang mukha.

“I’m good,” sagot ni Train at ngumiti. “Kayo? Still racing, I see.”

Nagkibit-balikat ang lalaki. “We’re bored.”

Napailing-iling siya. “You should be in your cruise ship, working.”

Pinaikot ni Lath ang mga mata. “Yeah, right. Our cruise ship can travel without us. Hindi naman namin hawak ang makina ng cruise ship namin.”

“Ewan ko sa inyong magkapatid,” naiiling na sabi niya. “Anyway, let’s catch up later. May pupuntahan pa ako, eh.”

“Cool, bud. Bye,” sabay na sabi ng kambal.

“Kung saan ka man pupunta, good luck,” wika ni Lath. “Mukhang importante ang pupuntahan mo.” Itinuro nito ang Cadillac niya. “Pati sasakyan mo, nakaporma, eh.”

May nanunuksong ngiti na gumuhit sa mga labi ni Lash. “Aha! Manliligaw ka, `no?”

Naiikot ni Train ang mga mata. “Aalis na ako.”

Tinapik muna niya ang balikat ni Lander bago sumakay sa sasakyan at pinaharurot iyon patungo sa bahay ng mga Romero.

Pagkalipas ng mahigit dalawampung minuto, nakarating si Train sa bahay ng mga ito. Alam niya ang bahay ng mga Romero dahil minsan na siyang nakarating doon nang imbitahan siya ni Mr. Kalem Romero sa kaarawan nito may walong taon na ang nakararaan.

Huminga siya nang malalim bago pinindot ang doorbell.

After a minute, the door opened and a woman wearing a doctor’s robe and a stethoscope around her neck stepped out from the house. Her hazel eyes were tantalizing and beguiling. Her nose was straight and pointed. Her lips were thin, sultry and kissable. Her hair was a mixture of black and brown. She stood five-seven in height and she was sexy as hell. She was Aphrodite and Helen of Troy personified. This woman possessed a dangerous beauty that rendered his capability to speak.

Krisz Romero...