THE WHOLE Sunday was fun. Kung honeymoon man ang tawag sa ginawa nila, then it was the best honeymoon in the world. Krisz and Train did more than one position of course and every position was orgasmic. Iyon na yata ang pinakamasaya at pinakakakaibang araw sa tanang buhay niya.
At kahit hindi niya gustuhin, sumapit na ang Lunes.
Parang gustong sakalin ni Krisz ang salitang iyon. Pagod na pagod siya pero kailangan niyang bumangon dahil nakatanggap siya ng text mula sa kanyang sekretarya na gusto siyang makausap ng mga investors.
“Argh!” Naiinis na napasabunot siya sa sariling buhok, saka naghihikab na pumasok sa banyo para maligo.
Mukhang kanina pa nagising si Train dahil wala na ito sa kama at may naamoy siyang mabangong aroma ng pagkain. Mukhang naghahanda na ang kanyang asawa ng kanilang agahan. The perks of having a chef husband: hindi sila nauubusan ng pagkain.
Pagkalabas sa banyo, natigilan si Krisz nang makita si Train na may inilapag na damit sa ibabaw ng kama.
“Ano `yan?” kunot-noong tanong niya at lumapit sa kama.
Hinalikan siya ng asawa sa noo. “Good morning, moya zhena .”
“Good morning.” Tumingin siya sa damit na nasa kama. “Ano `yan?” ulit na tanong niya.
“Oh, `yan ang susuotin mo ngayong araw,” anito at iminuwestra ang damit. “Gusto ko `yan ang suotin mo. Okay?”
Napapantastikuhang tumingin siya kay Train. “Hubby, I don’t do slacks in the office. Gusto ko above the knee pencil-cut skirt and—”
“No. May-asawa ka na kaya hindi mo na puwedeng isuot `yon.”
Inungusan niya ito at hinalungkat ang maleta kung nasaan ang kanyang mga damit. Pinili niya ang damit na gustong suotin.
Nawala sa isip ni Krisz na naroon pala si Train sa loob ng silid. Hinubad niya ang roba na suot at nagsuot ng itim na lingerie. Nang maisuot ang damit na napili, may yumakap mula sa kanyang likuran.
“Bakit iyan ang susuotin mo?” tanong nito na may bahid ng inis ang boses.
Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. “Train, hindi por que asawa mo na ako ay puwede mo na akong baguhin. I am your wife—” Humarap siya rito. “—and not a robot that will do your bidding. May sarili akong isip, may sarili akong paniniwala at may sarili akong desisyon. I choose to wear this kasi komportable ako. So, I’m telling you, hubby, kung balak mo akong baguhin, nagsasayang ka lang ng lakas at panahon.”
Mataman siya nitong tiningnan sa mga mata. “I just don’t want male species ogling your delectable legs. Asawa mo na ako ngayon. Hindi nila puwede pagnasaan ang asawa ko.”
Itinirik ni Krisz ang mga mata. “Bahala ka sa gusto mong isipin. Basta ako, magdadamit ako ng naaayon sa kagustuhan ko.” Nginitian niya ang asawa, saka hinalikan ito sa mga labi. “Huwag ka nang magalit, hubby. Kahit naman anong titig nila sa legs ko, hindi naman nila `yon matitikman. Kaya chill lang, puwede?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Train at walang imik na lumabas ng kuwarto.
Napailing-iling na lang siya at kinuha ang handbag at lumabas na rin ng silid.
Hinanap ni Krisz ang asawa at natagpuan niya ito sa kusina at nagkakape.
“Train?” pagtawag niya sa atensiyon nito.
“Yeah?” Lumingon ang asawa at may ipinakita sa kanyang dalawang tasa na may mainit na kape. “Which one do you prefer? Coffee or coffee with milk? Hindi ko alam kung ano’ng gusto mo, so pili ka na lang.”
Kinuha niya ang isang tasa ng kape. “I’m a black-coffee kind of girl.”
Train just smiled.
Habang sumisimsim si Krisz ng kape ay may inilapag na puting plastic lunch box ang lalaki.
“Nandito ang pagkain mo para sa lunch,” wika ni Train. “Ngayong mag-asawa na tayo, ako ang magluluto ng kakainin mo. Ayokong kumakain ka ng luto ng iba.”
Mayamaya ay asul na lunch box naman ang inilapag nito. “Nandito naman ang merienda mo. May tuna at chicken sandwich d’yan.”
Parang may humaplos sa kanyang puso habang nakatingin sa mga lunch box sa ibabaw ng mesa. Train really made those for her? Aww. Why did he have to be so sweet? Hindi tuloy mapigilan ni Krisz ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Maging ang kilig na nararamdaman.
“Salamat,” aniya.
Train nodded. “Finish your coffee, pagkatapos ay aalis na tayo.”
Tumango siya at hindi na umimik. Pinagmasdan lang niya ang asawa na inilagay sa paper bag ang dalawang lunch box.
Pagkatapos magkape, sabay silang lumabas ng penthouse ni Train. Tulad ng sinabi nito, hindi nga siya pinasakay ng lalaki sa kotse niya. They rode in his Cadillac.
Hinatid si Krisz ng asawa sa main branch ng kanilang ospital. Akala niya ay aalis na ito pagkalabas niya ng sasakyan, pero lumabas si Train sa Cadillac nito at pinagsalikop ang kanilang mga kamay.
“Train, hindi mo namang kailangan—”
“Ihahatid kita hanggang sa opisina mo,” putol nito sa iba pa niyang sasabihin. “Gusto kong malaman ng lahat ng tao sa gusaling ito kung sino ako sa buhay mo.”
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. “At ano naman ang koneksiyon niyon sa paghahatid mo sa `kin sa opisina?”
“Makikita mo,” makahulugang sabi ng lalaki at hinila siya papasok sa gusali.
Confusion filled her when Train pulled her towards the information desk. Nang makarating doon, bumaling sa kanya ang asawa na para bang hinihintay siyang magsalita.
“What?” she inquired. “Ano’ng sasabihin ko?”
Itinaas ni Train ang kamay at ipinakita sa kanya ang wedding ring nito. “Sa tingin ko ay alam mo ang sasabihin mo sa kanila.”
Nagpakawala si Krisz ng isang malalim na hininga at tumingin sa mga empleyado na nasa likod ng information desk.
“I… Ahm…” Napalunok siya, saka tipid na ngumiti, “I am married... to…” Binalingan niya si Train. “…him. Train Wolkzbin.”
Kaagad na gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ni Train. “Spread the news, ladies,” pagkasabi niyon ay hinila siya nito patungo sa elevator.
Nang makarating sa floor ng kanyang opisina ay inihatid naman siya ni Train hanggang sa labas ng conference room.
Naiinis na hinarap ni Krisz ang asawa. “Seriously, Train, bodyguard ba kita? Wala ka bang ibang gagawin maliban sa ihatid ako?”
Nagkibit-balikat lang ito, saka binuksan ang pinto ng conference room. Lahat ng investors na naroon ay napatingin sa kanya.
“Good morning,” bati niya sa mga ito at umupo sa upuan na para sa kanya. “Ano’ng pag-uusapan natin ngayon?”
Tumayo ang isang investor, saka tumingin sa kanya. “Miss Romero, kanina ka pa namin hinihintay. Totoo ba itong naririnig naming balita na hindi naman talaga pag-aari ni Mr. Wolkzbin—”
“Wrong,” Train cut the investor off.
Nanlalaki ang mga mata na nilingon ni Krisz ang asawa. Akala niya ay hindi ito pumasok sa conference room.
May isa pang investor na tumayo at humarap kay Train. “Mr. Wolkzbin, we just want to clarify—”
“She is no longer a Romero,” anang lalaki at kinindatan siya. “She is now Mrs. Krisz Romero-Wolkzbin.” Hinarap nito ang mga investor. “Meet my wife, everyone. Sorry, hindi ko kayo naimbitahan sa kasal namin. Sa Russia kasi kami nagpakasal.”
Halos lahat ng investors ay nakaawang ang mga labi sa sobrang gulat sa sinabi ni Train.
“Well, aalis na ako,” anito at naglakad palapit sa kanya, kapagkuwan ay ginawaran siya ng halik sa mga labi. “Susunduin kita mamaya. Naka-save sa cell phone mo ang number ko. Tawagan mo ako kapag uuwi ka na.”
Tango lang ang naging tugon ni Krisz sa sinabi ng asawa. Hanggang sa makalabas ito ng conference room, nakaawang pa rin ang kanyang mga labi sa sobrang gulat.
Hindi niya alam ang sasabihin o ang dapat na maramdaman. Kung hindi siya inihatid ni Train sa conference room, siguradong hindi maniniwala sa kanya ang investors na nagpakasal na silang dalawa.
Her very sweet husband just saved her freaking ass.
“Excuse me for a minute.” Mabilis siyang lumabas ng conference room at hinabol si Train para magpasalamat sa ginawa nito.
Naabutan ni Krisz ang lalaki na naghihintay sa harap ng elevator habang kausap si Boggy. At dahil malapit siya sa mga ito ay hindi niya naiwasang marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.
“Salamat at sinabi mo sa `kin, Boggy,” ani Train.
“Wala `yon, boss. Nang malaman kong ipinagkalat ni Trina Lopez ang balita na ginagamit lang ni Miss Krisz ang apelyido n’yo, nagkagulo ang mga investors.”
“Alam ko nang mangyayari `to. `Buti ikinasal na kami.”
“You got it bad, boss.”
Train chuckled. “Mukha nga, Boggy. Ayokong mapahiya siya o masaktan o may mangyaring masama sa kanya. Kaya nang malaman ko ang balak na gawin ng mga investor, hinatid ko talaga siya. Hindi ko sila hahayaan na pagsalitaan ng hindi maganda ang asawa ko. She is now under my care. At gagawin ko ang lahat maalagaan lang siya.”
Napatango-tango si Boggy. “Boss, ipapalakalat ko na ba na kasal na kayo ni Miss Krisz?”
Umiling si Train. “Huwag na muna. Hayaan mong unti-unting kumalat ang balitang kasal na kami. Alam kong hindi magugustuhan ni Krisz na maging center of attention sa business world.”
“Okay. At siya nga pala, boss, tawag nang tawag si Miss Trina Lopez, sabihin ko raw sa `yo na inaaya ka niyang mag-dinner sa Yanzee Restaurant.”
Hindi na narinig ni Krisz ang sagot ng asawa dahil bumukas na ang elevator at pumasok na roon ang dalawang lalaki.
Isang malapad na ngiti ang kumawala sa kanyang mga labi habang nagre-replay sa isip niya ang narinig na usapan nina Train at Boggy.
Train was the sweetest man she ever had the pleasure of meeting. Oo nga at hindi naging maganda ang simula nila pero hindi maikakaila na napakasuwerte niya at ito ang kanyang naging asawa. He really took good care of what he owned and he owned her for she was his wife.
Hindi nakapagtataka na nahulog ang puso niya para dito— Wait, what?!
Napatigil si Krisz sa paglalakad at natulos sa kinatatayuan. Oh, God... Bakit hindi niya napansin iyon? Ang mabilis na pagtibok ng puso niya tuwing malapit lang ang lalaki. Ang panlalambot ng kanyang mga tuhod kapag nginingitian siya nito. Noong araw ng kasal nila, nang sabihin niyang “I do, ” she actually meant it. And yes, she was jealous of Trina. Nang makita niyang hinalikan nito si Train, parang may sumakal sa puso niya.
Ang lahat ng iyon ay naramdaman niya… dahil nahuhulog na siya sa kanyang asawa.
Kinapa ni Krisz ang kanyang dibdib at naramdaman niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Her heart was beating for her husband, it was shouting Train’s name.
Sweet heavens. She was not just falling; she already fell in love with Train Wolkzbin.
Sinong hindi mahuhulog ang puso para dito? Noong unang inangkin siya ng lalaki, he was gentle, kahit pa nga ginusto niya iyon at parte iyon ng kasunduan nila. Those kisses they shared were breathtaking, the holding hands were bone-melting and last night they made love over and over again and she didn’t complain. Her heart welcomed Train like he belonged there. At naniniwala si Krisz na hindi niya ibibigay ang katawan sa taong wala naman siyang nararamdaman ni katiting.
Eight years ago, she was attracted to Train, ayaw lang niyang aminin sa sarili. Hindi niya inakala na hanggang sa magkita silang muli ay naroon pa rin ang atraksiyon na nararamdaman niya para sa lalaki. Kaya hindi siya nahirapan na ibigay rito ang kanyang katawan. Hindi siya nahirapan na tanggapin ang proposal nito. In denial lang siya sa nararamdaman noon para sa asawa, dahil natatakot siya na baka iwan siya nito dahil alam niyang wala naman itong nararamdaman para sa kanya.
Bakit ba hindi kaagad na-realize ni Krisz na nahuhulog na ang puso niya para kay Train ? Eh, di sana napigilan niya. Pero hindi, kahit pigilan pa niya, mahuhulog pa rin ang puso niya para dito. Train was like a ghost who crept into her heart unnoticed. He claimed her heart, owned it, at ngayon, nasa kamay na nito ang kanyang puso nang hindi man lang niya namamalayan.
And Krisz knew that her love for her husband was unrequited. Oo at sweet ito sa kanya pero hindi ibig sabihin niyon ay mahal siya nito. At mukhang may kontrabidang papasok sa buhay nila.
Si Trina Lopez.
Pero hindi iyon sapat para sumuko siya. Kung napirata ng haliparot na iyon ang mga doktor ng kanilang mga ospital, hindi niya hahayaang pati ang kanyang asawa ay piratahin nito. She was not Krisz Romero Wolkzbin if she will just give up and do nothing.
“I’m sorry, my dear hubby, pero mukhang hindi kita pakakawalan tulad ng una kong sinabi,” nakangiting aniya habang naglalakad pabalik sa conference room at ang utak ay abala sa pag-iisip ng mga plano para makuha ang puso ng asawa.
PAGKAPASOK ni Train sa sariling opisina, kaagad niyang nakita ang diyaryo para sa araw na iyon. Umupo siya sa swivel chair, saka binasa ang nakalathala sa diyaryo.
Biglang sumama ang mood niya nang makita ang headline niyon.
THE HEIRESS OF ROMERO’S CHAIN OF HOSPITALS IS A BIG FAT LIAR.
Mabilis na binasa ni Train ang article at tumigil ang matalim niyang tingin sa pangalang “Trina Lopez” na naroon at nabanggit sa nasabing article.
Natagis ang kanyang mga bagang. “Fuck that woman.” Itinapon niya ang diyaryo na hawak at tinawagan ang numero ng babae na ibinigay sa kanya ni Boggy.
“Hello? Trina Lopez speaking,” anito nang sagutin ang kanyang tawag.
“This is Train Wolkzbin,” aniya na madilim ang mukha. “I think we need to talk.”