Chapter Seven
M AY dumating na mga pulis at ambulansiya dahil sa nangyari.
May nag-report ng insidente kaya may tatlong pulis na dumating para alamin kung ano ang nangyari sa loob ng bar. `Yong ambulansiya naman ay para doon sa lalaking sinapak ko sa mukha. Grabe ang pagdurugo ng mukha niya kaya kinailangan agad siyang madala sa ospital.
Kinausap ako ng mga pulis dahil ako ang sumuntok sa tarantadong iyon. Hindi naman ako nayari dahil sinabi ni Aster na ipinagtanggol ko lang siya sa mga bastos na iyon. Pinipilit daw kasi siyang i-table at ayaw niya. Tinakot pa siya ng mga ito kahit tumanggi na siya.
Pero kailangan ko pa rin daw magpakita sa presinto para mag-report. Sabi ko, bukas na lang ako pupunta doon. Kinuha na lang nila ang pangalan at address ko in case raw na hindi ako sumipot. Hindi ko naman maaaring gawin `yon dahil siguradong pupunta sila sa bahay at malalaman ng mga magulang ko. Hindi puwedeng malaman ng mga iyon na may pinasok na naman akong kaguluhan.
Nagpatuloy ang oras sa bar. Patuloy na nag-inom ang mga tao. Nagpatuloy sa pagsho-show iyong mga bakla at sinabayan na rin nila iyon ng pagkanta.
At nandito kami ngayong dalawa ni Aster sa office ng boss niya para kausapin kami.
“Fifteen thousand ang halaga ng mesang nabasag,” seryosong sabi niya sa amin ni Aster.
Napatingin ako kay Aster. Nakayuko lang siya habang kagat-kagat ang ibabang labi. Siguro, iniisip niya na matatanggal siya dahil sa akin. Pero mukhang wala namang plano ang boss niya na tanggalin siya dahil hindi naman niya kasalanan ang nangyari. Siya nga ang binastos. Siguro ang gusto lang nitong boss niya na malaki ang tiyan, eh, bayaran `yong nabasag ko.
“I’m willing to pay,” sabi ko at inilabas ang wallet ko. Binilang ko `yong cash na nandoon. Seven thousand five hundred lang iyon.
“Kulang ang cash ko. Puwedeng lumabas muna para makapag-withdraw ako?” Tumingin sa akin si Aster na magkasalubong ang mga kilay. “What?” nagtataka kong tanong.
Pero hindi niya ako sinagot. Binalingan niya ang boss niya. “Sir, puwede po bang huwag na lang bayaran `yong nabasag? Puwede po bang pagtrabahuhan na lang niya?” tanong niya na ikinagulat ko.
Bahagyang natigilan`yong boss niya at napatingin sa akin, para bang nag-iisip sa suggestion ni Aster. `Tapos napangiti siya at tumango. “Puwede naman. Lalo na’t kulang tayo sa tauhan. Puwedeng siya na lang ang pumalit sa `yo sa paglilinis. Then ikaw naman ay doon na lang sa kitchen para tumulong. Para hindi ka na mabastos.” Binalingan niya ako. “Okay ba ito sa `yo, hijo? Pagtatrabahuhan mo `yong nabasag mo nang tatlong linggo. Wala kang matatanggap na sahod pero libre naman ang dinner mo rito sa bar.”
Napatingin ako kay Aster. Hinihintay rin niya ang sagot ko. Kitang-kita sa mukha niya na umaasa siya na pumayag ako. Tumango ako sa boss niya. “Okay lang sa akin,” sabi ko. “Actually, mas okay iyon sa akin.”
“Then, it’s settled.”
Tumayo `yong boss niya nang may isang staff na tumawag sa kanya. May kaibigan daw itong dumating. Naiwan kaming dalawa ni Aster sa loob ng office.
“Sigurado ka?” tanong niya sa akin. “Sigurado kang okay lang sa `yo iyon? Eh, hindi ka naman sanay magtrabaho. Panigurado sa inyo, hindi ka gumagalaw.”
Tinawanan ko siya. “Seryoso ako. Saka, ginagawa mo naman akong bata. Kaya ko naman maglinis ng table at mag-mop ng sahig, `no. Napaka-basic lang n’on.”
“Sorry kung isinuggest ko kay Boss na pagtrabahuhan mo na lang `yong nabasag mo.” Nalungkot si Aster. “Dapat kasi `di ka na lang nakialam, eh. Nakabasag ka pa tuloy dahil sa akin.”
“Anong hindi makialam? Gusto mong panoorin na lang kita habang binabastos ka ng mga `yon?” Nakaramdam ako ng inis. “Gusto mong hayaan ko na lang na hatak-hatakin ka sa braso?”
“Hindi naman sa ganoon. Ang akin lang, kaya ko naman ang sarili ko,” sabi niya na nakayuko. “Sanay na naman ako sa ganoon. Ilang beses na akong nabastos dito. Hindi ko na lang pinapansin. Pero ngayong gabi lang talaga `yong may humawak sa braso ko at todo pilit pa sa akin.”
The thought of it was enough to make me angry. Hindi ko ma-imagine `yong eksenang binabastos ng mga lalaki si Aster sa bar na `to at wala siyang ibang magawa kundi huwag na lang iyon pansinin na in the first place, hindi niya dapat maranasan.
She didn’t deserve to be treated like that. Hell. She didn’t even deserve to work here in the first place. Pero, wala ako sa posisyon para sabihin kay Aster na umalis na rito dahil alam ko na kailangan na kailangan niya ang kinikita niya rito.
Mas okay na rin pala `yong suggestion niya na pagtrabahuhan ko na lang `yong nabasag ko. Nang sa ganoon, nababantayan ko siya. Maipagtatanggol kapag may tarantadong mambabastos sa kanya.
Ipinaliwanag ni Aster sa akin kung bakit niya sinabi sa boss niya na pagtrabahuhan ko na lang daw iyon. Nanghihinayang daw kasi siya sa perang ibabayad ko na hindi ko naman daw pinaghirapan. Para din daw maranasan ko kahit papaano ang magtrabaho.
Akala raw niya, aangal ako dahil alam niyang hindi naman daw ako sanay magtrabaho. Buong buhay ko, never pa akong nagtrabaho sa totoo lang. Hindi kasi ako nagigipit sa pera o nakukulangan sa pagkain. Pero hindi rin naman masama `yong sa unang pagkakataon, subukan kong magtrabaho.
Iyon nga lang, walang bayad. Pero okay na iyon, `no. `Yong makasama ko lang si Aster gabi-gabi at masigurong hindi siya mababastos at makakauwi siya nang ligtas ay sobra-sobra na.
“Sorry,” narinig kong sabi niya.
“Hey, I’m not mad,” I assured her. “Huwag mo lang sabihin na huwag akong mangialam next time. Kasi kung involved ka, mangingialam ako hanggang maaari.”
May sasabihin pa sana si Aster pero napatigil siya nang mapatingin sa kamao ko. “May sugat pala,” she said, sounding so concerned. “Wait lang. Kukuha lang ako ng yelo.” Tumayo na siya at lumabas ng office ng boss niya.
Napatingin ako sa kamao ko at nakitang medyo namamaga nga iyon at may sugat. May kaunting dugo rin. doon. Hindi ko alam kung dugo ko iyon dahil sa sugat ko o dugo ng tarantadong nambastos kay Aster kanina. Hindi naman ako nagsisi sa totoo lang. In fact, masaya ako na naipagtanggol ko si Aster.
Bumalik si Aster na may dalang yelo na nakabalot sa panyo makalipas ang ilang minuto. Kinuha niya ang kanang kamay ko at siya na mismo ang nagdampi-dampi ng panyo na may yelo roon. Nakangiti lang akong pinagmamasdan siya. At ewan ko ba. Bigla akong napahiling na sana palagi akong may nasusuntok at nasusugatan para palagi itong ginagawa ni Aster.
After niyang dampian ang kamao ko, bigla niyang nilagyan ng Band-Aid `yong sugat. Napakunot ang noo ko nang makita `yong design ng Band-Aid.
“Hello Kitty talaga?” sabi ko. “At kulay-pink pa talaga. Wala na bang mas igi-girl ang Band-Aid mo?”
Napahalakhak si Aster. “Huwag ka nang maarte. Wala na akong ibang Band-Aid.”
Hindi naman ako nag-iinarte. Kahit na pinakakikay pang Band-Aid ang ilagay niya sa kamao ko, malugod ko iyong tatanggapin dahil siya mismo ang nagbigay.
Sinamahan ako ni Aster palabas ng bar hanggang sa makarating kami sa sasakyan ko. Nine thirty na kaya pinapauwi na niya ako. Mag-ingat daw ako. Bukas pa kasi ng gabi `yong first night ng trabaho ko dito. Nagpaalam na siya at bumalik na agad sa loob.
Pero matigas ang ulo ko. Hindi pa rin ako umuwi. Pumasok lang ako sa loob ng kotse at matiyagang naghintay. Three AM daw ang out ni Aster. Hinahayaan siya ng boss niya na mag-out nang maaga dahil alam niyang nag-aaral pa si Aster. Hihintayin ko na lang siya para maihatid sa kanila. Nang sa ganoon, masiguro kong safe siyang makakauwi.
Nilibang ko na lang ang sarili ko. Nag-soundtrip ako. Paulit-ulit kong pinakinggan `yong kanta ng Hale habang nagpapalipas ng oras. Baka nga murahin na ako ng Hale dahil paulit-ulit kong pinapatugtog ang mga kanta nila. Baka kasi namamaos na sila.
3:21 AM. Medyo kaunti na lang ang mga taong naglalakad sa kalsada. Napapapikit na rin ako sa antok pero agad nawala ang antok ko nang makita si Aster na palabas. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan at naglakad papunta sa kanya.
Inaantok na si Aster at pahikab-hikab pero nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. “Hindi ka pa rin umuuwi?” gulat niyang tanong sa akin.
Napakamot ako sa ulo ko. “Umuwi na ako, `no. Bumalik lang ako. May bibilhin sana ako, kaso naisip kong daanan ka rito. So there, I’m here. ”
Napatingin siya sa suot ko. “Sinungaling! `Yan pa rin ang suot mo, eh.”
Napaiwas ako ng tingin. “Eh, mahirap na baka may mambastos uli sa `yo, eh.”
“Hay, Rome. Hindi ko alam ang gagawin ko sa `yo,” sabi niya, saka natawa. Napailing-iling pa.
Pumunta na kami sa sasakyan ko at sumakay. Sinabi ko kay Aster na ituro na lang niya sa akin `yong papunta sa kanila. Nang may madaanan kaming lugawan, sinabi niya na ihinto ko saglit dahil bibili lang daw siya. Almusal daw ng dalawa niyang kapatid at nanay niya mamayang umaga. Ako na sana ang magbabayad pero ayaw niya. Hindi ko naman daw iyon kailangang gawin.
Eh, di ang ginawa ko, niyaya ko na lang siyang kumain ng lugaw with egg. Kumain at nag-stay pa kami sa lugawan na iyon nang mahigit thirty minutes. Alas-kuwatro na ng umaga nang makarating kami kina Aster. Hindi pala kalayuan `yong bahay nila mula sa school kaya nilalakad lang daw niya iyon araw-araw.
Simple lang `yong bahay nina Aster. Maliit at gawa sa kahoy. Sa tantiya ko, iisa lang ang kuwarto doon. Tinanong niya ako kung gusto ko pang pumasok pero sabi ko hindi na. Para makapagpahinga na siya dahil maaga pa ang pasok namin mamayang umaga. Nagpasalamat siya sa akin sa paghatid ko at panlilibre raw ng almusal. `Kako, wala iyon. Kahit araw-araw ko pang gawin `yon, walang problema. Para daw akong sira. `Di naman daw kailangan.
Nakatayo lang ako sa harap ng sasakyan ko at hinihintay na makapasok si Aster. Nakakailang hakbang pa lang siya nang bigla uling humarap sa akin.
“Alam mo, Rome,” panimula niya. “Masaya ako na nakilala kita.”
Napatitig ako kay Aster. Nakangiti siya. `Yong klase ng ngiti na alam mong totoo `yong sinasabi niya. Masaya raw siya na nakilala niya ako. Napangiti rin ako. At kitang-kita sa ngiti kong iyon ang saya na nararamdaman ko.
“Ako rin,” sabi ko. “Masayang-masaya rin ako na nakilala kita.”
Her eyes sparkled at para akong nalulunod sa mga mata niya.“Ingat sa pagda-drive,” sabi niya. “Good night, Rome.” Muli na siyang naglakad papasok sa munti nilang tahanan.
Tahimik na ang paligid. Wala akong ingay na naririnig kundi ang puso kong sobra na naman ang bilis sa pagtibok. Aster made my heart beat faster again. And I liked it. No, scratch that. I loved it. I loved it when she made my heart beat fast.
Damn it. I used to hate this world and everyone living in here.
But when I met her, for the first time in a long while, I wanted to protect her.
Her smile, her laugh, and her whole existence.
Gusto kong protektahan lahat-lahat kay Aster laban sa mapanakit na mundo.
LUMIPAS na naman ang mga araw. Masasabi kong sa mga araw na nagdaan, lalo kaming naging close ni Aster sa isa’t isa. Marami-rami na rin siyang nai-open up sa akin tungkol sa sarili niya. Actually, hindi lang sa akin. Pati na rin kina Glen at Jamir.
Noong isang araw nga, may dalang chocolates si Glen para sa amin. Umuwi kasi ang mommy niya na nagwo-work sa London kaya ang dami niyang chocolates. Hindi kinain ni Aster `yong kanya dahil ipapasalubong na lang daw niya sa mga kapatid niya. Kaya ang ginawa namin ni Jamir, ibinigay na rin namin kay Aster `yong chocolates namin. Hindi naman kasi kami mahilig doon. Hindi kami mahilig sa sweets.
Kinabukasan, may dala-dala na namang imported canned goods si Glen. Canned meat, corned beef, at kung ano-ano pa. Ibinigay niya lahat kay Aster. Ayaw sanang tanggapin ni Aster pero pinilit siya ni Glen. Nahihiya siyang nagpasalamat. Malaking tulong daw ang mga iyon sa kanila.
Para nang naging bahagi ng barkada namin si Aster. Hindi lumilipas ang isang araw na hindi kami magkakasama sa school. Sabay-sabay kaming kumakain o tumatambay sa library tuwing break at walang gagawin.
Nagbago na rin ang pakikitungo ng mga estudyante kay Aster. Kung noon, pinagbubulungan siya kaya nagiging ilag siya sa school, ngayon ay nginingitian na si Aster ng mga makakasalubong niya. `Yong iba pa sa kanila, binabati siya kahit na hindi naman niya kilala.
Nakikita siguro nila na kami palagi ang kasama ni Aster kaya once may gawin silang katarantaduhan, hindi lang ako ang makakalaban nila kundi kaming tatlo nina Glen at Jamir.
Sumama rin si Aster sa aming mag-celebrate ng birthday ni Jamir. Nakaugalian na namin dati na tuwing birthday ng isa sa amin, mag-iinuman kami. Pero sa kauna-unahang pagkakataon, nag-mall kami at kumain sa isang restaurant. Hindi naman kasi nag-iinom si Aster. Kaya ganoon na lang ang ginawa namin para makasama siya.
Niregaluhan ni Aster si Jamir ng isang tumbler. Nahihiya pa si Aster na ibigay iyon dahil mumurahin lang daw. Pero masaya at malugod iyong tinanggap ni Jamir dahil magagamit raw niya iyon tuwing magba-basketball kami. Sinabi pa niya na bawal daw kaming makiinom doon. Bumili raw kami ng amin.
Sabay rin kaming pumupunta ni Aster sa bar kung saan kami nagtatrabaho. Gabi-gabi na akong pumapasok doon. Hinihintay ko siya sa library hanggang matapos ang shift niya.`Tapos tuwing out naman sa work namin sa bar, palagi kami kumakain sa lugawan bago ko siya ihatid pauwi.
Tatlong beses lang sa isang linggo kung pumasok si Aster sa bar. Habang ako naman, apat na beses. Kaya sa isang gabi na hindi ko siya kasama, nalulungkot ako. Gabi-gabi rin akong hinaharot nina Bubbles at Pearly sa bar—`yong dalawang baklang comedian na nagtatrabaho doon. Gawin ko raw silang jowa since single naman daw ako.
Pang-anim na araw na rin ang lumipas nang simulan ko ang community service ko. Nagwawalis ako sa isang street na malapit sa school. Apat na oras ko iyong ginagawa tuwing umaga. Kailangan ko pang mag-picture as a proof na ginagawa ko talaga ang community service ko.
After n’on, uuwi na ako para maligo para naman pumasok.
Wow, Rome. Ikaw ba talaga `yan?
Sabado ngayon ng umaga at ginagawa ko ang community service ko. Habang nagwawalis, napapatingin ako kay Aster na nakaupo sa gilid ng kalsada. Tutok na tutok siya sa isinusulat niya. Assignments yata niya sa isang subject.
Pinuntahan niya ako ngayon dahil noong isang araw, nakita niyang may muntik akong gulpihin na dalawang lalaki. Ang babastos kasi nga mga iyon. Nakikita nilang nagwawalis ako ng daan `tapos `yong pinag-inuman nila, itinapon lang nila sa harap ko nang basta-basta.
Magalang kong sinabi na itapon nila iyon nang maayos dahil nasa gilid lang naman `yong basurahan. Bakit daw `di ko gawin, eh, trabaho ko raw `yon? Mga g*ngg*ng na `yon! Babanatan ko na sana sila nang biglang sumulpot si Aster at pinaalis na lang `yong dalawang lalaki.
As usual, sinermunan niya ako. Sana raw hindi ko na lang pinansin. Pero nang ipinaliwanag ko sa kanya kung ano ang nangyari, naintindihan naman daw niya. Sadyang may mga tao raw talagang walang respeto ang nagtatapon ng basura kung saan-saan lang kahit may basurahan naman.
Na-guilty naman ako dahil doon. Isa rin kasi ako sa gano’n ang ginagawa dati. Wala habas kong itinatapon na lang kung saan ang basurang hawak ko. Hindi iniisip na may mga naglilinis ng kalsada na napapagod. Wala sa isip ko na `yong simpleng pagtatapon ko ng basura ko sa tamang tapunan, eh, malaking bagay na para sa kanila.
“Tapos ka na?” nakangiting salubong sa akin ni Aster nang makita niyang nilapitan ko siya. Tumayo siya at pinagpagan ang sarili.
Tumango ako. “Yup! `Kapagod magwalis,” sagot ko, saka nag-inat-inat ng mga braso.
“Okay lang `yan. Matatapos na rin naman `yong forty-eight hours mo,” sabi niya. “Tara sa amin.”
“Sa inyo?” sabi ko. “Bakit? Ano’ng meron?”
“Birthday ng bunso kong kapatid,” sagot niya. “Seventh birthday niya ngayon. May kaunti kaming niluto.”
Nagulat naman ako. “Hala! Wala akong regalo. Dapat sinabi mo nang nakabili man lang ako.”
Tumawa si Aster. “Ano ka ba? Okay lang iyon. Hindi naman materialistic ang mga kapatid ko. Tara na.”
Pumunta kami sa sasakyan ko at nagpunta na sa bahay nila. Wala pang limang minuto iyon dahil malapit nga lang `yong bahay nila kung saan ako nagko-community service.
Nahihiya akong pumasok sa loob ng bahay nina Aster.pero sinabi niya na feel at home raw dahil wala naman daw bisita. `Yong mga kapitbahay daw nila, mamaya pang hapon pupunta.
Simple lang talaga ang bahay nila. Pati sa loob, puro kahoy lang ang makikita. At tama nga ako dahil isang kuwarto lang ang meron doon. Maliit ang sala nila at nasa tabi agad n’on ang kusina. Pero sobrang linis ng bahay. Wala akong masabi.
May nakita akong altar. May pagkain sa tapat ng larawan ng isang lalaki. Halatang papa iyon ni Aster dahil parehong-pareho sila ng mga mata.
“Si Papa ko `yan,” sabi ni Aster nang makita niya akong nakatingin sa larawan. Malungkot siyang ngumiti. “Dalawang taon na siyang wala sa amin.”
Kahit dalawang taon na ang lumilipas, kitang-kita ko pa rin ang kalungkutan niya. Sigurado akong close na close silang dalawa ng papa niya. And somehow, nakaramdam ako ng inggit. Wala kasi ako matandaang memories naming dalawa ni Daddy.
May lumabas ng kuwarto mayamaya. Isang matandang babae na nasa tantiya ko, nasa forty plus na ang edad. Kamukha rin siya ni Aster. Para silang kambal at older version lang ang ginang.
“Magandang araw po,” magalang na bati ko sa kanya.
“Magandang araw din, hijo,” nakangiti niyang sagot. Lalo kong nakita `yong pagiging magkamukha nila ni Aster dahil sa ngiti niya.
Ipinakilala ako ni Aster bilang schoolmate sa mama niya. Napangiti naman ang mama niya nang mabanggit ni Aster na ako si Rome. Para bang ikinukuwento na ako ni Aster sa kanya dati. Sinabi ng mama niya na pakainin ako dahil magla-lunch time na rin. Pumunta na kami sa kusina. May dalawang putahe doon ng ulam, kanin at pansit.
Nagtaka ako dahil birthday ito, `di ba? Pero bakit walang cake?
“Pasensya ka na, hijo, ha? Ito lang ang nakayanan namin,” sabi ng mama ni Aster. Nahihiya siya.
“Naku, okay lang po,” sabi ko. “Actually po, lahat po ito, paborito ko.”
Natawa na napailing si Aster,`tapos sinandukan na niya ako at kumain na kami sa may mesa.
Mayamaya pa, nakarinig ako ng dalawang boses ng bata. Nakita kong pumasok sina Aaron at Aries na naka-uniform pa. Halatang galing sila school.
“Naku, nandito na pala ang birthday boy ko,” sabi ng mama nila at lumapit kay Aries, saka ito hinalikan sa pisngi. “Happy birthday, bunso ko.”
“Salamat po, Mama,” magalang naman na sagot ni Aries na ikinatuwa ko.
“O, may bisita ang ate n’yo. Magbigay-galang kayo, Aries at Aaron.”
Napatingin sa akin `yong dalawa at sabay na nanlaki ang mga mata. Natatandaan siguro nila ako. Kaya ang ginawa ko, sumenyas ako na huwag maingay. Napatango naman sila at halatang naintindihan ako na huwag na ipagsabi `yong una naming pagkikita doon sa simbahan.
“Hello po, Kuya,” bati sa akin ni Aaron.
“Kuya pogi, sa inyo po `yong sasakyan na nasa labas?” nagtatakang tanong ni Aries. Pero kitang-kita ang excitement sa mukha niya.
Ngumiti ako, saka tumango. “Oo. Gusto mo bang sumakay?” sagot ko, saka kumindat.
Nagningning ang mga mata niya. Saka dali-dali siyang napatango.
Pinigilan siya ni Aster pero sinabi kong okay lang. Kaya wala na siyang ginawa nang magbihis ang mga kapatid niya, saka tumakbo palabas kung nasaan ang sasakyan ko.
Ipinagpaalam ko sina Aaron at Aries kay Tita — ang mama nina Aster — na sandali lang kami. Iikot ko lang `kako silang dalawa. Nakangiti si Tita habang kumakaway sa amin.
Walang labis ang kasiyahan nina Aries at Aaron habang nakaupo silang dalawa sa back seat. Sa mga oras na `to, naging driver nila ako. Tuwang-tuwa sila habang pinagmamasdan `yong mga nadadaanan namin. Panay sabing, “ Kuya pogi, tingnan mo `yon, o.” Napapangiti na lang ako dahil masaya akong makita silang masaya.
Dinala ko sila sa pinakamalapit na mall, `tapos dumeretso kami sa bilihan ng mga laruan. Amazed na amazed silang dalawa nang makapasok kami sa loob. Punong-puno kasi doon ng mga laruan. Sinabi ko sa kanila na pumili ng gusto nila. Nahihiya pa sila pero sabi ko huwag na silang mahiya dahil regalo ko iyon.
Tumakbo na sina Aries at Aaron at nakasunod lang ako habang namimili sila.
Isang remote control na helicopter ang pinili ni Aries makalipas ang twenty minutes. Yakap-yakap niya iyon sa dibdib na parang ayaw nang pakawalan pa. Nang mapatingin naman ako kay Aaron, wala pa siyang napipili kaya tinanong ko siya.
“Wala ka bang gusto?”
Nahihiya siyang sumagot. “Gusto ko po sana ng rubber shoes, Kuya,” sabi niya. “Nagba-basketball po kasi ako. Tsinelas lang po ang ginagamit ko.”
Nakaramdam ako ng awa at panghihinayang. Kung malaki-laki na sana siya, maaari kong ibigay `yong mga sapatos kong hindi ko na nagagamit. Karamihan pa sa mga iyon, mga bago pa dahil palagi akong inuuwian ni Mommy ng bagong sapatos tuwing umuuwi sila galing ng ibang bansa.
Binayaran ko `yong helicopter ni Aries, `tapos niyaya ko sila sa isang shoe salon. Nagningning ang mga mata ni Aaron nang makita `yong mga sapatos. Sinabihan ko siyang pumili na. May agad siyang itinuro sa akin na kulay-itim na Nike shoes na pang-basketball. Marunong siyang pumili ng maganda. Mukhang lalaki `tong si Aaron na magaling pumorma.
Binilhan ko rin sila ng black shoes dahil napag-alaman kong sira-sira na ang sapatos na ginagamit nila pamasok. Hindi raw sila nagpapabili dahil alam nilang kapos sila sa pera. Mga bata pa lang sila, pero alam na nila ang hirap ng buhay. Nakaramdam ako ng awa dahil doon.
Bago tuluyang umalis ng mall, dumaan pa kami sa isang bakeshop at bumili ng napakalaking cake para kay Aries. Walang paglagyan ang saya ng dalawang bata habang nagmamaneho ako pauwi. Sinabi ko sa kanila na tuwing free ako, dadalawin ko sila at igagala uli.
Gulat si Aster at si Tita nang makabalik kami. Muntik nang pagalitan `yong dalawang bata pero sinabi kong ako ang may gusto na bilhan sila ng mga bagay na `yon.
Nakangiti sila habang pinagmamasdan sina Aaron at Aries na giliw na giliw sa laruan at sapatos.
“Hindi mo kailangang gawin `yan, Rome,” sabi sa akin ni Aster. “Sana hindi na lang.”
Nakaupo kami sa sala habang sina Aaron at Aries naman ay nasa harap namin at isinusukat `yong mga sapatos nila. Sobrang saya pa rin nila kaya natutuwa akong tingnan sila.
“Pero gusto ko,” sagot ko. “Gusto ko silang pasiyahin.”
“Hindi lang sila ang napasaya mo.” Ngumiti si Aster pero nahihiya pa rin siya. “Pati na rin ako. Maraming salamat, Rome. Para kang guardian angel.”
And that melted my heart. Para daw akong guardian angel. Sa unang pagkakataon, may tumawag sa akin ng gano’n. Nasanay na kasi ako sa tawag sa akin na The Walking Devil. Parang sasabog ang dibdib ko sa labis na saya.
Lumabas ang mga bata para maglaro. Si Aster naman, naglinis ng kusina at naghugas ng mga plato. Naiwan ako sa sala. Mayamaya, nagulat ako nang biglang umupo sa tabi ko ang mama ni Aster.
“Rome, hijo, maraming salamat,” malumanay ang boses na sabi ni Tita. “Hindi ko alam kung papaano ka mapapasalamatan sa mga kabutihan mo sa mga anak ko. Napakabuti mo.”
“Wala po iyon,” sabi ko. “Si Aster po ang mabuti. Ibinabalik ko lang po sa kanya mga kabutihan niya sa akin. Deserve po nila `yang mga bagay na `yan.”
Binalingan niya ng tingin si Aster, saka muling ibinalik ang mga mata sa akin. “Kahit kailan, never ako nakarinig nang pagrereklamo mula sa kanya,” pagkukuwento niya. “Mula nang mamatay ang papa niya, siya na ang nagtataguyod sa amin habang nag-aaral siya. Nagtatrabaho para mabuhay kami. Nagtatrabaho rin ako sa palengke pero hindi sapat ang kinikita ko dahil binabayaran pa rin namin hanggang ngayon `yong utang namin noong namayapa ang kanyang ama,” dagdag pa niya. “Kaya napilitan si Aster na magtrabaho para maitaguyod kami. Kahit anong marangal na trabaho, pinapasok niya. Para sa amin. Hindi na niya iniisip ang sarili niya. O ang kaligayahan niya. Kaya bilib na bilib ako sa anak kong `yan saka naaawa na rin.”
Napaluha si Tita pero mabilis niya iyong pinunasan. “Never `yang nagsabi sa akin kung ano ang gusto niya. Palagi niyang tanong kung ano’ng gusto ko o ng mga kapatid niya. Kung maayos ba kami. Kung ano ang nararamdaman namin. Kami palagi ang inuuna niya at hinuhuli niya ang sarili niya. Napakabuti ng anak ko na `yan, Rome.”
Napatingin ako kay Aster na abala pa rin sa ginagawa niya. Nagkatinginan kaming dalawa, sabay ngumiti siya sa akin. `Yong ngiting masaya siya na nandito ako.
“Kaya, hijo,” muling sabi ng mama ni Aster. “Maraming salamat. Alam kong ikaw ang nagpapasaya sa anak ko ngayon. Sana… sana maging maligaya siya. Kasi alam kong deserve na deserve ng anak ko `yon. `Yong maging masaya naman at hindi puro paghihirap na lang ang nararanasan dahil sa amin ng mga kapatid niya.”
And with that, nasiguro ko sa sarili ko na gusto kong alagaan si Aster. Gusto ko siyang pasayahin. Gusto kong palagi siyang makitang nakangiti o tumawa. O kung iiyak naman siya o malulungkot, gusto kong ako ang nasa tabi niya. Iyong magpapawi ng takot at pangamba niya.
It was really amazing how you could fall in love with a person you didn’t even notice when you first met. At iyan ang eksaktong nararamdaman ko ngayon.
I knew right from that moment, I had fallen for her.