noveltoon logo noveltoon
The Day She Said Goodnight

Chapter 3

Ch. 4 / 19 Feb 09, 2022

Chapter Three

SUNDAY ngayon kaya wala akong pasok.

Though, parang araw-araw naman akong walang pasok dahil hindi naman ako palaging pumapasok sa mga subject ko. Sure, nasa school ako, pero mas madalas pa akong pagala-gala kaysa nakikinig sa mga lecture ng mga boring kong professor.

Gusto ko pa sanang matulog ngayon pero hindi puwede. Tuwing linggo kasi, nandito sa bahay `yong mga magulang ko. Umuuwi sila galing sa mga business trip nila kung saan. At tuwing Linggo, sabay-sabay kaming nag-aalmusal at pumupunta sa simbahan. Nagpapanggap kami na masayang pamilya kahit na alam naman namin sa mga sarili namin na hindi kami ganoong klaseng pamilya.

Hihikab-hikab akong bumaba ng hagdan at nagpunta sa dining area kung nasaan na ang mga magulang ko. My mom greeted me with a smile. Pero `yong daddy ko, tiningnan lang ako at muling ibinalik ang tingin sa binabasa niyang diyaryo. Akala mo, hangin lang ako na dumaan.

Napakawalang kuwenta kahit kailan.

“How was your study, Rome?” tanong ni Mommy habang kumakain ako.

Walang gana ko siyang tiningnan. “Okay lang.”

“That’s good.” She smiled. “Ilang buwan na lang at ga-graduate ka na. Excited na ako, anak. We’ll make sure na nando’n kami ng daddy mo.”

“No need, `Ma,” sagot ko. “Okay lang kahit wala kayo. I can handle myself.”

Padabog na inilapag ni Dad `yong diyaryo sa mesa kaya nagulat kaming dalawa ni Mommy.

“Wala ka talagang galang kahit kailan!” gigil niyang sabi sa akin.

But I didn’t feel anything. Hindi ako kumibo. I just shrugged. Ewan ko ba pero hindi ako natatakot sa kanya. Siguro kasi matagal na akong nawalan ng respeto sa kanilang dalawa.

“Ano `kamo? You can handle yourself?” Hindi pa rin tumitigil si Daddy. “No, Rome. You can’t. Hindi mo kaya ang sarili mo. Ano ba’ng ipinagmamalaki mo? Eh, pag-aaral mo nga, hindi mo magawang maiayos, eh. Nakakahiya ka!” saka siya may inihagis sa harap ko na isang folder. “Look at that!” muli niyang sigaw. “Look at those files. `Tapos sabihin mo sa akin kung okay ang pag-aaral mo. Akala mo kung sino kang may ipagmamalaki! You’re such a disgrace!”

“Hon, what’s that?” walang ideyang tanong ni Mommy. Palipat-lipat ang tingin niya sa aming dalawa ni Daddy.

“His grade!” galit na sagot ni Daddy. “Iyang anak mo, lahat ng grades, bagsak. `Tapos may gana pa siyang magmalaki sa atin? Eh, kung hindi nga dahil sa mga donasyon natin sa school na pinapasukan niya, matagal na `yang kicked out dahil sa mga kalokohan niya, eh.”

My mom looked at me with a sympathetic look.

And I hated that. Ayokong kinakaawaan ako. Walang kaawa-awa sa akin.

Mahigpit akong napahawak sa kutsara. Halos sumakit na ang palad ko sa paghawak doon. “I’ll graduate,” sabi ko. “I’ll make sure that I’ll graduate.”

“Oh, really?” my dad hissed. “I doubt that,” sure na sure niyang sagot.

Hindi na ako muling nagsalita. Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain kahit na nawalan na ako ng gana. Nahirapan na nga akong lunukin ang nginunguya ko, eh. Kahit kailan talaga, walang oras na hindi kami nagkasagutan ni Daddy tuwing umuuwi silang dalawa ni Mommy.

Mas may oras pa siyang sermunan ako at ipahiya kaysa tanungin kung kumusta ako habang wala sila. Kung masaya ba ako o ano ang mga ginawa ko.

Mas gusto ko talagang wala sila rito. Mas okay ako doon. Sanay na naman akong wala silang dalawa ever since na nagkaisip ako. Tanging si Lola lang ang kasa-kasama ko noon. Siya ang nagpalaki sa akin. Siya lang ang kaisa-isang taong minahal at pinahalagahan ko nang higit pa sa buhay ko. So, when I lost my grandmother, it was as if, I also lost everything.

Kung may choices nga lang din ako, mas pipiliin ko na lang na ang mga magulang ko ang nawala kaysa ang lola ko. I loved my grandmother. Siya lang ang meron ako.

Noong nawala si Lola, para akong tanga na hindi alam ang gagawin. I was so hurt and lost and angry. Galit na galit ako sa mundo. Bakit sa dinami-rami na puwedeng mawala, bakit ang lola ko pa? Bakit `yong napakabuti pang tao at kaisa-isang tao na natira sa akin?

Tinapos ko na ang pagkain, saka muling umakyat sa kuwarto ko para maligo at mag-ayos. My mom reminded me na aalis na kami after thirty minutes. I said okay. Nang matapos akong makapag-ayos, naghintay na ako sa kotse ni Daddy.

Wala pang fifteen minutes, nakarating na kami sa simbahan. Nagsisimula na ang misa kaya naghanap agad kami ng mauupuan.

Bored na bored akong nakinig sa sermon ng pari. Inilibot ko `yong tingin sa buong simbahan. Ang daming tao. `Yong iba, tahimik na nagdarasal at halatang humihiling ng kung ano.

Natawa tuloy ako sa sarili ko. Pinagmukha lang nilang tanga ang mga sarili nila. Nagdadasal pa sila diyan, eh, hindi naman sila papakinggan. Umaasa lang sila sa wala. Pinapaasa lang nila ang mga sarili nila sa isang hiling na hindi rin naman matutupad.

Noong nabubuhay pa ang lola ko, palagi niya akong isinasama tuwing nagsisimba siya. Bata pa ako noon at doon pa iyon sa lumang simbahan na abandonado na ngayon. Palagi niya sinasabi sa akin na may Diyos daw na nakikinig sa bawat hiling ko. I grew up believing that. Lumaki ako na naniniwalang may mas makapangyarihan pa kaysa sa tao. Bata, eh. Kaya madaling napaniwala.

Kaya noong nagkasakit si Lola, I was just fourteen years old back then, dasal ako nang dasal. Na sana tanggalin Niya `yong sakit ni Lola. Na sana mawala na ang sakit niya para hindi na siya mahirapan. Palagi akong umiiyak noon. Tuwing gabi, nagdarasal ako. Tuwing uwian galing ng school, dederetso ako sa simbahan para humiling na huwag Niyang kunin si Lola.

Exactly on my fifteenth birthday, my lola died. I didn’t know what to do back then. Napatulala ako sa kawalan. Hindi ako umiyak. Hindi ko maramdaman ang dapat na maramdaman. And that was the most painful feeling. `Yong gusto mong umiyak pero hindi mo magawa. I was just hurting inside. Parang sasabog ang kalooban ko dahil sa nangyari.

I was alone in the hospital. Tanging mga maid lang ang kasama ko. Hindi agad nakauwi ang mga magulang ako. After three days pa. Umuwi lang sila kung kailan pinaglalamayan na si Lola. Wala silang dalawa kung kailan kailangang-kailangan ko sila. Kung kailan naghihingalo si Lola at tinatawag ang pangalan ni Daddy. Ako lang ang nandoon. Ako lang ang sumalo sa lahat ng sakit habang pinagmamasdan si Lola na binawian ng buhay.

Because of that, nawalan na ako ng amor sa mga magulang ako. For me, they were just no one. They were just my mother and father. Pero hindi sila tumayo bilang ina at ama ko.

Dahil din sa nangyari, tumigil na ako sa paniniwala sa Diyos at sa pagdarasal. Hindi ko na pinagmumukhang tanga ang sarili ko. Hindi na ako nagsayang ng oras kahit kailan sa Kanya. I knew better.

“May mga tao tayong makakasalamuha na magpapabago ng buhay natin,” patuloy na sermon ng pari. “Nang dahil sa kanila, magkakaroon ng malaking pagbabago ang buhay natin. Makakaranas tayo ng kung ano-anong emosyon. Saya, lungkot, pighati, at pagmamahal. Maaaring ang taong ito ay kaibigan natin. O kaya naman kamag-anak. O kaaway.”

O kaaway.

Biglang pumasok sa isip ko si Aster for unknown reason. Bigla akong natawa sa loob-loob ko. Magpapabago sa buhay, my ass.

Naaala ko tuloy `yong pagbibigay ni Aster sa akin ng gamot noong nakaraang araw na nalasing ako. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa. Eh, di ba, galit siya akin? Bakit niya ako bibigyan ng gamot? Para ngang mas gugustuhin pa niyang sumakit ang ulo ko at mamatay na lang ako, `di ba?

Pero binigyan pa rin niya ako ng gamot. Weird lang. Kasing-weird niya.

Natapos ang misa kaya dali-dali akong lumabas ng simbahan. Naiwan pa sa loob `yong mga magulang ko dahil nakita nila `yong schoolmate nila noong college.

Nasa tapat lang ako ng kotse at nagse-cell phone nang bigla kong makita si Aster. She was wearing a white blouse at nakapalda siya. Halatang galing din sa simbahan. May kasama siyang dalawang batang lalaki na tantiya ko, nasa six years old at ten years old. Parehong payat. Sigurado akong mga kapatid niya ang dalawang kasama niya.

May itinuturo `yong batang mas maliit. Itinuturo niya `yong gawi kung nasaan ang ice cream at lobo. Malungkot na tumingin si Aster sa kanya, saka umiling. Nalungkot `yong mga mata n’ong bata. Mukhang nagpapabili siya kay Aster ng ice cream at lobo pero hindi nito maibili.

Mayamaya, may tumawag kay Aster. May sinabi siya sa dalawang kapatid niya at tumango naman ang mga ito, saka siya umalis. `Yong dalawang bata naman, nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa harap ko.

Pinagmasdan ko silang dalawa.

“Hello,” I greeted them.

Takot silang tumingin sa akin. Napahawak pa sila ng kamay sa isa’t isa.

Tumawa ako. “Naku, huwag kayong mag-alala, hindi ako masamang tao,” paniniguro ko. “May itatanong lang ako sa inyo.”

“Ano po iyon?” tanong sa akin ng mas matandang batang lalaki.

“Ano’ng pangalan n’yo?” Nag-alangan na namang sumagot `yong bata. “Hindi ako masamang tao. Kilala ko `yong ate n’yo. Si Aster iyon, hindi ba?”

Tumango-tango sila.

“Ako po si Aaron,” sagot niya. “Ito naman po si Aries.”

Tinanong ko kung ilang taon na sila at tama nga ako dahil six years old at ten years old na silang dalawa. Palagi raw silang nagsisimba rito tuwing linggo. Walang mintis. Palagi raw silang isinasama ni Aster dahil naglilingkod at tumutulong si Aster sa simbahan.

Kaya nagtaka ako na kung bakit hindi ko sila nakikita. O nakikita ko sila noon pero hindi ko lang pinapansin dahil wala naman ako pakialam sa ibang tao.

Tinanong ako ni Aries kung sa akin daw ba ang kotseng sinasandalan ko.

“Sa daddy ko ito,” sagot ko. “Pero may sarili rin akong kotse.”

“Talaga po?” hindi niya makapaniwalang tanong. “Gusto ko pong makasakay sa sasakyan. Hindi pa po ako nakakasakay sa sasakyan kahit kailan,” manghang-mangha niyang dagdag.

Natawa naman ako sa sinabi niya at the same time, naawa. “Hayaan mo. Sa susunod nating pagkikita, isasakay kita sa sasakyan ko.”

Hindi ko alam kung bakit iyon ang isinagot ko. As if naman na makikita ko uli sila. Pinapaasa ko lang ang bata, eh. Kaya ang ginawa ko para makabawi, binilihan ko silang dalawa ng ice cream at lobo. Tuwang-tuwa sila. Hindi sila magkandaugaga sa pagkain ng ice cream.

At ewan ko ba, nakangiti lang akong pinagmamasdan sila.

Nang makita ko si Aster mayamaya na hinahanap na ang dalawang kapatid niya, dali-dali akong sumakay sa sasakyan. At hindi pa siya nakakalapit sa dalawang kapatid niya, dumating na `yong mga magulang ko. Pinaandar agad ni Dad `yong kotse. Ibinalik ko ang tingin kina Aster at nakitang nakatanaw siya sa sinasakyan namin.

Hindi naman niya siguro ako nakita, hindi ba?

Napahinga ako nang maluwag nang makalayo na ang sasakyan namin. At bigla akong nakaramdam ng lungkot nang maalala `yong sinabi ni Aries.

“Gusto ko pong makasakay sa sasakyan. Hindi pa po ako nakakasakay sa sasakyan kahit kailan.”

Kaya ipinangako ko sa sarili ko na kapag nakita ko uli sila, isasakay ko sila sa sasakyan ko. Igagala ko sila. Bibilhan ng gusto nilang kainin o gustong laruan.

I really didn’t know kung bakit ako nakaramdam ng lungkot. Dati naman, wala akong pakialam sa ibang bata. May mga nakikita nga akong nanlilimos pero wala akong pakialam. Pero pagdating sa dalawang batang iyon, nakakaramdam ako ng awa.

Siguro nakikita ko kasi ang sarili ko sa kanila noong bata pa lang ako. `Yong mga panahon na wala akong ideya kung gaano kalupit ang mundo sa hinaharap.

MONDAY.

Monday na monday pa lang, binubuwisit na agad ako ni tanda—`yong dean ng school namin. Eh, paano ba naman kasi, nasa classroom ako at natutulog nang may pumuntang member ng school’s staff at sinabing ipinapatawag daw ako ng dean. Puyat ako kakalaro sa computer kaya natutulog ako sa classroom,`tapos gagambalain ako. Bakit hindi siya ang lumapit sa akin? Siya ang may kailangan.

Bago pa ako umalis ng classroom, pinagtatawanan ako nina Jamir at Glen. Yari daw ako sa dean. Baka raw i-kick out na ako sa school. As if naman puwede niyang gawin `yon. Kailangan na kailangan ng school na `to ang donasyon ng mga magulang ko kaya hindi niya iyon gagawin.

Buwisit na buwisit tuloy akong naglakad patungo sa office ni tanda. Nang makarating, padabog akong umupo sa harap niya.

“Well, good morning din, Mr. Martin,” nakangiting bati niya sa akin.

“Ano’ng kailangan mo?” atat kong tanong sa kanya.

Hindi ako natatakot sa dean katulad ng mga estudyante rito. Bakit ko kakatakutan `tong si tanda? Siya dapat ang matakot sa akin, `no.

“Wala akong kailangan sa `yo, Mr. Martin. Ikaw ang may kailangan sa akin.”

“Wala akong kailangan sa `yo, Dean,” sagot ko. “Eh, wala naman pala tayong kailangan sa isa’t isa. Bakit mo pa ako ipinatawag dito?” naiinis kong tanong.

Natawa siya. “Alam mo na naman siguro na you have failing marks, right?”

I nodded. “Yup! Thanks to you! Ikaw rin ang nagsumbong sa tatay ko, `no?”

“Hindi ako nagsumbong, Mr. Martin. Your dad asked for your grades. So I just sent it to him.”

“Great! Tuta ka talaga ng tatay ko,” buwisit kong sabi.

“Mr. Martin, ilang buwan na lang at magtatapos na kayo. Gusto mo bang hindi maka-graduate?”

Gusto kong sabihin na wala akong pakialam kahit hindi ako maka-graduate. Pero hindi puwede. Bumalik sa akin `yong sinabi ni Dad na nagda-doubt daw siya kung ga-graduate ako.

Papatunayan ko sa kanya na nagkakamali siya. Isa pa, gusto ko nang gumraduate at humanap ng trabaho. Para makaalis na ako sa poder ng mga magulang ko. May sarili kaming kompanya pero hindi ako doon papasok. Isaksak nila sa baga nila `yong kompanya nila. Hindi ko kailangan iyon para mabuhay.

“And then?” I crossed my arms on my chest. I was so pissed off.

“You have requirements para maihabol mo ang grades mo. So, you can graduate.”

“Requirements like?”

F*ck. May mga kailangan akong gawin para gumraduate. Alam ko sa sarili ko na kailangan ko iyong gawin. Pero alam ko rin na mahihirap ang mga iyon. Lalo pa at bihira akong pumasok. Kaya wala akong natututunan. `T*ng-*n*ng `yan. Bakit kasi hindi nagpapapasok.

May kinuhang papel si tanda at binasa iyon. “You have to do a one term paper. Three reports sa iba’t iba mong subjects. One community service for forty-eight hours. Don’t worry, ang meaning ng forty-eight hours, eh, hindi straight. Hati-hati ito into four hours. And of course, you need to pass your finals.” Ngumiti siya. “Kaunti lang, `di ba?”

“Kaunti?” balik kong tanong. “Are you f*cking kidding me, Dean?”

“Languange, Mr. Martin,” sabi niya. “Actually, this is nothing. Mabuti nga ito lang ang mga kailangan mong gawin para maka-graduate ka, eh.”

“So dapat ko pa iyang ipagpasalamat?” I asked and he nodded.

Lalo akong nabuwisit. This was so fucking irritating. Pero no choice ako kundi gawin iyon para maka-graduate. Gusto kong patunayan sa magaling kong ama na mali siya ng pag-aakala. Ga-graduate ako kahit ano ang mangyari. Ipapamukha ko sa kanya na mali siya nang pagkakakilala sa akin.

“Don’t worry, Mr. Martin. May tutulong naman sa `yo.”

Kumunot ang noo ko. “Sino naman?”

Tumayo si tanda, saka may kinuhang mga papeles. “Papunta na siya rito any minute. Hintayin mo na lang. I need to attend the meeting. Excuse me,” `tapos naglakad na siya palabas.

Napahilamos ako sa mukha ko at nasabunutan ko ang sarili ko sa sobrang inis sa nangyayari. Lalo akong nainis sa sarili ko. Bakit ba kasi hindi ako pumapasok? Dapat ngayong fourth year na ako, pinasukan ko na ang mga klase ko kahit na ang boring ng mga professor ko. Sana nagtiis na lang ako. Eh, di sana wala akong iniintindi ngayon.

B*llsh*t.

Napatigil ako sa pag-iisip nang marinig kong bumukas ang pinto.

Pareho kaming nagulat ng pumasok nang makita namin ang bawat isa.

“Ikaw?” she asked. “Ikaw ang ia-assisst ko?” gulat niyang tanong.

Pero hindi ko sinagot ang tanong niya. Instead, iba ang nasabi ko kay… Aster.

“Your nose is bleeding,” sabi ko.

“Huh?” naguguluhan niyang tanong na akala mo, hindi siya nakakaintindi ng English.

“Dumudugo ang ilong mo,” I said again, pointing at Aster’s nose.

Hinawakan niya ang ilong niya, saka tiningnan ang daliri niya. When she saw her finger, there was blood. `Tapos bigla siyang namutla.