Chapter Two
TATLONG araw na ang lumilipas pero hanggang ngayon, wala pa rin akong kahit anong ginagawa parang magantihan `yong kauna-unahang babaeng naglakas ng loob na bumangga sa akin.
Pinagtatawanan na ako nina Jamir at Glen dahil for the first time daw, I was chickening out. Babae lang daw pala ang makakaputol ng sungay ko at makakapagpabahag ng buntot ko.
Sinabi ko lang sa kanila na hindi iyon mangyayari. Hindi nagbabago ang isip ko tuwing may isang bagay akong gustong gawin. Kapag sinabi ko, ginagawa ko. Nag-iisip lang ako ng malupit na ganti para sa babaeng iyon. Napatango-tango naman sila. Excited daw silang makita ang gagawin ko dahil boring daw ang mga nakalipas na araw. Gusto raw nila ng entertainment.
Ginawa pa akong clown ng mga g*g* na mag-aaliw sa kanila.
Nasa labas kami ng classroom at nakatingin sa mga estudyanteng naglalakad. Binabato ni Jamir ng binilog na papel `yong mga estudyante sa ibaba. Kapag may tinamaan, bigla siyang magtatago at tatawa na akala mo, bata. Habang ako naman at si Glen, pinanood lang si Jamir sa ginagawa niyang kalokohan. Kami rin ang tagabilog ng papel na ibinabato ni Jamir.
Wala ang professor ngayon. Though, kahit naman dumating siya, mag-i-skip class lang din kami. Bored na bored talaga kaming pumasok. Inaantok lang kami tuwing nagle-lecture si tanda—`yong professor namin na akala mo, malapit nang bawian ng buhay.
Nang magsawa na si Jamir sa ginagawa niya, nagyaya na siyang pumunta sa canteen dahil nagugutom na raw. Kahit kami naman, gutom na rin. Ang gusto nga nila, lumabas kami para sa restaurant kumain. Kaso tinatamad ako at `kako sa canteen na lang.
Habang naglalakad, kinalabit ako ni Glen.
“P’re, nandiyan si atapang-atao,” nguso niya sa harap namin.
Pagtingin ko, nakita ko si Aster na paparating. Mga ilang dipa pa ang layo niya sa amin. May kasama siyang babae na kasintangkad lang din niya. May dala-dala siyang tatlong libro na mabibigat. Kitang-kita ko kung paano siya nahihirapang buhatin ang mga iyon dahil sa payat niya. Considering na maliit lang din siyang babae.
`Tapos magbubuhat siya ng mabigat. Feeling strong amp*t* .
`Sabagay, ako nga kinalaban niya, eh. Kaya panigurado `yang mabibigat na libro na `yan, eh, wala lang sa kanya.
Pero hindi ba, mas okay kung hindi na lang niya buhatin ang mga iyon?
Pero ano ba ang pakialam ko sa babaeng `to? Ano ba ang pakialam ko kung gusto niyang pahirapan ang sarili niya?
Nang makita nila kami, biglang napayuko ang kasama ni Aster. Samantalang si Aster naman, taas-noong tumingin sa amin na akala mo, nagmamalaki.
Katulad noong mga nakaraang araw, punong-puno pa rin ng pandidiri ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Wala pa ring bakas ng takot sa mga iyon.
Napahinto ako sa harap nilang dalawa kaya napatigil din sila sa paglalakad. Gusto kong magsalita. Gusto kong maliitin si Aster. Gusto kong magsabi ng masasakit na salita sa kanya para makaganti man lang kahit papaano. Pero... wala akong masabi. Parang nablangko ang isip ko. Walang kahit anong salita ang gustong kumawala sa bibig ko.
Tiningnan ako ni Aster nang seryoso at walang emosyon. “Ano’ng kailangan mo?” tanong niya na halatang galit.
Naghihintay sina Glen at Jamir sa isasagot ko sa babaeng `to. Alam ko `yon dahil nakikita ko sila sa gilid ng mga mata ko. Gusto nilang may gawin akong eksena katulad ng ginagawa ko tuwing nakakasalubong ko ang mga bumabangga sa akin.
Pero for the first time, wala akong kahit anong maisip na gawin. Nakatitig lang ako sa kanya.
“Ano?” kunot-noo niyang tanong, saka siya napairap at tinabig ako parang makadaan silang dalawa ng kasama niya.
Naiwan akong nakatayo. Narinig ko pa `yong sinabi ng kasama ni Aster na bakit daw ginawa ni Aster `yon. Baka raw balikan ko si Aster at gantihan. Pero ang matapang na isinagot naman niya, “Wala akong pakialam kahit balikan niya ako. Hindi ako natatakot sa kanya.”
And she was right. Alam kong hindi talaga siya natatakot sa akin.
Nag-usap na lang sila kung saan kakain. Niyaya si Aster ng kasama niya na kumain sa canteen pero sinabi ni Aster na may gagawin pa siya bago kumain. Hanggang sa makalayo na sila at hindi ko na narinig pa.
Tawang-tawa naman sina Glen at Jamir sa akin.
“P’re, natulala ka! Natakot ka ba?” kantiyaw sa akin ni Jamir.
“F*ck you. Bakit ako matatakot do’n?” sagot ko naman. Hindi naman talaga ako natakot kay Aster. Sadyang bigla lang nablangko ang isip ko.
“Eh, bakit ka natulala?” tatawa-tawang sabi naman ni Glen.
“Natulala ako sa kapangitan niya,” I lied.
At mabuti naman, naniwala sila sa sinabi ko.
Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung bakit ako natulala pagtingin ko kay Aster.
Pagdating namin sa canteen, hindi na ako sumamang kumain sa dalawa. Sinabi kong wala akong gana at uuwi na lang para matulog. Bahala raw ako kung ano ang gusto kong gawin. Basta mamayang gabi raw, huwag kong kakalimutan na pupunta kami sa bagong bukas na bar na pag-aari ng pinsan ni Glen. Sisipot `kako ako at `wag silang mag-alala.
Habang naglalakad papunta sa parking lot, muli kong nakita si Aster na naglalakad papunta sa building kung nasaan ang library. Wala na siyang bitbit na mga libro. Baka iniwan na niya kung saan. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad.
Napansin kong masyado talaga siyang payat. She had this small back na halatang-halata sa suot niyang blouse. Hindi niya dala-dala ang itim at luma niyang backpack pero may dala naman siyang paper bag na alam ko na kung ano ang laman—lunchbox niya.
Wala sa sarili ko siyang sinundan. Binilisan ko ang paglalakad para makita kung sa comfort room ba uli siya kakain. And I was right. Nakita kong pumasok siya sa comfort room.
Naghintay muna ako ng ilang segundo, saka pumasok. Walang tao rito. Katulad last time, bukas ang mga pinto ng ibang cubicle. `Yong pinaka-last lang kung nasaan si Aster lang ang sarado.
Nakarinig na naman ako nang kalansing ng mga bakal, `yong kutsara’t tinidor. Halatang nagsisimula na siyang kumain. Gusto ko na sanang umalis pero ayaw pa ng sarili ko. Nakatayo lang ako at nakasandal sa may sink. Nag-iisip ng kung anong sasabihin if ever makita ako ni Aster dito o may ibang makakita sa akin dito.
Pero ano ba ang dapat kong ipaliwanag sa kung sino ang makakita sa akin dito? Wala akong dapat ipaliwanag sa kanila. Baka gusto nilang bugbugin ko pa sila, eh.
Napatingin ako sa pinto ng dulong cubicle nang makitang bumukas iyon.
Nagtama ang mga mata namin ni Aster. Gulat siyang napatingin sa akin. Pero mayamaya,`yong gulat sa mga mata niya, biglang napalitan ng galit. Matinding galit. Hindi ko alam kung bakit siya galit na galit sa akin gayong ako dapat ang nakakaramdam n’on sa kanya dahil binangga niya ako.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” malamig ang boses niyang tanong.
“Ah.. eh.. Nagbanyo,” pagsisinungaling ko. P*t*. Unang beses kong mautal habang sumasagot sa isang tao. Sa babae pa. At sa kanya pa.
“Nagbanyo?” balik-tanong niya. “Sa girls’ comfort room?”
I crossed my arms on my chest. Gusto kong ipakita na hindi ako natatakot. Na wala akong dapat ikatakot. Ang liit-liit lang niyang babae para katakutan ko, `no. Hindi dapat ako natatakot sa tulad niya.
Pero teka isa pa, bakit kailangan kong magpaliwanag?
“Ako ang batas sa school na `to. Kaya magbabanyo ako kung saan ko gusto.”
Tiningnan ako ni Aster mula ulo hanggang paa, saka napailing-iling. Naglakad na siya at akmang lalampasan ako nang higitin ko ang payat niyang braso.
“Ano ba!” Marahas niyang binawi ang braso niya. “Puwede bang tigil-tigilan mo ako? Wala ka na bang ibang ma-bully kaya ako naman ang pagdidiskitahan mo?”
“Why are you eating here?” seryoso kong tanong. “Bakit sa dinami-rami ng puwede mong kainan, bakit dito pa sa banyo?”
Napaawang ang bibig ni Aster sa gulat. Hindi niya siguro inaasahan ang tanong ko. O lalong hindi niya inaasahan na alam kong dito siya sa comfort room kumakain tuwing lunch.
“Puwede akong kumain kahit saan ko gusto. Hindi mo pag-aari ang school na `to. Oo, malaki ang donasyon ng mga magulang mo rito gamit ang pera nila,” sabi niya. “Uulitin ko. Pera nila .”
Muli siyang tumalikod na lalo kong ikinagalit. Kinakausap ko siya nang maayos pero ganoon ang isasagot niya sa akin. Ipinapamukha niya na umaasa lang ako sa mga magulang ko.
“Oo pera ng mga magulang ko!” sigaw ko. “Pero, at least ako, nakakakain ako ng kahit anong masarap gamit ang pera nila. Kahit saan. Kahit kailan. Eh, ikaw? Ano’ng kaya mong kainin tuwing lunch? Sardinas na dito mo pa kinakain sa comfort room dahil nahihiya ka? Nakakadiri!”
Napatigil muli si Aster at napatingin sa akin. Nang mapatingin ako sa mga mata niya, wala na `yong pandidiri doon. Napalitan ng sakit . Like, she was hurt for what I’d said to her.
She looked at me painfully. And it made my heart throb with pain for unknown reason. “Good for you.” Ngumiti siya pero hindi umabot sa mga mata niya ang ngiting `yon. “Mabuti kung ganoon. Pasensiya ka na, ha? Hindi kasi ako ipinanganak na mayaman katulad mo. Itong sardinas lang ang afford kong kainin. Saka, hindi ko ikinakahiya na ito lang ang kaya kong kainin tuwing lunch.” Napailing-iling siya. “Hindi ko ikakahiya `yong pinaghirapan kong bilhin. Hinding-hindi kahit kailan.”
After that, naglakad na siya palabas. Iniwan na naman niya akong tulala.
Iyon naman ang gusto ko, eh. `Yong saktan siya gamit ang mga salita. Gusto kong maramdaman niya na galit na galit ako sa kanya kaya sasabihan ko siya ng masasakit na salita. Nagtagumpay naman ako, `di ba? I hurt her using my words.
Pero bakit gano’n? Hindi ako satisfied. Hindi ako na-satified sa outcome ng mga sinabi ko sa kanya.
Iba ang naramdaman ko.
It was guilt.
For the first time in history, I felt guilt.
I was guilty for everything that I said to her.
NALASING ako. Hindi ko na alam kung ilang bote ng alak ang nainom ko sa bar na pag-aari ng pinsan ni Glen. Bagong bukas kasi iyon kaya hinayaan lang kaming inumin nang inumin ang bawat alak na makita namin.
Hindi ko ugaling magpakalasing. Ngayon ko lang naranasan ang mag-inom ng ganito kagrabe. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginawa. O puwedeng alam ko naman.
Pero bakit in-denial ako sa sarili ko kahit alam ko naman ang dahilan? Na ayaw kong tanggapin na binabalik-balikan ko ang mga mata ni Aster kanina noong sabihan ko siya ng masasakit na salita?
I went home after that. Pinilit kong matulog pero kahit ano ang gawin ko, hindi ko magawa. Bumabalik-balik sa isipan ko `yong mga mata ni Aster.
Ano ba ang gusto kong mangyari?
I hurt her already. Iyon naman ang gusto kong mangyari. `Yong masaktan siya dahil binangga niya ako. Wala naman akong pakialam dapat doon, eh, pero binabagabag ako ng mga mata niya kanina. Like it was haunting me. Na kahit ngayong lasing ako, naalala ko pa rin.
There was a throbbing pain in chest whenever I thought about it. At hindi ko iyon nagugustuhan. `T*ng-*n*. Hindi ko dapat ito nararamdaman, eh. Wala dapat akong maramdaman kapag may binully ako o kapag nagsalita ako ng kung ano sa kapwa ko.
I was tough. I didn’t feel hurt or even guilt anymore. Pero bakit sa babaeng iyon, nagi-guilty ako? Mangkukulam yata iyon at dinasalan ako kaya ko nararamdaman ang mga ganito.
F*ck this sh*/t.
Nanlalabo ang mga mata ko habang nagmamaneho pauwi sa amin. Hindi ko kayang mag-drive gawa ng hilo at baka maaksidente pa ako. Ayoko pang mamatay dahil marami pa akong kailangang i-bully. Marami pang tao na kailangan kong pagpakitaan kung sino ba talaga ako.
Tumigil muna ako sa isang convenience store para bumili ng malamig na tubig para naman mahimas-masan ako. Pagpasok sa loob, nagulat ako sa taong nandoon sa likod ng counter.
It was Aster. She was smiling while greeting a customer.
Ibang-ibang Aster ang nakikita ko ngayon. Nakangiti siya habang ipina-punch ang binibili ng customer at nakikipag-usap dito. Hindi siya ganyan sa school kapag nakikita ko. Parang pasan niya ang mundo kapag nandoon siya. Pero ngayon, ngumingiti siya.
O baka naman ibang tao ito. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko. Baka namamalikmata lang ako sa nakikita ko. Pero nakikita ko pa rin talaga si Aster. Nasa wastong katinuan pa rin ako kahit hilong-hilo na at medyo umiikot na ang paningin ko.
Kumuha ako ng tubig at nagpunta sa counter. Halatang nagulat si Aster nang makita ako. Pero imbes na ngitian ako katulad ng ginagawa niya sa customer, walang emosyon na sumilay sa mukha niya.
“That’s twenty-five pesos, Sir,” magalang pero walang emosyon niyang sabi.
Nag-abot ako ng five hundred pesos, saka ko kinuha `yong tubig. May sinabi pa si Aster pero hindi ko na naintindihan dahil naglakad na agad ako palabas.
Binuksan ko `yong tubig, saka ininom nang isang lagukan lang. Pero kulang pa rin. Hindi pa rin nawawala `yong hilo ko. `T*ng-*n*. Paano ako uuwi nito? Paano ako magda-drive? Hindi ko naman maaaring iwan `tong sasakyan ko at mag-jeep na lang. Masyadong hassle.
Umupo muna ako sa bakanteng upuan sa labas ng convenience store at nag-isip-isip. Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may maglapag ng kung ano sa table sa harap ko. Napatingin ako doon at nakita ang isang hot coffee. `Tapos napatingin ako sa naglapag niyon.
Nakita ko si Aster.
“Pampawala ng hangover,” sabi niya. “Ibinawas ko `yan sa naiwan mong sukli,” `tapos inilapag niya `yong hindi ko nakuhang sukli kanina.
Magsasalita pa sana ako kaso may inilapag na naman siya sa harap ko.
“Inumin mo rin `to,” sabi pa niya. “Gamot `yan. Para hindi sumakit ang ulo mo. Lasenggero,” `tapos tumalikod na siya at bumalik sa loob.
Napatingin ako sa iniwang kape at gamot ni Aster, `tapos tiningnan ko siya. Abala na siya sa pagma-mop ng sahig sa loob ng convenience store. Pahikab-hikab din siya. Napatingin tuloy ako sa wristwatch ko.
2:35 na ng umaga.
Hanggang anong oras ang duty niya dito? Eh, maaga pa ang pasok mamaya sa school, ah ?
Ako, okay lang na mapuyat dahil okay lang naman kahit late akong pumasok.
Eh, siya? Alam kong hindi siya uma-absent dahil scholar siya at may grade siyang kailangang i-maintain. Kaya siguro ang payat-payat niya dahil hindi na nga siya kumakain nang maayos, wala pa siya ganoong sapat na tulog. Pinapatay niya yata ang sarili niya.
Again. Ano ba ang pakialam ko kung gano’n ang ginagawa niya sa sarili niya? Kung gusto niyang patayin ang sarili niya, go on. Hindi ko siya pipigilan.
Muli kong ibinaling ang tingin sa kape at gamot na nasa harap ko.
“Inumin mo rin `to. Gamot `yan. Para hindi sumakit ang ulo mo. Lasenggero.”
Ewan ko ba pero bigla akong napangiti nang maalala `yong sinabi ni Aster kani-kanina lang. Ininom ko tuloy `yong kape at gamot na halos mapunit na ang mga labi ko kakangiti.
Because for the first time, someone showed concern to me.
And to be honest, it felt great.