noveltoon logo noveltoon
The Day She Said Goodnight

Chapter 11

Ch. 12 / 19 Feb 09, 2022

Chapter Eleven

I NIIWASAN ako ni Aster. Hindi ako manhid para hindi iyon maramdaman.

Ramdam na ramdam ko, sa totoo lang. Ramdam na ramdam ko iyong pagiging ilag niya sa akin tuwing bumibisita ako kay Aaron sa ospital. Ramdam ko iyong pagiging tahimik niya tuwing maiiwan kaming dalawa. Ako lang ang salita nang salita. Kung sumagot man siya, masyadong matipid. Palaging oo o hindi lang, kung minsan tatango o iiling lang.

No’ng kinailangan niyang kumuha ng damit ni Aaron, nag-offer ako na samahan siya pero tumanggi siya. No’ng sinabi niyang bibili lang siya ng pagkain, dali-dali na siyang umalis at hindi man lang ako hinintay.

Minsan para akong hangin doon. Kung hindi lang dahil sa mama niya at kay Aaron, walang kakausap sa akin.

Natapos na ang operasyon ni Aaron at nakapagpahinga na siya ng ilang araw. So ngayon, palabas na siya ng ospital at sa bahay na lang itutuloy ang pagpapahinga niya. Pupunta na lang uli dito sa ospital sa mga susunod na araw para tingnan ang lagay niya.

Nandito ako ngayon sa kuwarto kung saan nagpapahinga si Aaron. Inaayos na ni Aster `yong mga gamit niya habang ang mama naman nila, inaalalayan si Aaron sa pagtayo. Nag-offer ako na ihahatid na lang sila pauwi since kagagaling nga lang sa operasyon ni Aaron para hindi rin mapagod sa biyahe. Ayaw nga sana ni Aster pero mabuti, pumayag ang mama niya sa alok ko.

“Ako na ang magdadala niyan,” sabi ko kay Aster, saka siya nilapitan. “Para hindi kana mahirapan.” Akmang kukunin ko na `yong malaking bag pero ayaw niya iyong ibigay.

“Ako na,” she coldly said. “Kaya ko naman,” `tapos binalingan niya ang mama niya. “Tara na, `Ma. Nang makauwi na agad si Aaron at makapagpahinga.”

Nauna nang lumabas si Aster nang kuwarto at hindi na kami hinintay. Nang mapatingin ako sa mama niya, she gave me an apologetic smile. Mukhang alam niyang iniiwasan ako ni Aster pero hindi lang siya nangingialam. I gave her a smile in return.

Habang nagmamaneho ako, todo pasalamat si Aaron sa akin sa mga pagkain, prutas, at laruan na dinadala ko sa kanya tuwing dinadalaw ko siya. Ganoon din si Tita, todo thank you rin sa akin at sana raw hindi nila ako naaabala.

“Wala po iyon, Tita,” nakangiti kong sagot. “Masaya po ako na nakakatulong.”

“Kaya naman natin, `Ma,” sagot ni Aster na nakaupo sa tabi ko at nakabaling lang ang atensiyon sa bintana. “Sa susunod, `Ma, huwag na tayong mang-abala ng ibang tao.”

Ibang tao.

Those words hurt me.

“Hindi naman kayo nakakaabala sa akin,” sabi ko kay Aster pero hindi niya `ko sinagot. Para na naman akong nakipag-usap sa hangin.

Mahigpit na lang ako napahawak sa manibela at napabuntong-hininga. Kailangan kong intindihin si Aster kung bakit ganito siya noong mga nakaraang araw. Siguro, stress lang siya at pagod, `di ba? Siyempre malaking pera `yong kinailangan sa operasyon ni Aaron. Pagod siya sa trabaho at stress pa sa school dahil graduating nga kami.

Oo tama ganoon iyon. Kilala ko naman si Aster. Hindi naman ganito ang usual attitude niya sa akin. Kailangan ko lang siyang intindihin dahil may pinagdadaanan ang family nila. Iintindihin ko na lang siya hanggang sa kaya ko dahil alam kong babalik din si Aster sa totoo niyang ugali.

Nang dumating kami sa bahay nila Aster, sinabi ng mama niya na alalayan na lang si Aaron papunta sa kuwarto kaya ginawa naman iyon ni Aster. Nauna na silang bumaba ng sasakyan. Kinuha ko naman `yong malaking bag, saka sabay kami naglakad papasok ng mama ni Aster.

“Rome, pagpasensiyahan mo na si Aster, ha?” sabi niya nang mailapag ko `yong bag.

“Para saan po?” pagmamaang-mangaan ko kahit na alam ko naman `yong tinutukoy niya.

“Sa ipinapakita niya sa `yo sa mga nakalipas na araw.” Tumingin muna siya sa kuwarto, saka muli akong tiningnan. “Sa totoo lang, hindi naman ganyan `yang anak ko na `yan. Siguro, pagod lang `yan sa problema namin ngayon kaya ganyan siya. Kaya ako na ang humihingi ng pasensiya.”

I smiled at her. “Wala po iyon, Tita. Naiintindihan ko naman si Aster.”

“Napakasuwerte talaga ng anak ko sa `yo. Maraming-maraming salamat, Rome.”

Hindi na lumabas si Aster ng kuwarto hanggang sa magpaalam ako na aalis na. Sinabi ng mama niya na baka raw nakatulog pero alam kong hindi. Pagsakay ko kasi sa sasakyan, nakita kong nakasilip siya mula sa bintana ng kuwarto kung saan nagpapahinga si Aaron.

Dalawang araw na lang at concert na ng Hale pero hindi ko pa rin naibibigay kay Aster `yong ticket. Hindi rin kasi ako makahanap ng tamang tiyempo. Saka, paano ko maibibigay sa kanya ganoong hindi niya nga ako kinakausap at iniiwasan niya ako?

Ang hirap pala ng ganito. `Yong bigla-bigla ka na lang iiwasan ng taong nakasanayan mo nang kausap araw-araw. Hindi mo alam kung may nagawa ka bang mali sa kanya. You were just wondering where you went wrong. Nagbabaka-sakaling maliwanagan ka.

Meron ba akong nagawa sa kanyang mali? As far as I remembered, wala. Naging ganito lang si Aster nang umamin ako sa kanya noong nakaraan na gusto ko siya at sinabi niyang pigilan ko. Mali ba `yon? Mali bang ipahayag ko sa kanya na gusto ko siya? Kailan pa naging mali ang pag-amin sa isang tao na nagugustuhan mo siya? Bullshit. This was making me pissed-off.

Kinabukasan, as usual, hindi pa rin ako pinapansin ni Aster. Sure, kinakausap niya ako pero damang-dama ko `yong cold treatment niya sa akin. Muntik na nga akong mag-freeze sa sobrang lamig nang pakikitungo niya. Mabuti na lang, nakasuot ako ng jacket. Nagbaon na ako ng jacket dahil expected ko na malamig pa rin ang ipaparamdam ni Aster sa akin.

Magkakasama kami nina Jamir at Glen sa hallway nang makita namin si Aster na kasama `yong isang classmate niyang babae. May dala-dala siyang malaking Tupperware na may lang turon at lumpiang gulay. `Tapos may mga maliliit na plastic kung saan nakalagay ang suka.

“Aster, ano `yan?” tanong ni Jamir sa kanya.

“Ito ba?” Ipinakita niya `yong dala niya. “Nagbebenta ako ng turon, saka lumpiang gulay. Dagdag-kita man lang. Medyo naubos ang ipon ko no’ng nakaraan, eh.”

“Magkano naman `yan? Mukhang masarap, ah?” sabi naman ni Glen.

“Ten pesos `yong turon `tapos twelve naman `yong lumpiang gulay. Bili na kayo,” nakangiting sagot ni Aster. Napatingin din siya sa akin pero agad ding umiwas ng tingin.

Bumili sina Jamir at Glen nang tag-isang turon, saka lumpiang gulay. Nang alukin ako ni Glen, umiling lang ako at sinabi kong wala akong gana.

“Marami-rami pa `yan, ha? Tulungan ka naming magbenta!” offer ni Glen.

“Talaga?” masayang sabi ni Aster. “Mauubos n’yo ba ito kapag kayo ang nagbenta?”

“Aba’y oo,” si Jamir naman. “Sasabihin lang namin na, ‘ bibili ba kayo o bugbog? Bili o bugbog? Ano, pumili kayo!’ Tiyak mapapabili `yang mga `yan.”

“Sira kayo!” Natawa si Aster. “Huwag kayong manakot!”

Oh, God. How I missed her laugh.

Gusto kong hindi pansinin si Aster para naman maramdaman niya `yong pakikitungo niya sa akin lately pero hindi ko siya matiis. Gusto ko rin siyang tulungan na maibenta `yong mga nilalako niya para hindi na siya mapagod at magpahinga na lang.

“Oo nga…” Nagsalita na ako. “Kami na ang magbebenta niyan.” Ngumiti ako sa kanya.

Bahagyang napatingin si Aster sa akin, saka siya muling nag-iwas nang tingin. Tanging sina Glen at Jamir na lang ang binalingan niya na parang hindi na naman niya ako nakikita.

“Huwag na pala,” bawi niya. “Ako na lang ang magbebenta. Sige, mauuna na kami.”

Hindi na niya hinintay `yong sasabihin namin dahil mabilis na siyang maglakad kasama `yong classmate niya na parang nagmamadali.

“ Ngek ? Bakit ganon?” nagtatakang tanong ni Glen.

I just shrugged. Kunwari hindi ko alam kahit malinaw na malinaw naman sa akin ang rason.

Sa totoo lang, medyo napahiya ako sa sarili ko. Pero mas nangibabaw `yong sakit. Parang may mga karayom na tumusok sa puso ko nang paunti-unti dahil sa ginawa ni Aster. Obviously, okay lang sa kanya na tulungan siya nina Jamir at Glen. And another obviously, mas okay na tumanggap siya ng tulong mula sa dalawa, huwag lang sa akin. I was f*cking hurt by that fact.

“May problema ba kayo ni Aster, bro?” tanong sa akin ni Glen nang makalabas na ang professor namin.

Umupo siya sa tabi ko habang si Jamir naman, nagsabing pupunta lang daw sa comfort room. Tapos na n’ong dalawa `yong mga report nila at start na rin sila sa community service.

“Ewan ko,” matipid kong sagot. Wala akong ganang makipag-usap. Kanina habang nagle-lecture `yong professor namin, wala akong naintindihan. My mind was wandering off somewhere—or should I say someone.

“Ewan mo?” kunot-noong tanong ni Glen. “Eh, pansin na pansin na namin ni Jamir na hindi kayo nag-uusap. Hindi na rin siya sumasabay sa atin sa lunch.”

Totoo iyon. Hindi na sumasabay si Aster sa amin sa lunch nitong mga nakaraang araw. Understood naman dati na kapag lunch time, pupunta siya doon sa ospital para puntahan si Aaron. Pero nang makalabas na si Aaron at niyaya siya nina Glen na mag-lunch, umayaw siya dahil may gagawin daw siya.

Pero nang puntahan ko si Aster sa library, nakita kong doon siya kumakain mag-isa. Mas pinili niyang kumaing mag-isa kaysa makasama ako sa lunch. Ganoon siya kagrabe para lang iwasan ako.

“Hindi ko alam, dude.”

“May nagawa ka ba?” muling tanong ni Glen.

“Wala. `Yon nga ang mahirap, eh. Wala naman akong nagawa pero iniiwasan ako.”

“ Weh ? Sure ka na wala kang nagawa?” tanong pa niya. “O baka umamin ka na?”

Kumunot ang noo ko. “Umamin na, `no?”

Natawa si Glen, saka mahinang sinuntok ang balikat ko. “G*g*! `Kala mo naman hindi namin pansin ni Jamir, ha. Gusto mo si Aster, `di ba?”

Napaawang ang bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa ugok na `to.

“Bro, pansin na pansin naman namin.” Ngumiti si Glen. “And boto kami kay Aster para sa `yo. Kasi tingnan mo naman, napatino niya hindi lang ikaw kundi tayong tatlo. Kumbaga, good influence siya sa atin. Pero nakakapagtaka lang na hindi kayo madalas magpansinan lately.”

Napahugot ako ng malalim na hininga, saka ikinuwento kay Glen `yong pag-amin ko at ang sagot ni Aster na huwag ko raw siyang gustuhin at pigilan ko raw ang nararamdaman ko sa kanya. Tahimik lang na nakikinig si Glen.

“Ang weird, dude,” sabi niya nang matapos akong magkuwento.

“Bakit weird?”

“Kasi, kitang-kita ko rin naman na gusto ka ni Aster, eh,” sagot niya. “Kaya ang weird lang na, alam mo `yon, na sinabi niyang pigilan mo `yang nararamdaman mo sa kanya. Bakit? Bakit niya kaya sinabi `yon na akala mo, may mangyayari once lumalim ang feelings mo sa kanya?”

“Hindi ko rin alam.” Napailing-iling ako. “Hindi ko talaga siya maintindihan lately.”

Nagkaroon kami ng break bago mag-start `yong susunod na klase kaya kinuha ko `yong laptop ko at nagtungo sa library para maipagpatuloy ang term paper ko. Mabuti naman naabutan ko si Aster doon na nakaupo sa isang bakanteng mesa at nagbabasa.

Halatang nagulat siya nang bigla akong naupo sa tabi niya.

“I need to continue my term paper,” sabi ko. “Puwedeng mapatulong?”

Bahagya siyang napatitig sa akin, saka napatango. “Patingin na ako ng nagawa mo,” sabi niya na hindi ako tinatapunan ng tingin.

Kinuha ni Aster `yong laptop ko, saka binasa `yong mga chapter sa term paper ko na natapos na. Habang nagbabasa siya, napatitig ako sa kanya. Pansin kong medyo pumayat na naman siya. Medyo namumutla rin. Hindi ko alam kung masama ba ang pakiramdam niya ngayon dahil alam kong ilang araw na naman siyang pagod sa pagtatrabaho.

Gusto ko siyang kumustahin. Gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman o iniisip niya. Pero alam kong kahit gawin ko iyon, hindi naman ako makakakuha ng matinong sagot.

Habang nagbabasa at nagta-type si Aster sa laptop ko ng mga ikino-correct niya, nagsalita ako.

“Alam mo ba kanina, napagalitan si Jamir ng professor namin.” Tumingin siya sa akin saglit, saka ibinalik uli ang tingin sa laptop. “Tinanong niya kasi `yong professor namin kanina na kapag kumain ba raw siya ng gulay, magiging sa kanya na `yong professor namin habang-buhay?”

Bigla ako natawa nang maalala ko iyon. Laughtrip kasi `yong eksena kanina. Ang seryoso ng lecture ng prof namin, `tapos biglang babanat si Jamir ng ganoon. Ang ending, `ayun pinagalitan siya.

Akala ko, tatawa rin si Aster sa ikinuwento ko katulad ng ginagawa niya dati pero hindi. Wala siyang reaksiyon. Tutok na tutok lang siya sa laptop na akala mo, wala ako sa tabi niya.

Napahugot na naman ako ng malalim na hininga. “Alam mo, sinimulan ko na panoorin `yong Stranger Things ,” sabi ko. “Kasi sabi mo dati panoorin ko `yon para may kakuwentuhan ka. Nasa episode pa lang ako na nakita na `yong katawan ni Wil after ng ilang araw niyang pagkawala. Nakita sa ilog na wala nang buhay.”

Still, she had no reaction.

“Alam mo rin, Aster,” pagpapatuloy ko pa rin. “Okay na kami ni Mommy and Daddy ko. I did what you told me. Nag-open up ako sa kanya `tapos gano’n din ang ginawa ni Dad.”

“Good for you,” ang tangi niyang sagot.

Napakagat ako sa labi ko. Naramdaman ko na naman `yong mga karayom na bumabaon sa puso ko. “At alam mo ba?” I said again. “Nasasaktan mo na `ko ngayon.”

With that, biglang napatingin si Aster sa akin. Kitang-kita ko sa mga mata niya `yong paghingi ng tawad sa akin dahil siguro sa mga ginagawa niya lately. Pero nanatili siyang walang sinabi tungkol doon.

“Okay na. Nai-correct ko na `yong mga mali mo,” sabi niya pagkatapos. “Kapag natapos mo pa `yong ibang chapter, puntahan mo na lang ako rito sa library para ma-check ko. Excuse me.”

Dali-dali siyang tumayo, saka naglakad palabas ng library. Tumayo rin ako at sumunod sa kanya.

“Aster, wait!” tawag ko sa kanya pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. “Aster, ano ba? Bakit mo ba ako iniiwasan?”

“Hindi kita iniiwasan. May kailangan pa akong gawin,” sabi niya na patuloy pa rin sa paglalakad.

“Hindi mo `ko iniiwasan? Talaga?” tanong ko na nakasunod pa rin sa kanya. “Puwede ba, huwag mo akong gawing tanga? Pansin na pansin na ang pag-iwas mo!”

“Hindi kita ginagawang tanga, Rome.”

“Pero `yon ang ipinaparamdam mo!” Tumaas na ang boses ko kaya napahinto na si Aster. “Aster, you are f*cking unfair. You didn’t know that? Umiiwas ka sa akin just because I told you that I like you? Umiiwas ka kasi `kamo hindi mo kayang suklian `tong feelings ko? Hindi mo man lang ba nakikita na nahihirapan ako? You are unfair, Aster. Hindi `yan ang pagkakakilala ko sa `yo!”

Humarap siya sa akin. Nakita kong nangilid ang mga luha niya. “Ikaw lang ba ang nahihirapan, Rome?” Garalgal ang boses niya. “Sa tingin mo, madali lang sa akin `tong ginagawa ko? Rome, kung selfish ako, ipagpapatuloy ko pa rin ang pagdikit-dikit ko sa `yo. Kasi doon ako masaya, eh. Kapag kasama kita, doon ako maligaya. Doon ko nakakalimutan `yong mga problema ko. Pero hindi, eh. Hindi ako selfish, Rome. Kung ano `tong ginagawa ko ay para rin `to sa ikakabuti mo. Para sa `yo rin `to, Rome. Maniwala ka. Para rin sa `yo `to.”

“Hindi `yan para sa ikakabuti ko! I never asked for it!” sagot ko. “Hindi `yan ang gusto ko, Aster. Hindi ko gustong iwasan mo ako. Can’t you see it? You are slowly wavering. You are drifting apart. Ang lapit-lapit mo lang sa akin pero parang ang layo-layo mo naman. Tell me, ano ba ang totoong rason kung bakit mo ginagawa `to? Kasi deserve ko naman malaman, `di ba?”

Napatakip ng bibig si Aster kasabay nang pagbagsak ng mga luha niya. “Rome, I’m so sorry,” sabi niya habang umiiling. “Sana kaya kong sabihin sa `yo. Sana kaya kong ipaliwanag sa `yo kung bakit. Pero wala pa akong sapat na lakas ng loob. Sa ngayon, hindi ko pa kaya. Mahina pa ako para sabihin sa `yo. Gusto… gusto kong sabihin sa `yo, Rome. Maniwala ka. Pero ayaw lang ng sarili ko. Please, kung ano `tong ginagawa kong pag-iwas sa `yo, hayaan mo na lang. Kailangan kong gawin `to. Kailangan ko, Rome. Huwag mong isipin na nahihirapan ka sa pag-iwas ko. Kasi… kasi doble ang sakit na nararamdaman ko sa pag-iwas ko sa `yo.”

“Aster...” Sinubukan ko siyang lapitan.

“I’m so sorry, Rome,” ang tangi niyang sagot, `tapos tumakbo na siya palayo sa akin.

“B*llsh*t!”

Sa sobrang gigil at inis ko sa sitwasyon, nasuntok ko nang ilang beses `yong pader. Hindi ko agad naramdaman `yong sakit. Naramdaman ko lang na kumirot ang kamao ko. Pagtingin ko doon, may sugat na at dumurugo. Lalo akong nainis.

Hindi ko kasi masyadong maramdaman ang sakit ng kamao ko. Mas ramdam na ramdam ko `yong sakit na natamo ng puso ko. And trust me, it was really painful.

Kinuha ko `yong laptop ko at bumalik na sa classroom namin para sa next subject. Nang makita nina Glen at Jamir `yong kamao ko, nagulat sila dahil patuloy pa rin iyong nagdurugo. Pinunasan ko lang kasi iyon gamit ang panyo ko. Pinilit nila akong magpunta sa school clinic dahil baka raw maubusan ako ng dugo. Mga loko talaga.

Mabuti na lang, may nurse sa school clinic. Agad niyang ginamot `yong kamao ko. Nilagyan ng Betadine at binalutan ng gasa. Sinabi ko sa kanya na hindi rin maganda ang pakiramdam ko kaya hinayaan muna niya akong mahiga sa isa sa mga kama doon. Excuse naman ako sa subject ko ngayon kaya no worries. Nahiga lang ako sa kama at tumitig sa kawalan.

Ang hirap ng ganitong may dinadala. Sinakop na naman ni Aster ang buong isipan ko. Bakit kaya ganoon? Kahit saan ako magpunta, siya lang ang tanging iniisip at hinahanap ko. Nasanay na ako sa presensiya niya. Nasanay na buong pagkatao ko na lagi siyang kasama. Kaya nahihirapan ako ngayon na bigla kami napunta sa ganitong sitwasyon. `Yong bigla-bigla siyang iiwas sa akin.

Mali ba talaga na umamin ako sa kanya? Dapat ba, itinago ko na lang ang feelings ko at nagpanggap na hindi ko siya ginusto? Dapat ba, pasekreto ko na lang siyang minamahal? Nang sa ganoon, hindi siya umiwas at okay pa rin kaming dalawa?

Nagpaalam sa akin `yong nurse na lalabas lang daw sandali at kung maaari raw ay bantayan ko muna ang clinic. Pumayag ako at nahiga lang sa kama. Medyo nakaramdam ako ng antok pero biglang nagising ang diwa ko nang may marinig akong boses na tumatawag sa akin.

“Rome? Rome?” Boses ni Aster na natataranta.

Pagtingin ko sa pinto, nagtama ang mga mata namin ni Aster. Kitang-kita ko `yong pag-aalala sa mukha niya na akala mo, may hindi magandang nangyari sa akin.

Agad siyang lumapit. “Okay ka lang ba? Kailangan ko bang tumawag ng ambulansiya?”

“Huh?” Nagtaka ako. “Ambulansiya? Para saan?”

“Eh, kasi nakita ko si Glen. Sabi niya dinala ka raw dito sa clinic dahil tumalon ka mula sa second floor. Ayaw mo na raw mabuhay,” sabi niya na nag-aalala pa rin.

“Naniwala ka naman sa ugok na `yon?” sagot ko. “Nagpunta ako rito sa clinic dahil dito.” Ipinakita ko sa kanya `yong kamao ko na may balot ng gasa.

“Ano’ng nangyari diyan? Wala pa `yan kanina no’ng magkausap tayo, ah.”

Hindi ako kumibo. Nakahiga pa rin ako sa kama, saka siya tinalikuran.

Naramdaman kong umupo si Aster sa upuan na nasa gilid ng kama. Nanahimik siya ng ilang segundo bago nagsalita. “Rome,” paninimula niya. “I’m so sorry.” Tahimik pa rin ako at hindi siya hinaharap. “I’m so sorry sa naging asal ko sa `yo these past few days. Napag-isipan ko `yong mga sinabi ko at tama ka nga. Ang unfair ko. Sorry kung bigla kitang iniwasan dahil sa pag-amin mo sa akin. Sa totoo lang, ang awkward. Kasi hindi ko ine-expect `yon.”

“Kaya ka umiwas?” tanong ko na hindi pa rin siya hinaharap. Pahiga pa rin akong nakatalikod sa kanya. “Kaya mo `ko tinrato na parang hangin?”

“Hindi, Rome. May mas mabigat pa `kong dahilan.”

“Eh, ano?”

Napahugot si Aster ng malalim na hininga. “Promise. Sasabihin ko sa `yo `pag kaya ko nang sabihin.”

Hindi ako sumagot. Nanatili lang ako sa posisyon ko. Mayamaya, naramdaman kong hinawakan ni Aster ang braso ko at pinipilit akong humarap sa kanya.

“Rome, sorry. Promise. Hindi na ako iiwas sa `yo.”

“Tss… so, gano’n-gano’n lang iyon? Sorry na lang?”

“Sige. Sabihin mo kung paano ako makakabawi sa `yo? Uy, Rome. Humarap ka muna rito.”

“Kiss mo `ko,” pabiro kong sabi. “Dali—ouch!” Bigla niyang kinurot ang tagiliran ko.

“Puro ka kalokohan!” sabi niya at natawa rin.

Humarap ako sa kanya, saka umupo. “Sige. Alam ko na kung paano ka makakabawi sa akin.”

“Paano?” tanong niya.

Kinuha ko mula sa pahaba kong wallet `yong dalawang tickets ng Hale. Iniabot iyon sa kanya.

“Ano `to?” nagtataka niyang tanong.

“Check mo,” I said, smiling.

Tiningnan ni Aster `yong laman, saka binasa ang nakasulat sa dalawang papel na iyon. `Tapos nanlaki ang mga mata niyang tumingin sa akin na para bang hindi makapaniwala. “Rome, oh, my God. Hindi ba `ko nananaginip? Tickets talaga `to sa Hale?”

Hindi nawala ang ngiti ko. “That’s right. At para makabawi ka sa akin, samahan mo `kong manood ng concert nila bukas. Ano? Deal or no deal?”

“Deal!” tuwang-tuwa niyang sagot. “Rome!! Thank you so much!!”

Hindi ko inaasahan `yong sunod na ginawa ni Aster. Napatalon siya sa labis na tuwa `tapos bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

It was a quick kiss. Mabilis ko lang naramdaman ang pagdampi ng mga labi niya sa pisngi ko.

But the warmth of her lips on my cheek lasted forever.

It was one of the best memories that I had when I was teenager.