noveltoon logo noveltoon
The Blue-Eyed Devil (Kristine Series 21)

Chapter 7

Ch. 8 / 23 Feb 15, 2022

Chapter Seven

B ANAYAD na isinara ni Renz ang pinto. Inaasahan niyang gising na ang panauhin niya dahil pasado alas-onse na ng umaga. Subalit tulog pa rin ito. Nakadapa ito sa unan niya—yes, his pillow. Ang sarili niyang kamiseta ay isinuot niya rito kaninang madaling-araw at bahagya lang iyong lumampas sa may balakang nito.

She probably had tossed her sheet during the night, na siyang naging dahilan upang mahantad ang katawan nito.

The view was so alluring he could feel the stirring of his loins—again!

He had seen considerable number of naked woman’s bodies in his entire life. Hers didn’t matter anymore. But for pete’s sake it did!

Nang ilatag niya ang walang malay nitong katawan sa kama sa loob ng cabin kanina, hindi niya mapigilan ang pag-ahon ng pagnanasa habang pinagmamasdan niya ang hubad nitong katawan.

Her breasts were as he remembered them five nights ago. Firm and small. At habang ang mga mata niya ay bumababa ay unti-unti ring lumalalim ang pagnanasang nararamdaman niya.

She had narrow waist, na marahil ay kaya niyang dangkalin sa dalawang kamay, and tender and rounded hips.

With difficulty on his part, his eyes moved down to her long legs... long and slim with tiny delicate ankles and, surprisingly—since she was dark— pretty pink feet.

Isang marahas na paghinga ang ginawa niya, as he realized what was happening to him. The desire was too strong, na pakiramdam niya ay may sumuntok sa sikmura niya.

At isiping kinasusuklaman niya ang babaeng ito.

Steffanie’s life was ruined because of her. Pagkatapos ng eskandalong nangyari sa New York, nalulong sa drugs si Steffanie. Napabayaan ang trabaho. Sa loob ng apat na buwan ay nanatili ito sa rehabilitation center sa New York.

Tuwing dinadalaw niya sa rehab ang pinsan ay hindi miminsang iniisip niyang durugin ang babaeng may kagagawan ng pagkasira ng buhay nito.

At nitong huli, dalawang taong mahigit ang nakalipas mula nang mangyari ang eskandalo, ay hindi sinasadyang nagkita sila sa party ng isang hindi-matanggihang kaibigan. At ipinagpasalamat niyang si Vanessa na rin ang gumawa ng paraan upang makaiwas na ipakilala rito ni Frederick. Nagtanim ng sama ng loob si Vanessa rito nang tumanggi si Shannon na magpa-interview.

Nakita niya nang dumating ito sa party. She was among those who arrived first, which surprised him. Inaasahan niyang ito ang kahuli-hulihang darating, like a celebrity that she was. Lahat ng atensiyon ay natuon sa pagdating nito sa party. She was almost five-seven. At sa suot nitong tatlong pulgadang stiletto, nangingibabaw ito sa karamihan.

Tall and statuesque. She moved with elegance. Hindi katulad ng ibang mga babaeng naroroon na nagpapaligsahan sa laki ng mga mamahaling bato, she wore no jewelry but a big antique gold loop earrings that dangled as she turned.

The women envied her to the point of hatred. Nakita niya iyon sa mga mata ng kababaihan. Saw it in Vanessa’s eyes, too. At sa mga mata ng kalalakihan ay naroon ang paghanga... at pagnanasa. Hindi man niya gustong aminin, kabilang na siya.

Totoong hindi niya maiwasang sundan ng tingin ang bawat kilos at galaw nito. She came with her lover that night and yet it didn’t stop her from flirting with another man.

At kay Congressman Mendres!

Ipinasya na nilang umuwi nang maaga nang gabing iyon sa kabila ng pagtutol ni Vanessa. Hinahanap niya si Frederick upang magpaalam nang hindi sinasadyang magkabungguan sila nito sa may paglabas ng hardin.

Hindi niya ito dapat ipinagsanggalang sa camera ng malulupit na mga photographer. Wala siyang pakialam kung lumabas man ang larawan nito sa peryodiko kinabukasan na halos hubad na dahil sa natapong alak sa manipis nitong suot. She was a vamp, anyway.

Subalit nang makita niya ang pagkakahantad ng dibdib nito... nang maisip niya ang eskandalong maaaring gawin ng press dito, a protective instinct—na hindi niya alam kung saan nanggaling, because he was supposed to be hating her—suddenly filled him.

Kung paanong nangyaring nauwi sa halik ang pagnanais niyang takpan ito mula sa mga camera ay hindi niya maunawaan. For hours that night, ginulo ng halik na iyon ang pag-iisip niya.

And when he decided that he had nothing to do with this woman, Steffanie announced her news that again involved this woman. At nang halos maloko na siya sa kaiisip kung paano niya aalisin sa landas ng pinsan ang babaeng ito, here she was, in his own room, in his own bed, wearing his own shirt.

Humugot siya ng malalim na paghinga at mabilis niyang ibinalik sa mukha nito ang mga mata niya. Ang basang buhok nito’y nakaipon. Subalit natatandaan niya ang lampas balikat nitong buhok. Thick, silky, and wavy. It framed her face... a face of a temptress.

Yes. Shannon The Temptress. Iyon ang taguri dito ng media. A woman with no morals.

His eyes moved down to her famous lips. It was slightly parted. He drew a harsh breath. Hindi niya gusto ang nararamdaman sa sandaling iyon. Ang alaala ng halik na iginawad niya rito sa hardin ay biglang umahon sa isip niya.

Sa maraming pagkakataon ay tinititigan at pinag-aaralan niya ang mukha nito sa glossy magazines, hating her at the same time. Steffanie was better-looking than this woman. Steffanie who had a perfect beauty—ayon sa press. At maliban kay Jeffrey Moore, hindi napaugnay sa ibang lalaki si Steffanie.

While this woman was a tramp.

And there was nothing extraordinary about this woman’s face. She wasn’t even what you could call beautiful in a classic way.

And now, without her makeup on, she shouldn’t look so pretty. Gazing freely at her serene face, he searched for flaws. And he found a few.

She didn’t even have perfect skin. Sa gilid ng noo nito ay may bakas ng pinagdaanan ng chicken fox—na hindi nakikita kapag natatakpan na ng makeup. And, ilong nito ay pangkaraniwan, ni hindi katangusan.

She though had model-perfect cheekbones which made her face almost angular. Na dapat ay magpamukhang matigas sa kabuuan ng mukha nito.

It didn’t. Instead, she looked like a helpless child-woman.

But he knew better than be fooled by her innocent look. Steffanie’s happiness was again threatened by this woman. Nag-igting ang mga bagang niya habang tinititigan ang natutulog na si Shannon.

“Come inside,” anyaya ni Steffanie sa kanya. “I’ll show you my boyfriend’s picture. Kuha iyon noong magkakilala kami sa Puerto Azul. And would you believe, nakatira siya sa San Juan! i sn’t it great, Renz?”

He indulged her. At ganoon na lang ang pagkamangha at galit niya nang makita ang larawan ng ipinagmamalaking boyfriend nito.

Shannon’s escort-lover that night at Frederick’s party!

At ngayon, ibinigay sa kanya ang pagkakataong mailigtas sa muling pagkasira ang buhay ni Steffanie.

Ganoon man ay hindi niya maiwasang isipin kung ano ang nangyari dito. Kung saan ito nanggaling at bakit basta na lang sumulpot sa yate niya nang wala kahit na anong saplot? Natitiyak niyang sa isa sa mga yateng natatanaw niya sa dagat lamang ito maaaring manggaling.

Renz shook his head. Marahang humakbang patungo sa kama.

He saw Shannon stirred. She must have felt his presence. Then she woke with a start. Her eyes wide as a saucer as she looked around her.

“Good morning,” bati niya.

Marahas ang ginawa nitong paglingon. At nang makita siya ay biglang bumangon at naupo sa gitna ng kama. Bahagya na niyang napuna ang pagngiwi nito. Her hands grasping on the lapel of his shirt as if it were a lifeline. Yes, his shirt. My god, it looked good and sexy on her.

Her hair dishevelled. Her face devoid of makeup. This was the real Shannon de Asis, the supermodel. And she shouldn’t look good and attractive early in the morning.

But she was damn gorgeous!

Nang magsalubong ang mga mata nila ay nakita niya ang takot na pumuno sa mga mata nito. Pagkuwa’y disimulado nitong niyuko ang sarili... na parang pinakikiramdaman ang sariling katawan.

Iniisip ba nitong pinagsamantalahan niya ito habang walang malay?

“Wala akong natatandaang may pinagsamantalahan akong babae sa buong buhay ko. Lalo at walang malay. And it isn’t like you have an impeachable virtue,” he said drily and walked towards the bed. Inilapag sa ibabaw ng night table ang hawak na tray.

Her eyes darted to him. “W-what happened?” she asked hoarsely. Ang anyo ay tila tatalon sa kama anumang oras na kumilos siya nang hindi nito gusto.

Damn the woman for acting like a scared virgin!

“Hindi ba ako ang dapat na magtanong niyan?” aniya, his brows raised mockingly. “Mula sa kung saan ay basta ka na lang pumanhik sa deck ng yate ko. And with nothing on but seaweeds and seawater. Iyon ba ang bagong in ngayon sa fashion?”

She colored and Renz was stunned. He couldn’t believe that one could blush the way she did. Not this particular woman anyway. She was a vamp, for goodness sake!

Inalis nito ang mga kamay mula sa pagkakahawak sa oversized shirt. Pagkuwa’y napangiwi.

“Something’s wrong?” he asked unemotionally.

“I–I ache all over...”

His lips twitched upward in a dry smile. “You must have swam a mile. Iyan ang dahilan kung bakit nananakit ang katawan mo. Lumangoy ka marahil mula sa isa sa mga yateng nakapaligid sa Manila Bay patungo sa yate ko.” Tinitigan niya ito, his eyes quizzical. “Lumangoy ka nang hubo’t hubad, at sa madaling-araw? Did you play hide and seek in the water with your—lover and you got lost?”

UMIWAS ng tingin si Shannon. Nabigla lang siyang amining nananakit ang katawan niya. Hindi niya napigilan ang sarili. Halos hindi niya magawang igalaw ang mga braso.

At sa dinami-rami ba naman ng yateng maaari niyang languyin, bakit sa mismong yate pa ng lalaking ito niya natanaw ang kaligtasan?

It isn’t like you have an impeachable virtue...

Tumitining sa pandinig niya ang sinabi nito. At hindi siya dapat makadama ng sakit ng loob. Kahit paano ay alam niyang kinasusuklaman siya nito. Pinatunayan iyon ng pagtatagpo nila sa gabi ng party, sa paraan nito ng pagsasalita. But what he said cut her—cut hard and deep.

After two years, nakatatak pa rin sa isipan niya ang pagkasuklam sa mga mata nito nang titigan siya nito sa hagdanan ng mansiyon ni Jeffrey Moore. Nasa ibaba na siya nang tumingala siya at makitang niyakap at inalo nito si Steffanie.

At tulad ng lahat, nahusgahan na siya nito. She couldn’t blame him though. Steffanie was family.

“H-hindi ko alam na yate mo iyon. Iyon ang pinakamalapit na nakita ko...”

She turned to the side table. Kasama ng kape, may itlog, toast, jam, at papaya sa tray. She took the steaming coffee mug from the tray with casualness she was far from feeling. Her hands trembling a little as it closed around the mug. Dinala niya iyon sa bibig at marahang humigop. Nararamdaman niya ang paglandas ng mainit at masarap na kape sa lalamunan niya. It made her feel better.

“I’m Renz—”

“I know who you are, Mr. Navarro,” putol niya sa pagpapakilala nito at bahagyang nag-angat ng tingin upang tingnan ito at pagkuwa’y muling ibinalik sa kape ang atensiyon.

Umangat ang mga kilay nito. “Kung ganoon ay maaari mo nang umpisahang ipaliwanag sa akin kung ano ang ginagawa mo at naisipan mong maglangoy sa gitna ng Manila Bay nang wala kahit na anong suot?”

His voice was velvet, not gravelly, tulad ng una niyang inisip nang nasa hardin sila. Its quality was unforgettable. It made her nerve endings flare for one sharp moment and her breath catch in her throat.

She took time sipping her coffee, na tila ba nasa loob siya ng isang five-star hotel, and having her breakfast in bed. Denying the turmoil she felt inside.

“Masarap ang kape, salamat,” she remarked after a while.

“Hindi mo sinasagot ang tanong ko.”

Nag-angat ng paningin si Shannon. She met his eyes warily. Blue. Glacier blue. Strange color, para sa isang Pilipino na kayumanggi ang kulay ng balat. Subalit nabasa na rin niya sa mga artikulo na ang ina nito ay half American. He must have inherited his mother’s eyes.

At habang tinititigan ito ay nakadarama siya ng panganib. Both literally and figuratively. In her association with men—lalo na sa nangyari sa kanya kagabi—they were all predators.

The smile that came out of her lips was almost a sneer. “Well, to justify your curiosity, Mr. Navarro, I attended an orgy party in one of the yachts. In a frenzy passion, I got thrown overboard. Nang muli akong lumitaw sa tubig, malayo na ang yate. So I had to swim to the nearest yacht, which was yours.”

Hindi mapigil ni Renz ang pagkamanghang lumatay sa mukha. For a moment there, he almost believed her story had it not been for the sarcasm in her voice.

Sa nakikitang reaksiyon sa mukha nito, Shannon fought the urge to laugh. And then she was bitter at the same time. Ganoon na lang kababa ang tingin sa kanya ng lalaking ito para paniwalaang totoo ang sinasabi niya.

Eh, ano? Hindi ba at karamihan naman sa mga lalaki ay iyon ang tingin sa iyo? It didn’t matter before. Why should it now?

“I can see you’re shocked,” she said, a corner of her lips twitched in a faint smile. “And I wonder why. Hantaran mong sinasabi ang mababang opinyon mo sa akin.”

“You’re right. At alam mo kung bakit,” ganti nito. “At pinalalawak mo ang hindi mabuting opinyon ko sa iyo.”

She shrugged. “I don’t really care what you think of me, Mr. Navarro. Pero nagpapasalamat ako sa ginawa mong pagpapala sa akin,” wika niya kasabay ng paglinga sa buong silid.

Nasaan sila? The room didn’t look as if it were one of the hotel rooms along Roxas Boulevard. Because the huge room was octagonal. She silently shook her head. Kalahati ng silid ay nakahiwalay marahil sa buong bahay upang madisenyo ang ganoong uri ng silid.

At ang dingding ay bato... in rough finished and unpainted. Marahil ay sinadyang hindi pinturahan. The ceiling was also in rough finished. At sa isang sulok ng silid ay may natanaw siyang winding staircase na yari sa bakal.

Ano ang mayroon sa itaas? Another room or bodega?

The octagonal room had a masculine air in it. Kahit ang mga kasangkapan—which were not just expensive but was selected with good taste.

Kompleto ang silid sa lahat ng modernong kasangkapan hanggang sa laptop computer na nasa isang computer table na nakapuwesto sa isang bahagi ng octagon.

Magaganda at mamahalin ang mga rug sa sahig, in masculine colors, beige, brown, and black blended into one.

The huge windows were bare. Malakas at malamig ang hanging pumapasok at nanunuot sa kalamnan niya ang lamig. No wonder, walang airconditioner sa loob ng silid. Wala siyang naaaninag na puno sa labas ng bintana, pero naririnig niya ang huni ng mga ibon.

Dinadala ng hangin sa pandinig niya ang banayad na hampas ng alon sa baybayin. Nasa tabing-dagat ba sila? Marahil ay nasa bahaging Cavite sila or somewhere near Batangas. Good. Madali na ang pag-uwi sa San Juan.

She sighed warily. Tila nagiging bahagi na ng buhay niya ang magising sa isang hindi pamilyar na kapaligiran.

Ibinalik niya sa tray ang mug ng kape at tumayo. Sinisikap indahin ang pananakit ng katawan. She had slept for hours and somehow she felt refresh, subalit tinatanggap niya ngayon ang parusa ng mga muscle niya dahil sa ginawang paglangoy kagabi.

Kasabay niyon, pinipilit niyang ikalma ang sarili sa harap ng lalaking ito. He was just a man. Tulad din ng ibang lalaking nakatagpo na niya sa buong buhay niya. Matapos ang eskandalong nangyari sa buhay niya, she had learned her lesson well. Or she thought she had.

Pagkatapos ng nangyari kagabi, pinagdududahan niya ang sarili kung kaya pa niyang pakitunguhan at pagkatiwalaan ang isang lalaki. Si Ross halimbawa. Pinagkatiwalaan niya ito.

Tumalim ang mukha niya pagkaalala sa manager. She would take care of him later.

And Renz Navarro. Lalong hindi niya dapat pagkatiwalaan ito dahil hindi nito ikinakaila ang pagkasuklam sa kanya. Sa sulok ng mga mata niya ay alam niyang sinusundan nito ng tingin ang bawat kilos at galaw niya.

“I presume this is your shirt,” she said without looking at him. Niyuko ang sarili, umaasang hindi ipinagkanulo ng mukha niya ang kahihiyang nadarama. “Thank you.” Pagkuwa’y sinikap niyang tumingin dito nang deretso. “Maaari ba akong humiram ng...” She swallowed, “ng pang-ibaba? A jeans maybe or a shorts. At... at maaari ba akong magpahatid sa... sa kahit saang maaari akong kumuha ng taxi?”

Isang mahabang tingin ang ibinigay sa kanya ni Renz bago ito sumagot. “Well, I’m sorry, Miss de Asis, but you happened to be marooned here...” he said in an irritating casualness.

“M-marooned?” pag-ulit niya. “Ano ang ibig mong sabihin? Where are we, anyway?”

“Alta Tierra.”

Alta Tierra. It sounded familiar. Of course. Iyon ang pangalan ng islang pag-aari ng mga Navarro.

At naroon siya sa isla ng pamilya nito! Na kung saan mang bahagi ng Pilipinas ay wala siyang ideya!