Chapter Five
S HANNON didn’t know what awoke her. Parang tunog ng isinarang pinto. Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata. For a while she was disoriented. Ilang sandaling inikot niya ang mga mata sa paligid. Nasa loob siya ng isang hindi pamilyar na silid at nakahiga sa isang malaking kama.
Nang mapatihaya siya at mapatitig sa kisame ay malakas siyang napasinghap. Sarili niya ang nakikita niya.
Salamin. Malaking salamin ang nakatapat sa mismong kama. What a joke! She grimaced in distaste.
Wala sa loob na dinaklot niya ang puting kumot na nakatakip sa katawan niya. Pagkuwa’y niyuko ang sarili. Sa ilalim ng kumot ay hubo’t hubad siya!
Fear gripped her as a sick sense of déjà vu washed over her. Maliban sa pagkakataong iyon ay mag-isa siya sa loob ng silid. Napabangon siyang bigla subalit nanatiling nakaupo sa gitna ng kama. Gustong sumabog ang dibdib niya sa kaba habang pinakikiramdaman ang sarili.
Ang relief na nadama niya ay halos magpahina sa kanya. Maliban sa hubad siya ay wala siyang maramdamang dapat niyang ikabahala.
What happened? Saan siya naroroon? Bakit siya hubad?
Tumayo siya at ipinulupot ang kumot sa katawan. Hindi pa siya nakakahakbang nang sa pakiramdam niya ay parang gumewang ang sahig. Agad siyang napaupong muli. Muling inikot ang tingin sa malaking silid. There were no windows but—portholes!
Napahawak siya sa noo. Agad ang pagbabalik sa isip kung nasaan siya. Na lalo lamang nagpadagdag sa pag-aalala niya.
Nasa isang yate siya. Sa isang pribadong party sa imbitasyon ni Congressman Mendres. Ang ikatlong party na dinaluhan niya sa loob lamang ng dalawang linggo. Ang huli ay sa party ni Frederick kung saan una niyang nakilala ang congressman.
Nasa San Juan siya nang tawagan siya ni Ross mula sa condominium at sabihing tinanggap nito ang imbitasyon ni Congressman Mendres, on her behalf.
“Wala kang karapatang pagpasyahan ako, Ross,” she remembered herself reprimanding him. Hindi siya umuwi sa Pilipinas para lamang ubusin ang panahon sa pagdalo sa mga kasayahan. Ang mismong bagay na kinababagutan niya sa nakalipas na mga taon.
“Ipinagpauna ko na sa iyo ang tungkol sa imbitasyon niya, `di ba?” katwiran nito. “Besides, as far as I know, ako pa rin ang tumatayong manager mo, Shannon. I haven’t received my termination paper, verbal or otherwise. Isang kilalang tao si Congressman. At kung tatanggihan ko siya, it’s bad publicity.”
Napilitan siyang sumang-ayon at ipinangako sa sariling iyon ang huling party na dadaluhan niya.
Mula sa San Juan ay inihatid siya ni Basil sa Maynila nang umagang iyon. Nagpahinga muna siya nang ilang sandali sa condo at pagkatapos nilang magbihis ni Ross ay nag-taxi sila patungong Manila Yacht Club. Mula roon ay isang lantsa ang sumundo sa kanila patungo sa pagdadausan ng party. Ang yate ay nakadaong hindi kalayuan sa Manila Bay.
Nagulat pa siya nang makitang hindi naman ganoon karaming tao ang dinatnan nila sa yate. Marahil ay wala pang labinlimang katao ang naroroon. At nang bilangin niya ay anim lamang silang babae.
Nakangiti si Congressman Mendres nang salubungin sila. While holding her against him possessively, he introduced her around. Naka-freeze na ang ngiti sa mga labi niya. Dalawa sa mga babaeng ipinakilala sa kanya ay mga artista sa pelikula. Duda siya kung matatandaan niya ang mga pangalan ng mga ipinakilala sa kanya. She hated the way men looked at her. Tila ba siya isang masarap na pagkain at ang mga ito ay gutom na gutom.
Wines were served. At habang nakikihalubilo si Ross sa mga naroroon, Congressman Mendres didn’t leave her side.
At nang makita nitong wala nang laman ang goblet niya ay tumayo ito upang kumuha ng alak. Lumakad ito patungo sa bar. Nakita niyang nilapitan ito ni Ross. Ipinagtataka niya kung bakit kailangang magdikit ang mga ulo ng mga ito sa pag-uusap gayong kahit magsalita ang mga ito nang malakas ay hindi maririnig ninoman ang pinag-uusapan dahil magkalalayo ang mga bisita at nagkakatuwaan.
Pagkuwa’y lumingon sa dako niya si Ross. Hindi marahil nito inaasahang nakatitig din siya rito, isang alanganing ngiti ang ibinigay nito sa kanya.
She smiled back. Subalit mula sa kung saan ay may kabang umahon sa dibdib niya. Hindi niya alam kung bakit
“Hey,” nakangiting bati ni Congressman Mendres na hindi niya namalayang nakatayo na sa harap niya. Two goblets in both his hands. “A penny for your thoughts? Ang layo ng iniisip mo, ah.”
Gumanti siya ng ngiti. “It isn’t worth a penny...”
Naupo ito at ibinigay sa kanya ang isang goblet. “You’re not enjoying, I can see it...”
“Perhaps I’m tired. Three parties in a row.” Congressman Mendres laughed sympathetically. “The champagne would make you feel better. Then let’s raid the buffet table. My party’s famous for mouthwatering food. And my caterer’s name remained a secret.”
“I had two shots already, Congressman...”
“Another shot won’t make any difference, Shannon,” he urged, inabot ang goblet sa side table at ibinigay sa kanya. “And call me ‘Henry.’”
Napilitan siyang tanggapin iyon at dinala sa bibig. She sipped a little, at bago pa niya maibaba iyon ay lumapit si Trixia, isa sa mga bisitang babaeng naroroon. Kaabrisete nito ang isang male guest sa party na iyon.
“Henry, darling...” She was smiling. “Papasa ba akong modelo, honey?” Nag-pose ito at matapos titigan si Shannon ay nilingon nito ang kasama na ngumiti at mariing sinang-ayunan ang sinabi nito. Ang sandaling pakikipag-usap ni Congressman Mendres ay sinamantala ni Shannon upang itapon sa katabing halaman ang natitirang laman ng goblet niya. At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niya si Trixia na nakatitig sa kanya.
Inaasahan niyang ibubuko siya nito sa congressman. Sa halip ay isang malakas na tawa ang pinakawalan nito. Sa wari ay ikinaaliw nito ang ginawa niya. O marahil ay marami na rin itong nainom.
Ilang sandali pa ay lumayo na ang dalawa at nawala sa kanyang paningin. She covered her mouth with her hand and yawned delicately.
“I feel sleepy, H-Henry...”
“No problem, honey,” nakangiting wika nito. “Maraming silid ang yateng ito. Gusto mo bang dalhin kita sa guest room upang makapagpahinga muna?”
Guest room! Unti-unti ang paggapang ng kilabot sa katawan niya. Nangyari na ang ganito dalawang taong mahigit na ang nakalipas. Halos pareho ang pangyayari. Ang kaibahan lang, noon ay pinagbigyan niya ang antok.
May kumuha ng empty goblet sa kamay niya
at hinalinhan iyon ng may laman. She couldn’t
remember who. It could be one of the roaming
waiters. Maraming tao. She remembered feeling
so sleepy after the second drink. Siguro tinablan siya ng alak.
One of the guests offered her the guest room. She saw the huge bed but hadn’t used it. Magugusot ang gown niya. Sa halip ay naupo siya sa settee at inihilig ang ulo sa sandalan. Five minutes, she promised herself. She would sleep for five minutes. And then she drifted to sleep. Kung gaano katagal ay hindi niya alam.
Ang sumunod niyang namalayan ay may nararamdaman siyang kamay sa katawan niya. Taking her gown off. At nakahiga na siya sa kama. Nang makita nitong unti-unti siyang nagkakamalay at nanlalaki ang mga mata sa nangyayari ay tinakpan nito ng kamay ang bibig niya.
“Don’t ever try screaming, Shannon. You will only embarrass yourself.”
Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makapag-isip kung susundin ito o hindi. Bumukas ang pinto at sumungaw si Steffanie. Sa una ay tila naestatwa itong nakatitig sa kanila. And then her scream filled the whole mansion.
And now it was happening again! Subalit sa pagkakataong iyon ay pinagsikapan niyang labanan ang antok. Pero bakit siya inaantok? Halos wala naman siyang ininom.
Pagkuwa’y nanlaki ang mga mata niya sa panghihilakbot nang maisip ang maaaring dahilan. May drug ang alak na ibinigay sa kanya! Iyon lamang ang maaaring dahilan.
“N-no! I’ll be fine,” she said, panic rose in her throat. Her eyes searched for Ross. Sa bar. Subalit ibang mga bisita ang naroroon.
Hinawakan ni Congressman Mendres ang braso niya. Inalalayan siyang patayo. She tried to protest. Helplessly, she remembered shouting Ross’ name before she had lost consciousness.
TUMAYO si Shannon. Mabilis na umikot ang tingin sa paligid sa paghahanap sa damit niya. Natanaw niya iyon sa sahig. She turned to pick it up when she heard voices outside the door.
Napalingon siya sa pinto at nagmamadaling humakbang patungo roon. Slowly, she turned the knob. Bahagya lang niyang binuksan ang pinto at sumilip. Ang nakita niya sa hallway ay si Ross at kausap si Congressman Mendres.
“Shannon’s experience with men is limited, Congressman,” ani Ross. “So you see, I want the price doubled.”
Umismid ito. “I was in New York when the scandal happened, Ross. Isa pa, nakakarating dito ang balita. Huwag mo akong gawing tanga. Huwag na nating isama ang iba’t ibang lalaking napaugnay sa kanya. Ang alaga mo ay isang first-class prostitute. First-class, yes. But still a prostitute.”
“Walang nangyari sa eskandalong napabalita, Congressman. Ako rin ang may pakana ng pangyayaring iyon. Hindi inaasahan ni Mr. Moore na darating sa party ang fiancee niya. She went straight to his room when she couldn’t find him downstairs. Isa sa mga photographer ang nakapansin sa kanya at sinundan siya.”
Shannon gasped in horror. Si Ross ang may kagagawan sa eskandalong nangyari sa kanya!
But why?
Money. Siya na rin ang sumagot sa tanong niya. Noong unang mangyari iyon ay ilang linggo nang kinakapos ito ng pera. And Antonia was already more than a month in the hospital. At wala itong mahingian ng pera.
Tulad din ngayon. Ross was broke.
Buong buhay nilang mag-ina ay nag-alaga sila ng ahas! She was literally shaking. From fury and fear. May palagay siyang hindi siya kakayanin ng mga tuhod niya. Napasandal siya sa dingding.
Her mind wouldn’t function. Anumang sandali ay mapapahamak siya sa mga kamay ni Henry Mendres!
Nasa ganoon siyang ayos nang bumukas ang pinto. Bahagya pang nagulat ang congressman nang makita siyang nakatayo at nakasandal sa dingding malapit sa pinto.
“So, you’re awake already,” he said thoughtfully. Sumilip sa labas ng pinto. “Nangako ako kay Ross na hindi ko siya idadamay dito. But seeing you standing here, I presume you heard us talking.”
“I’ll kill him for this!”
Banayad na tumawa si Congressman Mendres. “Forget Ross, Shannon. He’s not important. Hindi ko gustong gawin ito pero binalaan niya akong baka hindi kita mapapayag sa gusto ko.” Inabot nito ang mukha niya subalit marahas niya itong tinabig.
Kumunot ang noo ng lalaki. “You won’t give me any problem, will you, honey?” Pagkuwa’y muling bumalik ang ngiti sa mga labi. Nakangiti ito subalit hindi ang mga mata. Ang narooon ay panganib.
Sa pagkakataong iyon ay hindi nakuhang makaiwas ni Shannon sa mga bisig nito na pumulupot sa kanya. Ang mga labi nito ay tumama sa pisngi niya.
“Hmm... you’re sweet. I like your perfume, honey...”
“P-please, Congressman... nagkakamali kayo,” she pleaded. Iniwas ang mukha rito at nagpumiglas. “Hindi ako katulad ng iniisip ninyo... ng gustong palabasin ni Ross!”
“Kung tama si Ross sa pagsasabing hindi ka gaanong makaranasan, Shannon, then you’re lucky. I’ll make you rich, hija. You don’t have to work. Hindi mo kailangang lumakad sa catwalk para kumita ng kapirasong pera. You’ll get more than you want from me. You’ll jet set around the world. Just be good and nice, okay?”
“You’re... married!”
Tumawa ang congressman. A genuine laughter. “Sa status mo, Shannon, hindi ako makapaniwalang ganyan ka ka-naive.”
“No!” Isang marahas na tulak ang ginawa niya rito. Pagkatapos ay patakbong kumawala. Subalit nahagip ni Congressman Mendres ang kumot na ipinantakip niya sa katawan. Kumalas iyon at humulagpos sa katawan niya.
The congressman gasped as he gazed at her. Ang mga mata nito ay nanlalaki sa paghanga at pagnanasa sa kagandahang nakahantad sa harap nito.
Shannon was shocked. Para siyang batong iniukit sa pagkakatayo sa harap ng matandang lalaki. But she would not cheapen herself by trying to cover her body with her arms.
“You’re... exquisite!” bulalas nito. Marahan itong humakbang papalapit. Sapat upang bumalik sa huwisyo ang isip ni Shannon.
She grabbed the door handle. Binuksan iyon at tumakbo palabas bago pa siya nalapitan ni Congressman Mendres.
Ang natatandaan niya kanina ay sa kanan niya nakitang nagtungo si Ross. She turned left and ran.
“Shannon, wala kang mapupuntahan,” mahinahong wika ng congressman na kasunod niya. “Come back and let’s talk sensibly, hija.”
Sa pagliko niya ay hagdanang bakal ang nakita niya. Nagmamadaling pinanhik niya iyon upang manlumo lamang nang makarating sa itaas.
It was an open deck. The congressman was right, wala siyang mapupuntahan. Nasa gitna sila ng dagat. Tinanaw niya ang karagatan. Wala siyang nakikita kundi kadiliman. Kung may ilaw man siyang natatanaw ay nagmumula iyon sa mga yateng nasa dagat din at ang liwanag na natatanaw niya sa malayo ay nagmumula sa Manila Bay.
Nagulat pa siya nang mula sa likuran niya ay magsalita si Congressman Mendres. Kalmante at nakikiusap ang tinig nito. Subalit nagbabadya ng kalupitan ang mga mata nito.
“Ayoko ng eskandalo, hija. Pero lalong ayokong pinagmumukha akong gago, lalo at may mga business associate akong naririto,” wika nito sa malumanay na tinig. “Isa akong respetadong tao and I am sorry if you are not prepared for this. Come back to the cabin and let’s talk. If you want me to woo you, then I am willing to do so. I’ll buy you everything you want. Car, house, anything... I can afford it, Shannon.”
Gusto niyang maniwalang mapag-uusapan nila ang lahat. Na malulusutan niya ang lahat ng ito kung susunod siya at makikipag-usap dito. Subalit ang katotohanang ginamitan siya nito ng drug at ang pagnanasang nasa mga mata nito ang pumipigil sa kanya.
“Much as I want to see you naked, hindi ka maaaring manatili rito nang ganyan, Shannon,” patuloy nito. “Baka mapanhikan tayo rito ng ilan sa mga guest ko.” Lumakad ito patungo sa kanya.
She panicked. Umikot ang mga mata sa paghahanap ng matatakbuhan. But there was none. Para siyang dagang na-corner sa isang sulok at walang malalabasan.
Humigpit ang hawak niya sa barandilya habang iniaangat ang isang binti pasampa rito.
“Shannon, don’t be foolish!” he warned. Sa pagkakataong iyon ay tumigas ang tinig nito. “Hindi ka makakarating sa Manila Bay. Ang pinakamalapit na malalangoy mo ay ang ilan sa yateng nakapaligid sa atin—”
“Thanks for giving me the idea,” she said and jumped into the cold and dark water.