noveltoon logo noveltoon
The Blue-Eyed Devil (Kristine Series 21)

Chapter 10

Ch. 11 / 23 Feb 15, 2022

Chapter Ten

“S ee WHAT I mean, Shannon?” pagalit na singhal ni Renz na pumutol sa mahabang pag-iisip ni Shannon. “Damn it! What do you have against Steffanie at gusto mong sirain ang pagkatao niya? May nagawa ba siyang masama sa iyo na hindi ko alam?”

Bahagyang napaigtad si Shannon sa galit na nasa tinig nito. Tumingala at wala sa loob na umiling.

“Kung ganoon ay likas lang sa iyo ang manira ng buhay nang may buhay!”

She shook her head in confusion. “H-hindi ganoon, nagkakataon lang ang-—”

“Hindi sinasang-ayunan ng ina ni Steffie si Basil,” putol nito sa sasabihin niya, “sa kadahilanang nag-aalala ang Tita Melanie na isang fortune hunter ito. I don’t like your lover either,” he said with distaste. “For two reasons. First, I agree with Tita Melanie. He could be a fortune hunter. Pangalawa, may nobya na siya pero nagawa niyang pagtaksilan ito. Ganoon man, hindi ko magagawang sabihing lahat kay Steffanie iyan. Masasaktan siyang muli. And she loved this bastard—”

“Basil’s a good man!” mariing depensa niya. “Wala kang karapatang husgahan ang lahat ng tao dahil lamang sa mga maling akala mo.”

“At ang tanging magagawa ko upang tulungan si Steffanie ay ang mawala ka sa sirkulasyon,” patuloy nito na tila hindi siya nagsalita. “At sa muli mong pagbabalik sa sirkulasyon, titiyakin kong hindi ka na pagkakaabalahang kausapin man lamang ni Basil.”

Tumaas ang mukha niya rito. “At papaano mong gagawin iyon? Sirain ang reputasyon ko?” One corner of her lips twitched derisively. “Well, Mr. Navarro, I don’t have one. Sinabi ko na sa iyo noon pa man, wala akong pakialam sa mga isinusulat ng mga reporters sa akin. And I don’t even have a family to think about.”

Sa isang mahabang sandali, isang napopoot na titig ang ibinigay sa kanya ni Renz. “Walang taong walang kahinaan, Miss de Asis. I promise I’ll find yours,” banta nito. “At sa sandaling malaman ko iyon, I’ll shred you to pieces.” Pagkasabi niyon ay humakbang ito patungo sa kinabagsakan ng susi, dinampot iyon at lumakad patungo sa pinto.

Dinampot ni Shannon ang kauna-unahang bagay na natuunan ng mga mata niya—ang figurine na malapit sa TV rack at ibinato iyon kay Renz.

Husto namang binuksan nito ang pinto at doon tumama ang figurine. May ilang sandaling tinitigan ni Renz ang nagkapira-pirasong figurine sa sahig bago ito nag-angat ng paningin. Tila naglalabas ng apoy ang mga mata nito sa pagkakatitig sa kanya.

Tumiim ang mga bagang nito. “If it takes another figurine of that kind to keep Steffanie from getting hurt, then it’s worth the trouble, Shannon.”

But she was so angry herself to care. “Pagsisisihan mo ang bawat araw na ipipigil mo sa akin sa islang ito, Navarro!” she cried furiously. “I’ll make every minute of it a living hell for you!”

“It already is, Shannon. The first time I laid eyes on you.”

ILANG sandali nang wala si Renz subalit nanatili siyang nakatitig sa pintong nilabasan nito. Pagkuwa’y dahan-dahang bumaba ang mga mata niya sa sahig. Umangat ang kamay niya patungo sa bibig upang pigilin ang pagsinghap.

Sa stone flooring ay ang nagkapira-pirasong figurine. At hindi niya mapaniwalaang nagawa niyang ibato iyon. Hindi siya kailanman naging marahas sa buong buhay niya. She had always been a very submissive woman. She couldn’t believe she would want to hurt the man.

In fact, wala siyang natatandaang nagalit siya nang ganoon. Ang emosyon niya ay itinatago niya sa sarili. Subalit mula nang magkatagpo sila ni Renz Navarro ay parang bolang apoy sa dibdib niya na kumakawala ang mga damdaming hindi niya alam na taglay niya.

Marahan siyang humakbang patungo sa nabasag na figurine. Tumalungko sa sahig at dinampot ang isang malaking tipak. She was sure it was very expensive. Nothing about the Navarros were cheap.

Subalit nang sipatin niya ang hawak na piraso ng figurine ay napaungol siya. Dahil hindi lamang iyon mamahalin kundi isa pang antique. Natitiyak niya iyon. It looked like the kinds she had seen in New York museums. Isa pa, ano ang gagawin ng figurine na iyon sa silid ni Renz Navarro kung iyon ay walang halaga .

At binasag niya iyon. Hindi nakapagtatakang matagal nitong tinitigan ang nabasag na figurine. It must have been priceless.

Puno ng panlulumo at pagsisising isa-isang dinampot ni Shannon ang mga piraso ng nabasag na figurine at inilagay sa isang tabi.

Pagkatapos ay tumayo siya at lumabas patungo sa unang pintong nilabasan niya kanina. Wearily, she filled her lungs with sea air.

Matagal siyang nakatitig sa karagatan subalit ang isip niya ay naglalakbay. Hanggang kailan siya mananatili sa islang iyon? Natitiyak niyang nag-aalala na si Basil. At marahil ay si Tiya Guada.

Basil trusted her... believed in her. Subalit hindi siya nakatitiyak pagdating kay Tiya Guada. Hindi niya gustong mag-isip ito nang masama. Sa mga collection nito ng glossy magazines ay naroroon ang ilang hindi magandang artikulo sa kanya. Hindi deretsahan, subalit ang mga pahiwatig ay kasinlinaw ng tubig sa batis. And some write-ups seemed harmless but it left the readers imaginations to run wild.

At kung ganitong halos dalawang araw na siyang nawawala at hindi alam ng mag-ina kung nasaan siya, kinatatakutan niyang baka mag-isip nang hindi maganda si Tiya Guada. Na baka isipin nitong hindi malayong may katotohanan ang mga balita sa kanya. At mahihirapan si Basil na pagtakpan siya sa ina.

She sighed. Tahimik ang paligid at ang karagatan maliban sa banayad na hampas ng mumunting alon sa batuhan. Nagsasayaw ang mga sanga ng mga punong-kahoy sa saliw ng hanging-amihan.

Her eyes searched for a port. Subalit wala siyang makita. Kahit ang yate ni Renz ay hindi niya natatanaw sa dagat. Gaano sila kalayo mula sa daungan ng isla?

Paano siya makakatakas sa lugar na iyon?

Niyuko niya ang ibaba. Ang lighthouse ay nakatayo sa isang solid rock-mass. Natitiyak niyang mapanganib para sa isa kung mahuhulog ito mula sa parola dahil gugulong ito sa malalaki at matutulis na batong-limpak.

Binaybay niya ang paligid ng octagonal lighthouse at napuna niyang sa isang bahagi ng parola sa ibaba ay bubungan ng isang tila maliit na bahay. Kadikit mismo iyon ng parola. She got curious and went back inside. Tinungo niya ang pintong nilabasan ni Renz at binuksan iyon. Tulad ng inaasahan ay natambad sa kanya ang isang spiral staircase.

Hindi siya nag-atubiling babain iyon. It took her five minutes or so before she reached the ground floor. Sa ibaba ay isang maliit na living room. Ang kasangkapang naroroon ay sapat lang upang mag-accommodate ng ilang bisita. Nothing luxurious. Luma at rough benches ang naroroon na yari sa mahusay na uri ng kahoy. At sa ilalim ng center table ay isang rug.

There were two doors. Ang sa kanan niya ay malamang na palabas ng parola at kahit hindi niya subukang buksan iyon ay nasisiguro niyang nakakandado iyon. She was a prisoner in this lighthouse. Tinalo pa niya si Rapunzel.

“Bastard,” she uttered angrily. Tears welling in her eyes but she blinked them back. Hindi niya pagmumukhaing kawawa ang sarili.

Lumakad siya patungo sa pinto sa kaliwa at binuksan iyon. Tama ang hinala niya. Naroroon ang kusina. Isang kumpleto at modernong kusina. Maaliwalas at ang tanging bahagi sa kabuuan ng parola na may pintura.

The walls and ceilings were painted in white. Contrast iyon sa black granite counter. The four-door wall and counter cabinets were in natural varnish.

Bago ang bahaging iyon ng parola at marahil ay sadyang ipinagawa ni Renz nang madesisyunan nitong doon mamalagi. May bintana sa tapat ng lababo at lumakad siya patungo roon. Mula sa bintana ay mga naglalakihang puno ang natatanaw niya. At may ilang punong may nakakapit na mga wild orchids sa iba’t ibang kulay.

Humakbang siya patungo sa nakasarang pinto na bagaman alam niyang hindi iyon mabubuksan ay sinubukan pa rin niyang pihitin ang seradura. Naturally it was locked from the outside.

“The son of a bitch!” nanggigigil niyang sabi. She wanted to scream in frustration. She took deep breaths. Kinalma ang sarili at pilit pinaging-resonable ang takbo ng isip.

Renz Navarro had this fierce love for his family. Iyon ang dahilan kung bakit naroroon siya. Upang protektahan si Steffanie mula sa kanya. At ang pagtatangka ni Congressman Mendres sa kanya ang naging daan upang magawa ni Renz ang marahil ay plano na nitong gawin sa kanya, una pa mang magkita sila sa party ni Frederick.

Hindi niya masasabi kay Renz ang dahilan kung bakit sumampa siya sa yate nito kaninang madaling-araw. He would never believe her. Vanessa would soon be a member of the Navarro family. At napakadali para kay Congressman Mendres na baliktarin ang mga pangyayari. At wala siyang magagawa.

Kailangan niyang pag-isipan kung paano makakaalis sa islang iyon.

“ANO ITONG nabanggit ni Lemuel na may dinala kang babae sa parola?” tanong ni Alvaro kay Renz habang nasa harap sila ng mesa para sa tanghalian.

Tumiim ang mga bagang ni Renz. “I’ll kill Lemuel for this.”

“`Pa, kailangan pa bang itanong iyan?” nakangiting wika ni Nayumi. Nasa mga mata ang panunukso habang sinulyapan ang pinsan.

“Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagdala ka ng babae sa lighthouse, hijo. Kahit si Vanessa ay hindi mo dinala roon.”

Nagkibit ng mga balikat si Renz. “Her name’s Shannon de Asis...” Sinulyapan niya si Nayumi na nahinto ang pagsubo nang marinig ang pangalan. “Does the name ring a bell, Naya?”

“The supermodel! Yes!” she said excitedly. “Gosh, Renz, I wanna see her in person. Gusto kong makita ang poetic description ng press sa kanya. Innocent eyes... sensual mouth... oh, dear!” She stopped bubbling and stared at her cousin.

“Dinala mo siya sa private lair mo!” Kumislap ang mga mata nito nang marehistro sa isip ang ginawa niya. “Kayo na ba? You’re fast, man! Kararating lang niya mula sa New—” Nayumi stopped in midsentence. Ang excitement ay nahalinhan ng kalituhan. “I don’t understand. Hindi ba at kagabi ang party sa yate mo? Party ninyo ni Vanessa? Paano nangyaring nasa parola si Shannon?”

Umiling si Alvaro. “We’ve had our days, Lawrence, kami ng p apa at Uncle Nick mo. But I couldn’t remember having kept two women at the same time... in one place. Mag-ingat ka at baka mapasubo ka niyang ginagawa mo,” paalala nito, dry amusement lit his eyes.

Tinapos niya ang pagkain. Inabot ang baso ng tubig at uminom. “Mali kayo ng iniisip, Tito Alvaro. Ang pagdating ni Shannon sa yate ay hindi ko inaasahan...” Sa pahapyaw na salita ay ikinuwento niya sa mag-ama ang pangyayari. Bagaman nanatiling hindi nagkokomento si Alvaro ay nasa mga mata naman nito ang curiosity.

“At hindi niya sinabi sa iyo kung ano ang nangyari sa kanya?” tanong ni Naya sa bahagyang nag-aalalang tinig.

Umiling si Renz at sa matabang na tono ay, “Wala siyang sinasabi. Pero natitiyak kong pinlano niyang languyin ang patungo sa yate ko. And I must admit, she is somehow very original.”

Nayumi rolled her eyes. “Cousin, I know you’re gorgeous. I also know women go crazy for you... pero hindi ba kayabangan naman yatang i-assume na nilangoy ni Shannon ang pagtungo sa yate mo para lang makatagpo kang muli?”

“Ano, kung gayon, ang dahilan niya kung bakit basta na lang siyang lumitaw sa yate mula sa kung saan?” he said. “You’re too naive if you think she happened to be there by accident.”

“It’s not naïvete, Renz, but sensibility,” ani Naya na umasim ang mukha. “I haven’t known you to be an egotist. Naiimpluwensiyahan na ba ng mga babaeng nagkakandarapa sa iyo ang pagiging rational mo?”

Kumunot ang noo niya. “Ano ang gusto mong sabihin?”

“Tiyak na may malaking dahilan kung bakit sumampa siya sa yate mo. Sabi mo nga, sinabi niyang hindi niya alam na yate mo iyon. Well, I believe her!” She said the last sentence with firmness.

Renz opened his mouth to say something but Naya beat him to it. “Ang isang katulad ni Shannon ay hindi kailangang gawin ang iniisip mong ginawa niya makalapit lang sa iyo. For goodness’ sake, risking her life for that matter! Palawakin mo ang isip mo, Renz. She could have been assaulted—”

“Assaulted?” putol niya, disdain in his voice. “You’ve been watching a lot of television series, Naya. Not Shannon. She knew how to manipulate men.”

“Alam kong nagagalit ka sa kanya dahil sa nangyari kay Steffie. But why put the blame on Shannon alone? Hindi ba dapat na higit na pagtuunan ng galit at sisi si Jeffrey Moore? Hindi siya naging tapat.”

“May katwiran si Naya, hijo,” sang-ayon ni Alvaro na nagsalita sa unang pagkakataon tungkol sa pinag-uusapan. Dinampot ang linen napkin at pinunasan ang bibig at pagkuwa’y tumayo na. “Kung ang pagbabatayan ko’y ang excitement sa mukha ni Naya, this woman’s a celebrity and thus, beautiful, isn’t she?”

Bahagya nang tumango si Renz.

Nagpatuloy si Alvaro. “Kung ganoon, sa status niya, hindi niya kailangang maghanap ng mayayamang lalaki.” Alvaro shrugged. “For all you know, tama si Naya. Pero kung ano man ang dahilan ng pagsampa niya sa yate mo, send her back home, hijo. At maiwan ko na kayo at babalik pa ako sa tubuhan. May kausap akong darating ng ala-una y media.”

Bahagya nang sinundan ng tingin ni Renz ang palabas na tiyuhin. He was staring at his cousin with thoughtfulness. Nayumi was making sense. At bago pa siya makapag-isip ng sasabihin ay dinugtungan nito ang sinabi.

“Isa pa, dalawang taon na mula nang mangyari iyon. Steffie has recovered. The last time we talked she was telling me about this new guy she met months ago. She was so ecstatic and I guess she’s in love. At ang party sa makalawa, hindi ba para sa announcement ng engagement niya?”

Nahinto sa pagmumuni-muni si Renz sa sinabi ng pinsan. Muling tumiim ang mukha. “Well, Naya, listen to this: Steffie’s new found love is also Shannon’s current lover.”

“What?”