Chapter Nineteen
“A RE YOU sure this is the right town?” tanong ni Renz kay Steffanie nang makalampas sila sa arko ng San Juan. Hindi niya pinayagan si Steffanie na tawagan si Basil upang iabiso ang pagtungo nila roon. Kung naroroon si Shannon, hindi niya gustong makapagtago ito.
“I’ve been here, Renz. I’ve met her mother, a retired teacher. Dapat ay nasa party si Mama Guada subalit nang gabing iyon ay sinumpong ng nervous breakdown kaya nga halos magkasabay lang kayong dumating ni Basil nang gabing iyon sa party.” Biglang kumunot ang noo ni Steffanie. “Bakit natin hahanapin sa bahay nina Basil si Shannon?”
Nagbuntong-hininga si Renz. Hindi rin niya kayang sagutin iyon. Pero may hinala siyang masasagot ni Basil ang tanong na iyon.
“You love her, don’t you?” wika nito makaraan.
“Yes. I love her, Steffie. I’m sorry, but what happened two years ago between her and Jeffrey was—”
Umiling si Steffanie. “No, Renz. It wasn’t Shannon’s fault. Nang hindi gusto ni Jeffrey na dumalo ako sa party ay nabahala ako. Sa loob ng ilang araw ay wala siyang bukambibig kundi si Shannon. Iyon ang dahilan kung bakit tinawagan kita upang samahan ako sa mansiyon niya...”
Nilingon ito sandali ni Renz bago muling itinuon sa daan ang pansin. “What are you talking about?”
“May hinala akong nilagyan ni Jeffrey ng drug ang alak niya.”
“What!” Muli siyang napalingon sa pinsan. Someone drugged my wine, Renz...
Nagsasabi ng totoo si Shannon! His anger almost overpowered him. “And you let us all believed that Shannon broke your engagement? And you let the whole world believed that she was a tramp?”
Steffanie shivered. She had never seen Renz this angry. “P-please pull over,” nahihintakutang sabi nito. “Baka maaksidente tayo... o makaaksidente ka. Let me explain.”
Marahas nitong kinabig sa gilid ng daan ang sports car at nagpreno. Kung wala ang seat belt ay malamang na sumubsob sa dashboard si Steffanie.
“It had better be good, Steffie, or you’ll—”
“Oh, Renz, please, don’t scare me,” she said fearfully. “I’m sorry I didn’t say anything about it during that time.” She sobbed. “Ginawa sa akin ni Jeffrey ang ginawa niya kay Shannon...”
“Ano ang ibig mong sabihin?” The dangerous tone made Steffanie cringe.
“I was so helpless, Renz. I couldn’t tell the family. I was so ashamed of myself because I gave him the chance to do that to me. Nagpakita ako ng motibo. I really had a crush on him during those time. And it was too late to do the right thing. I threatened to use family connection if he didn’t marry me.
“He knew Franco had friends that could ruin his career. He talked to Mommy and offered marriage, Iyon ang ikalawang pagkakamali ko, it made him so angry he wanted to physically hurt me but couldn’t, dahil makikita ng lahat iyon. He dated other women, harap-harapan. Then he introduced me to drugs.” Renz swore savagely.
“That night, I...I tried to warn Shannon. We had started to like each other already. I knew she wasn’t like me. Hindi siya nagpapakita ng interes sa kahit na kaninong lalaki. Napakadali para sa kanyang ipagtabuyan ang mga ito. Pero wala siyang laban kay Jeffrey dahil hindi niya alam ang plano nito...
“Nang dumating tayo sa mansiyon, we were too late. At hindi ko magawang sabihin ang katotohanan nang hindi ko maihahantad ang kahinaan ko... ang sarili kong kahihiyan. So I let everyone believed she was to blame. I got hook with drugs all the more because I felt so guilty.” Nagtuloy-tuloy ang iyak nito. Humugot ito ng tissue mula sa tissue box at nagpahid ng luha. “I know Shannon was strong and could take care of herself. She really did make it despite the nasty rumors. It made her so famous some of the guilt was taken off me.” Tumingala ito sa kanya. “I’m so sorry, Renz. I’m so sorry.”
Kinabig niya ang pinsan at dinala sa dibdib. “Hush. Kung hindi dahil sa iyo, baka nga napahamak si Shannon...”
Nagtuwid ng katawan si Steffanie sa narinig. “Ano ang ibig mong sabihin?”
“We weren’t late that night.”
Her eyes grew wide. “P-paano mong nalaman?”
“Trust me, Steffie,” he said and smiled at her. Muling pinaandar ang makina ng sasakyan.
“AYON sa Mama ay narito siya kaninang umaga pagkaalis ko patungong patahian. Subalit hindi siya nagtagal at umalis din kaagad,” ani Basil, lumalim ang kunot sa noo. “Noong gabi ng party ni Frederick ay nakita ko kayo ni Shannon sa hardin na nag-uusap bagaman galit na galit ka. May hinala na akong magkakilala kayo dahil itinuro ka niya nang mas maaga pa nang gabing iyon. I just didn’t push her that night.
“Nang umagang itawag mo sa akin na magkasama kayo ni Shannon matapos ang pagtatangka sa kanya ni Congressman Mendres ay bahagyang napanatag ang loob ko. She said something about being safe on the previous night... and I believed her.”
“It’s all my fault. I thought you were lovers...”
“Lovers?” Basil was genuinely surprised. Hindi nito malaman kung matatawa o mamamangha. “Hindi pumasok sa isip ko na may mag-iisip nang ganoon sa amin ni Shannon.”
“Sa party rin ni Frederick... I saw you both at the garden. Nakayakap siya sa iyo, ganoon ka rin sa kanya.” Renz feeling like a fool, gritted his teeth. Si Steffanie na kumunot ang noo ay akmang sisitahin ang kasintahan subalit iwinasiwas ni Renz ang kamay upang awatin ito.
“Iyon ang isang dahilan kung bakit dinala ko siya sa isla,” he confessed. “I want her to be out of your and Steffie’s way. Ayokong sa ikalawang pagkakataon ay masira ni Shannon ang buhay niya—iyon ang akala kong ginawa niya noong una.”
“Hindi gagawin ni Shannon iyon.” May diin ang tinig ni Basil.
“I know that now.” His voice filled with regret and pain that Basil was momentarily perplexed.
Then Basil said, “Don’t worry about her, Renz. Shannon will be fine. She’d survive the storms in her life.” Kumislap ang pagmamahal at pagmamalaki sa mga mata nito.
But would I? Tumayo siya at lumakad patungo sa balkon at tumingin sa nagtatayugang mga puno ng niyog, but he was seeing none of those tall coconut trees but Shannon’s image.
“Tell me about your relationship with Shannon,” aniya, nanatiling nakatitig sa kawalan. “She said you are a special friend and she’d do anything for you.” Noon siya lumingon. Tinitigan si Basil. Then he admitted with reluctance, “Pinagselosan kita. And I was so angry with you I could kill you with my bare hands. You are engaged to Steffie and yet keep Shannon at bay for your physical needs... or so I thought.”
“Oh, Renz.” Puno ng simpatya ang tinig ni Steffanie.
His pain must be obvious because Basil was rendered speechless.
“I went nuts everytime my mind conjured images of you together. Iyon ang dahilan kung bakit ako na mismo ang may gustong makasal kayo ni Steffie kaagad.” Isinuklay nito ang mga daliri sa buhok. “My g od, what is so special about this friendship that she swallowed all my insults?”
Naghihintay ng sagot si Renz subalit umiling si Basil. “She is special, Renz. I hope you can believe that.”
“Bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo, Basil?” ang tinig mula sa loob ng kabahayan na nagpalingon sa tatlo. Si Guada at pinagugulong ang wheelchair palabas sa balkonahe.
“`Ma, bakit ka lumabas?” Agad na tumayo si Basil patungo sa ina at inalalayan ito subalit tinabig ni Guada ang kamay ng anak.
“Huwag mo akong gawing inutil, Basil. Malakas pa ako at kaya ko ang sarili ko. Aabutan ko pa ang paglaki ng mga apo ko.” She smiled fondly when Steffanie kissed her cheek. “I’m sorry I didn’t make it to your party. Sinumpong ako ng sakit ko. Nag-alala ako nang hindi umuuwi rito si Shannon.”
“Dito umuuwi si Shannon?” Hindi makapaniwalang humakbang palapit kay Guada si Renz.
“Mama, siya ang pinsan kong si Renz. Renz, ang Mama Guada,” pagpapakilala ni Steffanie.
“Pleased to meet you, m a’am.” Iniabot nito ang kamay kay Guada na tinanggap naman nito.
“Kung ikaw ang dahilan kung bakit magpa pakasal agad ang dalawang ito ay nagpapasalamat ako sa iyo, hijo. Kung ang anak ko ang masusunod, gusto niyang maging milyonaryo na muna bago pakasalan si Steffanie. That made me so hopeless. At sa tanong mo, yes, dito nakatira si Shannon mula nang dumating siya sa Pilipinas.” Pagkuwa’y tiningala ang anak. “Now, Basil, may itinatanong sa iyo si Mr. Navarro.”
“Mama, sinabi ko na sa kanilang si Shannon ay—”
“Pinsan mo.” Tinapos nito ang sinasabi ng anak.
Pare-parehong natilihan ang tatlo. Renz went rigid. Tinitigan niya nang husto ang matandang babae.
No one spoke for a longer while. Basil recovered first.
“You knew?” manghang sabi nito. “You knew all along?”
“What do you take me for, Basil? An old senile woman? Matagal kong hinintay na sabihin mo sa akin ang totoo. Gusto kong sa iyo manggaling pero nakikita kong mamamatay akong hindi mo ipaaalam sa akin ang lihim na matagal ko nang alam.”
“Ikaw ang inaalala ko, Mama...”
“You worry about me too much,” Guada said with a sigh, nilingon si Steffie. “Iyan ang dahilan kung bakit hindi agad nakaisip mag-asawa itong anak ko, hija. But I’m glad he waited this long.” She smiled warmly at Steffanie, then her eyes moved to Renz’s direction. “Now, Basil, tell this gorgeous man here the circumstances of Shannon’s birth.”
Tila may malakihg bato ang natanggal sa dibdib ni Basil. Isang maluwag na paghinga ang pinakawalan nito. Ginagap nito ang kamay ni Steffanie at naupong muli.
“I truly love Shannon, Renz,” ani Basil sa marahang tinig. “She is the sister I never had. Yet I am overwhelmed by the kind of love she has for me... for us...” Nilingon nito ang ina na nagbuntong-hininga. “Nakahanda siyang isakripisyo ang sarili para sa amin ni Mama, hindi lang dahil sa pagmamahal kundi kasama na roon ang pagtanaw ng utang-na-loob at ang katotohanang alam niyang anuman ang mangyari ay narito ako at handang dumamay.”
“Ano ang utang-na-loob niya sa inyo?” Renz snapped. “Your mother said you were cousins. Bakit kailangang ipaglihim iyon? Bakit kailangang tanggapin ni Shannon ang masasakit na salitang inaakusa ko sa kanya nang dahil lang sa utang-na-loob na sinasabi mo?” he asked furiously. Ang galit ay higit na para sa sarili kaysa kung kanino man.
“Shannon’s protecting me,” ani Guada, “sila ni Basil.”
“From what?” Ang tanong ay nagmula kay Steffanie.
Tumingin si Basil kay Renz. He sighed. “Shannon’s father was my father’s first cousin—and my mother’s second husband. Shannon was illegitimate. Produkto siya ng kataksilan ni Tiyo Felix sa Mama...”