Chapter Fourteen
T HE ROOM that was assigned to her was huge and a picture of elegance and luxury. It was wallpapered in soft beige. May dalawang painting na nakasabit sa isang bahagi ng dingding. The painter was unrecognizable, but the artist in her noticed the work of arts and for a moment she wished she could paint nearly as good.
Matapos ang ilang sandaling pagtitig at pagsuri sa painting, bumaba ang mga mata niya sa suede sofas at sa mamahaling rug na nasa sahig.
Nang madako ang mga mata niya sa queen-size brass bed, agad na nanumbalik ang pagod at puyat na naramdaman niya kanina sa drawing room. Mula nang dumating siya sa parola ay wala siyang itinulog na maayos. Gusto niyang maidlip kahit kalahating oras.
She took her jeans off leaving only her T-shirt and panties. Hinayaan niyang bumagsak ang mga iyon sa sahig. Pagkatapos ay nag-dive sa kama at dumapa sa malaki at malambot na unan. She was too tired she had fallen asleep in seconds.
Mahinang katok sa pinto ang nagpakislot sa kanya. At bago pa siya magkaroon ng pagkakataong bumangon ay bumukas ang pinto at pumasok si Renz. Napabangon siya at naghagilap ng kumot na maipantatakip sa katawan niya subalit walang kumot sa kama. She tried the pillow.
“Don’t bother, Shannon,” wika nj Renz. “Nakita ko nang lahat iyan, remember?” Humakbang ito palapit.
Sandaling natilihan si Shannon. At nang marehistro sa isip ang sinabi nito ay ibinaba ang unan. “On the contrary, you’re right. At dahil guest mo lang naman ako sa bahay ninyo, wala akong karapatan sa kapirasong privacy,” she said in a voice dripping with sarcasm. Tumayo, tilting her head proudly.
Renz stared at her as if in trance. Barefooted, humakbang siya patungo sa kinaroroonan ng pantalong maong. Her hair was messed up. Then his eyes slid down her body. She wasn’t wearing a bra. Naka-outline sa nagusot na T-shirt ang nipples niya. Ang T-shirt ay bahagya lang umabot sa garter ng panties. And he had a full view of legs that were as long as endless as he had remembered.
“Maraming beses akong kumatok,” sagot nito, swallowing an imaginary lump. “At nang hindi ka magbukas ay minabuti ko nang pumasok. Alas-sais na ng gabi at—”
“Alas-sais!” Napatingin siya sa relo sa tabi ng lampshade at napaungol nang makitang tama ito. Halos apat na oras siyang nakatulog.
“I... I didn’t mean to sleep that long,” aniya, feeling a little bit guilty.
“It’s okay. Sa nakalipas na dalawang gabi’y pareho tayong walang gaanong itinulog.”
Hinawi niya mula sa mukha ang ilang kumawalang hibla ng buhok. Niyuko niya ang blue jeans at akmang dadamputin nang muling magsalita si Renz.
“Leave it,” utos nito. “Here...” Ibinaba nito sa ibabaw ng kama ang dalawang shopping bag na may logo ng isang mamahaling brand.
Kumunot ang noo niya. “What’s that? Panibagong ipahihiram?” she taunted.
“This is yours. I had this bought for you. Tinawagan ko ang Mama sa parlor kanina at ipinabili ko. Itong isang bag ay tatlong sukat ng high heels. Mamili ka ng kasya sa iyo. Isasama kita sa party ngayong gabi.”
“Wha—what!” Nanlalaki ang mga matang napatuwid siya ng tayo. “Isasama mo ako sa party?”
“At may isang oras ka para mag-ayos.” Inginuso nito ang built-in dressing table. “Kompleto ang makeup na nariyan. Push the mirror and behind are shelves filled with perfumes. Wear anything you fancy.” Pagkasabi niyon ay akma itong tatalikod upang lumabas.
Subalit bago ito makahakbang patungo sa pinto ay naroon na ang kamay ni Shannon sa braso nito. “Wait a minute!”
Nang humarap si Renz ay muntik na silang magkabungguan. Napaatras siya ng isang hakbang at binitiwan ang braso nito. “Tama ba ang narinig ko? Isasama mo ako sa party ni Steffanie?” Tumango ito. His eyes on her.
“I thought you wanted me to stay away from Basil. At paano si Steffanie kung makita niya ako sa mismong party niya?” My g od, much as she wanted to see and talk to Basil, hindi niya kayang masira ang party ng dalawa dahil sa presensiya niya.
When the scandal happened, sinabi niya iyon nang pahapyaw kay Basil sa mismong pag-uwi niya ng apartment. Iyon ang mga panahong kung wala ang tiwala at encouragement nito ay malamang na hindi niya iyon nakayanan. Subalit hindi alam ni Basil kung sinong partikular na babae ang involved dahil mas na si Jeffrey Moore ang involved.
“Nakausap ko na si Steffie.” Ang tinig ni Renz ang pumutol sa daloy ng isip niya. “Sinabi kong may kasama ako. Hindi ko sinabing ikaw. At kung magkakaharap kayo, she’d be civil and polite. Hindi niya gustong masira ang gabi ng engagement party nila.”
“This is ridiculous!” She stomped her foot. “Ayokong sumama,” she said churlishly.
“I want you to be at the party, Shannon. Gusto kong makita ang magiging reaksiyon ni Basil sa sandaling makita ka. The presence of his ex-lover on his engagement night.” The blue eyes blazed angrily. “Sinabi ko sa kanya sa telepono na magkasama tayo ng ilang araw sa isla. Hindi siya istupido para isiping nagtitigan lang tayo sa loob ng dalawang araw.”
Hindi niya alam kung ano ang iisipin ni Basil sa bahaging iyon. Pero hindi iyon ang importante. “Don’t do this, Renz,” pakiusap niya. “Kakausapin ako ni Basil, natitiyak ko. Dahil nag-aalala siya sa nangyari sa akin. Not because we are lovers but...”
“But as what, Shannon?”
“As a... friend!” she screamed desperately. “If you were my friend—”
“You can’t be my friend.” Umangat ang mga kamay nito at mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat niya. “Because I won’t even think of tearing my friend’s clothes and make love to her until we’re both senseless. Dahil sa sandaling ito ay iyan ang gusto kong gawin sa iyo!”
At bago pa makapag-react si Shannon sa sinabi nito, his arms went around her and gathered her against him as his lips closed over her. At ang munting ungol ng pagkamangha ni Shannon ay nakulong sa mga labi ni Renz.
Stunned, she gripped his biceps for balance, but Renz was too big and too heavy that she lost it. Bumagsak silang pareho sa kama, Renz on top of her.
Shannon was helpless as he stroked her mouth mercilessly. At wala siyang kakayahan upang pigilin ito sa ginagawa. Alam niyang anumang sandali ay mangyayari iyon. Alam niyang ang sexual tension na namamagitan sa kanila sa tuwing nagkakalapit sila ay nakatakdang sumabog anumang sandali.
Ang hindi niya inaasahan ay ang tahasang pag-amin nito. Somehow, it pleased her. Sapat upang ang sariling damdamin ay kumawala. She sipped at his lips, flirtatiously eluding his mouth when it tried to catch hers.
Renz groaned. He adjusted his body so he could lift her face with his hand, then caught her lips with tethered violence. He swept her mouth with his tongue intent on conquest. He plundered and delved deeply.
Tuluyan nang nakalimutan ni Shannon ang anumang bagay na nakapagitan sa kanila. She had wanted this. Wanted him. Wanted his hands moving over her body, her breasts, tulad ng ginagawa nito ngayon. And she was touching him back, ang mga kamay niya ay nagmamadali sa pagdama sa dibdib nito na para bang kailangang samantalahin niya ang bawat sandali.
His body hardened. Tila bakal. The pleasure-pain she felt made her whimper. She moaned and dug her hands into his hair.
Ang bawat isa sa kanila’y hindi malaman kung papaano damhin ang katawan ng bawat isa. The carnal desire was beyond control.
“Oh, you’re sweet... sweet...” His voice was soft as velvet. His mouth moved down to her throat and licked the soft flesh while his fingers moved down to the strip of white lace that hid the feminine delta between her thighs.
Shannon bit his bottom lip. Arched her body for his searching fingers. She was melting, surrendering. Nang bigla ay huminto sa ginagawa si Renz at kumawala. Shannon moaned in frustration.
“Sshh...” wika nito at lumingon sa may pinto. Ang katok na marahil ay ilang beses nang inulit ay narinig ni Renz kasabay ng pagtawag ng katulong. “Ano ang kailangan mo, Elma?” Sinikap nitong lagyan ng awtoridad ang tinig na namamaos pa sa pagnanasa.
Mula sa labas ng pinto ay sumagot ang katulong. “Pinasasabi po ni Ma’am Billie na hindi siya makapaghihintay at mauuna na raw po sila...”
Pabagsak na inihiga ni Renz ang katawan sa kama. Closed his eyes tightly. Unti-unti niyang pinuno ng hangin ang dibdib, sinisikap pawiin ang natitirang alab ng damdamin.
Shannon could hear the maid’s retreating footsteps. Pagkatapos ay sinulyapan niya si Renz na tumaas-baba ang dibdib. Nakabukas ang polo nito at may dalawang butones ang natanggal. She groaned silently in shame. Alam niyang kagagawan niya iyon.
She was stunned, horrified. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nalilitong itinaas niya ang dalawang binti at niyakap ang mga iyon at iniyuko ang ulo sa pagitan ng mga tuhod.
Ano ang ginawa niya? She responded to his lovemaking like a wanton. Kung wala ang katulong ay baka kung saan na natuloy ang ginawa nila. At ano ang iniisip ng mga magulang ni Renz na hindi agad ito lumabas ng silid?
Lalo lang niyang pinatunayan dito ang masamang pagkakakilala nito sa kanya. Her small consolation was his admission of his own uncontrollable lust.
BUMANGON sa pagkakahiga si Renz at tinitigan si Shannon. Her dishevelled hair covered her face. She was like a lost child. Itinaas niya ang kamay upang kabigin ito at dalhin sa dibdib niya. But his hand froze in mid-air. Hindi nito kailangan ng comfort mula sa kanya. Sanay ito roon.
His face grim as thoughts of men who had made love to her filled his mind. He stood up disgustedly. Lumakad patungo sa pinto.
“Hihintayin kita sa ibaba,” he said coldly. Tuloy-tuloy siyang lumabas ng silid.
Sa sariling silid ay nilunod niya ang sarili sa malakas na shower, hating himself at the same time. What happened to him? He behaved like a sex maniac. Desire, hot and rampant filled him when he entered her room and saw her wearing only her panties and hanging blouse. May pakiramdam siyang sasabog siya kung hindi niya ito mahawakan, mahagkan, at madama.
And my god, he didn’t want to stop. Sinisikap niyang alalahanin sa sarili kung may pangyayari sa buhay niyang kumilos siya nang ganoon sa isang babae.
No. It never happened to him.
He had never lost control as he did moments ago when his whole being had been under carnal rule and to hell with all else.
Woman. Since the beginning of time had been a man’s downfall.
He cursed himself.
NASA daan na sila nang magsalita si Renz. “I couldn’t believe my mother bought that dress for you,” he said disgustedly. Sandali nitong muling hinagod ng tingin ang suot niya. Black silk, closed-necked, long-sleeved na ang dulo ay bias-cut ruffles. Ang haba ay ilang pulgada makalampas mula sa tuhod niya. Ibinalik niya sa daan ang mga mata at umiiling na, “You look like Morticia Addams.”
Sa kabila ng lahat, Shannon burst out laughing. “We both know why. Your mother hates me. At hindi niya gustong makakuha ako ng atensiyon ngayong gabi.”
She was right. And he couldn’t contain his grin. His eyes moved down her body. Sa kabila ng lahat, the black silk hugged Shannon’s body like a second skin. She could wear a sack and she would still look gorgeous on it. A sudden recollection of what happened in her room made his maleness throb.
He silently muttered a curse. Inilabas ang Mercedes sports sa gate ng subdivision.
“Renz...”
“What!” he said crossly. Nilingon si Shannon at kumunot ang noo nang may mapansin. Bahagyang nagpreno at gumilid ng daan, tinitigan siya nang husto. “What happened to your lips?”
She almost rolled her eyes. The man had the gall to ask. “Cockroaches...” matabang niyang sagot.
“Couldn’t you have covered it with makeup?”
“It is covered with makeup.”
Renz gave a litany of unprintable oaths. “You don’t deserve gentleness, Shannon. Hindi ko alam kung ano ang mayroon ka, you seemed to bring out the beast in me. But believe me, I never meant to hurt you.”
“Yeah,” she breathed as she smiled sadly. You don’t deserve gentleness... That cut deeply. “But don’t passion and violence go hand in hand in some cases?”
“At hindi na mabilang ang karanasan mo na nagpapatotoo sa sinabi mo,” he said grimly.
She didn’t dignify it with an answer. Sa halip ay, “Ipangako mo sa akin, Renz, na kahit na ano pa ang mapansin mo kay Basil sa sandaling makita niya ako na hindi mo sisirain ang binabalak niyang negosyo.”
Nakita niya ang paggalaw ng muscles nito sa mukha. “He will never get a chance to speak to you privately, Shannon. Tinitiyak ko sa iyo iyan.”
Tumango siya nang wala sa loob. Nagpatuloy sa sinasabi. “Mahalaga kay Basil ang pagbubukas na ito ng importation business niya. Gusto niyang patunayan sa pamilya ni Steffanie... sa inyo na karapat-dapat siyang maging asawa nito. And within six months if everything proved to be working smoothly, and he’d get another contract, Basil promised her mother a tour around the world. She deserved that after...” After what my father had done to her.
“How noble,” he said with a smirk.
“It was your idea that I come to the party with you!” naiiritang sabi niya. “Hindi namin kailangang magkita. You see, I am keeping my part of the bargain.”
“My god, you would go as far as prostituting yourself to me, wouldn’t you?” he said cruelly.
“That’s unfair,” she whispered. “You initiated it all.”
“Yes, damn it! Subalit higit pa sa pagtugon lang ang ginawa mo! You can make a man lose his head, Shannon. If only for that, gusto kong ipagpatawad kay Basil iyon.”
“I don’t know what are you so angry about. Since we met at Frederick’s party you took advantage of me. Tinanggap kong lahat ang mga insulto at masasakit na salita gayong wala kang karapatang sabihin sa akin iyon. At sunod-sunuran ako sa gusto mong mangyari. And yes,” she added the last sentence tauntingly, “I’ll prostitute myself for Basil.”
Hindi sumagot si Renz. Nagpupuyos ang dibdib sa galit. Diniinan ang apak sa selinyador. Humagibis sila na biglang hinagilap ni Shannon ang seat belt at ikinabit sa sarili.