Chapter Nine
P INAKAWALAN ni Renz ang mga labi niya at nakayukong tinitigan siya. Na para bang kahit ito ay hindi makapaniwala sa namagitan.
“Well, well,” usal ni Shannon sa kunwa ay kalmanteng tinig gayong ang buong pagkatao niya ay tila yelong mabilis na natutunaw. “At idinadahilan mong gusto mo akong ilayo kay Steffanie,” she taunted, “when all along you wanted me for yourself.”
Violent anger flickered his eyes at the taunt. And Shannon noticed they turned a shade bluer. Now she knew that the devil had blue eyes.
Nararamdaman niya ang paghigpit ng mga daliri nito sa mga balikat niya na napapangiwi siya nang lihim. Subalit sandali lang iyon at agad na nahalinhan ng nakakalokong ngiti.
“Gusto mo akong itulad sa iyo?” he drawled. “Gusto mong sabihing pareho lang tayo ng pananaw pagdating sa sex? But you’re wrong, Shannon. Namimili ako. I don’t sleep around with—promiscuous bitches. Wala akong balak mahawa ng kung anong sakit.”
Tila patalim na humihiwa sa dibdib niya ang sinabi nito—humihiwa nang malalim. Pero tatalon na muna siya sa parola kaysa ipakita sa lalaking ito ang nadarama niya.
She twitched her mouth in a taunt smile. “Ow?” Ang mga mata niya ay buong kapangahasang bumaba sa pantalon nitong maong kung saan ang ebidensiya ng pagnanasa nito ay hindi maitatanggi. “Kung ganoon, sabihin mo iyan sa katawan mo, Mr. Navarro. Dahil kung nagkataong hindi ako kumawala mula sa iyo ay baka—” She smiled derisively “—nahawa ka na sa kung ano ang sakit ko.”
Marahas siya nitong itinulak at tumama ang likod niya sa doorknob ng pinto. Bahagya na niyang ininda ang sakit. Nakatutok ang paningin niya sa galit sa mukha nito.
RENZ flushed. Nararamdaman niya ang pag-iinit ng mukha. And he could see the smile of triumph on her face as she gazed at him.
Marahas ang pagtalikod na ginawa niya, lumakad patungo sa three-shelf rolling wine tray at mula sa isang silver decanter ay kumuha ng bote ng alak at nagsalin sa kopita. Ininom niya iyon nang dere-deretso.
Damn... damn! Wala siyang natatandaang nawalan siya ng kontrol sa sarili tulad ng nangyari kani-kanina lang. For heaven’s sake, he was thirty years old, not thirteen!
Muli niyang binalingan ang bote ng alak at muling sinalinan ang kopita. Nang mula sa sulok ng mga mata niya ay nakikita niya ang unti-unting paghakbang ni Shannon patungo sa kama. Naupo sa dulo niyon.
Lalo lamang nagpupuyos ang dibdib niya. Lalong pinag-init ng alak ang nag-aapoy niyang damdamin. My g od, the bitch had nothing on under “her” shirt! The soft and silky skin was warm on his hand... the velvety—
“Ipinangangako kong hindi ako aalis ng parola,” wika ni Shannon sa mahinang tinig na pumutol sa tinatakbo ng isip niya. “ h uwag mo lang ikandado ang pinto paglabas mo.”
He savagely turned to her. Wala na sa mukha nito ang panunuya. What he saw was helplessness. At nakatitig ito sa susing bumagsak sa sahig malapit sa pinto.
“Iniisip mo bang ikakandado ko ang pinto kaninang lalabas ako?” tanong niya sa nagsasalubong na mga kilay.
Nag-angat ng paningin si Shannon patungo sa kanya. “I—thought of it. That was why I bolted out. I have this fear of being locked inside a room.”
Renz mouth twitched contemptuously. “A horrible experience from one of your string of lovers?” Nanunuya siya subalit sa kaibuturan ng kanyang dibdib ay bumangon ang galit para sa lalaking inaakalang siyang dahilan ng pagkatakot nito sa isang nakakandadong silid.
Hindi sumagot si Shannon, sa halip ay nilinga ang malaking bintana at tinanaw ang kalangitan.
Nagtagis ang mga bagang ni Renz. Anong uri ng lalaki ang gagawa niyon sa isang babaeng gusto nitong makatalik? O baka naman kaya nito ginawa iyon ay sa pagnanais na huwag nang pakawalan pa si Shannon?
May bahagi ng dibdib niya ang naninibugho sa mga lalaking nakatalik na nito. Kasabay niyon ay ang galit sa sarili dahil hindi siya dapat makadama ng ganoon sa uri ng babaeng ito. Muli niyang dinala sa bibig ang kopita at inubos ang laman niyon.
Hawak sa kamay ang walang lamang kopita, hinarap niya ito. “Kailan ka lang dumating mula sa New York, a month more or less. Paano at saan kayo nagkakilala ni Basil?”
Isang pinong ngiti ang sumilay sa mga labi nito sa tanong niya. The smile softened her face.
“Wala kang pakialam,” wika nito, nagkibit ng mga balikat.
Tumalim ang mga mata ni Renz, the woman was uncooperative. “How many times have you been to bed with him? Once, twice?”
Hindi sumagot si Shannon, sa halip ay muling nagkibit ng mga balikat na tila ba sinasabi sa kanya na wala siyang pakialam kahit na ilang beses pa itong nakipagtalik kay Basil. Tumayo ito at humakbang patungo sa malaking bintana at tumayo roon at tinanaw ang dagat.
Renz had a full view of a nice pair of long legs that seemed to run forever. Wala itong sapin sa mga paa. And Renz had never seen such an alluring woman. At habang pinagmamasdan niya itong nakatayo roon, nililipad ng hangin ang alon-along buhok ay may pakiramdam siyang tila ba bahagi na ng silid na iyon si Shannon.
And he had this feeling that when she left, things would never be the same again.
He shook his head. Kung saan-saan na nauuwi ang daloy ng isip niya.
Humarap si Shannon at tinitigan siya. “Gaano ako katagal mananatili rito?”
Blue eyes slowly and thoughtfully ran over her. “You are incredibly beautiful,” wika niya. And then he saw how her eyes flickered in surprise. Na para bang iyon ang kauna-unahang papuring tinanggap nito sa buong buhay nito.
“I am not surprised why men were crazy about you,” patuloy niya. “Kabilang na roon si Jeffrey Moore... at ngayon ay si Basil.”
“If all this abduction thing is just about Basil,” she flared, “then I promise you, Mr. Navarro, I am not a threat to his relationship with Steffanie. We are not even—”
“Mangangako ka bang hindi na muling makikipagkita sa kanya?”
HINDI agad makuhang sumagot ni Shannon sa tanong na iyon dahil imposible iyon. Malibang bumalik siya sa New York. Pero wala siyang balak bumalik sa New York. Sa nakalipas na isang buwan mula nang dumating siya ay naranasan niyang muli ang maging totoong maligaya. At malaya.
At hindi niya gustong bumalik sa trabaho niya. She never wanted to be a model in the first place.
Kinasusuklaman niya ang mga lalaking nakapaligid sa trabaho niya. Sa kunwa ay walang malisyang pahawak-hawak. At tuwing sinasabi niya iyon sa ina ay tumatawa lang ito. Na dapat ay sanayin niya ang sarili roon at bale-walain ang mga overture.
“I am not asking you to prostitute yourself for me, Shannon!” wika nito. “Magpasalamat ka at hindi ako kamukha ng ibang ina riyan. Hindi iilan ang lumalapit sa akin upang bayaran ang isang gabi mo sa kanila subalit tinanggihan kong lahat. Hindi iyon ang pangarap ko para sa atin!”
Totoong ipinagpapasalamat niya iyon sa ina, kahit paano. Not that Antonia cared for her virtue.
Antonia herself was a beauty. Kung ginusto nitong gamitin ang sariling katawan para magkapera ay madali para ditong gawin iyon. Her mother had wanted dignity and fame and money. She might be many things but Antonia had class.
And she had used her beauty wisely. Naipanhik nito ang sarili sa isang maayos na kalagayan upang magamit sa higit pang katuparan ng pangarap—si Shannon.
Shannon was everything Antonia wanted for herself. And Shannon became her mother’s puppet for years.
Now that she was finally free, she couldn’t allow another person to manipulate her life—again!
Tulad ng ginagawa ng lalaking ito.