noveltoon logo noveltoon
The Blue-Eyed Devil (Kristine Series 21)

Chapter 16

Ch. 17 / 23 Feb 15, 2022

Chapter Sixteen

N ANLAKI ang mga mata ni Shannon. Nilingon niya ang drawing room. How long had he been standing there? Narinig ba nito ang pinag-uusapan ng mag-ama?

Her heart pounded as she turned and looked back at him. His temper bristling as blue eyes blazed hotly. “Bakit hindi mo sinabi sa akin?”

“W-would you have believed me?”

Ilang sandali ang lumipas bago nito sinagot iyon. “No,” he said truthfully. At nakita niya ang pagguhit ng kung anong bagay sa mga mata nito. Remorse? Guilt? Hindi niya alam.

“Then there’s your answer.”

“Pero mag-iisip ako. Wala akong narinig na babaeng nagreklamo laban kay Congressman Mendres pero maraming babae ang napabalitang napaugnay sa kanya. Mostly young women.” He drew in deep breaths. “At si Vanessa—”

“Another reason why I couldn’t tell you the truth,” putol niya sa sinasabi nito. “Alam kong magkasintahan kayo. Sinabi sa akin ni Congressman Mendres iyan noong nagsasayaw kami. She hates me. She made it obvious. I can’t blame her. She is famous at tinanggihan ko ang imbitasyon niyang mag-guest sa programa niya. Perhaps it wasn’t her intention to—”

“Huwag mo siyang ipagtanggol sa akin, Shannon!” His voice was savage. “Muntik ka nang mapahamak. Kung hindi man sa mga kamay ni Congressman Mendres ay sa pagkalunod!”

“H-hindi ako napahamak, Renz...”

“Yes! And thank God for that.” He bent his head and sealed her lips to his. Isang halik na para bang tinitiyak nito sa sarili na naroon siya at totoong nakaligtas sa mga kamay ni Congressman Mendres at sa dagat.

“Lawrence!”

Si Shannon ang mabilis na kumawala. Kung maaari lang na bumuka ang marmol at lamunin siya. Sa puno ng grand staircase ay nakatayo ang mag-asawa. Lance’s eyes lit in amusement. Si Billie ay tila ipinako sa kinatatayuan. Hindi makapaniwala. Puno ng galit ang mga matang nakatuon kay Shannon.

Inakay siya ni Renz patungo sa mga magulang. “Naghihintay sa drawing room sina Congressman Mendres at Vanessa, Papa... Mama. Let’s go and talk to them.”

“At nakuha mong makipag... makipag...” Billie searched for words but couldn’t find the right ones. “Nasa drawing room ang kasintahan mo, Lawrence! Nasaan ang delicadeza mo?”

Ang amusement sa mga mata ni Lance ay naglaho. “Tama ang mama mo, Renz. Linawin mo ang mga ginagawa mo.”

“Gusto kong marinig ninyo ang sasabihin ko sa kanila, Papa, Mama.” Nagpatiuna itong lumakad patungo sa pinto ng drawing room habang hawak sa braso si Shannon na pilit kumakawala.

“Please, Renz. Hindi ko sila gustong makaharap...”

“Hush,” saway nito. “Nasaan na ang tapang na lagi mong ipinakikita sa akin?”

“This is different,” she reasoned out. “Ang involve dito ay ang buong pamilya mo. Ayokong masira ang—”

“What is she talking about, Lawrence?” naguguluhang tanong ni Billie.

Hindi na sinagot ni Renz ang tanong ng ina at binuksan ang pinto ng drawing room. Napalingon sa kanila ang mag-ama.

“Renz, hijo...” Isang maluwang na ngiti ang nasa mga labi ni Congressman Mendres subalit nang makitang nasa likod ni Renz si Shannon ay biglang napawi ang ngiti. “May... bisita ka pala. She looks familiar.” Kunwa’y nag-isip ito. “Shannon! Of course,” wika nito sa pakunwaring kasiglahan. “We’ve met at Frederick’s party. How are you, hija?”

“Ano ang ginagawa niya rito, Renz?” tanong ni Vanessa, wearing her hatred for Shannon like a second skin.

Tumikhim si Congressman Mendres. “Hija...” banayad nitong pahiwatig sa anak.

“Hindi ba ang huli ninyong pagkikita ni Shannon ay sa yateng pag-aari ng kaibigan mong si Mr. Chang, Congressman?” ani Renz, sinabi ang araw at oras na nangyari iyon.

Pumuno ang kalituhan sa mukha nito. Ang pakunwaring kawalang-kamalayan sa sinasabi ni Renz. “What are you talking about, hijo? Ang huli naming pagkikita ay sa party na kasama kayo ni Vanessa—”

“Huwag ka nang magtangkang magsinungaling, Congressman,” putol ni Renz sa sinasabi nito. “Binayaran mo ang manager ni Shannon upang dalhin siya sa yate ni Mr. Chang. You drugged her...” Nilingon nito si Vanessa, “drugs na ibinigay sa iyo ni Vanessa.”

Si Billie ay napasinghap. “Lawrence—”

“Pabayaan mo ang anak mo,” awat ni Lance sa tangkang sasabihin ng asawa.

“Kumpadre, kumadre...” wika ng congressman nang makita ang mag-asawa sa pintuan. “Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nitong binata ninyo.”

“Pinaniwalaan mo ang sinabi ng babaeng iyan!” Nawala ang kontrol ni Vanessa. Sumigaw ito at namumula ang mukha sa galit.

“Tumalon si Shannon mula sa yate ni Mr. Chang, Vanessa, nang pagtangkaan siya ng papa mo. Nagkataong ang yate ko ang pinakamalapit niyang malalangoy—”

“Hindi ko mapaniwalaan ito, Renz. Sinisiraan ng babaeng iyan ang Papa... at ako,” patuloy ni Vanessa. “We were together that night. Marahil ay kasama siya sa isa sa mga guest nang gabing iyon at nagkunwang nilangoy niya ang yate mo. Una pa lang ay inaakit ka na ng babaeng iyan. She’s a first- class prostitute. Tinatakpan ng glamour at kasikatan. We all know that.”

“Shut up, Vanessa!” Renz warned dangerously. “Hanggang ngayon ay walang sinasabi si Shannon sa nangyari sa kanya nang gabing iyon.”

“Kung ganoon, saan mo nakuha ang ideyang iyan, hijo?” malumanay na tanong ng congressman, puno ng pang-unawa ang tinig para sa maaaring pagkakamali ni Renz.

“Ako mismo ang nakarinig sa pag-uusap ninyong mag-ama kani-kanina lang, Congressman.”

“Narinig mong pag-uusap namin?” ani Vanessa sa hindi makapaniwalang tinig. “Imposible ang sinasabi mo, Renz. This room is soundproof. Bukod pa sa wala kaming pinag-uusapang ganoon!”

“Cut the lies, Van!”

“This room isn’t soundproof,” ani Lance na nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon. Nasa likod ng tinig ang pinipigil na galit. “Bagaman iyan ang alam ng marami sa mga nagiging bisita namin.” Lumakad ito patungo sa isang bahagi ng silid. Sa kinaroroonan ng minibar. Pumakabila sa counter at banayad na itinulak ang wooden and glass cabinet na lagayan ng mga bote ng alak.

Tulad sa isang turnstile, umikot ang estante. Nahantad sa lahat ang kabilang bahagi ng silid. Ang hallway na siyang kinatatayuan mismo nina Renz at Shannon kanina.

Shannon gasped softly.

Hindi napigil ni Congressman Mendres ang mapaungol sa panlulumo.

“I’ll rephrase what you said, Vanessa,” ani Renz sa natilihang babae. “‘Tiyakin mong maipapanalo mo ang kandidatura mo, Papa. Sawang-sawa na ako sa kapaparoo’t parito sa mga squatter at rural areas. Nananayo ang mga balahibo ko sa tuwing kinakarga ko ang mababahong mga batang iyon! Kung alam lang nilang diring-diri ako sa kanila!’”

It was Billie’s turn to gasp.

“Dahil ba sa babaeng iyan ay matatapos ang matagal nating pinagsamahan, Renz?” Vanessa asked, uncertainty and anger in her voice.

“Hindi si Shannon ang dahilan sa katapusan ng relasyon natin, Vanessa. Kundi ikaw. Kayo ng papa mo. Hindi ko mapaniwalaang kaya mong ipahamak ang ibang tao. All because of a stupid pride. At para sa sarili mong ama? Your father’s a sex maniac.”

Malakas na napahugot ng hininga si Congressman Mendres sa insulto.

“While that woman is a whore,” poot na sagot ni Vanessa. “Ibinilad niya ang buong katawan niya sa Papa. Hindi sila nagkasundo sa presyo. My father memorized every line, every mole and—”

“Don’t, Vanessa.” Renz’s voice was hardly heard. Subalit ang tinging ipinukol nito sa mag-ama ay sapat upang tumahimik si Vanessa at magyuko ng ulo si Congressman Mendres.

Shannon saw how Renz clenched and unclenched his fingers. Ang ugat nito sa braso ay nag-iigting sa pinipigil na galit.

“Or everything you and your father worked for will go down the drain. Ipagpatuloy mo ang kawanggawa mo. Who knows, your father might win the senatorial race even without my father’s help.”

Pahablot na dinampot ni Vanessa ang bag sa sofa at lumakad patungo sa pinto kasunod si Congressman Mendres.

Tila pinanawan ng lakas si Shannon na humakbang patungo sa sofa at naupo roon.

“There goes your future in-laws, my dear,” ani Lance sa asawa sa matabang na tono. “I really never liked Henry. More than two years ago, may rumors na may isang batang-bata at magandang babaeng caddie sa golf course ang napabalitang nagdemanda dahil isinakay daw ni Henry sa kotse niya upang ihatid sa unibersidad na pinapasukan nito. The young woman was a working student. At ayon sa bali-balita, dinala ito ni Henry sa bahay-bakasyunan nito sa Bulacan. He raped her.”

“And you never told us about this!” wika ni Billie sa nag-aakusang tinig. “Paano kung napakasal ang anak mo sa babaeng iyon?!”

Nagkibit ng mga balikat si Lance. “I don’t rely my judgement on rumors, my dear,” he said meaningfully. “Besides, may kompiyansa ako kay Renz na pipiliin niya nang mahusay ang tamang babaeng pakakasalan.” He raised his wife’s chin, stared into her blue eyes. “Don’t ever doubt that, sweetheart. He is my son.” Sinulyapan nito ang anak. Then winked at Shannon. Pagkatapos ay tumaiikod at lumabas ng silid.

Si Billie ay itinuon ang paningin kay Shannon. “I am sorry.” As simple as that, but it was sincere.

“Ano ang ibig sabihin ng Mama?” tanong ni Renz kay Shannon nang makalabas ang ina.

“H-hindi ko alam.”

“Do I have to throttle your lovely neck just to get the truth out of you?” He was angry.

Nagbuntong-hininga siya. “Just a little misunderstanding on our part, Renz. Kagabi sa party ni Steffanie...”

May ilang sandaling nanatiling nakatitig sa kanya si Renz bago, “That was why you cried because my mother—oh, shit!” Ang kasunod nitong mga sinabi ay nagpangiwi kay Shannon.

May ilang sandali nitong kinalma ang sarili bago siya hinarap. “Kung ano man ang sinabi ng Mama, kasama niya akong humihingi ng paumanhin. Now go and eat. May tatawagan lang ako. Pagkatapos ay babalik tayo sa isla mamayang ala-una.”

“Yes, Your Dictatorship.” Her voice was dripping with sarcasm. “What else, My Lord and My Master?”

Bahagya lang siyang nilingon ni Renz at lumakad ito palabas ng drawing room. Tumayo siya at nagmamadaling hinabol ito.

“Hindi pa tayo tapos mag-usap!” Humarang siya sa daanan nito. “Hindi ko kailangang sumama sa iyo pabalik sa isla.”

“Okay, nagkamali ako ng akala sa dahilan ng pagsampa mo sa yate ko. I’m sorry—it seemed that that is the phrase of the day. But Basil and Steffie was another story.”

“Kung ganoon, bakit kailangang bumalik tayo kaagad sa isla? Sabi mo’y aalis patungong Las Vegas ang dalawa sa susunod na linggo. I can stay here until next week and then I’d be free...”

“Uncle Alvaro is in the hospital having his annual executive checkup. At naroon si Naya kasama niya. Isang linggo pa silang mananatili rito. At maraming trabaho sa disteleria at sa rancho.”

“Wala akong pakialam doon! My g od, this is the computer age. Kung tratuhin mo ako ako ay para tayong nasa dark ages!”

Renz smile was lopsided. Umangat ang kamay at hinawakan ang baba niya, yumuko at hinagkan siya, giving her lips a sweet suction before releasing them.

“Damn you,” she gave a hissing whisper. “I won’t be your playmate.”

“I always thought your lips are sweet,” wika nito. “But I was wrong, they’re sweeter.”

Naiwang nakasandal sa hamba ng pinto si Shannon. Unsure what to feel and what to do. His kisses always had a devastating effect on her. And yet, alam niyang pinaglalaruan lang nito ang damdamin niya. Keeping her as his prisoner had served two purposes—ang inaakala nitong paglalayo nila ni Basil at ang pagsasamantala nito sa kanya.

Lamang, ipinagtataka niya ang ginawa nitong pagtatanggol sa kanya sa mag-ama. Hindi lang iyon isang obligasyong moral dahil napatunayan nitong nagkamali ito. He didn’t have to go to the extremes of having threatened Vanessa when she insulted her. His anger was real.

She shook her head. Hindi niya dapat bigyan iyon ng kahit kaunting kahulugan. May mumunting bagay itong ginagawa sa kanya na nagpapakita ng totoong pagkatao nito. Na sa kabila ng mga sinasabi nito at maling akusasyon—which she was partly to blame, dahil kahit kailan ay hindi niya ipinaliliwanag ang sarili—Renz Navarro was a fine man.

He desired her—that part was true. What they had for each other was too strong to ignore. Pero iyon lang iyon. Lust.

Tulad ni Vanessa at ng iba pang mga babaeng nagdaan sa buhay nito. He didn’t love his ex-girlfriend.

Totoong wala rin namang mabuting motibo si Vanessa. But Shannon’s involvement was timed. Naging dahilan siya upang makakawala ito sa pinagsawaang relasyon.

At kung susundin niya ang daan na idinidikta ng

puso niya na tahakin niya, the road would be paved

with pain.

Unlike Vanessa, she would never get out of this game unscathed. She’d go back to San Juan with a heart shredded to pieces.

But perhaps she would survive the next few days. Perhaps.