Chapter Thirteen
D EFEATED, she looked up and met his eyes. “Ano ang gusto mong gawin ko para huwag mo lamang sirain ang negosyo ni Basil?”
Hindi niya nakita ang inaasahang kasiyahan sa mukha nito sa pagsuko niya. Sa halip ay nag-isang linya ang mga mata nito.
“Nakahanda kang gawin ang lahat para sa kanya?” He was incredulous.
Isang marahang tango ang isinagot niya.
“You love him that much to protect him?”
A fleeting smile appeared her lips as she whispered, “Yes. I love him. And I would sell my very soul for him.”
“Damn you!” he said, savage anger on his face. His eyes blazed like blue flames. At sa kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na dalawang araw na hagisan nila ng insulto sa isa’t isa ay nakadama ng takot si Shannon.
Renz looked like as if he were going to strike her. Napausog siya mula sa pagkakaupo fear in her eyes. Lalong nagliyab ang mga mata nito sa galit sa naging reaksiyon niya. Mahigpit nitong hinawakan ang mukha niya.
“That’s right,” he said furiously. “Matakot ka. Because right at this moment I feel like strangling the unscrupulous life out of you!” At kung paano kabilis siyang nahawakan nito sa mukha ay ganoon din kabilis siya nitong binitiwan.
Ang sunod na namalayan ni Shannon ay ang malakas na pagbagsak ng pinto pasara. Pinakawalan niya ang hiningang hindi niya alam na pinipigilan niya.
Sa ilang sandali ay nanatili siyang nakaupo roon. At bagaman napakataas ng kinalalagyan niya ay bahagya pang umabot sa pandinig niya ang pagbagsak ng pinto sa ibaba ng parola.
SA SASAKYAN ibinuhos ni Renz ang galit. Halos paliparin nito ang four-wheel drive sa ilalim ng kagubatan. Nagpupuyos ang dibdib niya sa pag-aming ginawa ni Shannon.
The bitch! The immoral... the...
Marahas niyang inapakan ang preno ng four-wheel drive. Kahit siya’y bahagyang nasubsob sa manibela sa ginawa niya. Tumaas-baba ang dibdib niya sa matinding galit. No one... no one had ever made him this angry.
He couldn’t believe she finally admitted she loved the man. At nang sabihin ni Shannon na iniibig nito si Basil ay hindi nakaligtas sa paningin niya ang kislap sa mga mata nito.
At hindi niya gustong amining may ibang dahilan kung bakit siya nagagalit. His concern was for Steffanie alone.
Si Basil? Ano ang damdamin nito para kay Shannon? She also admitted that Basil loved Steffanie?
Did he want a rich woman for a wife and at the same time want Shannon for her body?
Oh, he could kill them both!
PASADO alas-nueve na ng gabi at kanina pa nakatayo si Renz doon subalit hindi siya namamalayan ni Shannon. Hindi niya inaasahang gising pa ito. Nakaupo ito sa isang stool malapit sa railings. Ang baba ay nakalagay sa mga brasong nakapatong sa railings.
Nakatanaw ito sa kadiliman. There was sadness in her eyes. Nakikita niya iyon mula sa liwanag na nanggagaling sa loob ng silid.
Napabuntong-hininga siya. Ang bahagyang galit nanatitira ay tuluyang naglaho. Hinubad niya ang suot na jacket at nilapitan ito.
Lumingon si Shannon nang maramdaman ang paglapit niya.
“Napakalamig ng hangin,” aniya at ibinalabal sa likod nito ang leather jacket niya.
“T-thank you,” pagak nitong sabi.
Sumandal si Renz sa wrought iron railings. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita.
“Luluwas ako ng Maynila bukas ng madaling-araw. It’s Steffanie’s birthday party.”
Agad ang pagtayong ginawa ni Shannon at humarap sa kanya.
“Tatalon ako sa parolang ito kapag ikinandado mo ang pinto pag-alis mo bukas, Navarro!”
For whatever reason, the threat made him smile. Hindi siya naniniwalang gagawin nito iyon. Kahit na ano pa ang sabihin, tramp or not she had survived the scandal she had been involved with more than two years ago. At kung totoo ang sinabi nito kanina sa telepono kay Basil na may nagtangkang gumawa ng masama rito, she survived that too.
Kung ibang babae iyon ay malamang na napagsamantalahan na kaysa maisip na tumalon sa isang walang katiyakang kaligtasan.
“Hindi ako nagbibiro, Navarro!” puno ng iritasyong dugtong ni Shannon.
“What a gory death for such a glamorous woman.” He shook his head and laugh. “No. Hindi mo magagawa iyon, Shannon.”
Shannon watched his white teeth flashed in the dark. His fragrant breath stirred her hair and was causing delightful things to her breasts and between her thighs.
Pagkuwa’y biglang huminto sa pagtawa si Renz. And for a heart-stopping long while, they stared at each other.
“Shannon...”
“Renz...”
They both spoke at the same time. And at the same time cleared their throat. Si Shannon ay naupong muli sa stool. Her knees were wobbling.
“You first,” aniya, refusing to meet his eyes. Sa halip ay itinutok niya ang paningin sa kadiliman sa ibaba.
“Okay.” Muling nag-alis ng bara ng lalamunan si Renz. “Let’s have a truce, Shannon. Para tayong aso’t pusa na laging nagsasakmalan sa tuwing mag-uusap.”
“Ano ang inaasahan mong magiging reaksiyon ko gayong ikinukulong mo ako sa toreng ito?” she said scornfully.
Renz chuckled. “You make it sound as if you were Rapunzel.”
MARAHAN ang ginawang paghugot ni Shannon ng hininga. Hindi niya alam kung bakit biglang nagbago ang mood nito. And she didn’t know which was more dangerous, when his eyes were smoldering with rage, as hours ago, o tulad ngayon na ang mga mata nito ay kumikislap sa pagkaaliw.
She decided both had a devastating effect on her equilibrium. Again, she took a deep breath. Muling nangalumbaba sa may barandilya.
“I won’t escape, promise,” wika niya sa halos hindi marinig na tinig. “Nangako na ako sa iyong gagawin ko ang anumang nais mong mangyari, huwag mo lang sirain ang negosyo ni Basil. So there’s no need to lock me up.”
That changed his mood, nawala ang amusement sa mga mata. Subalit naroroon ang pagsisikap nitong kontrolin ang muling pag-ahon ng galit.
Tumingala siya rito. “And please, please,” aniya, nakikiusap ang tinig. “ t awagan mo si Basil. Tell him I’m safe.”
Halos marinig na niya ang pagtunog ng mga ngipin nito. “Shannon, don’t make me—”
“I already gave you my word. Iyon lang ang hinihiling ko. Nang agawin mo ang telepono kanina ay lalo lang siyang mag-aalala. For goodness’ sake, Renz. You can tell him what you want... that I am with you. At bahala nang mag-isip si Basil kung bakit magkasama tayo.”
Sa huling sinabi niya’y unti-unting bumalik ang hinahon sa anyo nito. “Tatawagan ko siya bukas ng umaga,” sapilitang sang-ayon nito. “At sasama ka sa akin sa Maynila bukas—”
“Sasama ako sa iyo!” Napatayo siya, excitement on her face.
“Sa isang kondisyon.”
“Anong... kondisyon?”
“Sa amin kita itutuloy. Hindi ka magpapakita kay Basil—”
“Sa inyo!” bulalas niya. “Are you crazy? Ano ang sasabihin ko sa mga magulang mo? Ano ang idadahilan mo kung bakit ako naroroon?”
“Problema ko na iyon. Just keep your part of the bargain, Shannon, and I will keep mine.” May warning sa tinig nito. Pagkatapos ay humakbang ito patungo sa loob. “Matulog ka na. Darating ang chopper sa villa ng alas-sais ng umaga. Kasama natin ang tiyuhin at pinsan ko. My uncle doesn’t know about you and Basil.”
“Ano ang alam ng uncle mo kung bakit kasama mo ako rito sa parola?” pahabol niyang tanong.
Mula sa loob ay lumingon si Renz, umangat ang mga kilay. “Need you ask?”
Napahugot ng hininga si Shannon. Nag-init ang mukha.”Rat,” bulong niya, nagtagis ang mga ngipin.
Subalit narinig ni Renz iyon. He gave a mocking laugh. “I thought you aren’t worried of your reputation, Shannon my dear?”
Hindi niya sinagot iyon.
LANCE Navarro was still very much a hunk despite his age. Ang nangingibabaw na mga puting buhok at crow’s feet sa sulok ng mga mata ay nagdagdag lang ng character sa edad nito.
He shook Shannon’s hand warmly. His smile was as devastating as his son’s.
And Billie Rose—whose eyes were as blue as Renz’s was too polite to the point of rudeness. Nararamdaman ni Shannon na hindi siya welcome dito. She couldn’t blame her. Sa pagkakaalam niya ay pinsan ni Renz si Steffanie sa mother side.
“We’ve seen one of your shows, hija,” ani Lance nang nasa drawing room sila matapos ang tanghalian. “I think that was more than a year ago. In Milan. My wife ordered a couple of Ralph Lauren suits modelled by...” Bahagyang nagdikit ang mga kilay nito pagkatapos ay nagkibit ng mga balikat. “Hindi ako particular sa pangalan ng mga modelo. I was there to accompany my wife. But I saw you...”
“Natural lamang na makikilala mo siya, darling,” ani Billie. Tinimplahan ng creamer ang kape ng asawa. “Hindi pa natatagalan nang ang mukha at pangalan niya ay laman ng lahat ng magazines...” She let her voice trailed off. Unconcealed malice was in her eyes.
Tumikhim si Renz bilang babala sa ina. Nakita ni Shannon ang palitan ng tingin ng mag-ina. Pagkatapos ay nilingon ang asawa, na tulad ni Renz ay nakatingin din dito at nasa mga mata rin ang banayad na pagsaway.
Billie Rose Navarro rolled her eyes in irritation.
Dinampot ni Lance ang mug ng kape na inilapag ng asawa sa harap nito. Pagkatapos ay tumayo. “Maiwan na muna namin kayong dalawa,” wika nito. Dinaanan ng tingin ang anak. “Sasamahan ko pa ang mama mo sa parlor para sa party ni Steffie mamaya, Renz.” Pagkatapos ay inilipat ang tingin kay Shannon. “Make yourself comfortable, Shannon. Mi casa y su casa .” He winked at her. Pagkatapos ay inakbayan ang asawa at inakay na palabas ng drawing room.
“Your mother hates me,” she said coldly.
“Pagpasensiyahan mo ang Mama,” ani Renz at nagbuntong-hininga. “She loved Steffie as if she were her own daughter. Hindi mo maiaalis sa kanya iyon.”
“Hindi mo ako dapat isinama rito,” she said scornfully.
“I won’t let you out of my sight, Shannon. Hindi naman kita maaaring dalhin sa condo ko.” He sighed. Hindi nito masabing nagtutungo si Vanessa roon. But when their eyes met, he knew she knew why the possibility of staying in his condo was nil.
Hindi matiyak ni Shannon kung bakit lalo lang nadagdagan ang inis niya. “Meaning, I will just have to smile at your mother’s bitchiness while I’m here. What if I’ll be equally bitchy? Hindi ko obligasyong maging magalang sa mga taong hindi rin marunong gumalang sa iba, Navarro.”
Tumiim ang mga bagang nito. “No. I don’t believe you’ll do that.”
“Hah! I’m a tramp, Navarro, remember?”
Nilapitan siya nito at hinawakan sa baba. Then his fingers brushed her lips lightly. She tensed. “Please bear with my mother, Shannon.” His eyes on her lips. At sa ilang sandali ay nanatili roon. Then he sighed. Binitiwan siya at tumuwid ng tayo. Isinuklay ang mga daliri sa buhok. “She’s really a very likeable person had you happened to meet her in different circumstances.”
“Gaano ako katagal mananatili rito?” She released the breath she was holding. Iginala ang mga mata sa drawing room, itinuon doon ang buong pansin. Halos kasinlaki na iyon ng condo unit na kinuha ni Ross para sa kanila. Jeffrey Moore’s huge house would look like an apartment compare to the Navarro’s mansion.
“A week or so. Hanggang sa palagay ko’y hindi ka magiging threat sa nakatakdang kasal nina Steffie at Basil.”
Nahuli niya ang pagdaan ng galit sa mga mata nito bago nito naitago iyon. And Shannon too, felt the first signals of irritation starting in her chest. Mananatili siya roon ng isang linggo o higit pa, depende kung ano ang ipapasya ng lalaking ito, kasama ang mama nitong kinasusuklaman din siya.
“If you say so, Your Highness.”
Renz stared at her. Then he gave a satanic smile. “Well, at least, you know who’s boss.”
She bit her lip to keep herself from saying something she would regret later. She could only hope that Basil and Steffie would marry soon. At pagkatapos ay babalik marahil siyang muli sa New York.
Perhaps it was a mistake coming back. Ang katahimikang ninanasa niya ay hindi nangyari. Higit sa lahat, nasasaktan pa ang loob niya.