Chapter Two
“M AY NATUTUHAN akong bagong recipe, hijo,” ani Billie Rose nang pumasok sa library. Sa kamay ay isang tray ng fresh orange juice at home-baked cookies. “Nagustuhan ito ng papa mo nang patikman ko sa kanya kaninang umaga. Natitiyak kong magugustuhan mong higit.”
Mula sa mga pinag-aaralang papeles ay nag-angat ng mukha si Renz. He smiled at his mother indulgingly. As far as he could remember, his mother had been baking cookies. Bawat bagong recipe na natututuhan mula sa mga amiga ay ginagawa.
And he had missed lunch, at iyon ang paraan ng ina upang ma-compensate ang hindi niya pagsalo sa tanghalian.
Billie Rose Navarro was still stunningly beautiful at fifty-two. Her hair, which was naturally brown, was stylishly cut short. At ang tanging mapagkakakilanlan ng edad nito ay ang mga pinong laughlines sa paligid ng mga mata at sulok ng bibig.
Renz inherited his mother’s eyes. The faintest of blue. At tulad din ng sa ina, ang mga mata niya ay nagbabago ng kulay depende sa emosyon. They turned into deep blue when angry.
Ibinaba ni Billie ang tray sa executive desk. Niyuko ang ginagawa niya. “It’s Saturday, hijo. Ang papa mo ay nasa golf course. Bakit subsob ang ulo mo sa trabaho?”
“James and Chantal’s leaving for Europe the day after tomorrow.” He was referring to his cousin James and his wife. Si James at ang asawa nitong si Chantal ay patungong Europe para sa dalawang buwang bakasyon. They never really had a proper honeymoon since their wedding less than a year ago. And they deserve this trip because Chantal was pregnant with their first child.
“At ako ang haharap sa mga tauhan sa distileria para sa monthly meeting, Mama. Inihahanda at pinag-aaralan ko ang mga problemang maaaring bumangon.”
“You and James are doing well, hijo.” Puno ng pagmamalaki ang tinig ni Billie. “Alam mo, lihim akong nagseselos sa atensiyon na ibinibigay ng Papa Franco kay James. Ang buong akala ko’y bale-wala ka sa kanya...”
Isang tawa ang pinakawalan ni Renz. “`Ma, pantay-pantay ang tingin ni Lolo Franco sa mga apo niya. Nagkataong higit na kailangan ni James ng atensiyon kaysa kanino man sa aming mga apo niya. And you know the reason why.”
Jame’s mother died when he was still very young. At ang ama nitong si Alvaro ay higit na atensiyon ang itinuon sa panganay na anak kaysa rito.
“At nahihiya ako sa sarili ko, hijo. I’ve known your grandfather for a long time, pero nagduda ako. Naunawaan mo ang hindi ko naunawaan...”
Inabot ni Renz ang kamay ng ina at hinagkan iyon. “Don’t be hard on yourself. Nagseselos ka para sa akin. Forget it. Everybody’s happy at nagkasundo na sina James at Tito Alvaro.”
“Yeah. And you have proven your worth, son. Your father and I are so proud of you.”
He smiled faintly. Ang distileria ay itinatag ni James upang patunayan sa lahat na bukod sa kaya nitong ibangon ang negosyong muntik nang bumagsak nang hawakan ng half brother nitong si Quinn, ay kaya pa rin nitong magtatag ng sariling negosyo sa pamamagitan ng pakikinabang sa tanim na tubo sa lupaing pag-aari ng pamilya na hindi gaanong napag-ukulan ng pansin.
Ang distileria ay isang korporasyon nilang magpipinsan. Nang unang sabihin sa kanya ni James ang tungkol doon ay hindi siya nag-atubili.
Matagal na niyang gustong magtayo ng kompanya na labas sa FNC. But his father Lance wouldn’t hear of it. FNC was an international food and canning corporation. Bakit kailangan niyang humiwalay upang magtatag ng sariling kompanya at magsimula sa ibaba gayong naroon na ang kompanyang dapat niyang pamahalaan?
Perhaps Lance was right. But his father was still young and in his prime and had no intention of retiring. Mananatili siyang nasa anino ng kanyang ama. And he wanted to prove something, kung hindi man sa pamilya, ay sa kanyang sarili.
He had his own money. Hindi man iyon malaki ay maituturing niyang kanya. At sa pinagsama-samang resources nilang magpipinsan kasama na ang salaping inutang ni James sa bangko, itinatag ang Distileria Navarro na ang stockholders ay sina James, Renz, Cameron, Naomi, and Drew.
Ang tatlong babae, na nang pasimulan ang incorporation ay pawang mga teenager pa, ay pumuno sa kinakailangan bilang minor shareholders.
Drew offered to lend James more than her share, subalit hindi pumayag ang huli. It would tantamount to accepting help from their Uncle Nick, Drew’s father, (Ang papa ni Renz, ni James, at ni Drew, ay magkakapatid. They had one sister, Jenny Navarro, who was married to a Fortalejo), dahil hindi tulad nilang lahat, Drew didn’t have her own money.
Dahil bukod-tangi lamang si Drew ang mula pagkabata ang hindi dumanas magtrabaho sa lahat sa kanilang magpipinsan.
Nang pasimulan ang distileria ay ipinaubaya niya kay James ang anumang bagay na naisin nito. He was the silent partner. Ibinibigay niya ang opinyon kung hinihingi at kinakailangan nito. James needed to prove something to Alvaro. Ang mapatunayan ditong hindi lamang si Quinn ang anak nito kundi ito man.
Siya man ay may gusto ring patunayan sa sariling ama. But he wasn’t as desperate as James had been. Hindi niya kailangang makipagkompetensiya. Unlike James, his parents had been there all his life.
At nang maitatag ang distileria at maging matagumpay iyon ay nanatili siya sa background. Hindi niya gustong makihati kay James sa papuring tinanggap nito mula sa pamilya, sa mga kaibigan, at mga kakilala. Lalong higit mula kay Franco at Beatriz.
Subalit nang gabi ng party nina James at Chantal ay ipinatawag siya nina Franco at Beatriz sa silid ng mga ito.
“You’ve been messing with your cousin’s lovely wife, Renz,” ang salubong sa kanya ng abuelo nang maisara ng Lola Beatriz niya ang pinto ng silid ng mga ito. Nakaupo ito sa pang-isahang sofa at ang mga binti ay nakapatong sa footstool.
“Grandpa...” He swallowed. Napakamot sa batok at naiilang na pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang matanda. “I–I wasn’t—” he stammered. They always stammered in front of Franco Navarro, lalo at nakikita nilang seryoso ang mukha nito.
He was twenty-nine. But at that moment, he felt like a young boy caught stealing candies in a candy jar.
The Navarro patriarch might be old, but he was razor sharp. He was strict and businesslike. No fooling around with him. But he was also the most loving grandparent he had ever known.
Looking back, wala siyang natatandaang panahon ng buhay niya... nilang magpipinsan na wala si Franco at Beatriz. Franco had been more than a grandfather to all of them. He was a also a friend... a confidante, their pillar of strength, their benchmark.
Ang salitang “abala” ay wala sa bokabularyo ni Franco Navarro kung ang pag-uusapan ay ang tungkol sa mga apo. Then and now.
If Renz would be given a wish, just one wish in his life, he would have wished for his grandparents’ immortal life if it were possible.
“You’re deliberately making James jealous, Renz,” patuloy ng matanda, a faint smile on his lips. “And like hell, he is.”
Renz sighed, nagkibit ng mga balikat. “He’s a fool, Grandpa. Everybody can see that he’s in love with Chantal. Pero pinahihirapan ang sarili at laging nagagalit nang walang dahilan.”
Beatriz chuckled softly. Napalingon si Renz sa abuela. Her grandmother still had that musical laugh despite the age.
“Apo, in the affairs of the heart, the hunks of men are the most consummate idiot,” wika nito. “Maniwala ka sa akin. I knew it from experience.” She glanced at her husband and smiled knowingly.
“Your grandmother’s right. Kapag nagmahal ka na ay malalaman mong—”
“I’ve been in love many times in my life, Grandpa,” putol niya sa sinasabi nito at lumapit patungo sa kama at inilatag ang kalahati ng katawan. “And I’m never a fool.”
“You love what’s in between those women’s legs, Lawrence.”
“Franco!” Beatriz was horrified.
Both men laughed. Franco’s laughter died first. Then softly, “I am so proud of you, Renz... kami ng lola mo.”
Nilinga niya ang abuelo. A frown on his forehead. “For what Grandpa?”
“Humbleness is the greatest attribute of all, Lawrence,” patuloy ni Franco. “Alam namin ng lola mo na hindi lamang ang sariling salaping naipon mo ang naitulong mo kay James sa distileria. Katulong ka ng pinsan mo sa pagtatagumpay sa bagong kompanya, hijo.”
Kumunot ang noo niya. Napabangon mula sa pagkakahiga at naupo sa gilid ng kama. “How... did you know it?”
Franco smiled. “James told us.”
“He... did?”
Magkasabay na tumango ang dalawang matanda. “Months ago,” patuloy ni Franco, “nang papurihan ko siya sa tagumpay ng kompanya at sa rancho. Sinabi niyang totoong siya ang nangangasiwa sa lahat, but you were also there. Joined forces. He always considered your ideas and implemented it along with his. Two heads are better than one. We are proud of you both.”
He was momentarily speechless. Then he grinned boyishly. Ang papuri mula kay Franco Navarro ay malaking bagay. Ang abuelo ang kahuli-hulihang salaan nilang magpipinsan.
“FNC is my legacy to all of you,” patuloy ni Franco. “The economic crisis is worldwide, naaapektuhan kahit ang stable at malalaking kompanya. The way your father handles the business is admirable. Naiintindihan kong may gusto kang patunayan, tulad din ni James. You inherited most of your mother’s looks but my grandsons were like me in so many ways. At umaasa akong makakatuwang ka ni Lance sa kompanya. You’re young, full of new ideas. Visit the plant once in a while, apo...”
Isa iyong disimulado at mataktikang utos. He knew it. He should have seen it coming. Somehow, gusto niyang magrebelde. Subalit wala siyang natatandaang kinausap siya ng abuelo tungkol sa kompanya sa nakalipas na mga taon. And Franco Navarro wouldn’t ask any of his children and grandchildren to work on something he didn’t trust them with.
Itinatag ng abuelo ang Franco Navarro Canning International mula sa wala. Dugo at pawis ang puhunan. At ang kahusayan sa negosyo. Nang magretiro sa kompanya si Franco fifteen years ago, napakaraming kompanya ang gustong kuhanin ang serbisyo nito bilang financial consultant at adviser.
Pagkuwa’y nakita niya ang pagkahapo sa mukha ng abuelo. Tumayo siya, squatted beside him and reached for his grandfather’s hands.
“I promise to take care of our legacy, Grandpa,” he said with emotion.
Kumislap ang mga mata ni Franco. Tumango. He ruffled Renz’s hair as if his grandson were a young boy. “I know you would.”
Ang pag-uusap na iyon nilang maglolo ay ilang buwan na ang nakalipas. Nakabalik na sa Amerika ang dalawang matanda. At tinupad niya ang pangako rito. Aktibo siya sa FNC nitong nakalipas na mga buwan sa pagkamangha ni Lance.
At ngayong aalis sina James at Chantal ay kailangang pamahalaan niya ang distileria.
Renz sighed, muling dumampot ng cookie at isinubo. “Hmm. You’re right, this is delicious. Kakaiba sa mga una mong ginawa,” he said appreciatively at muling kumuha ng cookie sa crystal bowl at isinubo. “You can make business out of your cookies, Mama.”
Billie smiled with pleasure. Pagkuwa’y wala sa loob na napatingin sa wall clock. “It’s past six, hijo! Nagsisimula na ang news program ni Vanessa.” Humakbang ito patungo sa center table at dinampot ang remote control ng TV at ini-on iyon, inilipat sa istasyon kung saan nagtatrabaho ang girlfriend ng anak bilang newscaster.
Renz’s laughed. “Mama, hindi niya ako fan, I’m his boyfriend. I don’t have to watch her on TV.” Umayos siya ng upo at ibinalik ang pansin sa trabahong ginagawa. Umaasang papataying muli ng ina ang television at nang makapag-concentrate siya sa trabaho.
Subalit naupo sa sofa si Billie upang pahabol na manood ng news program. Lumitaw sa malaking screen ang magandang mukha ni Vanessa Mendres. She was a beauty titlist three years ago. Ngayon ay isang sikat na newscaster. Bukod doon, mayroon itong sariling talk show tungkol sa pagtulong sa mga batang lansangan at sa mga mahihirap bilang suporta sa programa ng ama nitong si Henry Mendres na isang congressman.
“Will you marry her?” tanong ni Billie mula sa sofa, nilingon ang anak.
Renz sighed patiently. Iniligpit ang ginagawa at hinarap ang ina. Inihilig niya ang katawan sa long backed chair, and lazily stretched his sinewy legs. Mayroon siyang hinalang iyon talaga ang ipakikipag-usap ng ina.
“Bakit mo naitanong iyan? Gusto mo na ba akong mag-asawa?”
Nagkibit ng mga balikat si Billie. “Nasa marrying age ka na, Renz. And I’m asking you more out of curiosity than anything else. Si Vanessa ang pinakamatagal mong girlfriend.”
He smiled drily. Nearly a year. In fact, nagpaplano si Vanessa na mag-celebrate ng first year anniversary nila bilang magkasintahan.
“Do you approve of her?” Tinitigan niya ang ina at hinihintay ang magiging reaksiyon nito.
“Alam mo ang batas ng pamilyang ito sa pamimili ninyo ng mapapangasawa. Hindi mahalaga kung mahirap man ang babae, ang importante ay may malinis na pagkatao.”
“At kuwalipikado si Vanessa roon, sa palagay mo?” nananantiya niyang tanong.
Matagal bago sumagot si Billie. Ibinalik ang mga mata sa screen. “Personally, ikaw ang higit na nakakaalam niyon. Pero may bali-balitang tatakbo ang papa niya sa susunod na halalan bilang senador.”
Umangat ang mga kilay ni Renz. Hindi mahilig sa politika ang ina. Ni hindi ito nagbabasa ng anumang bagay tungkol sa politics. At nagtataka siyang nakaabot ang balitang iyon dito.
“Kung mananalo si Henry Mendres, magkakaroon ka ng balaeng senador.” He laughed.
“Oh, don’t tease, hijo!” ani Billie. “I have nothing against Vanessa. Gusto ko ang mga ginagawa niyang pagtulong sa kapwa. Ang tanging maipipintas ko roon ay bakit kailangang kuhanan ng camera at ihayag sa madla ang mabuting gawa?”
“Politics, Mama. Makakatulong iyon sa kandidatura ng ama niya. Pero ang mahalaga, naroon ang puso niya sa pagtulong.”
“And I hate politics, hijo,” wika nito. “And one more thing, kinausap ni Henry Mendres ang papa mo.”
Kumunot ang noo ni Renz doon.
“Nagpapahiwatig siyang gusto niyang suportahan ng papa mo ang kandidatura niya sa susunod na taon. At bakit naman nga hindi, kung magkakatuluyan kayo ng anak niya.”
Renz sighed. “Hindi ko pa iniisip ang pag-aasawa, Mama. I’m enjoying my life as it is now. Pero hindi mo sinasagot ang tanong ko. Personally, gusto mo bang maging manugang si Vanessa?”
Subalit wala na sa kanya ang atensiyon ng ina. Natuon ito sa screen. NAIA ang ipinakikita at sa background ay ang tinig ni Vanessa.
Filipina supermodel, Shannon de Asis, arrived this morning from New York. Her mother, Antonia de Asis who died of cancer four days ago...
Napaangat mula sa swivel chair si Renz. Sa screen ay ang pagdating ni Shannon sa NAIA at ang pagsalubong dito ng nagkakagulong media.