noveltoon logo noveltoon
The Blue-Eyed Devil (Kristine Series 21)

Chapter 20

Ch. 21 / 23 Feb 15, 2022

Chapter Twenty

S AMPUNG taon si Basil nang mamatay ang ama. Ipinagmaneneho ng ama nito ang ina patungong Maynila upang daluhan ang isang seminar ng mga guro na gaganapin sa PICC nang matumbok ng ten-wheeler truck ang owner-type jeep ng mga ito. Napag-alamang lasing ang driver ng ten-wheeler.

Guada’s husband died on the spot but she had survived. Gayunman ay hindi na ito nakaalis sa wheelchair.

Ang pinsang-buo ng asawa ni Guada na si Felix ay nakapagtatakang laging nasa tabi nito matapos ang trahedya. Inaalalayan at pinalalakas ni Felix ang hipag. At sa pagkamangha at lihim na pagtutol ng lahat, walong buwan makalipas ang aksidente, nagpakasal si Guada sa bohemyong si Felix.

lilang buwan pa lang na kasal si Felix kay Guada nang makilala nito si Antonia, dalawampu’t isang taon, bata at maganda. Nagtatrabaho bilang promo girl sa isang malaki at kilalang department store sa Las Piñas.

Bukod sa pagiging maganda at bata, Antonia was also smart and ambitious. Gusto nitong mahango sa hirap. At nakita nito ang katuparan ng pangarap sa katauhan ni Felix. Magandang lalaki, maayos manamit at may mamahaling kotse. Bukod pa sa ipinamamarali ni Felix na may farm ito sa San Juan, Batangas.

Nagdadalang-tao na si Antonia kay Shannon nang malaman nitong may asawa si Felix. Walang nagawa ang galit nito dahil kailangan nito ang suporta ni Felix sa batang dinadala. Isa pa, pinaniwala ni Felix si Antonia na hihiwalayan ang asawang si Guada na mas matanda rito at sakitin.

Pitong taon na ang batang si Shannon nang lubusang matanto ni Antonia na walang balak hiwalayan ni Felix ang asawa nito. At na walang kapupuntahan ang buhay nito. Isang desisyon ang nabuo ni Antonia. Dinala nito si Shannon sa farm ng mga Constantino sa San Juan, Batangas.

Si Basil na paparating ay bumaba ng owner-type jeep nang makita silang mag-ina na kinakalabog ang rehas na gate.

“Anak po ako ng may-ari ng bahay na iyan,” wika niya at sinulyapan ang loob ng solar kung may dumarating na katulong upang magbukas ng gate. Mula sa gate hanggang sa mismong bahay ay malayo-layo rin at sa wari ay wala pang nakaririnig sa mga ito na may tao sa gate.

“Ako si Antonia at ang kasama ko’y anak ko... namin ni Felix...” taas-noong deklara nito.

Basil who had been nineteen years old at that time was shocked. Niyuko ang batang si Shannon na humigpit ang kapit sa braso ng ina. Pagkatapos ay muli siyang sumulyap sa loob ng solar. Nang makitang wala pa ring nakakapansin sa kanila ay huminga nang maluwag. And then a worried frown crossed his forehead.

“Amain ko si Tiyo Felix at wala ho siya. Lumuwas

kaninang umaga patungong Maynila. Sumakay ho muna kayo sa jeep at pag-usapan natin ito sa ibang lugar.”

“Walang maaaring pag-usapan,” matigas na sagot ni Antonia. “Niloko ako ni Felix. Kung wala rin lang siyang balak hiwalayan ang asawa niya, puwes, iiwan ko sa kanya ang aming anak! May karapatang legal si Shannon na makinabang sa kayamanan ng kanyang ama!”

Lalong lumalim ang pag-aalala sa mukha ni Basil. “Huwag kayong mag-iskandalo, Misis,” aniya. “May sakit ang Mama at hihdi ko gustong malaman niya ang sadya ninyo.”

Kumislap ang mga mata ni Antonia. “Mabuti! Kapag namatay siya ay pakikisamahan na ako ni Felix.”

Naningkit ang mga mata ni Basil. “Kapag may nangyari sa Mama ay mananagot kayo sa akin,” banta niya sa mariing tinig. “At kapag namatay ang Mama ay hindi ka niya pakikisamahan. Hindi ikaw ang kauna-unahang babaeng pinatulan ni Tiyo Felix noon man o kahit sa maikling panahong pinagsamahan nila ng aking ina. At hindi ikaw ang magiging huli.”

Marahas ang pag-angat ng tingin ni Antonia rito. “Nagsisinungaling ka!”

“Tulad mo, ang mga naunang babae ay naniwalang masalapi si Tiyo Felix. At dahil mas matanda ang Mama nang ilang taon dito ay inakala nilang iiwan siya ng asawa at sila ang pakikisamahan.” Umismid si Basil. “Nagkakamali kayong lahat. Hindi iiwan kahit kailan ni Tiyo Felix ang Mama. Paano niya masusustentuhan ang mga luho niya sa katawan? Saan siya kukuha ng salapi para sa sarili niya? Sa bisyo niyang pagsusugal?”

“Ano ang pinagsasasabi mo? Pag-aari ni Felix ang farm na ito ayon sa kanya!”

“Iyon ang ipinaniwala niya sa iyo... at sa iba pa. But you can ask around.” Inilahad nito ang kamay at nilinga ang paligid. “Patutunayan ng mga tao sa bayang ito ang sinasabi ko. Ginagasta ni Tiyo Felix ang salaping hindi niya pinaghihirapan!”

“Hindi...” usal ni Antonia.

“Iyan ang katotohanan,” wika ni Basil sa naniningkit na mga mata. At pagkatapos ay malupit na idinagdag, “Ano pa nga ba ang aasahan sa mga babaeng pumapatol kay Tiyo Felix kundi katulad din niya. Fortune hunters... free loaders. Iyon ang dahilan kung bakit pinakasalan niya ang aking ina.”

Pinamulahan ng mukha si Antonia sa insulto. At bago pa ito makaapuhap ng sasabihin ay muling nagsalita si Basil. “Ang lupaing ipinamamarali ni Tiyo Felix sa mga babae niya ay pag-aari ng aking ina... na minana niya mula sa mga magulang niya.”

Marahas na pinakawalan ni Antonia ang braso mula sa pagkakahawak ng nahihintakutang si Shannon. Poot nitong hinarap si Basil. “Niloko ako ng tiyuhin mo. Pagbabayaran niya ang ginawa niya. Hindi ako aalis dito hangga’t hindi siya dumarating. At mayaman man siya o pulubi, iiwan ko sa kanya ang anak niya!”

Bumalik ang pag-aalala sa mukha ni Basil. Nang yukuin niya si Shannon ay napailing siya. The little girl was at the verge of tears. On her face was fear and confusion. And the little girl, if she was Felix’s daughter, was his cousin, anuman ang sabihin.

Bumalik ang tingin niya kay Antonia. “Okay, I’ll give you an offer...”

Umismid si Antonia. “Kung hindi rin lang milyon ang iaalok mo sa akin ay nag-aaksaya ka ng panahon.”

“I won’t offer you money I don’t have. Ang gusto kong sabihin sa iyo ay sa akin mo iwan ang anak mo...” Muli niyang niyuko si Shannon na biglang nanlaki ang mga mata.

“Sa iyo!”

“Iyon naman ang intensiyon mo kaya ka pumarito, `di ba? Upang iwan ang anak mo kay Tiyo Felix. He won’t bother with a child, kahit anak pa niya. I know him better than you do. At ginagawa ko ito para sa aking ina dahil hindi ko kayo patatawarin ni Tiyo Felix kapag may nangyari sa Mama!”

“Nag-aalala ka sa ina mo?” sarkastikong sabi ni Antonia. “ p ero gusto mong sa iyo ko iwan si Shannon. Paano mo ipaliliwanag sa ina mo ang presensiya ng anak ko?”

“Problema ko na iyon. Pero hindi ko gustong abangan mo rito si Tiyo Felix at mag-iskandalo.”

Antonia was silent for a long while. Tinitigan ang kaharap. Nasa mukha pa rin nito ang matinding poot sa insultong pinakawalan ni Basil. Fortune hunters... free loaders.

Sumulyap si Basil sa malaking bahay. Humugot ng mahabang hininga at muling gumuhit ang galit sa mga mata niya. Lumakad siya patungo sa owner-jeep, may kinuha sa glove compartment at pagkatapos ng ginawa ay muling hinarap si Antonia.

“Para mapadali ang pagpapasya mo, Misis...” Iniabot niya ang isang tseke. “ t hirty thousand. Ang kabuuan ng savings deposit ko. No more no less. Kung ano man ang gusto mong gawin ay makapagsisimula ka riyan.”

Hinablot ni Antonia ang tseke at tinitigan nang ilang sandali bago muling nag-angat ng paningin. “Mananagot kayong lahat kapag may masamang nangyari sa anak ko,” banta nito. Basil smiled ironically.

“M-Mommy...” naguguluhang usal ng batang Shannon sa kauna-unahang pagkakataon.

“Babalikan kita,” ani Antonia, ipinasok ang tseke sa bag at pagkatapos ay walang-lingong tumalikod.

Basil saw the terror in Shannon’s face. Hindi ito makapaniwalang iiwan ng ina sa isang taong noon lang nito nakita sa pitong taon ng buhay nito. Ni hindi nito makuhang habulin ang ina. Nanatili itong nakatayo roon at gilalas na tinanaw ang papalayong si Antonia hanggang sa mawala ito sa pagitan ng mga punong-niyog.

With tears swelling in her eyes, atubiling lumingon. Magkasama ang takot at alinlangan na tinitigan nito si Basil na ang galit sa mga mata ay unti-unting naglalaho habang nakatingin din dito.

He smiled at her tentatively. The child was pretty and taller at her age. “Ako si Basil. Ano na nga ang pangalan mo?”

“Shannon,” pagak nitong sabi. Sinisikap pigilin ang pag-alpas ng mga luha. “N-nasaan si... Daddy?”

Tumalungko siya sa harap nito. “Nasa Maynila. Huwag kang mag-alala, bago gumabi ay narito na iyon. Pero hindi muna kayo magkikita hangga’t hindi ko siya nakakausap, okay?”

Hindi ito sumagot at naguguluhang nakatitig lang. Basil sighed patiently. Sinisikap niyang huwag ipakita sa bata ang galit niya kay Felix. Nagkaroon ng nervous breakdown si Guada nang matuklasan nito ang kataksilan ng tiyuhin anim na buwan matapos magpakasal ang mga ito. At ngayon ay heto at nakaharap mismo sa kanya ang katibayan ng kataksilan ng tiyuhin.

“Naiintindihan ko ang damdamin mo,” banayad niyang sabi kay Shannon. “Pero sana’y maintindihan mo rin ako. May sakit ang Mama. Makasasama sa kanyang malaman ang tungkol sa iyo.” He paused, tinitigan ang magiging reaksiyon ng bata. At nang hindi ito kumibo ay nagpatuloy siya. “Tatanggapin kita rito, pag-aaralin, bibihisan, subalit mangako ka sa akin, Shannon...”

“A-ano iyon?” she asked in a small voice.

“Na pananatilihin mong lihim ang tunay mong pagkatao. Na hindi kailanman malalaman ni Mama o ng kahit na sino na anak ka ng Tiyo Felix.”

Nalilitong tumango ito. Sa isang sandali ay nasa mukha ni Basil ang pag-aalinlangan. Pagkatapos ay inakay niya ang bata patungo sa gate.

Dinaan niya ito sa likod-bahay at ipinakilala kay Manang Siony. Isang malayong kamag-anak ni Guada at all-around helper sa bahay ng mga Constantino.

“Anak si Shannon ng isa sa mga tauhan sa niyugan, Manang Siony,” paliwanag niya sabay yuko rito, a warning look in his eyes. “Umuwi sa probinsiya ang nanay niya dahil namatay ang mga magulang. Pansamantala siyang iniwan sa akin.”

Ang tangi nitong ginawa upang sang-ayunan ang sinabi ni Basil ay ang tumango at hindi magsalita.

“H-hindi ba magagalit si Daddy kapag nakita niya ako rito? Baka itaboy niya ako. Lagi siyang galit kapag nakikita ako. Saan ako pupunta?” Puno ng agam-agam ang tinig nito nang magtanong sa kanya.

Minura ni Basil sa isip si Felix. Kinatatakutan ito ng sariling anak. “Hindi ka niya pagagalitan, Shannon. Huwag kang mangamba,” pagbibigay kasiguruhan niya. “At hindi ka niya itataboy. Sasang- ayunan niya ang pinag-usapan nating dalawa.”

Subalit ang takot at pag-aalala ng bata ay hindi nagkaroon ng silbi dahil hindi na nagawang makauwi ni Felix nang gabing iyon. Nabiktima ito ng holdup paglabas ng casino. Tinangka nitong manlaban dahil hindi gustong ibigay ang salaping pinanalunan. Hindi na ito umabot pa nang buhay sa ospital.

Ang presensiya ni Shannon ay hindi napagtuunan ng pansin ni Guada dahil sa nangyari. Kahit ang pamimighati ng bata.

Basil saw her tremble in fear when Guada laughed hysterically. “Tingnan mo nga naman ang buhay, Basil. Ako itong may sakit pero nauna pa sa akin si Felix.”

Tumakbo ang bata palabas ng bahay. Matapos payapain ang ina ay hinanap niya si Shannon at sa may hardin sa likod-bahay niya nakita. Nakaupo ito sa duyang bakal.

Naupo siya sa tabi ng bata. “Shannon...”

“I-itataboy mo ba ako ngayong wala na si Daddy?” tanong nito sa mahinang tinig. Puno ng takot at insekyuridad ang mga mata.

“Nalulungkot ka bang wala na ang daddy mo?” he asked a stupid question. Pero gusto niyang tiyakin ang damdamin ng bata. Nang umiling si Shannon ay alam niyang tama siya sa hinala niya.

“Lagi naman siyang wala. At kapag nasa bahay siya ay pinagagalitan niya ako kapag lumalapit ako sa kanila ni Mommy.”

Huminga nang malalim si Basil. Relief filled him. His uncle’s death, somehow, alleviated all their primary problems.

“Hindi kita itataboy, Shannon. Totoong wala na ang Tiyong pero narito ako. I’ll take good care of you. I promise.”

He kept his promise. Si Manang Siony ay hindi na nagtatanong kung bakit hindi na binalikan ang bata ng inang umuwi sa probinsiya. Alam nitong mahirap ang buhay ng mga tauhan sa niyugan at marahil ay tuluyan na itong pinaampon sa mga Constantino. At si Guada naman, na nang sa kalaunan ay napansin ang presensiya nito ay pansinin-dili naman si Shannon.

Nang sumunod na school year ay ipinasok ni Basil sa paaralang elementarya sa bayang iyon ang bata. He was only too glad that Shannon didn’t bear Felix’s name. Ang apelyido ng ina nitong si Antonia ang gamit nito—de Asis.

Guada accepted Shannon’s presence at face value. The old woman treated her with formality. Hindi masungit at mabagsik, subalit hindi rin naman magiliw. Gayunman, sinikap ng batang paluguran ang matandang babae sa abot ng kakayahan nito.

Sa nakalipas na mga taon ay mabibilang sa limang daliri ang sulat na tinanggap nito mula kay Antonia na palihim na iniaabot ni Basil dito.

Seven years later, nag-abiso si Antonia kay Basil na kukunin na nito ang anak. Shannon expressed her unwillingness to go with her mother. Maligaya ito sa piling ni Basil, ni Manang Siony, at ni Guada, sa kabila ng reserbasyon nito.

But they had no choice. Hindi niya kayang hadlangan ang gustong mangyari ni Antonia. Antonia threatened with legalities. At kapag nangyari iyon, malalaman ng ina ang ginawa niyang pagkupkop sa anak ni Felix sa labas.

Hindi na ang probinsiyanang Antonia ang muli nilang nakita. Malaki ang naging pagbabago nito sa nakalipas na pitong taon. Ismarte na ito at maraming alahas sa katawan at may sariling kotse. Bagaman segunda mano iyon ay magilas na rin kung ikukumpara sa dati nitong buhay.

Nagtatrabaho na ito sa isang advertising agency. At ayon dito ay marami itong kilalang malalaking tao na maaaring tumulong dito at kay Shannon.

Nasa pinto si Basil nang magpaalam si Shannon kay Guada.

“Natanaw ko kanina sa bintana ang babaeng iyon nang dumating,” ani Guada. Nanatili itong nakapanungaw at hindi nililingon ang bata. “At kukunin ka na niya...”

Tumango si Shannon bagaman hindi nito nakikita iyon. Basil saw how Shannon struggled to keep tears at bay. Hindi nito gustong umalis sa bahay na iyon.

“Tama akong huwag ibuhos ang loob ko sa iyo,” patuloy ni Guada sa walang emosyong tinig. “Alam kong sa malaon at madali ay aalis ka sa bahay na ito.”

Iniharap ng dalagita ang wheelchair at tumalungko sa harap nito. Ginagap ang palad ng matandang babae. “Hindi ko po gustong iwan kayo... hindi ko po gustong sumama sa mommy ko. Pero sabi ni Basil wala raw po kaming magagawa dahil—”

Inawat ni Guada ang pagsasalita nito. “Go with your mother.”

Humikbi si Shannon at tumayo. “Babalik po ako rito sa ibang araw.”

Umismid ang matanda. “Hindi mo na maaalala ang sinabi mong iyan sa susunod na mga araw. Umalis ka na.”

ISANG mahabang katahimikan ang namagitan bago dinugtungan ni Basil ang pagsasalaysay. “Paminsan ay dinadalaw ko nang palihim si Shannon sa Maynila. Sa International School ko siya dinadalaw. Antonia wouldn’t allow me to see her. She hated me, I think because of that insult I hurled at her long time ago.” Nag-angat ng mga mata si Basil kay Renz na nakatayo sa may barandilya ng balkon at nakatalikod. Ang mga kamay ay nakapaloob sa mga bulsa ng maong.

“Antonia moved heaven and earth, magtagumpay lang si Shannon. I was worried about her because she was still very young. Sa halip na kasing-edad ang mga kasama ay nagtatrabaho na bilang commercial model. Bagaman nanatili ang komunikasyon, nang manalo si Shannon sa Supermodel Philippines at magtungo silang mag- ina sa Amerika ay hindi na kami muling nagkita maliban nitong umuwi siya.”

Nang mamatay si Antonia, tinawagan siya ni Shannon. Nang ihayag nito ang pagnanais na iuwi ang mga labî ng ina, siya ang nagsuhestiyon na sa San Juan ilibing si Antonia. That cemented her decision to come home.

“Paano mo ipaliliwanag kay Tiya Guada ang aking pagdating?” tanong nito sa kanya.

“Pitong taon kang nanirahan dito, Shannon. Hindi man aminin ng Mama ay alam kong kinagiliwan ka niya. Alam kong nasaktan siya nang umalis ka. At sa tuwing nakatatanggap siya ng mga postcard mula sa iyo, napapangiti siya. Mahusay ka raw na bata at marunong tumanaw ng utang-na-loob. At nang maibalita ko ang pagkamatay ng mommy mo, she was so worried. Nag-iisa ka na lang daw. So, you see, ikatutuwa niyang uuwi ka rito.”

“W-wala pa rin ba siyang alam kung sino ako?”

Basil sighed heavily. “Hindi niya kailangang malaman, Shan,” sagot niya sa nahihirapang tono. “It wouldn’t change a thing if she knew. Mas natatakot pa nga ako na makasasama sa Mama kung malalaman niya. Hindi ko matiyak kung paano niya tatanggaping sa mga panahong iyon ay kinupkop ko ang anak ng Tiyo Felix sa ibang babae. It would appear as if I betrayed her since she hated those women...”

“I HATED her father,” dugtong ni Guada nang matapos magsalita si Basil. “Worst, kinasuklaman ko ang sarili ko sa pagiging mahina at nagpadala sa matatamis na salita ni Felix at nagpakasal dito hindi pa man nakababang-luksa ang asawa ko.

“I wanted to blame Shannon for her father’s sin. Ipinagbili ni Felix ang kalahati ng minana kong lupain. I couldn’t remember signing any deed of sale but my signature was on the document. It was genuine. Kung paanong nagawa ni Felix iyon ay hindi ko matandaan. Perhaps one of those times when he gave me drugs everytime I suffered nervous breakdown...” pagtatapos nito.

“Kailan po ninyo nalaman ang katotohanan,” tanong ni Steffanie, sinulyapan si Basil.

“The day Felix died. I saw Shannon cried in one corner. Ang batang estranghera ay hindi iiyak nang ganoon kung wala itong kaugnayan sa namatay.” She took a deep breath. “Gusto ko siyang kamuhian dahil sa ginawa ng ama niya sa akin... sa pagkawala ng kabuhayang naging sanhi upang manganib ang aming pinansiyal na katayuan. Pero ano ang kasalanan ng isang bata na kahit ito man ay dumanas ng hindi mabuting pagtrato mula sa sariling ama?”

No one spoke. Not even Renz who was clenching his jaw.

“Shannon was a good kid, Mr. Navarro,” patuloy ni Guada. “And yet it hadn’t been easy to forgive and forget. Nang unti-unti nang nahuhulog ang loob ko’y kinuha naman siya ng ina niya. Nasaktan ako.”

Lumingon si Renz at nagsalita matapos ang mahabang pananahimik. “Would anyone know where I could find her?”

“Kung alam ko’y sasabihin ko sa iyo, Renz,” Basil said sincerely.

Binalingan niya si Guada. Malungkot itong umiling. “Kaninang umaga ay narito siya. Kinumusta ako at tiniyak na walang masamang nangyari sa kanya. She took some of her things including her passport.”

Passport. Damn. Bakit hindi niya naisip iyon? Kung narito si Shannon kaninang umaga ay mahabang oras bago ito makarating ng airport at mag-chance passenger.

“Bukas ay malamang na nasa Amerika na uli si Shannon, Mr. Navarro. Natitiyak kong tatawag siya sa akin. Ipaaalam ko kaagad sa iyo.”