Chapter Eleven
P ALUBOG na ang araw nang bumalik sa parola si Renz. Ipinarada niya ang Chevrolet Silverado sa gilid ng parola malapit sa kitchen building. Pagkatapos ay umikot sa harap at inalis ang kandado ng pinto.
Makalipas ang ilang sandali ay pumanhik siya itaas. Sa sahig ay naroon si Shannon at nakaupo sa rug, prenteng nanonood ng television. Mukhang nakapaligo na dahil napalitan na ang suot nito kanina ng panibagong T-shirt. His shirt.
She was sitting on the floor in lotus position. Walang pakialam kung nakahantad man ang kabuuan ng mga binti. He knew she had nothing on under his shirt. Malibang pinangahasan nitong gamitin ang isa sa mga underwear niya, which he doubted she would dare.
Sa mga nagdaang panahon ng pakikitungo niya sa mga babae ay walang isa man sa mga ito ang sumubok na magsuot ng pang-itaas niya. Mas pinipili ng mga itong ipakita sa kanya ang mga katawang hubad.
And seeing Shannon again with his own shirt, a sudden heat spread through him down to the middle of his thighs. He took a deep breath and cleared his throat and willed the arousal to go away.
Lumingon si Shannon na para bang noon lang nito napansin ang presensiya niya. “Oh. So my jailer’s back,” anito, isang nang-iinis na ngiti ang sumilay sa mga labi.
Hindi gusto ni Renz ang pagiging kalmante nito, lalo na ang panunuya nito sa kanya. Inaasahan niyang nakaupo lang ito sa isang sulok, naiiritang naghihintay sa pagbabalik niya. O di kaya ay maratnan niyang basag lahat ang mga gamit niya kung hindi man nito itinapon sa labas ng parola. Kung ang pagbabasehan ay ang ginawa nitong pagbato sa kanya sa antigong figurine.
Lalo at iniwan niyang nakakandado ang pinto sa ibaba. Hindi niya gustong gawin iyon. But she was safer locked inside. Nang sabihin nito kaninang takot itong makulong sa isang silid ay bahagya na siyang naniwala. At kung nagsasabi naman ito ng totoo ay natitiyak niyang hindi ito matatakot kung ang ibabang pinto ang isasara niya. Labis-labis ang makikilusan nito mula rito sa itaas hanggang sa ibaba.
He couldn’t risk giving her the chance to escape. Maaaring gamitin nito ang alin man sa mga shorts niya, kahit pa nga ba malaki ang sukat ng mga iyon. Maraming paraan ang magagawa at maaaring tumakas ito patungo sa bayan. Totoong mahihirapan itong matunton ang tamang daan at ni hindi ito makalalabas ng rancho, pero hindi niya gustong isapanganib ang buhay ni Shannon kung maliligaw
ito.
“Pinakialaman ko na ang pagbubukas ng TV. I’m bored...” Hinayon nito ang mga VCD sa rack. “Napanood ko nang lahat iyan. Wala bang x-rated?” Her words rimed with ice.
Pinaraan niya ang sinabi nito at sa halip ay inihagis niya sa harap nito ang dalang plastic shopping bag. Nakita niya ang kislap ng interest sa mga mata nito nang sulyapan ang bag.
“Hmm. Marks and Spencer?” She cocked an eyebrow. “Meron ba niyan dito sa isla? Well, I wouldn’t be surprised. For a filthy rich like you?”
Renz ignored her. “Ipinahihiram sa iyo ng pinsan ko ang ilan sa mga gamit niya...”
“Ipinahihiram?” pag-ulit niya. “So, may nakaaalam na narito ako?”
“Bilang guest,” sagot nito sa nababagot na tono. Itinuon ang mga mata sa shopping bag. “Kakasya sa iyo ang mga iyan. You’re thinner but you are almost of the same height.”
“Slim,” she corrected. Isa-isang inilabas ang laman ng shopping bag. Kalahating dosenang pambabaeng T-shirts, dalawang pantulog—oversized T-shirts na may larawan nina Tigger at Pooh sa harap. A soft smile appeared her lips.
And Renz couldn’t believe that a simple as a smile affected him. “Kung si Naya ang nasunod ay negligees ang ipadadala niya,” wika niya sa padabog na tinig upang pawiin ang nararamdaman.
Ipinagpatuloy ni Shannon ang paglalabas ng mga gamit sa bag. Tatlong walking shorts at dalawang blue jeans. Lahat ay nagtataglay ng mamahalin at imported na tatak. Maliban sa isang dosenang panties, na lahat ay puti.
“Those are of free sizes,” patuloy ni Renz. “The underwears are new. Pinabili ko sa bayan. I hope Yaya Adora got your size correctly. Hindi imported ang mga iyan,” he said with a sneer, “but it will serve its purpose.”
Sa ikalawang pagkakataon ay nakita ni Renz ang pamumula ng pisngi ni Shannon. But he noticed how she hid her embarrassment well.
“Thank you,” she said insincerely. Dinampot nito ang isang T-shirt at walking shorts at underwear at pagkuwa’y lumakad patungo sa bathroom.
Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa maisara nito ang pinto ng banyo. He took a deep breath at inikot ang tingin sa paligid. Walang nabago. Iyon pa rin ang dating ayos ng silid niya.
Subalit alam niyang hindi na iyon ang dating silid niya. Nalalanghap niya sa ere ang natural at pambabaeng amoy nito. Kahit sa sarili niyang mga unan ay naroon ang tatak at samyo ni Shannon.
And he hated her all the more. She ruined the peace and privacy of this place. Though it wasn’t her fault that he brought her here, iisa pa rin ang suma-tutal—Shannon invaded his life.
He sighed heavily. Humakbang patungo sa computer table nang mapuna ang ilang kinusot na papel sa sahig. Itinapon marahil at hindi na-shoot sa loob ng waste bin.
Dinampot niya iyon upang tuluyang ipasok sa loob ng waste bin.
MATAPOS makapagbihis ay mabilis na lumabas ng banyo si Shanon. Sandali siyang napahinto nang makitang nahubad na ni Renz ang pang-itaas na sport shirt. Nahantad sa paningin niya ang matipuno nitong dibdib na nalalatagan ng pinong balahibo.
The man was handsome and overwhelmingly masculine. Not to mention he was also rich. Mga katangian upang ang lahat ng babae ay mangayupapa sa paanan nito.
But cobras could be handsome, too. But it didn’t make them less repulsive.
Napatuwid siya. She couldn’t afford the luxury of watching the beautiful male body. She had to move fast. Nakita niyang sinulyapan siya nito bago nito dinala sa bibig ang hawak na kopita.
Ang mga mata niya ay natuon sa susi ng sasakyan na inilapag nito sa ibabaw ng isang rack hindi kalayuan sa pinto. Sa mabilis at maingat na mga hakbang ay dineretso niya iyon. Then grabbed the keys and hurried to the door.
But Renz moved like lightning. At bago niya maikot ang seradura ng pinto ay naroon na ang kamay nito sa ibabaw ng kamay niya, big and slightly callused. Ang isang kamay nito ay kinuha ang susi ng sasakyan sa kaliwang kamay niya at inihagis pabalik sa rack. Nahulog ang mga iyon sa sahig.
Kung nai-intimidate man siya sa malaking kamay nitong mahigpit na nakahawak sa kamay niya ay lalong higit sa katawan nitong halos nakayakap na sa kanya mula sa likod.
“Saan ka pupunta?” he demanded.
Ang init ng hininga nito ay tila naglalandas mula sa batok niya pababa sa kanyang katawan, and down to the middle of her thighs. The delightful tingling reminded her she was a woman.
And this woman had never felt anything like this before! she thought with irritation.
“Kung... kung hindi mo napupuna, halos pagabi na at—”
“At lalong hindi mo dapat pag-isipan ang tumakas, Shannon,” wika nito. Inalis ang kamay niyang nakahawak sa doorknob.
“I—wasn’t thinking of that,” she lied, sinisikap patatagin ang tinig. Sunod-sunod ang ginawa niyang paghinga. His nearness made her breathless. For the last two years, she allowed men to get closer. She flirted with them and allowed a few to kiss her and even enjoyed the pleasantness of it.
Pero kailanman ay hindi niya nararamdaman ang sexual awareness na nararamdaman niya sa sandaling iyon. “It’s supper time at... nagugutom na ako.”
“Don’t lie, Shannon. Bago ako pumanhik ay dumaan ako sa kusina. You’ve made sandwiches.”
Mabilis siyang humarap dito. “Gusto kong umalis dito!” she hissed.
“At sa papaanong paraan mo gagawin iyon? I don’t even have here a broomstick for you to fly as witches do,” he drawled.
“Ibalik mo ako sa Maynila ngayon din, Mr. Navarro! O kahit saang pantalan ng islang ito!”
“Hindi ko magagawa iyon. Sinabi ko nang mananatili ka rito hanggang sa panahong itatakda ko.”
Marahas niyang tinabig at itinulak ito palayo sa kanya. At dahil hindi inaasahang gagawin niya iyon, napaatras ng dalawang hakbang si Renz. Sinamantala ni Shannon iyon at mabilis na inabot ang seradura.
Subalit ni hindi niya nagawang pihitin iyon. Naramdaman na lamang niya ang mga braso nito sa baywang niya at umangat siya mula sa sahig.
“Put me down, you pig!” Nagpapalag siya nang buhatin siya nito mula sa likod at iikot pabalik.
She was tall but Renz was a foot taller. At ang pagpipiglas niya ay hindi nito iniinda. Walang sabi-sabing ibinagsak siya nito sa kama. At ang pagtatangka niyang bumangon ay hindi nangyari dahil naroon na ito at nakatunghay sa kanya. Ang dalawang braso ay nakatukod sa kama at tila mga rehas na bakal na nakapaikot sa kanya.
“Listen, Shannon,” he said threateningly. His mouth just inches away from her. His breath was warm and fragrant. Heat spread through her body. “At makinig kang mabuti,” patuloy nito. “Kahit sandali ay hindi ko iniisip na makakatakas ka sa islang ito, malibang makarating ka sa Sto. Cristo. Though not impossible, mahihirapan kang gawin iyon. Naroroon na ako bago mo pa matutuhan ang daan. Pinipigil kita dahil sa isang dahilan—mapapahamak ka bago ka makarating sa tamang daan.”
“Nag-aalala kang mapahamak ako?” she almost screamed. “Gayong heto at ikinukulong mo ako sa parolang ito?”
“Sa isang kadahilanang sinabi ko na sa iyo,” wika nito. “Sa makalawa ay birthday ni Steffie, iaanunsiyo niya ang engagement nila ni Basil. Kanina ay tumawag siya sa villa. It seemed that Tita Melanie was impressed by him...”
Dumilim ang mukha ni Renz sa napag-alamang iyon. At natitiyak ni Shannon na kung ito ang masusunod ay tatanggihan nito ang engagement ng dalawa. But then Renz was torn between hating Basil and wanting Steffie’s happiness.
“At sinabi niyang napagpasyahan nila ni Basil na ianunsiyo na rin ang petsa ng kanilang kasal. Which would be a month from the announcement date...”
“Oh!” bulalas ni Shannon sa narinig. She was excited for Basil that he would finally settle down with the woman he loved. At si Tiya Guada ay sabik nang magkaapo. Hindi niya miminsang narinig na inaapura nito ang anak na mag-asawa na.
Subalit ipinagkamali ni Renz na pagtutol at pagkadismaya ang bulalas niyang iyon. Naningkit ang mga mata nito at marahas na hinawakan siya sa batok at iniangat mula sa kama. Napangiwi siya nang humigpit ang pagkakahawak nito sa buhok niya.
“Oh, yes, Shannon,” he said, gritting his teeth. “And I don’t want you to ruin her plan. I want you out of Basil’s sight... out of his life! At kung kinakailangang talian ko ang leeg ni Basil upang makasal sila ni Steffie sa gabi ng party ay gagawin ko.”
“You don’t have to. He loves her,” she said softly. “And you’re hurting me.”
Nag-angat ng katawan si Renz. Pinakawalan siya at kunot ang noong tinitigan siya. “So you believed he loves her. Bakit kailangang guluhin mo sila?”
Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. “Hindi ko intensiyong sirain ang pagsasamahan nina Basil at Steffie just as I didn’t intend to—”
“Gusto mong paniwalaan kita?” he said, cutting her off angrily.
“You must. Dahil iyon ang totoo!”
“Kung paanong totoong sinira mo ang buhay ni Steffie gayong magkaibigan kayo?”
“Hindi ko gusto ang nangyari!” protesta niya. “May naglagay ng drug sa champagne ko nang gabing iyon. Nang, magising ako’y hinuhubaran na ako ni Jeffrey Moore!” she blurted. Kauna-unahang pagtatanggol niya sa sarili.
May ilang sandaling tinitigan siya ni Renz. Anger and disbelief in his blue eyes. “From violence to lies, Shannon. Good grief... hindi ko alam kung ano ang iisipin ko sa iyo. Drug?” He shook his head.
“Iyon ang totoo,” she whispered, silently willing him to believe her.
“Totoo? Ano ang alam mo sa salitang iyan?” singhal nito.
Nag-init ang sulok ng mga mata niya. Hindi niya alam kung bakit pero nasasaktan siya. She blinked back her tears. Pero nakita na ni Renz ang kislap niyon sa mga mata niya.
“Oh g od,” manghang usal nito. “Now tears. What an actress you are. But to give you the benefit of the doubt, sino ang maaaring maglagay ng drug sa champagne mo nang gabing iyon gayong kasama mo iyong alalay mo?”
Shannon met his eyes. “It was Ross—” s he stopped in midsentence. Hindi niya alam iyon. Nitong nasa yate na lang ni Congressman Mendres niya mismo narinig ang pag-aming iyon mula sa bibig ni Ross. At lalong hindi maniniwala si Renz dahil mula no ong mangyari ang iskandalo ay magkasama sila ni Ross.
“See what I mean?” wika nito nang matagal siyang nakatitig lang dito at walang maapuhap na sasabihin. Muling gumuhit sa mga mata nito ang galit. “At kaninang madaling-araw, paano kang nakarating sa yate ko? Saan ka nanggaling?”
Nagyuko ng ulo si Shannon. Paniniwalaan din ba nitong pinagtangkaan siya ni Congressman Mendres, ang ama ng sariling girlfriend nito?
She gave a hopeless sigh. At sa malamig na tinig ay, “I’m tired, Navarro. Believe what you want. It doesn’t really matter.” Then she moved to the middle of the bed, niyakap ang unan at ibinaon ang mukha sa isa pang unan.
Renz muttered an unprintable expletives. Nanatiling nakatayo roon at tinitigan ang nakadapang si Shannon.
May pakiramdam siya na tila sila mag-asawang nagtatalo. And there she was, on his bed! At walang pakundangan itong nakayakap at nakadapa sa mga unan niya.
At sa palagay ng babaeng ito, paano niya palilipasin ang buong magdamag? At sa susunod pang magdamag na darating?
If only he didn’t hate her so. If only he didn’t ruin Steffie’s life. If only her morals was not something to be despised. If only... if only...
Again, he utterred an oath. Tumalikod siya at tinungo ang pinto pababa at ilang sandali pa ay lumabas ng parola.