noveltoon logo noveltoon
The Blue-Eyed Devil (Kristine Series 21)

Chapter 1

Ch. 2 / 23 Feb 15, 2022

Chapter One

Two years later.

“H INDI natin kailangang umuwi at ilibing sa Pilipinas si Antonia, Shannon,” ani Ross. Pilit na itinatago ang iritasyon. “You can cremate her body.”

Umiling si Shannon kasabay ng pagsinghot. Antonia died in her sleep yesterday, dalawang taon mula nang sabihin sa kanila ng doktor ang resulta ng mga pagsusuri nito sa mommy niya.

She was tired and weary. Kahapon pa siya walang tulog. Nilinga niya ang bintana, she watched the rain beating against the window of her Manhattan apartment.

“Shan,” giit ni Ross. “Ako na ang business manager mo mula nang ipinasok natin sa ospital si Toni. Natural na gusto kong protektahan ang interes mo, just like she did. Your career was her life. Ginawa niya ang lahat para lamang marating mo ang kinalalagyan mo ngayon. And she entrusted you to me. So, listen—”

“I’m taking her body back home,” she said calmly. Subalit sa ilalim ng tinig niya ay naroon ang determinasyon.

“Ipagpaumanhin mo ang kawalan ko ng sentimyento,” wika nito na sinabayan ng iling. “Pero naniniwala akong ang patay ay patay. There was even that b ible text that says, ‘let the dead bury the dead’ or something like that,” he grunted slightly.

“So you see, my dear,” patuloy nito. “ w e have to be realistic. Toni was a hard-nosed lady. At natitiyak kong hindi niya gustong gawan mo ng drama ang pagkamatay niya. And it is not like her death was a shock. Alam nating mangyayari ito, hindi ba?”

Isang nahahapong pagtango ang ginawa niya. He was right. Mula nang sabihin sa kanila ng doktor ang kalagayan ng ina ay pinaghandaan na niya ang pagkamatay nito. And for the last two years, her mother went in and out of the hospital. At sa loob din ng nakalipas na dalawang taon, she had been working like a dog. Hindi biro ang halaga ng mga gamot at ang paulit-ulit na confinement ng ina sa ospital.

Gayunman, sa kabila ng walang-pahingang pagtatrabaho, hindi niya maitatanggi ang kasiyahang nadama niya.

Sa nakalipas na dalawang taon ay ang kauna-unahang pagkakataong kahit paano ay nakalaya siya mula sa lubusang manipulasyon ng ina. Though she felt guilty about it. Dahil ang dahilan ng kalayaan niya ay ang pagkaratay ni Antonia. Dahil sa kabila ng hindi naman agad ito iginupo ng karamdaman, mahina na si Antonia para sumama pa sa lahat ng shows niya.

That night, two years ago, she thought the scandal would ruin her career, everything her mother had worked for. Subalit mula nang gabing mangyari iyon ay nagkagulo na ang press. They had such a field day where she was concerned. Ang mukha niya ay laman ng lahat ng peryodiko at mga babasahin.

Shannon, The Temptress, with a cool innocent eyes which were at odds with her shockingly sensual siren’s mouth, was a sinner or a saint? Ang pagkakasakit ba ng ina ang dahilan upang magwala siya?

Kinabukasan pagkatapos ng pangyayaring iyon, larawan niya na kasama si Jeffrey Moore ang laman ng lahat ng peryodiko. Hindi niya napigilan ang matabang na pagngiti habang tinititigan ang larawan sa peryodiko.

It wasn’t what she had expected. It looked like a scene in one of Jeffrey Moore’s television series. There had been nothing indecent about it. Subalit ang artikulong kasama ng larawan ang nagpasama niyon. Ganoon din ang involvement ni Steffanie who appeared to be the aggrieved party.

They had interviewed Steffanie. She hadn’t exaggerated her statement. Sinabi nito kung paano nitong napasukan sa loob ng silid ang fiance at si Shannon na magkayakap at nasa ibabaw ng kama. Her engagement with Jeffrey Moore ended that night.

Isa sa mga larawang nakita niya ay ang anyo nitong umiiyak at nakasubsob sa dibdib ng isang matangkad na lalaki. Hindi maaaring magkamali si Shannon. Iyon ang lalaking nakasalubong niya sa hagdanan.

Renz Navarro—iyon ang pangalan nito na nabasa niya sa peryodiko. Isang playboy jetsetter. Apo ng isang Filipino food magnate at si Steffanie Shultz ay pinsan nito.

She couldn’t forget the look he gave her that night. Sa kabila ng eskandalo, paminsan-minsang sumisingit ang asul nitong mga mata sa alaala niya. Kung patalim ang inilabas ng mga mata nito nang magkasalubong sila sa hagdan, hindi magkakaroon ng pagkakataon ang media na kausapin siya. She would have been dead on the spot.

Hindi iilan ang nagnanais na kunin ang panig niya sa nangyari nang gabing iyon. But her mother wasn’t there for her. Wala si Antonia upang diktahan siya sa dapat niyang sabihin. So she kept her mouth shut. Hindi niya gustong magpaliwanag. Kahit siya ay hindi alam kung bakit nangyari iyon. Besides, kahit sabihin niya ang totoong nangyari ay hindi siya paniniwalaan ng press. So let them print what they wanted to print. She couldn’t care less.

Ang pananahimik niya ay nagpangyari upang lalong mapukaw ang interes ng media. At kung inakala niyang doon matatapos ang career niya, she couldn’t be more wrong. Contracts were laid down on her feet. At sa sumunod na mga buwan, ang mukha niya ay laman ng halos lahat ng kilalang magazines.

Instantly, she rose to fame and fortune. She had become the present day sought-after supermodel. At super-tramp naman para doon sa mga taong pinaniniwalaan ang lahat ng nababasa.

At kinainggitan siya ng lahat. Kinaiinggitan ang mukha niya. Her gorgeous mouth, her smile. Kung paanong dinala siya niyon sa kinalalagyan niya ngayon. Kung paanong ang isang pantasya ay naging isang realidad para sa lahat. Kung paanong ang pinapangarap ng nakararami ay naabot niya... na napabilang siya sa iilang nagkapribilehiyo.

At isa siyang kayumanggi!

People loved and despised her for her morals. At wala siyang pakialam. She needed the fortune that went along with the fame for her mother.

Smile and say nothing. Iyon ang naging panuntunan niya. Sa harap ng camera, ginagamit niya ang mga labi upang ngitian ang lahat. Pero ang mga mata niya ay nanatiling misteryoso at inosente. They gave nothing away of what was going on behind them.

Her mother had been laughing in her sickbed. Hindi makapaniwalang sa isang sandaling nawala ito sa tabi niya ay tinanggap niya ang tagumpay na sabi ni Antonia ay sadyang nakalaan para sa kanya. Kung alam lang daw nito na iyon ang paraan upang mapadali ang pagsikat niya ay matagal na nitong ginawang mapasabak siya sa eskandalo.

Nasaktan siya roon. Her mother was a slave worker. Totoong inalagaan siya nito. Hindi pinagpupuyat nang hindi kinakailangan. Lahat ng maaaring makatulong upang mapanatiling maganda ang balat at katawan niya ay binibili nito.

Ang mukha at katawan mo ang puhunan sa trabahong ito, Shannon. Iyon ang malimit sabihin ni Antonia. Pero alam niyang ginagawa ng ina iyon para na rin sa pansariling kapakanan.

Antonia loved the good life. She wanted everything money could buy. At siya ang representasyon ng katuparan ng mga pangarap nito sa buhay.

“Huwag mong titigan ang bintana, Shannon,” pukaw ni Ross sa mahabang pananahimik niya. “We have a decision to make. If you want, I’ll call the crematorium and ask for schedules...”

“I’ve been working since I was fifteen, Ross. Nine straight long years. I was like a puppet on a string. Ginagawa kong lahat ang bawat sabihin ni Mommy. Walang hindi. Ultimong paghinga ko ay siya ang nasusunod.”

“She had your best interests. Besides, sa nakalipas na dalawang taon ay naging malaya ka sa mga pagpapasya at desisyon mo, `di ba?”

Ganoon nga ba? A weary smile on her lips. Had she really been free? Kahit sa sickbed ni Antonia ay naroroon pa rin ang impluwensiya nito. Nagdidikta sa kanya kung ano ang dapat gawin... kung aling trabaho ang dapat tanggapin... sinong tao ang dapat kausapin. Ang hindi pakikinabangan sa career niya ay hindi kailangang pag-aksayahan ng panahon.

At hindi lamang si Antonia, she had been a slave to her job. More than ever, she had to work double time dahil kailangan ng ina ang mamahaling gamot upang madugtungan ang buhay. She couldn’t believe that there was no money left. Sa nakalipas na siyam na taon ay pinaniwalaan niyang nakalagay sa trust fund ang kalahati ng kinikita niya—iyon ang malimit sabihin ng ina.

And yet there was no trust fund. There was not even enough money to sustain hospital bills. At ang dalawang taong gastusin sa pagparoo’t parito sa mamahaling ospital ay hindi biro. At sa huling anim na buwan ay tuluyan nang nanatili sa ospital si Antonia.

And there was her private nurse. For two years, Antonia had a private nurse. Upang kahit na nasa ibang bansa siya para sa trabaho ay may kasama ito sa apartment.

At bago pa man iginupo ng sakit ang ina, mataas na uri ng pamumuhay ang pinili ni Antonia para sa kanila mula nang dumating sila sa New York may apat na taon na ang nakalilipas. At ang renta na lang sa apartment na iyon ay abot-langit na ang halaga. At maliban kay Ross, her mother was also paying for her publicist.

Then there was their car. Sa nakalipas na apat na taon ay dalawang beses nagpalit ng kotse si Antonia. Her latest was a Mercedez sports. She mentally reminded herself to sell the car.

“I am tired, Ross. I don’t want to talk business. And there’s no need for you to call the crematorium, Iuuwi ko sa Pilipinas si Mommy.”

“You aren’t thinking straight, Shannon. You’re tired and still in shock. Magpahinga ka at ako na ang bahala sa lahat.”

“I’m tired, yes. Pero seryoso ako sa sinasabi kong iuuwi si Mommy. And it’s final. She will be buried in our hometown.”

“You can’t mean that,” he said angrily, dropping all pretense of being a patient man. His voice was harsh and businesslike. “Kung uuwi ka, paano ang tinanguan mong shows sa Milan sa susunod na linggo? Paano ang shooting na gaganapin sa Rhode Island a week after? My g od, Shannon, puno ka ng schedule! You can’t afford to leave now!”

“When Mommy’s d-dying...” She paused to swallow a lump in her throat. “I knew I wouldn’t be able to fulfill all my appointments. Kaya sinadya kong hindi kuhanin ang anumang downpayments. That way, I could easily cancel all schedules.”

“You can’t do this, Shannon!” Hindi halos maglandas ang salita sa bibig nito sa pagkamangha.

“I can and I will,” mariing sabi niya.

Kung sa ibang pagkakataon ay gusto niyang matawa sa anyo ni Ross. He was forty-seven, four years older than her mother. He was gay though he made it a point not to show it. And Ross had been her mother’s friend. At mula nang kunin siya ni Antonia sa pinag-iwanan sa kanya ay wala siyang natatandaang sumuway siya sa bawat sabihin ng ina. O kahit ni Ross sa maraming pagkakataon.

She had always been very obedient. Hindi si Antonia ang uri ng taong gustong sinusuway. At ngayon ay ikinamamangha nito ang katigasan sa tinig niya.

Ross sighed. “Okay,” sapilitang sang-ayon nito. “Ililibing natin sa Pilipinas ang mommy mo. We can accomplish everything and be back here in less than ten days.”

“Gusto ko munang magbakasyon, Ross. I haven’t got one for a long, long time.”

Muli siyang tinitigan nito. Tinantiya. Pagkuwa’y, “Sige. Pagkatapos ng libing, libutin natin ang magagandang lugar sa Pilipinas. Palawan, Paso de Blas Island, Boracay, Mindoro, o kung saan mo man gusto. A month is more than enough.”

“Mas mahaba pa kaysa sa isang buwan ang nasa isip ko, Ross. I want a year.”

“A year?” he shrieked. Sa mga pagkakataong ganito ay hindi nito naitatago ang tunay na pagkatao. “Saan ka pupunta sa loob ng isang taon? Ni wala ka nang kamag-anak.”

Bahagya nang kumislap ang mga mata niya nang sumagot. “There’s... Basil.” And Tiya Guada.

“Basil!” he exclaimed. “My g od, you haven’t seen him since you were fourteen! Isa pa, hindi mo siya kamag-anak, Shannon. Nagkataon lang na inilagak ka ni Toni sa pamilya niya nang sandali ka niyang iwan.”

“No. You’re wrong. Basil will take me.” Naroon ang katiyakan sa tinig niya. Nang mamatay si Antonia ay agad niyang tinawagan si Basil upang ipaalam dito ang pagkamatay ng ina. At mula mismo rito ang ideya na iuwi niya sa Pilipinas ang mga labî ng ina.

“Nasisiraan ka na ng bait!” Tuluyan nang tumaas ang tinig nito. “Alam mo ba kung gaano kalaking salapi ang mawawala sa iyo sa loob ng isang taon?” Umungol ito, tumingala sa kisame at marahas na umiling. “Sa sinasabi mong iyan, tinitiyak ko sa iyo, sa sandaling ito’y baka bumabangon na sa morgue si Toni!”

“Buo na ang pasya ko, Ross. Magbabakasyon ako. Who knows, baka hindi umabot ng isang taon. Baka mainip ako at bumalik din dito kaagad.”

Hindi agad nakapagsalita si Ross. Manghang tinitigan siya nito. “Bakit mo ginagawa ito, Shannon?” he said, disbelief in his eyes. “Look, you’re in a unique position. All right, unti-unti ka nang napapansin ng lahat, but that scandal made you big overnight. No one had that luck, for pete’s sake. Isa kang Pilipina at hindi lahat ay naaabot ang katayuan mo ngayon.”

“This is New York, may I remind you,” patuloy nito sa nanunuyang tono nang manatili siyang walang kibo. “And you are numero uno. You’ve got mystique that people love. You’re young, only twenty-four. Linda Evangelista and all the other supermodels are in their early thirties. You can go places!”

She sighed wearily. Tumayo mula sa kinauupuan at tinungo ang bintana at binuksan iyon. Tinanggap niya ang dapyo ng hangin at ambon sa mukha niya. It was winter in New York. Dapat ay manginig siya sa lamig, sa halip ay tila iyon balsamong nanunuot sa nahahapong katawan niya.

“I’m tired of all these things, Ross.”

“Tired?” he repeated in exasperation. “You’re just starting and you’re telling me you’re tired? Don’t go melodramatic on me, my dear. You’ve got everything in the world a woman could want. Kung ano ka ngayon ay pinaghirapan ni Toni para sa iyo.

“Hindi niya naisip na gugustuhin mong dalhin ang mga labî niya sa Pilipinas dahil nasa isip niyang wala kang babalikan doon. She’d scratch like a cat makaalis lamang ng Pilipinas. She made a life for you here in New York...

“Even in Toni’s deathbed, she wanted everything for you. Huwag mong sayangin. Maraming mga babae riyang gustong sunggaban ang katanyagang tinatamasa mo ngayon. At basta mo na lang iwawala dahil magbabakasyon ka nang walang katiyakan kung kailan ka babalik? What are you, loco ?” mahabang litanya nito.

Bigla niyang naramdaman ang pananakit ng ulo. Perhaps Ross was right. Nasisiraan na marahil siya ng bait. But she was tired of it all. Her whole life seemed pointless and unreal.

Nagsisimula pa lang ang katanyagan niya. Pero hapong-hapo na ang pakiramdam niya. She hated all the intrigues. Sa loob ng nakalipas na dalawang taon, sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya, she went dating with a considerable number of men. At walang kakayahan si Antonia na awatin siya mula sa ospital.

She had dated Hollywood stars, models, rich men, both young and old—at lahat ng mga iyon ay naghahangad na tuklasin ang misteryong nakabalot sa buong pagkatao niya. Gayong ang mga larawan at artikulo sa kanya ay naglalahad ng pagiging isang passionate, in actuality she was a cold woman.

And some men who failed to take her to bed spread rumors how hot and passionate she was. Hindi iyon pinaligtas ng media. They wrote lies, sex, and any scandal they could link to her.

Pero natutuhan niya ang leksiyon sa mahirap na paraan magmula nang mangyari ang eskandalong iyon halos dalawang taon na ang nakalilipas. She smiled her mysterious smile and said nothing.

And now she hated it all. Tired of being labeled as a tramp. Tired of smiling when she was aching inside. Ang flashbulbs ay wala nang kinang sa kanya. Ang mga papuri ay ordinaryo na lang.

Slowly, she turned to look at Ross. “Who said I wanted everything in the world, Ross?” she said wearily. “Who said I even wanted to be a model? My life in the Philippines, with Basil, had been so simple and I was happy.”

Ross groaned in desperation. “This is only a bad dream. We are having a bad dream. Aftermath of Toni’s death.”

“You can stay here in New York, if you want, Ross.”