noveltoon logo noveltoon
The Blue-Eyed Devil (Kristine Series 21)

Chapter 12

Ch. 13 / 23 Feb 15, 2022

Chapter Twelve

S HE WOKE with a start. Sa ilang sandali ay inisip niya kung nasaan siya. Disoriented she looked around the unfamiliar surrounding and wondered for a while where she was.

Eyes, so unusual among Filipinos collided with hers. The sunlight creeping in through the huge windows reflected their color. Glacier blue. Subalit tumitingkad at nagiging kasing-asul ng mga ulap, depende sa kung ano ang mood nito.

“Good morning,” bati ni Renz. Nakaupo ito sa silya sa breakfast table, sipping his coffee as if he had all the time in the world.

Did he watch her sleep? Iyon ba ang nagpagising sa kanya? Sa subconscious mind ba niya ay alam niyang pinagmamasdan siya nito?

She groaned silently. Gusto niyang ibaon ang mukha sa unan at matulog muli. She could probably sleep the whole day. Madaling-araw na siyang nakatulog. Hatinggabi na nang muling bumalik sa itaas si Renz kagabi. Kung saan man ito galing ay hindi niya alam.

Gising siya subalit nagkunwa siyang tulog na. Alam niyang pagkapanhik nito ay nagsalin pa ito ng alak at lumakad palabas ng silid. Mula sa pinto ay natanaw niyang nakatitig ito sa kadiliman ng karagatan, sa isang kamay ay ang kopita ng alak.

Wala siyang ideya kung ano ang iniisip nito. But she wished with all her heart that it was about sending her back to Manila. Mahigit beinte-kuwatro oras na siyang nawawala, nag-aalala nang tiyak sina Tiya Guada at Basil.

Makalipas ang mahabang sandali ay bumalik sa loob ng silid si Renz. Agad ang pagtahip ng dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang gagawin kung mahihiga ito sa kama katabi siya. But to her relief, sa sahig ito natulog at inilatag ang lahat ng malalaking cushions sa rug.

Halos isang oras pa ang lumipas bago niya narinig ang banayad nitong paghinga tanda na nakatulog na ito. At saka pa rin lang siya nagsimulang matulog.

“May kape riyan...” wika nito na pumutol sa daloy ng isip niya. Inginuso nito ang coffeemaker sa isang sulok. “Help yourself. Kung gusto mong mag- almusal, magluto ka sa ibaba.” Tumayo ito. At noon lang napuna ni Shannon na boxer shorts lang ang suot nito.

She saw the perspiration that glistened his torso. Had he been awake for hours? Nakapag-exercise na ba ito? Nag-swimming o nag-jogging?

She gazed at the male body dreamily. Sa trabaho niya, pangkaraniwan na ang lalaking may magandang pangangatawan. May mga kasamahan siyang mga lalaking modelo na ang pag-aalaga sa sariling katawan ay siyang pangunahin sa buhay ng mga ito.

Pero hindi siya kailanman naging interesado sa male anatomy. Until now. His was hard and lean, intimating both power and grace. It was a body that made a woman want to touch it.

And she was a woman. A soft sigh escaped from her lips. One day, she would want to paint him from her memory.

“Don’t look at me, Shannon, as if you’re begging to be made love to!” he said harshly. Sapat upang mapabalikwas siya. Lahat ng hibla ng antok ay tuluyang naglaho. “Sa mga lalaki mo, that could be effective, pero hindi sa akin!”

“M-mga lalaki ko?” ulit niya nang wala sa loob, nanlalaki ang mga matang bumangon at naupo sa gitna ng kama.

“Oh, shut up!”

“Waking at the wrong side of your bed, Navarro?” she taunted.

“THAT is my bed, kung nakakalimutan mo.” Hindi niya itinago ang iritasyon. Ni wala siyang itinulog sa buong magdamag sa kakaisip na may babae sa mismong kama niya. A woman whose body was etched in his mind. Katawang nadama ng kanyang mga kamay, felt its silkiness, its softness.

Ang tanging kulang na lang ay ang maangkin niya ito. At gusto niya itong angkinin. He had never felt anything this intense since he was thirteen. Natitiyak niya iyon. So intense he had to take a cold bath in the middle of the night.

She was so near and within his reach. He only had to take a couple of steps toward her. But Shannon was a forbidden territory.

And yet here she was, staring at him with those innocent eyes while her sensual mouth was half-parted as if begging him to taste them.

He took a breath harshly. Ano ang nangyayari sa kanya? All right, Shannon de Asis was beautiful and sexy as sin.

Eh, ano? Lahat naman ng babaeng napaugnay sa kanya ay magaganda at sexy. But none of those women had sent his hormones into a frenzy by just simply looking at them.

Shannon did that to him.

“What!” he snapped, nang marinig niyang may sinasabi ito.

“Are you really a bear in the morning?” she asked, a light teasing in her voice.

Hindi siya kumibo. Lumakad siya patungo sa linen cabinet.

“Where exactly are we, Renz?”

Renz went still. She spoke her name for the first time and it sounded like poetry coming from her lips.

He groaned inwardly. Poetry? I’m insane.

“Ano ang ibig mong sabihin?” balik-tanong niya sa kontroladong tinig.

“I saw the hanging bridge,” patuloy ni Shannon, sumulyap sa bintana. “Mula sa tower ay nakita kong higit na malaki at malawak ang kagubatan sa kabilang bahagi ng tulay.”

“Ang kinatatayuan ng lighthouse ay bahagi ng Alta Tierra,” sagot niya. “Walang ibang daan patungo sa rancho kundi sa hanging bridge, malibang gusto mong panhikin ang matatarik na bato o di kaya ay tawirin ang dagat. Pero walang beach sa bahaging ito, Shannon. Hindi mo kayang babain ang dagat dahil matatarik na bato ang patungo roon. Ang ilalim ng lupa ay solidong adobe.”

She was silent for a while. Nakita ni Renz ang disappointment sa mukha nito. Hindi marahil nito inaakalang ang hanging bridge lang ang daan patungo sa rancho. Nang makakuha ng tuwalya ay tinungo niya ang banyo nang muli itong magsalita.

“Kung... aalis ka, huwag mong ikandado ang pinto sa ibaba, please.”

“No.”

“I promise I won’t escape.”

“I don’t trust you,” he said. “Mas panatag ang loob ko kung narito ka sa loob ng parola.”

“Hindi ko kayang tawirin ang hanging bridge—”

“Don’t take me for a fool, Shannon.” The bitch was using another tactic. Tila nakikiusap naman ngayon. “Kung iyong laot nalangoy mo sa dilim, ang tulay pa? Anyway, I’ll be back before noon and then we can insult each other. That would pass the boredom away.”

“I hate you, Renz Navarro!”

He was right, agad na nahalinhan ang maamong anyo ng galit. She hurled a pillow at him subalit nasalo niya ang unan at malakas na inihagis pabalik kay Shannon iyon, deliberately hitting her.

Tinamaan niya ito sa mukha at napaupo pabalik sa kama. Shannon cried furiously. Muling dumampot ng unan upang ibato pabalik sa kanya subalit nasa loob na siya ng banyo at naisara na niya ang pinto.

Nagpupuyos na ibinato pa rin ni Shannon ang unan sa pinto.

MULA sa tower sa itaas ay isang nang-aasar na “see you later” ang narinig niya mula kay Renz bago ito lumabas ng silid at bumaba.

Nagpupuyos ang dibdib na palakad-lakad siya sa itaas ng glass tower. Kahapon nang maiwan siya ay pinanhik na niya iyon. Naroon ang beacon lights na sinisindihan sa gabi. At mula roon ay natanaw niya ang buong paligid. Ang dagat at ang gubat. Subalit ni isang bahay ay wala siyang matanaw, kung mayroon man ay baka natatakpan ng malalaking punong nakapaligid.

Subalit napigil ang paghinga niya nang matanaw ang hanging bridge. Marahil ay dalawang daang metro ang haba at tila nakatali sa dalawang malalaking bundok. At kahit ang mga batong limpak na natatanaw niya sa paligid ay makapigil-hininga ang kagandahan.

She wished she could ask Renz to show her the whole island. Pero imposibleng gawin nito iyon. Hindi nito gugustuhing makita siya ng ibang tao.

Isa na namang nakababagot na maghapon ang palilipasin niya. Kung sana ay makalalabas siya ng parola, makapamimitas siya ng bulaklak at ayusin iyon upang ilagay sa loob ng silid.

Kung siya ang nakatira doon ay lalagyan niya ng kurtina ang mga bintana. At ganoon din ng mga halaman. It didn’t matter if it was a lighthouse. She would make it a home.

Ang bintana sa tapat ng lababo sa ibaba ay sadyang ginawa na malapad ang pasimano para sa mga paso. Makapaglalagay siya roon ng mga clinging plants. Hindi iyon malalanta dahil nakahantad sa araw. Or she could make a garden outside.

Agad na nagpreno ang isip niya. Ipinilig ang ulo at sinaway ang sarili. Sa halip na mag-isip kung paano siya makakaalis sa lugar na iyon ay nangangarap siya ng walang kabuluhan.

Kung makalalabas siya ng parola ay hindi siya maghahalaman. Tatakas siya.

At makatatakas ba naman siya? Kahapon ay hindi siya naniniwala sa sinabi ni Renz na mapanganib para sa isang hindi sanay sa lugar na iyon ang gubat. But seeing the bridge, the rock-mass, the whole forests, at ang sinabi nitong ang hanging bridge ang tanging daan patungo sa kabayanan ay nagpabago sa opinyon niya.

She could never cross that bridge. She wasn’t afraid of heights. Pero iyong umuuga ang nilalakaran mo habang sa ilalim ay rumaragasang tubig at matutulis na bato, ibang usapan na iyon.

Muli niyang tinanaw ang paligid. Umasam na sana ay naroon siya sa ibang kadahilanan. She was sure she would thoroughly enjoy the breathtaking sceneries. Kung may rock-mass, tiyak na may mga caves sa isla, which she could explore.

Mula sa kinalalagyan niya, she already loved the place. The serenity... the natural and untouched beauty of the forests. And it was as if she belonged there. Belonged there?

She lingered on the thought.

Sa kabila ng pagkasuklam ni Renz sa kanya ay hindi niya maitatanggi ang atraksiyon niya rito. Everytime he was near, her heart went overdrive. Her hormones were working overtime.

She sighed. Kailangan niyang rendahan ang sariling emosyon bago pa siya ipagkanulo niyon kay Renz. Lalo lang nitong lalaitin ang pagkatao niya.

Mabigat ang loob na bumaba siya. Nasa huling dalawang baitang siya ng spiral staircase nang may matanaw siya sa tabi ng computer na nagpakaba sa dibdib niya.

Cell phone!

Halos talunin niya pababa ang natitirang dalawang baitang. Nagmamadali ang mga hakbang na nilapitan niya ang computer table.

Hindi siya makapaniwala. May cell phone si Renz at nakalimutan nito. Sunod-sunod ang tahip ng dibdib niya habang dinadampot ang cell phone.

Hindi siya nag-aksaya ng panahon, with trembling fingers she dialed Basil’s phone in San Juan. Apat na ring bago may sumagot sa kabilang linya.

“Basil…”

“Shannon!” bulalas nito. “Nasaan ka? We’re so worried about you. Naunahan mo lang ako ng tawag. Balak ko nang ipaalam sa pulisya ang pagkawala mo...”

“I–I am all right, Basil. I only called to—”

“What happened to you?” putol nito sa sinasabi niya. “Ang sabi ni Ross ay hindi ka tumuloy sa imbitasyon ni Congressman Mendres at umalis ka sa condo kalahating oras pagkahatid ko sa iyo. He’s also worried about you...”

“The bastard’s lying! He’s a pimp!” she said angrily. “Nag-alaga ako ng ahas, Basil. Kami ng Mommy. I was almost raped. Subalit tumalon ako sa dagat bago niya ako nagawan ng masama!”

“What?!”

“Nothing happened. I’m safe now,” agad niyang sinabi upang payapain ito. At pagdaka’y idinagdag, “Oh, Basil, I thought I would drown and die.” She sobbed. “I was so scared and—” She stopped speaking when she felt movements behind her. Lumingon siya at kasabay niyon ay ang paghablot ni Renz sa kamay niya ng cell phone nito.

Ini-off nito ang telepono. Anger blazed in his blue eyes as he gazed at her. Kinabahang napaatras si Shannon.

“It—it isn’t my fault that you left your phone,” she said defiantly, raising her chin. “Basil will find me. He’d trace your cell phone number if he didn’t—”

Marahas siyang hinawakan nito sa magkabilang balikat. “Kaninong yate ka narooon nang madaling-araw na iyon, Shannon?” Ang mga daliri nito ay tila bakal na bumaon sa laman niya. “Sino ang nagtangkang gumawa sa iyo ng masama?”

Hindi agad siya makasagot. Sa ilang sandali ay napuno ng kalituhan ang isip niya.

“I could guess it was your manager who tried to pimp you,” he said gritting his teeth. His nose flared in anger. “Wala kang ibang pagtutukuyan na ‘nag-alaga kayo ng ahas ng mommy mo’ maliban sa kanya. I’ll take care of him some other time. Pero sino ang nagtangkang gawan ka ng masama? Sino, Shannon?”

Nagagalit ba si Renz dahil sa narinig na muntik na niyang pagkapahamak? O iyon lang ang naging reaksiyon nito bilang depensa sa sarili dahil napahiya ito na malamang mali ang akusasyon nitong pinlano niyang languyin ang yate nito?

Mas kapani-paniwala ang huli.

Buong-lakas niya itong itinulak at kumawala. “Wala kang pakialam sa akin, Navarro! And I commanded you to take me back to Manila now.”

“You said you were almost raped. Sino, Shannon?” he repeated.

“It’s none of your business.” Itinaas niya ang mukha.

“I am making it my business since it was my yacht you took refuge to!”

Tumingala siya rito, at sa naghahamong tono ay, “At kung sasabihin ko sa iyo kung sino siya, Navarro, ano ang gagawin mo?”

“May batas ang bansang ito para sa ganoong uri ng tao, Shannon. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para maparusahan ang taong iyon.”

Her eyes went wide a fraction. Suddenly, the urge to laugh was overwhelming. Si Congressman Mendres kakasuhan nito ng frustrated rape? His future father-in-law?

“At ano ang parusang naghihintay para sa isang tulad mo, Navarro? You are keeping me here against my will.”

For a few seconds he went still. “Damn it, Shannon! Wala akong ginagawang masama sa iyo. Alam mo ang dahilan kung bakit narito ka pansamantala—”

“Of course. For Steffanie,” she said pleasantly, a fake smile on her lips, “and Basil. But you can’t stop Basil to care for me, Navarro. He will find me. And then there would be scandal. You wouldn’t want that, would you?”

Bago pa siya makaiwas ay nakalapit na si Renz sa kanya at muli ay hinaklit siya nito palapit.

“For three generations, this family survived our share of scandals, Shannon. Another one doesn’t matter. So don’t threaten me. I want Steffie’s happiness, you can count on that. But she wasn’t stupid as to marry a man like Basil. Sa una lang siya masasaktan, at naroroon ang buong pamilya para alalayan siya... suportahan siya...”

His steel-like fingers were hurting her arms, but

she refused to wince.

“While you have no one. No one. Naiintindihan mo? Because I will do everything in my power to destroy him... and you!”

Nanlaki ang mga mata niya sa huling sinabi nito. Umiling. “N-no. You can’t do that to him...”

Umismid ito. Marahas siyang pinakawalan. Napahawak siya sa computer table upang huwag matumba. “I can and I will,” Renz said forcefully. “And for your information, I already had him investigated. He is venturing into export. I have so many friends in high places, my dear. Ang ilan sa kanila ay inilagay mismo ng grandfather ko sa puwesto nila. Titiyakin kong ni hindi makuhang makaalis sa patahian niya ang mga produkto niya.”

“You’re playing dirty, you son of a bitch!” she cried in horror.

He cocked an eyebrow. “I always resort to dirty playing when pushed, Shannon. At bagay sa iyo ang nagmumura. Whores do curse, don’t they?”

“You’re the most insulting man I’ve ever had the misfortune to meet!”

“Ah, Shannon, you’re breaking my heart.”

The bastard didn’t just smile triumphantly. But he laughed. Nanlulumong napaupo sa gilid ng kama si Shannon. Tila pinanawan ng lakas. Malaki ang magiging epekto sa financial status ni Basil kapag hindi natuloy ang pag-e-export nito ng undergarments.

Sa nakalipas, na tatlong taon ay parang roller coaster ang negosyo nito. Isa pa, isinanla nito ang natitirang lupain para lang sa pag-e-expand sa exportation. At nakahanda na ang lahat. Confirmation na lang ng kliyente sa ibang bansa ang hinihintay nito.

And Basil would be devastated. Ang hakbang na iyon para sa negosyo ay isang paraan para, kung hindi man makaagapay, ay maipakita nito kahit papaano sa pamilya ni Steffanie na karapat-dapat ito.

“ I love her, Shan,” madamdaming wika nito nang madaling-araw na pauwi sila ng Batangas mula sa party ni Frederick. “At gusto kong huwag umasa sa pamilya niya si Steffanie sa sandaling makasal kami.”

Naulinigan niyang sinasabi ni Basil habang nagmamaneho. At antok na antok siya para mahuli ang pangalang binanggit nito. O kung dumaan man sa pandinig niya ay hindi niya gaanong binigyan ng pansin. Maraming Steffanie sa buong mundo.

Basil gave a gentle laugh while she was trying to keep awake and listen to him talk.

“Kasal na kaagad ang sinasabi ko, eh, iilang buwan pa lang naman kaming nagkakilala. But the feeling was too powerful, Shan. Pareho kami ng nararamdaman at kung maaari lang na araw-araw kaming magkasama ay ginawa ko na. At nitong nasa Singapore siya, we kept lines burning—” Huminto i to sa pagsasalita at nilingon siya. At nang makitang nakahilig na siya sa sandalan at halos hindi maimulat ang mga mata ay muli itong tumawa.

“So, okay. My love story’s so boring! c an hardly keep you awake,” he said with amusement then ruffled her hair lovingly.

At ngayon, ang kaligayahan ni Basil ay nakatakdang maputol dahil lamang sa lalaking ito. Dahil sa maling akala.

Paano niya ipaliliwanag dito kung sino si Basil sa buhay niya nang hindi siya sisira ng pangako? Nang walang taong maaaring masasaktan?