noveltoon logo noveltoon
The Blue-Eyed Devil (Kristine Series 21)

Chapter 6

Ch. 7 / 23 Feb 15, 2022

Chapter Six

“O H RENZ, don’t stop... ohhh...”

Pumuno sa loob ng cabin ang malakas na pag-ungol ni Vanessa. And a few seconds later, Renz rolled off from her body.

Mula sa carpet, tumayo siya at tinungo ang lounging chair at naupo. Still catching his breath, inabot niya ang sigarilyo ni Vanessa sa mesang bilog. Nagsindi at nagbuga ng usok. Then he pulled his zipper up. Ang shirt niya ay nanatiling bukas ang lahat ng mga butones, exposing sculptured body.

Ang socialite ay nanatiling nakahiga sa carpet, nakangiti at nakatitig sa kisame.

“That was... wonderful,” wika nito at nilingon si Renz, nasa mga labi ang kasiyahan. Tila pusang nakaubos lang ng isang mangkok na gatas.

Inabot nito ang panloob na nasa paanan nito at walang-anumang isinuot. Pagkatapos ay tumayo. Pinagpagan ng alikabok ang likod ng miniskirt. Isa-isang ibinutones ang blusa bagaman nag-iwan ng tatlong butones na bukas, showing enough cleavage to tempt a saint.

Lumakad ito patungo sa kanya. She sat down on his lap in astride. “Iyon na ang pinaka-exciting na ginawa natin, Renz,” malambing nitong sabi. Pinaglalaro ang mga daliri sa maninipis niyang balahibo sa dibdib. “Making love with our clothes still on. We’ve done a quickie, lover boy, and yet you never failed to bring me to the edge of the earth.”

Renz smiled drily, blew a smoke upward. Pagod siya at hindi niya binalak makipagtalik sa kasintahan. But a man had to be a saint upang hindi madarang dito. Kahit yata kahoy na babad sa tubig ay kaya nitong pag-alabin.

The party ended almost an hour ago. Sa pamamagitan ng lantsa ay isa-isang inihatid ang mga bisita pabalik sa Manila Bay kung saan ang sasakyan ng mga ito ay nakaparada sa Manila Yacht Club.

Si Vanessa na lang ang natitira na sadyang nagpahuli. Hinila siya nito na pumasok sa loob ng cabin. At bago pa man maisara nang husto ang pinto, she pulled down his zipper, went down on her knees before he could stop her.

It wasn’t as if he didn’t enjoy having sex with her. But there was something missing. Hindi niya matukoy. Tulad din ng mga naunang pakikipagtalik niya rito. Parang lagi na ay paligsahan. Tagisan ng galing sa pagpapaligaya.

Vanessa Mendres was good in bed as she was in reporting. She was good in everything she did. Ni hindi nito gustong maungusan sa anumang bagay na ginagawa.

“Renz, honey,” wika nito, ang mga daliri ay pinaglalaro sa maninipis na balahibo sa dibdib niya. “Totoong kakampi mo si Papa sa larawang nakunan sa inyo ni Shannon de Asis. Pero hindi mo pa rin ako mapapahinuhod na ginawa mo iyon upang huwag siyang mabilad sa kahihiyan.” Nasa anyo nito ang paninibugho. “Sanay siya roon, nakalimutan mo na ba?”

“There was nothing to it, Van. Pinalaki lang ng media. At nagpaliwanag na ako. Kailangan bang ulit-ulitin?” he barked impatiently.

She frowned at him thoughtfully. “You are irritable. You must be tired. Okay, I’ll forget about it. Siyanga pala, tinatanong ako ng p apa kung kailan mo siya kakausapin.” Inabot nito ang sigarilyong ibinaba niya sa ashtray at humitit.

He asked the question unnecessarily since he knew what she meant. “About what?”

“Isang taon na tayong magkasintahan. Hindi ba panahon na para pag-usapan naman natin nang seryoso ang tungkol sa ating sarili? Daddy was urging me to marry—”

“Napag-usapan na natin ito, hindi ba?” he said, boredom in his voice.

“Okay, pero sa umpisa iyon ng ating relasyon, Renz. Sa nakalipas na mga buwan ay napatunayan na nating compatible tayo sa isa’t isa. Hindi pa ba sapat iyon upang ang walang committment nating pinasimulan ay mauwi sa pagiging committed?”

“I am not ready for committment, Van, alam mo iyan,” aniya, puffed his cigarette and blew the smoke upwards. He wasn’t a smoker. Sa isang linggo ay mapalad nang makakonsumo siya ng dalawang stick ng sigarilyo. Ang aftermath ng sex ay isa sa mga pangganyak upang mapilitan siyang manigarilyo.

“Renz, you’re thirty!” eksaheradong bulalas ni Vanessa, which made him wince inwardly. Na para bang sa edad nitong twenty-seven ay lolo na siya.

Kung ano man ang isasagot niya ay hindi na malalaman ni Vanessa. Isang katok ang narinig mula sa labas ng pinto ng cabin. Si Pario, ang first mate, sinusundo si Vanessa upang siya namang ihatid sa Manila Bay.

“Do I really have to go?” wika nito at napipilitang umalis sa pagkakaupo sa kandungan niya nang tumayo siya.

“I will be busy tomorrow and the days to follow, Van. Hindi ako uuwi sa isla kung hindi importante.” Inakay niya ito patungo sa pinto ng cabin at binuksan iyon.

Nagpatiuna si Dario at inakbayan niya si Vanessa upang samahan ito sa lower deck at sa naghihintay na lantsa. Nasa bungad na sila nang yumuko siya, giving her a peck on her cheek. “I’ll see you,” wika nito.

SINIPAT ni Renz ang oras sa relong nasa braso. Alas-tres ng madaling-araw. Halos isang oras na mula nang ihatid ng lantsa si Vanessa. He was tired and yet sleep deserted him. Mula sa cabin ay bumaba siya sa lower deck upang magpaantok. Inutusan niya si Dario na sabihin sa kapitan ng yate na maglayag sila pauwi sa Alta Tierra.

Bukas ng hapon ang meeting niya sa mga tauhan sa distileria. Kaninang umaga ay may meeting siya sa board of directors ng FNC. Or technically, it was yesterday morning dahil mag-uumaga na. Pagkatapos ay ang party sa yate niya na nagsimula ng alas-ocho y media kagabi.

Lord, he was tired he wanted to sleep for a week.

“Sinabi mo nga bang maglalayag tayo pauwi sa Alta Tierra?” bungad ni Lemuel sa may hagdanan, ang cuareinta y cinco años na kapitan ng yate.

“Yeah. Let’s set sail now, Lem. Bukod sa meeting sa mga tauhan bukas at sa supervisors naman sa susunod na araw, may darating na mga ahente sa distileria sa Biyernes.”

“What about Steffie’s birthday party on Saturday?”

Sandali siyang natilihan. That would be three days from now. Hindi na sana niya gustong isipin muna si Steffie hangga’t hindi niya nagagawan ng paraan ang panibagong suliraning kinakaharap nito. Isang malalim na paghinga ang pinakawalan niya kasabay ng pagtiim ng mga bagang.

Hindi niya maipangangakong aawatin ang Tita Melanie niya kung sakali mang lumabas ang pagiging matapobre nito. At hindi niya gustong sirain ang gabing iyon para kay Steffanie.

His cousin hadn’t even the slightest idea that her new found happines might not last long. And he wished he could do something to prevent her getting hurt all over again.

Tumikhim si Lemuel na naghihintay ng sagot niya.

“Hindi ko pa madesisyunan kung dadaluhan ko ang party ni Steffie, Lem. Anyway, maaari naman akong gumamit ng chopper.”

Tumango si Lemuel at muling bumalik sa itaas patungo sa engine room.

Inihilig niya ang katawan at akmang ipipikit ang mga mata nang sa peripheral vision niya ay makita niyang gumalaw ang hagdanang lubid na nakabitin sa labas ng yate.

Wala sa loob na tinitigan niya ang hagdanang lubid. Hindi naman mahangin para gumalaw iyon. At hindi pa rin umaandar ang engine ng yate.

He would have closed his eyes at umaasang makakakuha kahit sandaling tulog nang manlaki ang mga mata niya sa nakita sa puno ng railings ng yate. May kamay na nangunyapit doon... at pagkatapos ay sinundan iyon ng isa pang kamay!

Kasunod ng mga kamay na mahigpit na nangunyapit sa barandilya ay ang ulo. Then a body emerged. Kung saan man galing ay hindi niya alam. He must be too tired and what he was seeing was a product of his tired mind. Nasa gitna sila ng laot. More or less two thousand yards from Manila Bay.

But the image was there on his deck.

A woman!

Yes, he could not mistake her for anything else. A woman climbed up on his yacht wearing nothing but... seawater dripping all over her body!

Wala sa loob siyang tumayo at humakbang palapit sa imaheng nasa harap niya. Gusto na niyang paniwalaang produkto lamang ang imahen ng nahahapong isip niya kung hindi dahil sa pagkamangha at takot na nasa mga mata nito. Her eyes almost occupied her face and she stood there like a sculptured statue of Aphrodite.

Then he drew in his breath, blinked twice. “Shannon?” Renz wasn’t sure if the words came out of his throat. But he couldn’t be mistaken. Hindi niya maipagkakamali sa iba ang anyo nito.

At bago pa uli niya mabigkas ang pangalan nito ay bumuway na ang hindi inaasahang panauhin.

He was there in time to catch her head from hitting the floor deck.