Chapter Eighteen
H INDI niya gustong gumising subalit ang huni ng mga ibon ay tila alarm clock sa pandinig niya. She opened her eyes and stretched her aching body lazily, wincing at the same time.
Nilinga niya ang bahagi ng higaan ni Renz. Bakante na iyon bagaman naroon pa rin ang bakas ng ulo nito sa unan. Kinuha niya ang unan nito at niyakap, smelling his scent. A mixture of sad and happy smile on her lips.
Bumangon siya at tumayo. Lumakad patungo sa full length mirror at pinagmasdan ang sarili. She was still the same, nothing had changed physically.
But she was a different woman now. Her eyes glow with passion. With carnal knowledge. She smiled at her own reflection tauntingly. Would she ever be branded as Shannon with Innocent Eyes?
She shook her head almost hysterically. You’ll never deceive the press, Shannon... Your eyes now scream of carnal knowledge and longing...
Hot white liquid flowed down from her stomach to the middle of her thighs as recollections of what happened last night came to her mind.
She sighed sadly. She had always dreamed of giving her virginity to someone she loved and that would be her husband—on their wedding night.
She gave it to the one she loved, all right... subalit hindi niya asawa—ang bahaging iyon lamang ang tangi niyang pinagsisisihan. She had indulged in premarital sex.
Not that she was morally righteous but she didn’t believe sex outside marriage. Her mother had been the classic example. At siya, bilang produkto ng pagkakamaling iyon.
She promised herself never to do the same mistake. Only, the spirit is willing but the flesh is weak. Not that it justified what happened. Pero ang tangi niyang magagawa ay ang huwag na iyong maulit.
There was no future with him. Pagkatapos ng ilang buwan, kung papalaring aabot man nang ganoon katagal ang magiging relasyon niya kay Renz kung mananatili siya, he’d still discard her like used clothes. There would be another woman. Hindi niya gustong danasin iyon. She had to leave while the damage to her heart and pride was bearable.
Isang katok ang nagpalingon sa kanya sa pinto. Mabilis niyang dinakma ang kumot, only to groan when she saw the red spot on the bedsheet. Tinakpan niya iyon ng unan.
“Come in.” Itinapis niya ang kumot. Bumukas ang pinto at pumasok si Yaya Adora.
“Lumalamig na ang almusal mo sa ibaba, hija,” wika nito, curiosity in her eyes as she gazed at the red marks on her neck and shoulder blades.
Pinamulahan ng mukha si Shannon. Nakalimutan niya ang mga bakas ng ginawa ni Renz. “B-bababa na ho ako.”
“Ano ang gusto mong tanghalian? Ipinasasabi ni Renz kanina bago siya nagtungo sa rancho na sa gabi na kayo magkikita. Ituturo ng beterinaryo sa manager ang mga paraan para maiwasang kumalat ang virus na dumapo sa mga hayop.”
“Kahit na po ano, Yaya Adora. Pero pagkaligo ko po ay gusto kong magtungo sa bayan. May bibilhin lang po ako...” She smiled. “N-nakakahiyang sabihin.”
Tiniyak niyang rubber ang maiisip nito o anumang contraceptives. She liked the old woman. Mabait ito at mainit ang pagtanggap sa kanya. Hindi niya gustong magkaroon ng masamang reputasyon dito. But it was too late to build images. Her consolation, she wouldn’t be seeing her again.
“O, siya sige. Hihintayin kita sa ibaba.” Akma nang lalabas muli si Adora nang tawagin niya.
“P-puwede ho ba akong... humiram ng pera sa inyo...” Nag-iinit ang mukha niya sa kahihiyan. Ipinahihiwatig niyang bibili siya ng condom pero hihiramin niya ang pambili rito. “I... I didn’t have the chance to withdraw from my bank yesterday. Nagmamadali si Renz.”
Ngumiti si Yaya Adora. “Walang bagay iyon, hija.” May dinukot ito sa bulsa ng damit sa ilalim ng apron. “Ku, eh, binigyan ako ni Renz ng pamalengke kanina. Marami pa namang pagkain sa freezer, gamitin mo na muna. At pasasamahan kita sa driver. Ituturo niya sa iyo kung saan ka pupunta at hihintayin ka rin niya.”
Mula sa nakatuping pera ay dalawang tig-isang libong piso ang hinugot nito at iniabot sa kanya. “Husto na ba iyan o dadagdagan ko pa? Baka may maisip kang bilhin.”
“Thank you, Yaya. Tama na po ito.”
Nang tumalikod ang matanda ay mabilis na nagtungo ng banyo si Shannon at naligo. Pagkatapos ay nagbihis. Then she stood there in the middle of the room, pinaglakbay niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Huminto iyon sa kama.
Her eyes stung. But she blinked back the threatening tears. Kung hindi niya gagawin ito ngayon, hindi na niya magagawa kailanman. She would be his slave forever. A willing slave.
Binuksan niya ang mga drawer sa bureau at naghanap ng papel at ball pen. Matapos niyang sumulat, inilagay niya iyon sa ilaiim ng lampshade, ball pen on top. Then she went out of the room with a heavy heart.
“SAAN mo siya iniwan?” malakas na singhal ni Renz sa nahihintakutang driver na halos magsiksik sa isang haligi ng villa sa matinding takot.
“S-sa palengke po, s ir, m-matapos siyang humiling na pumasyal daw po muna kami sa pantalan.”
“Sonofabitch!” Namumula ang mukha niya sa matinding galit... at hindi man niya gustong aminin—takot.
Alas-singko na ng hapon nang makabalik ang driver nang nag-iisa. Ayon dito ay matagal itong naghintay sa paradahan. At nang ilang oras na at hindi dumarating ang hinihintay ay hinanap nito sa kabayanan si Shannon kaya inabot nang ganoon katagal.
Nag-alala si Yaya Adora at ipinasundo siya. Subalit wala siya sa rancho kundi nasa Montano Ranch kasama ang beterinaryo. Ang pagkakamali niya ay hindi siya nagbilin na tutuloy doon. Nanananghalian sila sa bahay-rancho ng veterinarian nang maisip niyang baka pati ang mga hayop sa kabilang hacienda ay naapektuhan ng virus.
It was a spur of the moment decision. At dahil naroon ang mag-asawang Jace at Drew, nagkahuntahan pa. Alas-siyete na nang gabi nang matunton siya. Halos paliparin niya ang kabayo pabalik sa villa.
“Hijo.” s i Yaya Adora, remorse in her voice. “Nanghiram ng pera sa akin si Shannon kaninang umaga dahil may bibilhin daw. She made it sound...” Napahugot ito ng hininga, “very important. Bumawas ako sa pamalengkeng ibinigay mo.”
Marahas na mura ang namutawi sa bibig niya at tinakbo papanhik ang baitang patungo sa itaas. Ang pinto sa silid ni Shannon ay halos mahugot sa mga hinges sa pagbalya niya pabukas.
His eyes searched the room. Maayos na nakatupi ang kumot sa tabi ng mga unan subalit walang bedsheet. He knew why. Again, he cursed himself as fear he never felt before in his whole life gripped him. Nang madaanan ng mga mata niya ang puting papel sa night table ay dinalawang hakbang niya iyon. Padaklot niyang kinuha iyon.
Renz,
I promise never to see Basil again, malibang sa kanya mismo manggaling dahil sa napakahalagang dahilan. Basil’s not my lover, I’m sure you know that now.
Goodbye, Renz. Thank you for last night.
Iyon ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko.
Shannon
Renz groaned painfully. Kinusot ang papel at ibinato sa kung saan na lang. Naupo sa gilid ng kama at sa papel na ibinato niya.
For a long while, nanatili siya sa ganoong ayos. His mind wouldn’t function properly. Ang alam niya ay may bahagi ng dibdib niya ang tila pinilas mula sa kinalalagyan niyon. And it was so painful he could hardly breathe.
It was as if the pain was taking his very life.
“Renz... hijo...”
Marahas siyang napatingala. Adora had been in the family for so long. Maliban sa miyembro ng pamilya ay ito lamang ang may kakayahang humarap sa kanya sa ganoong mood.
“Nasa ibaba si Doktor—”
Hinagilap ng kamay niya ang cell phone sa bulsa ng maong. “I’m calling FNC, Yaya Adora. Kailangan ko ang chopper ngayon din!”
“Pero, hijo... ayon sa doktor hindi pa tapos ang pagtuturok ng anti-virus sa mga—”
“Wala akong pakialam kung mangamatay mang lahat ang hayop sa ranchong ito!” he said angrily. “Kailangan kong bumalik ngayon din ng Maynila.”
“So, okay,” Yaya Adora said grimly. “If Shannon is worth the whole ranch, then she must be something. Be sure to bring her back!” Pagkasabi niyon ay tumalikod ang matandang babae. Bumubulong-bulong. “You Navarro men are crazy. Iyan ang nagagawa ng salapi sa inyo. Too proud. Too mighty. As if you were the gods. Simpleng ‘iniibig kita’ lang ang sasabihin ay hindi pa masabi. Di sana’y tapos na ang problema.”
Natigilan siya nang marinig ang sinabi ng papalayong matandang babae. Was he in love with Shannon? Iyon ba ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang takot na nadarama niya ngayong umalis ito? At ang kaisipang baka hindi na niya ito makitang muli ay ganoon na lang kasakit dibdibin dahil mahal niya ito?
Sinapo niya ng dalawang palad ang ulo.
For the first time in his adult life, blue-eyed Lawrence Navarro, Jr., playboy, jetsetter, multi-millionaire, wept.