noveltoon logo noveltoon
The Blue-Eyed Devil (Kristine Series 21)

Chapter 21

Ch. 22 / 23 Feb 15, 2022

Chapter Twenty-one

“Y OU ARE good, Mae,” humahangang wika ng may-ari ng gallery habang tinititigan ang larawang iginuhit niya mula sa litratong iniwan ng customer. “Kuhang-kuha mo ang nasa larawan. Halos walang ipinagkaiba.”

Nasisiyahang sinipat ni Shannon ang canvas. “You really think so, Margie?”

“Magdadalawang-buwan ka na halos dito sa gallery. Wala pang customer ang nagreklamong hindi mo nakopya nang husto ang litrato nila. At nadagdagan ang customers natin dahil na rin sa rekomendasyon ng mga ginawa mo. Kinakabahan tuloy akong baka maglaon ay magtayo ka ng sariling gallery sa lugar na ito. Mawawalan ako ng negosyo,” Margie said good-naturedly.

Isang tawa ang pinakawalan ni Shannon. “Pangarap ko iyon, Marge,” she said honestly. “Pero hindi muna ngayon. Kaya tama na muna sa akin ang ibinibigay mong commission.”

Bumalik sa reception ng gallery si Margie. “Tumawag iyong classmate ng anak ko. Tinatanong kung tapos na iyan. Kahapon lang ng umaga dinala iyang litrato niya, `di ba?”

“Okay lang, Marge. Tapos na naman ito. Kaunting finishing touches na lang.” Tinapos niya ang ginagawa at pagkatapos ay inilagay ang munting signature niya sa dulong-ibaba ng larawan. Nang may maisip ay kumunot ang noo at lumapit kay Marge.

“Hindi ba ito ipapa-frame ng customer?” tanong niya.

“Hindi yata. Parang mas gusto iyong clip lang sa magkabilang dulo. Scroll-style,” sagot ni Marge at inabot ang ibinigay niyang twelve-by-twelve canvas. “Hapon na naman, Mae. Kung gusto mo nang umuwi, sige na.”

She smiled gratefully. Tinungo ang kinalalagyan ng bag. “Thanks, Marge. Gusto kong abutang bukas ang hardware. Pipintahan ko ang kuwarto ko.”

“Hmp. Kung inuupa mo ba naman iyan. May kilala akong pintor, mura lang maningil.”

“Hindi na. Kaya ko naman.”

“Napakaganda mo, Mae. Tiyak na maraming kabalyerong gusto kang tulungang magpinta,” pahabol ni Marge nang nasa pinto na siya.

Tawa ang isinagot niya roon. “See you on Monday.”

“Have a nice weekend.”

“Thanks.” Paglabas niya ng gallery ay sumakay siya ng tricycle at nagpadaan sa hardware at bumili ng isang galong pinturang puti.

Mula sa hardware ay nagpahatid siya sa tinitirhan. The cottage was small with two small rooms. May balkon na nakatanaw sa baybayin. Nakatayo iyon sa kapirasong lupaing malapit sa tabing-dagat na pag-aari ng mga magulang ni Antonia.

All her life, she’d been in Taal twice. Una, iyon mismong araw bago sila nagtungong mag-ina sa San Juan at iwan siya nito kay Basil. Nanatili sila roon ng isang gabi. Ang pangalawa, ay makalipas ang pitong taon, she was fourteen. Noong kuhanin siya ni Antonia at dalhin sa Maynila. Subalit hindi sila nagtagal. May kinausap lamang itong matandang babae at umalis na agad.

Masama ang loob niya dahil hindi naman niya gustong sumama sa ina noong araw na iyon kaya wala siyang interes na magtanong dito.

Kung tutuusin ay hindi naman ganoon kalayo ang Taal sa San Juan. But she didn’t think Basil ever knew this place. Kahit siya ay hindi kailanman naisip ang lugar nito maliban noong araw na umalis siya sa Alta Tierra. Hindi niya gustong bumalik sa New York at balikan ang trabaho. It was out of desperation that this place suddenly came to her mind.

Hindi naging madali ang paghahanap sa lugar na ito na ang tanging pinagbabasehan ay ang landmarks na natatandaan ng isip ng isang labing-apat na taong gulang. But the place hadn’t changed that much. Ang probinsiya ay probinsiya.

Luma na ang bahay bagaman well-maintained, isang sitenta anyos na babae ang dinatnan niya. Ang matandang babaeng kausap noon ng ina. At napag-alaman niyang isa itong malayong kamag-anak ni Antonia at siya ring nag-alaga rito nang mamatay ang mga magulang nito nang ito ay dalagita. And she was surprised to know that her mother had been sending money to the old woman.

“Tumatanaw siya ng utang-na-loob, ineng,” wika ni Impong Maria nang nag-uusap na sila kinagabihan. “Ang ina mo’y maganda at matalino. Nakatapos dahil iskolar. At napakataas ng ambisyon. Determinado siyang makaalis sa kahirapan. Pinangarap niyang maging modelo. Ang sabi ko’y huwag niyang abutin ang langit.” Itinaas nito ang alampay at pinunasan ang mga mata. “Ni hindi ko alam na namatay na siya.”

She swallowed the lump in her throat. Hindi niya makuhang sabihin ditong natupad ang pangarap ng ina sa pamamagitan niya. Hindi niya gustong may makakilala sa kanya bilang si Shannon. Kahit kay Impong Maria, siya ay si Mae. Shannon Mae ang buong pangalan niya. But her mother dropped her second name. Antonia said it was too common.

Bago siya nagtungo sa Taal ay pinaiksian niya ang buhok sa isang mumurahing parlor. At muntik na siyang himatayin nang ibaba ng bakla sa harap niya ang isang lumang imported magasin at sabihing kamukha niya ang nasa cover.

“G-ganoon ba?” Her fingers were trembling as she stared at herself, smiling at her flirtatiously. Pagkuwa’y bahaw na tumawa. “Para mo na ring sinabing maganda ako.”

“Aba, `day, maganda ka!” papuri ng bakla. Itinaas ang buhok niya at sinipat-sipat sa salamin. “`Sabagay, marami namang magkakamukhang tao. Ako nga, kamukha ko raw si Rosanna Roces.”

She laughed. Inilapag sa counter ang magasin, pataob.

LIFE in Taal was suddenly simple. Ang mga bagay na hindi niya nakasanayan ay natutuhan niyang gawin. Tulad ng pagtungo sa palengke upang mamili ng pagkain nila ni Impong Maria. Nakasanayan na rin niyang sinusundan siya ng humahangang tingin ng mga kalalakihan kapag naglalakad siya. But she didn’t fear anymore that people might recognize her as the supermodel.

Agad niyang sinasawata ang mga nagpapalipad- hanging kabinataan.

Katatapos lang niyang pintahan ang picket fences na ipinalagay niya sa karpintero nitong nakaraang tatlong araw. Maghapon siyang nagpinta. Noong nakaraang linggo ay ang silid naman niya at ang sala ang pinintahan niya.

Tired, she dropped herself on the coarse sand. Pinagmasdan niya ang bulkang Taal. The view would have been terrific if she were in Tagaytay. It was so ironic that she’d travelled around the world modelling but she hadn’t been in Tagaytay.

One of these days, magtutungo siya roon upang pagmasdan ang magandang tanawing buong buhay niya ay hindi niya pa niya nakita.

She filled her lungs with the salty aroma of the sea. Dinama ang tiyan. Noong isang linggo ay nagpatingin siya sa isang doktor sa bayan dahil gusto niyang marinig mismo sa mga labi ng isang propesyonal ang prognosis nito.

Isang buwan nang parating sumasama ang pakiramdam niya. Hindi niya gustong gumising nang maaga. Kahit si Margie ay napapansin na ang parating pagpasok niya sa banyo at dumuduwal. But her boss was too tactful to ask.

Si Impong Maria ay tinititigan siya at nasa mga mata ang simpatya bagaman hindi nagtatanong.

She was two months pregnant.

Gusto niyang manlumo. Gusto niyang umiyak nang umiyak. Nang dahil sa siklab ng damdamin... n ang dahil sa isang walang-patutunguhang damdamin ay magkakaanak siya, which was selfishness on her part. Hindi siya nag-isip ng konsekw ensiya. Ngayon ay idadamay niya ang binhing nasa sinapupunan niya.

Life is an irony. History is repeating itself.

Ang kaibahan niya sa ina ay nangyari iyon dahil mahal niya si Renz—which wasn’t a justification to bring a child in this world fatherless. Si Antonia ay ginamit si Felix para sa materyal na bagay.

Pero anuman ang sabihin, siya at ang magiging anak niya ay parehong bastarda.

Niyakap niya ang mga tuhod at ipinatong ang ulo sa mga iyon at humikbi. For so many reasons.

For missing him so much she’d wake in the middle of the night crying.

For wanting him to share the joys of her pregnancy.

For wanting to lean on his chest when she felt so bad.

For wanting him to be there at the momentous moment when she would bring this child into the world.

Napahikbi siya. Oh, Renz, I love you so.

“Mae, may naghahanap sa iyo,” tawag ni Impong Maria mula sa likuran niya.

Mabilis niyang pinahid ng mga kamay ang luha at pagkatapos ay nilingon ang matanda. “Kung iyong karpintero, Impo, nasa platera po iyong balanse—” Nabitin sa lalamunan niya ang karugtong na salita nang makita ang kasunod ni Impong Maria.

Shannon sucked in her breath.