KRISTINE
“Ikaw nang mauna, anak…”
Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni mommy. “Talaga po?!”
Ngumiti naman si mommy nang makita niya na walang paglagyan ang tuwa ko habang kaharap siya. “Oo, pati ang kamay niya ay pwede mo nang galawin.”
Kumunot ang noo ko sa muli niyang sinabi. “Hindi ba naka-reserve ang mga kamay niya para kay Lola?”
Umiling si mommy. “Nakita ng Lola mo ang mga kamay ng babaeng ‘yun. Ang pangit daw at ayaw niya raw ng gano’ng mga kamay.”
Lalo akong natuwa. Ibig kasing sabihin no’n, halos solong-solo ko ang panauhin namin ngayong gabi. Ayaw sa kanya ni Papa kasi babae raw, at ayaw sa kanya ni Mama kais mataba raw. “Ibig sabihin mommy, akin na lang po siya?”
Nakangiting tumango si Mommy. “Sa ‘yong sa ‘yo na anak…”
Halos magtatalong ako sa tuwa. Nagpaalam na ako sa kanya na bababa na ako sa espesyal naming kwarto. Nasa ilalim iyon ng Museo Caridad. Pinasadya para hindi makalabas ang anumang ingay na manggagaling doon.
Excited ako sa pagbukas ng pinto. At nakita ko nga ang isang may katabaang babae na nakatali sa kanyang kinauupuan. Ang mga kamay niya ay nasa kanynag likuran at ang mga paa ay nakatali rin ng magkahiwalay sa paa ng upuan, nakapiring ang kanyang mga mata at may malaking busal sa kanyang bunganga. Alam kong narinig niya ang pagpasok ko sa espesyal na kwarto kung nasaan kami pareho. Dahil nang maisarado ko na ang pinto ay nagpapalinga-linga na ang ulo niya habang pilit na nagpupumiglas mula sa tali niya.
Nakangiti akong napapailing bago lumapit sa lamesa kung nasaan ng ibang-ibang gamit ni Daddy na pang-ukit, ang tool box ni Kuya Toni at ang malalaking gunting ni Mommy. Nagsimula na akong mailto sa kung anong pipiliin ko. Nalilito ako sa sobrang pananabik sa mga susunod na mangyayari. Kapag ganitong may panauhin kasi kami sa espesyal naming kwarto, palaging sa akin ang tira-tira. ‘Yung halos nag-aagaw buhay na. Kaya wala nang thrill at sobrang boring na paglaruan.
“Pakawalan mo ako dito!!!” Hindi malinaw ang mga salitang lumalabas sa nakabusal niyang bibig pero sigurado ako na iyon ang isinisigaw niya. Pare-pareho lang naman ang sinisigaw ng mga nagiging panauhin namin sa espesyal na kwarto na ‘to.
Pakawalan ninyo ako dito.
Maawa na kayo.
H’wag ninyo akong patayin.
Bakir ninyo ginagawa ‘to sa akin?!
Baliw! Baliw kayong lahat!
Hay. Memoryadong-memoryado ko na talaga lahat ng mga linya nila.
Pumeywang muna ako sa may gilid ng lamesa habang nag-iisip. Pinadaan ko ang mga daliri ng kamay ko sa mga gamit na nasa ibabaw ng mahabang lamesa.
Ano kayang gagamitin ko sa mga ito?
Ngumiti ako nang mahawakan ko ang plais.
Tama! Ito na lang ang gagamiti ko. Bagay na bagay ‘to sa kanya.
Nang tuluyan ko nang hawakan ang plais ay nilapitan ko na ang matabang babae at tinanggal ang busal mula sa kanyang bibig. Nandidiri pa akong binitawana ang busal dahil puno na iyon ng laway.
“Parang awa ninyo na po kung sino man po kayo, pakawalan ninyo na po ako…”
“Pare-pareho lang lang kayo… Pare-pareho lang kayo ng sinasabi pero kapag nakatalikod ako alam kong pinagtsi-tsisimisan ninyo ako!” Naglakad ako paikot sa kanya habang nagsasalita. Ang sarap niyang panooring habang nanginginig sa takot.
“A-anong pong ibig ninyong sbaihin? N-nagkakamali po kayo… H-Hindi po ako ang tinutukoy ninyo.” Naghahalo na ang luha at sipon sa bibig niyang naglalaway pa rin. Nakakadiri talaga.
“Anong hindi?! Akala ninyo ba hindi ko alam na pinagtsi-tsismisan ninyo ako?! Ikaw at ang iba pa nating kaklase?!” bulyaw ko sa kanya.
“Ate… Ate… Nagkakamali ka talaga… Hindi ako ‘yung tinutukoy. Nagkamali po kayo ng dinala dito.”
Hindi ko naman talaga siya kilala at ni hindi ko alam ang pangalan niya. Pero ngayon gabi, siya ang isa sa mga dati kong kaklase na nambully sa akin noon. Isa siya sa mga pagbubuntunan ko ng galit ko.
Ganito ang hobby namin nina Mommy at Daddy. Kapag may nagiging bisita kamin sa espesyal na kwarto na ‘to, itinuturing namin sila na parte ng nakaraan namin na gusto naming paghigantihan. Isang alaala na gusto na naming burahin sa isipan namin pati na rin sa mundong ito. At ngayong gabi nga, ang babaeng ito ang makakaranas ng paghihiganti ko sa mga naging kaklase ko na nambully sa akin noong nag-aaral pa ako. Sila na naging dahilan kung bakit ako nagdesisyon na magkulong na lang sa bahay na ‘to.
Pumunta ako sa may likuran niya kasunod ang malakas na pagsabunot sa buhok niya. “Talaga! Hindi mo ako natatandaan?! Hindi mo natatandaan lahat ng pinaggagawa ninyo sa akin ng mga kaibigan mo?! P’wes, ipapaalala ko sa ‘yo lahat!”
Kaagad kong hinugot gamit ang plais na hawak ko ang kuko niya sa hinlalaki.
“Ahhhh!!!”
“Natatandaan mo ba no’ng sinabi mo sa teacher natin na kinuha ko ang pencil case mula sa bag niya?” Muli akong bumunot ng kuko sa hintuturo niya na sinundan ko ng bunot ng kuko sa hinlalato niya. Umaagos na ang malapot na dugo mula sa mga daliri niyang wala nang kuko. “Eh ‘yung pagbato mo sa akin ng eraser ng blackboard na tumama sa mukha ko?! Hindi mo na ba natatandaan ‘yon!?”
“Ahhhh!!! Tama na poooo!” Kagat na niya ng mariin ang labi niya pagkatapos niyang pumalahaw.
“Pero alam mo ang pinakamasakit na ginawa ninyo sa akin?! Nang binigyan ninyo ako ng palayaw!” Nangatal na ang mga labi ko dahil sa pagpigil kong maiyak. Naalala ko na naman kasi ang araw na ‘yon. Ang huling araw na pinasok ko sa eskwela. Dahil sabay-sabay ang mga kaklase ko na sumisigaw pagtungtong ko pa lang ng sahig ng classroom namin… Binabato nila ako ng kung ano-ano habang sumisigaw ng…
“Kristine Magna!!! Tinawag ninyo akong Kristine Magna!!! Lahat kayo!!! Natatandaan mo na?! Ha?! Ano?!” Hindi na ako nakapagpigil at sinunod-sunod ko na ang pagtanggal ng kuko sa mga daliri niya. Hindi na nga kuko ang naiipit ng hawak kong palis, kung hindi ang mga dailiri niyang pinanggigigilan ko ng durugin.
Humihingal akong tumayo bago pumunta sa kanyang harapan. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko.Hindi naman talaga dapat ako hihinto sa pag-aaral. Kun hindi lang talaga ako pinagkaisahan ng mga baliw kong kaklase. Oo, baliw sila dahil pinahiya nila ako. Baliw sila dahil sinira nila ang buhay ko. Baliw sila… Baliw silang lahat!
Pinagbuntunan ko naman ang mga kuko niya sa paa. Isa-isa ko ‘yung hinugot at karamihan sa mga iyon ay tumilamsik pa ang dugo sa mukha ko. Napapangiti na lamang ako sa mga sigaw niya at pilit na pagpupumiglas.
Tama sina Mommy at Daddy. Iba talaga ang pakiramdam ng nakakaganti. Ang sarap pakinggan ng mga palahaw at pagmamakaawa ng nga taong dati lang ay inaapi at sinasaktan kami. Ang sarap sa tainga marinig ng mga iyak nila habang sila naman ang sinasaktan namin. Ganito pala ang pakiramdam nila noong kami naman ang inaapi nila noon. Bilog talaga ang mundo. Ngayon ay nasa amin naman ang kapangyarihan para paghigantihan sila.
Nasa huling kuko niya na ako sa kanang paa niya nang bigla akong masipa ng kaliwang paa niya. Napaupo ako sa semnetadong sahig. Hindi ko napansin na nakalas na pala ang tali sa isang paa niya. Kaagad akong tumayo at naggigigil na malakas siyang sinampal. Nang dahil do’n ay natanggal ang piring niya sa mga mata.
“I-Ikaw?!” sambit ng nangangatal niyang mga labi. “I-ikaw ‘yung nagnakaw ng bracelet ko sa café…” Inilibot niya ang paningin sa paligid. “N-Nasaan ko… Saan mo ako dinala magnanakaw ka?!”
Napaatras ako sa may lamesa at inabot ako gamit ni daddy na pang-ukit ng kahoy. Napalunok ako ng laway bago kaagad siyang sinugod. “Hindi ako magnanakaw!!!”
Galit na galit kong pinagsasaksak ng hawak kong pang-ukit ang tuhod niya. Sunud-sunod. Walang tigil na pagsaksak ang ginawa ko. Hindi ako magnanakaw! At galit nag alit ako sa mga taong tinatawag ako na magnanakaw. Dahil baliw lang ang naniniwala na isa akong magnanakaw!
Mula sa hita at tuhod niya ay kaagad na sumambulat ang malapot na dugo sa mukha ko. Hindi na siya kaagad na nakakilos. Wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang sumigaw at umiyak habang nagmamakaawa.
Umiiyak ako habang walang tigil sa ginagawa ko. Kahit kailan ay hindi sila naawa sa akin. Hindi sila naawa sa mga pambu-bully nila sa akin. Kaya hindng-hindi rin ako maaawa sa kanila. Hindi!
Lumungayngay na ang ulo niya nang humitno ako sa pagsaksak sa binti niya. Durog na ang mga laman noon at halos humiwalay na mula hita. Pinunsan ko ang nalalagkit kong mukha bago ngumisi. Hinihingal ako sa pagod.
Bumulong siya at kumunot ang noo ko nang hindi ko ‘yun maintindihan. Malalim na rin kasi ang paghinga niya at ramdam kong malapit na siyang mamatay. Pero hindi siya humihinto sa pagbulong na kinakainis ko dahil hindi ko pa rin maintindihan.
“Anong sabi mo?!” paangil na tanong ko.
Pilit niyang itinaas ang nanghihina na niyang ulo at sinalubong ang mag tingin ko. “Baliw na magnanakaw!”
Nangatal ang mga labi ko at ang mga kamay ko. Nanlaki rin ang mga mata ko bago tinungo ang mahabang lamesa.
Hindi ako magnanakaw.
At mas lalong hindi ako baliw.
Hindi!
Sinungaling siya!
Sinungaling ang babaeng ‘to!
Muli kong dinampit ang plais at lumapit sa kanya. Hindi ako magnanakaw! Pero mas lalong hindi ako baliw. Kinuha ko ang plais at marahas na pinisil ang mukha niya upang maibuka ang bibig. “Masyado nang matabil ang dila mo!” Hinila ko ang dila niya at pilit na inilabas mula sa bibiga niya. Nang maramdaman kong tuluyan ko na iyon nahila ay binitawan ko na ang pisng niya. Kinuha ko mula sa bulsa ko ang gunting ni Mommy at wala na akong sumunod na sinabi bago pinutol ang matabil niyang dila.
Muling sumambulat sa mukha ko ang malapot niyang dugo. Napangiti ako.
Ang sabi ni Mommy ay akin na raw ang babaeng ito. Ibig sabihin, akin na raw ang buhay nito.
Binitawan ko gunting pero hindi ang plais. Malakas kong inihampas sa ulo niya ang bakal na dulo ng plais.
“Hindi ako ang magnanakaw!”
Muli ko siyang hinampas sa ulo.
“At mas lalong hindi ako baliw!”
Isang mas malakas na hampas pa.
“Tandaan mo ‘yan, babae ka!!! Tandaan mo ‘yan!”
Ilang malakas na hampas pa ang ginawa ko! Sunud-sunod hanggang sa halos magkabutas-butas na ang ulo niya. Huminto ako hindi dahil sa alam kong patay na siya. Huminto ako dahil sa pagod at saya na nararamdaman ko. Humihingal akong umatras mula sa kanya. Durog na nga ang ulo niya pati na ang mga mata niya. Napakagaan at napakasarap sa pakiramdam.
Napakasarap talagang pumatay ng tao.