noveltoon logo noveltoon
Recursion

Chapter 25

Ch. 26 / 51 Feb 09, 2022

MYRA’S P.O.V.

Patuloy siya sa ginagawa niyang paghalik sa leeg ko na sinasabayan ng paglalaro ng kanyang mga kamay sa dalawang dibdib ko. Dahan-dahang bumaba ang kanyang mga labi patungo sa may dibdib ko hanggang sa narating na niya ang kanyang pakay at parang batang sumususo sa kanyang ina. Bahagya pa niyang kinagat ang dulo ng aking dibdib, sinisipsip at pagkatapos ay diniliaan. Tuluyan ko nang nakagat ang mga labi ko upang mapigilan ang sarili ko na mapaungol sa tindi ng sarap na nararamdaman ko.

Malamig ang hangin sa labas ng Haven’s Apartelle, pero heto kami ni Toni at parehong pawisan ang aming mga hubad na katawan. Muling gumapang ang kanyang mga halik pataas sa may leeg ko, sa may pisngi at buong mukha. At nang maglapat ang mga labi naming dalawa ay naramdaman ko na ring ang dulo ng kanyang kahabaan sa bukana ng aking nanlalagkit ng kaselanan. Saglit pa naming binabad ang mga labi namin sa isa’t-isa. Ipinasok ko ang aking dila sa loob ng kanyang bibig at inapuhap ang kanyang maiksing dila. Putol man ang kanuang dila ay may maliit pa rin iyong parte na gumagalaw-galaw sa loob ng kanyang bibig na tila nakikipaglaro sa dila ko.

Muling kumilos ang pawisan at hubad niyang katawan na nakaibabaw sa akin. Pumapasok na ang ulo ng kanyang matigas na kahabaan sa nanlalagkit kong pagkababae. Dumiin ang kuko ko sa likod niya habang patuloy ang aming mainit na halikan. Muling kumilos ang katawan niya at ramdam kong kalahati na ng kanyang kahabaan na nasa tatlong pulgada ang nakapasok sa akin. At sa muli niyang munting pagkilos ay tuluyan nang pumasok sa loob ko ang buong kahabaan niya na dahilan upang kumawala ang mga labi ko mula sa kanya. Nagpatuloy siya sa munting kilos niya. Marahan at dahan-dahang pag-ulos na unti-unting naging mabilis.

“Ahhh...” impit na halinghing ko. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili ko dahil sa matinding sarap na nararamdaman ko. Mas malakas at mas mabilis na ulos na ginagawa niya ay mas triple ang sarap na dulot sa buong katawan ko.

“Mahal, malapit na ako...” bulong ko bago niya tinakpan ang bibig ko. Madalas niya iyong ginagawa na hindi ko alam kung bakit. Para siguro hindi ako masyadong mag-ingay o gusto niya lang talaga na tinatakpan ang bibig at ilong ng babaeng kanyang katalik.

Humigpit pa lalo ang yakap ko sa kanya. Mas lalong bumaon ang aking mga kuko sa likod niya. At nang hindi ko na napigilan ay dumako na ang kamay ko sa may pwet niya upang mas lalong maisagad ang kanyang kahabaan sa loob ko.

Isa... Dalawa... Tatlong malalakas at mabibilis na ulos pa bago namin sabay na narating ang rurok ng kaligayahan. Naramdaman ko pa ang katas niyang sumabog sa loob ko habang pareho kaming hinihingal na tila galing sa mabilis at malayong pagtakbo. Isang malalim na paghinga pa ang binitawan ni Tony bago niya hinugot ang kanyang kahabaan na nagsisimula nang manlambot mula sa akin.

Hinalikan niya ako sa labi kasunod ang pag-alis niya mula sa ibabaw ko. Inabot ko naman ang tuwalyang nasa tabi ko at pinunas sa nanlalagkit at pawisan kong kaselanan at mga hita. Inabot ko din ‘yun kay Tony na siya niya ring ginamit pamunas sa sarili niya.

Napatingin ako sa lumang orasan na nakasabit sa pader habang isinusuot ko ang mga panloob ko. Alas-dos pa lang ng madaling araw kaya tahimik pa ang buong apartelle. Bago rin ako pumasok kanina dito sa bakanteng kwarto kung saan naghihintay sa akin si Tony ay sinilip ko muna si Lola Harlie sa kanyang kwarto, mahimbing ang kanyang tulog kaya hindi ko siya kailangang bantayan sa ngayon. Katatapos lang din kasi niyang kumain ng kamay at paa ng tao para sa hapunan kagabi. Kaya sigurado ako na hindi na siya babangon pa ngayong madaling araw para maghanap ng bagong pagkain.

Maliit lang din ang kwarto kung nasaan kami ni Tony ngayon. Nasa ikalawang palapag ito ng apartalle at pinapaliwanag ng maliit na bumbilya. Tambakan lang kasi ‘to ng mga lumang gamit kaya bukod sa walang aircon ay maalikabok din. Muli akong bumalik sa kama at yumakap sa hubad pa ring katawan ni Tony pero nakasuot na ng kanyang boxer. Humitit-buga siya sa hawak niyang sigarilyo habang ang isang kamay ay nakalagay sa may balikat ko.

“Gusto ko ng umalis dito. Gusto ko nang magkaro’n ng normal na buhay,” mahinang sabi ko. Alam ko na nakuha ko ang atensyon niya dahil bumaling sa akin ang mga tingin niya, habang ako naman ay nakatingin sa saradong binta na walang kurtina.

Nuebe anyos ako nang mapunta ako sa impyernong lugar na ito. Impyerno ang tawag ko sa lugar na ito dahil hindi tao ang mnga nakatira dito. Walang matinong tao ang kumakain ng laman-loob ng kapwa niya tao. Hindi ko naman talaga gustong tumira dito lalo na kasama ng pamilya ng mga baliw. Pero wala akong pagpipilian dahil ayoko pang mamatay.

Dalawa kami noon ni Gelly ang inampon ni Tito Andrew. Mula kami sa isang sindikato na pinipilit ang mga batang mamalimos sa lansangan. Galing pa kami sa isang barrio na malayo dito sa San Vicente. Sa may simbahan kami madalas na namamalimos ni Gelly at doon din namin madalas makita noon si Tito Andrew. Mabait siya sa amin at palagi kaming binibgyan ng maraming barya at pati na rin ng pagkain.

Wala naman kami talagang balak ni Gelly na tumakas sa mga sindikato, kung hindi lang namin nalaman ang mga ginagawa nila sa mga batang babae na tumutungtong ng edad sa sampu. Binibenta sila ng mga sindikato sa mga orgnaisyon ng prostitusyon. Kaya gumawa kami ni Gelly ng plano para makatakas. Ang sabi niya ay hindi kami magtatagumpay na makalayo kung hindi kami hihingi ng tulong sa ibang tao, at do’n nga namin naisip si Tito Andrew. Isang umaga kagaya ng nakagawian namin na pamamalimos ay nakita namin siya sa may labas ng simbahan. Sinabi namin sa kanya ang lahat at hindi siya nagdalawang isip na tulungan kami. Kaagad niya kaming isinakay sa kanyang owner jeep at doon na nga nagbago ang buhay namin.

May dalawang oras ang byahe mula sa lugar kung saan kami nanggaling ni Delly patungo dito sa Barrio San Vincente. Hanggang ngayon nga ay nagtataka pa rin ako kung bakit napakalayo naman ng simbahan na nais puntahan ni Tito Andrew kada Linggo. Espesyal ba ang lugar na ‘yon para sa kanya? O nag-aabang lang talaga siya ng batang maiuuwi dito sa apartelle?

Namangha naman kami ni Gelly sa apartelle na pinagdalaghan sa amin ni Tito Andrew. Para itong palasyo sa paningin namin na noon ay musmos pa lang. Mabait din kaming sinalubong ni Tita Aileen na nagdadalang tao nan g mga oras na ‘yun. Si Lola Harlie naman ay pinakilala sa amin ni Tito Andrew na may trauma daw kaya palaging kakaiba ang kanyang ikinikilos. Doon ko rin nakilala si Tony na kahit kailan ay hindi ko narinig na nagsalita. Hanggang sa nalaman kong putol pala ang kanyang dila na akala ko pa noon ay putol na iyon mula nang maipanganak siya.

Masaya kami ni Gelly sa apartelle na iyon sa unang mga linggo namin. Itinuring kami nina Tito Andrew na parang parte ng kanilang pamilya. Parati ring masarap ang mga pagkain namin hindi kagaya ng mga binibigay ng sindikato sa amin na puro lugaw na ni wala man lang laman na tokwa o baboy. Pero sa Haven’s Apartelle, palagi talagang masasarap ang pagkain. At ang pinaka-paborito ko sa lahat ay ang specialty ni Tita Aileen na meatballs na may kahalong tomato sauce at iba pang ingredient. Masaya kami ng kaibigan ko at sinabi namin na hindi na kami aalis sa lugar na iyon.

Hanggang sa magising na lang ako ng madaling araw dahil sa isang malakas na sigaw na hindi ako sigurado kung saan nanggagaling pero parang nasa loob lang ng apartelle. Magkasama kami ni Gelly sa kwarto kaya kaagad ko siyang ginising. Ayaw pa sana niyang maniwala sa akin pero siya man ay nakarinig din ng kakaibang ingay. Parang may tinadtad at ginigiling na mga karne. Nagdesisyon kaming lumabas ng kwarto at doon namin nalaman na may connecting door pala ang appartelle patungo sa may Museo Caridad. Pumasok kami doon pati na rin sa isang pinto pa na nakabukas sa loob.

Hanggang sa marating kami ni Gelly sa tinatawag nilang espesyal na kwarto. Binuksan namin ang pinto no’n at maingat kaming sumilip. Parehong nangatog ang mga tuhod namin ni Gelly at nanlaki ang aming mga mata nang makita namin kung paano enjoy na enjoy kainin ni Lola Harlie ang hawak niyang putol paa ng tao. Madumi pa ang mga kuko ng paa na ‘yun pero tila wala siyang pakialam. Makalat sa loob ng kwartong iyon at napakalansa ng amoy. Hinihiwa ni Tony ang kaharap niyang mga parte ng katawan ng tao, si Tito Andrew ay ginigiling na ang mga karneng hawak niya, samantalang si Tita Aileen ay abala naman sa paglalagay sa supot ng mga giling ng karne. At ang muntik nang magpaduwal sa amin ni Gelly ay ang hubo’t-hubad na katawan ng isang babae na nasa sahig na wala ng mga kamay, paa at pati na rin ulo.

Nagmamadali kaming bumalik sa kwarto namin ni Gelly, pareho kaming umiiyak at nanginginig sa takot. Gustung-gusto kaagad naming umalis sa lugar na iyon pero saan naman kami pupunta!? Wala na kaming ibang pamilya o kakilalang kamag-anak na pwedeng puntahan. Gulung-gulo ang isip naming dalawa hanggang sa magkayakap na kaming nakatulog.

Kinabukasan nga ay nag-usap kami ni Gelly na kailangan namin muling magplano kung paano makakaalis mula sa impyernong ito. At sa almusal na may burger patty na nakahain sa lamesa ay pinilit ko angh sarili ko na hindi maduwal, dahil alam ko na hindi yon patty na gawa sa kung ano mang karne ng hayop. Sigurado ako na gawa iyon mula sa sariwang karne ng tao.

Halos pareho kami ni Gelly na hindi nagalaw ang aming pagkain na sobrang ikinagalit ni Tita Aileen. Natakot ako nang sumigaw siya lalo na at iyion ang unang beses na nakita ko siyang nanginginig sa galit. Sa takot ko ay pinilit ko ang sarili ko na kumain habang pigil pa rin na maduwal, pero nagmatigas si Gelly na lalong ikinagalit ni Tita Ailleen, sinabunutan siya nito at pilit na pinalamon ng mga pagkain sa lamesa. Umiiyak na rin siyang kumain nang bitawan siya ni Tita Aileen.

Kinagabihan din ay nagtangka na kaming tumakas ni Gelly, sabay kaming lumabas ng kwarto at naiwan akong nakakubli sa may malaking cabinet habang dahan-dahang binubuksan ni Gelly ang pinto sa may lobby na may apat na lock. Pero sa pagbukas niya ng pinto ay bumungad si Tito Andrew sa kanya na may hawak na palakol. Nakita kong tumama ang talim no’n sa may ulo ni Gelly hanggang sa may ilong. At bago pa ako makasigaw ay isang kamay ang tumakip sa bibig ko. Kamay iyon ni Tony na sinamahan akong magkubli pa rin sa likod ng malaking Cabinet. Kaya naluluha na lang akong pinanood ang paghila ni Tito Andrew sa bangkay ng matalik kong kaibigan papunta sa museo.

Nang gabi na iyon ay nalaman ko na ang lahat tungkol sa pamilya ng mga baliw dahil kay Tony. Binalaan niya ako na h’wag na akong muli pang magtangka na tumakas kung ayaw kong matulad sa kaibigan ko. Kaya naman pikit mata na lamang akong kumakain ng lahat ng pagkain ng pamilya ng mga baliw at sumusunod sa lahat ng utos nila sa akin. Mabuti na lang kahit paano ay may isang tao dito sa apartelle na nasa matino pa ring pag-iisip. Si Tony na kalaunan ay naging lihim na nobyo ko na rin.

Bumalik ang diwa ko sa kasalukuyan nang alisin ni Tony ang kamay niya mula sa balikat ko. Inabot niya ang maliit na notebook at ballpen na nasa ibabaw ng katabi niyang tokador. Palagi niya iyong dalawa kahit saan pa man siya pumunta. Dahil iyon lang ang paraan niya para makipag-komunikasyon sa akin. May mga salita siyang isinulat doon na kaagad niyang ipinabasa sa akin.

‘Parang sinabi mo na rin na gusto mong mamatay.’ Ang sa sabi sa sulat ni Tony.

“Pero hindi na ba talaga tayo pwedeng magkaro’n ng normal na buhay? Mahal, ayoko na dito. Ayoko na sa kabaliwan na ginagawa nila sa bahay na ‘to!” naiiyak na sabi ko.

‘Pero hindi nga tayo pwedeng umalis dito. Hindi natin kaya! Mamamatay lang tayo!’ muling sulat ni Tony.

“Buntis ako, Tony. “

Saglit siyang natulala sa akin dahil sa huling sinabi ko. Tila binabasa niya sa mga mata ko kung nagsasabi ba ako ng totoo o gumagawa lang ng kwento. Bakas naman mukha niya ang gulat at takot. Muli siyang nagsulat sa kanyang notebook. ‘Totoo ba ‘yangb sinasabi mo!?’

“Oo! At ayokong lumaki ring baliw ang magiging anak natin kasama sila!” Isang buwan na ang nakakaraan ng makumpirma ko na buntis ako, kaya mas lalong lumakas ang determinasyon ko na umalis sa impyernong lugar na ito.

‘Pero hindi nga tayo makakaalis dito. Gusto mo bang magaya sa kaibigan mo? Gusto mo na rin ba talagang mamatay?’

“Siyempre, hindi! Isa lang naman ang gusto kong mangyari, ang magkaro’n ng normal at masayang buhay kasama ka at ang magiging anak natin. Ikaw ba, Tony, gusto mo bang dito ko na lang isilang ang magiging anak natin at maging baliw din na kagaya nila?”

‘Hindi!’

‘Ayokong maging baliw din ang magiging anak natin!’

‘Alam ko na...’

Pahinto-hinto ang kanyang pagsusulat at napansin ko na nanginginig na ang kanyang kanang kamay. Gano’n siya kapag natatakot o kinakabahan.

‘Humingi tayo ng tulong sa writer. Alam ko na tutulungan niya tayo. Sigurado ako.’ Ang sabi niya bago ako mahigpit na niyakap.

Sinagot ko rin ang yakap ni Tony. Mas mahigpit sa pagkakataon na ito. Gulo man ang isip ko, isa lang ang gusto kong mangyari. Ang makatakas dito at makalayo kami ni Tony para mabigyan namin ng normal na buhay ang magiging anak naming dalawa.

Pero sana nga may makatulong pa sa amin. Sana matulungan kami ng manunulat na guest ng Haven’s aparatelle. Sana makalabas pa kami ni Tony ng buhay mula dito sa Sitio San Vicente.