noveltoon logo noveltoon
Man And Wife (Wifely Duties 2)

Chapter 6

Ch. 7 / 28 Feb 09, 2022

Chapter Six

*Nothing seems to be happening.

But someone is secretly in the move.

For you.*

ANG HULING pagkakatanda ni Reeve na nakipag-usap siya sa mga pinsan ni Agatha ay nang mahanap ng mga ito si Bari. When Bari came back, he was able to talk to him too.

But when Reeve’s private investigation and search for Agatha reached a dead end, the Andersons just stopped communicating with him.

Hindi niya alam kung lahat ng pinsan ng asawa niya ay galit sa kanya. But there were some who were ruthlessly vocal about it. Katulad ni Dylan.

Kaya laking sorpresa niya na inimbitahan siya ng mga ito. May gusto lang daw ikonsulta sa kanya tungkol sa kaso ng kanyang asawa.

Reeve was waiting for the Andersons to arrive. Buhat-buhat niya si Adam dahil Daddy Time nito. Tulog si Rade at nasa eskuwelahan pa sina Rain at Riana.

Gideon arrived first. Hindi naman ito mukhang galit sa kanya dahil kaswal pa siyang kinumusta. He was immediately followed by Reynald, Charlie, and Dylan. Then the brothers Ramses and River arrived after.

Sina Reynald at River lang ang bumati sa kanya. Dylan, Ramses, and Charlie were giving him a distant and cold look.

“ Unclessss ,” sambit ni Adam.

“How are you, li’l fella!” Hiniram ito ni Reynald sa kanya. “Doing good?”

“Play cars!”

Nilingon ni Reynald si River. “Magkakasundo kayo nitong si Adam, River. Mahilig sa kotse.”

River smiled a bit. Binuhat din nito si Adam. Mayamaya pa ay pinagpapasa-pasahan na itong buhatin ng mga tiyuhin.

“Where’s Ibarra?” tanong niya kay Bari.

“He’s coming,” sagot ni Gideon.

“How about Johann?”

Sumimangot si Reynald. “Hindi kami kinakausap ng lalaking `yon. Hindi sinasagot ang mga tawag namin. Bigla na lang naging cold. `Di ba, Charlie?”

“Mas gusto niyang kampihan si Reeve, eh. Bahala siya sa buhay niya,” malamig na sagot ni Charlie.

Reeve was puzzled. “Kampihan?” Umiling siya. “He stopped talking to me too. Akala ko nga galit din siya sa akin kagaya n’yo kaya hindi na rin ako pinansin.”

“Huh?” Takang-taka si Reynald. “That’s strange. Akala namin ay nagagalit siya dito kina Charlie dahil mainit ang mga ulo.”

“Hindi siya sumasama tuwing nagpapatawag ng meeting si Ibarra para sa kaso ni Agatha,” sabi ni Gideon. “Akala namin ay mas pinapanigan niya ang ginagawa mong paghananap kay Agatha kaysa sa kinuha naming bagong search team.”

Umiling si Reeve. “Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nang huli ko siyang makausap.”

“Hindi kaya ipinapahanap din ni Johann si Agatha sa iba pang private investigator?” River asked.

Umupo si Reeve sa pang-isahang sofa. Posible iyon. Pero wala namang nababanggit sa kanya sina Daddy Philip at Mommy Ria—ang mga magulang ng mga ito. If Johann was conducting his own search, his in-laws would know…

“Hayaan n’yo na nga ang lalaking `yon.” Magkasalubong ang mga kilay ni Dylan. “Kung ayaw niya tayong tulungan, eh, di huwag.”

“Napansin lang din siguro niya na walang kuwenta ang pag-iimbestigang ginagawa ni Reeve.”

“Charles Lyndon!” saway ni Reynald sa pinsan. “Shut up, bro. Hindi tayo naghahanap ng away.”

Tumahimik lang si Reeve. Tiningnan na lang niya si Adam na wala pang naiintindihan sa mga nangyayari at tahimik na nilalaro ang mga laruang kotse nito.

Namayani ang katahimikan sa buong bahay. Ganoon sila naabutan ni Bari.

“It’s good to have your mouths shut like this,” kalmadong sabi nito pagkapasok sa bahay.

Tumayo si Reeve. “Ibarra.”

“Reeve.” Umangat ang gilid ng mga labi ni Bari at tinanguan siya. “We just want to consult you about something. Kung hindi ka papayag, maiintindihan namin.”

Ngumisi si Ramses. “Wala siyang karapatang hindi pumayag dahil wala namang kuwenta ang sarili niyang imbestigasyon.”

“Kuya,” saway ni River.

“Bakit? Totoo naman, hindi ba?” Ramses’ voice was calm yet very piercing. “Nahanap na ba si Agatha?”

“Baka hindi mahanap dahil ayaw nang magpahanap,” Charlie taunted. “Maybe Agatha doesn’t want to be a neglected wife anymore.”

Nagtiim ang mga bagang ni Reeve. “Heaven knows I’m sorry. I’ll trade anything just to find her. I’ll give up everything just to see my wife again.” He tried his best for his voice not to break.

Nang-uuyam ang tawa ni Dylan. Napatingin silang lahat dito. “Kahit ang Anderson-Monteverde Hotels? Kahit ang posisyon mo sa board of directors? Ang alam ko, pumayag ka lang na magbakasyon sa trabaho ngayon para sa mga anak mo. Pero kapag nagbalik na si Agatha, magkukumahog ka uling bumalik sa trabaho. Ang pagmamahal mo sa trabaho ang naglayo sa `yo sa pamilya mo, Reeve. Lalo na kay Agatha. Before the accident, you’ve already lost her.”

“That’s another form of unfaithfulness,” dagdag ni Ramses. “Your own job is your mistress, Reeve. Pinipili mong kaulayaw ang trabaho mo sa mga oras na sana ay nakalaan kay Agatha at sa mga anak ninyo. You cheated.”

Charlie threw him some dagger looks. “And we thought she’d be happy with you. But all you did is impregnate her and leave her with the kids. Palahian? Iyon lang yata talaga ang tingin mo kay Agatha.”

Kumuyom ang mga kamay ni Reeve. Nag-iwas siya ng tingin. Parang hinihiwa ang puso niya sa sobrang sakit. Sa sobrang sakit ay parang gusto rin niyang manakit.

Pero mahal na mahal niya ang kanyang asawa. Alang-alang kay Agatha, hindi niya papatulan ang mga pinsan nito.

“Dylan, Ramses, Charlie…” tawag ni Gideon sa mga pinsan ito. “Get out.”

The tension got thicker when they didn’t move.

Humarap si Bari sa tatlo. “Didn’t you hear what he said? Get. Out.” Puno ng awtoridad ang boses nito.

“We don’t want to be here anyway.” Marahas na tumalikod si Charlie.

Tahimik namang lumabas si Ramses.

“We don’t want to be in the same room with people who still believe in that piece of shit,” sabi ni Dylan, sabay turo sa kanya. “Kaya ba kinakampihan mo `yan, Reynald? Kasi cheater din?”

“Akala mo kung sino ka!” bulalas ni Reynald. “Ampon ka lang naman.”

Ngumisi si Dylan. “`Buti nga akong hindi talaga kadugo, kahit kailan ay hindi pinabayaan si Agatha. Paano pa iyang asawa niya?” pagpaparinig pa nito sa kanya.

Umupo si Bari sa sofa malapit sa playmat ni Adam. Binuhat nito ang pamangkin. “I bet you have a higher IQ and EQ than those monkeys.”

Nang wala na rin pati si Dylan ay napapagod na napaupo na lang si Reeve. Ipinatong niya ang mga siko sa hita at sinapo ang mukha ng mga kamay. “I’m really sorry.”

“We don’t know why they’re mixing your issues with Agatha’s accident. We’re sorry for their behavior,” sinserong sabi ni Gideon.

Tumango lang siya.

“Huwag kang mag-alala, Reeve. Frustrated lang din sila sa paghahanap kay Agatha katulad nating lahat,” sabi ni Reynald. “They just chose to deal with their frustration with anger.”

“Matatauhan din sila,” sabi naman ni River.

“Sasabihin na namin ang tunay na ipinunta namin dito.”

Napatingin siya kay Bari. “Yes, of course. Ano ba ang gusto n’yong ikonsulta? I heard you got your own search team.”

Tumango ito. “And we know how you like to keep Agatha’s disappearance private, Reeve. Pero mas malaki ang tsansang mahanap natin siya kung ipapaalam na natin ito sa publiko.”

“W-what?”

Gideon sat on the chair in front of him. “Reeve, we’re planning to put Agatha’s picture in broadcast. Bibigyan ng reward ang makakapagbigay ng impormasyon kung saan siya posibleng nakita. Mas malaki ang reward kung maituturo talaga siya mismo sa atin.”

“We’re planning to announce it even on TV and radios,” dagdag ni Reynald. “Also in all local newspapers and tabloids. Even in magazines.”

Napailing si Reeve. Sunod-sunod. “No, no, no… Please…”

“You never considered it, Reeve,” malumanay na sabi ni Bari. “Alam nating lahat na iyon ang pinakamabisang paraan.”

“No.” Umiling uli siya. “Malalaman ng mga bata na nawawala si Agatha kung ipapamalita n’yo iyon sa lahat.”

“We’ll try to keep it away from them,” River suggested.

“Hindi n’yo naiintindihan. Rainiel and Riana… they can understand things now. Mailalayo natin sila sa TV, sa radyo… but people will talk.”

Natahimik ang mga Anderson.

Tumayo siya. “They have friends in school, teachers, the parents of their classmates… they’ll know. At kapag nalaman nila, imposibleng hindi makarating sa mga bata. Please, don’t do it.”

Hindi na niya nagawang protektahan si Agatha kaya gagawin niya ang lahat para maprotektahan ang mga anak.

“Those people will talk. They will even think that Agatha might be dead. At puwedeng makarating iyon kina Rainiel at Riana.”

“Reeve, iyon na lang ang natitirang option para mahanap si Agatha,” pangungumbinsi ni Bari.

Umiling siya. “Ibarra, please…” he begged. “Please give my investigating team a chance.” Nangilid ang luha sa mga mata niya. “I don’t want to break my children’s hearts if somebody will tell them that their mother is really missing and not on vacation.”

Napatingin sa kanya si Adam. Lumabi ito at inabot ang mga braso. Nagpapakarga sa kanya. Kinuha niya ang anak kay Bari.

“Alam kong desperado na tayong lahat na makita si Agatha. Naisip ko na rin `yan noon. Pero iniisip ko ang mga anak ko. Oo, maling magsinungaling sa kanila. Pero magpapaliwanag din ako pagbalik ni Agatha. At naniniwala akong babalik siya,” matigas at puno ng kombiksiyon na sabi niya. “Babalik siya dahil buhay siya. Naniniwala ako doon. Mahahanap natin siya. But don’t let the public know about this.”

Isa pa, hindi niya kakayanin kung sakaling may mga taong magbigay ng false lead dahil lang sa pera. Aasa siya at kapag panloloko lang pala iyon ay baka makapatay siya. Any information about Agatha’s whereabouts should not be a joke!

“Please, protect my children’s hearts and innocence with me. Alam kong naiintindihan n’yo ako dahil may mga anak na rin kayo. Mahahanap natin si Agatha. Maibabalik natin siya nang tahimik.”

Matagal siyang tinitigan ni Bari bago ito tumango.

Nakahinga nang maluwag si Reeve. Nakakaintinding tumango rin sina Gideon, Reynald, at River.

“Salamat.” Niyakap niya si Adam na walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

“Pasensiya na kung iyon na lang ang naisip naming paraan,” malungkot na sabi ni Reynald. “Hindi namin naisip ang mga bata.”

Tumango lang si Reeve.

“Gideon,” tawag ni Bari sa pinsan nito. “Any news from Johann? Hindi siya sumasagot kahit si Czarina na ang tumatawag.” Mahihimigan sa boses nito ang matinding pag-aalala.

Umiling si Gideon. “Hindi na talaga siya nakikipag-usap kahit kanino. Haley asked Sapphire what’s wrong pero tahimik na raw si Johann tuwing pinag-uusapan si Agatha.”

“Hindi rin niya ako kinakausap. Akala ko dahil galit kayong lahat sa akin.”

“Oras ito para magtulungan ang magkakapamilya. Siguro nga may kanya-kanya lang tayong coping mechanism. Maybe Johann chose to be quiet.”

“Mapagbiro siyang tao,” River added. “Baka hindi na rin niya kayang idaan pa sa biro kapag si Agatha na ang pinag-uusapan.”

Nagtanguan sila.

“We’ll inform you if our search and investigation team finds something. Sana ganoon ka rin, Reeve,” sabi ni Bari.

“Makakaasa kayo.”

Tumayo na ang mga Anderson at isa-isang nagpaalam sa kanya.

Pagkaalis ng mga ito ay hinalikan niya si Adam sa bumbunan. “Don’t tell this to your kuya and ate, all right, little Adam?” Idinantay niya ang noo sa maliit nitong noo, pagkatapos ay ipinikit ang mga mata.

“Daddy…” Adam clung to his neck. “Don’t cry, Daddy. Don’t cry…” His little hands patted his back.

Adam was really an affectionate baby.

“You don’t want Daddy to cry?”

Umiling ito.

“But I miss Mommy…”

Lumabi si Adam. Nagulat si Reeve nang hawakan siya nito sa magkabilang pisngi. “Mommy loves Daddy! Mommy loves Daddy!”

Napangiti siya roon. “Sinasabi ba iyan ni Mommy sa `yo? She loves me?”

Ngumiti ito. Adam had the same smile like his. “Mommy loves Daddy. Mommy loves Adam. Adam loves Daddy!”

Napalunok si Reeve. That touched his heart. Nawala na ang tensiyong naramdaman niya nang kausap ang mga Anderson.

“I love you too, Rome Adam.” Hinalikan niya ang anak sa pisngi, sa ilong, sa noo, at sa bumbunan. “We’ll find Mommy, okay?” bulong niya.

Tumango ito, ngumiti, at muli siyang niyakap. Adam’s pure love gave Reeve a lot of hope. A hope that their family would soon be complete.

“MATAGAL na kayong nakatira dito?”

Napapitlag si Seline nang tumabi sa kanya ang teacher ni Sasa. Si Johann. Recess time. Kumakain ang mga bata sa gitna ng court. Galing din sa mga volunteer ang mga cupcake at naka-tetra pack na juice.

“Ahm, sabi ng asawa ko, mula nang maging anak namin si Sasa, dito na kami nakatira.”

“Sabi ng asawa mo?” nagtatakang sabi nito. “Ikaw? Hindi mo alam?”

Seline was taken aback. Okay lang bang sabihin sa lalaking kakikilala pa lang niya na may amnesia siya? But why not? Baka mas maiintindihan nito.

“Nagka-amnesia kasi ako…”

Hindi ito kumibo. Nilingon niya ang lalaki para makita ang reaksiyon nito. Nakatitig ito sa kanya pero parang hindi naman nagulat.

Ngumiti ito. “Parang sa teleserye na pinapanood ko tuwing gabi.”

Napakurap si Seline. Hindi niya alam ang sinasabi nito dahil wala naman silang TV.

“Ano’ng dahilan ng amnesia mo?” curious na tanong ni Johann. Pero parang hindi naman ito nanghihimasok. Parang nagtatanong lang talaga dahil curious.

“Ahm, sabi ng asawa ko, nasa gubat daw ako para mamitas ng mga ligaw na prutas. Eksaktong may bus na nahulog sa bangin. Tumaob. Hindi raw sinasadyang natamaan ako ng mga nalaglag na… katawan mula sa bus. Tumama sa kung saan ang ulo ko…”

“Nagising kang wala nang maalala?”

“Oo. Pagkatapos ng isang buwang pagkakatulog.”

Napakurap ito. “Hindi lang pala teleserye. Pelikula na `yan!”

Hindi na napigilan ni Seline ang bahagyang pagtawa. “Sa tingin mo?”

Ngumiti lang uli si Johann, bahagyang sumingkit ang mga mata. Napatitig siya sa ngiti nitong naghahatid ng pamilyar na pakiramdam sa kanya. Hindi niya alam pero parang nakakita siya ng isang kakilala. Ganoon ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

“Nang magising ka, nandiyan na ang asawa mo at si Sasa?”

“Oo. Inalagaan nila ako.”

“Ano naman ang sabi ng mga tao dito?”

Napakunot-noo si Seline. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Lahat sila ay kilala kang asawa ng asawa mo?”

“O-oo naman. Kasi nga, matagal na rin kami dito, sabi ni Niel. Nang magising ako, lahat sila, ang tawag sa akin, Seline. Nalulungkot sila sa sinapit ko pero masaya daw silang gising na ako.”

Tumango-tango ito. “Ang bait pala ng asawa mo.”

Napatingin siya kay Johann dahil… bakit tunog-sarkastiko ang boses nito?

“Mabait talaga si Niel. Mahal niya kami ni Sasa…”

Ngumisi si Johann. “Puwedeng magtanong uli? Pasensiya na, ha? Sa mga teleserye ko lang kasi talaga ito napapanood. Interesado lang ako kung paano ba sa totoong buhay.”

Natagpuan ni Seline ang sariling napapatango.

“Wala kang ibang natatandaan, sabi mo. As in, zero memories?”

“Oo…” malungkot niyang sabi. “Kahit pangalan ko, hindi ko alam. Pati anak ko, hindi ko kilala.”

“At naniwala ka lang sa sinabi ng asawa mo? Na asawa ka niya, na may anak kayo? Na ikaw si Seline? At ang aksidenteng kinasangkutan mo daw?”

Hindi agad nakasagot si Seline sa sunod-sunod na tanong ni Johann. Hindi dahil wala siyang masagot kundi dahil ano ba ang paniniwalaan niya kung wala siyang maalala? Saan siya pupunta kung hindi siya maniniwala kay Niel?

“M-may ipinakitang mga papeles si Niel para maniwala ako sa katauhan ko at sa kasal namin.”

“Pictures, mayroon?”

“W-wala. Nasunog daw lahat sa dati naming bahay sa Bontoc.”

Imahinasyon lang ba ni Seline nang makita niyang lihim na umismid si Johann?

“How convenient,” bulong nito.

“Excuse me?”

Tumingin si Johann sa kanya, nakangiti na uli. “Pero okay ka naman?”

“Oo. Maayos naman kaming pamilya. Sabi ko nga kanina, mabait ang asawa ko. Masipag pa sa trabaho para maibigay ang mga pangangailangan namin ni Sasa.”

Tumango-tango ito. “Sa tingin mo, kahit nawala ang memories mo, magaan ang loob mo sa kanila? Kasi `di ba ganoon daw `yon? `Yong hindi kayang maalala ng isip ay nananatili sa puso?”

Napayuko si Seline. “Hindi” ang sagot. Hindi agad naging magaan ang loob niya sa sariling anak. Pero parang alam niya na may anak siya. That was why she started to take care of Sasa. Sa loob ng pitong buwan mula nang magkamalay uli siya ay kinilala niya ang bata. Ngayon, mahal na niya ito.

Niel was a different case, though. Hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi talaga magaan ang loob niya rito. Pero sinusubukan naman nitong makipaglapit sa kanya. At hindi ba pagbibigyan na niya ang sariling makipaglapit din dito? Nakita naman kasi niya kung gaano kabuting tao ang asawa.

Ni hindi ipinipilit ni Niel ang mga obligasyon niya bilang asawa nito. He was waiting patiently until she became at ease with him.

“Basta ang alam ko, sila ang pamilya ko. Simple at tahimik ang buhay namin. Walang gulo. Walang komplikasyon…”

“Alam mo dahil… ang asawa mo ang nagsabi?”

She kindly smiled at him. “I’m sorry, Johann. But I think you’re getting too personal. Kakikilala pa lang natin.”

Parang natauhan naman ito. “Pasensiya na, Seline. Ahm, curious lang talaga ako. Sa mga teleserye kasi, mahilig akong manghula kung ano ang twist. Baka sakaling may twist sa buhay mo…” He smiled apologetically. “Pasensiya na talaga…”

“Ayos lang.” Sa totoo lang, hindi naman nao-offend si Seline sa mga tanong nito. But it was too disturbing. Ang mga tanong ni Johann ay ang mga tanong na itinatanong din niya minsan sa sarili.

At wala siyang maisagot…

“Nakapagpatingin ka na ba sa doktor?” tanong ni Johann mayamaya. Puno ng pag-aalala ang boses nito.

Johann was too concerned for a woman he just met.

Still, Seline found herself answering. “Hindi pa. Nag-iipon pa kami ng pera. Mahal daw kasi ang pakonsulta.”

“May pinsan ako. Ang asawa niya, psychiatrist. May kakilalang magagaling na psychologist ang asawa ng pinsan ko. Puwede kitang i-recommend. Gusto mo? Manghihingi ako ng discount.”

“Nakakahiya. Huwag na. Ayos lang naman ako. Kaunting ipon pa at makakapagpatingin na rin ako.”

Bumuntong-hininga ito.

“Bakit?” nagtatakang tanong niya.

May emosyon sa mga mata ni Johann habang nakatingin sa kanya. Tumaas ang kamay nito at sa gulat niya ay hinaplos nito ang buhok niya.

Gulat na napahakbang siya palayo kay Johann.

“Ah, p-pasensiya na…” agad nitong hingi ng tawad. Binawi na rin nito ang kamay. “Hindi ako nananantsing, ha? Sorry, sorry. Ang ganda kasi ng buhok mo. Inggit me.”

Hindi nakasagot si Seline. Lumayo siya dahil nagulat siya sa naramdaman. She didn’t even feel that it was an unappropriate move! Nagulat siya sa sarili. Para kasing gusto niyang hayaan ang paghaplos nito sa buhok niya.

“P-pasensiya na talaga, Seline. Huwag mo `kong isusumbong sa mga pulis, please.”

She chuckled. “Pulis agad?”

“Pasensiya na. Ang ganda kasi talaga ng buhok mo. Mahaba, madulas, malambot… shiny pa.”

Napatitig siya rito. “Are you gay?”

Ang lakas ng tawa nito. Napatingin tuloy ang ibang tao sa kanila.

“`Buti ka pa tinanong iyan,” natatawang sabi nito. “`Yong misis ko, sure na sure siya, eh.”

Napangiti si Seline. “May asawa ka na pala.”

“Yup! With three kids!” he proudly said. “Hmm. Since marami kang naikuwento sa akin dahil sa kakatanong ko, kuwentuhan na lang din kita.” Itinaas nito ang kamay kung saan may wedding ring palang nakasuot. “Nagpakasal kami ng asawa ko eight years ago. Actually, marriage for convenience lang. Para makuha niya ang mana niya sa lola niya. Pero na-in love naman kami sa isa’t isa. Ipinagdasal ko `yon gabi-gabi! Galawang Johann.”

Nakinig lang si Seline. Ang daldal pala nito. Pero halata namang lalaking-lalaki. Ganoon lang talaga siguro itong magsalita.

Hindi pa titigil si Johann kung hindi ito tinawag ng coordinator.

“Salamat sa kuwento,” nakangiting sabi ni Seline. Totoong naaliw siya! Ngayon lang siya nakipag-usap nang ganoon katagal. Sa katunayan, ngayon lang may isang taong nakipag-usap sa kanya nang ganoon katagal.

Mag-iisang oras din yata.

“Salamat din sa pakikinig. Sana maulit. Masaya akong kausap ka… Seline,” sabi ni Johann bago nagpaalam.

Kinabukasan, kinausap uli siya ni Johann. Kinuwentuhan siya ng lalaki ng tungkol sa mga anak nito na sina Isaiah, Jeremiah, at ang bunsong si Emerald.

Wala pa rin si Niel. Matatagalan daw ang kanyang asawa sa sentro dahil may inutos daw ang superior nito sa minahan. Kaya naman mas matagal pa silang nakapag-usap ni Johann.

“Inay, bukas uli. Balik tayo,” sabi ni Sasa habang naglalakad sila pauwi. “Dami ko na kaibigan. Maglalaro kami kapag recess.”

“Masarap mag-aral, `di ba? May kasama kang friends.”

“Opo! Bait-bait pa Teacher Pogi. Lagi ngiti siya, Inay. Dami din jokes. Tawa kami, eh.”

Tumango siya dahil kahit siya ay napapatawa ng lalaki. “Magaling ba siyang teacher?”

“Opo!” Tumango pa ito. “Talino siya sa math, Inay. One plus one, two! Two plus two, l apu- l apu!”

She chuckled. “Turo `yan ni Teacher?”

Humagikgik si Sasa. “Opo. Pero four sagot, Inay. Joke lang daw si Lapu- l apu, sabi Teacher Pogi.”

Halata sa buong mukha ni Sasa na nasiyahan talaga ito sa libreng pagtuturo. Kumikislap ang mga mata nito at hindi mabura-bura ang ngiti sa mga labi.

“Inay, bulaklak, o! Bili natin si Ate Ganda.”

May sobrang barya naman si Seline kaya bumili sila ng bulaklak para kay Mrs. Monteverde. Pagkakuha sa mga bulaklak ay dumeretso sila sa clinic.

“Magandang araw,” nakangiting sabi niya sa natutulog pa rin na babae. “May dala kaming bulaklak para sa `yo.”

“Hello, Ate Ganda!” Humila ng upuan si Sasa at tinuntungan iyon. “`Di ka pa rin gising?”

Nilagyan niya ng tubig at bulaklak ang vase na nasa gilid ng kama nito. Ang sabi ng isang kapitbahay nila, hindi dapat tumatagal nang walong buwan ang pagkaka-comatose. Himala na lang daw kung magigising pa ang babae.

Napatingin si Seline sa camouflage backpack nito. Nasa loob na ang damit na gamit ng babae nang makita ito. Pati ang singsing ay nandoon lang din.

Natagpuan na lang ni Seline ang sariling kinukuha ang singsing mula sa bag. “Pumunta na ngayon si Niel sa bayan para iparating sa mga pulis ang tungkol sa singsing mo. Sana malaki ang maitulong nito para magkita na kayo ng pamilya mo.”

Mula sa singsing ay lumipat ang tingin niya sa mukha ng babae.

“Hi! You can sit here beside me. What’s your name?”

“Celina.”

“Really? Magkapangalan tayo. I’m Agatha Celina Monteverde. Call me Agatha.”

“Nice meeting you. Ang ganda naman ng singsing mo, Agatha.”

“Thank you! This is my wedding ring actually.”

Napasinghap nang malakas si Seline.

“Inay?”

Napapikit siya nang mariin. Nabitawan niya ang singsing at napakapit sa ulo. Napasigaw pa siya sa sobrang sakit niyon.

“Inay!” Bumaba si Sasa mula sa upuan at niyakap siya. “Inay! Inay!”

Napaluhod si Seline nang hindi na kinaya ang pananakit ng ulo. Para kasing binibiyak iyon. Pagdilat niya ng mga mata ay malabo na ang paligid.

“Inay!” narinig niyang iyak ni Sasa.

Napapikit uli si Seline at sinubukang dumilat. Pero tuluyang nagdilim ang kanyang paningin at bumagsak siya sa sahig.

“INAY…”

Nagising si Seline at nakita si Sasa na umiiyak. Agad siyang bumangon at niyakap ang anak nang mahigpit. Naalala niyang nawalan siya ng malay sa clinic kanina.

Hindi niya matandaan kung bakit. Ano ba ang naalala niya? Biglaan lang iyong pumasok sa isip niya. Alaalang puro boses. Malabo.

“P-pasensiya na…” alo niya kay Sasa. “Natakot ba kita, anak? Sorry…”

Iyak pa rin nang iyak si Sasa na sobrang higpit ng pagkakayakap sa baywang niya. “Inay, Inay…”

“Okay na `ko. Gising na uli ako,” masuyong sabi niya. Hinaplos-haplos niya ang buhok nito. “Huwag ka nang umiyak.”

Tumingala ito sa kanya, hilam sa luha ang mga mata. “`Kala ko patay na ikaw, Inay…” Suminghot-singhot ito. “Ayoko patay ka… Ayoko…” At umiyak uli nito.

Binuhat na niya si Sasa nang hindi pa rin ito tumahan. Sumasakit ang puso niya sa pag-iyak nito.

“Sshh… it’s all right…” She gently stroked Sasa’s back.

At noon lang niya napansin na nasa sarili siyang kuwarto. Sino ang nagdala sa kanya roon? Nakauwi na ba si Niel mula sa sentro? Pero—

“Uy! Gising ka na pala.” Nakangiting bumungad ang mukha ni Johann. “Kumusta ang pakiramdam mo, Seline?”

“J-Johann! B-bakit nandito ka?”

Nagkamot ito sa batok. “Ah, eh, papunta kasi ako talaga sa clinic ninyo. `Tinuro sa `kin ni Kapitana kung nasaan. Pagdating ko doon, narinig kong umiiyak si Sasa, `tapos nakadalo na sa `yo ang nurse. Ako na ang nagprisintang buhatin ka papunta dito.”

“S-salamat kung gano’n…”

“Ano’ng nangyari sa’yo?” Pumasok ito sa kuwarto at inabutan siya ng tubig.

Pero bago uminom ay pinainom muna niya si Sasa na umiiyak pa rin.

“Nahimatay ako. Biglang sumakit ang ulo ko.” Uminom na rin si Seline ng tubig pagkatapos ni Sasa. Tumahan na ito.

“Bakit sumakit ang ulo mo?” usisa pa ni Johann. “May bigla ka bang naalala?”

Gulat na napatingala siya rito. “P-paano mo nalaman?”

Parang nagulat din ito katulad niya. Pero agad nito iyong naitago at ngumiti. “Sabi mo kasi may amnesia ka. Sa mga teleserye, eh, sumasakit ang ulo ng may amnesia kapag biglang may naalala. Psychologically din, masakit daw talaga sa ulo kapag biglang bumuhos ang alaala sa utak. Para daw kasing may pumitik para lumabas ang memory.”

“G-ganoon ba?”

Tumango si Johann. “Sorry kung nakikialam ako. Nag-alala din ako. Lalo na para sa… a-anak mo. Iyak kasi nang iyak.”

“Inay…” Humikbi na naman si Sasa.

Niyakap niya ito nang mahigpit. “Hindi naman ako patay, anak. Hindi ako mawawala sa `yo…” Napatingin siya kay Johann. “Pasensiya na rin kung naabala ka namin.”

“Wala `yon. Ayos ka lang ba talaga?”

Tumango siya. “May naalala ako kanina pero malabo. Saka puro boses lang ang naririnig ko.”

“May narinig kang boses mo?”

Natigilan si Seline. Hindi niya matandaan. Tumahimik na lang siya at ipinagpatuloy ang pagpapatahan kay Sasa.

Mayamaya ay nakatulog na ito. Napagod siguro sa pag-iyak. Kawawa naman…

Niyaya niyang kumain ng tanghalian si Johann at nagpaunlak naman ito. Tulog pa rin si Sasa sa kuwarto.

“Johann, ano nga pala ang kailangan mo sa clinic?” curious na tanong niya.

“May hinahanap kasi akong tao,” sagot ni Johann.

Bigla siyang napatuwid ng upo at napamata rito. “Nakita mo ang babae sa clinic kanina?” Lumakas ang tibok ng puso niya.

“Oo…” Sumubo ito ng kanin.

“Matagal na na naming kupkop ang babae. Eight months na siyang comatose. Walang pamilyang kumukuha sa kanya. Kaya nga wala ang asawa ko ngayon dahil nag-follow up sa pulisya sa sentro. Kilala mo ba `yang babae? S-siya ba ang hinahanap mo?” sunod-sunod niyang tanong.

Uminom ng tubig si Johann bago sinalubong ang tingin niya. There was something familiar with the way he looked at her. Pagsuyo ba ang nakikita niya roon? A sad longing, perhaps?

“Hindi,” sagot nito, saka umiling pa. “Hindi siya ang kapatid ko.”