Special Chapter
Special Chapter
Agatha Celina Anderson Monteverde
PAGKATAPOS
ng ulan, hindi agad bahaghari ang lumalabas.
Araw muna.
At saka susunod ang bahaghari.
Pagkatapos ng bahaghari, puwedeng umulan uli. Pero sisikat uli ang araw. Bagong bahaghari—isang paalala tungkol sa pangako ng Diyos sa sanlibutan…
A Savior—the One who would perfectly demonstrate the power of love and forgiveness, of justice and mercy combined which was grace.
I was Agatha Celina Monteverde. My husband and I had received the most powerful grace.
Tatlong taon na ang nakalilipas mula nang maaksidente, magka-amnesia, at makabalik ako sa pamilya ko. That tragedy made Reeve and I go out of our comfort zones and continue our personal growth together with our children. A lot of things had happened and changed since then. But it was a good kind of change.
Today, while I served the music ministry in church, Reeve also joined the ministry for businessmen. I felt proud of him. Reeve is a natural born leader, I supposed. Now he was leading again—leading corporate leaders how to be Christ-like despite the buzz and hustle in the business world.
Hindi pa rin siya bumabalik bilang CEO ng hotels ng pamilya namin. But he was still the management consultant. Ang Agatha’s Home ang mas tinututukan niya talaga. Gayunman, hindi rin siya nawawalan ng oras sa pamilya namin.
I didn’t know how he did it. But he really had learned how to balance his time well.
“Agatha, hindi ka pa uuwi?” tanong ng mga kasamahan ko sa music ministry. Tapos na kaming maglinis at mag-ayos ng mga instrument na ginamit namin sa practice.
“Pupuntahan ko pa ang asawa ko. Hahabol ako sa session niya ngayon,” nakangiting sagot ko.
“O, sige. Una na kami, ha? Ingat kayo ni Reeve sa pag-uwi mamaya.”
“Kayo din. Take care! God bless!” kaway ko sa kanila.
Isinukbit ko sa balikat ko ang shoulder bag at lumabas na rin ng kuwarto bitbit ang tatlong folders na naglalaman ng sheet music.
I glanced at my wristwatch. Malapit na ang dinnertime at siguradong hinihintay na kami ng mga bata sa bahay. Mas binilisan ko ang paglalakad at pagkarating ko sa hall kung saan ginanap ang session ni Reeve ay tapos na iyon.
I saw different businessmen coming out from the hall. I smiled at familiar faces greeting me. Sinalubong ko ang agos ng mga tao palabas para hanapin si Reeve.
I easily saw him, still in front of the platform and talking with some pastors who also led the session for that day.
Napakurap ako. Kusang huminto ang mga paa ko sa paglalakad at mas nayakap ko ang mga folder na hawak.
I just stood there, watching Reeve smile and laugh without reservations anymore. That was one of the things that he learned as he walked intimately and closely with Jesus. Alam kong totoo ang relasyon niya sa Panginoon dahil nakikita ko iyon sa kung paano na siya kumilos sa buhay niya ngayon.
The once mighty and uptight Reeve was now a humble and joyful God’s man…
May kung anong init na bumalot sa puso ko habang
tinititigan pa rin siya. For the past years, I had seen how he strived to be the man God wanted him to be—being a responsible leader and businessman, a loving and disciplin
ing father, and a faithful and patient husband to me.
Ang galing kung paanong nagagawa niya ang lahat ng iyon nang sabay-sabay, especially that he was still winning my heart back again. After my therapy sessions, the majority of the memories I never regained were mostly memories of him.
Akala ko noon, madidismaya si Reeve at pipilitin pa akong magpagamot pa sa ibang bansa. Kaya laking gulat ko nang buong puso niyang tinanggap iyon at nagpasalamat pa sa Diyos dahil tapos na ang pagpapagamot ko. Nakita raw niya ang pagod ko sa bawat therapy at sapat na raw iyon.
Day and night, I prayed to remember more of my happy memories with Reeve. Pero sa mga nakalipas na taon ay wala na talagang bumalik sa akin na alaala tungkol sa kanya.
Reeve was okay with it. Ako pa nga yata ang hindi. Gustong-gusto ko kasing makompleto ang mga alaala ko sa kanya.
But watching him now, maybe I finally found the reason why most of my memories of him wouldn’t ever come back. God allowed that to happen because…
Napangiti ako nang lumingon si Reeve at awtomatikong tumingin sa direksiyon ko. I waved at him. He smiled and waved back. Bumaling uli siya sa mga kausap at siguro ay nagpaalam na. Itinuro niya ako dahilan para mapunta ang atensiyon nila sa akin. They also waved at me and I waved back.
Two young pastors tapped Reeve’s shoulders before he got down from the platform. Patakbong lumapit siya sa akin, marahang hinapit ang baywang ko, at masuyong humalik sa pisngi ko.
“Katatapos lang ng rehearsal para sa Sunday service tomorrow. Hindi ko na naabutan ang session mo,” nakalabing sabi ko. I really felt sorry that I wasn’t able to see him lead the session again.
“No worries, sweetheart. We’re both serving the Lord and that’s more important,” nakangiti niyang sagot.
Napangiti rin ako at sinalubong ang itim niyang mga mata. My heart skipped a beat… I let it be. Gusto ko ang pakiramdam na iyon. It supported what I was feeling right now.
Hinawakan ko ang kamay niya. “Let’s get your things, Reeve. Uwi na tayo.”
Tumango siya at mas hinigpitan ang pagkakasalikop ng mga kamay namin. Pagkatapos na makuha ang mga gamit niya ay magkahawak pa rin ang mga kamay na naglakad kami papunta sa parking lot.
“Nag-text kanina si Mommy,” sabi ko. “Nagluto na raw siya ng dinner para hindi na natin kailangang magluto pag-uwi natin. The children are waiting for us.”
“Thank God!” Reeve said, his voice full of gratefulness. “We’re truly blessed with our parents, sweetheart. Handang-handa pa rin silang tulungan at alalayan tayo, lalo na sa pag-aalaga ng mga anak natin.”
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse. Pagkasakay ko ay saka siya umikot papunta sa driver’s seat. Habang nagmamaneho siya pauwi ay pasimple pa rin akong nakatitig sa kanya.
Dati kaya sa mga alaala ko ay pinangarap kong makitang ganito si Reeve? This… spiritually mature? His progress was significant.
For the past three years, I saw how he walked the talk. His words and actions would always meet!
At sa mga pagsubok at problema, magkaagapay kami sa pagdarasal at paghahanap ng solusyon. Sa mga pagtatalo, sabay kaming natututo sa isa’t isa. Sa malalaki o maliliit mang tampuhan, natutuhan naming mas maging mapagkumbaba nang magkasama.
Ngayon, mas lumilinaw na sa akin kung bakit hindi ko na kailangan pang maalala ang kabuuan ng memorya ni Reeve sa isip ko.
Now, I could fully understand what God was trying to tell me when it was only a majority of bad memories with Reeve I could recall.
Hindi iyon para kamuhian ko si Reeve.
Hindi lang iyon para makita ko rin ang pagkakamali ko…
But I needed that to acknowledge there was an existing suffering.
“So, tomorrow, we’ll worship in the morning and clean the house in the afternoon, right?” sabi ni Reeve.
Napakurap ako, pagkatapos ay nakangiting tumango. “Yes.” Inilayo ko na ang tingin ko sa kanya. I bit my lower lip to refrain from smiling wider. Ang tanda ko na siguro para makaramdam pa ng ganito. But these last years, I found Reeve more and more charming every single day.
And amidst those bad memories I only had about him, I got to view Reeve in a very different light now.
Now that I got to acknowledge the sufferings, I held tighter to my faith, to the people supporting me, to my marriage with Reeve and to our family…
Suffering produces perseverance. Perseverance develops character—growing in all areas of life.
Sa kakataboy namin ni Reeve noon sa totoong problema, sa hindi namin pagkilala sa mga dapat pala naming pagdaanan, we became stagnant. Hinarap namin iyon sa “nakasanayan” na lang na paraan, not knowing it required a whole different approach for growth.
“Wala ang mga bata bukas ng hapon, hindi ba? Hihiramin sila nina Daddy at Mommy?” tukoy ni Reeve sa mga magulang ko.
“Gusto nina Mommy na magkaroon ng quality time sa mga apo nila nang sama-sama. Bukas ay nandoon din ang mga anak ni Kuya Johann.”
“Tayong dalawa lang pala ang maglilinis ng bahay?”
“Mas mabilis siguro tayong matatapos. I appreciate when the kids are helping but….”
“Pero mas madalas, nakakadagdag lang ang pagtulong nila sa lilinisin natin,” nakangisi niyang sabi.
I chuckled. “They are still playful and clumsy. Ang mahalaga, mabuti ang intensiyon nila sa pagtulong,” nakangiti kong sabi.
“Remember when Adam and Rade wanted to help me wash the car? But they used detergent soap that messed up the car’s color?”
Nagkatawanan kami.
“Parang nang gumamit sina Rainiel at Riana ng white crayon sa dingding dahil akala nila matatakpan n’on ang wall drawings ni Rade… Magkapareho naman daw kasi ang color ng crayon at wall. Parehong white.”
Reeve shook his head, still chuckling. “Smart and creative.”
“Mali lang ang tools na ginamit.”
We shared a laugh again. And then we continued to reminisce our children’s fun and crazy antics.
Buwan-buwan ay may general cleaning sa bahay. I found it therapeutic when I cleaned, same went with Reeve. He liked things organized.
Iyon pala ang isang bagay na magkakasundo kami nang sobra—sa paglilinis pa ng bahay. So it became a monthly hobby that the two of us shared. A hobby that became a way for us to bond more together. Parang nakakatuwaan naming dalawa kung saan pa kami nakakita ng koneksiyon sa isa’t isa.
Pagdating namin sa bahay ay agad kaming sinalubong nina Adam at Rade. Riana came next. Lahat sila ay binigyan kami ng halik at yakap sa pisngi.
“Where’s Kuya Raniel?” I asked Rade.
“He is eating dinner already, Mommy,” my four-year-old son answered.
“Gutom na daw siya, Daddy. Nauna na si Kuya na mag-eat,” dagdag pa ni Adam na ngayon ay limang taong gulang na. “Kami, nag-wait kami po.”
“Let’s have dinner, Mommy, Daddy. We know you’re both tired and hungry,” Riana smilingly said. She was already nine years old now but remained the sweetest girl in the family.
“All right. Let’s go eat!” Reeve said in a full manly voice, yet full of cheerfulness for the kids who waited for us. “The last who gets to the table will wash the dishes!”
Hinawakan niya sa magkabilang kamay sina Adam at Rade at pabirong tumakbo papunta sa dining area. The two little boys chuckled and ran with their father. It was like a little playtime with them because Reeve had been out the whole day.
“Mommy, let’s go! We can’t lose!” Riana excitedly said, tugging my hand.
Natawa na rin ako at tumakbo habang hawak ang kamay ng anak ko.
Halos magkakasabay lang naman kaming lima na nakarating sa mesa. Iiling-iling si Rainiel na abala na sa pagkain habang pinapanood kami.
“Sorry I wasn’t able to wait,” he said. “I feel really hungry and I need to sleep early.”
“No problem, champ.” Ginulo ni Reeve ang buhok nito. “So you won’t join us for movie night tonight?”
Umiling si Rainiel. “We also have church tomorrow, right? That’s early. We should all sleep early.”
“No!” tanggi ni Adam na nakaupo na sa puwesto nito. “I want to watch a movie with Mommy and Daddy.”
“Me too! Me too!” Nagtaas pa ng kamay si Rade.
“Basta matutulog na `ko,” pinal na sabi ng panganay namin.
“That’s good, baby. I’ll tuck you to sleep later,” sabi ko. Hinalikan ko siya sa bumbunan.
Umupo na sa kabisera si Reeve nang makaupo na ang mga bata sa kanya-kanyang puwesto. Pumasok muna ako sa kusina at binati si Mommy. Katatapos lang niyang mag-prepare ng fruit salad para sa dessert namin.
“Dito ka na mag-dinner, Mommy.”
“Oh, I need to go home, anak.” Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. “Hinihintay na rin ako ng daddy mo.” Then she kissed my cheeks.
“Salamat sa pagbabantay sa mga bata kada Sabado, Mommy. Alam kong dapat ay nagpapahinga ka na lang sa bahay kasama si Daddy.”
“Gustong-gusto kong nakakasama ang mga apo ko. I always look forward to every Saturday to be with them. O siya, bukas ay huwag ninyong kalimutan na ihatid ang mga bata sa bahay pagkatapos ng service, ha? Marami kaming inihanda ng daddy mo para sa mga apo namin. Bonding din nilang magpipinsan `yon.”
Tumango ako. Nanatiling nakatitig sa akin si Mommy pero wala siyang sinasabi.
“Mom?”
She smiled gently. “Lagi ka pa ring kasama sa mga dasal ko, anak. Kayo ni Reeve at ang mga bata. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil sa kabila ng mga nangyari, you didn’t let your emotions rule you. But instead, you chose to stay committed to this marriage and family.” Hinaplos ni Mommy ang buhok ko. “Marami ka mang nakalimutan, pero hindi ang tunay na kahulugan ng pag-ibig, anak.”
Napangiti na rin ako. Bigla kong naalala ang kuwento ni Mommy tungkol sa iba’t ibang lebel at intensidad ng pag-ibig.
Bahagya akong napasulyap sa labas ng kusina. Reeve was happily talking to the children.
“You know, Mommy, you were right before. Love doesn’t really fade away.” Puwedeng bumaba lang ang lebel o nagpahinga lang sandali. But love would always be there.
Tumango si Mommy. Hindi na siya nagtanong pa. She already got what I was trying to say.
“Maghapunan ka na, hija. Tutuloy na `ko.”
“Yes, Mommy. Thank you. Hatid na kita sa labas.”
“Huwag ka nang mag-abala pa. Join your family.”
Bago pa ako magpumilit ay nahila na ako ni Mommy palabas ng kusina. Binati niya si Reeve at nagpaalam na isa-isa sa mga apo.
“See you tomorrow, Lola!” magkasabay pang sabi nina Adam at Rade.
Naupo na ako sa hapag-kainan pagkalabas ni Mommy ng pinto. We prayed together before we ate. Sumali rin si Rainiel kahit kumakain na siya. After dinner, he went up to his room to prepare for sleep.
Nagprisinta si Reeve na maghugas ng mga pinagkainan habang inaasikaso ko ang mga bata. I already tucked Rainiel to bed before movie time. Antok na antok na kasi siya dahil nakipaglaro pala siya ng soccer sa mga kaibigan niya sa village.
Pagpasok ko sa kuwarto ay tutok na sa TV sina Riana, Adam, at Rade. Lumabas mula sa walk-in closet si Reeve, nakapagpalit na ng pantulog. Kinuha niya ang remote at pinapili ang mga bata ng gustong panoorin ng mga ito.
Matagal na ring nakabalik sa pagtulog sa kuwarto namin si Reeve pero hindi pa rin kami nagtatabi dahil laging nasa gitna namin si Adam at Rade. Riana wanted to sleep more in her own room.
Nang matapos ang movie ay tulog na sina Adam at Rade. Only Riana was able to finish it.
“Good night, Mommy…” malambing na bulong ni Riana bago siya lumipat sa kanyang kuwarto.
“Good night, baby.” Hinalikan ko siya sa magkabilang pisngi, pati sa mga labi. “Daddy will tuck you to bed tonight. Bukas, ako naman.”
“Yes, Mommy. I love you.”
“I love you more, baby. Pray before you sleep.”
Lumabas na siya ng kuwarto kasama si Reeve. Ako naman ay inayos sa pagkakahiga sina Adam at Rade. Ang bilis talagang lumaki ng mga bata, especially these two boys. Yesterday, they were just babies. Today, Adam was already in kinder school and Rade in nursery.
Mayamaya ay bumalik na si Reeve.
“Okay na si Riana?” tanong ko.
“Mabilis ding nakatulog, after praying.”
“That’s good.”
Humiga na siya sa kabilang dulo ng kama, katabi ni Rade. “Hindi lang sina Rain at Riana ang mabilis sa paglaki. These two boys grow up so fast as well.”
“Exactly my thoughts.”
“I’m glad I was already attentive to watch these two. I was with them in their first day in school. It was the most unforgettable moment.” Dinig ko ang saya sa boses ni Reeve.
Bahagya akong bumangon, itinukod ang isang siko sa unan. Hinaplos-haplos ko ang buhok ni Adam. Pagkasulyap ko kay Reeve, ikinukulong niya si Rade sa mga bisig niya.
“Daddy…” ungot ni Rade habang nakapikit at mas isiniksik ang ulo sa dibdib ni Reeve.
“Reeve.”
“Hmm?”
“Pumapasok na ang lahat ng mga anak natin sa school. I think it’s also okay kung babalikan mo na ang posisyon mo as the CEO of Anderson-Monteverde Hotels.”
Napatingin siya sa akin. Tumitig nang matagal. And how I loved staring at those dark as night eyes again.
“Ayaw mo na ba ako sa bahay, sweetheart?”
Nag-iwas ako ng tingin. “Hindi naman sa ganoon.” Iniangat ko na ang kumot para kina Adam at Rade.
Kapag ang lahat ng bata ay nasa school, dalawa na lang kami palagi ni Reeve sa bahay. Hindi naman araw-araw ang consultation sa kanya ng management ng Anderson-Monteverde Hotels. Tatlong beses sa isang linggo lang din siyang bumibisita sa Agatha’s Home.
Isang beses sa isang buwan lang din siya nagiging speaker para sa corporate ministry ng church. Dalawang beses sa isang buwan naman ang pagse-serve ko sa music ministry. Kaya mas madalas pa sa madalas, naiiwan lang kaming dalawa sa bahay.
At sa mga araw na iyon, nagba-
b
ible study kami na kaming dalawa lang. Nagpe-pray nang magkasabay para sa mga anak namin.
But most of the times…
Napabuntong-hininga ako. Most of the time, I found myself staring or watching Reeve for a long time. Minsan, kapag quiet time niyang mag-isa, lumalabas siya sa balcony. Then I watched him in secret.
Nahihiya ako sa sarili ko pero hindi ko mapigilang pagmasdan si Reeve sa mga oras na alam kong hindi siya nakatingin sa akin. I was too old to become a stalker of my own husband. I was afraid he would find me creepy if ever he caught me.
“Mas perpekto lang ang oras ngayon na makabalik ka na sa trabaho.” Para naman mawala na ang creepy hobby kong pagsunod-sunod ng tingin sa kanya. “And I know you won’t overdo it this time.”
“I’ll think about it. But so far, I’m enjoying taking and fetching our children to and from school. At habang nasa school sila ay mas marami tayong oras na magkasamang dalawa. We do our devotion and Bible study weekly. We clean the house. We plan for trips and vacations.”
I blinked and looked at him. Nakatingin pa rin siya sa akin.
“N-naisip ko lang, Reeve. Ang lahat ng anak natin ay mas mapupunta ang atensiyon sa school at sa mga kaibigan nila doon. Kaya puwede mong gamitin ang oras na iyon para makapagtrabaho na rin uli.”
“But I like to spend that extra time with you,” he gently said.
“H-hindi naman kailangan.”
He closed his eyes but his lips turned into a playful grin! “Kapag bumalik ako sa full-time job ko as CEO, sino na ang tititigan mo dito sa bahay, sweetheart?”
Napasinghap ako, nanlaki ang mga mata sa pagkagulat. “Reeve!” He knows what I’ve been doing?!
Mas lumuwang ang ngisi niya pero nanatili siyang nakapikit. “Sshh… You’ll wake our sons up, Agatha. Matulog na tayo.”
“Reeve… h-hindi naman kita… H-hindi naman lagi—”
Humikab siya. But it was obviously fake. “I’m sleepy. Maaga pa tayo bukas.” Nandoon pa rin ang mapaglaro niyang ngisi.
“Reeve—”
“I love you, sweetheart. Good night.”
Napalabi ako. “Good night.”
Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko bang hindi na laging seryoso ang personalidad ni Reeve. Mas lumuwang na ang ngiti niya at marunong na siyang manukso nang ganoon.
Humiga na lang din ako at niyakap si Adam. There was no point denying it. Nahuli na pala niya ako! Pero paano? Hindi naman niya ako nahuhuli. Hindi ako nagpapahuli!
Nang ikuwento ko iyon kay Trisha kinabukasan nang magkita kami pagkatapos ng worship service ay tawa siya nang tawa.
“Girl, naalala na yata ng puso mo kung paano uli mag-fangirl kay Reeve! Back to stalker mode ka!”
Tinanaw ko si Reeve na kausap si Prince sa malayo habang ang mga anak namin at anak nina Prince at Trisha ay may sarili ring kuwentuhan sa tabi ng mga magulang.
Napabuntong-hininga ako, mayamaya ay napangiti. “I think so…”
Nagulat ako nang impit na tumili si Trisha na parang bata at pabiro akong hinampas sa braso.
“Trish!” saway ko.
“Agatha, ano na? Sinabi mo na ba kay Reeve?”
“Told him what?”
“Na iyan na ang nararamdaman mo? Ang chika sa akin ni Prince Duke, never ka pang nag-‘I love you’ kay Reeve magmula nang makabalik ka. We understand about your amnesia and your struggles finding yourself.” Hinila niya ako sa mas hindi mataong sulok. “But it’s been years… Three years. Hindi lang nagsasalita si Reeve siguro pero abang na abang na `yan sa `yo, girl.”
“S-sinabi ba ni Reeve kay Prince na… nag-aabang siya?”
Tumawa si Trisha. Mayamaya ay bumulong ito. “Siyempre, hindi. Pero malakas lang ang kutob ni Prince. Kaya nga hindi kami nagpapaka-sweet sa harap ninyo kasi baka mainggit si Reeve. More than three years na siyang abstained from sex!”
Hindi masakit ang ulo ko pero napahilot na lang ako sa sentido dahil sa pagka-straightforward ng best friend ko. “Oh, Trisha.”
She chuckled. “Nothing’s holding you back anymore, Agatha. At kilala kita, alam mo na kung ano ang nararamdaman mo ngayon.”
I smiled softly. Yes, I did. Maybe I was just being shy to confess. Hindi na kasi naungkat uli ang tungkol sa mga damdamin namin ni Reeve. It was also a normal thing hearing him confess his love for me. But never did he force me to confess anything.
Parang may kung anong tumutusok sa dibdib ko tuwing naiisip ko kung ano kaya ang nararamdaman ni Reeve tuwing sinasabi niyang mahal niya ako at walang pagtugon mula sa akin.
“Agatha, let’s go? Ihahatid pa natin ang mga bata kina Mommy,” tawag sa akin ni Reeve.
Tumango ako at nagpaalam na kay Trisha.
“Agatha, your strength is your honesty and your immeasurable hope that God allowed things to happen for a reason,” paalala ni Trisha. Then she left me a smile before she also joined Prince and their children.
Bahagya akong nagtaka kung ano ang gustong ipahiwatig ng best friend ko. Naihatid na namin ang mga bata sa bahay ng mga magulang ko nang ma-realize ko ang ibig sabihin ni Trisha.
“How do we clean the house this time?” tanong ni Reeve nang pauwi na kami.
I ignored his question. “Reeve, kumusta na si Celina sa kulungan?”
Napakurap siya at mabilis na napasulyap sa akin. It was the first time I initiated about the topic.
Tumikhim siya. “Last time, I heard she’s doing well in the correctional. Binibisita siya doon buwan-buwan nina Niel kasama ang anak nila at si Sasa. Celina is a member of a women’s
b
ible study group in jail.”
Pinakiramdaman kong mabuti ang sarili ko. Hinawakan ko pa ang tapat ng puso ko. I also uttered a short prayer in my head.
All I had now was peace. Indeed, everything happened for a reason. Not just for one person but for other people who were also involved in it. May plano sa akin ang Diyos at kaugnay iyon ng mga plano Niya para kay Reeve, para kay Niel, at para kay Celina.
Christ didn’t die for just one person but for all. God did not require anything for His forgiveness. Because nothing and no one can be worthy of it. Pero ipinagkaloob pa rin Niya iyon sa pamamagitan ni Hesu-Kristo dahil sa walang-hanggang pagmamahal Niya sa atin.
Today, I chose to forgive. Not just because it was the right and most selfless thing to do. Not just because it was written in the Holy Book.
I’d forgive because I was also forgiven. Kung ako lang, hinding-hindi ko na mapapatawad pa si Niel at lalo na si Celina.
But it was Christ in me who was giving me the strength and power to forgive people like they never sinned before. It was the power of the Holy Spirit, not of human effort to forgive and to heal fully.
Huminga ako nang malalim, saka nagpasalamat sa Diyos.
Then I turned to Reeve, smiling. “I would like to visit her one of these days. I think I’m ready to hear her story.”
Napangiti rin si Reeve at napatango pa. “I’ll arrange a visit then.” I know he was happy for me.
Hindi ko inalis ang tingin kay Reeve. I recalled the past memories I was able to regain. Mostly unpleasant memories…
That one time he forced me, that one time he failed to support me, those days he neglected me…
Siguro, hinayaan ng Diyos na maging ganoon muna ang tingin ko kay Reeve. So that I would be able to learn how to stay when the world was giving me all the reasons to leave. Maybe God allowed my good memories with Reeve to be totally washed out so I would learn not to depend on my memories and feelings, but only on my commitment with Him when I married Reeve.
For better or for worse, I promised not just to Reeve but to the Lord.
God wanted me to grow… to grow in love, not driven by my adoration towards Reeve, not driven by the sweet times, but rather to choose love driven by faith—from the One and only source.
Pagdating namin sa bahay ay una naming inasikaso ang library-slash-office-slash-music room ng bahay. Napansin kasi namin ni Reeve na parang masyadong makalat ang kuwartong iyon dahil sa kung ano-anong papeles na hindi maayos ang pagkakaayos.
“I’ll be the one to sort out my filing cabinet,” sabi ni Reeve. “Maybe you can take the side by the piano.”
My filing cabinet din kasi roon na nag-uumapaw ang mga sheet music. Siguro mamaya ko na lang kakausapin si Reeve, kapag natapos na kaming maglinis.
I felt a little nervous. I couldn’t recall how I confessed my love for Reeve before. It was going to be my first time. Again, if ever.
Nilingon ko si Reeve na agad nang naging abala sa pagso-sort ng mga importante sa mga puwede nang itapon na mga papeles. Huminto siya sandali at nagpatugtog ng worship song sa phone niya. Ginagawa niya iyon para hindi siya mainip. Ganoon lagi ang pinakikinggan namin tuwing naglilinis kami ng bahay.
Napangiti ako. Kusang naglakad ang mga paa ko palapit sa kanya. Hindi ko na kaya pang maghintay ng mamaya.
“Reeve,” I softly called him.
Nag-angat siya ng tingin eksaktong nasa mismong harap na niya ako. “Agatha! Do you need my help?”
Kumapit ako sa magkabilang balikat niya, tumiyad, at kinintalan siya ng mabilis na halik sa mga labi.
“A-Agatha…” His eyes widened.
My heart was thumping fast. “Thank you for never forcing your love for me. Instead, you patiently waited until I’m ready to forgive and love you again.”
He blinked. “T-to love me… again?” Slowly, I saw tears formed in the corner of his eyes. “S-sweetheart…” Napalunok siya. “A-are you saying… are you s-saying that…”
I nodded as my eyes turned misty too. “Thank you because you just didn’t promise to change but you really did it, Reeve. Sa lahat ng ipinakita mo sa mga nakalipas na taon, pinatunayan mong hinding-hindi ka na babalik pa sa dating ikaw. Pinangatawanan mong hindi na ikaw ang mga pagkakamali mo noon.”
Hinawakan niya ako sa magkabilang baywang. Nakikita ko ang pagpipigil niya ng luha. Napatingala siya. “Is this really happening? God. I-I’ve been dreaming of this day to come every night.”
I cupped his face with my hands and caught his gaze. “Maybe we cannot change what happened in the past, Reeve. We both suffered. Pero kahit tayo na ang may kasalanan, hindi pa rin hinahayaan ng Diyos na wala tayong makuha mula sa consequences niyon.
“You suffered.” Huminga ako nang malalim. Pumikit ako at pinagdikit ang mga noo namin. “Then you learned to persevere. You reached a whole new character that knows how to truly hope in Christ.”
“S-sweetheart…” He choked.
“You were right last night. I had this hobby of watching you when you’re not looking,” pag-amin ko. Indescribable joy instead of nervousness embraced me while I was confessing. “You know why, Reeve? Because I was so attracted to the light that shines within you.”
His shoulders shook, tears flowed from his eyes, yet he was able to smile. “This light in me loves you so much, sweetheart. I love you.”
Pinalis ko ang mga luha sa mga mata niya. My heart was fully awake once again.
“And I love you too, Reeve.”
Kinabig niya ako at niyakap nang mahigpit. I chuckled when he kissed me all over my face—from my forehead, cheeks, eyes, nose… and finally my lips.
Awtomatikong pumalibot ang mga braso ko sa leeg niya at tumugon sa mga halik ng asawa ko.
There was nothing really romantic around us right now. But this place, this house was able to witness how our love evolved through the years. And how it would continue to grow, to push us out from our comfort zones, to be more faithful not just to one another, not just to our promises nor to our children. Just mostly to the God the Father who could restore our love, to God the Son who could save our marriage, and to God the Holy Spirit who could protect our family altogether.
We had one God in three forms to make sure all the areas of our lives were covered by His unending love and grace.
Nang maramdaman kong hihigit pa sa halik ang nag-uumapaw na kasiyahan namin ni Reeve, buong puso akong nagpaubaya. I felt my back against the top of his office table.
Praise God for creating a form of passion that allowed married couples to connect their love deeper, reaching their souls.
Hindi kami nakapaglinis ni Reeve nang bahay ng araw na iyon.
However, after two months, I got pregnant with our fifth child—proof of a love restored.
Maybe I was allowed to fall out of love with
the
Reeve that I used to idolize and the man of my dreams
so that I could fall in love again with
this
version of him—the transformed one… and the man of my prayers, instead.
Now I could also sincerely say…
Thank you, Lord, for breaking me—my memories and even feelings, so you could create in me a whole new heart full of You—a new Agatha that would never be perfect, but just real; a faithful mother who could discipline my children; and a Christ-committed follower who could and would carry on my wifely duties.
C.D. DE GUZMAN
(FrustratedGirlWriter)
Wakas