Chapter Twelve
*We forgive, not for them.
But for our own peace.*
“MOMMY , how was your vacation? Did you have fun?” Riana asked sweetly.
Hindi alam ni Agatha kung paano sasagot. So Reeve just told them that she was on vacation?
Hinaplos niya ang mukha nito. “Oh, baby. Mas masaya pa rin ako ngayong kasama ko uli kayo. I’ve missed you all so, so much.”
Parang sasabog sa saya ang puso ni Agatha. Hindi na niya iniinda ang bahagyang pagkirot ng sentido. Basta ngayon ay katabi niya ang lahat ng mga anak. Nakaupo sa kaliwa niya si Rainiel. Sa kanan si Riana. And she was cuddling both Adam and Rade.
Napangiti si Riana. Her cute dimples were showing. “I’ve missed you a lot too, Mommy! Very, very!” She giggled. “But Daddy kept us company while you’re on vacation. We had a Daddy Time!”
“Two weeks lang naman nating kasama si Daddy. The rest, hindi naman niya tayo pinansin katulad dati.” Magkasalubong ang mga kilay ni Rainiel. “He just gave us time when Lolo and Grandpa took his work away. He loves his work more than us!”
“Rainiel.” Nananaway ang tono ng ina ni Agatha. “What did I tell you? You should be kinder to your daddy, right?”
Lalong nagsalubong ang mga kilay ng kanyang anak. Lumabi ito at hindi na nagsalita. Sumiksik ito sa kanya at yumakap sa baywang niya.
Hindi alam ni Agatha kung ano ang sinasabi ni Rainiel. Wala kasi talaga siyang matandaan kay Reeve. But based from her son’s reaction, maybe Reeve was a very busy person.
“I hate Daddy…” narinig niyang bulong ni Raniel.
Gulat na napayuko siya sa panganay. “Anak… hindi mo dapat sinasabi `yan,” she said softly. “Your daddy is…” Saglit siyang napahinto.
Ano bang klaseng ama si Reeve? Hindi niya matandaan. But she felt that there was a need to protect Reeve’s image to their son.
Napatingin si Agatha sa mommy niya na agad na naintindihan ang sitwasyon.
“Rainiel, apo, your daddy loves you all. Hindi ba at iniwan muna niya ang work para sa inyo? Kasi mas gusto niya talaga kayong maalagaan habang nasa bakasyon pa ang mommy ninyo.”
“Hindi naman nag-vacation si Mommy!” galit na bulalas ni Raniel. “Kung nag-vacation si Mommy, bakit siya nandito sa ospital? Sinungaling si Daddy!”
“You’re bad, Kuya Rain,” nakalabing sabi ni Riana. “Daddy’s not a liar.” Tiningala siya ng anak na babae. “Right, Mommy? Tito Johann said that you got sick during your vacation that’s why we need to visit you.”
“Ahm…” Biglang nalito si Agatha. Hindi pala nila napag-usapan ng kapatid at ni Reeve kung ano ang nalalaman ng mga bata tungkol sa nangyari sa kanya. But clearly, Reeve and Johann were both trying to protect their innocence from what really happened to her.
“Kids, we need to keep quiet while in the hospital, all right?” Her father finally spoke. “Rainiel, Riana, baba muna kayo diyan. Let’s eat some snacks.”
“Okay, Lolo. I’m hungry na rin,” Riana agreed. Lumapit sa kanya ang anak at hinalikan siya sa pisngi. “I love you, Mommy. Get well soon.”
Napangiti siya at hinalikan din ito sa pisngi. “I love you too, baby. Kain ka nang marami, ha?”
“I’m not hungry. I’ll stay with Mommy.” Naramdaman ni Agatha ang paghigpit ng yakap ni Rainiel sa baywang niya.
“Rainiel—”
“It’s okay, Daddy. Let Rainiel stay.”
Nagsimulang maghikab si Rade. Si Adam naman ay tahimik na nakasandal lang sa dibdib niya.
“I guess Rade needs to have some sleep,” sabi ng mommy niya bago kinuha sa kanya si Rade. “Patutulugin ko muna siya, anak. Mukhang napagod sa first plane ride niya.”
“Thank you, Mommy.”
“Adam, you want food too?” tanong ni Riana sa kapatid.
“Fooood!” Nagningning pa ang mga mata nito.
He’s so cute! Hindi niya napigilang halikan ang maliliit pang anak.
Binuhat ng daddy niya si Adam. Magkasabay na lumabas ang mga magulang niya kasama ang tatlo niyang anak.
“Did you miss me?” paglalambing niya kay Rainiel nang silang dalawa na lang ang nasa kuwarto.
Tumango ito. Mula sa tabi niya ay lumipat ito at kumandong sa kanya, saka niyakap siya nang mahigpit sa leeg. “Uwi na tayo, Mommy. Huwag ka nang aalis uli para hindi ka mawawala, Mommy.”
She gently stroke his back. “Hindi naman ako nawala…”
“I know you had an accident, Mommy,” seryosong sabi nito. Humarap ito sa kanya at hinawakan ng munting mga kamay sa magkabilang pisngi. “Sinabi lang ni Daddy na nag-vacation ka para hindi kami ma-sad na nawala ka, Mommy. Naiwala ka ni Daddy, Mommy. Kasi hindi ka niya inaalagaan!”
“R-Rainiel…” Agatha did not know how to answer or defend Reeve.
“When we come home, Mommy, I’ll take care of you. Because for sure, Daddy will just go back to work.”
She brushed her fingers through his smooth hair. “Baby, Daddy works for us…” naisip niyang sabihin. “He’s a good daddy. Sigurado naman akong inaalagaan din niya tayo.”
“No! Don’t you remember, Mommy? He forgot your anniversary last year that you cried. I saw you cry!”
Napakurap si Agatha. Nangyari iyon?
“He forgot because he’s always working. He’s not even playing with me anymore. `Tapos, nawala ka. Daddy just felt bad because he didn’t know where to find you. Kaya nag-stay siya sa house kasama namin. Hindi ka na kasi niya mahanap! No one will take care of us. Napilitan lang si Daddy!” He cried.
Napabuntong-hininga si Agatha. Nasasaktan siya sa galit na naririnig sa boses ng anak. Bata pa si Rainiel pero nararamdaman na nito iyon.
Niyakap niya ang anak at kahit wala siyang maintindihan ay hinayaan lang niya na umiyak ito. Hinalikan niya ito sa pisngi.
“I’m already here, anak. Everything’s going to be fine.”
Mas humigpit ang pagkakayakap nito habang umiiyak pa rin. “I’ve missed you so much, Mommy. I kept on waiting for you…” umiiyak na sabi nito. “It’s sad without you, Mommy. Dapat si Daddy na lang ang nawala.”
“Rainiel, no. Don’t say that. Nakita na `ko ng daddy ninyo. Magkasama na uli tayo. Ibig sabihin, hindi tumigil si Daddy para mahanap ako. Hindi ba?” alo niya sa anak. “One more thing, your daddy loves you. Galit ka lang, baby. But give Daddy a chance. Hindi magandang gusto mong may mangyaring masama sa iba dahil lang galit ka sa kanila.”
Lumabi ito, suminghot-singhot. “We almost lost you, Mommy. It’s Daddy’s fault!”
Sa tingin ni Agatha, kahit wala siyang maalala ay hindi naman siguro kasalanan ni Reeve ang pagkakaaksidente niya. Kakausapin na lang siguro uli niya si Reeve para malinawan siya sa inaakusa ng kanilang anak dito.
Niyakap na lang uli niya si Rainiel at hinagod-hagod ang likod nito. He was too young to understand the situation.
“Mommy, I thought I’d never see you again…” iyak pa rin nito. “I missed you so much, Mommy. I thought I was going to die without you.”
“Inay! Inay!”
Natigilan si Agatha. Natigil din sa pag-iyak si Rainiel. Napalingon ito sa pinto kung saan nakatayo si Sasa.
“Inay!” Tumakbo si Sasa palapit sa kama at agad na tumuntong sa upuan para maabot siya.
“Mag-iingat ka…” Agad niya itong inalalayan.
Nakatuntong naman ito nang maayos sa kama. Yumakap ito sa kanya. Rainiel was pushed aside.
“Inay, sabi ni Teacher Pogi, wala ka na sakit. Okay ka na, Inay?”
Dumagsa ang kirot sa dibdib ni Agatha. How could she forget about her situation with Niel and Sasa? Lalo na ang bata… Paano niya ipapaliwanag sa isang apat na taong gulang na bata na hindi siya ang nanay nito?
Lumapit si Johann sa kanila. “Ahm, Sasa, natandaan mo ang pinag-usapan natin bago kita dalhin sa inay mo?” marahang sabi nito.
Agad na lumungkot ang buong mukha ng bata. Her lips turned downwards. Tiningala siya ni Sasa. “Inay, hindi ka na uwi sa bahay natin? Sabi ni Teacher Pogi, inay kita pero sa heart lang. Iba daw inay ko talaga.”
Napalunok siya at napatingin sa kapatid.
“Inay, ayos lang kahit hindi kita inay talaga. Pero huwag ka na lang alis. Huwag mo `ko iwan.”
“S-Sasa…” Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Bakit nawala sa isip niya ang tungkol dito? Alam niyang kahit bumalik na ang kanyang alaala ay naging malapit talaga siya sa bata. Agatha saw Sasa as her real daughter. “P-pasensiya na, anak… Hindi na kasi ako puwedeng bumalik sa bahay.”
“My mommy’s coming home with us,” biglang singit ni Rainiel. Itinulak nito si Sasa.
“Rainiel!” saway ni Agatha sa anak. Mabuti na lang at nasalo niya si Sasa bago ito mahulog sa gilid ng kama.
“Sino ba siya, Mommy? Bakit tinatawag ka niyang ‘Inay’?” Kunot na kunot ang noo ni Rainiel.
Agad na lumapit sa kanila si Johann. “Rainiel, labas muna tayo.”
“No, Tito! I’ll stay with Mommy.”
Napabuntong-hininga si Agatha. How would she handle this? She didn’t think this through.
“Rainiel, while I was missing, napunta ako sa isang place. In there, I took care of Sasa. She’s Sasa.” Umupo na sa kabilang gilid niya si Sasa. Nakayakap na ito sa baywang niya habang nakasilip kay Rainiel na nasa kabilang gilid naman niya.
“Sasa, siya si Kuya Rainiel. Anak ko siya.”
Hindi ito pinansin ni Sasa. Sa halip ay tiningala siya. “Inay, sama na lang ako sa `yo,” sabi nito at nangilid ang luha sa mga mata.
“Bakit ka sasama sa `min? Hindi ka naman namin kapatid!” protesta ni Rainiel.
Pumalahaw ng iyak si Sasa. “Inay!”
Niyakap niya ito at binalingan ang anak. Mas matanda si Rainiel nang apat na taon kay Sasa. “Please, baby, be kind to Sasa.”
“Inay, `sama mo na lang ako. Huwag mo `ko iwan.”
“Stop calling her that!” Galit na si Rainiel. “Mommy is not your mommy!”
“Rainiel!” Mas matigas na ang boses ni Agatha sa pagsaway. “Is that a nice thing to say to a girl? Sasa is younger than you. Even younger than Riana.”
Kumunot ang noo ni Rainiel. “Pero, Mommy, hindi siya puwedeng sumama sa atin! Hindi mo naman siya anak! Epal `yan!”
Binuhat ni Johann si Rainiel. “Chill ka lang, boy. Chill. Hindi tayo ganyang mga lalaki. Hindi natin sinasabihan ng epal ang mga babae. Minamahal natin sila.”
“Titooo!” Pilit na kumakawala si Rainiel kay Johann. Patakbong lumabas ng kuwarto ang kapatid niya bitbit si Rainiel.
Agatha sighed. “Pasensiya ka na, Sasa…” malumanay niyang sabi. Hinaplos niya ang buhok nito. “Kung puwede lang, mananatili ako dito kasama ka.” She gently caressed her cheek. “Gusto rin kitang isama pero… paano ang itay mo? Wala siyang makakasama kapag isinama kita.”
“Bakit gano’n, Inay? Bakit hindi kita totoo inay? Bakit sinungaling si Itay?” Kumandong ito sa kanya at isinubsob ang mukha sa kanyang dibdib. “Inay, iwan ko na lang Itay kasi hindi siya sabi totoo. Ayoko na sa kanya, Inay. `Sama mo na lang ako,” umiiyak na sabi nito.
Ang bigat-bigat na ng dibdib ni Agatha. Kanina lang ay si Rainiel ang inaalo niya. Ngayon ay si Sasa naman.
Niyakap niya ito at inalo. Awang-awa siya sa sitwasyon nito. Walang kasalanan si Sasa sa mga nangyari pero magiging malaki ang epekto rito ng ginawa ni Niel.
Gusto pa ring pakinggan ni Agatha ang paliwanag ni Niel. Kung bakit sila nito niloko. Kung bakit itinago nito ang totoo. Marami siyang gustong itanong sa lalaki. But when she remembered her children, she just wanted to go home with them. Gusto na lang niyang kalimutan ang nangyari. But she knew she couldn’t. Hindi niya kaya dahil kay Sasa.
Mayamaya ay tumahan na si Sasa. Pagsilip niya ay tulog na ang bata. Agatha started to think of their situation. She could ignore Niel but she couldn’t just leave Sasa. Actually, she could. But she just wouldn’t do it.
Mayamaya pa ay pumasok na uli ang kapatid niya. Nasa tabi nito si Rainiel na mukhang kalmado na pero walang ekspresyon ang mukha. Bumalik na rin ang mga magulang nila at ang tatlo pa niyang anak.
“Hi, Mommy!” Lumapit sa kanya si Riana at umakyat sa kama. “Who is she, Mommy?” tanong nito habang nakatingin kay Sasa.
“She’s Sasa,” sagot niya. “When I was on v-vacation, I took care of Sasa. Wala na kasi siyang mommy.”
“Oh.” Hinaplos ni Riana ang buhok na natutulog na si Sasa. “Let’s play later once you woke up, Sasa.”
Napangiti si Agatha. Pagbaling niya sa mga magulang ay ipinapaliwanag na ni Johann sa mga ito ang tungkol kay Sasa.
Nasa dalawang stroller sina Adam at Rade—natutulog. Tiningnan niya si Rainiel at pinalapit niya sa kanya. Tahimik naman itong lumapit pero napansin niya ang pagtingin nito nang matalim kay Sasa.
“I’m sorry, baby. Ipapaliwanag ko na lang sa `yo ang lahat ng nangyayari. But please, be kinder to Sasa.”
Tumango lang si Rainiel pero wala pa ring ekspresyon ang mukha. Nang titigan niya ang anak, noon lang niya napansin na kamukhang-kamukha ito ni Reeve.
Speaking of Reeve… i nilibot niya ang tingin sa buong kuwarto. Kanina pa pala wala ang lalaki.
“Where’s Reeve?” curious na tanong niya.
“Kausap si… Niel,” her brother answered.
Namilog ang mga mata ni Agatha. “N-nandito si Niel?” Akala niya ay si Johann ang nagdala kay Sasa sa ospital. “A-ayos lang ba silang dalawa?” Biglang bumangon ang pag-aalala sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung para kanino. Para siguro sa dalawang lalaki.
Tumingin si Johann sa mga anak niya, pagkatapos ay sa mga magulang nila. Bumuntong-hininga ito.
“Ipakukulong daw ni Reeve si Daniel, Agatha. Dumating ang mga pulis kanina. Sa presinto sila nag-uusap ngayon. Hindi pa naman nagsasampa ng kaso si Reeve. Gusto raw muna niyang marinig ang rason ni Niel.”
KANINA pa tahimik sa buong interrogation room. May isang pulis na kasama sina Niel at Reeve.
Nang lumuhod si Niel at umiyak sa harap ni Reeve kanina, hindi niya ipagkakailang naawa siya sa lalaki. Suddenly, Reeve found himself pitying this man.
Pero pinili niyang magmatigas. Tumawag siya ng pulis na agad na rumesponde. He wanted to file a case against Niel immediately.
Pero tuwing malulunod na siya sa galit kay Niel, biglang magsusumiksik sa isip niya ang anak nito. If Niel was going to jail, who would take care of his daughter then?
Hindi niya itatangging gusto na lang niyang magpanggap na walang pakialam. But whenever he thought of Sasa, naiisip din niya ang apat niyang anak. What if they were the ones who got a dead mother and a father in jail?
“Hindi ka ba talaga magsasalita, Mr. Ebreo?” tanong ng pulis. “Ang gusto ni Mr. Monteverde ay paliwanag lang kung bakit itinago mo ang asawa niya.”
“Mali ang ginawa ko,” pag-amin ni Niel, nakayuko. “Tatanggapin ko ang pagkakakulong sa kasalanang nagawa ko. Patawarin n’yo ako.”
Kumuyom ang mga kamay ni Reeve. His jaws clenched. “Stop saying you’re sorry, Daniel. Bakit mo ginawa iyon?!”
Lalo itong napayuko. “M-makasarili ako. H-hindi ko inisip na may totoo siyang pamilya. I-inignora ko ang posibilidad na may mga anak din si Seline—”
“She’s Agatha. Agatha Monteverde,” tiim-bagang niyang sabi.
“Si A-Agatha… Alam kong mali ang lahat. Patawarin n’yo ako sa lahat ng ginawa ko. Wala akong ibang ginawa sa kanya. Inalagaan ko rin siya. Maniwala ka, Mr. Monteverde. N-naging mabuting ina siya sa anak ko. Kahit alam kong may mga pangamba siya, inalagaan pa rin niya ang anak ko.”
“Eight months, Ebreo. Eight months of insanity for me and my children!”
Tumango ito. “W-walang tuwid na rason para sa ginawa ko. Matatanggap ko ang magiging kabayaran ng panloloko ko. Nagmamakaawa lang ako, Mr. Monteverde.” Tumingin ito sa kanya, namumula ang mga mata sa pagpipigil ng luha. “Nakikiusap ho ako. Sana h-huwag n’yong ilayo sa akin ang anak ko. Si Sasa na lang ang mayroon ako.”
“Tingnan mo ang ginawa mong kalokohan, Ebreo,” sabi ng pulis. “May anak ka pang madadamay dahil sa ginawa mo. Dapat kasi ine-report mo agad sa amin ang tungkol kay Mrs. Monteverde at hindi lang `yong babaeng na-comatose.”
Masyadong malalim ang iniisip ni Reeve na hindi na niya napansin ang sinabi ng pulis.
Nahihiyang napayuko si Niel.
“Eh, patay na rin pala ang asawa mo. Kung gusto mo ng nanay para sa anak mo, bakit hindi ka na lang mag-asawa uli?”
Napansin ni Reeve ang pagkuyom ng kamay ni Niel. “Sino pa ho ba ang magkakamali sa lalaking isang kahig, isang tuka? At may anak na? Kahit ako, hindi ko pipiliin ang sarili kong pakasalan. Isa lang ho ang nagkamali at nawala pa siya.” Agad na gumuhit ang lungkot at pangungulila sa mga mata nito.
Napailing ang pulis. But Reeve could understand. What the hell?
“Ano ho ang desisyon ninyo, Mr. Monteverde? Itutuloy n’yo pa po ba ang pagsasampa ng kaso?”
“Kanino maiiwan ang anak mo?” seryosong tanong niya kay Niel. He kept on thinking about the little girl’s sake. May kasalanan ang ama nito. It was very clear that Niel was a desperate and helpless man. Pero sapat bang magpatawad siya, kalimutan ang lahat ng ito, at hayaan na lang si Niel na ipagpatuloy ang pagtataguyod nito nang mag-isa sa anak?
“Ipakikiusap ko na lang muna sa mga kapitbahay…” mahinang sagot ni Niel. “M-may kaunting naipon ako sa bangko para sa anak ko. Magagamit iyon ng mag-aalaga kay Sasa…”
Napansin ni Reeve ang lungkot at paghihirap sa mga mata ng kaharap. He didn’t know why. But as a father like Niel, he could understand his pain. Being away from his only child…
Something tugged at his heart. Nagtagis ang kanyang mga bagang at napatayo siya.
“Mr. Monteverde, may desisyon na po ba kayo?” tanong ng pulis at tumayo na rin.
He looked down at Niel. Nakatingala ito sa kanya, puno ng pagsisisi ang buong mukha para sa kasalanang i namin din naman nito. Pati takot para sa posibilidad na baka hindi na nito makasama ang anak. Niel humbly admitted his mistakes and was ready to face the consequen ces.
But was it enough reason for him to just… forgive?
“May gusto ka ba kay Agatha?” huling tanong niya.
Nag-iwas ng tingin si Niel. “Napakabuti niyang tao, lalo na sa pagiging ina. Natural sa kanya ang maging mapagmahal sa bata.”
“You didn’t answer my question,” he said coldly. “Do you like my wife?”
Hindi sumagot si Niel, bagkus ay mas napayuko lang ng ulo.
Napailing si Reeve. “Hindi kita ipakukulong,” pinal niyang desisyon.
Gulat na napatingala ito sa kanya. Maging ang kasama nilang pulis ay hindi rin makapaniwala.
Tumalikod na siya. “But I’ll file a restraining order against you. Hinding-hindi ka na makakalapit pa uli sa asawa ko. Kahit kailan.”
Reeve could choose to forgive. But forgiveness didn’t mean he would tolerate wrongdoings. He wouldn’t let Niel slide easily. Niel had to still suffer the consequences of his actions. Hindi nga lang ngayon dahil bata pa si Sasa.
Lumabas na siya ng presinto at sumakay sa kotse. In due time, he would make Niel pay.
At higit ang sisingilin niya rito.
NAGISING si Agatha kinabukasan sa tawa ng mga bata. Gumuhit ang ngiti sa mga labi niya nang makitang nagtatawanan sina Rainiel at Riana. Adam was playing with them too. Rade was quietly watching from his stroller.
Hindi agad siya bumangon. Hindi niya ipinaalam na gising na rin siya. Kontentong pinanood lang niya ang mga anak.
Later on, Reeve entered the room. “Hey, Mommy can go home. Her doctors said she’s okay to leave the hospital.”
“Yehey!” Riana cheered.
“Yey!” Adam cheered, too, raising two short arms.
Hindi kumibo si Rainiel.
Pumikit si Agatha at nagpanggap pang tulog. Narinig niya ang mga yabag ni Reeve. “What do you want for breakfast, mga anak?” May lambing ang baritonong boses nito.
“Pancakes!” Riana answered.
“Fruits, Daddy. Fruits,” sagot naman ni Adam.
“I’m not hungry,” walang siglang sagot ni Rainiel. “I’ll just wait for Mommy to wake up. Gusto ko kami ang sabay na magbe-breakfast.”
“Pero nag-i-sleep pa si Mommy, Kuya. Let’s join with Daddy na lang.”
“No. I don’t like to eat with Daddy!”
Dumilat na si Agatha at bumangon. Pagtingin niya kay Reeve ay malungkot ang mga matang nakatingin ito kay Rainiel.
“Rainiel…” tawag niya sa anak.
Mula sa pagsimangot ay napangiti ito at lumapit sa kanya. “Good morning, Mommy!” Umakyat ito sa higaan at hinalikan siya sa pisngi.
“Good morning, Mommy!” Riana sweetly greeted too.
“`Morning, Mommy!” Adam tried to greet.
Napatingin siya kay Reeve. Parang iniisip pa rin nito ang sinabi ni Rainiel.
“Good morning, Reeve.”
Napakurap ito at napabaling sa kanya. “Good morning, sweetheart.” Hindi ito lumapit sa kanya. Binuhat nito si Rade mula sa stroller. “I’ll just buy us breakfast. I’ll be back.”
“Daddy, I’ll come with you,” sabi ni Riana.
Pagkalabas ng mag-ama ay bumangon si Agatha sa higaan. Tumayo siya at nilapitan si Adam. Binuhat niya ito at hinalikan sa pisngi.
“Rainiel,” tawag niya sa panganay.
“Yes, Mommy?”
Umupo siya sa couch para magpantay sila ng anak. “Baby, I heard what you said earlier about Daddy. Rainiel, dapat hindi mo sinasabi iyon. You make Mommy sad, anak. Kahapon, rude ka kay Sasa. Ngayon, pati sa daddy mo.”
Lumabi ito at napayuko. “I’m sorry, Mommy.”
Inayos niya ang pagkakakandong ni Adam. Pagkatapos ay inabot niya ang pisngi ni Rainiel at masuyo iyong hinaplos.
“You say sorry to Daddy too.”
Tumango si Rainiel. Pero pagbalik ni Reeve bitbit ang mga biniling pagkain ay hindi ito pinansin ni Raniel.
Napabuntong-hininga si Agatha. Pagkatapos mag-almusal ay dumating ang mga magulang at kapatid niya.
Kinuha muna ng mga ito ang mga bata para mapaliguan at maayusan sa hotel na tinutuluyan ng mga ito. Naiwan uli sila ni Reeve na mag-isa sa kuwarto.
Inayos ni Reeve ang mga gamit nila.
“You can take a bath before we leave the hospital.”
Tumango si Agatha. Kukuha na sana siya ng damit pero inabutan na siya ni Reeve. Pati tuwalya at toiletries.
“Salamat,” nakangiting sabi niya.
Ngumiti rin ito. “Hihintayin kitang matapos bago tayo umalis.”
Tumalikod na si Agatha at dumeretso sa banyo. Pagkatapos maligo at mag-ayos ay lumabas siya ng banyo. Nakaupo si Reeve sa couch, may binabasang papeles.
He seriously sipped on his coffee. Hindi muna kumibo si Agatha pero nag-angat na agad ng tingin si Reeve sa kanya.
“You ready to go?”
Tumango siya. “Reeve…”
Tumayo ito at binitbit ang bag kung saan nakalagay ang mga gamit nila. “Hmm?”
“A-ano’ng nangyari sa pag-uusap ninyo ni Niel? Did you press charges?” Kahapon pa niya gustong itanong iyon nang magbalik ito. Pero masyado siyang naging abala sa kanyang mga anak para magkausap sila.
“I got a restraining order instead.”
Napakurap si Agatha. “Hindi mo siya ipapakulong?” Bakit parang lumuwag ang dibdib niya? Siguro ay masaya siyang hindi maiiwang mag-isa si Sasa. May mag-aalaga pa rin dito kahit… kahit wala na siya.
Reeve shrugged. “I don’t want to take away the only parent a child has. If Niel can rob my children of a parent, it doesn’t mean that I’ll do the same with Sasa.”
Sinipat ni Agatha ang mukha ni Reeve. Blangko iyon sa ekspresyon.
“Hindi na makakalapit si Niel sa `yo.”
Tumango lang si Agatha. “Pero puwede bang makita ko si Sasa kahit sandali lang? Para makapagpaalam?”
“Sure.” Reeve smiled.
“Ahm, Reeve, I need to ask you something.”
Lumingon ito sa kanya. “About what?”
“Bakit galit si Rainiel sa `yo? He keeps on telling me that you neglected us before the accident happened. That we barely see you and you don’t keep your promises. T-totoo ba ang lahat ng iyon?”
Humugot ito ng malalim na hininga. “Yes. It’s all true.”
Napakalungkot ng boses nito. Agatha, without thinking, stepped forward and gave Reeve a comforting kiss on the lips.