noveltoon logo noveltoon
Man And Wife (Wifely Duties 2)

Chapter 11

Ch. 12 / 28 Feb 09, 2022

Chapter Eleven

*A grief of a father

can never be understood by others,

but only by another father.*

HINDI alam ni Agatha kung paanong kilos ang gagawin tuwing tinitingnan siya ni Reeve. Naiwan silang magkasama sa hospital room dahil may inaasikaso raw ang kapatid niya.

“Do you want to eat?” Reeve kindly asked. Inilapit nito sa kanya ang mga pagkain.

She gently shook her head. “I-I’m okay…” Tiningnan lang niya ito. Ganoon din ang ginawa nito sa kanya.

Nagsalubong ang kanilang mga mata at masuyo siya nitong nginitian. “How about some fresh fruits?”

“Okay. T-thank you…” Nakatingin pa rin siya kay Reeve habang ipinagbabalat siya nito ng orange.

Gusto ni Agatha na maalala ang tunay na asawa. Kitang-kita niya sa mga mata ni Reeve ang pananabik tuwing titingnan siya. Ang kaso… hindi kapareho ng nararamdaman nito ang nararamdaman niya.

It was easy to believe that Reeve was telling the truth. Hindi ito nagpakita ng marriage certificate but he gave her pictures…

Napayuko siya sa ipinahiram nitong phone sa kanya. Nandoon ang mga litrato nilang magkasama.

She swiped left. She saw herself smiling while Reeve’s lips were on her cheek. She swiped for more pictures. May isang album si Reeve na puro siya at ito ang magkasama.

Bahagya siyang napangiti nang mapahinto sa picture kung saan nakapasan siya sa likod nito. Nakapikit si Reeve sa litrato habang nakangiti nang maluwang. While she… she was kissing his cheek…

Kanina pa niya tinitingnan ang album. Paulit-ulit na niyang nakikita ang mga litrato nilang dalawa.

There was also a photo of her in a wedding dress. Dalawang magkaibang wedding dress.

“Bakit magkaiba?” naibulong niya.

Narinig iyon ni Reeve kaya nakisilip din ito sa phone.

Their faces were inches apart. Awtomatiko ang ginawang paglayo ng kanyang katawan.

“Oh. We had two weddings,” Reeve answered. “Our first wedding was the formal one. The second was a surprise.”

“Dalawang beses tayong nagpakasal?” namamanghang tanong ni Agatha.

Tumango si Reeve. His charming smile lit up. “Yes.”

“Why did we do that? Ano’ng ipinagkaiba n’ong una sa pangalawa?”

“I married you for a business deal,” sagot nito, pagkatapos ay nilingon siya, nagniningning ang mga mata. “I married you again because I’ve fallen in love with you, sweetheart. Very much.”

Napakurap si Agatha. May lungkot na agad na lumukob sa kanyang dibdib.

Napatingin uli siya sa dalawang wedding pictures. They looked so happy and in love together. Kaya nga walang dudang si Reeve ang asawa niya.

But then… why couldn’t she remember him? Why couldn’t she feel the connection with him? She felt guilty.

Kitang-kita niya kay Reeve ang pagsuyo nito sa kanya. Pero bakit siya ay iba ang nararamdaman?

Bakit… bakit pati ang damdamin niya sa asawa ay parang nakalimutan niya?

Nahihiya lang din siyang sabihin kay Reeve na hindi siya kumportable tuwing tatabi ito sa kanya. Pero baka nararamdaman nito iyon dahil tumayo na ito at umalis sa tabi niya. Ipinagpatuloy nito ang pagbabalat ng prutas.

“P-pasensiya ka na…” sabi niya at ibinaba muna ang phone.

Nilingon siya nito. “Sorry for…?”

“H-hindi ko pa rin kasi maalala. Hindi pa rin kita maalala…” pag-amin niya. “Kahit anong titig ko sa pictures, I can’t recall anything about y-you…” malungkot niyang sabi.

“You don’t have to be sorry. It’s not your fault.” Iniabot nito sa kanya ang isang pinggan ng mga prutas. “Pagbalik natin sa Manila, pupunta tayo sa psychologist at psychiatrist para mapatingnan ka. Maybe you’ll have all your memories back eventually. Naalala mo naman si Johann at ang mga anak natin. That’s a good start already.”

Tumango si Agatha. Iyon nga rin ang inaasahan niya. Itinaas uli niya ang phone nito at tumingin pa ng ibang album doon.

Nang makita ang larawan ng mga anak ay agad na nangulila si Agatha. She excitedly scanned the whole album.

“Ang laki na ni Rade…” Ang naaalala niya ay wala pang isang taong gulang ang bunso niya. “And Adam, too!” she exclaimed. Now, that explained why she kept on producing breast milk kahit hindi naman na bine-breast-fed si Sasa. Her milk was meant for Adam and Rade. May mga sanggol pa siyang anak.

“Yes, they are. Adam speaks a lot too. And, Rade, he loves music like you do.”

“I miss them so much…” Nangilid ang luha ni Agatha. “How’s Rainiel and Riana?”

“They’re both excited to see you. They miss you so much.”

Agatha was looking forward to being with her children again. Nang mahulog siya sa bus noon, hindi niya akalain na makikita pa uli ang mga anak. Gusto na niyang yakapin, halikan, at buhatin ang mga ito!

Hindi tinigilan ni Agatha ang pagtingin sa pictures ng mga anak. She was so engrossed at looking at their photos na hindi niya napansin na nakatitig sa kanya si Reeve.

Pag-angat niya ng tingin ay nagsalubong ang mga mata nila. His lips slowly curved into a very loving smile. Reeve stepped forward and reached for her cheek.

“I’m beyond happy that you’re alive, sweetheart. And I can finally touch you again. Nakaharap sa `yo, nakakausap ka… The past months had been a crazy hell without you,” madamdaming sabi nito. “Hindi ako naniniwalang wala ka na. Kahit kailan hindi ako naniwalang basta ka na lang mawawala sa amin… sa akin.”

Napalunok si Agatha sa sobrang emosyong ipinapakita ni Reeve.

Nakita niya ang pagngilid ng luha sa mga mata ng lalaki. Yumuko ito nang bahagya at hinaplos-haplos ang kanyang buhok.

Inilayo niya ang ulo rito. Pinigilan naman niyang gawin pero kusa ang pagkilos ng kanyang katawan. Kanina pa niyon gustong lumayo at hindi niya maintindihan kung bakit.

Kung gaano siya hindi kakumportable kay Niel ay higit pa kay Reeve. Iyon ang lalong hindi niya maintindihan.

Reeve gave her all the proof that she was his wife and she believed him. Pero katulad ng tanong niya sa sarili kanina, bakit hindi siya makaramdam ng mas malalim na koneksiyon dito?

“Puwede ba akong magtanong?” sabi niya.

Lumayo na si Reeve sa kanya. Umupo ito sa paanan ng kama. “You can ask me anything, sweetheart.”

Sweetheart. So he was the one calling her that. Kahit paano ay may naaalala pala siya sa… asawa.

“B-bago ang aksidente, may pinag-awayan ba tayo o problema? Hindi ba tayo magkasundo?”

Iniisip niya na baka kaya kulang ang nadarama niyang koneksiyon kay Reeve ay dahil hindi maganda ang kanilang relasyon.

Kumunot ang noo nito, parang nag-iisip.

Nagawang pagmasdan ni Agatha ang mukha nito. Reeve was indeed handsome, just like the first time she saw him yesterday. Mula sa makapal na mga kilay na bumagay sa hugis ng mga mata nito, hanggang sa natural na haba ng pilik-mata, at matangos na ilong. His lower lip was fuller than his upper lip. His jaws were defined, which made his face look manly, regal, and very executive-looking.

Moreno rin si Reeve, katulad ni Niel. Well-built ang katawan na halatang hindi naman dahil banat sa mabigat na trabaho kundi dahil siguro alaga lang nito ang katawan. From head to toe, Reeve Monteverde reflected how rich and powerful he was.

Wait. Monteverde…? Hindi ba at iyon ang nakalagay sa singsing na akala niya ay pagmamay-ari ng babaeng inalagaan niya? At nasaan na pala ang babae? Ano ang nangyari sa pagtakas nito? Nahanap na ba ito?

Sino ba ang babae? Ang naaalala niya ay ‘Celina’ ang pangalan nito pero hindi na niya alam kung bakit nasangkot ito sa tumaob na bus. Tumaob pala ang bus na sinasakyan niya noon. But before the bus accident, she fell from the bus window first…

Pero bakit ba siya nahulog? Wala siyang maalala…

“We have no problem as far as I remember,” sagot na ni Reeve na siyang nagpabalik ng atensiyon niya rito. “Magkasundong-magkasundo tayo,” sabi pa nito. “Hindi tayo nag-aaway.”

Tumuwid ng upo si Agatha. How come what he said sounded so wrong to her?

“Hindi nag-aaway?” ulit pa niya. “Parang fantasy ang pagsasama natin, Reeve. Hindi makatotohanan. That’s not even healthy,” sabi niyang hindi niya alam kung saan nanggaling.

He shrugged. “I guess you’re too kind to start an argument.”

“That’s weak. I’m not weak.”

Why was she saying this all of a sudden? Saan nanggaling ang pahayag niyang iyon?

Napakunot-noo si Reeve. “Well, you’re not weak,” he disagreed. “Being kind is not weak.”

She agreed to that. However… “Being kind but wise is not weak. Being kind alone is,” she pointed out. “And if I’m truly wise before, I should have known the perfect time to raise concerns. If I always understand and not act on it, then that’s weak.”

Parang nagulat si Reeve sa pahayag niya. Maging si Agatha ay nagulat sa sarili. Where were the words coming from? Siya ba talaga ang nagsasalita? Why wouldn’t it stop?

“Don’t get me wrong,” pagpapatuloy pa niya. “There’s no problem with being kind and nice. But one has to be wise. Kindness with wisdom is a team. Because if she’s kind alone, she won’t even recognize who abuses her kindness. That’s kind of stupid, don’t you think?”

“Oh, sweetheart…” Parang hindi makapaniwala si Reeve na maririnig nito sa kanya ang mga sinabi niya. Well, Agatha never expected those words to come out from her mouth either.

Napakurap siya nang bigla itong ngumiti. “B-bakit? May nasabi ba akong mali?”

Umiling si Reeve. “I just… I’ve never heard you speak like this before with much conviction. I mean, you always share your thoughts and ideals with me. But always with calmness and gentleness. Pero ngayon ay matapang ang mga pahayag mo…” Napangiti na naman ito at napailing-iling. “Maybe… we did have some problems. Hindi naman nawawala iyon. We’d argue but never had a big fight.”

“Hindi kita inaaway?” So, she was not a nagging wife, she guessed.

Umiling ito. “At hindi rin kita maaaway. Hindi ko kayang makipag-away sa `yo. Kung mag-aaway tayo, agad akong susuko sa `yo. I can never imagine myself being mad at you.”

“I’m that… kind?”

Ngumisi ito. “You’re that loving, sweetheart. You bring out the best in me.”

“Ano’ng madalas nating ginagawa kapag magkasama?” she curiously asked.

“Kasama ang mga bata?”

“Hindi. Kahit tayong dalawa lang.”

Kumislap bigla ang kapilyuhan sa mga mata ni Reeve. His smile became playful.

Biglang nakaramdam ng hiya si Agatha sa klase ng ngiti nito. Her cheeks flushed. “W-why?”

“Why what?” Reeve was still grinning.

“B-bakit ganyan ang ngiti mo?”

“We kiss, we touch,” he said boldly. “We make love a lot.”

Napayuko si Agatha at tuluyan nang nakaramdam ng pagkapahiya. Why was Reeve too straightforward?

“T-that’s not what I mean,” depensa niya.

He chuckled sexily. “But that’s what we do together… a lot.”

That explained the four kids!

Napailing na lang si Agatha at itinago ang pag-iinit ng mga pisngi. “Pero ang ibig kong sabihin ay kung madalas ba tayong mag-usap? Pinag-uusapan ba natin ang mga problema at solusyon sa pamilya natin?”

Sumeryoso na si Reeve. But he didn’t answer.

“Don’t we talk? Don’t we listen to each other?” she asked curiously.

“W-we do.”

“Kung gano’n, malalim ang pagsasama natin?”

Tumango ito.

Then why couldn’t she feel anything towards him? Any romantic feeling? Any special connection like she had with her brother? Bakit… bakit hindi ito kasama sa mga nagbalik niyang alaala?

“We love each other, Agatha,” pahayag ni Reeve, ang mga mata ay masuyong nakatutok sa kanya. “Our love was gentle and quiet. Full of understanding. It’s… passionate and very promising.”

Tumango siya kahit hindi niya maintindihan. Dahil… hindi niya maramdaman.

Marahang umisod palapit sa kanya si Reeve. He tried to reach for her hand. Kaya lang, boluntaryo siyang pumiksi. Inilayo niya ang kamay kay Reeve.

He looked… rejected, hurt.

“I-I’m sorry…” hingi agad niya ng tawad. “I…”

“Hindi ka kumportable?”

Tumango siya bilang pag-amin. “Hindi ko alam kung bakit. Naniniwala akong asawa kita pero… Pasensiya na, Reeve. Hindi ko rin maintindihan kung bakit hindi ako kumportable maging sa `yo.”

“Maging sa `kin? Who was the first one?”

“Kay N-Niel…”

Nagtagis ang mga bagang nito. Tumango ito at tumayo. “Eat your fruits, sweetheart.”

Nakatalikod na sa kanya si Reeve. Napansin niya ang pagkuyom ng mga kamay nito. “Did he do something to you maliban sa pinaniwala ka niyang asawa ka niya?” he asked coldly.

“Wala naman.”

Tumango si Reeve pero hindi siya nilingon. Itinabi nito ang mga balat ng prutas, pati ang ginamit na kutsilyo.

An awkward silence filled the whole room. Walang gustong magsalita sa kanila. Mukha ring ayaw siya nitong iwan doon nang mag-isa.

Nabasag lang ang katahimikan nang may kumatok sa pinto. Reeve opened it.

“Mommy!”

“ Mommyyyyy !”

Napasinghap si Agatha.

Mula sa pinto ay nagtakbuhan palapit sa kanya sina Rainiel at Riana. They easily climbed up to her hospital bed.

Yumakap sa kanya nang mahigpit ang kanyang panganay. Yumapos din sa baywang niya ang anak na babae.

“Mommy, how are you? How was your vacation, Mommy?” Riana innocently asked.

Niyakap niya ang dalawang anak nang mahigpit na mahigpit. Kanina ay sa pictures lang niya nakita ang dalawa…

“Agatha?”

Napatingala siya at nakita ang mommy at daddy niya. Her mother was carrying Adam while her father was carrying Rade.

Tumahip nang mabilis ang puso ni Agatha nang makita ang mga anak.

“Mommy, I thought I’d never see you again…” Rainiel sobbed. “Mommy, let’s go home. I miss you so much. I want you back, Mommy… Mommy…”

Pinupog ni Agatha ng halik ang dalawa, una si Rainiel at pagkatapos ay si Riana. Pagkatapos ay si Rainiel uli. She enveloped them both in her arms.

Nang ilapit na sa kanya ang dalawa pang maliliit na anak na sina Adam at Rade ay napahagulhol na si Agatha.

These were her real children! And she instantly remembered and felt the love she had that was forever connected to them.

“Oh, my babies…” Napakasaya ng puso niya.

Naramdaman niya ang pagyakap din sa kanya ng mommy niya.

“Mommy…” tawag niya.

Nagtuluan na rin ang luha sa mga mata nito.

“Mommy!” Adam exclaimed. Nasa ibabaw na rin ito ng kama, sa pagitan nina Rainiel at Riana. “Miss you, miss you!”

“I’ve missed you too, Adam!” Ito naman ang niyakap niya at pinupog ng halik.

Her father embraced her too. Hindi na rin ito nagsalita. Ipinasa nito sa kanya si Rade na nakatitig lang sa kanya, parang kinikilala siya.

But when her youngest son smiled at her, Agatha cried harder. Hindi niya alam kung paano niya nagawang yakapin ang apat na anak, pero nagawa niya.

Iyon na ang pinakamasayang naramdaman niya mula nang mawalan siya ng alaala.

“A-are you all okay?” Pilit niyang pinatatag ang boses.

“Why are you crying, Mommy?” Riana asked.

“I’m just happy. Nakita ko na kasi kayo uli. Sorry, I was gone for a long time…”

“It’s okay, Mommy. You deserve a vacation. Daddy’s been taking care of us!”

“Mommy, never leave again, okay?” Rainiel said. “Let’s go home, Mommy. I wanna go home with you.”

Tumango siya at tumingin din sa mga magulang. They smiled at her.

“We’re all going home,” Agatha declared. Wala na siyang ibang iniisip ngayon kundi ang kanyang mga anak.

THIS was what he had been dreaming of—to see his children and Agatha reunited.

Tahimik na pinanood ni Reeve ang kanyang mag-iina. Agatha was crying but she looked the happiest in the room. His wife remembered their four children so well. Masaya siya. He was also close to tears. He was surprised that his in-laws brought the kids. Pero mas maganda na rin iyon.

Nakikita na uli niya ang mga ngiti ni Agatha habang kasama ang kanilang mga anak. Pero may kaunti siyang kirot na naramdaman sa dibdib.

She could not remember him…

But maybe she would. Soon. He would make sure that Agatha would get all the medical attention she needed. Gagaling din ang asawa niya. Matatandaan din siya nito. He would be positive about it. Sa ngayon, ang mahalaga ay natatandaan nito ang kanilang mga anak. At magkakasama na uli sila.

“Reeve.”

Napalingon siya sa pinto. Nakabukas iyon at nakasilip si Johann.

“Puwedeng lumabas ka muna? May sasabihin ako,” seryoso nitong sabi.

Ang buong atensiyon ni Agatha ay nasa mga anak nila. Ganoon din ang mga bata. Nagpaalam na lang siya sa mga biyenan niya.

Paglabas ay agad siyang hinarap ni Johann.

“Ano’ng plano mo kay Niel?” tanong nito, seryosong-seryoso.

“Ipakukulong ko siya, ano pa ba?” pigil ang galit na sabi niya. “Imagine what he stole from my children, from me? Months without Agatha!”

Kalmadong tumango lang si Johann. “Nasa reception siya ngayon at kasama ang— Reeve, uy, sandali!”

Agad na niyang nilagpasan ang bayaw. He could not remember the last time he got furiously mad. Malalaki ang hakbang na nagpunta siya sa reception.

There was a man standing by. He instantly knew that it was the son of a bitch who took advantage of his wife’s condition.

Mas binilisan ni Reeve ang paglalakad palapit. His fist was ready to land on the sick bastard’s face.

Napatingin ang lalaki sa kanya at agad na bumaha ang takot sa mga mata nito. The man better be afraid of what he could do to him! Sisiguruhin niyang mabubulok sa kulungan ang sira-ulong `to!

Reeve was about to punch the man when he heard a little girl’s voice.

“Itay, nandito si Inay? Gusto ko na kita siya. Hindi pa siya uwi…” The little girl cried.

Napakurap si Reeve at naibaba ang kamao. Napayuko siya sa batang babae.

“Itay, gusto ko na kita si Inay. Uwi na natin siya. Miss ko na si Inay…”

“Sasa…”

Hindi alam ni Reeve kung ano ang nangyari sa kanya. His anger died down all of sudden.

Nilapitan niya ang bata, niyuko. “Hello, darling.”

Napatingin ito sa kanya.

“Come, I’ll take you to your mom.” What the fuck, Reeve?

Nagningning ang mga mata ng bata. “Talaga po, Manong?” Bigla itong kumapit sa kamay niya. “Alam n’yo po kung nasa’n inay ko po?”

Tumango siya at nginitian pa ito. Ano ang ginagawa niya?! Bakit… bakit siya naaawa?

“Ikaw lang ang puwede kong dalhin.”

“Sige po!” Nilingon nito si Niel. “Itay, dito ka lang. Hintay mo `ko.”

Tumalim ang tingin niya sa lalaki. Yumuko ito at hindi nagsalita.

“Reeve, ano ba’ng—” Natigilan si Johann nang mahabol siya.

“Teacher Pogi!” tawag dito ng batang babae.

“Hello, Sasa. Halika, punta ka muna sa inay mo.”

Agad na sumama ang bata rito. Pagkaalis ng dalawa ay hinarap uli niya si Niel.

Kumuyom uli ang mga kamay niya at nagtagis ang mga bagang. “You’re going to rot in jail, you bastard.”

Sa pagkagulat niya ay lumuhod ito sa harap niya! “Patawad… patawarin mo `ko. Patawad, patawad…”

“Alam mo ba ang ipinagkait mo sa mga anak ko? Alam mo ba kung ano ang ninakaw mo sa kanila?!”

Pinagtitinginan na sila ng mga taong dumaraan sa reception area ng ospital.

Reeve froze when Niel cried in front of him.

“Patawad, patawad…” paulit-ulit na sabi nito. Halos isubsob na nito ang noo sa sahig dahil sa pagkakayuko. “Patawarin n’yo ako…”